61. Hindi Ako Dapat Magpakita ng Pagkiling Sa Aking Ina
Noong 2012, naging responsable ako sa gawain ng ilang iglesia. Nalaman ko na, sa panahon ng mga halalan sa iglesia, nailihis ng masamang tao na si Li Fang ang aking ina at inatake niya at minaliit ang bagong halal na lider ng iglesia, sinabing wala itong abilidad sa gawain, hindi nito nauunawaan ang katotohanan at hindi karapat-dapat na maging isang lider, at ginawa ng aking ina ang lahat upang itaas at purihin si Li Fang bilang isang taong may katotohanang realidad, na kayang talikuran ang mga bagay-bagay at magsumikap, magdanas ng hirap at magbayad ng halaga, at sa huli binoto niya ang masamang tao na si Li Fang upang maging lider. Inatake rin at hinusgahan ng aking ina ang diyakono ng pagdidilig bilang isang tao na walang taglay na gawain ng Banal na Espiritu at hindi kayang gumawa ng tunay na gawain at dapat na magbitiw sa posisyon nito, na naging dahilan upang mamuhay ito nang negatibo at maapektuhan ang gawain ng pagdidilig. Hindi nagnilay ang nanay ko sa kanyang masasamang gawa, at nang gustong patalsikin ng iglesia si Li Fang, ginawa niya ang lahat ng kanyang makakaya upang protektahan si Li Fang, naghahangad ng katarungan para rito, at inudyukan at iniligaw pa niya ang mga kapatid upang pumanig kay Li Fang. Sinabi rin niya, “Gaano man karaming halalan ang isagawa natin, si Li Fang pa rin ang iboboto ko bilang lider.” Labis niyang ginulo ang mga bagay kaya hindi makapagpatuloy nang normal ang halalan at ito ang naging dahilan upang lubos na maapektuhan ang gawain ng iglesia. Kalaunan, hinimay at isiniwalat ng isang lider ang masasamang gawa ng aking ina ngunit hindi niya talaga kinilala o pinagsisihan ang kanyang masasamang gawa. Alinsunod sa kanyang pag-uugali, kinailangang paalisin ang nanay ko. Nang malaman ko na paaalisin siya, labis akong nabagabag. Pagkatapos akong manampalataya sa Diyos, ang aking ina ay inusig at labis siyang nagdusa. Siya ang pinakamalapit sa akin at labis siyang naghirap upang palakihin ako, kaya kahit papaano ay nakisimpatiya ako sa kanya at ayaw kong harapin ang katotohanan ng pag-alis niya. Nagdasal ako sa Diyos at naghanap sa Kanya nang maraming beses, at sa ilalim ng kaliwanagan at patnubay ng mga salita ng Diyos, nagkaroon ako ng kaunting pagkilatis sa tunay niyang diwa bilang isang masamang tao at inilagda ko ang aking pangalan, sumasang-ayon sa pagpapaalis sa kanya sa iglesia.
Noong Mayo 2018, naging tagapamahala ako ng gawain ng pagpapaalis ng iglesia. Nakita ko sa mga pagsasaayos ng gawain na inilabas ng sambahayan ng Diyos na ang mga taong nagpapakita ng tunay na pagsisisi matapos mapaalis ay maaaring isaalang-alang upang muling sumapi sa iglesia. Naisip ko kung paanong sa mga nakaraang taon ay paminsan-minsang binabanggit ng aking ina ang pagpapaalis sa kanya sa iglesia, sinabi niya na ang kanyang kalikasan ay masyadong mayabang, na matigas ang kanyang ulo, at ang pagpapaalis sa kanya ay nagpapakita ng matuwid na disposisyon ng Diyos. Isang beses, tinanong ko siya kung ano ang pagkaunawa niya sa masasamang gawa niya noon. Sinabi niya na ito ay pangunahing dulot ng kawalan ng pagkilatis at kanyang pagkakalihis. Inakala niya na matagal nang nananampalataya si Li Fang sa Diyos at kaya nitong talikuran ang mga bagay, magsumikap, at magdanas ng hirap, na nilikha ito para sa posisyon ng lider, kaya naniwala ang aking ina na tama ang kanyang pananaw at hindi siya nakinig sa anumang pagsaway. Ngunit kapag pinag-uusapan ang mga detalye ng kanyang masasamang gawa, nagdadahilan pa rin siya at nangangatwiran para sa sarili niya at nagpahayag ng kanyang pagiging inosente na para bang makatwirang rason ito para sa kanyang ginawa. Kaya magkasama kong inilatag ang mga isyu niya at ang pag-uugali ni Li Fang at nakipagbahaginan ako sa kanya tungkol sa kalikasan at kahihinatnan ng mga kaguluhang dulot sa gawain ng pagpoprotekta sa masasamang tao, at ginabayan ko siya upang magnilay at maunawaan ang kanyang sarili. Tumango ang aking ina at sumang-ayon at sinabi niyang naging kampon at tagapagsalita siya ni Satanas, na naging masamang tao siya. Labis akong natuwa na makita ito. Hindi ganap na tinatanggihan ng aking ina ang katotohanan, at mayroon siyang kaunting pagkaunawa. Naisip ko rin, “Kumakain at umiinom siya ng mga salita ng Diyos sa loob ng maraming taon, ipinagpilitan niyang maghandog at magbigay sa kawanggawa, at mayroon siyang kaunting pagkilatis kay Li Fang. Pagkatapos siyang maalis, minsan habang nangangaral ng ebanghelyo, inaresto siya ng pulis ngunit hindi niya ipinagkanulo ang iglesia at hindi naging isang Hudas. At noong negatibo at mahina ako, siya ang nang-alo at naghikayat sa akin. Hindi ako makabalik ng bahay sa nakaraang mga taon dahil tinutugis ako ng pulisya, at tinulungan niya ako sa pamamagitan ng pag-aalaga sa anak ko at pagsusuporta sa paggawa ko ng aking tungkulin.” Sa pag-iisip ko sa mga bagay na ito, naisip ko kung nagpakita ba ng mga tanda ng pagsisisi ang aking ina. Lubos siyang nabagabag pagkatapos siyang mapaalis at umasang darating ang araw na muli siyang tatanggapin pabalik sa iglesia. Ngayon, ako na ang naatasang mamahala sa gawaing ito kaya kinakailangan kong gawin “lahat ng pagsusumikap” upang muling tanggapin ang aking ina sa iglesia. Pagkatapos, magagawa na niyang isabuhay ang buhay iglesia kasama ng mga kapatid, at kapag nalaman niya na ako pala ang dahilan kung bakit muli siyang natanggap, tiyak na labis siyang matutuwa.
Pagkatapos, sumulat ako ng mga liham sa mga pinamamahalaan kong iglesia, nakikiusap sa mga lider ng iglesia na imbestigahan kung may mga taong matapat na nagsisisi at puwedeng muling matanggap matapos silang mapaalis. Isang araw, pinadalhan ako ng mga lider ng iglesia ng apat na liham ng pagsisisi na isinulat ng masasamang tao na napatalsik at kabilang dito ang liham ng aking ina. Labis akong natuwa. Alam ko na ang tungkol sa tatlong iba pang tao. Wala silang ipinakitang mga tanda ng pagsisisi matapos silang mapatalsik. Sa paghahambing, mas mataas ang posibilidad na matanggap muli ang aking ina sa iglesia. Naisip ko na ayon sa mga prinsipyo ng iglesia sa muling pagtanggap ng mga tao, ang isang taong muling tatanggapin ay kailangang suriin ng karamihan sa mga kapatid, pati na rin ng mga lider at mga manggagawa. Hindi kailanman naging sapat na umasa lamang sa liham ng pagsisisi ng tao at sa pagsusuri ng mga lider ng iglesia. Agad akong sumulat ng mga liham sa mga lider ng iglesia, hinihiling sa kanila na magbigay ng pagsusuri tungkol sa aking ina mula sa mga taong nakakikilala sa kanya. Ngunit natakot ako na ang simpleng paghingi lamang sa kanila ng pagsusuri tungkol sa aking ina ay magdulot ng paratang ng pagkiling mula sa mga kapatid. Upang maiwasan ang paghihinala, hiniling ko sa mga lider na magbigay ng pagsusuri sa lahat ng apat na tao, at sinabi sa kanilang mas mainam kung mabibigay nila ito agad. Naisip ko rin na ang sarili kong pagsusuri ay magiging susi kaya sumulat ako ng detalyadong salaysay ng mga kilos ng aking ina na “nagpapakita ng pagsisisi” matapos siyang mapaalis ngunit sumulat lamang ako ng maikling pahayag tungkol sa mga dahilan kung bakit siya napaalis noon. Natatakot ako na kung magsusulat ako ng maraming detalye, makaaapekto ito sa muling pagtanggap sa kanya. Higit sa lahat, kailangan kong bigyang-diin ang medyo magandang pag-uugali niya pagkatapos siyang mapaalis, at sa ganitong paraan, mas malaki ang tsansang matanggap siyang muli sa iglesia. Pagkatapos, sumulat ako sa aking ina, ibinahagi at hinimay ko ang masasamang kilos niya noon, ginabayan ko siya upang maunawaan niya ang mga ugat na sanhi, at pinaalalahanan siyang samantalahin ang pagkakataong ito at agad na magsisi. Habang sumusulat ako sa kanya, nakaramdam ako ng pagkondena sa sarili: Sa lihim na pag-iisip ko nang labis sa muling pagtanggap sa aking ina sa iglesia hindi ba’t kumikilos ako ayon sa mga damdamin ko? Ngunit panandalian lamang ang mga kaisipang ito, at hindi ako naghangad ng katotohanan o nagnilay sa aking sarili. Habang hinihintay ko ang mga liham, natakot ako sa anumang pagkakamali na maaaring makaapekto sa muling pagtanggap sa aking ina, kaya sa tuwing lilipas ang ilang araw ay sumusulat ako sa mga lider ng iglesia, agad nagtatanong kung kumusta ang pangangalap nila ng mga pagsusuri.
Isang araw, sumulat ang nakatataas na lider ng liham na na nagpupungos sa akin, “Kamakailan lang itinuon ng mga lider ng iglesia ang kanilang gawain sa pangangalap ng mga materyales ng muling pagtanggap para sa ilang napatalsik na indibidwal at isinantabi nila ang lahat ng ibang gawain. Ang mga taong ito na hindi nagpakita ng mga tanda ng pagsisisi ay hindi ang mga taong tatanggapin muli ng iglesia ngunit hinihiling mo sa iglesia na mangalap ng mga pagsusuri tungkol sa kanila. Ginagambala at ginugulo mo ang gawain ng iglesia.” Nang mabasa ko ito, patuloy ko pa ring ipinagtanggol sa isip ko ang aking panig, “Nangangalap ng mga pagsusuri para sa mga taong hindi nagpakita ng mga tanda ng pagsisisi? Nagkamali ba ng pagkaunawa ang lider? Nagpakita ng mga tanda ng pagsisisi ang aking ina. Paano nasabi ng lider na wala sa mga taong ito ang nagpakita ng mga tanda ng pagsisisi at pungusan ako dahil sa panggagambala at panggugulo sa gawain ng iglesia?” Nakaramdam ako ng patuloy na pagtanggi at hindi ko talaga ito matanggap. Batid ko na mali ang aking kalagayan, kaya lumuhod ako at nagdasal sa Diyos, “O Diyos! Hindi ko matanggap ang pagpupungos na ito mula sa lider ngayon. Wala akong pagkilatis sa aking ina at hindi ko nauunawaan kung ano ang tunay na pagsisisi. Bigyang-liwanag at gabayan Mo ako upang maunawaan ang katotohanang ito.” Pagkatapos magdasal, nakaramdam ako ng kaunting kapanatagan. Pagkatapos, nagbasa ako ng dalawang sipi ng mga salita ng Diyos: “Ang ‘masamang gawi’ ay hindi tumutukoy sa isang dakot na masasamang gawa, kundi sa masamang bukal kung saan nagmumula ang pag-uugali ng mga tao. Ang ‘Ang paglayo sa masamang gawi ng isang tao’ ay nangangahulugan na hindi na nila kailanman muling gagawin ang mga gawaing ito. Sa madaling salita, hindi na sila kailanman muling kikilos sa masamang paraang ito; ang paraan, pinagmulan, motibo, intensyon at prinsipyo ng kanilang mga pagkilos ay nagbagong lahat; hindi na nila kailanman muling gagamitin ang mga pamamaraan at mga prinsipyong ito upang magdulot ng kasiyahan at kaligayahan sa kanilang mga puso. Ang ‘iniwan’ sa ‘iniwan ang karahasan sa mga kamay ng isang tao’ ay nangangahulugan na binitawan o isinantabi, upang ganap na makawala sa nakaraan at hindi na kailanman muling balikan. Nang iwanan ng mga taga-Ninive ang karahasan sa kanilang mga kamay, pinatunayan at kinatawan nito ang tunay nilang pagsisisi. Pinagmamasdan ng Diyos ang panlabas na anyo ng mga tao, gayundin ang kanilang mga puso. Nang mapansin ng Diyos ang tunay na pagsisisi sa puso ng mga taga-Ninive nang walang pag-aalinlangan, at napansin din na tinalikdan na nila ang kanilang masasamang gawi at iniwan ang karahasan sa kanilang mga kamay, binago Niya ang Kanyang puso” (Ang Salita, Vol. II. Ukol sa Pagkakilala sa Diyos. Ang Diyos Mismo, ang Natatangi II). “Kahit gaano man kagalit ang Diyos sa mga taga-Ninive, sa sandaling nagpahayag sila ng pag-aayuno at nagsuot ng magaspang na damit at naupo sa mga abo, unti-unting lumambot ang Kanyang puso, at nagsimulang magbago ang Kanyang isip. Nang sabihin Niyang wawasakin Niya ang kanilang lungsod—ang panahon bago ang kanilang pangungumpisal at pagsisisi sa kanilang mga kasalanan—galit pa rin sa kanila ang Diyos. Sa sandaling nagsagawa sila ng serye ng mga gawain ng pagsisisi, unti-unting nagbago at napalitan ng awa at pagpaparaya ang galit ng Diyos sa mga taga-Ninive. Walang anumang magkasalungat sa magkaparehong paghahayag ng dalawang aspeto ng disposisyon ng Diyos sa magkaparehong pangyayari. Paano mauunawaan at malalaman ng isang tao ang ganitong kawalan ng pagkakasalungatan kung gayon? Ipinahayag ng Diyos ang magkabaligtad na bahaging ito ng mga diwa bago at pagkatapos magsisi ang mga taga-Ninive, nagtutulot sa mga tao na makita ang pagiging totoo at hindi nalalabag na diwa ng Diyos. Ginamit ng Diyos ang Kanyang saloobin upang sabihin sa mga tao ang mga sumusunod: Hindi sa hindi nagpaparaya ang Diyos sa mga tao, o hindi Niya nais na maawa sa kanila; sa halip, bihira silang tunay na magsisi sa Diyos, at bihirang tunay na talikdan ang kanilang masasamang gawi at iwanan ang karahasan sa kanilang mga kamay. Sa madaling sabi, kapag nagagalit ang Diyos sa tao, umaasa Siya na makakaya ng tao na magsisi nang tapat, at umaasa Siya na makikita ang tunay na pagsisisi ng tao, kung saan ay, patuloy Niyang bukas-palad na ipagkakaloob ang Kanyang awa at pagpaparaya sa tao. Ibig sabihin nito na ang masamang pag-uugali ng tao ang nagdudulot ng poot ng Diyos, samantalang ang awa at pagpaparaya ng Diyos ay ipagkakaloob sa mga nakikinig sa Diyos at tunay na nagsisisi sa harap Niya, sa mga makatatalikod sa kanilang masasamang gawi at maiiwan ang karahasan sa kanilang mga kamay. Ang saloobin ng Diyos ay napakalinaw na ipinahayag sa Kanyang pakikitungo sa mga taga-Ninive: Ang awa at pagpaparaya ng Diyos ay hindi lubhang mahirap na makamit at ang hinihingi Niya sa isang tao ay tunay na pagsisisi nito. Hangga’t ang mga tao ay tatalikod sa kanilang masasamang gawi at iiwan ang karahasan sa kanilang mga kamay, babaguhin ng Diyos ang Kanyang puso at ang Kanyang saloobin tungo sa kanila” (Ang Salita, Vol. II. Ukol sa Pagkakilala sa Diyos. Ang Diyos Mismo, ang Natatangi II). Habang nagninilay sa mga salita ng Diyos, naunawaan ko na napukaw ng mga taga-Nineve ang poot ng Diyos sa paggawa nila ng masasama, ngunit dahil nagawa nilang talikuran ang kanilang masasamang pamamaraan at ganap na binitawan ang kanilang masasamang gawi—hindi lamang nila ipinahayag ang kanilang pag-amin at pagsisisi, o binago ang kanilang panlabas na pag-uugali, kundi pinagnilayan rin nila at inunawa ang kanilang masasamang gawa, at nagbago ang layunin, pinagmulan at dahilan ng kanilang mga kilos—natamo nila ang tunay na pagsisisi, kaya nakamit nila ang habag at pagpaparaya ng Diyos. Ang masasamang taong iyon at ang mga anticristo, gayumpaman, ay nagpapakita lamang ng ilang muting asal sa panlabas pagkatapos mapatalsik, nangangaral ng ebanghelyo o gumagawa ng mabubuting bagay, umaasang makabawi sa nakaraan nilang mga pagkakasala. Bagama’t inaamin nilang nakagawa sila ng kasamaan sa pananalita, tungkol naman sa kung anong masasamang bagay ang partikular na ginawa nila, kung ano ang kanilang mga layunin, hangarin, at motibo sa paggawa ng mga bagay na iyon, at kung anong kalikasan ang kumontrol sa kanila, hindi nila lubos na nauunawaan o kinamumuhian ang gayong mga ugat ng problema, kaya hindi rin sila tunay na makapagsisisi. Kung may dumating na angkop na pagkakataon, patuloy silang gagawa ng masama at lalaban sa Diyos, at hindi makakamit ng mga taong tulad nila ang awa at pagpaparaya ng Diyos. Kung ihahambing sa asal ng aking ina, siya ay inalis ng iglesia dahil sa paggawa ng matinding kasamaan at sutil na pagtangging magsisi, na sumasalungat sa disposisyon ng Diyos. Ito ang pagiging matuwid ng Diyos. Ngunit kung tunay sana niyang naunawaan at pinagsisihan ang kanyang nakaraang masasamang kilos, pinagtuunan ang pagsasagawa ng katotohanan, at tiniyak na hindi na muling gagawin ang gayong masasamang bagay, marahil ay nagkaroon ng pag-asa na makamit niya ang awa at pagpaparaya ng Diyos. Gayumpaman, inamin lamang ng aking ina sa pananalita na inilihis siya ni Li Fang at na ginambala at ginulo niya ang buhay iglesia, at inamin na isa siyang masamang tao at kampon ni Satanas. Subalit wala siyang pagkaunawa kung paano siya nakipaglaban para sa isang masamang tao o para sa kanyang masasamang gawa na nakagambala at nakagulo siya sa halalan ng iglesia. Nang maisiwalat muli ang kanyang masasamang gawa, patuloy pa rin niyang pinakipagtalo ang kanyang sarili gamit ang mga dahilang may layunin at wala siyang pagkaunawa sa sarili niyang kalikasang diwa. Hindi ito maaaring tawagin na tunay na pagsisisi. Nang makita ko kung paano siya nabagabag pagkatapos siyang mapaalis, kung paano siya nagpatuloy sa kanyang pananalig at pagdalo sa mga pagtitipon, kung paano hindi siya naging isang Hudas nang siya ay maaresto, kung paano siya palaging nag-aalay ng mga handog at nagbibigay sa kawanggawa, at kung paano niya ako inalo at hinikayat noong nakaramdam ako ng pagkanegatibo at kahinaan, inisip kong nagpakita siya ng mga tanda ng pagsisisi at nais kong matanggap siya muli sa iglesia. Naisip ko ang mga salitang ito ng Diyos: “Nakabatay sa kanilang pag-uugali ang pamantayang ginagamit ng mga tao upang hatulan ang ibang mga tao; matuwid yaong ang asal ay mabuti, habang masama yaong ang asal ay karumal-dumal. Ang pamantayan ng Diyos sa paghatol sa mga tao ay batay sa kung nagpapasakop ba o hindi sa Kanya ang kanilang diwa; matuwid na tao ang nagpapasakop sa Diyos, samantalang ang hindi nagpapasakop ay kaaway at isang masamang tao, mabuti man o masama ang pag-uugali ng taong ito at kung tama man o mali ang kanyang pananalita” (Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Papasok sa Pahinga ang Diyos at ang Tao Nang Magkasama). Ang Diyos ang naghahatol kung ang isang tao ay mabuti o masama hindi nakabatay kung ang panlabas na asal nila ay mabuti o masama, kundi sa kanilang diwa, sa saloobin nila sa katotohanan, at kung ang mga layunin at motibasyon nila sa likod ng kanilang mga kilos ay upang maisagawa ang katotohanan at magpasakop sa Diyos. Kung ang diwa ng isang tao ay namumuhi sa katotohanan, kahit gaano pa kabuti ang kanyang panlabas na pag-uugali, isa pa rin siyang masamang tao na lumalaban sa Diyos. Nakita ko na humaharap ako sa mga taong walang prinsipyo. Akala ko ay tunay siyang nagsisi batay lamang sa pakakaroon niya ng ilang panlabas na mabubuting asal, ngunit hindi ko alam kung paano kilatisin ang diwa niya at hindi ko tiningnan ang saloobin niya sa katotohanan, at ang tanging nais ko ay matanggap siyang muli sa iglesia, na talagang walang prinsipyo. Napakawalang saysay ng mga pananaw ko sa mga bagay! Kalaunan, nagnilay ako sa aking sarili: Anong tiwaling disposisyon ang pumipigil at gumagapos sa akin upang kumilos nang ganito? Dala ang tanong na ito sa aking isipan, patuloy akong naghanap ng mga kasagutan sa mga salita ng Diyos.
Sa aking mga debosyonal, nabasa ko ang ilang mga salita ng Diyos: “Ano ang mga damdamin, sa diwa? Ang mga ito ay uri ng tiwaling disposisyon. Ang mga pagpapamalas ng mga damdamin ay mailalarawan gamit ang ilang salita: paboritismo, pagprotekta sa iba nang walang prinsipyo, pagpapanatili ng mga pisikal na relasyon, at pagkiling; ito ang mga damdamin. Ano ang mga posibleng kahihinatnan ng pagkakaroon ng mga tao ng mga damdamin at pamumuhay ayon sa mga ito? Bakit pinakakinasusuklaman ng Diyos ang mga damdamin ng mga tao? Ang ilan ay palaging napipigilan ng kanilang mga damdamin, hindi nila maisagawa ang katotohanan, at bagamat nais nilang magpasakop sa Diyos, hindi nila magawa, kaya pakiramdam nila ay pinahihirapan sila ng kanilang mga damdamin. Maraming tao ang nakakaunawa sa katotohanan ngunit hindi ito maisagawa; ito rin ay dahil napipigilan sila ng mga damdamin” (Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Ano ang Katotohanang Realidad?). “Hiniling sa iyo ng sambahayan ng Diyos na gawin ang gawain ng iglesia na pag-aalis, at may isang indibidwal na matagal nang pabasta-basta sa kanyang tungkulin, laging naghahanap ng mga pagkakataon para magpabaya. Ayon sa prinsipyo, dapat alisin ang taong ito, ngunit maganda ang relasyon mo sa kanya. Kaya anong uri ng mga kaisipan at layunin ang papasok sa isipan mo? Paano ka magsasagawa? (Kikilos ayon sa sarili kong mga kagustuhan.) At ano ang nagsasanhi ng mga kagustuhang ito? Dahil ang taong ito ay naging mabuti sa iyo o nakagawa ng mga bagay para sa iyo, maganda ang tingin mo sa kanya, kung kaya sa pagkakataong ito ay nais mo siyang protektahan, at ipagtanggol. Hindi ba’t ito ang epekto ng mga damdamin? Nagiging emosyonal ka sa kanya, kung kaya ginagamit mo ang pamamaraan na ‘Samantalang may mga patakaran ang mga nakatataas na awtoridad, may mga panlaban na hakbang naman ang mga lokalidad.’ Nandaraya ka. Sa isang banda, sinasabi mo sa kanya na, ‘Kailangan mo pang magsikap nang kaunti kapag gumagawa ka ng mga bagay-bagay. Huwag kang maging pabasta-basta, kailangan mong magdanas ng kaunting hirap; tungkulin natin ito.’ Sa kabilang banda, tumutugon ka sa Itaas at sinasabi mong, ‘Nagbago na siya, mas epektibo na siya ngayon kapag gumaganap siya sa kanyang tungkulin.’ Ngunit ang nasa isip mo talaga ay, ‘Ito ay dahil hinikayat ko siya. Kung hindi ko iyon ginawa, magiging katulad pa rin siya ng dati.’ Sa iyong isipan, lagi mong iniisip na, ‘Naging mabait siya sa akin, hindi siya puwedeng paalisin!’ Anong kalagayan ito kapag gayon ang mga bagay na nasa layunin mo? Pinipinsala nito ang gawain ng iglesia sa pamamagitan ng pagpoprotekta sa personal na emosyonal na mga relasyon. Naaayon ba ang ganitong pagkilos sa mga katotohanang prinsipyo? At mayroon bang pagpapasakop sa paggawa mo nito? (Wala.) Walang pagpapasakop; may paglaban sa puso mo. Sa mga bagay na nangyayari sa iyo at sa gawaing dapat mong gawin, ang mga sarili mong ideya ay nagtataglay ng mga subhetibong panghuhusga, at may mga emosyonal na aspektong nakahalo rito. Ginagawa mo ang mga bagay-bagay batay sa mga damdamin, subalit naniniwala ka pa rin na kumikilos ka nang walang kinikilingan, na binibigyan mo ang mga tao ng pagkakataong magsisi, at na tinutulungan mo sila nang may pagmamahal; kaya ginagawa mo ang nais mo, hindi ang sinasabi ng Diyos. Ang paggawa sa ganitong paraan ay nakababawas sa kalidad ng gawain, nakababawas sa pagiging epektibo nito, at nakapipinsala sa gawain ng iglesia—na pawang mga resulta ng pagkilos ayon sa mga damdamin. Kung hindi mo susuriin ang iyong sarili, matutukoy mo ba ang problema rito? Hindi kailanman. Maaaring alam mo na mali ang kumilos nang ganito, na kawalan ito ng pagpapasakop, ngunit pinag-iisipan mo ito at sinasabi mo sa sarili mo na, ‘Kailangan ko silang tulungan nang may pagmamahal, at pagkatapos silang matulungan at mas bumuti sila, hindi na sila kailangan pang paalisin. Hindi ba’t binibigyan ng Diyos ang mga tao ng pagkakataong magsisi? Mahal ng Diyos ang mga tao, kaya kailangan ko silang tulungan nang may pagmamahal, at kailangan kong gawin ang hinihingi ng Diyos.’ Matapos isipin ang mga bagay na ito, ginagawa mo ang mga bagay-bagay sa sarili mong paraan. Pagkatapos, gumagaan ang puso mo; nadarama mo na isinasagawa mo ang katotohanan. Sa prosesong ito, nagsagawa ka ba ayon sa katotohanan, o kumilos ka ayon sa sarili mong mga kagustuhan at layunin? Ang iyong mga kilos ay lubos na ayon sa sarili mong mga kagustuhan at layunin. Sa buong proseso, ginamit mo ang diumano’y kabaitan at pagmamahal mo, gayon din ang mga damdamin at mga pilosopiya para sa mga makamundong pakikitungo, para lang maging maayos ang lahat, at sinubukan mong umiwas sa pagpapasya. Tila tinulungan mo ang taong ito nang may pagmamahal, ngunit sa puso mo ay pinipigilan ka talaga ng damdamin—at, sa takot na matuklasan ng Itaas, sinikap mong magpalakas sa Itaas at sa tao na ito sa pamamagitan ng kompromiso, upang walang mapasama na loob at matapos ang gawain—na katulad ng pagsubok ng mga walang pananampalataya na umiwas sa pagpapasya. Sa katunayan, paano kinikilatis ng Diyos ang sitwasyong ito? Ikaklasipika ka Niya bilang isang taong hindi nagpapasakop sa katotohanan, na madalas na nagtataglay ng isang mapagsiyasat at mapanuring saloobin sa katotohanan at sa mga hinihingi ng Diyos. Anong papel ang ginagampanan ng iyong layunin kapag hinaharap mo ang katotohanan at ang mga hinihingi ng Diyos gamit ang pamamaraang ito, at kapag ginagampanan mo ang iyong mga tungkulin taglay ang saloobing ito? Nagsisilbi ito para protektahan ang mga sarili mong interes, ang sarili mong karangalan, at ang iyong mga relasyong interpersonal nang walang anumang pagsasaalang-alang sa mga hinihingi ng Diyos, ni hindi ito nagkakaroon ng anumang positibong epekto sa mga sarili mong tungkulin o sa gawain ng iglesia. Ganap na nabubuhay ang gayong tao sa mga pilosopiya para sa mga makamundong pakikitungo. Ang lahat ng sinasabi at ginagawa niya ay para pangalagaan ang sarili niyang karangalan, damdamin, at mga relasyong interpersonal, subalit wala siyang tunay na pagpapasakop sa katotohanan at sa Diyos, ni hindi niya tinatangkang ipahayag o aminin ang mga problemang ito. Wala siyang nararamdamang kahit katiting na paninisi sa sarili at nananatiling ganap na ignorante sa kalikasan ng mga problema. Kung ang mga tao ay walang may-takot-sa-Diyos na puso, at kung walang puwang ang Diyos sa puso nila, hindi nila kailanman makakayang kumilos nang naaayon sa prinsipyo anuman ang mga tungkuling ginagampanan nila o anuman ang mga problemang kinahaharap nila. Walang kakayahang pumasok sa katotohanang realidad ang mga taong nabubuhay sa kanilang mga layunin at makasariling pagnanais. Dahil dito, kung nahaharap sila sa isang problema, at hindi nila sinusuring mabuti ang kanilang mga layunin at hindi nagagawang makilala kung ano ang mali sa kanilang mga layunin, sa halip ay ginagamit nila ang lahat ng uri ng pangangatwiran para gumawa ng mga kasinungalingan at pagdadahilan para sa kanilang sarili, ano ang nangyayari sa huli? Medyo maayos nilang napoprotektahan ang mga sarili nilang interes, karangalan, at relasyong interpersonal, subalit nasisira ang normal na relasyon nila sa Diyos” (Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Ang Saloobing Dapat Taglayin ng Tao sa Diyos). Habang pinagninilayan ko ang mga salita ng Diyos, labis akong nasaktan at nabagabag. Kapag mayroong mga isyu, hindi ako humahanap ng katotohanan o kumikilos ayon sa mga prinsipyo, sa halip ay kinikilingan at pinoprotektahan ko ang aking pamilya, pinaninindigan ang aking mga damdamin ng laman at mga pansariling interes sa bawat aspeto. Kumikilos ako ayon sa mga damdamin ko at isa itong tiwaling disposisyon—lubos itong salungat sa layunin ng Diyos. Isa akong tao na may napakatitinding damdamin, palagi kong iniisip na nagdanas ng mga paghihirap ang aking ina upang palakihin ako at naggugol siya nang lubos para sa akin, at dahil sa ugnayang ito ng aming dugo, palagi kong nais na protektahan siya, at hinarap ko siya sa isang pamamaraan na ganap na walang prinsipyo. Nang makita ko ang mga pagsasaayos ng gawain ng iglesia para sa muling pagtanggap ng mga tao, ang una kong naisip ay ang aking ina. Alam ko na isa siyang masamang tao na pinaalis ng iglesia, subalit batay lamang sa ilang mabubuting asal na ipinakita niya, nais kong matanggap siyang muli sa iglesia upang mapaligaya at mapasaya siya, at upang mapanatili ang ugnayan namin bilang pamilya. Lalo na noong isinulat ko ang pagsusuri sa kanya, nilabag ko ang mga prinsipyo ng pagiging patas, makatarungan, makatotohanan, at praktikal. Dahil sa impluwensya ng aking mga damdamin, pinaboran at pinrotektahan ko siya, at karamihan sa isinulat ko ay tungkol sa mabubuting katangian niya, nagpapakita na para bang isa siyang positibong tao na naghahangad ng katotohanan, at bahagya ko lamang binanggit ang masasamang gawain niya noon. Natakot ako na wala siyang tunay na pagkaunawa sa masasamang gawa niya noon, kaya partikular akong sumulat sa kanya upang ipaalala sa kanya at isiwalat sa lahat ang bawat isa sa masasamang gawa niya upang magkaroon siya ng tunay na pagkaunawa sa kanyang sarili at mabilis siyang makapagsisi at makapagsikap na matanggap muli sa iglesia. Sa pangangalap ng mga pagsusuri mula sa mga nakakikilala sa kanya, alam ko na ang tatlong iba pa na pinatalsik ay hindi nagpakita ng mga tanda ng pagsisisi, ngunit natakot ako na kung mangangalap ako ng pagsusuri na tungkol lamang sa aking ina, sasabihin ng mga kapatid na kumikilos ako batay sa aking mga damdamin, kaya itinago ko ito sa pamamagitan ng paghiling sa mga lider na magbigay ng pagsusuri tungkol sa apat na tao. Paminsan-minsan, tinatanong ko rin nang madalian ang mga lider ng iglesia tungkol sa kanilang progreso sa pangangalap ng mga pagsusuri dahilan upang maabala ang mga tungkulin nila. Hindi ba’t ginagambala at ginugulo ko ang gawain ng iglesia? Kumilos ako ayon sa aking mga damdamin, naging mapanlinlang at gumamit ng madadayang paraan. Hindi ko na masabi kung ano ang tama sa mali. Kumilos ako nang ganap na walang prinsipyo at nais kong muling tumanggap ng mga tao ayon sa sarili kong pagpapasya—Ako ay napakamakasarili, kasuklam-suklam, at walang pagkatao! Kahit na sa paggamit ng kasuklam-suklam na mga pamamaraang iyon ay matanggap muli ang aking ina at mapanatili ang emosyonal na ugnayan ko sa kanya, sasalungat at lalabag pa rin ako sa Diyos at gagawa pa rin ng kasamaan! Nang maisip ko ito, nakaramdam ako ng takot para sa aking nagawa.
Pagkatapos, nagbasa pa ako ng dalawang sipi ng mga salita ng Diyos at nakakuha ako ng kaunting pagkaunawa sa kalikasan at kahihinatnan ng pagkilos ayon sa sariling damdamin. Sabi ng Makapangyarihang Diyos: “Lubhang sentimental ang ilang tao. Araw-araw, sa lahat ng kanilang sinasabi, at sa lahat ng paraan ng asal nila sa iba, namumuhay sila ayon sa kanilang mga damdamin. Nakararamdam sila ng pagmamahal para sa taong ito at sa taong iyon, at ginugugol nila ang kanilang mga araw sa magiliw na pakikisalamuha. Sa lahat ng kanilang kinakaharap, nabubuhay sila sa mundo ng mga damdamin. Kapag namatay ang di-mananampalatayang kamag-anak ng gayong tao, iiyak siya nang tatlong araw at hindi pumapayag na ilibing ang bangkay. May mga damdamin pa rin siya para sa namatay at masyadong matindi ang kanyang mga damdamin. Masasabi na ang mga damdamin ang nakamamatay na kapintasan ng taong ito. Pinipigilan siya ng kanyang mga emosyon sa lahat ng bagay, wala siyang kakayahang magsagawa ng katotohanan o kumilos ayon sa prinsipyo, at madalas na siya ay malamang na magrebelde laban sa Diyos. Ang mga damdamin ang pinakamatindi niyang kahinaan, ang kanyang nakamamatay na kapintasan, at ganap na kaya siyang sirain at ipahamak ng kanyang mga damdamin. Ang mga taong sobrang sentimental ay walang kakayahang isagawa ang katotohanan o magpasakop sa Diyos. Sila ay abala sa laman at sila ay hangal at magulo ang pag-iisip. Kalikasan ng gayong klase ng tao ang maging labis na sentimental, at namumuhay siya ayon sa kanyang mga damdamin” (Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Paano Malalaman ang Kalikasan ng Tao). “Sino si Satanas, sino ang mga demonyo, at sino ang mga kaaway ng Diyos kundi ang mga mapanlaban na hindi naniniwala sa Diyos? Hindi ba sila yaong mga taong mapaghimagsik sa Diyos? Hindi ba sila yaong mga umaangkin na may pananampalataya, subalit salat sa katotohanan? Hindi ba sila yaong mga naghahangad na matamo lamang ang mga pagpapala samantalang hindi magawang magpatotoo para sa Diyos? Nakikihalubilo ka pa rin ngayon sa mga demonyong iyon at tinatrato sila nang may konsensiya at pagmamahal, ngunit sa pangyayaring ito, hindi ka ba nag-aabot ng mabubuting layon kay Satanas? Hindi ka ba kakampi ng mga demonyo? Kung umabot na ang mga tao sa puntong ito at hindi pa rin nila mapag-iba ang mabuti sa masama, at patuloy na bulag na maging mapagmahal at maawain nang walang anumang pagnanais na hangarin ang mga layunin ng Diyos o magawang kunin bilang kanila sa anumang paraan ang mga layunin ng Diyos, magiging higit na kahabag-habag ang kanilang mga katapusan. Kaaway ng Diyos ang sinumang hindi naniniwala sa Diyos sa katawang-tao. Kung nakapag-uukol ka ng budhi at pagmamahal sa isang kaaway, hindi ka ba salat sa pagpapahalaga sa katarungan? Kung bumabagay ka sa mga yaong kinamumuhian Ko at hindi Ko sinasang-ayunan, at nag-uukol pa rin ng pagmamahal o pansariling damdamin sa kanila, hindi ka ba mapaghimagsik kung gayon? Hindi mo ba sinasadyang labanan ang Diyos? Nagtataglay ba ng katotohanan ang gayong tao? Kung nag-uukol ng budhi ang mga tao patungkol sa mga kaaway, pagmamahal sa mga demonyo, at habag kay Satanas, hindi ba nila sinasadyang gambalain ang gawain ng Diyos sa gayon?” (Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Papasok sa Pahinga ang Diyos at ang Tao Nang Magkasama). Naunawaan ko mula sa mga salita ng Diyos na, upang mapanatili ang ugnayan ng pamilya, ang mga taong may matitinding damdamin ay lalabag sa mga prinsipyo at ipagpapalit ang katotohanan sa mahahalagang pagkakataon, at gagawa ng mga bagay na manlalaban at magkakanulo sa Diyos, na magiging dahilan upang ipagtabuyan at kamuhian sila ng Diyos. Kapag ikinumpara sa kalagayan ko, namumuhay ako sa mga satanikong kaisipan na “Ang tao ay hindi patay; paano siya magiging malaya mula sa mga damdamin?” at “Mas matimbang ang dugo kaysa tubig,” itinuturing ang ugnayan ng pamilya bilang pinakamahalaga at sinasamantala ang aking tungkulin upang maghanap ng mga paraan para matanggap muli ang aking ina sa iglesia. Hindi ko talaga hinanap ng katotohanan. Nadala lamang ako sa sinabi ng aking ina na siya ay nagsisi at sa ilang mabubuting asal na pinakita niya at nais kong muli siyang tanggapin sa iglesia. Humiling ako sa mga tao na sumulat ng mga pagsusuri tungkol sa kanya, nais kong makapagbigay ng ebidensya upang muli siyang matanggap, at partikular akong sumulat sa kanya para isiwalat ang mga masasamang gawa niya upang agad siyang makaunawa, makapagsisi, at makapagsikap na makabalik agad sa iglesia. Naisip ko kung paanong, mula noong nagsimula akong gumawa ng gawain ng pagpapaalis, ang mga materyales na pinamahalaan ko para sa mga taong napaalis at mga aplikante sa muling pagtanggap ay sinuri lahat ayon sa prinsipyo, ngunit napakaluwag ng pagtrato ko sa aking ina at hindi ako kailanman naghangad ng mga katotohanang prinsipyo sa panahong ito. Lalo na noong sumulat ako ng isang pagsusuri para sa aking ina, sinadya kong magsagawa ng panlilinlang at panloloko, nagpahayag lamang ng mabubuting bagay para sa kanyang kapakanan, at nakipagbahaginan sa kanya upang agad siyang makapagsisi. Kahit na nakaramdam ako ng pagkondena sa sarili, nagmatigas pa rin akong kumilos nang labag sa mga prinsipyo, nagnanais na matanggap muli sa iglesia ang isang masamang tao na wala nang pag-asang magbago. Nagpumilit akong makahanap ng mga paraan upang muling matanggap muli sa iglesia ang isang taong kinasusuklaman at kinamumuhian ng Diyos bataya sa aking mga damdamin—hindi ba’t ito ang sadya kong paglaban sa Diyos at paggambala at panggugulo sa gawain ng iglesia? Naisip ko kung paanong para sa kanilang pabor, ang mga batas ay binabaluktot ng mga tao sa bayang pinamumunuan ng malaking pulang dragon. Kapag naging isang opisyal at nagkaroon ng kapangyarihan ang isang tao, lahat ng kamag-anak at kaibigan nila ay nakikinabang kasama nila, at maaaring maitaas ang kanilang mga ranggo at mailagay sa mahahalagang posisyon mabuti man sila o masama, nang walang pagsasaalang-alang sa batas at kaayusan. Binalewala ko ang mga prinsipyo ng sambahayan ng Diyos at wala man lang akong may-takot-sa-Diyos na puso. Nilabag ko ang mga prinsipyo at sutil kong ninais na matanggap muli ang aking ina sa iglesia. Hindi ko namamalayan, naging kalasag ako para sa isang masamang tao—Talagang ako ang dahilan kaya nasuklam at namuhi sa akin ng Diyos! Ang mga prinsipyo ng iglesia sa pagtanggap ng mga tao ay nagsasabi na: Ang ilang tao ay gumagawa ng lahat ng klase ng kasamaan at walang habas na gumagawa ng mga maling bagay, na nagdudulot ng mga kaguluhan sa gawain ng iglesia, kaya napapatalsik sila. Kung, pagkatapos silang mapatalsik, tunay nilang pagsisihan ang masasamang gawa nila, at makahihikayat ng mas marami pang mga tao, mabubuting tao, sa pangangaral ng ebanghelyo, kung gayon ay maaaring maisaalang-alang paratanggapin ang mga taong iyon at mabigyan ng isang pagkakataon kung nais nilang muling sumapi sa iglesia; kung tatanggaping muli ng isang iglesia ang karamihan sa mga taong napaalis, ito ay magiging salungat sa mga prinsipyo. Dahil ang diwa ng isang masamang tao ay habambuhay na mananatiling masama, imposible para sa kanya na magsisi nang tunay; dapat magkaroon ang isang tao ng may-takot-sa-Diyos na puso pagdating sa usapin ng muling pagtanggap ng mga tao sa iglesia, maghangad ng katotohanan at malinaw na mangilatis ng mga pagpapamalas at diwa ng bawat tao, at magsikap na hindi magkamaling mang-akusa sa isang mabuting tao at hindi tumanggap ng masamang tao pabalik. Naisip ko na kung nilabag ko ang mga prinsipyo at muling tinanggap ang aking ina pabalik sa iglesia, at wala siyang pagkaunawa sa kanyang masasamang gawa at hindi siya tunay na nagsisi, kapag dumating ang isang angkop na pagkakataon, tiyak na ipagpapatuloy niya ang paggawa ng kasamaan, uudyukan, hihikayatin at ililigaw ang mga tao, gagambalahin at guguluhin ang gawain ng iglesia, at pagkatapos, magiging parte ako ng kasamaang ito at gaganap ng papel ng kampon ni Satanas! Nakita ko na ang mga damdamin ko ang aking pangunahing kahinaan, isang hadlang at balakid sa pagsasagawa ko ng katotohanan. Nabulag ako ng aking damdamin at hindi ko nakita ang mga bagay ayon sa mga salita ng Diyos. Nilabag ko ang mga prinsipyo sa aking tungkulin upang mapanatili ang mga damdamin sa pagitan naming mag-ina. Ang tanging ginawa ko ay labanan at ipagkanulo ang Diyos at lubhang delikado ang magpatuloy sa pamamaraang ito! Sa kabutihang palad, ako ay napungusan, at ito ang naglagay ng napapanahong pagtigil sa pagsulong ng aking kasamaan. Kung nagkataon, tinanggap ko na sana ang aking ina pabalik sa iglesia at nakaabala sa gawain ng iglesia at sa buhay pagpasok ng mga kapatid, hindi ba’t parang naging kasabwat na rin ako ng isang masamang tao? Hindi ko kayang isipin ang mga kahihinatnan! Napuno ako ng panghihinayang, paninisi sa sarili, at pagkakautang sa Diyos, at labis akong nagpasalamat sa Diyos sa pagprotekta sa akin. Nagpasya akong hindi na kailanman muling kikilos nang ayon sa aking mga damdamin at sasaktan ang puso ng Diyos, at naging handa akong hanapin ang katotohanan at kumilos ayon sa prinsipyo.
Kalaunan, muli kong hinanap ang angkop na mga prinsipyo at natukoy ko na wala ni isa man sa apat na tao ang may tunay na pagkaunawa sa kanilang masasamang gawa. Sa kanilang mga liham ng pagsisisi, nagtatangka pa rin ang ilan sa kanila na ipagtanggol ang mga sarili nila upang akalain ng mga tao na may makatwirang mga dahilan para sa kasamaan nila. Alinsunod sa mga prinsipyo ng iglesia para sa pagtanggap muli ng mga tao, napagpasyahan ko na wala sa apat na taong ito ang maaaring tanggapin pabalik sa iglesia. Naisip ko ang mga salitang ito ng Diyos: “Anong prinsipyo ang dapat pagbatayan ng pagtrato ng mga tao sa iba ayon sa hinihingi ng mga salita ng Diyos? Mahalin kung ano ang minamahal ng Diyos, at kamuhian kung ano ang kinamumuhian ng Diyos: Ito ang prinsipyong dapat sundin. Mahal ng Diyos ang mga naghahangad ng katotohanan at nakasusunod sa Kanyang kalooban; ito rin ang mga taong dapat nating mahalin. Ang mga hindi nakasusunod sa kalooban ng Diyos, mga napopoot at naghihimagsik sa Diyos—ito ang mga taong kinasusuklaman ng Diyos, at dapat din natin silang kasuklaman. Ito ang hinihingi ng Diyos sa tao. Kung hindi naniniwala sa Diyos ang iyong mga magulang, kung alam na alam nila na ang pananampalataya sa Diyos ang tamang landas, at na maaari itong humantong sa kaligtasan, subalit ayaw pa rin nila itong tanggapin, walang duda na sila ay mga taong tumututol at namumuhi sa katotohanan, at na sila ang mga taong lumalaban at namumuhi sa Diyos—at natural lang na kinapopootan at kinamumuhian sila ng Diyos. Magagawa mo bang kapootan ang gayong mga magulang? Nilalabanan at nilalapastangan nila ang Diyos—kung magkagayon ay tiyak na mga demonyo at Satanas sila. Magagawa mo ba silang kapootan at sumpain? Mga totoong katanungan ang lahat ng ito. Kung hinahadlangan ka ng iyong mga magulang na manalig sa Diyos, paano mo sila dapat tratuhin? Gaya ng hinihingi ng Diyos, dapat mong mahalin kung ano ang minamahal ng Diyos, at kamuhian kung ano ang kinamumuhian ng Diyos. Noong Kapanahunan ng Biyaya, sinabi ng Panginoong Jesus, ‘Sino ang Aking ina? At sino-sino ang Aking mga kapatid?’ ‘Sapagkat sinumang gumagawa ng kalooban ng Aking Ama na nasa langit, ay siyang Aking kapatid na lalaki at Aking kapatid na babae, at ina.’ Umiiral na ang mga salitang ito noon pang Kapanahunan ng Biyaya, at lalo pang mas malinaw ang mga salita ng Diyos ngayon: ‘Mahalin kung ano ang minamahal ng Diyos, at kamuhian kung ano ang kinamumuhian ng Diyos.’ Diretsahan ang mga salitang ito, ngunit madalas na hindi naaarok ng mga tao ang tunay na kahulugan ng mga ito” (Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Sa Pagkilala Lamang sa Sariling mga Maling Pananaw ng Isang Tao Siya Tunay na Makapagbabago). Habang nagninilay sa mga salita ng Diyos, naunawaan ko na tanging ang mga kayang tumanggap at magsagawa ng katotohanan at magprotekta sa gawain ng sambahayan ng Diyos ang tunay na mga kapatid, at nararapat tulungan ang mga taong ito nang may mapagmahal na puso. Para naman sa masasamang tao na hindi talaga nagsasagawa ng katotohanan at tumututol pa rito, at tumatangging magsisi pagkatapos gumawa ng kasamaan at magdulot ng mga kaguluhan, nararapat lamang silang itaboy. Tanging ang pagsasagawa sa ganitong paraan ang umaayon sa layunin at kahilingan ng Diyos. Natagpuan ko ang prinsipyo upang maharap ang aking ina—mahalin ang mga bagay na minamahal ng Diyos at kamuhian ang mga bagay na kinamumuhian ng Diyos. Sa usapin ng ugnayan sa dugo, siya ang aking ina, subalit ang kalikasan niya ay tumututol at namumuhi sa katotohanan, hindi niya tunay na nauunawaan o pinagsisisihan ang kanyang masasamang gawa. Ayon sa mga pagsusuring ibinigay ng mga kapatid, ang mga pananaw ng aking ina sa mga bagay-bagay ay katulad lamang sa mga walang pananampalataya at hinahangad niya ang makamundong mga kalakaran, at nabunyag ang diwa niya bilang isang hindi mananampalataya at masamang tao. Kinamumuhian at kinasusuklaman ng Diyos ang ganitong mga tao, at hindi Niya inililigtas ang masasamang tao, kaya kailangan kong tratuhin ang aking ina ayon sa mga katotohanang prinsipyo, sapagkat ito lamang ang umaayon sa mga layunin ng Diyos. Sa huli, alinsunod sa mga prinsipyo ng iglesia para sa pagtanggap ng mga tao, at sa mga katotohanang may kinalaman sa pagkilatis ng mabuting pag-uugali at tunay na pagsisisi, sumulat ako ng isang liham sa mga lider ng iglesia na nagbibigay ng aking rekomendasyon para sa pamamahala sa mga taong ito. Sumagot ang mga pinuno ng iglesia sa pamamagitan ng liham, na nagsasabing sa pamamagitan ng pag-aaral at pag-iimbestiga sa loob ng panahong ito, nakita nila na nagpakita lamang ang aking ina ng ilang mabubuting asal, na hindi niya tunay na naunawaan o pinagsisihan ang kanyang masasamang gawa, at na wala sa apat na taong iyon ang nakasunod sa mga prinsipyo upang muling matanggap at hindi sila maaaring matanggap pabalik sa iglesia. Nakaramdam ako ng kapanatagan noon at natutunan kong tanggapin na tanging sa hindi pagpapakontrol sa mga damdamin at sa pagkilos ayon sa prinsipyo, doon lamang maaaring tunay na mapalaya ang puso ng isang tao. Ganap itong bunga ng patnubay ng mga salita ng Diyos na nakaya kong makamit ang pagsasagawang ito.