45. Ang Paglalantad sa mga Anticristo ay Responsabilidad Ko

Ni Li Qian, Tsina

Noong katapusan ng Agosto ng 2020, napili ako bilang lider ng iglesia at ipinareha kay Xin Ran. Noong simula ng Setyembre, ipinatawag ng nakatataas sa amin si Xin Ran sa isang pagtitipon sa ibang bayan samantalang nanatili ako sa iglesia kasama ng ilang diyakono para asikasuhin ang iba’t ibang aytem ng gawain. Nang panahong iyon, napansin namin na ang gawain ng pagdidilig ay hindi epektibo, na ang pangunahing dahilan ay pabasta-basta ang superbisor ng pagdidilig at hindi nasusubaybayan nang napapanahon ang mga bagay-bagay. Naghanda kaming makipagbahaginan sa kanya para malutas ang problema, pero nang magpadala kami ng sulat kay Xin Ran tungkol dito, kaagad niyang tinanggihan ang mungkahi namin at sinabi sa amin na maghintay hanggang sa makabalik siya para mapag-usapan ito. Napaisip ako, “Makikipagbahaginan lang kami sa superbisor na iyon. Bakit kailangan naming maghintay na bumalik siya para gawin iyon? Pero marahil ay alam ni Xin Ran ang tungkol sa iba pang mga problema ng superbisor at nais niyang lutasin ang lahat ng ito nang magkakasama.” Pagkatapos kong maisip ito, tumahimik na ako. Ngunit makalipas ang ilang araw, bumalik si Xin Ran mula sa pagtitipon at hindi man lang nagbigay ng anumang paliwanag. Dahil dito ay naisip ko na mayroon siyang ilang isyu: Siguro naman hindi niya inisip na hindi kami dapat gumawa ng anumang gawain nang wala siya? Kalaunan, nang talakayin namin ang gawain ng iglesia, napansin kong palagi kaming minamaliit ni Xin Ran at inuutusan niya lang kami, na para bang hindi na niya kailangang makipagtalakayan ng mga bagay-bagay sa amin. Nagbigay ako ng ilang mungkahi, na tinanggihan niya nang hindi na pinag-iisipan pa. Wasto ang ilang mungkahi ko, pero sinadya niyang hanapan ng butas ang mga ito at sa halip ay pinakinig lang kami sa kanya. Halimbawa, may natuklasan akong mga isyu matapos siyasatin ang gawain ng ilang grupo, at nagmungkahi ako na maaari akong magbahagi sa mga superbisor para malutas ang mga ito, pero mariing iginiit ni Xin Ran na hindi ko kailangang gawin ito. Sinabi niya na makikipagtipon siya sa kanila kapag natapos na siya sa ibang gawain. Naisip ko na maaantala nito ang mga bagay-bagay, at na mas pamilyar ako kaysa sa kanya sa kalagayan ng gawain sa mga pangkat na iyon, kaya inulit ko sa kanya ang mga naisip ko, pero iginiit niya pa rin na gawin ko ang sinabi niya. Hindi talaga ako naging komportable dahil dito, at naisip ko, “Magkapareha kami, pero gusto niya palaging siya ang may huling salita, at hindi nagbibigay ng puwang para sa talakayan. Tinatanggihan niya ang lahat ng mungkahi ko, at sa huli ay palagi kong kinakailangang makinig sa mga ideya niya. Wala bang angkop sa mga mungkahi ko? O napakayabang lang talaga niya?” Pero nakita ko kung gaano siya kaagresibo, at naisip ko na mas matagal na siyang naging lider, na nangangahulugan na marahil mas nauunawaan niya ang mga problema at paghihirap ng mga kapatid kaysa sa akin. Kaya nagpasya akong gawin ang gusto niya, at wala na akong sinabi pa.

Kalaunan, naghiwalay kaming dalawa para makipagtipon sa bawat isa sa mga pangkat. Nang makipagtipon ako kasama ang mga tagadilig, sinabi ng superbisor na parami nang parami ang mga baguhan na tumatanggap ng ebanghelyo kamakailan, at hindi sila makasabay sa dami ng gawain. Tinanong niya kung ang mga lider at manggagawa ng iglesia ay maaaring gumawa ng part-time na pagdidilig upang matiyak na ang mga baguhan ay lahat madidiligan kaagad. Naisip ko na ito ay isang magandang mungkahi, kaya tinanggap ko ito. Nagulat ako, na nang malaman ito ni Xin Ran, sumulat siya ng isang napakabagsik na liham at ipinadala ito sa lahat ng tagadilig nang araw ring iyon. Sa liham, inakusahan niya ako na mayroon akong maling pag-unawa sa usaping ito, at sinabi na ang pagsasaayos ng gawain sa ganitong paraan ay guguluhin ang mga bagay-bagay. Sa hindi tuwirang paraan, pinagalitan din niya ang superbisor, sinasabing, “Ito ay isang sutil at hindi pinag-isipang pagsasaayos. Kumikilos ka nang walang pagsasaalang-alang sa anumang bagay maliban sa sarili mong mga ideya. Ito ay nakakagambala at nakakagulo sa gawain ng iglesia, na may napakalubhang kalikasan.” Parang isang sampal sa mukha ang pagbabasa ng liham na ito. Kumakabog ang dibdib ko. Naisip ko, “Naging sutil ako? Ginulo ko ang gawain ng iglesia?” Agad akong natigilan, at natakot na baka nalihis talaga ako at nagdulot ng pagkakagulo at pagkakagambala. Nang matanto kong nababasa ng lahat ng kapatid ang liham na ito, nag-alala ako kung ano ang iisipin nila sa akin. Paano ko sila haharaping muli? Naging miserable ako, at parang nakondena ako. Naisip ko, “Kahit na nagkamali talaga kami, nakipagbahaginan na lang sana siya sa amin sa mga prinsipyo at ipinaalam sa amin kung saan kami nagkamali para maituwid namin ang paglihis. Bakit direkta siyang sumulat ng liham sa lahat nang walang ibinabahaging anuman?” Hindi ko napigilang maluha, at labis akong naging negatibo dahil dito sa loob ng ilang araw. Sa pamamagitan lamang ng pagkain at pag-inom ng mga salita ng Diyos bumuti ang aking kalagayan. Sa oras na iyon, medyo may kutob na ako na si Xin Ran ay napakalupit, at kailangan kong mag-ingat sa aking mga pakikipag-ugnayan sa kanya sa hinaharap at subukang huwag siyang galitin, kung hindi, sino ang makakapagsabi kung kailan niya ako muling papahirapan at ipapahiya. Magmula noon ay nanatili sa akin ang anino ng pangyayaring iyon. Palagi kong nararamdaman na kung hindi ako makikinig kay Xin Ran o pabubulaanan ko siya, may gagawin siya na makakasakit sa akin, at lihim akong nagkimkim ng kaunting takot sa kanya.

Kalaunan, nalaman ko na iginiit ni Xin Ran na makipagtipon mismo sa mga superbisor ng mga pangkat, pero dahil hindi niya naitakda nang maayos ang mga oras, naantala ito nang ilang araw, at maraming gawain ang hindi naisaayos at naipatupad sa oras. Inakala ko na ibabahagi niya ang mga aral na natutunan niya mula sa isyung ito, o magsasalita siya tungkol sa mga paglihis at pagkakamali na nagawa niya sa pagsasaayos ng gawain, pero nakakagulat na hindi niya ito binanggit. Pagkaraan lamang ng ilang araw, nagpadala ng sulat ang nakatataas sa amin na nagbabahagi tungkol sa nauugnay na mga prinsipyo. Sinabi niya na naaangkop sa akin na isaayos ang mga lider at manggagawa na magdilig nang part-time sa mga baguhan. Ipinaliwanag niya na sa ganitong paraan, makakapaghanda ang mga kapatid ng mas maraming mabubuting gawa at madidiligan nang napapanahon ang mga baguhan, na kapaki-pakinabang sa gawain ng iglesia. Inakala ko na magninilay si Xin Ran sa kanyang sarili at matatanto ang pagkakamali niya nang marinig niya ito, pero tila wala talaga siyang pakialam dito. Sinulyapan lang niya ako nang may paghamak at saka tumalikod. Naisip ko, “Sunud-sunod ang pagkakamali niya sa tungkulin niya, pero hindi man lang niya kilala ang sarili niya. Mapanganib para sa kanya na magpatuloy nang ganito.” Naisip kong ipaalala sa kanya na magnilay sa kanyang sarili, subalit nakita ko kung gaano siya kaarogante at naisip ko kung paano niya pilit tinanggihan ang bawat iminungkahi ko sa kanya. Sino ang nakakaalam kung ano ang magiging reaksiyon niya sa pagtukoy ko ng kanyang mga problema? At napakalupit niya akong pinagalitan noong nakaraan na medyo nakakaramdam pa rin ako ng pagkatakot at pagkapigil, kaya hindi ako naglakas-loob na paalalahanan siya.

Noong panahong iyon, si Xin Ran lang ang nangangasiwa at nagsasaayos ng lahat ng aming gawain. Kahit na magkapareha kaming dalawa, hindi siya nakipag-usap o nakipagtalakayan sa akin tungkol sa mga bagay-bagay kahit kailan. Siya ang namamahala ng lahat, at siya lang ang may huling salita. Kapag tinatalakay ang gawain, magpapahayag ako at ang mga diyakono ng aming mga pananaw, at pagkatapos ay masyado niyang hahanapan ng maliliit na problema ang mga ito, babaguhin ang aming mga mungkahi, at sa huli ay magpapanukala ng kanyang “mas mahusay na mga ideya.” Sa paglipas ng panahon, nagsimula kaming lahat na makaramdam na hindi kami magaling sa aming mga tungkulin, at na si Xin Ran ay mas may malalim na kabatiran, may kapabilidad sa gawain, at mas malinaw na nakikita ang mga bagay kaysa sa amin. Kaya kadalasan, sumasang-ayon na lang kami sa kanyang pananaw at ginagawa ang kanyang sinabi. Napaka-agresibo ni Xin Ran kapag nakakahanap siya ng mga pagkakamali sa akin o tahasang tinatanggihan ang aking mga mungkahi, nagdulot sa akin na palaging medyo matakot sa kanya. Iniisip ko na may gagawin siyang masama sa akin kung hindi ko siya pakikinggan, kaya palagi kong sinisikap na makibagay sa kanya, at hindi ako nangahas na labanan siya. Dahil palagi niyang tinatanggihan ang aking mga iminumungkahi, paunti-unti kong tinigilan ang pagnanais na ibahagi ang aking mga ideya sa mga talakayan sa gawain, kahit na sa pakiramdam ko ay medyo maganda ang mga ito. Naisip ko na walang saysay na ipahayag ang mga ito, sapagkat hindi rin naman ito tatanggapin ni Xin Ran. Pagkatapos niyon, naging lalo akong pasibo sa aking tungkulin at hindi na ako nagsikap kung papaano pa mas magiging epektibo. Para lang akong papet. Wala akong sariling pag-iisip o pananaw tungkol sa iba’t-ibang isyu sa aming gawain. Hinihintay ko ang mga utos ni Xin Ran bago gumawa ng anuman, at ginagawa ko na lang ang anumang sinabi niya. Ang mga diyakono ay nasa parehong kalagayan din. Sa panahong iyon, lalo akong naging negatibo at pasibo, ngunit hindi ko alam kung papaano mababago ang aking kalagayan, at nakaramdam ako ng labis na paghihirap.

Kalaunan, nakatanggap kami ng sulat mula sa nakatataas na nagsasabi na naaresto ang ilang kapatid kamakailan. Para sa aming kaligtasan, hiniling sa amin na maghati sa dalawang grupo para gawin ang mga tungkulin namin at huwag magsama-sama sa isang grupo. Sa gayong paraan, kung may mangyayaring masama, hindi kami sabay-sabay maaaresto, na makaaantala sa iba’t ibang aytem ng gawain ng iglesia. Wala roon si Xin Ran noong panahong iyon, kaya tinalakay ko ang usapin sa mga diyakono. Pakiramdam ko ay isa itong magandang plano, pero pakiramdam ng mga diyakono na mas magiging mahirap talakayin ang gawain kapag naghiwalay kami sa dalawang grupo. Sa huli, hindi kami nakapagdesisyon, at gusto nilang hintaying makabalik si Xin Ran bago magpasya. Naisip ko na maghihiwalay lang naman kami ng mga grupo, at hindi nito kinakasangkutan ang anumang malalaking isyu ng prinsipyo. Kung isasaalang-alang ang mga panganib sa kaligtasan at ang mga bentahe at disbentahe ng planong ito, ang paghihiwalay ang naaangkop na gawin. Pero walang naglakas-loob na magpasya nang gayon. Iginiit nilang hintayin muna si Xin Ran na sang-ayunan ito. Nakita ko kung gaano siya sinasandalan at sinasamba ng lahat, kung paanong naghihintay ang lahat na isasaayos at pagpapasyahan niya ang mga bagay-bagay, at kung paano sila nakikinig sa mga utos niya, at napagtanto ko na malala talaga ang problema kay Xin Ran. Pagkatapos niyon, sinabi ko sa isa sa mga diyakono na si Sister Li Ruizhi ang tungkol sa kalagayan ko at ang mga isyung natuklasan ko kay Xin Ran. Nagulat ako nang marinig na nararamdaman din niyang labis siyang napipigilan kay Xin Ran. Sinabi niya sa akin na noon pa man ay takot na siya kay Xin Ran at hindi siya naglalakas-loob na tutulan ito. Sinabi rin niya na sinadya ni Xin Ran na palakihin ang mga pagkukulang niya, at pinagalitan siya nito sa harap ng iba para sumama ang tingin nila sa kanya. Pagkatapos ay idinagdag ni Ruizhi, “Kung napapansin natin ang mga problema ni Xin Ran, ngunit hindi kinikilatis o inilalantad ang mga ito, at kumikilos na lamang na parang mga mapagpalugod ng mga tao, nang hindi man lang pinanghahawakan ang mga katotohanang prinsipyo, pagkatapos ay mauuwi tayo sa pagkapoot ng Diyos at tatalikuran ng Banal na Espiritu.” Ganoon din ang naramdaman ko. Naisip ko ang isang sipi ng mga salita ng Diyos na nagsabing: “Iyong mga nasa iglesia na nagsasagawa ng katotohanan ay tinatanggihan, hindi magawang maibigay ang kanilang lahat-lahat, samantalang iyong mga nanggugulo sa iglesia at nagkakalat ng kamatayan ay nagwawala sa loob—at, bukod pa riyan, karamihan sa mga tao ay sumusunod sa kanila. Ang gayong mga iglesia ay pinamumunuan ni Satanas, walang duda; ang diyablo ang kanilang hari. Kung ang mga tao sa gayong mga iglesia ay hindi tumatayo at tumatanggi sa mga punong demonyo, sila rin sa malao’t madali ay mawawasak. Mula ngayon, kailangang gumawa ng mga hakbang laban sa gayong mga iglesia. Kung hindi maghahangad ang mga may kakayahang magsagawa ng kaunting katotohanan, bubuwagin ang iglesiang iyon. Kung walang sinuman sa isang iglesia ang handang magsagawa ng katotohanan at walang sinumang makapanindigan sa kanilang patotoo sa Diyos, dapat ay ihiwalay nang lubusan ang iglesiang iyon, at kailangang putulin ang mga koneksyon nito sa ibang mga iglesia. Tinatawag itong ‘paglilibing sa kamatayan’; ito ang ibig sabihin ng pagtanggi kay Satanas(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Isang Babala sa mga Hindi Nagsasagawa ng Katotohanan). Nang pagnilayan ko ang siping ito ng mga salita ng Diyos, natakot ako nang husto. Tumpak na inilantad ng salita ng Diyos ang kasalukuyang kalagayan namin. Si Xin Ran ang may huling salita at may hawak ng kapangyarihan sa iglesia, pero walang naglalakas-loob na ilantad siya. Sa halip, nakinig kaming lahat sa kanya, sinunod siya, at hinayaan na siya ang magdesisyon sa lahat ng bagay. Nasaan ang puwang ng Diyos sa puso ko? Paanong hindi mamumuhi o masusuklam sa akin ang Diyos dahil sa ganitong pag-uugali? Kung magpapatuloy ako nang ganito, sa huli ay talagang itataboy ako ng Diyos at lubusang mawawala sa akin ang gawain ng Banal na Espiritu. Nakita ko na nilabag ni Xin Ran ang mga prinsipyo at kumikilos ayon sa sariling kagustuhan. Siya ang may huling salita sa lahat ng bagay, umaasal siya gaya ng isang diktador, at hindi talaga nakinig sa payo ng mga katuwang at katrabaho niya. Nang tukuyin ng iba ang mga problema niya, hindi niya tinatanggap ito, o hindi pinagninilayan ang kanyang sarili. Pero takot na takot akong mapasama ang loob niya at mapaghigpitan kaya hindi ako naglakas-loob na banggitin ang mga isyu niya. Sinunod ko lang siya, na nagdulot ng mga pagkaantala at pagkagulo sa gawain ng iglesia. Nakaramdam ako ng labis na panghihinayang at pagsisisi nang matanto ko ito. Naisip ko, “Kailangan kong isagawa ang katotohanan at ilantad siya. Hindi na ako puwedeng magpaubaya na lang sa kanya.”

Pero, may isa pang hindi inaasahan na nangyari. Isang araw, pagkabalik mula sa isang pagtitipon, galit na sinabi sa akin ni Xin Ran, habang nakasimangot, “May dalawang superbisor ng pangkat na hindi makapagtulungan nang maayos at palaging pinupuna ang isa’t isa. Pinaplano kong tanggalin sila pareho.” Nagulat ako nang marinig ko ito. May kaunti akong nalalaman sa mga superbisor na iyon. Kahit na minsan ay nagpapakita sila ng mapagmataas na disposisyon, kaya nila parehong tumanggap ng katotohanan at gumawa ng tunay na gawain. Nagbunyag lang sila ng isang tiwaling disposisyon at nabigo silang magtulungan nang maayos; ang pakikipagbahaginan sa kanila sa katotohanan ay sasapat na para malutas ang mga problemang iyon. Paanong matatanggal sila nang gayon-gayon na lang? Hindi ba’t makaaantala sa gawain ng iglesia kung basta-bastang tatanggalin ang mga tao na kayang gumawa ng tunay na gawain? Alam ko na hindi ko na puwedeng patuloy na pikit-matang sundin si Xin Ran sa pagkakataong ito, kaya sinabi ko, “Pagdating sa isang bagay na gayon kahalaga, kailangan natin maghanap kung paano wastong magsasagawa. Hindi tayo puwedeng basta-basta magtanggal ng mga tao.” Pagkatapos niyon, nagpunta ako para siyasatin ang sitwasyon ng dalawang superbisor. Nagulat ako nang malaman kong tinanggal na sila. Habang sinisiyasat pa ang usapin, natuklasan ko na hindi talaga sila ang mga kandidato para sa pagtatanggal. Nagulat at nagalit ako, at naisip ko, “Gumawa ng gayon kalaking desisyon si Xin Ran nang hindi ito tinatalakay kaninuman. Napakasama niyon!” Kaya sumulat ako ng liham kay Xin Ran, tinutukoy ang kanyang mga problema, pero hindi niya talaga kilala ang sarili niya. Kalaunan, nalaman ko na ang isang diyakono, si Sister Liang Xinjing, na maagap at responsable dati sa kanyang tungkulin, ay nalagay sa talagang negatibong kalagayan kamakailan at nadarama na hindi siya naaangkop na maging diyakono dahil madalas siyang batikusin at maliitin ni Xin Ran. Sumama talaga ang loob ko nang marinig ko ito. Nakita ko na ang pagiging mayabang ni Xin Ran, ang kanyang mala-diktador na asal, at kung paano niya palaging inaatake at pinipigilan ang iba ay walang ibang nagawa kundi gawing negatibo at miserable ang mga tao. Hindi ba’t isa siyang masamang tao? Alam kong kailangan kong ilantad at pigilan siya. Hindi ko siya puwedeng hayaang patuloy na gawin ang anumang gusto niya. Gayumpaman, nang oras na para talagang harapin siya, medyo nangimi pa rin ako.

Kalaunan, nabasa ko ang isang sipi ng mga salita ng Diyos: “Kung hindi pa naging buhay mo ang katotohanan, at namumuhay ka pa rin sa loob ng iyong mga satanikong disposisyon, kung gayon, kapag nakakita ka ng masasamang tao at mga diyablo na nagdudulot ng mga pagkagambala at kaguluhan sa gawain ng iglesia, magbubulag-bulagan at magbibingi-bingihan ka, at babalewalain mo ito, nang hindi nakakaramdam ng anumang panunumbat mula sa iyong konsensiya. Iisipin mo pa nga na sinuman ang magdulot ng mga kaguluhan sa gawain ng iglesia, wala itong kinalaman sa iyo. Gaano man kalaki ang pinsalang idinudulot sa gawain ng iglesia at sa mga interes ng sambahayan ng Diyos, wala kang pakialam o hindi mo itatanong ang tungkol dito, o hindi ka makakaramdam ng anumang panunumbat mula sa iyong konsensiya. Sa gayong sitwasyon, isa kang taong walang konsensiya o katwiran, isang hindi mananampalataya, isang trabahador. Kinakain mo ang sa Diyos, iniinom mo ang sa Diyos, at tinatamasa mo ang lahat ng nagmumula sa Diyos, ngunit pakiramdam mo ay walang kinalaman sa iyo ang anumang pinsalang dumarating sa mga interes ng sambahayan ng Diyos—ginagawa ka nitong isang taksil na kumakampi sa mga tagalabas para sa ikakapahamak ng sarili mong mga kasama, ang uri ng bagay na kinakagat ang kamay na nagpapakain dito. Kung hindi mo pangangalagaan ang mga interes ng sambahayan ng Diyos, tao ka pa ba? Isa kang demonyong nakalusot sa iglesia. Nagkukunwari kang nananampalataya sa Diyos, nagpapanggap na isa sa hinirang na mga tao ng Diyos, at gusto mong maging palamunin sa sambahayan ng Diyos—hindi ka kawangis ng isang tao, at malinaw na isa kang hindi mananampalataya. Iyong mga tunay na nananampalataya sa Diyos, kahit hindi pa nila nakakamit ang katotohanan at buhay, kahit papaano ay papanig sila sa Diyos sa kanilang pananalita at mga kilos; kahit papaano, hindi sila mananatiling walang ginagawa kapag nakikita nilang napipinsala ang mga interes ng sambahayan ng Diyos. Kung susubukan nilang balewalain ito, makakaramdam ng panunumbat at hindi mapapalagay ang kanilang konsensiya, at sasabihin nila sa kanilang sarili, ‘Hindi ako puwedeng basta na lang umupo at walang gawin. Dapat akong tumayo at magsalita, dapat kong tuparin ang aking responsabilidad. Dapat akong humarap para ilantad at pigilan ang masamang gawang ito, para pangalagaan ang mga interes ng sambahayan ng Diyos mula sa pinsala, at para tiyakin na hindi nagugulo ang buhay iglesia.’ Kung naging buhay mo na sa iyong puso ang katotohanan, hindi ka lang magkakaroon ng ganitong lakas ng loob at determinasyon, kundi magagawa mo ring kilatisin ang usaping ito. Higit pa rito, magagawa mong tuparin ang nararapat mong bahagi ng responsabilidad para sa gawain ng Diyos at para sa mga interes ng Kanyang sambahayan, at sa ganitong paraan, matutupad ang tungkulin mo(Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Ikatlong Bahagi). Sinasabi ng mga salita ng Diyos na kung ang mga tao ay walang malasakit at hindi nakokonsensiya kapag nakikita nila ang gawain ng iglesia na nagdurusa ng mga kawalan, hindi nila ipinamumuhay ang buhay ng isang tao. Nasaktan ako nang husto sa pagbabasa nito, sapagkat iyon mismo ang aking inasal. Kitang-kita ko na may mga problema si Xin Ran, subalit hindi ako naging sapat na matapang upang tumindig para ilantad at pigilan siya. Dahil palagi niya akong hinahanapan ng mali, binabalewala ang aking mga ideya, at pinagsasabihan at inaatake ako mula sa itaas, natakot ako sa kanya at hindi ako nangahas na pasamain ang loob niya. Upang protektahan ang aking sarili, nagpaubaya ako sa kanya at namuhay nang walang dangal. Naisip ko pa na hangga’t nananatili akong masunuring tauhan niya, hindi niya ako susupilin o papahirapan. Hangga’t kaya kong protektahan ang aking sarili, handa akong hayaan siyang pangasiwaan, utusan at manipulahin ako. Namuhay ako sa ganitong kalagayan nang walang anumang pagsasaalang-alang para sa gawain ng iglesia. Alam kong naapektuhan na ni Xin Ran ang gawain ng iglesia sa pamamagitan ng pagsalungat sa mga prinsipyo at pagkilos na parang malupit na diktador, subalit hindi pa rin ako sapat na matapang upang tumindig at ilantad siya. Kahit nang inatake niya at pinigilan ang mga tao, hinawakan ang lahat ng kapangyarihan, at pinagpasyahan ang lahat ng bagay, hindi ako nangahas na labanan at pigilan siya sa paggawa ng masama. Talagang naging sunod-sunuran ako! Ako ay walang iba kundi isang walang kwentang duwag na nagtitiyagang mamuhay ng isang walang dangal na pag-iral! Nasaan ang integridad at dignidad sa pamumuhay nang ganoon? Tinamasa ko ang pagdidilig at pagtutustos ng mga salita ng Diyos, at ang lahat ng nagmula sa Kanya, pero palagi kong sinusubukang protektahan ang sarili ko at nabigo akong isagawa ang katotohanan para protektahan ang gawain ng iglesia. Nang maisip ko ito, labis na sumama ang loob ko at nakonsensya ako. Namuhi ako sa sarili ko dahil sa pagiging napakamakasarili at napakamapanlinlang ko. Naisip ko, “Hindi na ako puwedeng magpatuloy nang ganito. Sa pagkakataong ito, kahit na pahirapan niya ako o maghiganti siya, kailangan kong manindigan, ilantad ang mga masasama niyang gawa, at protektahan ang gawain ng iglesia. Iyon ang responsabilidad ko.”

Matapos iyon, pumunta ako kay Xin Ran upang ilantad kung paano niya nilabag ang mga prinsipyo at kumilos na parang isang tirano sa pamamagitan ng basta-bastang pagtanggal sa dalawang superbisor. Ngunit kasisimula ko pa lamang magsalita nang sumabad siya, na binabaligtad ang usapan laban sa akin na nagsasabing hindi ako nakikipagtulungan nang maayos sa kanya. Sa sandaling iyon, inilantad din siya ng mga diyakono sa pagsupil at pagpigil sa mga tao. Nang maharap sa mga katunayan, hindi kami nagawang pabulaanan ni Xin Ran, at sinabi lamang niya na hindi niya namalayan ang mga problemang ito, at na mag-iisip-isip siya. Sa huli, nang may ngiti pa sa kanyang mukha, sinabi niya, “Dahil sa mataas na kakayahan ko, malamang na maging mayabang ako. Hindi maiiwasan ito.” Hindi ako nakapagsalita nang marinig ko iyon. Talagang wala siyang katwiran! Pagkatapos niyon, dalawa sa mga diyakono ang muling nakipagbahaginan at tumulong kay Xin Ran nang dalawang beses, umaasa na magsisisi siya, pero hindi niya talaga ito tinanggap, at binatikos pa nga ang dalawa, sinasabing pinupuntirya siya ng mga ito. Nang makita ko na hindi talaga niya tinanggap ang katotohanan at wala siyang pagkaunawa sa sarili niyang masasamang gawa, napagtanto kong malala talaga ang mga problema niya.

Pagkatapos, napaisip ako kung paano sinupil ni Xin Ran ang mga diyakono at ako, hanggang sa puntong nanghina kami at naging negatibo. Ang ilan sa amin ay ayaw na ngang gawin ang mga tungkulin namin. Paano nangyari ito? Kalaunan, sa wakas ay nagkaroon ako ng kaunting pagkilatis sa mga paraan at kalikasan sa likod ng mga kilos ni Xin Ran sa pamamagitan ng pagbabasa ng mga salita ng Diyos. Sabi ng mga salita ng Diyos: “Ang mga anticristo ay may mga motibo at layon sa likod ng lahat ng kaparaanang ginagamit nila laban sa yaong mga naghahangad ng katotohanan. Sa halip na hangaring pangalagaan ang gawain ng sambahayan ng Diyos, ang layunin nila ay pangalagaan ang sarili nilang kapangyarihan at katayuan, gayundin ang kanilang posisyon at imahe sa puso ng mga taong hinirang ng Diyos. Ang mga pamamaraan at pag-uugali nila ay mga paggambala at panggugulo sa gawain ng sambahayan ng Diyos, at mayroon ding mapanirang epekto ang mga ito sa buhay iglesia. Hindi ba ito ang pinakakaraniwang pagpapamalas ng masasamang gawa ng isang anticristo? Dagdag pa sa masasamang gawang ito, gumagawa ang mga anticristo ng isang bagay na mas kasuklam-suklam pa, iyon ay na lagi nilang sinisikap na malaman kung paano magkakaroon ng magagamit na bentaha sa mga naghahangad ng katotohanan. Halimbawa, kung nakipagtalik ang ilang tao sa hindi nila asawa o nakagawa sila ng kung anong iba pang pagsalangsang, sinusunggaban ng mga anticristo ang mga ito bilang magagamit na bentaha para mabatikos sila, humahanap ng mga pagkakataon para insultuhin, ilantad, at siraan sila, bansagan sila para pahinain ang kasigasigan nilang gampanan ang kanilang mga tungkulin upang maging negatibo ang pakiramdam nila. Isinasanhi rin ng mga anticristo na magkaroon ng diskriminasyon ang mga taong hinirang ng Diyos laban sa kanila, iwasan sila, at itakwil sila, nang sa gayon ay mahiwalay ang mga naghahangad ng katotohanan. Sa huli, kapag ang lahat ng naghahangad ng katotohanan ay naging negatibo at mahina na ang pakiramdam, hindi na aktibong ginagampanan ang kanilang mga tungkulin, at ayaw nang dumalo sa mga pagtitipon, natupad na ang layon ng mga anticristo. Dahil ang mga naghahangad sa katotohanan ay hindi na banta sa kanilang katayuan at kapangyarihan, at wala nang nangangahas na iulat o ilantad sila, maaari nang mapanatag ang mga anticristo. … Ano ang iniisip ng mga anticristo na nagbibigay sa kanila ng kakayahang gumawa ng gayong kasamaan? ‘Kung yaong mga naghahanap ng katotohanan ay madalas makinig sa mga sermon, maaari nilang mahalata ang mga kilos ko balang araw, at pagkatapos ay siguradong ilalantad at papalitan nila ako. Habang gumaganap sila sa kanilang mga tungkulin, nanganganib ang aking katayuan, katanyagan, at reputasyon. Mas mainam na maunang umatake, maghanap ng mga pagkakataon na samantalahin ang magagamit na bentaha para guluhin at kondenahin sila, at gawin silang negatibo, para mawala ang anumang pagnanais nilang gumanap sa kanilang mga tungkulin. Mag-uudyok din ako ng mga alitan sa pagitan ng mga lider at manggagawa at ng mga naghahangad sa katotohanan, para ang mga lider at manggagawa ay kamumuhian sila, lalayuan, at hindi na pahahalagahan o iaangat. Sa gayong paraan, hindi na sila magkakaroon ng anumang pagnanais na hangarin ang katotohanan o gampanan ang kanilang mga tungkulin. Pinakamabuti kung mananatiling negatibo iyong mga naghahangad sa katotohanan.’ Ito ang layong nais makamtan ng mga anticristo(Ang Salita, Vol. IV. Paglalantad sa mga Anticristo. Ikatlong Aytem: Inihihiwalay at Binabatikos Nila ang mga Naghahangad sa Katotohanan). Sa pamamagitan ng pagbabasa ng mga salita ng Diyos, nalaman ko na may matinding pagnanais ang mga anticristo para sa katayuan at na itinuturing nila ang kapangyarihan bilang ang buhay mismo. Nag-aalala sila na ang mga naghahangad ng katotohanan ay makikilatis sila matapos maunawaan ang katotohanan, at pagkatapos ay makakakuha ng suporta at pagsang-ayon ng mga kapatid. Kaya, para mapatatag ang kanilang posisyon at kapangyarihan, sadyang naghahanap ang mga anticristo ng bentahe para batikusin at maliitin ang mga naghahangad ng katotohanan. Sinusubukan nilang gawing negatibo ang mga ito at mawalan ng pananalig, at hindi magawang gampanan nang normal ang mga tungkulin nila. Sa ganoong paraan, kayang manatili ng mga anticristo sa kapangyarihan at palaging ang may huling salita. Napagtanto ko na ito mismo ang ginawa ni Xin Ran. Palagi niya kaming nakikitaan ng mali, sinasamantala ang mga problema namin at inaatake kami ng kanyang mga pang-uuyam at panunuya. Sadya rin niyang ipinapahiya at minamaliit kami sa harap ng aming mga kapatid, na nagpadama sa amin na hindi namin kayang gumawa ng tunay na gawain, kaya labis kaming nanghina at naging negatibo na wala na kaming pagnanais na gampanan ang mga tungkulin namin. Ang pampublikong liham na isinulat niya na humahamak at kumokondena sa akin dahil sa baluktot kong pagkaunawa at sutil na mga kilos—na malubha sa kalikasan—ang labis na nakaapekto sa akin. Mula noon ay natakot na ako sa kanya. Natakot ako na hahamakin at pagsasabihan niya ulit ako sa harap ng madla kung hindi ko siya sasang-ayunan, kaya ginawa ko ang makakaya ko para makisama sa kanya. Hindi ako nangahas na muling pasamain ang loob niya o suwayin ang kagustuhan niya, at lalong hindi ako naging sapat na matapang para kilatisin at ilantad siya. Ganito rin ang mga pamamaraang ginamit niya sa mga diyakono, inaatake ang lahat hanggang sa madama nilang wala na silang silbi sa kanilang mga tungkulin. Sa paggawa nito, nasiguro ni Xin Ran na hindi siya makikilatis ng sinuman. Nangahulugan din ito na nadama ng lahat na napipigilan sila at nakikinig sila sa kanya, at walang naglalakas-loob na tumutol sa mga desisyon niya. Ganito niya nakamit ang layon niyang angkinin ang kapangyarihan sa aming iglesia. Ang mga salita at kilos ni Xin Ran ay napakasama, tuso, at malisyoso. Nagsasalita at kumikilos siya na tulad lamang ng isang anticristo.

Pinagbulayan ko rin kung bakit lahat kami ay humanga at sumunod kay Xin Ran kahit na malinaw na sinusupil niya kami. Ni hindi kami naglakas-loob na gumawa ng mga desisyon nang wala siya roon. Paano niya kami nalihis at nakontrol nang ganoon kalala? Kalaunan, nabasa ko ang isa pang sipi ng mga salita ng Diyos: “Ang pinakakaraniwang palatandaan ng kontrol ng anticristo ay na sa saklaw ng awtoridad niya, siya lang ang may huling pasya. Kung wala siya, walang sinumang nangangahas na magdesisyon o lumutas ng isang usapin. Kung wala siya, ang iba ay nagiging parang mga batang naliligaw, mangmang kung paano magdasal, maghanap, o kumonsulta sa isa’t isa, umaasal na parang mga papet o mga patay na tao. Tungkol sa madalas sinasabi ng mga anticristo para ilihis at kontrolin ang mga tao, hindi natin iyon idedetalye rito. Tiyak na marami silang ginagamit na pahayag at taktika, at ang mga resultang kahihinatnan ng mga iyon ay makikitang nangyayari sa mga taong nalilihis. … Halimbawa, kung magbibigay ka ng isang makatwirang suhestiyon, dapat tumuon ang lahat sa tamang mungkahing ito at patuloy na magbahaginan tungkol dito, at ito ang tamang landas at nagpapakita ito ng pagkamatapat at pagiging responsable sa tungkulin nila, pero iniisip ng anticristo sa puso niya, ‘Bakit hindi ako ang unang nakaisip ng mungkahing iyon?’ Sa kaibuturan niya ay inaamin niyang tama ang mungkahi, pero kaya ba niya itong tanggapin? Dahil sa kalikasan niya, lubos niyang hindi tatanggapin ang tama mong suhestiyon. Gagawin niya ang lahat ng posibleng gawin para tanggihan ang mungkahi mo, pagkatapos ay mag-iisip siya ng alternatibong plano para iparamdam sa iyo na lubos na hindi magagawa ang mungkahi mo, at mas maganda ang plano niya. Gusto niyang maramdaman mong wala kang magagawa nang wala siya at na sa pagtatrabaho lang niya magiging epektibo ang lahat ng tao. Kapag wala siya, walang trabahong magagawa nang tama, at ang lahat ng tao ay nawawalan ng halaga at walang kahit anong magawa. Ang estratehiya ng anticristo ay ang palaging lumitaw na bago at kakaiba at magsabi ng mga grandiyosong pahayag. Kahit gaano pa katama ang mga pahayag ng ibang tao, tatanggihan nila ang mga iyon. Kahit na tumutugma ang mga suhestiyon ng ibang tao sa sarili nilang mga ideya, kung hindi sila ang unang nagmungkahi sa mga iyon, hindi nila kailanman kikilalanin o gagamitin ang mga iyon. Sa halip, gagawin nila ang lahat ng makakaya nila para maliitin ang mga iyon, pagkatapos ay papabulaanan at kokondenahin ang mga iyon, tuloy-tuloy na pupunahin ang mga iyon hanggang sa maramdaman ng taong nagbibigay ng mga suhestiyon na mali ang mga ideya niya at aminin ang sarili niyang pagkakamali. Saka lang ito titigilan ng anticristo sa wakas. Nasisiyahan ang mga anticristo na itinataas ang kanilang sarili habang minamaliit ang iba, upang mapasamba ang iba sa kanila at ilagay sila sa sentro. Ang sarili lang nila ang hinahayaan nilang mangibabaw, habang ang iba ay puwede lang manatili sa likuran. Ang anumang sabihin o gawin nila ay tama, at ang anumang sabihin o gawin ng iba ay mali. Madalas silang nagsusulong ng mga bagong pananaw para pabulaanan ang mga pananaw at kilos ng iba, hinahanapan ng mali ang mga suhestiyon ng iba at ginagambala at tinatanggihan ang mga mungkahi ng iba. Sa ganitong paraan, dapat na makinig sa kanila ang ibang tao at kumilos ayon sa mga plano nila. Ginagamit nila ang mga paraan at estratehiyang ito para tuloy-tuloy kang tanggihan, atakihin, at iparamdam sa iyo na parang wala kang kakayahan, sa gayon ay ginagawa kang lalong mapagpasakop sa kanila, mas humahanga sa kanila at mas mataas ang tingin sa kanila. Sa ganoong paraan, lubusan ka nilang nakokontrol. Ito ang proseso kung paano sinusupil at kinokontrol ng mga anticristo ang mga tao(Ang Salita, Vol. IV. Paglalantad sa mga Anticristo. Ikalimang Aytem: Nililihis, Hinahatak, Pinagbabantaan, at Kinokontrol Nila ang mga Tao). Matapos mabasa ang mga salita ng Diyos, nagliwanag ang puso ko. Dati, kapag palaging tinatanggihan ni Xin Ran ang mga ideya namin, inakala ko lang na mayabang siya, pero hindi ko nakilatis ang mga intensyon at layon niya, o ang kalikasan ng mga kilos niya. Naunawaan ko lamang matapos kong basahin ang mga salita ng Diyos na sa tuwing binabalewala niya ang aming mga pananaw, naghahanap lamang siya ng mga problema sa aming mga pananaw para pabulaanan niya ang mga iyon at iparamdam sa amin na maaaring hindi angkop ang aming mga mungkahi. Pagkatapos ay magbubuod lamang siya ng isang ideya o ilang matatayog pakinggan na retorika sa batayang ito. Makalipas ang ilang panahon, nagsimula naming madama na mas mababa kami sa kanya, at na nakikita niya ang mga bagay-bagay nang mas malalim at nang may malalim na pagkaunawa. Hindi lang kami nabigong makilatis siya, lalo pa namin siyang tiningala at hinangaan, at sa huli ay hindi namin maiwasang itatwa ang aming mga sarili. Pakiramdam namin ay talagang walang saysay ang mga ideya at mungkahi namin, na walang kabuluhan na banggitin pa ang mga ito, at na dapat ay makinig na lang kami sa kanya. Sa paggawa nito, nakamit niya ang kanyang layon na makontrol ang mga iniisip ng ibang tao. Pagkatapos naming mamanipula niya sa loob ng mahabang panahon, tumigil na kami sa paghahanap at pagninilay-nilay kapag may mga nangyayari sa amin, at sa huli, nawalan na kami ng sariling mga pag-iisip. Para kaming mga papet, at ganap kaming mga walang silbi sa aming mga tungkulin. Naunawaan ko sa wakas na ito ang pamamaraang ginagamit ng mga anticristo para makapangibabaw sa mga tao at makontrol ang mga ito. Ginamit ito ni Xin Ran bilang paraan para makontrol kami, para makinig at sumunod kami sa kanya. Labis siyang mapanira, tuso, at masama!

Kalaunan, nabasa ko ang isa pang sipi ng mga salita ng Diyos: “Kung nagpapakana ang isang tao, kung palaging puno ng pagpapakana ang kanyang mga salita at kilos, kung siya ay isang tao na mahirap kalabanin, at kapag kasama mo siya, palagi niyang gustong kontrolin at pangasiwaan ka, sa pakiramdam mo ba ay mabait o malupit ang taong ito? (Malupit.) Natatakot ka sa kanya, at iniisip na, ‘Gusto palagi ng taong ito na kontrolin ako. Kailangan kong makatakas sa kanya sa lalong madaling panahon. Kung hindi ko gagawin ang sinasabi niya, mag-iisip siya ng paraan para mapaghigantihan ako, at malay ba natin kung anong mga pamamaraan ang gagamitin niya para pahirapan ako.’ Nadarama mong malupit ang disposisyon niya, hindi ba? (Oo.) Paano mo ito nararamdaman? (Palagi niyang napapagawa sa mga tao ang mga bagay ayon sa mga utos at mga idea niya.) Mali ba na igiit niya sa iyo na gawin ang mga bagay-bagay sa isang partikular na paraan? Mali ba talaga kung may igigiit na ipagawa sa iyo ang ibang tao? Wasto ba ang lohikang ito? Alinsunod ba ito sa katotohanan? (Hindi.) Ang mga kilos ba o ang disposisyon ba niya ang nagpapaasiwa sa iyo? (Ang disposisyon niya.) Tama iyon, ang disposisyon niya ay nagpaparamdam sa iyo na hindi ka komportable. Napapadama nito sa iyo na ang disposisyong ito ay mula kay Satanas, na ito ay hindi umaayon sa katotohanan, at na ito ay nakagugulo, kumokontrol at gumagapos sa iyo. Hindi lang ito nakapagpapaasiwa sa iyo, bagkus nagdudulot pa ito ng takot sa iyo, at pinapaisip ka nito na kung hindi mo gagawin ang sinasabi niya, may posibilidad na pahirapan ka niya. Ang disposisyon ng ganitong uri ng tao ay napakalupit. Hindi lang niya kaswal na sinasabi ang isang bagay—gusto ka niyang kontrolin. Labis ang panggigiit niyang gawin mo ang bagay-bagay, iginigiit na gawin mo ang mga iyon sa isang partikular na paraan, at nagtataglay ito ng isang partikular na uri ng disposisyon. Hindi lang niya iginigiit na gawin mo ang isang bagay, gusto ka rin niyang kontrolin. Kapag nakontrol ka niya, magiging papet ka niya, isang tau-tauhan na hawak niya. Kung ganap mo siyang susundin sa anumang sinasabi mo, anumang ginagawa mo, at kung paano mo ito ginagawa, magiging masaya siya. Kapag nadama mo ang disposisyong ito, ano ang nararamdaman mo sa puso mo? (Nakakaramdam ako ng takot.) At kapag nakakaramdam ka ng takot, paano mo binibigyang-kahulugan ang disposisyon niyang ito? Responsable ba ito at mabait, o malupit ito? Nadarama mong malupit ito. Kapag napagtanto mong malupit ang disposisyon ng isang tao, nakadarama ka ba ng kasiyahan, o nakadarama ka ng pagkamuhi, pagtutol, at takot? (Pagkamuhi, pagtutol, at takot.) Umuusbong sa kalooban mo ang masasamang damdaming ito. Kapag nakadarama ka ng pagkamuhi, pagkasuklam, at takot, nararamdaman mo bang malaya ka, o nararamdaman mong nakagapos ka? (Nakagapos.) Saan nagmumula ang ganitong mga uri ng mga sentimyento at damdamin? Nagmumula ang mga ito kay Satanas(Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Ang Pag-unawa sa Disposisyon ng Isang Tao ang Pundasyon ng Pagbabago Nito). Matapos mabasa ang mga salita ng Diyos, naunawaan ko kung bakit labis akong natatakot kay Xin Ran at hindi naglalakas-loob na sumuway sa kanya. Ang pangunahing dahilan nito ay dahil napakalupit niya kapag pinapagalitan niya ako at binabalewala ang mga ideya ko, na nagpapadama sa akin na nalilimitahan at napipigilan ako. Naniwala ako na kapag hindi ako nakinig sa kanya, susupilin at papahirapan niya ako. Malupit kaming binatikos at minaliit ni Xin Ran at hinahanapan ng mga kapintasan ang aming mga ideya para maipagwalang-bahala niya ang mga ito—ang layon niya sa paggawa nito ay para makipagkompromiso kami, at sa huli ay maging mga papet niya. Gusto niyang makinig ang lahat sa kanya, maalis ang lahat ng pagsuway, at nang sa gayon ay makamit niya ang layunin niya na humawak ng ganap na kapangyarihan. Napakatindi ng pagnanais niyang makakontrol!

Nang maglaon, ako at ang mga diyakono ay magkasamang nagbahaginan sa mga salitang ito ng Diyos. Habang mas tinatalakay namin ang mga ito, mas lumilinaw ang aming nadarama. Nakamit namin ang ilang pagkilatis sa mga pamamaraan ni Xin Ran ng panlilihis, pagkokontrol, at pagsusupil sa amin, at nakita namin na mayroon siyang mapagmataas at malupit na kalikasan. Upang patatagin ang kanyang katayuan at kapangyarihan, ginamit niya ang mga pamamaraang ito para sugpuin at kontrolin ang iba. Hawak niya ang lahat ng kapangyarihan at siya ang may huling desisyon sa mga kapatid. Nagulo at nagdulot siya ng kawalan sa gawain ng iglesia sa pamamagitan ng madalas na paglabag sa mga prinsipyo at pagkilos nang di-makatwiran. At kahit na maraming beses na siyang nalantad at nabahaginan, hindi niya ito tinatanggap talaga, at wala siyang kaalaman sa sarili at saloobin ng pagsisisi. Batay sa mga salita ng Diyos, natukoy namin nang may katiyakan na si Xin Ran ay kaparehong uri ng tao sa isang anticristo, na nangangahulugang kailangan siyang mapaalis at mabukod para sa obserbasyon. Kaya, sa mismong araw na iyon, binigyan namin ang aming nakatataas ng isang ulat tungkol sa pag-uugali ni Xin Ran at ng aming mga kongklusyon. Matapos imbestigahan at tingnan ang sitwasyon, natuklasan ng aming nakatataas na si Xin Ran ay nakagawa ng napakaraming masasamang gawa, at nakumpirma na ito ay isang anticristo. Kinonsulta ng nakakataas ang mga kapatid, at pagkatapos na higit sa 80% ang nagbigay ng kanilang pagsang-ayon, pinatalsik si Xin Ran mula sa iglesia. Pagkatapos siyang patalsikin, nagalak nang labis ang mga kapatid, at nakita naming lahat na ang Diyos ay napakamatuwid at na ang katotohanan ang naghahari sa sambahayan ng Diyos. Natutunan namin na kahit na maaaring manalasa sa iglesia pansamantala ang mga anticristo at masasamang tao, sa huli sila ay palaging mabubunyag at mapapaalis. Nakaramdam din ako ng labis na panghihinayang at pagsisisi pagkatapos ng lahat ng ito. Napagtanto ko na masyado akong nag-aalala sa pagprotekta sa aking sarili habang ang isang anticristo ay gumagawa ng masama. Gugustuhin kong apihin niya kaysa hanapin ang katotohanan, kilatisin at ilantad siya. Tahimik kong pinahintulutan ang kanyang kasamaan at ang panggagambalang ginawa niya sa gawain ng iglesia, na nangangahulugan na may bahagi ako sa kanyang masasamang gawa. Ngayon, naiintindihan ko na bilang mga lider at manggagawa, dapat nating itaguyod ang mga katotohanang prinsipyo at maglakas-loob na ilantad ang mga anticristo at masasamang tao. Iyon lamang ang tanging paraan upang mapangalagaan natin ang gawain ng iglesia at magawa nang mabuti ang ating tungkulin.

Sinundan: 44. Ang mga Kahihinatnan ng Paggawa ng Tungkulin Ayon sa Sariling Kalooban

Sumunod: 46. Kung Paano Sinalubong ng Matatalinong Dalaga ang Panginoon

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

88. Ang Hirap ng Kulungan

Ni Xiao Fan, TsinaIsang araw noong Mayo 2004, dumadalo ako sa isang pagtitipon kasama ng ilang kapatid nang biglang pumasok ang mahigit 20...

Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos Ukol sa Pagkakilala sa Diyos Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw Paglalantad sa mga Anticristo Ang mga Responsabilidad ng mga Lider at Manggagawa Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan Ang Paghatol ay Nagsisimula sa Tahanan ng Diyos Mahahalagang Salita Mula sa Makapangyarihang Diyos, ang Cristo ng mga Huling Araw Araw-araw na mga Salita ng Diyos Ang Mga Katotohanang Realidad na Dapat Pasukin ng mga Mananampalataya sa Diyos Sundan ang Kordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin Mga Gabay para sa Pagpapalaganap ng Ebanghelyo ng Kaharian Naririnig ng mga Tupa ng Diyos ang Tinig ng Diyos Makinig sa Tinig ng Diyos  Masdan ang Pagpapakita ng Diyos Mahahalagang Tanong at Sagot tungkol sa Ebanghelyo ng Kaharian Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume I) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume II) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume III) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume IV) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume V) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VI) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VII) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VIII) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume IX) Paano Ako Bumalik sa Makapangyarihang Diyos

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito