Hinihikayat namin ang mga naghahanap ng katotohanan na kontakin kami.

Sumunod sa Cordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Laki ng Font

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

0 (Mga) Resulta ng Paghahanap

Walang nakitang mga resulta.

503 Ang Susi sa Pagsunod sa Diyos ay Tanggapin ang Pinakabagong Liwanag

1 Kung hindi mo magawang tanggapin ang bagong liwanag ng Diyos, at hindi mo maiintindihan ang lahat ng ginagawa ng Diyos ngayon, at hindi mo ito hinahanap, o pinagdududahan man ito, binibigyan ito ng paghatol, o pinag-aaralan at sinusuri ito, samakatuwid wala kang isipang handang tumalima sa Diyos. Kung, sakaling ang liwanag ng ngayong kasalukuyan ay sumisilay, pinahahalagahan mo pa rin ang liwanag ng kahapon at sinasalungat ang bagong gawain ng Diyos, kung gayon wala kang ipinagkaiba sa isang katatawanan, ikaw ay isa sa mga yaon na sinasadyang salungatin ang Diyos. Ang susi sa pagtalima sa Diyos ay ang pagpapahalaga sa bagong liwanag, at makayang tanggapin ito at maisagawa. Ito lamang ang tunay na pagtalima.

2 Silang mga walang kahandaang mauhaw sa Diyos ay walang kakayahan na magkaroon ng isipang tumalima sa Diyos, at kaya lamang nilang sumalungat sa Diyos dahil sa kasiyahan sa kasalukuyang kalagayan. Silang mga walang kahit kaunting pagtalima sa Diyos, na kumikilala lamang sa pangalan ng Diyos, at may kaunting pakiramdam sa pagmamahal at pagiging kaibig-ibig ng Diyos gayunman ay hindi sumasabay sa mga yapak ng Banal na Espiritu, at hindi tumatalima sa kasalukuyang gawain at mga salita ng Banal na Espiritu—ang ganyang mga tao ay nabubuhay sa gitna ng awa ng Diyos, at hindi makakamit at magagawang perpekto ng Diyos.

Hango sa “Sa Inyong Pananampalataya sa Diyos Dapat Kayong Sumunod sa Diyos” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Sinundan:Ang Gawain ng Banal na Espiritu ay Aktibong Pinasusulong ang Tao

Sumunod:Ang Landas ng Matagumpay na Pananampalataya sa Diyos

Baka Gusto Mo Rin