44. Ang mga Kahihinatnan ng Paggawa ng Tungkulin Ayon sa Kapritso

Ni Xingxing, Tsina

Noong Hunyo 2020, napili ako bilang isang lider ng iglesia. Noong una, kapag may problema ako sa gawain, kaya kong sadyang maghanap ng mga prinsipyo, at kahit kapag alam ko kung paano gawin ang mga bagay-bagay, hinihingi ko ang payo ng mga katrabaho, at kumikilos kapag nagkasundo na kami. Gayunpaman, pagkaraan ng maikling panahon, napansin kong madalas na angkop ang mga payo ko, at naging lider na ako noon, kaya pakiramdam ko’y nauunawaan ko ang ilang prinsipyo, at na kaya kong tingnan ang mga tao at mga bagay-bagay, pati na rin ang gumawa ng mga pagsasaayos nang tumpak. Lalo na minsan, noong hindi masyadong epektibo ang gawain ng ebanghelyo, hindi alam ng partner ko kung paano ito lulutasin, kaya iminungkahi ko sa mga kapatid na dating nangangaral ng ebanghelyo na magtulungan at bumuo ng isang grupo ng ebanghelyo para magamit ng bawat isa ang kanilang mga talento. Pagkatapos, hinanap namin ang katotohanan at nagbahaginan para malutas ang mga paghihirap sa gawain ng ebanghelyo, at pagkaraan ng ilang panahon, bumuti nang husto ang pagkaepektibo ng gawain ng ebanghelyo. Hindi ko namalayang napunta ako sa isang kalagayan ng pagpapahalaga sa sarili at pagkakampante, at nadama kong isa akong mahusay na lider at makatwirang nakakapagsaayos ng mga tauhan at gawain ng iglesia.

Makalipas ang ilang buwan, kinailangan ng iglesia na magsagawa ng karagdagang halalan ng diyakono. Bago ang halalan, sinuri ko ang lahat ng tao sa iglesia, at naisip ko na si Sister Li Yang ang pinakaangkop. Maraming taon na siyang nananalig, kaya niyang tumalikod at gumugol, at marunong siyang makibagay. Nakapunta na rin siya sa maraming lugar para ipangaral ang ebanghelyo noon, na may magagandang resulta. Ngayon, kababalik lang niya mula sa labas ng bayan pero nakapagpabalik-loob na ng ilang tao, kaya naisip ko na angkop siya na maging isang diyakono ng ebanghelyo. Ngunit nakita ko ang ilang komento na siya ay may mapagmataas na disposisyon, madalas na pinipigilan ang iba, at inaatake ang mga maaagap sa kanilang tungkulin, kaya nag-alangan ako. Pero naisip ko pagkatapos, nagawa niyang magtrabaho nang maayos at mabisang naipangaral ang ebanghelyo, kaya kahit may ilang isyu sa kanya, basta’t tinutulungan namin siya, hindi iyon magiging problema. Pagkatapos pag-isipan nang paulit-ulit, nadama ko na angkop si Li Yang na maging diyakono ng ebanghelyo. Kinabukasan, ibinahagi ko ang pananaw ko sa partner ko. Sabi niya, “Mahigpit na pinipigilan ni Li Yang ang iba. Kaya niyang ipangaral ang ebanghelyo nang mag-isa. Pero bilang isang diyakono ng ebanghelyo, maaabala niya ang gawain ng ebanghelyo, kaya dapat tayong mag-ingat.” No’ng oras na ‘yon, nang marinig kong sabihin ito ng sister, hindi ako natuwa. Naisip ko, “Maikling panahon ka pa lang nananalig sa Diyos, at masyadong hindi patas ang pananaw mo. Mas tumpak kong nakikita ang mga tao at mga bagay-bagay, kaya dapat kang makinig sa akin.” Kaya, sinabi ko sa kanya nang may pagkainis sa mukha ko, “Sa pagpili ng mga diyakono ng ebanghelyo, ang pinakamahalagang bagay ay kung ang isang tao ay may abilidad at kadalubhasaan sa gawain ng ebanghelyo. Mayabang siya at may gawi na pinipigilan ang iba, pero may abilidad siyang gumawa, at mabisa ang kanyang pangangaral. Kailangan nating matutunan kung paano gamitin ang mga tao ayon sa kanilang mga kalakasan at hindi maipit sa maliliit na problema.” Masyadong nadismaya ang partner ko matapos itong marinig, kaya hindi na siya nagsalita pa.

Sumunod, nakipagbahaginan ako sa mga kapatid tungkol sa halalan, pero hindi ako nagbahagi tungkol sa mga prinsipyo ng halalan. Sa halip, sadya kong binigyang-diin na kung sino man ang may abilidad at epektibo ay dapat mahalal. Pagkatapos kong magbahagi, karamihan sa mga kapatid ay pinili si Li Yang bilang diyakono ng ebanghelyo. Noong oras na ‘yon, lubos akong natuwa. Sa hindi inaasahan, matapos basahin ng nakatataas kong lider ang pagsusuri kay Li Yang, sinabi niyang palaging pinipigilan ni Li Yang ang iba, inaatake ang iba dahil sa pagiging maagap nila, na napakayabang niya, at hindi tinatanggap ang payo ng mga kapatid. Sinabi ng lider ko na ang pagpili sa kanya bilang diyakono ng ebanghelyo ay madaling makakagambala sa gawain namin. Naisip ko, “Hindi mo alam ang sitwasyon ng mga tauhan sa iglesia ko. Kung naging napakahigpit ko sa mga bagay-bagay, wala talagang aangkop. At saka, hindi naman lubusang hindi tumatanggap si Li Yang. Noong huli ko siyang iwinasto, tinanggap niya ito. Naaakma naman siya para sa gampanin.” Habang iniisip ito, mabilis kong sinabi, “Kayang tumanggap ni Li Yang ng pagwawasto, at epektibo ang kanyang pangangaral ng ebanghelyo. Matutulungan natin siya sa kanyang mapagmataas na disposisyon, at makakaya niya ang posisyong ito. Isa pa, sa kasalukuyan ay walang mas angkop kaysa sa kanya sa iglesia.” Matapos makinig, walang-magawang sinabi ng lider, “Sige, hayaan mo siyang magsagawa sandali at tingnan natin. Kapag nalaman mong inaatake niya ang mga tao at ginugulo ang gawain, ilipat mo siya sa oras.” At kaya, naging diyakono ng ebanghelyo si Li Yang.

Hindi nagtagal, sinabi ng partner ko, “Kamakailan, nakipag-ugnayan ako kay Li Yang at nalaman kong malubha pa rin niyang pinipigilan ang mga tao. Kapag ang mga manggagawa ng ebanghelyo ay may mga pagkukulang, hindi niya sila tinutulungan, o inaatake pa nga sila, sinasabing wala silang silbi at napakabagal lumago, o na ginagawa niya ang lahat ng gawain nang mag-isa at ang pakikipagtulungan sa kanila ay napakahirap, na naglalagay sa lahat sa negatibong kalagayan.” Hindi ko sineryoso ang payo niya, at naisip ko, “Lahat ay may katiwalian, pero kung nagagampanan nila ang kanilang mga tungkulin at nagiging epektibo, ayos lang ‘to. Napakababaw pa rin ng karanasan at kabatiran mo. Marami na akong nakitang kagaya niya. Kung nakikipagbahaginan ka sa kanila at iwinawasto sila, kaya pa rin nilang gumawa.” Sinabi ko pa sa sister, “Mas tingnan natin ang mga kalakasan niya. Mapagmataas siya, pero kaya niyang ipangaral ang ebanghelyo. Kailangan nating magpasensya sa maliliit na kapintasang ito. Mas magbabahagi ako sa kanya sa hinaharap.” Wala nang nasabi ang partner ko na pinabulaanan ko. Kalaunan, nang makita ko si Li Yang, gusto kong ilantad at suriin ang kanyang mga problema, ngunit sa sandaling nagkita kami, sinabi niya na ang gawain ng ebanghelyo ay napakaepektibo na ngayon. Nakita kong napakaagap niya sa tungkulin niya, kaya’t daglian kong sinabi sa kanya ang isyu ng kanyang mapagmataas na disposisyon at pagpipigil sa iba, at nakipagbahaginan sa kanya kung paano tratuhin nang tama ang mga kapatid. Pagkatapos niyang makinig, sinabi niyang handa siyang magbago, kaya hindi na ako nagsalita pa. Kalaunan, ilang sister ang sunud-sunod na nagsumbong na bukod sa hindi gumagawa si Li Yang ng praktikal na gawain, hindi rin siya nagbabahagi tungkol sa katotohanan para malutas ang mga problema ng mga taong nahihirapan, at madalas siyang nagagalit at pinapagalitan o inaatake ang mga tao, inilalagay ang mga kapatid sa negatibong kalagayan. Bilang resulta, naapektuhan ang pagiging epektibo ng gawain ng ebanghelyo. Naisip ko, “Mali ba talaga na iginiit kong piliin siya bilang diyakono? Dahil maraming beses na itong binanggit ng mga kapatid, hindi ko na pwedeng panghawakan pa ang mga pananaw ko.” Pagkatapos no’n, siniyasat ko ang mga pagsusuri kay Li Yang, at nakita ko na umaasa siya sa ilang taon niyang karanasan sa gawain ng ebanghelyo para madalas na pagalitan at atakihin ang mga tao mula sa posisyon niya, iniiwan silang napipigilan, nasa negatibong kalagayan, at hindi magampanan nang normal ang kanilang mga tungkulin. Nang tukuyin ng iba ang kanyang mga problema, nakipagtalo siya at ipinagtanggol ang kanyang sarili. Ilang tao ang nagbahagi sa kanya, pero hindi niya ito tinanggap. Natulala ako nang makita ko ang resultang ito. Hindi ko inaasahan na ganito pala kalubha ang problema ni Li Yang. Pagkatapos ng napakaraming taon ng paggawa, maling tao ang napili ko para maging diyakono, ginulo ko ang gawain, at naging dahilan para magreklamo ang iba. Sobra akong nalungkot dito. Pagkatapos, batay sa hindi nagbabagong pag-uugali ni Li Yang, natukoy na hindi siya angkop bilang isang diyakono ng ebanghelyo, at inalis siya.

Pagkatapos tanggalin si Li Yang, may naramdaman akong hindi ko maipaliwanag. Para akong sinampal nang malakas. Naisip ko ang lahat ng pagkakataong tinalakay ng partner ko ang mga problema kay Li Yang, pero hindi ko ito sineryoso, at ang resulta, nagdulot ako ng malubhang kawalan sa gawain ng iglesia. Labis akong nagsisi at nakonsensya, at tinanong ko ang sarili ko, “Bakit ako nakagawa ng gano’n kalaking pagkakamali sa pagpili kay Li Yang? Paano ko dapat pagnilayan ang sarili ko, at aling aspeto ng katotohanan ang dapat kong pasukin?” Nanalangin ako sa Diyos, hinihiling sa Kanya na bigyang-liwanag ako para makilala ko ang aking sarili. Nabasa ko ang siping ito ng salita ng Diyos, “Hindi kailanman naghahanap ng katotohanan ang ilang mga tao habang ginagampanan ang kanilang tungkulin. Ginagawa lamang nila kung anong gusto nila, kumikilos ayon sa kanilang sariling mga imahinasyon, at laging di-makatwiran at padalos-dalos, at hindi talaga sila tumatahak sa landas ng pagsasagawa ng katotohanan. Ano ang ibig sabihin ng pagiging ‘pabasta-basta at padalos-dalos’? Nangangahulugan ito na kapag nakakaharap ka ng isang usapin, ang kumilos sa paanong tingin mong naaangkop, nang hindi pinag-iisipan, o walang anumang proseso para sa paghahanap. Walang masasabi ang sinumang iba pa na makakaantig sa puso mo o magpapabago ng isip mo. Ni hindi mo matanggap kapag ibinabahagi sa iyo ang katotohanan, kumakapit ka sa sarili mong mga opinyon, hindi ka nakikinig kapag may sinasabing anumang tama ang ibang mga tao, naniniwala ka na ikaw ang tama, at kumakapit ka sa sarili mong mga ideya. Kahit tama ang iniisip mo, dapat mo ring isaalang-alang ang mga opinyon ng ibang mga tao, hindi ba? At kung hindi mo talaga gagawin ito, hindi ba ito pagiging masyadong mapagmagaling? Hindi madali para sa mga taong masyadong mapagmagaling at masuwayin na tanggapin ang katotohanan. Kung gumawa ka ng mali at punahin ka ng iba na sinasabing, ‘Hindi mo ito ginagawa ayon sa katotohanan!’ sumasagot ka, ‘Kahit hindi, ganito ko pa rin gagawin ito.’ Pagkatapos ay naghahanap ka ng dahilan para isipin nila na tama ito. Kung sawayin ka nila, na sinasabing, ‘Ang pagkilos mo nang ganito ay pakikialam, at makakapinsala iyan sa gawain ng iglesia,’ hindi ka lamang hindi nakikinig, kundi patuloy ka pang nagpapalusot: ‘Palagay ko ito ang tamang paraan, kaya gagawin ko ito sa ganitong paraan.’ Anong disposisyon ito? (Kayabangan.) Kayabangan ito. Ang mayabang na kalikasan ay ginagawa kang mapagmatigas. Kung mayroon kang mayabang na kalikasan, kikilos ka nang basta-basta at padalos-dalos, na hindi iniintindi ang sinasabi ninuman(Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Ikatlong Bahagi). Tumpak na inihayag ng salita ng Diyos ang kalagayan ko. Akala ko, dahil maraming taon na akong naging lider, nakabisado ko na ang ilang prinsipyo, at nagtamo ng ilang resulta sa gawain ko, nauunawaan ko na ang katotohanan at nakikita ko nang malinaw ang mga tao at mga bagay-bagay, kaya talagang nagtiwala ako sa sarili ko. Kapag may nangyayari, ginagawa ko ang anumang gusto ko, at hindi iniisip na hanapin ang katotohanan. Hiniling ng partner ko na alamin ko kung nagsisi at nagbago na ba si Li Yang, na naaayon sa mga prinsipyo, pero hindi ako nakinig, hindi ko ito tinanggap, at nagpumilit akong pakinggan niya ako. Noong halalan, sinadya kong bigyang-diin ang sarili kong mga pananaw para iligaw ang iba. Pagkatapos ng halalan, ipinaalala sa akin ng nakatataas kong lider na hindi angkop si Li Yang, pero mayabang kong pinanghawakan ang sarili kong mga pananaw at naghanap ng mga dahilan para pabulaanan ang aking lider. Matapos maging diyakono ng ebanghelyo si Li Yang, pinigilan niya ang iba sa lahat ng bagay. Nang muling ipaalam ng partner ko ang problemang ito, hindi pa rin ako nagnilay sa sarili ko. Pakiramdam ko’y masyadong kaunti ang karanasan niya at kabatiran, at hindi ko sineryoso ang mga sinabi niya. Sinabi ko pa nga na normal lang na medyo mayabang ang mga may kakayahan. Ginamit ko ito bilang dahilan para protektahan at kunsintihin si Li Yang. Matigas ang ulong kumapit ako sa sarili kong pananaw, hindi ko sinuri kung gumawa ba siya ng praktikal na gawain o nagdulot ng mga kaguluhan, at ang resulta ay nadama ng lahat na napipigilan niya sila sa kanilang mga tungkulin, na lubhang nakahadlang sa gawain ng ebanghelyo. Napakayabang ko at di-makatwiran! Paano ko ginagampanan ang aking tungkulin? Nakakagambala at nakakaabala ako, gumagawa ng masama, at nilalabanan ang Diyos, na kinamumuhian at kinasusuklaman ng Diyos. Nang mapagtanto ko ito, hindi ko maiwasang matakot saglit, kaya dali-dali akong nanalangin sa Diyos para magsisi, sinasabing gusto kong baguhin ang mali kong kalagayan at mga pananaw at hanapin ang mga prinsipyo ng paggamit ng mga tao.

Sa aking paghahanap, nakita ko na ang mga prinsipyo ng pagpili ng mga lider at manggagawa ay binabanggit ang, “Hindi naman lahat ng may mapagmataas na disposisyon ay pare-pareho na. Kung nagagawa ng isang tao na tanggapin ang katotohanan at makagawa ng praktikal na gawain, maaari silang maihalal” (170 Mga Prinsipyo ng Pagsasagawa ng Katotohanan). Ang mga taong may mapagmataas na disposisyon ay maaari ding piliin, pero may isang pangunang kailangan: Dapat kaya nilang tanggapin ang katotohanan at gumawa ng ilang praktikal na gawain. Bagama’t may kaunting kakayahan si Li Yang at mahusay sa pangangaral ng ebanghelyo, talagang mapagmataas ang disposisyon niya at minamaliit niya ang iba dahil lang sa may kaunting karanasan siya sa ebanghelyo. Nang ipaalam ng iba ang kanyang mga problema, hindi niya tinanggap o pinagnilayan ang mga bagay-bagay, at sinubukan niyang pangatwiranan ang sarili niya. Minsan, kahit na tinanggap niya ito sa panlabas, hindi talaga siya nagbago pagkatapos. Hindi talaga siya isang taong tumatanggap sa katotohanan. Pinigilan at inatake rin niya ang iba mula sa kanyang posisyon, na nagdudulot sa mga kapatid na mamuhay sa negatibong kalagayan, na lubhang nakaapekto sa gawain ng ebanghelyo. Ang mga taong tulad niya, na hindi nakakagawa ng praktikal na gawain at nagdudulot ng pagkagambala, kahit na sila ay may mga kaloob o talento, hindi sila angkop, at hindi pwedeng piliin bilang mga diyakono ng ebanghelyo. Isa pa, noong pinili ko si Li Yang, mali ang pananaw ko. Akala ko, para sa mga diyakono ng ebanghelyo, hangga’t may karanasan at epektibo ang isang tao, makakaya niyang pangasiwaan ang gawain, pero lahat ito’y imahinasyon ko lang. Kung nagkakamit siya ng mga tao sa pangangaral ng ebanghelyo, nagpapatunay lamang ito na mahusay siya sa gawain ng ebanghelyo, hindi ibig sabihing angkop siyang pangasiwaan ito. Gaano man karami ang karanasan ng isang tao, kung mayroon siyang masamang pagkatao, pinipigilan at inaatake ang iba mula sa mga satanikong disposisyon, at hindi tumatanggap ng pagtatabas o pagwawasto, isa itong problema. Ang paggamit sa gayong tao ay nakakagambala at nakakaabala lamang sa gawain ng iglesia. Maraming taon na akong nananalig, pero hindi ko hinahanap ang katotohanan kapag nangyayari ang mga bagay-bagay, Nakikita ko ang mga tao at mga bagay-bagay batay sa sarili kong mga kuru-kuro at imahinasyon. Paano ako naging kagaya ng isang nananalig sa Diyos? Isa talaga akong walang pananampalataya. Habang iniisip ko ‘to, ramdam ko ang lungkot na tumatagos sa puso ko. Nagdasal ako sa Diyos, para sabihin na nais kong hanapin ang mga prinsipyo ng katotohanan, at hindi na kumilos nang basta-basta batay sa sarili kong kagustuhan.

Bagama’t nagkaroon ako ng pagnanais na magbago, dahil napakalakas ng sarili kong kagustuhan, nagsimula na naman akong gumawa ng parehong mga pagkakamali. Isang araw, habang sinisiyasat ng lider ko ang gawain namin, nakita niya na si Sister Xu Jie, ang superbisor ng tekstuwal na gawain, ay may mahinang kakayahan. Mahabang panahon na siyang nililinang, pero walang ipinakitang malinaw na paglago, at hindi siya gumawa ng epektibong gawain. Iminungkahi ng lider ko na maghanap agad ako ng isang taong may mas mahusay na kakayahan para sanayin, at sinabing hindi mahalaga kung maikli ang panahon ng pagsasanay nito. Naisip ko, kahit na hindi mataas ang kakayahan ni Xu Jie, matagal na niyang ginagawa ang kanyang tungkulin at responsable siya, kaya mas mahusay siya kaysa sa sinumang bago sa trabaho. Ang mga bago rito ay hindi naiintindihan ang mga prinsipyo at walang karanasan sa gawain, at matatagalan ang pagsasanay sa kanila, kaya mas angkop pa rin si Xu Jie sa gampanin. Marahil hindi siya epektibo kamakailan dahil nasa masamang kalagayan siya. Pero kapag naiakma na niya ang sarili niya, natural na bubuti ang kanyang mga resulta. Kaya, hindi ko inilipat si Xu Jie. Pagkaraan ng sandaling panahon, nagpadala ng isa pang liham ang lider, hinihiling sa akin na ilipat si Xu Jie, at inirerekomenda si Sister Xin Yu, sinasabing may mahusay itong kakayahan at mahusay na kasanayan sa pagsusulat. Nakagawa na siya ng tekstuwal na gawain noon, at karapat-dapat linangin. Nakita kong maikling panahon pa lang siyang nananalig sa Diyos at kakaunti ang karanasan. Kaya ba niya talaga ang gawain? Sa saloobing ito, iginiit kong panatilihin si Xu Jie at hindi ko nilinang si Xin Yu. Noong katapusan ng buwan ko lang nalaman na halos huminto na pala ang tekstuwal na gawain. Iwinasto ako ng lider ko, sinasabing masyado akong mapilit sa mga pananaw ko, na iminungkahi niyang ilipat si Xu Jie nang dalawang beses, pero hindi ko ginawa, at hindi ko nilinang si Xin Yu, na lubhang nakahadlang sa tekstuwal na gawain. Labis akong nalungkot. Dalawang beses akong pinaalalahanan ng lider ko na may mahinang kakayahan si Xu Jie at hindi angkop para sa pagsasanay. Bakit hindi ko ‘to matanggap? Bakit ako palaging gumagamit ng mga tao sa sarili kong mga kondisyon? Bilang resulta, nagdulot ito ng malaking kawalan sa gawain namin. Labis akong nagsisi, kaya nagdasal ako sa Diyos, hinihiling sa Diyos na gabayan ako para makapagnilay sa sarili.

Kalaunan, nang mabasa ko ang mga salita ng Diyos, nagtamo ako ng kaunting pagkaunawa sa sarili ko. “Naglilingkod ka sa Diyos gamit ang likas mong pagkatao, at ayon sa mga personal mong kagustuhan. Dagdag pa rito, lagi mong iniisip na ang mga bagay na handa kang gawin ay ang mga bagay na nakalulugod sa Diyos, at ang mga bagay na hindi mo nais gawin ay ang mga bagay na kinapopootan ng Diyos; lubos kang gumagawa nang naaayon sa sarili mong mga kagustuhan. Matatawag ba itong paglilingkod sa Diyos? Sa huli, ang disposisyon mo sa buhay ay hindi magbabago ni katiting; sa halip, magiging mas matigas ang ulo mo dahil sa paglilingkod mo, at sa gayon ay mapapalalim ang iyong tiwaling disposisyon. Dahil dito, mabubuo sa iyong kalooban ang mga alituntunin sa paglilingkod sa Diyos na ang pangunahing batayan ay ang sarili mong pagkatao, at mga karanasang mula sa iyong paglilingkod ayon sa sarili mong disposisyon. Ito ang mga karanasan at mga aral ng tao. Ito ang pilosopiya ng tao sa pamumuhay sa mundo. Ang mga taong tulad nito ay maitutulad sa mga Pariseo at mga pinuno ng relihiyon. Kung hindi sila kailanman magigising at magsisisi, tiyak na magiging mga huwad na Cristo at mga anticristo sila na manlilinlang sa mga tao sa mga huling araw. Magmumula sa ganitong mga tao ang nabanggit na mga huwad na Cristo at mga anticristo. Kung ang mga naglilingkod sa Diyos ay sumusunod sa sarili nilang pagkatao at kumikilos ayon sa sarili nilang kalooban, nanganganib silang mapalayas anumang oras. Sa mga naglilingkod sa Diyos na gumagamit ng mga karanasan nila sa loob ng maraming taon upang makuha ang puso ng ibang tao, mapangaralan at makontrol sila, at magkaroon ng mataas na katayuan—at hindi kailanman nagsisisi, hindi kailanman nagtatapat ng kanilang mga kasalanan, hindi kailanman tinatalikuran ang mga benepisyo ng posisyon—ang mga taong ito ay babagsak sa harap ng Diyos. Sila ay mga kauri ni Pablo, nagpapalagay na nakatataas sila at ipinangangalandakan ang kanilang mga kuwalipikasyon. Hindi gagawing perpekto ng Diyos ang mga taong tulad nito. Ang ganitong uri ng paglilingkod ay humahadlang sa gawain ng Diyos. Ang mga tao ay palaging kumakapit sa nakalipas. Kumakapit sila sa mga kuru-kuro ng nakalipas, sa lahat ng bagay mula sa nakaraan. Malaking sagabal ito sa kanilang paglilingkod. Kung hindi mo kayang iwaksi ang mga ito, magiging hadlang ang mga ito sa buong buhay mo. Hindi ka pupurihin ng Diyos ni katiting, kahit pa mabali ang mga binti mo sa pagtakbo o ang likod mo sa paggawa, kahit pa mapatay ka sa paglilingkod mo sa Diyos. Sa kabaligtaran: sasabihin Niya na ikaw ay isang masamang tao(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Kailangang Maalis ang Paglilingkod na Pangrelihiyon). “Kung hindi minamahal ng isang tao ang katotohanan at madalas na kumikilos nang ayon sa sarili niyang kagustuhan, madalas siyang magkakasala sa Diyos. Kasusuklaman at itatakwil siya ng Diyos, at isasantabi siya. Ang ginagawa ng gayong tao ay kadalasang nabibigong matamo ang pagsang-ayon ng Diyos, at kung hindi siya magsisisi, nalalapit na ang parusa sa kanya(Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Ikatlong Bahagi). Habang pinagninilayan ko ang mga salita ng Diyos, medyo natakot ako. Akala ko, dahil matagal ko nang ginagawa ang tungkulin ko at nagkaroon ng ilang karanasan, nauunawaan ko na ang katotohanan, kaya kumapit at isinagawa ko ang sarili kong mga kuru-kuro na para bang ito ang katotohanan at itinuring ko ang karanasan ko sa gawain bilang kapital. Ang resulta ay yumabang ako nang yumabang. Kapag nangyayari ang mga bagay-bagay, wala akong lugar para sa Diyos sa puso ko, hindi ko hinahanap ang mga prinsipyo ng katotohanan, hindi ako tumatanggap ng mga mungkahi mula sa iba, at matigas ang ulo kong ginagawa ang anumang gusto ko. Ang resulta ay pinsala sa gawain ng iglesia. Sa wakas malinaw kong nakita na ang karanasan sa gawain ay hindi nangangahulugan na nauunawaan ko ang katotohanan o nagtataglay ako ng mga realidad nito. Sa hindi paghahangad sa katotohanan at sa pagkilos mula sa sarili kong karanasan at kagustuhan, maaabala ko lang ang gawain ng iglesia, na isang paglilingkod na lumalaban sa Diyos. Ang katotohanan ay naghahari sa sambahayan ng Diyos, at ang katotohanan ang pamantayan para sa mga kilos ng mga tao. Pero isinagawa ko ang karanasan ko sa gawain at sarili kong kagustuhan na parang ito ang katotohanan. Paano ito naging pananalig sa Diyos? Ito ay pananalig sa sarili! Naisip ko kung paanong ang mga anticristo na itiniwalag sa iglesia ay pawang mayayabang at di-makatwiran. Sa kanilang mga tungkulin, hindi nila pinansin ang mga prinsipyo ng sambahayan ng Diyos at kumilos sila nang walang ingat, at kahit paano pa sila pinaalalahanan o iwinasto ng iba, hindi sila kailanman nagsisi, kaya itiniwalag sila at pinalayas dahil lubha nilang naabala ang gawain ng iglesia. Hindi ba’t mayro’n akong kaparehong disposisyon gaya ng mga anticristo na ito? Tinatahak ko rin ang landas ng anticristo. Lalo akong nagsisi at nakonsensya, at kinasuklaman ko ang sarili ko sa pagiging masyadong mayabang.

Kalaunan, nakakita ako ng sipi ng mga salita ng Diyos at natutunan ko kung paano magsagawa. Sabi ng mga salita ng Diyos, “Ano ang maisasagawa mo para maiwasang maging pabasta-basta at padalos-dalos? Dapat ka munang magkaroon ng saloobing mapagpakumbaba, isantabi ang pinaniniwalaan mong tama, at hayaang magbahagi ang lahat. Kahit naniniwala ka na tama ang iyong paraan, hindi mo ito dapat ipagpilitan. Iyan ay isang uri ng pagsulong; ipinapakita nito na hinahanap mo ang katotohanan, ng pagtanggi sa iyong sarili, at ng pagbibigay-kasiyahan sa kalooban ng Diyos. Kapag nagkaroon ka na ng ganitong saloobin, kasabay ng hindi mo pagkapit sa sarili mong opinyon, dapat kang magdasal, hanapin ang katotohanan mula sa Diyos, at pagkatapos ay humanap ng batayan sa mga salita ng Diyos—tukuyin kung paano kikilos batay sa mga salita ng Diyos. Ito ang pinakaangkop at tumpak na pagsasagawa. Kapag hinahanap ng mga tao ang katotohanan at inilalabas ang isang problema para sama-samang mapagbahaginan ng lahat at makahanap ng sagot para doon, sa panahong iyon nagbibigay ng kaliwanagan ang Banal na Espiritu. Binibigyang-liwanag ng Diyos ang mga tao ayon sa prinsipyo, sinisiyasat Niya ang iyong saloobin. Kung ayaw mong makipagkompromiso kahit tama man o mali ang pananaw mo, itatago ng Diyos ang Kanyang mukha mula sa iyo at babalewalain ka; hindi ka Niya hahayaang umusad, ilalantad ka Niya at ibubunyag ang iyong pangit na kalagayan. Sa kabilang banda, kung tama ang iyong saloobin, hindi mapilit sa sarili mong paraan, ni hindi mapagmagaling, ni hindi pabasta-basta at padalos-dalos, bagkus ay saloobin ng paghahanap at pagtanggap ng katotohanan, kung ibabahagi mo ito sa lahat, gagawa sa iyo ang Banal na Espiritu, at marahil ay aakayin ka Niya sa pag-unawa sa pamamagitan ng mga salita ng iba. Minsan, kapag binibigyang-liwanag ka ng Banal na Espiritu, inaakay ka Niya na maunawaan ang pinakakahulugan ng isang bagay sa pamamagitan lamang ng ilang salita o parirala, o sa pagbibigay sa iyo ng pakiramdam. Napagtatanto mo, sa sandaling iyon, na anuman ang iyong kinakapitan ay mali, at, sa sandali ring iyon, nauunawaan mo ang pinakaangkop na paraan ng pagkilos. Sa pagdating sa gayong antas, nagtagumpay ka bang maiwasan ang paggawa ng kasamaan, at pagpasan ng mga kahihinatnan ng isang pagkakamali? Paano nakakamit ang ganoong bagay? Natatamo lamang ito kapag mayroon kang pusong may takot sa Diyos, at kapag hinahanap mo ang katotohanan nang may pusong masunurin. Kapag natanggap mo na ang kaliwanagan ng Banal na Espiritu at natukoy ang mga prinsipyo para sa pagsasagawa, ang iyong pagsasagawa ay maaayon sa katotohanan, at magagawa mong matugunan ang kalooban ng Diyos(Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Ikatlong Bahagi). Mula sa mga salita ng Diyos, makikita natin na anuman ang mangyari, dapat tayong magkaroon ng pusong may takot sa Diyos, hanapin ang kalooban ng Diyos, at hanapin ang mga prinsipyo ng katotohanan. Lalo na kapag ang mga kapatid natin ay may iba’t ibang mungkahi, dapat muna nating tanggihan ang sarili natin at tumanggap. Kahit na iniisip natin na tama tayo, dapat muna nating pakawalan ang ating sarili, at maghanap at makipagbahaginan sa mga kapatid natin. Sa ganitong paraan lamang natin matatamo ang kaliwanagan ng Diyos. Maraming taon na akong nananalig sa Diyos, pero kahit ngayon, hindi ko pa rin matanggap ang mga mungkahi na naaayon sa katotohanan. Hindi ko talaga taglay ang mga realidad ng katotohanan, at lubos akong namuhay ayon sa mapagmataas kong disposisyon. Sa kabila ng pagiging napakadukha, kaawa-awa, marumi, at tiwali, buong pagmamalaki ko pa ring inakala na magaling ako, at masyado akong naniniwala sa sarili ko kapag kumikilos ako. Kung iisipin ko ‘to ngayon, natanto kong kawalan ito ng kahihiyan. Nagpasya ako na hinding-hindi na ako magtitiwala sa sarili ko, at na sa lahat ng bagay, hahanapin ko ang mga prinsipyo ng katotohanan at makikipagbahaginan sa iba, dahil ito lang ang paraan para magawa ko nang maayos ang tungkulin ko.

Pagkatapos no’n, nagsimula na akong maghanap kung paano makatwirang isaayos ang mga tungkulin batay sa kakayahan at mga kalakasan ng bawat isa. Natagpuan ko ang mga salitang ito ng Diyos: “Dapat mong maipalabas ang pinakamainam sa bawat tao, ganap na pinakikinabangan ang kanilang pansariling kakayahan at isinasaayos ang naaangkop na mga tungkulin para sa kanila batay sa kung ano ang kanilang magagawa, ang uri ng kanilang kakayahan, ang kanilang edad, at gaano katagal na silang sumasampalataya sa Diyos. Dapat kang makapaghanda ng isang pang-isahang plano para sa bawat uri ng tao at pag-iba-ibahin ito sa bawat tao, upang maisakatuparan nila ang kanilang mga tungkulin sa tahanan ng Diyos at maibuhos ang kanilang mga takdang gawain sa kayang abutin ng mga ito(Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Ano ang Sapat na Pagtupad ng Tungkulin?). “Naniniwala ang ilang tao na magaling silang magsulat, kaya sinisikap nilang hilinging gampanan iyon. Siyempre pa, hindi sila hahayaan ng sambahayan ng Diyos na mawalan ng pag-asa, pinahahalagahan ng sambahayan ng Diyos ang mga indibiduwal na may talento, at anuman ang mga kaloob o kasanayan na mayroon ang mga tao, bibigyan sila ng puwang ng sambahayan ng Diyos para gamitin ang mga iyon, kaya nga isinasaayos ng iglesia na gampanan nila ang gawain ng pagsusulat. Ngunit makalipas ang ilang panahon, natuklasan na wala talaga silang ganitong kasanayan, at hindi nila kayang gampanan nang maayos ang tungkuling ito; hindi talaga sila epektibo. Ang kanilang mga kasanayan at kakayahan ay ginagawa silang lubos na walang kahusayan sa trabahong ito. Kaya ano ang dapat gawin sa gayong mga sitwasyon? Posible bang tiisin na lang sila at sabihing, ‘Masigasig ka, at kahit wala kang gaanong talento, at katamtaman ang kakayahan mo, basta’t handa ka, at hindi tumatangging magtrabaho nang husto, titiisin ka ng sambahayan ng Diyos, at hahayaan kang patuloy na gampanan ang tungkuling ito. Hindi mahalaga kung hindi mo ito magawa nang maayos. Magbubulag-bulagan ang sambahayan ng Diyos, at hindi ka kailangang palitan’? Ganito ba ang prinsipyo ng sambahayan ng Diyos sa pagharap sa mga usapin? Malinaw na hindi. Sa gayong mga sitwasyon, karaniwan ay nagsasaayos ng angkop na mga tungkulin para sa kanila batay sa kanilang kakayahan at mga kalakasan; isang parte iyon. Ngunit hindi sapat na dito lamang dumepende, dahil maraming sitwasyon na kahit ang mga tao mismo ay hindi alam kung anong tungkulin ang angkop na gampanan nila, at kahit iniisip nila na mahusay sila roon, maaaring hindi iyon tama, kaya nga kailangan nilang subukan iyon at sanayin sila nang ilang panahon; ang magdesisyon batay sa kung epektibo ba sila o hindi ang siyang tamang gawin. Kung ang kaunting panahon ng pagsasanay ay walang epekto at walang nagiging pag-usad, ibig sabihin ay walang halaga ang paglilinang sa kanila, at dapat gumawa ng mga pag-aakma sa mga tungkulin at muling magsaayos ng isang angkop na tungkulin para sa kanila. Ang muling pagsasaayos at pag-aakma ng mga tungkulin ng mga tao sa ganitong paraan ang tamang gawin, at naaayon din ito sa prinsipyo(Ang Salita, Vol. IV. Paglalantad sa mga Anticristo. Ikalabindalawang Aytem: Gusto Nilang Umatras Kapag Walang Katungkulan o Walang Pag-asang Magtamo ng mga Pagpapala). Sa salita ng Diyos, nakita ko na isinasaayos ng iglesia ang mga tungkulin batay sa pagkatao, kakayahan, at mga talento ng bawat tao, para magawa ng bawat isa ang lahat ng kanyang makakaya, at lahat ay ginagampanan ang kanilang papel sa tamang lugar. Gumagawa ng tekstuwal na gawain ang ilang tao, pero pagkatapos malinang nang ilang panahon, wala pa ring paglago. Wala silang kakayahan at hindi kaya ang gawain, kaya hindi sila magpapatuloy sa gampaning iyon. Sa halip, isang angkop na tungkulin ang isasaayos batay sa kanilang kakayahan, na kapaki-pakinabang sa kanila at sa gawain ng iglesia. Kung titingnan gamit ang mga prinsipyo, bagama’t may mabuting pagkatao si Xu Jie at nagdala ng pasanin sa kanyang tungkulin, may mahina siyang kakayahan, kaya kahit gumawa siya ng tekstuwal na gawain sa loob ng maraming taon, mabagal ang pag-usad, kaya hindi talaga siya angkop para sa tekstuwal na gawain. Bagama’t maikling panahon pa lang nananalig si Xin Yu, nauunawaan niya nang tama ang katotohanan, mapang-unawa siya, mayro’n siyang mahusay na kakayahan, at mahilig siyang magsulat. Bagama’t hindi pa siya kwalipikado para sa trabaho, kung lilinangin siya sa maikling panahon, pwede siyang maging maabilidad. Nang maunawaan ko na ang mga prinsipyo ng paglinang at paggamit ng mga tao, inilagay ko si Xin Yu sa pamamahala ng tekstuwal na gawain, inilipat si Xu Jie sa ibang tungkulin, at pagkaraan ng ilang panahon, unti-unting bumuti ang aming tekstuwal na gawain.

Kalaunan, nakita ko na magaling magsulat si Sister Wang Chen mula sa ibang grupo, at tingin ko’y pwede siyang linangin para sa tekstuwal na gawain, kaya inirekomenda ko siya, pero sinabi ng partner ko na mayabang ito at mapagmagaling, na may gawi itong pigilan ang mga tao, at palaging pinapakinig sa kanya ang iba, kaya hindi ito angkop. Medyo hindi ako natuwa nang marinig ang sinabi niya, at naisip ko, “Oo, medyo mayabang si Wang Chen at may gawing pigilan ang mga tao, pero ang pag-uugaling ‘yon ay nakaraan na lahat. Ngayon, kaya niyang tumanggap ng pagtatabas at pagwawasto, at nagpakita na siya ng kaunting pagbabago. Sa tingin ko’y talagang angkop siya sa tekstuwal na gawain.” Kaya kumapit ako sa pananaw ko, pero naisip ko, “Naglalaman ng kalooban ng Diyos ang pagsasabi ng katrabaho ko nito. Palagi akong gumagamit ng mga tao batay sa sarili kong kagustuhan, na nakapipinsala sa gawain ng iglesia. Ngayon, nagpasya akong gamitin si Wang Chen nang hindi hinahanap ang mga prinsipyo. Diretso lang akong nagpasya. Hindi pa rin ako makatwiran! Hindi na ako pwedeng kumapit sa sarili kong mga pananaw. Kailangan kong hanapin ang katotohanan dito. Ang tanging tumpak na paraan para matukoy ito ay ayon sa mga prinsipyo.” Kalaunan, nabasa ko sa salita ng Diyos, “Ang isa pang uri ng tao na maaaring taasan ng ranggo at linangin ay ang mga nagtataglay ng mga natatanging talento o kaloob at nagpakadalubhasa sa ilang larangan o kasanayan. Ano ang pamantayang hinahanap ng sambahayan ng Diyos sa paglinang sa mga taong gaya nito para maging mga lider ng grupo? Una, patungkol sa kanilang pagkatao, kailangan lang nilang maging medyo marubdob tungkol sa mga positibong bagay; hindi sila dapat masasamang tao. Maaaring itanong ng ilan, ‘Bakit hindi nila kinakailangang maging tao na nagmamahal sa katotohanan?’ Dahil ang mga superbisor ng grupo ay hindi mga lider o manggagawa, ni hindi sila nagdidilig ng mga tao. Sobra-sobra na kung hihingin pa sa kanilang abutin ang pamantayan ng pagmamahal sa katotohanan, at hindi ito kayang maabot ng karamihan sa mga tao. Hindi ito hinihingi sa mga taong gumagawa ng gawaing administratibo o mga gawain ng espesyalista; kung hinihingi iyon, hindi iyon kakayaning matugunan ng karamihan sa kanila, iilan lamang ang magiging kuwalipikado, kaya kailangang babaan ang mga pamantayan. Basta’t mahusay ang mga tao sa isang partikular na larangan at kayang tanggapin ang gawain, at hindi gumagawa ng masama o nagsasanhi ng anumang sagabal, sapat na iyon. Para sa mga taong ito, na may kadalubhasaan sa ilang kasanayan o gampanin at may ilang malalakas na katangian, kapag nagsasagawa sila ng gawain na nangangailangan ng kaunting pamilyaridad sa kasanayan at nauugnay sa kanilang propesyon sa sambahayan ng Diyos, kailangan lamang nilang maging medyo matapat at kagalang-galang, hindi masama, hindi mali o kakatwa sa kanilang pagkaunawa, makayang magtiis ng hirap, at maging handang magbayad ng halaga(Ang Salita, Vol. V. Ang mga Responsibilidad ng mga Lider at Manggagawa). Nililinang ng sambahayan ng Diyos ang mga taong may mga espesyal na kasanayan batay sa prinsipyong ito: Dapat mayro’n silang katanggap-tanggap na pagkatao, hindi lihis na pagkaunawa, sineseryoso ang kanilang mga tungkulin, at minamahal ang mga positibong bagay. Medyo may mayabang na disposisyon si Wang Chen, pero kung tama at naaayon sa katotohanan ang iminumungkahi ng iba, kaya niyang tanggapin ito. May talento siya sa tekstuwal na gawain, kaya niyang magdusa at magbayad ng halaga sa kanyang tungkulin, at kaya niyang protektahan ang gawain ng iglesia, kaya naaayon siya sa prinsipyong iyon. Kalaunan, ginamit ko ang prinsipyo para makipagbahaginan sa aking nakatataas na lider at ilang katuwang tungkol sa mga pananaw ko, at inisip ng lahat na kahit mayabang ang disposisyon ni Wang Chen, mayro’n siyang katanggap-tanggap na pagkatao, responsable siya sa kanyang tungkulin, at kayang tumanggap ng mga mungkahi ng ibang tao, kaya pwede siyang linangin. Pagkatapos no’n, isinaayos ko si Wang Chen na gumawa ng tekstuwal na gawain. Pinahalagahan niya ang pagkakataon, at nakagawa ng magagandang resulta sa kanyang bagong tungkulin. Nakita ko na kapag hinahanap natin ang kalooban ng Diyos sa lahat ng bagay at ginagawa ang ating mga tungkulin ayon sa mga prinsipyo ng katotohanan, matatanggap natin ang patnubay ng Banal na Espiritu, at magiging payapa ang puso natin. Salamat sa Diyos!

Sinundan: 43. Mga Sanga-sangang Daan

Sumunod: 45. Ang Paglalantad ng mga Anticristo ay Responsibilidad Ko

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

70. Hindi Na Isang Pasikat

Ni Mo Wen, SpainNaalala ko noong taong 2018, nasa tungkuling ebanghelyo ako sa iglesia, at pagkatapos ay ginawang tagapamahala ng gawaing...

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito