142 Palagi Naming Pananatilihin ang Pag-ibig ng Diyos sa Aming Isipan

Sa paggawa sa katawang-tao, nagdusa Ka ng sakit at kahihiyan.

Ang mga makamundong tao ay sinisiraan at kinukutya ang Iyong mga paraan.

Isinusumpa at pinaparatangan Ka ng mga relihiyosong grupo.

Hinabol ng pulang dragon, hinamak ng kapanahunang ito.

Tahimik na nagtitiis habang ipinahahayag ang mga katotohanan,

ginagawa ang lahat ng ito dahil nais Mong iligtas ang tao.

Bagama’t inosente, tinitiis Mo ang pagbibintang at pagsalungat.

Banal ngunit nasa gitna ng mga makasalanan upang iligtas ang tao.

Ibinibigay Mo nang walang pagsisisi ang katotohanan, ang buhay sa sangkatauhan.

O Diyos, Ikaw ay labis na kaibig-ibig.

Ang Iyong mga salita ng buhay, nasa aming mga puso magpakailanman.

Inaalala ang Iyong kahilingan,

nagpapatotoo kami sa Iyong ebanghelyo ng kaharian.

Tutuparin namin ang aming tungkulin,

magpapatotoo nang maganda at matindi para sa Iyo.

Iniibig Kita sa aking puso, o Diyos,

pananatilihin ko rin ang Iyong pag-ibig sa aking isipan magpakailanman.


Sa pagkain, pag-inom ng Iyong mga salita, natututo kami ng mga katotohanan,

nakikita ang ugat ng kasamaan at bisyo ng mundo,

nakikilala na ang katotohanan ay mahalaga, nagdurusa upang makamit ito;

ang pagkakaroon ng kaligtasan ng mga huling araw ay Iyong biyaya.

Ibinibigay Mo nang walang pagsisisi ang katotohanan, ang buhay sa sangkatauhan.

O Diyos, Ikaw ay labis na kaibig-ibig.

Ang Iyong mga salita ng buhay, nasa aming mga puso magpakailanman.

Inaalala ang Iyong kahilingan,

nagpapatotoo kami sa Iyong ebanghelyo ng kaharian.

Tutuparin namin ang aming tungkulin,

magpapatotoo nang maganda at matindi para sa Iyo.

Iniibig Kita sa aking puso, o Diyos,

pananatilihin ko rin ang Iyong pag-ibig sa aking isipan magpakailanman.


Lumalakad Ka sa gitna ng mga iglesia at namumuhay kasama ng tao.

Sa pagkakita sa aming paghihimagsik, Ikaw ay nasasaktan at nalulungkot din.

Ang aming tayog na parang bata ay nagdudulot sa Iyo ng mga gabing di-makatulog.

Nasabi Mo na ang lahat at nagsumikap upang iligtas ang tao sa madaling panahon.

Ang mga salitang Iyong sinasabi ay maaaring malupit sa aming pandinig,

ngunit tinutulungan kami ng mga ito na makilala kung sino na kami.

Ang Iyong paghatol at mga pagsubok ay nililinis ang katiwalian ng tao.

Ang Iyong paghatol ay isang pagpapala at pag-ibig.

Sa pagpapasailalim sa paghatol ng Iyong mga salita

at pagpapasailalim sa pagkastigo ng Iyong mga salita,

natututuhan namin ang katotohanan, nakikilalang Ikaw ay matuwid, banal.

Nagbago ang lumang disposisyon, ramdam din namin ang Iyong pag-ibig.

O Diyos, Ikaw ay labis na kaibig-ibig.

Ang Iyong mga salita ng buhay, nasa aming mga puso magpakailanman.

Inaalala ang Iyong kahilingan,

nagpapatotoo kami sa Iyong ebanghelyo ng kaharian.

Tutuparin namin ang aming tungkulin,

magpapatotoo nang maganda at matindi para sa Iyo.

Iniibig Kita sa aking puso, o Diyos,

pananatilihin ko rin ang Iyong pag-ibig sa aking isipan magpakailanman.

Sinundan: 141 Pananabik sa Makapangyarihang Diyos

Sumunod: 143 O Diyos, ang Aking Puso ay Nakadikit sa Iyo Magpakailanman

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

418 Ang Kahulugan ng Dasal

ⅠAng panalangin ay isa sa mga paraankung paano nakikipagtulungan ang tao sa Diyos,upang tumawag sa Kanyang Espiritu at maantig ng...

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito