Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos App

Pakinggan ang tinig ng Diyos at salubungin ang pagbabalik ng Panginoong Jesus!

Hinihikayat namin ang mga naghahanap ng katotohanan na kontakin kami.

Sumunod sa Cordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Laki ng Font

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

0 (Mga) Resulta ng Paghahanap

Walang nakitang mga resulta.

`

Oh Diyos, ang Aking Puso ay Magpakailanma'y Nakadikit sa Iyo

I

Ang Iyong mga salita'y nagbibigay sa akin ng buhay.

Ako'y itinataas ng Iyong mga salita.

Oh Diyos, mamahalin Kita magpakailanman!

Kahit ako'y masama,

Ginagawa Mo lahat na makakaya Mo

upang iligtas ako't 'di kailanman pinababayaan.

Kahit na tangkaing ikubli, tangkaing magkunwari,

Ika'y di ko malilinlang o mapagtataguan.

O Makapangyarihang Diyos! Makapangyarihang Diyos!

Saan Ka man pumunta, puso ko'y nakatali sa puso Mo.

II

Ang Iyong mga salita'y nagbibigay sa akin ng buhay.

Ako'y itinataas ng Iyong mga salita.

Oh Diyos, mamahalin Kita magpakailanman!

Ga'no man kahirap ang daan,

dahil kasama Kita, tiyak na mararating ko ang dulo.

Ga'no man kasalungat ang gawa Mo sa paniniwala ng tao,

nakikita Kita na Diyos Mismo, hindi kailanman nagbabago.

O Makapangyarihang Diyos! Makapangyarihang Diyos!

Saan Ka man pumunta, mga salita Mo'y nakaukit sa puso ko.

III

Ang Iyong mga salita'y nagbibigay sa akin ng buhay.

Ako'y itinataas ng Iyong mga salita.

Oh Diyos, mamahalin Kita magpakailanman!

May isang hininga man ako,

ito'y ihihinga ko na huling sumaksi sa'Yo.

'Di Mo man pinuri ang pag-ibig ko sa'Yo,

panata ko pa ring hiyain ang kaaway, si Satanas.

O Makapangyarihang Diyos! Makapangyarihang Diyos!

Saan Ka man pumunta,

nakabaon nang malalim sa puso ko ang pag-ibig Mo.

IV

Ang Iyong mga salita'y nagbibigay sa akin ng buhay.

Ako'y itinataas ng Iyong mga salita.

Oh Diyos, mamahalin Kita magpakailanman!

Kung kinuha mo ang aking kapalaran,

aawit pa rin ako ng papuri Mo araw-araw

sa pagkastigo sa akin.

'Pinadala Mo man ako kay Satanas,

bibigyang papuri pa rin Kita,

pupurihin ang karunungan ng gawa Mo.

O Makapangyarihang Diyos! Makapangyarihang Diyos!

Saan Ka man pumunta, mananatili kailanman sa'Yo ang puso ko.

O Makapangyarihang Diyos! Makapangyarihang Diyos!

Saan Ka man pumunta, mananatili kailanman sa'Yo ang puso ko.

Sa Iyo, sa Iyo. Sa Iyo.

mula sa Sumunod sa Cordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin

Sinundan:Ang Pag-ibig ng Diyos ay Mananatili sa mga Tao Magpakailanman

Sumunod:Mahalin ang Diyos ang Aking Nais

Baka Gusto Mo Rin