Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos App

Pakinggan ang tinig ng Diyos at salubungin ang pagbabalik ng Panginoong Jesus!

Hinihikayat namin ang mga naghahanap ng katotohanan na kontakin kami.

Sumunod sa Cordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Laki ng Font

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

0 (Mga) Resulta ng Paghahanap

Walang nakitang mga resulta.

470 Mamuhay Ayon sa mga Salita ng Diyos upang Mabago ang Iyong Disposisyon

1 Dapat mo munang ayusin ang lahat ng kaguluhan sa loob ng iyong sarili sa pamamagitan ng pananalig sa Diyos. Wakasan mo na ang iyong napababang mga disposisyon at kayanin na tunay na maunawaan ang iyong sariling mga kalagayan at alamin kung paano mo dapat gawin ang mga bagay-bagay; panatilihin mo ang pagsasalamuha sa anumang bagay na hindi mo nauunawaan. Ito ay hindi katanggap-tanggap para sa iyo na hindi mo kilalanin ang iyong sarili. Hilumin mo muna ang iyong sariling karamdaman, at sa pamamagitan ng pagkain at pag-inom ng Aking mga salita nang higit pa, pagbubulay-bulay sa Aking mga salita, isabuhay ang buhay at gawin ang mga bagay-bagay ayon sa Aking mga salita; kung ikaw man ay nasa tahanan o nasa iba mang lugar, dapat mong hayaan ang Diyos na gumamit ng kapangyarihan sa loob mo. Iwaksi ang laman at ang pagiging likas. Laging hayaan ang mga salita ng Diyos na magkaroon ng kapamahalaan sa loob mo. Hindi kailangang mag-alala na ang iyong buhay ay hindi nababago; dahan-dahan mong mararamdaman na ang iyong disposisyon ay nabago na nang malaki.

2 Ang susi ngayon ay ang tumuon sa buhay, kumain at uminom ng higit pa ng Aking mga salita, danasin ang Aking mga salita, alamin ang Aking mga salita, gawin ang Aking mga salita na tunay na maging iyong buhay —ito ang pangunahing bagay. Maaari bang ang buhay ng isa na hindi kayang mabuhay sa pamamagitan ng mga salita ng Diyos ay gumulang? Ikaw ay dapat na mabuhay sa pamamagitan ng Aking mga salita sa lahat nang sandali. Sa buhay, ang Aking mga salita ang dapat na maging panuntunan ng iyong asal. Sasanhiin ng mga ito na iyong maramdaman na ang paggawa ng mga bagay-bagay sa isang tiyak na paraan ay siyang kinalulugdan ng Diyos, at ang paggawa ng mga bagay-bagay sa isa pang paraan ang siyang kinamumuhian ng Diyos; dahan-dahan, ikaw ay makararating sa paglakad sa tamang landas.

Hango sa “Kabanata 22” ng Mga Pagbigkas ni Cristo sa Pasimula sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Sinundan:Ang mga Bunga ng Pagpapatahimik sa Iyong Puso sa Harap ng Diyos

Sumunod:Sabihin ang Nasa Puso Mo sa Panalangin upang Mapasaiyo ang Gawain ng Banal na Espiritu

Baka Gusto Mo Rin