291 Sino ang may Kakayahang Kilalanin ang Diyos Pagdating Niya?

Sa mata ng Diyos, tao’ng pinuno ng lahat ng bagay.

Sila’y binigyan ng Diyos ng mga awtoridad,

na pamahalaan lahat sa lupa, damo sa mga bundok,

nilalang sa gubat, isda sa mga dagat.


Ngunit sa halip na’ng lahat ng ito’y magpasaya sa tao,

tao’y puno ng kabalisahan. Buhay nila’y puno ng dalamhati.

Walang bago, kasiyaha’y dagdag sa kahungkagan.

Walang nakayang magpalaya ng sarili,

walang nakalaya sa hungkag na buhay.

Walang nakatuklas ng may kahulugang buhay,

walang nakaranas ng tunay na buhay.

Lahat ng mga relihiyon, lipunan,

at bansa alam ang kahungkagan sa lupa.

Hanap nila ang Diyos at hinihintay Kanyang pagbabalik.

Nguni’t sino’ng kayang kilalanin Siya sa pagdating Niya?


Tao ngayo’y buhay sa ilaw ng Diyos,

nguni’t ‘di alam buhay sa langit.

Kung Diyos ay ‘di maawain at ‘di nagliligtas,

walang kabuluhan ang buhay ng tao sa lupa.

Walang ipagmamalaki, walang kabuluhang lilisan.

Lahat ng mga relihiyon, lipunan,

at bansa alam ang kahungkagan sa lupa.

Hanap nila ang Diyos at hinihintay Kanyang pagbabalik.

Ngunit sino’ng kayang kilalanin Siya sa pagdating Niya?


Hango sa Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Mga Salita ng Diyos sa Buong Sansinukob, Kabanata 25

Sinundan: 290 Hindi Kailanman Nagbago ang Plano ng Diyos

Sumunod: 292 Hindi Alam ng mga Tao ang Pagliligtas ng Diyos

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

147 Awit ng Taos-pusong Pagkapit

ⅠNarito ang Isa, S’ya ay D’yos sa katawang-tao.Wika’t gawa N’ya, lahat katotohanan.Dunong N’ya at pagkamat’wid ay aking mahal.Nakita’t...

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito