97. Bakit Ba Ako Natatakot Umako ng Responsabilidad sa Aking Tungkulin?

Ni Abby, Hapon

Ako noon ang namamahala sa gawain ng pagdidilig sa aming iglesia. Isang araw, lumapit sa akin ang aming lider at sinabi na inihahanda niya ako upang italaga sa pamamahala sa gawain ng paggawa ng pelikula. Nabigla ako: Naging responsable ako sa gawain ng paggawa ng pelikula isang taon na ang nakalilipas, ngunit ang pagkasabik ko sa agarang tagumpay ay nagdulot ng mga hadlang, at sa huli ay tinanggal ako. Kung itatalaga nila ako sa pamamahala ng gawaing ito ngayon, kaya ko nga ba itong pangasiwaan? Ang pamamahala sa gawain ng paggawa ng pelikula ay nangangailangan ng higit pa sa kakayahang gawin ang gawain—kinakailangan nito ang kaalaman sa iba’t ibang kaugnay na bagay. Napakaraming kakulangan sa kadalubhasaan ko; ang mga abilidad at kakayahan ko ay katamtaman lamang. Kapag tumuloy akong gawin ang gawaing ito, at nabigo akong magkaroon ng mga resulta, ano ang gagawin ko? Alam kong hindi ko pwedeng tanggapin ang tungkuling ito. Sinabi ko sa lider kung paanong natanggal ako sa tungkuling ito noon, at kung bakit iyon nangyari, at binigyang-diin ko na hindi ganoon kahusay ang kakayahan ko at ang abilidad ko sa gawain. Ipinahiwatig ko na ayaw kong tanggapin ang tungkulin. Akala ko, kapag narinig niya ang mga sinabi kong ito ay ibang tao na ang isasaalang-alang niya para sa posisyon. Ngunit may ginawa ang lider na hindi ko inaasahan: Nakipagbahaginan siya sa akin, hiniling na suriin ko ang mga aral na natutunan ko sa aking nakaraang kabiguan, at sinabi niya sa akin na gampanan ko nang maayos ang tungkuling ito sa pamamagitan ng pagsandig sa Diyos. Naguluhan ako. Alam ko na may pahintulot ako mula sa Diyos na gampanan ang tungkuling ito; na dapat ko itong tanggapin at dapat akong magpasakop. Ngunit natatakot ako na kung tatanggapin ko ito at hindi ko ito magagawa nang maayos, mabubunyag at matatanggal ako. Pagkatapos ko itong pag-isipan, nagpasya akong magpakatapang at tanggapin ang tungkulin. Ngunit ang pag-iisip na mamahala sa gawain ng paggawa ng pelikula ay nagdulot ng takot sa akin. Ang sister na namahala bago ako ay hindi mas mababa ang abilidad at kakayahan kumpara sa akin—kung hindi niya ito nagampanan nang maayos noon, paano ko ito magagawa? Naisip ko ang gawain ng pagdidilig na ginagawa ko noon: Hindi ito ganoon kahirap, at ang mga resulta na nakukuha ko ay hindi naman masama. Mas mababa ang tsansang mabigo kung ipagpapatuloy ko na lang ang paggawa ng tungkuling iyon. Ibang-iba ang pagganap sa gawain ng paggawa ng pelikula: Napakahirap nito para sa akin, at nakagawa na ako ng ilang pagsalangsang nang gawin ko ito noon. Kung hindi ko ito magagawa nang maayos ngayon, at magdudulot ako ng anumang paggambala o kaguluhan, natatakot akong baka ako ay itiwalag. Nasa pagitan ako ng dalawang nag-uumpugang bato. Habang lalo ko itong iniisip, mas lalo akong napipigilan. Kahit na pumayag akong gawin ito, patuloy ko itong ipinagpaliban sa kadahilanang hindi pa naipapasa sa iba ang gawain ng pagdidilig. Alam ko na hindi tama ang kalagayang ito, kaya nagdasal ako sa Diyos, hiniling ko sa Kanya na gabayan ako upang maunawaan ko ang aking sarili, at tulungan akong baguhin ang kalagayang ito.

Pagkatapos kong magdasal, nabasa ko ang ilang salita ng Diyos: “Noong gumawa si Noe ayon sa tagubilin ng Diyos, hindi niya alam kung ano ang mga layunin ng Diyos. Hindi niya alam kung ano ang gustong maisakatuparan ng Diyos. Binigyan lang siya ng Diyos ng kautusan at binilinan siyang gumawa ng isang bagay, at nang walang gaanong paliwanag, tumuloy si Noe at ginawa ito. Hindi niya sinubukang alamin ang mga pagnanais ng Diyos nang palihim, ni hindi siya lumaban sa Diyos o nagpakita nang kawalang-katapatan. Humayo lamang siya at ginawa ito nang may malinis at simpleng puso. Anuman ang ipinagawa ng Diyos ay ginawa niya, at ang pagpapasakop at pakikinig sa salita ng Diyos ang nagpalakas ng kanyang paniniwala sa kanyang ginawa. Ganito katapat at kasimple ang pagharap niya sa ipinagkatiwala ng Diyos. Ang kanyang diwa—ang diwa ng kanyang mga paggawa ay pagpapasakop, hindi pagdadalawang-isip, hindi paglaban, at higit pa rito, hindi pag-iisip ng mga pansarili niyang kapakanan o pakinabang at kawalan. At noon pang sinabi ng Diyos na gugunawin Niya ang mundo sa pamamagitan ng isang baha, hindi tinanong ni Noe kung kailan o kung anong mangyayari sa mga bagay-bagay, at tiyak na hindi niya tinanong ang Diyos kung paano Niya gugunawin ang mundo. Gumawa lang siya ayon sa tagubilin ng Diyos. Sa paano mang paraan nais ng Diyos na gawin ito at kung sa ano gawa ito, ginawa niya mismo ang hiningi ng Diyos at kaagad na sinimulan ang paggawa. Kumilos siya alinsunod sa mga tagubilin ng Diyos nang may saloobing nagnanais na magbigay-kasiyahan sa Diyos. … Nagpasakop lamang siya, nakinig, at ginawa ang ipinag-uutos(Ang Salita, Vol. II. Ukol sa Pagkakilala sa Diyos. Ang Gawain ng Diyos, ang Disposisyon ng Diyos, at ang Diyos Mismo I). Naantig ako sa saloobin ni Noe sa atas ng Diyos. Noong ipagkatiwala kay Noe ang atas ng Diyos, hindi niya alam kung ano ang layunin ng Diyos. Ngunit hindi siya nagduda, tumanggi o nag-isip-isip sa kahilingan ng Diyos, hindi siya nagdahilan upang hindi ito gawin. Basta sumunod at nagpasakop na lang siya, at ginawa niya ang iniutos ng Diyos. Hindi siya tumigil upang pag-isipan ang sarili niyang mga pakinabang o kawalan, bagkus ibinigay niya ang lahat ng kanyang makakaya upang matugunan ang kahilingan ng Diyos at matapos ang ibinigay na gawain ng Diyos. Nang maisip ko ang sarili kong saloobin sa aking tungkulin, labis akong nahiya. Nang sabihin sa akin ng lider ang kanyang mga plano na ipagkatiwala sa akin ang pamamahala sa gawain ng paggawa ng pelikula, nagsimula akong mag-isip-isip at maging maingat sa aking puso. Inisip ko na ang gawain ng paggawa ng pelikula ay napakahirap, at ang kahit kaunting kapabayaan ay magdudulot ng pagkabunyag ko, kaya nais kong takasan ang tungkulin ko. Nang gawin ko ang tungkuling ito noon, hindi ko ito nagampanan nang maayos—higit pa nga itong dahilan kung bakit dapat ay tinanggap ko ito ngayon nang may pasasalamat sa aking puso, kung bakit dapat ay isinaalang-alang ko ang mga layunin ng Diyos habang tinutupad ito, at bumawi ako para sa nakaraan kong pagkakautang. Ngunit inisip ko lamang ang sariling kong mga interes. Pinaghinalaan ko ang Diyos at nag-ingat ako laban sa kanya, pakiramdam ko ay para bang nais ng Diyos na pagkaitan ako ng mga pagkakataon sa hinaharap at ng kapalaran sa pamamagitan ng pagbibigay sa akin ng tungkuling ito. Nakita kong wala akong konsensiya o katwiran. Noong normal pa ang mga bagay-bagay at wala pang mga problema sa buhay ko, isinigaw ko ang aking kahandaan na magpasakop sa Diyos at tugunan ang Kanyang kalooban. Subalit noong nais na Niyang umako ako ng responsabilidad, nagsimula akong isipin ang sarili ko, hindi ako nagpakita ng kahit katiting na pagpapasakop. Habang mas iniisip ko ito, mas lalo akong nahihiya, at nagpasya akong hindi ko na iiwasan ang aking tungkulin. Gayunpaman, mayroon pa ring pinapasan ang aking puso na mga alalahaning hindi pa lubos na nawawala, kaya patuloy akong nagdasal sa Diyos, naghahanap ng mga kasagutan na maaaring makatulong sa akin upang malutas ang problemang ito.

Isang araw, sa mga debosyonal, may nakita akong isang sipi ng mga salita ng Diyos na nagbigay sa akin ng pang-unawa sa aking kalagayan. Sabi ng Makapangyarihang Diyos: “Natatakot ang ilang tao na umako ng responsabilidad habang ginagampanan ang kanilang tungkulin. Kung binibigyan sila ng iglesia ng isang trabahong gagawin, iisipin muna nila kung hinihingi ng trabaho na umako sila ng responsabilidad, at kung oo, hindi nila tatanggapin ang trabaho. Ang mga kondisyon nila sa pagganap ng isang tungkulin ay, una, na ito ay dapat na isang maluwag na trabaho; pangalawa, na hindi ito matrabaho o nakapapagod; at pangatlo, na kahit anong gawin nila, wala silang aakuing anumang responsabilidad. Ito lang ang uri ng tungkuling tinatanggap nila. Anong uri ng tao ito? Hindi ba ito isang hindi mapagkakatiwalaang, mapanlinlang na tao? Ayaw nilang pasanin kahit ang pinakamaliit na responsabilidad. Kinatatakutan pa nga nila na mababasag ng mga dahon ang kanilang bungo kapag nahulog ang mga ito mula sa mga puno. Anong tungkulin ang magagampanan ng taong tulad nito? Ano ang pakinabang nila sa sambahayan ng Diyos? Ang gawain ng sambahayan ng Diyos ay may kinalaman sa gawain ng pakikipaglaban kay Satanas, gayundin sa pagpapalaganap ng ebanghelyo ng kaharian. Anong tungkulin ang walang mga kaakibat na responsabilidad? Masasabi ba ninyong may kaakibat na responsabilidad ang pagiging lider? Hindi ba’t mas mabigat ang kanilang mga responsabilidad, at hindi ba’t mas lalo silang dapat na umako ng responsabilidad? Nagpapalaganap ka man ng ebanghelyo, nagpapatotoo, gumagawa ng mga video, at iba pa—anuman ang iyong trabaho—hangga’t nauukol ang mga ito sa mga katotohanang prinsipyo, may mga kaakibat itong responsabilidad. Kung walang prinsipyo ang pagganap mo ng iyong tungkulin, makakaapekto ito sa gawain ng sambahayan ng Diyos, at kung natatakot kang umako ng responsabilidad, hindi mo magagampanan ang anumang tungkulin. Duwag ba ang isang taong natatakot na umako ng responsabilidad sa pagganap ng kanyang tungkulin, o may problema sa kanilang disposisyon? Dapat ay masasabi mo ang pagkakaiba. Ang katunayan ay hindi ito isyu ng karuwagan. Kung kayamanan ang habol ng taong iyon, o gumagawa siya ng isang bagay para sa kanyang sariling interes, paanong siya ay napakatapang? Tatanggapin nila ang anumang panganib. Subalit kapag gumagawa sila ng mga bagay-bagay para sa iglesia, para sa sambahayan ng Diyos, wala silang tinatanggap na anumang panganib. Ang gayong mga tao ay makasarili at ubod ng sama, ang pinakataksil sa lahat. Ang sinumang hindi umaako ng responsabilidad sa pagganap ng isang tungkulin ay walang ni katiting na pagiging totoo sa Diyos, lalong wala siyang katapatan. Anong uri ng tao ang nangangahas na umako ng responsabilidad? Anong uri ng tao ang may tapang na magbuhat ng mabigat na pasanin? Ang sinumang nangunguna at buong tapang na humaharap sa pinakamahalagang sandali sa gawain ng sambahayan ng Diyos, na hindi natatakot na magpasan ng isang mabigat na responsabilidad at magtiis ng matinding paghihirap kapag nakita nila ang gawain na pinakaimportante at pinakamahalaga. Iyon ay isang taong tapat sa Diyos, isang mabuting sundalo ni Cristo. Ito ba ay ang kaso kung saan ang lahat ng natatakot na umako ng responsabilidad sa kanilang tungkulin ay ginagawa iyon dahil hindi sila nakauunawa sa katotohanan? Hindi; isa itong problema sa kanilang pagkatao. Wala silang pagpapahalaga sa katarungan o responsabilidad, sila ay mga taong makasarili at ubod ng sama, hindi tunay na mananampalataya ng Diyos, at hindi nila tinatanggap ang katotohanan kahit kaunti. Dahil dito, hindi sila maliligtas(Ang Salita, Vol. IV. Paglalantad sa mga Anticristo. Ikawalong Aytem (Unang Bahagi)). Lubos na naantig ng mga salita ng Diyos ang puso ko. Dati, hindi ko iniisip na ang pagtanggi ko na tumanggap ng responsabilidad ay isang seryosong problema. Ngunit ngayon, sa paglalantad ng mga salita ng Diyos, naunawaan ko na ang mga taong natatakot tumanggap ng responsabilidad ang pinakamakasarili at pinakamapanlinlang na uri ng tao. Ang mga ganitong tao ay walang katapatan sa Diyos, at kung mamumuhay sila nang matagal sa ganitong kalagayan at hindi magbabago, kamumuhian sila ng Diyos sa huli. Sa pagtingin ko sa sarili kong pagganap gamit ang mga salita ng Diyos, nakita ko na ako nga ay ganitong uri ng tao: makasarili, kasuklam-suklam, tuso at mapanlinlang. Batid na batid ko na kakalipat lamang ng taong namamahala sa gawain ng paggawa ng pelikula, at na mayroong agarang pangangailangan para sa iba na pumasok at gampanan ang papel na iyon. Pamilyar ako sa gawain at sa mga tauhan, at ako ang pinakaangkop na kandidato para sa tungkuling ito sa ngayon. Ngunit dahil sa pagnanais kong protektahan ang aking sarili, ayaw kong gampanan ang tungkuling ito. Iminungkahi ko na mahina ang kasanayan ko at kulang ang aking mga abilidad sa gawain, ngunit ang totoo, nais ko lamang takasan ang tungkulin ko. Sa mahalagang sandali, tumakas ako sa tungkulin at hindi ko pinrotektahan ang gawain ng iglesia kahit kaunti. Naging makasarili at kasuklam-suklam ako, at wala akong pagkatao. Kapag ang isang taong mayroong tunay na mabuting pagkatao ay nakakita ng mahirap na sitwasyon sa gawain ng iglesia, aktibo siyang titindig at magmamadaling tumulong na mapanatili ang gawain. Hindi niya iisipin ang sarili niyang mga pakinabang at kawalan. Kahit pa mayroon siyang sariling mga paghihirap o kakulangan, hindi siya iiwas sa kanyang tungkulin. Magtitiwala siya sa Diyos upang malaman kung ano ang kanyang gagawin at magsasagawa siya sa pamamagitan ng karanasan, at gagawin niya ang makakaya niya para bumuti. Tanging ang ganitong uri ng tao lamang ang nagtataglay ng konsensiya at katwiran. Nang maisip ko ang lahat ng ito, nakaramdam ako ng kalungkutan at pagkondena sa sarili. Nagnilay ako at tinanong ko ang aking sarili: Ano ba ang humahadlang sa akin upang tanggapin ang tungkuling ito?

Kalaunan, nabasa ko ang ilan pang salita ng Diyos: “Kapag binago ang kanilang mga tungkulin, kung iglesia ang nagdesisyon nito, dapat itong tanggapin at sundin ng mga tao, dapat silang magnilay-nilay sa sarili nila, at unawain ang diwa ng problema at ang sarili nilang mga pagkukulang. Lubos na kapaki-pakinabang ito para sa mga tao, at isa itong bagay na marapat isagawa. Dahil nakapasimpleng bagay nito, maiisip at matatrato ito nang tama ng mga ordinaryong tao, nang hindi nagkakaroon ng masyadong maraming problema o anumang balakid na mahirap lampasan. … Kapag may ginawang maliit na pagbabago sa kanilang tungkulin, dapat tumugon ang mga tao nang may saloobin ng pagsunod, gawin ang ipinagagawa sa kanila ng sambahayan ng Diyos, at gawin ang makakaya nila, at, anuman ang gawin nila, gawin ito nang maayos sa abot ng makakaya nila, nang buong puso nila at buong lakas nila. Ang nagawa ng Diyos ay hindi mali. Ang ganoon kasimpleng katotohanan ay maaaring isagawa ng mga tao na may kaunting konsensiya at katwiran, ngunit lampas ito sa mga kakayahan ng mga anticristo. Pagdating sa pag-aakma ng mga tungkulin, agad magbibigay ang mga anticristo ng mga argumento, panlilinlang, at pagtutol, at sa kanilang kaibuturan ay ayaw nilang tanggapin iyon. Ano ba talaga ang nasa puso nila? Paghihinala at pagdududa, pagkatapos ay sinusuri nilang mabuti ang iba gamit ang lahat ng uri ng pamamaraan. Sinusubukan nilang alamin ang reaksyon ng iba sa kanilang mga salita at kilos, at pinipilit at hinihimok pa nila ang mga tao na sabihin ang katotohanan at magsalita nang matapat sa pamamagitan ng imoral na kaparaanan. … Bakit nila gagawing napakakumplikado ang isang simpleng bagay? Iisa lamang ang dahilan: Hindi kailanman sinusunod ng mga anticristo ang mga pagsasaayos ng sambahayan ng Diyos, at palagi nilang mahigpit na iniuugnay ang kanilang tungkulin, kasikatan, pakinabang, at katayuan sa inaasam nilang pagtamo ng mga pagpapala at sa kanilang hantungan sa hinaharap, na para bang sa sandaling mawala ang kanilang reputasyon at katayuan, wala na silang pag-asang magtamo ng mga pagpapala at gantimpala, at pakiramdam nila ay katulad ito ng mawalan ng buhay. … Kaya, nagiging mapagbantay sila laban sa mga lider at manggagawa ng sambahayan ng Diyos, natatakot na may makakilatis o makahalata sa kanila, at na pagkatapos ay matatanggal sila at masisira ang mga pinapangarap nilang pagpapala. Iniisip nila na dapat nilang panatilihin ang kanilang reputasyon at katayuan para magkaroon sila ng pag-asang magkamit ng mga pagpapala. Itinuturing ng isang anticristo ang pagiging pinagpala na higit pa kaysa sa kalangitan, higit pa kaysa sa buhay, mas mahalaga pa kaysa sa paghahangad ng katotohanan, pagbabago ng disposisyon, o personal na kaligtasan, at mas mahalaga pa kaysa sa maayos na paggawa sa kanilang tungkulin, at pagiging isang nilikha na nakaabot sa pamantayan. Iniisip niya na ang pagiging isang nilikha na nakaabot sa pamantayan, ang paggawa nang mabuti sa kanyang tungkulin at pagkaligtas ay pawang mumunting mga bagay na hindi na kailangang banggitin o pagkomentuhan pa, samantalang ang pagtatamo ng mga pagpapala ay ang tanging bagay sa buong buhay niya na hindi kailanman malilimutan. Sa anumang masagupa niya, gaano man kalaki o kaliit, inuugnay niya ito sa pagiging pinagpala, at napakaingat at napakaalisto niya, at lagi siyang may nakahandang malulusutan para sa kanyang sarili(Ang Salita, Vol. IV. Paglalantad sa mga Anticristo. Ikalabindalawang Aytem). Isinisiwalat ng mga salita ng Diyos na ang mga anticristo ay napakabuktot at napakamapanlinlang. Ginagawa nilang labis na komplikado ang isang simple at tuwid na bagay. Kinukuha ng isang anticristo ang usapin ng pagbabago sa tungkulin at iniuugnay ito sa kanyang mga pagpapala at destinasyon. Ginagampanan lamang ng mga anticristo ang kanilang tungkulin para sa kanilang pansariling pagpapala, nakikita nila ang mga ito bilang mas mahalaga kaysa sa anumang bagay. Lagi nilang pinaplano ang kanilang sariling kalalabasan at destinasyon, wala silang pagpapahalaga sa mga layunin ng Diyos o sa gawain ng iglesia. Ang ibinunyag ko, sa pamamagitan ng sarili kong asal, ay ang disposisyon ng isang anticristo. Nahaharap sa normal na pagbabago sa tungkulin ko, paulit-ulit ko itong pinag-isipan: kung paanong kakaunti lamang ang mga paghihirap sa gawain ng pagdidilig na kasalukuyan kong ginagawa, kung paanong maayos ang takbo ng gawain, kung paanong kakaunti ang mga nagagawa kong pagkakamali at kung paanong maliit lang ang tsansang mabunyag ako. Mas ligtas gawin ang tungkuling ito, at tiyak na makakatanggap ako ng mga pagpapala. Sa kabilang banda, ang gawain ng paggawa ng pelikula ay mas mahirap, at nangangailangan ng matibay na pag-arok sa ilang mga propesyunal na kasanayan at prinsipyo. Kapag nabigo akong magawa ito nang maayos, mabubunyag at matatanggal ako. Hindi lamang iyon, kundi nabigo na ako noon—natatakot akong kung magdudulot ako ng problema ngayon at ako ay matitiwalag, wala na akong anumang pag-asa na makatanggap ng mga pagpapala. Nakita ko na ginagawa ko ang tungkulin ko sa hangaring magkamit ng mga pagpapala para sa aking sarili; na handa akong gawin ito kapag ito ay kapaki-pakinabang sa akin, ngunit lumalaban at tumatanggi ako kapag ito ay hindi. Nag-iiwan ako ng daan na malalabasan ko, maingat kong pinoprotektahan ang aking sarili, sinusubukan kong gamitin ang tungkulin ko upang matamo ang aking layon na magkamit ng mga pagpapala. Naging mapanlinlang at buktot ako! Naisip ko ang mga salita ng Diyos: “Ang matupad ng isang nilikha ang tungkulin ng isang nilikha, ang mabigyang-kasiyahan ang Lumikha, ay ang pinakamagandang bagay sa gitna ng sangkatauhan, at isa itong bagay na dapat ipalaganap bilang isang kuwento na pupurihin ng lahat ng tao. Anumang ipinagkakatiwala ng Lumikha sa mga nilikha ay dapat nilang tanggapin nang walang kondisyon; para sa sangkatauhan, ito ay isang usapin ng kapwa kaligayahan at pribilehiyo, at para sa lahat ng tumutupad sa tungkulin ng isang nilikha, wala nang ibang mas maganda o karapat-dapat sa pagpaparangal—ito ay isang positibong bagay. … Ang gayon kaganda at gayon kalaking bagay ay binaluktot at ginawa nang isang transaksiyon ng angkan ng mga anticristo, kung saan nangangalap sila ng mga korona at gantimpala mula sa kamay ng Diyos. Ang gayong transaksiyon ay ginagawang napakapangit at napakabuktot ang isang bagay na napakaganda at napakamakatarungan. Hindi ba ito ang ginagawa ng mga anticristo? Kung pagbabatayan ito, hindi ba’t buktot ang mga anticristo? Talagang buktot nga sila!(Ang Salita, Vol. IV. Paglalantad sa mga Anticristo. Ikasiyam na Aytem (Ikapitong Bahagi)). Ang pagganap sa kanilang mga tungkulin ang pinakamaganda at makatarungang bagay para sa mga nilikha. Subalit binabaluktot ng mga anticristo ang magandang bagay na ito at ginagawang isang kasunduan: Nananampalataya sila sa Diyos nang walang katapatan, at ginagawa nila ang kanilang mga tungkulin upang magkamit ng mga pagpapala para sa kanilang mga sarili. Ang kanilang diwa ay katulad ng sa isang hindi mananampalataya. Naisip ko kung gaano katagal na akong nananampalataya sa Diyos, at kung gaano karaming salita na ng Diyos ang aking kinain at ininom, ngunit ang pananaw ko sa pagsusumikap ay hindi pa rin nagbabago kahit kaunti. Ang saloobin ko sa aking tungkulin ay katulad ng sa isang anticristo. Kung hindi ako magbabago, kasusuklaman ako ng Diyos.

Patuloy akong nagnilay tungkol dito upang maunawaan ko ang aking sarili, at nakita ko ang isang sipi ng mga salita ng Diyos: “Ang mga antikristo ay hindi naniniwala na ang mga salita ng Diyos ang katotohanan, at hindi sila naniniwala na matuwid at banal ang Kanyang disposisyon. Tinitingnan nila ang lahat ng ito sa pamamagitan ng mga kuru-kuro at imahinasyon ng tao, at hinaharap nila ang gawain ng Diyos gamit ang mga perspektiba, kaisipan, at tusong pag-iisip ng tao, gumagamit sa lohika at pag-iisip ni Satanas para tukuyin ang disposisyon, pagkakakilanlan, at diwa ng Diyos. Maliwanag na hindi lang hindi tinatanggap o kinikilala ng mga anticristo ang disposisyon, pagkakakilanlan, at diwa ng Diyos; sa kabaligtaran, puno sila ng mga kuru-kuro, pagkontra, at paghihimagsik laban sa Diyos at wala silang kahit katiting na tunay na pagkakilala sa Kanya. Isang katanungan ang depinisyon ng mga anticristo sa gawain ng Diyos, sa disposisyon ng Diyos, at sa pagmamahal ng Diyos—puno ng pagdududa, at puno sila ng pag-aalinlangan at puno ng pagtatatwa at paninirang-puri dito; kung gayon, ano naman ang tungkol sa Kanyang pagkakakilanlan? Kumakatawan sa Kanyang pagkakakilanlan ang disposisyon ng Diyos; sa gayong pagtrato sa disposisyon ng Diyos, maliwanag ang kanilang pagtrato sa pagkakakilanlan ng Diyos—direktang pagtatatwa. Ito ang diwa ng mga anticristo(Ang Salita, Vol. IV. Paglalantad sa mga Anticristo. Ikasampung Aytem (Ikaanim na Bahagi)). Inilalantad ng Diyos na ang mga anticristo ay hindi naniniwala sa pagiging matuwid ng Diyos. Hindi sila naniniwala na ang sambahayan ng Diyos ay pinamumunuan ng katotohanan, at ayaw pa nga nilang aminin na ang salita ng Diyos ang katotohanan. Laging tinitignan ng mga anticristo ang mga kilos ng Diyos base sa sarili nilang mga kuru-kuro at imahinasyon. Punong-puno sila ng mga pagdududa at pagkakaila sa katuwiran ng Diyos, at hindi sila naniniwala na ang Diyos ay makatarungan at matuwid—ito ay paninirang-puri at kalapastanganan laban sa Diyos. Nang matapos kong basahin ang mga salita ng Diyos, nakaramdam ako ng takot. Naisip ko kung paano ako umasal na parang isang anticristo: Hindi ko ibinase ang aking pananaw sa mga salita ng Diyos, at hindi ko pinaniwalaan ang pagiging matuwid ng Diyos. Sa halip, nalinlang ako sa paniniwala na sa mas malaking responsabilidad na tinanggap ko, at sa mas mahirap na gawain, ay mas mabilis akong mabubunyag. Naisip ko na kapag nabigo akong magawa nang maayos ang gawain o kung magkaroon ng mga paglihis, matatanggal at matitiwalag ako, kaya nais ko na palaging magtago mula sa responsabilidad na iyon. Hindi ko gustong maging mahirap o mahalaga ang aking gawain, sa pag-iisip na sa ganitong paraan ay hindi ako agad mabubunyag. Ngayon, mula sa mga salita ng Diyos, naunawaan ko na ang Diyos ay matuwid, at na binabago ng iglesia ang pagtatalaga ng mga tungkulin ng mga tao batay sa mga prinsipyo. Hindi basta-basta tinatanggal ng iglesia ang mga tao dahil lamang sa pansamantalang mga pagkakamali at pagsalangsang—tinitingnan nito ang patuloy na pagganap ng mga tao at gumagawa ito ng komprehensibong desisyon. Kung ang isang tao ay may mabuting pagkatao at naghahangad sa katotohanan, kahit may mga paglihis na lumitaw sa kanyang gawain o pansamantala siyang mabigong magkamit ng magagandang resulta, tutulungan at susuportahan siya ng iglesia. Gayundin, kung hindi makagawa ng tunay na gawain ang isang tao dahil wala siyang kakayahan, titingnan ng iglesia ang kanyang kalagayan at itatalaga siya ng iglesia sa nararapat na tungkulin. At kung ang isang tao ay patuloy na nabibigong gumawa ng tunay na gawain, o nakakagulo at nakakagambala siya sa gawain ng iglesia, at kung patuloy siyang nabibigong magsisi matapos tumanggap ng paulit-ulit na tulong at pakikipagbahaginan, siya ay matatanggal sa huli. Binalikan ko iyong huling pagkakataon na naging tagapamahala ako ng gawain ng paggawa ng pelikula, at kung paanong ang aking pagnanais para sa mabilis na tagumpay ay nagdulot ng mga hadlang. Noong panahong iyon, nakipagbahaginan sa akin ang iba at sinubukan nila akong tulungan, ngunit hindi ko binago ang mga pamamaraan ko, at sa huli ay tinanggal ako. Gayunpaman, binigyan pa rin ako ng iglesia ng isa pang pagkakataon para magsisi, pinayagan nila akong magpatuloy sa pagtupad ng isang tungkulin. Nakita ko rin kung paanong ang ilan sa mga kapatid na nasa paligid ko ay madalas na nagkakaroon ng mga problema at nahihirapan sa kanilang gawain—ngunit sila ay simple, matapat, at naghahangad sa katotohanan. Kahit na sila ay nagkakaroon ng mga problema at nagkakamali, unti-unti nilang nauunawaan ang mga prinsipyo at nagagawa nang mas maayos ang kanilang mga tungkulin, sa pamamagitan ng patuloy na pagsusuri at pagninilay. Mula rito, nakita ko na ang Diyos ay matuwid, at ang sambahayan ng Diyos ay pinamumunuan ng katotohanan. Ang mga naghahangad sa katotohanan at tapat na nagsusumikap ay maaaring makagawa minsan ng mga pagsalangsang. Ngunit hangga’t handa silang magsisi, bibigyan sila ng sambahayan ng Diyos ng maraming pagkakataon. At, kung magagawa nilang magbago, patuloy silang itataas ng ranggo at lilinangin ng sambahayan ng Diyos. Ngunit ang mga taong hindi tumatanggap sa katotohanan, namumuhi sa katotohanan at gumagawa ng lahat ng uri ng kasamaan nang walang pagsisisi—ang mga taong iyon ay paaalisin sa sambahayan ng Diyos. Inilagay ako ng iglesia bilang tagapamahala sa gawain ng paggawa ng pelikula, at sa paggawa nito, nabigyan ako ng pagkakataon na magsagawa at makabawi sa aking mga pagkukulang. Bukod sa hindi ako nagpasalamat, hindi ko rin ito naunawaan at nag-ingat ako laban sa desisyong ito, iniisip na ang sambahayan ng Diyos ay hindi makatarungan at hindi matuwid, katulad ng lipunan. Hindi ba’t ito ay isang uri ng paglapastangan laban sa Diyos? Nang mapagtanto ko ito, nagsimula akong lumuha. Kinamuhian ko ang aking sarili dahil sa aking pagrerebelde, at sa kawalan ko ng konsensiya at katwiran! Nakaramdam ako ng pagsisisi at paninisi sa sarili, at lumapit ako sa Diyos upang magdasal at magsisi. Sa hinaharap, hindi na ako magkakamali sa pag-intindi at hindi na ako mag-iingat laban sa Diyos.

Pagkatapos, nagbasa ako ng dalawang sipi ng mga salita ng Diyos. Sabi ng Makapangyarihang Diyos: “Walang kaugnayan sa pagitan ng tungkulin ng tao at kung siya ay nakakatanggap ng mga pagpapala o nagdurusa ng kasawian. Ang tungkulin ay kung ano ang nararapat tuparin ng tao; ito ang tungkuling bigay sa kanya ng langit, at hindi dapat umasa sa gantimpala, mga kondisyon, o mga dahilan. Saka lamang niya nagagawa ang kanyang tungkulin. Ang pagtanggap ng mga pagpapala ay tumutukoy sa kapagnagawang perpekto at nagtatamasa ng mga biyaya ng Diyos ang isang tao matapos magdanas ng paghatol. Ang magdusa sa kasawian ay tumutukoy sa kapag ang disposisyon ng isang tao ay hindi nagbabago matapos silang magdanas ng pagkastigo at paghatol; hindi pa sila nagawang perpekto kundi pinarusahan. Ngunit nakakatanggap man sila ng mga pagpapala o nagdursa sa kasawian, dapat tuparin ng mga nilalang ang kanilang tungkulin, gawin ang dapat nilang gawin, at gawin ang kaya nilang gawin; ito ang pinakamaliit na bagay na dapat gawin ng isang tao, isang taong naghahanap sa Diyos. Hindi mo dapat gawin ang iyong tungkulin para lamang makatanggap ng mga pagpapala, at hindi ka dapat tumangging kumilos dahil sa takot na magdusa ng kasawian. Sasabihin Ko sa inyo ang isang bagay na ito: Ang pagganap ng tao sa kanyang tungkulin ang dapat niyang gawin, at kung hindi niya kayang gampanan ang kanyang tungkulin, ito ang kanyang pagkasuwail(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Pagkakaiba sa Pagitan ng Ministeryo ng Diyos na Nagkatawang-tao at ng Tungkulin ng Tao). “Ano ang mga pagpapamalas ng isang matapat na tao? Una, ang hindi pagkakaroon ng pagdududa sa mga salita ng Diyos. Isa iyon sa mga pagpapamalas ng isang matapat na tao. Bukod dito, ang pinakamahalagang pagpapamalas ay ang paghahanap at pagsasagawa ng katotohanan sa lahat ng bagay—ito ang pinakamahalaga. Sinasabi mong ikaw ay matapat, pero palagi mong iniiwasang isipin ang mga salita ng Diyos at ginagawa lang ang anumang gusto mo. Pagpapamalas ba iyon ng isang matapat na tao? Sinasabi mo, ‘Bagama’t mahina ang kakayahan ko, mayroon akong matapat na puso.’ Gayunpaman, kapag may tungkulin na itinalaga sa iyo, natatakot kang magdusa at magpasan ng responsabilidad kung hindi mo ito magagawa nang maayos, kaya nagpapalusot ka para iwasan ang tungkulin mo o nagmumungkahi ka na iba na lang ang gumawa nito. Pagpapamalas ba ito ng isang matapat na tao? Malinaw na hindi. Kung gayon, paano dapat umasal ang isang matapat na tao? Dapat silang magpasakop sa mga pagsasaayos ng Diyos, maging tapat sa tungkulin na dapat nilang gampanan, at magsikap na matugunan ang mga layunin ng Diyos. Naipapamalas ito sa iba’t ibang paraan: Ang isa ay ang pagtanggap sa iyong tungkulin nang may matapat na puso, hindi isinasaalang-alang ang mga interes ng iyong laman, hindi nagiging walang sigla sa iyong tungkulin, at hindi nagpapakana para sa sarili mong pakinabang. Iyon ang mga pagpapamalas ng katapatan. Ang isa pa ay ang pagganap nang maayos sa iyong tungkulin nang buong puso at buong lakas mo, paggawa sa mga bagay-bagay nang tama, at pagsasapuso at pagmamahal sa iyong tungkulin para palugurin ang Diyos. Ito ang mga pagpapamalas na dapat mayroon ang isang matapat na tao habang ginagampanan ang kanyang tungkulin(Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Ikatlong Bahagi). Binigyan ako ng mga salita ng Diyos ng landas ng pagsasagawa. Ang tungkulin ay isang bokasyon na ipinagkaloob ng langit sa isang tao, isang responsabilidad na nararapat niyang tuparin. Wala itong kinalaman sa pagtanggap ng mga pagpapala o pagharap sa kasawian. Mabuti man ito o masama para sa akin, kailangan kong tanggapin ang tungkuling ito nang may matapat na puso at gawin ito sa abot ng aking makakaya, nang walang pagpaplano o pagpapakana para sa aking sariling pakinabang. Anumang hirap ang harapin ko sa aking tungkulin, basta’t matapat akong aasa sa Diyos, gagabayan Niya ako. Handa akong gawin ang makakaya ko upang magawa ito nang may bukas na puso. Kung talagang wala akong kakayahan, o kung hindi sapat ang aking mga abilidad at hindi ko kaya ang tungkulin, tatanggapin ko ang paglilipat sa akin ng iglesia.

Pagkatapos nito, nagsimula na akong mamahala sa gawain ng paggawa ng pelikula. Sa takbo ng aking gawain, nakaranas ako minsan ng mga paghihirap o kabiguan, subalit wala na akong pag-aalinlangan tungkol dito. Sa pagtutulungan namin ng aking mga kapatid nang buong puso at isip, at sa paghahanap sa mga katotohanang prinsipyo nang magkakasama, unti-unti naming nalutas ang mga paghihirap na ito. Natuto ako mula sa aking mga kabiguan, at hindi nagtagal, bumuti ang aming gawain. Nang makita ko ang lahat ng ito, naantig ako. Ang pagkakaroon ko ng karanasan sa ganitong pagbabago ay ganap na resulta ng mga salita ng Diyos. Salamat sa Diyos!

Sinundan: 96. Nakalaya Mula Sa Inggit

Sumunod: 98. Ang Nagiging Bunga ng Palaging Pagpapalugod ng Iba

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos Ukol sa Pagkakilala sa Diyos Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw Paglalantad sa mga Anticristo Ang mga Responsabilidad ng mga Lider at Manggagawa Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan Ang Paghatol ay Nagsisimula sa Tahanan ng Diyos Mahahalagang Salita Mula sa Makapangyarihang Diyos, ang Cristo ng mga Huling Araw Araw-araw na mga Salita ng Diyos Ang Mga Katotohanang Realidad na Dapat Pasukin ng mga Mananampalataya sa Diyos Sundan ang Kordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin Mga Gabay para sa Pagpapalaganap ng Ebanghelyo ng Kaharian Naririnig ng mga Tupa ng Diyos ang Tinig ng Diyos Makinig sa Tinig ng Diyos Masdan ang Pagpapakita ng Diyos Mahahalagang Tanong at Sagot tungkol sa Ebanghelyo ng Kaharian Mga Patotoong Batay sa mga Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume I) Mga Patotoong Batay sa mga Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume II) Mga Patotoong Batay sa mga Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume III) Mga Patotoong Batay sa mga Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume IV) Mga Patotoong Batay sa mga Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume V) Mga Patotoong Batay sa mga Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VI) Mga Patotoong Batay sa mga Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VII) Mga Patotoong Batay sa mga Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VIII) Paano Ako Bumalik sa Makapangyarihang Diyos

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito