681 Ang Kasalukuyang Salita ng Diyos Lamang ang Maaaring Magperpekto sa Tao

1 Sa ngayon, ang landas na nilalakaran ng Banal na Espiritu ay ang mismong mga salita ng Diyos. Kaya, para malakaran ito ng isang tao, kailangan niyang sumunod, at kumain at uminom ng mga salita mismo ng Diyos na nagkatawang-tao. Ginagawa Niya ang gawain ng salita, at ang lahat ay nagsisimula sa Kanyang salita, at ang lahat ay itinatatag mula sa Kanyang salita, sa Kanyang mismong salita. Maging ito man ay ganap na walang mga pag-aalinlangan tungkol sa Diyos na nagkatawang-tao o ang pagkakilala sa Kanya, kailangang maglaan ang isang tao ng ibayong pagsisikap sa Kanyang salita. Kung hindi, ang sangkatauhan ay hindi makagagawa ng kahit anuman, at walang matitira sa kanyang anuman.

2 Tanging sa pamamagitan ng pagkilala sa Diyos at pagpalugod sa Kanya sa saligan ng pagkain at pag-inom ng Kanyang salita na unti-unting maitatatag ng isang tao ang isang maayos na ugnayan sa Kanya. Ang pagkain at pag-inom sa Kanyang salita at ang pagsasagawa sa mga ito ay ang pinakamahusay na pakikipagtulungan sa Diyos, at ito ang uri ng pagsasagawa ng pinakamahusay na pagsasaksi bilang isa sa mga tao Niya. Kapag nauunawaan ng isang tao at nagagawa niyang sundin ang diwa ng salita mismo ng Diyos, siya ay nabubuhay sa landas na pinangungunahan ng Banal na Espiritu at nakapasok siya sa tamang landas ng pagpeperpekto ng Diyos sa tao.

Hango sa “Yaong mga Nabago Na ang Disposisyon ay Yaong mga Nakapasok Na sa Realidad ng mga Salita ng Diyos” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Sinundan: 710 Magpapakita sa Iyo ang Diyos Kung Tatayo Kang Saksi sa mga Pagsubok

Sumunod: 682 Ang Masubok ng mga Salita ng Diyos ay ang Mabiyayaan

Madalas nang mangyari ngayon ang mga sakuna. Paano natin masasalubong ang Panginoon at paano tayo maililigtas ng Diyos bago ang malalaking sakuna? Magkasama tayong magsiyasat upang mahanap ang landas.
Makipag-ugnayan sa Amin
Kontakin Kami Gamit ang Messenger

Kaugnay na Nilalaman

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito