18. Kung Paano Ako Nakalaya Mula sa Mababang Pagpapahalaga sa Sarili

Ni Mi Jing, Tsina

Noong bata pa ako, hindi ko gustong makipag-usap o bumati sa mga tao, kaya madalas sabihin ng mga magulang ko sa mga kamag-anak at kaibigan nila, “May mali sa batang ito. Mahina siguro ang ulo niya.” Nagsasabi rin ang matatanda ng mga bagay gaya ng, “Tingnan mo kung gaano katalino at nakakatuwa ang kapatid mo, pero ikaw, sobrang purol.” Unti-unti, nagsimula kong maramdaman na wala akong halaga, na ako ang pinakamababa sa lahat ng mababa. Hindi rin ako nangahas magsalita ng kahit ano sa mga klase, dahil natatakot akong pagtawanan ng iba ang pagsasabi ko ng mga estupidong bagay. Inggit na inggit ako sa mga taong magagaling magsalita at matatalino, at inakala ko na gusto ng lahat ang mga taong gaya nila.

Noong maging mananampalataya ako, sa simula ay kabadong-kabado akong magbahagi tungkol sa mga salita ng Diyos sa mga pagtitipon, natatakot ako na hindi ako makapagbabahagi nang maayos at na pagtatawanan ako ng iba, kaya hindi ako masyadong nagsasalita sa mga pagtitipon. Madalas na pinapalakas ng mga kapatid ang loob ko para magbahagi pa, at kapag nagiging bukas sila at nagbabahagi sila tungkol sa kanilang pagkaunawang batay sa karanasan, nakikita ko na walang sinumang pinagtatawanan. Binawasan nito ang pakiramdam ko ng pagkapigil, kaya nagsimula akong mas magsalita pa. Kinalaunan, nahalal ako bilang isang mangangaral upang mamahala sa ilang iglesia. Talagang sorpresa ito para sa akin. Para maging isang mangangaral ang isang taong gaya ko na hindi magaling magsalita, pakiramdam ko, ito ay biyaya ng Diyos. Kailangan kong gawin ang gawaing ito sa abot ng aking makakaya at tuparin ang mga inaasahan ng Diyos sa akin. Isang beses, isinaayos ng isang lider na ako at ang dalawa pang mangangaral ay magtipon kasama niya. Nakita ko na ang ibang mangangaral ay labis na may kaliwanagan sa kanilang pagbabahagi ng mga salita ng Diyos at na nagsasalita sila sa isang napakalohikal na paraan. Inggit na inggit ako sa kanila. Naisip ko, “Kumpara sa kanilang kakayahan at husay sa pagsasalita, walang-wala ako. Bakit ba sobrang mapurol ako? Ni hindi ko kayang magsalita nang maayos.” Medyo nanghina ang loob ko dahil sa mga kaisipang ito. Kahit na nagtamo ako ng kaunting kaliwanagan noong pinagbulay-bulayan ko ang mga salita ng Diyos, nang maisip ko kung gaano ako kahina sa pag-oorganisa ng mga sasabihin ko, natakot akong mapagtawanan, kaya hindi ako nangahas na magbahagi. Higit pa roon, kinalaunan ay nagkaroon ako ng ilang problema sa gawain, kaya nauwi akong nabubuhay sa isang negatibong kalagayan, kumbinsido nang hindi ako magaling at na hindi ko magagawa nang maayos ang tungkuling ito. Wala ring nakukuhang magagandang resulta ang gawain. Pagkatapos ng ilang panahon, binago ang aking pagkakatalaga mula sa tungkuling ito at ginawa akong tagapangasiwa ng isang iglesia lang.

Noong magsimula akong gumawa kasama ang dalawang sister mula sa iglesiang ito, hindi ko naramdaman na sobrang di-maganda ang paggawa ko. Napakaaktibo ko sa aking tungkulin at nararamdaman ko ang kaliwanagan at paggabay ng Banal na Espiritu. Hindi nagtagal, isang sister ang nagpasyang magbitiw dahil hindi siya makatapos ng anumang tunay na gawain at ang isa pang sister ay nabago ang pagkakatalaga sa ibang tungkulin dahil kulang siya ng kakayahan. Pagkatapos nito, napili sina Brother Zhang Tong at Sister An Qing para maging mga kapareha ko. Nalaman ko na ang paraan ni Zhang Tong ng pagbabahagi tungkol sa kanyang kaalamang batay sa karanasan ay napakapraktikal at napakalinaw, at na may mahusay siyang kakayahan. Nagagawa rin ni An Qing na lumutas ng mga tunay na problema sa pamamagitan ng kanyang pagbabahagi sa mga pagtitipon. Nang makita ko ang kanilang mga kalakasan, pakiramdam ko ay labis na mas mababa ako. Kalaunan, habang nagtatalakayan tungkol sa gawain, napansin kong palagi akong masyadong maingat at nakikiayon na lang ako sa kung anumang sinabi nila. Minsan dama kong hindi akma ang kanilang mga pananaw, at gusto kong sabihin iyon, pero agad kong naiisip ang mababa kong kakayahan at kakulangan sa pang-unawa, kaya binabalewala ko na lang ang sarili kong opinyon. Gayundin, sa ilang pagkakataon, hindi nila sinang-ayunan ang mga pananaw ko, na nagpatibay sa pagkaramdam ko ng pagiging hindi sapat at naging dahilan para mas hindi ko na ipahayag ang sarili ko. Pasibo pa nga ako sa ilang pangunahing gampanin, dahil nag-aalala ako na maaantala ang gawain kung hindi maayos ang paggawa ko. Isang beses, iminungkahi ni Zhang Tong na ilagay si Sister Zhang Can sa pangangasiwa ng gawain ng pagdidilig. Kilalang-kilala ko si Zhang Can. Parati siyang pabaya at walang pasanin sa kanyang tungkulin, at natanggal na siya dati dahil sa hindi paggawa ng tunay na gawain. Wala pa rin siyang kaalaman tungkol sa kanyang sarili at hindi siya nababagay na mangasiwa sa ganoon kaimportanteng gawain. Sa mahinang tinig, ipinahayag ko ang aking mga pananaw. Nakipagkita si Zhang Tong kay Zhang Can matapos marinig ito. Pagkatapos, sinabi niya sa akin na sinuri na niya ang sitwasyon at nalaman niya na si Zhang Can ay mayroon na ngayong kaunting pagninilay sa sarili at pagkakilala sa sarili, at na kailangan naming tingnan ang potensyal ng mga tao, hindi lang ang nakaraan nila. Sinang-ayunan ni An Qing ang pananaw na ito ni Zhang Tong. Pakiramdam ko ay hindi pa matagal na lider si Zhang Tong, hindi pa niya naaarok ang ilang prinsipyo, at hindi niya masyadong kilala si Zhang Can. Hinuhusgahan niya si Zhang Can batay sa isang pakikipagpulong lamang, at maaaring hindi tumpak ang kanyang pagsusuri. Gusto kong irekomenda na suriin niya kung paano ginagawa ni Zhang Can ang kanyang tungkulin o suriin siyang muli pagkatapos makausap ni Zhang Tong ang ibang tao na nakakakilala nang husto kay Zhang Can. Pero naisip ko, “May mahusay na kakayahan si Zhang Tong at nagagawa niyang lumutas ng ilang problema. Siguro naman matatanto ni Zhang Can ang mga problema niya pagkatapos makipagbahaginan kay Zhang Tong. At saka ibinigay na rin naman ni An Qing ang pagsang-ayon niya. Kulang ang kakayahan ko at hindi ko malinaw na nakikita ang mga bagay-bagay; pinakamainam na manahimik na lang ako.” Kaya, hindi na ako nagpumilit pa. Hindi naglaon, natanggal uli si Zhang Can dahil sa hindi paggawa ng tunay na gawain. Nang makita kong naantala at naapektuhan ang gawain ng pagdidilig, nalungkot talaga ako. Kung naging mas mapilit lang ako noong simula at nagbatay sa mga prinsipyo para magbahagi kay Zhang Tong, hindi sana kami nagkaroon ng ganitong klase ng problema. Bagaman nakonsensiya ako, hindi ako nagnilay sa problema ko. Noon lang may ilan pang bagay na nangyari, na sa wakas ay nagnilay ako sa sarili ko.

Sa isang pagtitipon, inirekomenda ni Zhang Tong si Brother Zheng Yi bilang lider ng grupo ng pagdidilig. Sa tingin ko, kahit masigasig si Zheng Yi, kasisimula pa lang niyang manalig at hindi pa malinaw sa kanya ang katotohanan ng mga pangitain. Pakiramdam ko, dapat linangin muna siya, dahil baka maging masyadong mabigat na responsabilidad ang agad na pagiging lider ng grupo. Kaya, inilahad ko ang aking mga pananaw sa bagay na iyon, pero sa gulat ko, sinabi sa akin ni Zhang Tong, “Bakit ba ang hirap mong kausap at humahadlang ka? Hindi ba puwedeng makipagkita muna tayo sa kanya at siyasatin natin ang kanyang sitwasyon?” Pagkarinig sa sinabi niyang ito, nakaramdam ako ng sobrang hiya at sobrang lungkot. Naisip ko, “May mahusay na kakayahan si Zhang Tong at alam niya kung paano gumawa ng gawain. Mahina ang kakayahan ko at hindi ko makilatis ang mga tao o mga bagay-bagay. Kung ipipilit ko ang opinyon ko at mahahadlangan nga talaga ang gawain, paano na? Pinakamainam na huminto na lang ako sa pagpupumilit.” Pagkatapos ng pagtitipon, inisip ko ang sinabi ni Zhang Tong, at sobrang nalungkot ako dahil dito. Pakiramdam ko ay masyadong kulang ang kakayahan ko para sa gawaing ito, kaya dapat siguro ay kilalanin ko ang aking mga limitasyon at magbitiw na ako agad. Matapos malaman ito, tinulungan ako ng lider batay sa kanyang karanasan. Sa pagbabahagi ng lider, nagsimula kong pagnilayan kung bakit palaging gusto kong magbitiw at kung bakit lagi akong nabubuhay sa ganoong kalagayan ng kawalang-loob. Kalaunan, nabasa ko ang mga salita ng Diyos: “Lahat ng tao ay may ilang maling kalagayan sa loob nila, gaya ng pagkanegatibo, kahinaan, kalungkutan, at karupukan; o mayroon silang mga napakababang intensiyon; o palagi silang nababagabag ng kanilang pride, mga makasariling pagnanais, at pansariling interes; o iniisip nila na may mahina silang kakayahan, at dumaranas sila ng ilang negatibong kalagayan. Magiging napakahirap para sa iyo na tanggapin ang gawain ng Banal na Espiritu kung palagi kang namumuhay sa ganitong mga kalagayan. Kung hindi mo matanggap ang gawain ng Banal na Espiritu, magiging kaunti lang ang mga positibong elemento sa loob mo, at lilitaw ang mga negatibong elemento at guguluhin ka. Palaging umaasa ang mga tao sa kanilang sariling kalooban para supilin ang mga negatibong kalagayang iyon, ngunit gaano man nila supilin ang mga ito, hindi nila ito maiwawaksi. Ang pangunahing dahilan nito ay dahil hindi lubusang makilatis ng mga tao ang mga negatibong bagay na ito; hindi nila makita nang malinaw ang diwa ng mga iyon at kaya nagiging napakahirap para sa kanila na maghimagsik laban sa laman at kay Satanas. Gayundin, palaging naiipit ang mga tao sa mga negatibo, pabagsak, at pabulok na kalagayang ito, at hindi sila nagdarasal sa Diyos o bumabaling sa Diyos, at nagpapadala lang sila sa agos. Bilang resulta, hindi nila matanggap ang gawain ng Banal na Espiritu, at dahil dito ay imposible para sa kanila na maunawaan ang katotohanan, hindi nila makita nang malinaw ang anumang usapin, at wala silang landas sa lahat ng ginagawa nila(Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Makakamit Lamang ang Kalayaan at Pagpapalaya sa Pamamagitan ng Pagwawaksi sa Sariling mga Tiwaling Disposisyon). Malinaw na sa akin ang mga bagay-bagay dahil sa pagbabasa ng mga salita ng Diyos. Ang pangunahing dahilan kung bakit palagi akong nasa isang negatibo at mapanglaw na kalagayan ay dahil nagagapos ako ng mga bagay gaya ng banidad at makasariling mga pagnanais. Madalas, kapag nagbabahaginan ng mga salita ng Diyos sa mga pagtitipon, nakapupulot ako ng kaunting kaliwanagan, pero palagi kong nararamdaman na hindi ako mahusay magsalita at magpahayag ng mga bagay-bagay. Sobrang nag-aalala ako na hindi ako makapagbabahagi nang maayos at mamaliitin ako ng iba, kaya hindi ako nangangahas na magsalita ng kahit ano, na dahilan kaya nawawala ang kaunting kaliwanagan na natatanggap ko. Nang makita ko kung gaano kahusay ang kakayahan at kung gaano kagaling magsalita ang ibang mga mangangaral at kung gaano kapangit ang pagpapahayag ko ng sarili ko, inisip ko na sobrang mahina ang kakayahan ko at nahiya ako. Pagkatapos, naging negatibo ako at nagpakatamad sa aking tungkulin, walang nakuhang anumang resulta, at sa huli ay itinalaga ako sa ibang tungkulin. Ganito rin ngayon. Nakita ko na mahuhusay ang kakayahan ng mga kapareha ko at mas magagaling magbahagi kaysa sa akin. Sa mga talakayan tungkol sa gawain, takot na takot akong mapahiya o maliitin dahil sa hindi pagsasalita nang maayos, kaya hindi ako nangangahas na sabihin ang nasa isip ko. Minsan, kapag hindi tinatanggap ang mga tama kong ideya at pananaw, hindi ako nangangahas na panindigan ang aking mga pananaw, at iniisip ko lang na hindi mapahiya. Kontrolado ako ng mga negatibong emosyon na ito at gusto ko pa ngang umiwas sa aking tungkulin. Masyado ko talagang pinahalagahan ang banidad at pride ko! Kung magpapatuloy ako ng ganito, hindi ko kailanman makakamit ang gawain ng Banal na Espiritu, at wala akong magiging paraan para maunawaan o makamit ang katotohanan! Kaya nanalangin ako sa Diyos, hinihiling sa Kanya na bigyang-liwanag at gabayan ako upang makilala ko ang aking sarili at mabago ko ang aking kalagayan.

Kalaunan, binasa ko ang mga salita ng Diyos: “Kumpara sa mga ordinaryong tao, mas matindi ang pagmamahal ng mga anticristo sa kanilang reputasyon at katayuan, at isa itong bagay na nakapaloob sa kanilang disposisyong diwa; hindi ito isang pansamantalang interes, o ang lumilipas na epekto ng kanilang paligid—ito ay isang bagay na nasa kanilang buhay, nasa kanilang mga buto, kaya ito ay kanilang diwa. Masasabing sa lahat ng ginagawa ng mga anticristo, ang una nilang isinasaalang-alang ay ang kanilang sariling reputasyon at katayuan, wala nang iba pa. Para sa mga anticristo, ang reputasyon at katayuan ang kanilang buhay, at ang layong hinahangad nila sa buong buhay nila. Sa lahat ng kanilang ginagawa, ang una nilang isinasaalang-alang ay: ‘Ano ang mangyayari sa aking katayuan? At sa aking reputasyon? Ang paggawa ba nito ay magbibigay sa akin ng magandang reputasyon? Itataas ba nito ang aking katayuan sa isipan ng mga tao?’ Iyon ang unang bagay na kanilang iniisip, na sapat na patunay na mayroon silang disposisyon at diwa ng mga anticristo—at dahil dito kaya nila isinasaalang-alang ang mga bagay sa ganitong paraan. Maaaring sabihin na para sa mga anticristo, ang reputasyon at katayuan ay hindi kung anong karagdagang hinihingi lamang, lalong hindi mga bagay na panlabas sa kanila na makakaya nila kahit wala ang mga ito. Bahagi ang mga iyon ng kalikasan ng mga anticristo, iyon ay nasa kanilang mga buto, sa kanilang dugo, ang mga iyon ay likas sa kanila. Ang mga anticristo ay hindi walang pakialam kung sila ba ay nagtataglay ng reputasyon at katayuan; hindi ganito ang kanilang saloobin. Kung gayon, ano ang kanilang saloobin? Ang reputasyon at katayuan ay malapit na nauugnay sa kanilang pang-araw-araw na buhay, sa kanilang pang-araw-araw na kalagayan, sa kung ano ang kanilang hinahangad sa araw-araw(Ang Salita, Vol. IV. Paglalantad sa mga Anticristo. Ikasiyam na Aytem (Ikatlong Bahagi)). Mula sa mga salita ng Diyos, nakita ko na pinahahalagahan talaga ng mga anticristo ang reputasyon at katayuan. Ang dalawang bagay na ito ang nag-uudyok sa lahat ng kanilang ginagawa. Ito ay resulta ng kanilang anticristong diwa. Ito rin ay tumutugma sa kung paano ako kumikilos. Mula pagkabata, pakiramdam ko ay wala akong nagawang kahit anong mabuti. Pakiramdam ko ay napipigilan ako, at napakaingat ko sa lahat ng ginagawa ko. Ang pangunahing dahilan ay nais kong maiwasan ang kahihiyan, mapanatili ang aking katayuan, at hindi ako maliitin ng iba. Bakit ba masyado kong pinahahalagahan ang aking katayuan at dignidad? Ang pinakaugat na mga dahilan ay ang mga satanikong lason gaya ng “Kailangan ng mga tao ang kanilang pride, tulad ng pangangailangan ng puno sa balakbak nito,” at “Iniiwan ng tao ang kanyang pangalan saanman siya maglagi, tulad ng pagputak ng gansa saanman ito lumipad,” na naging dahilan kaya sobra kong pinahalagahan ang aking banidad at pride. Gusto ko lang mag-iwan ng magandang impresyon sa iba, at naniwala ako na ito ang tanging paraan para magkaroon ng kabuluhan ang buhay. Kaya kahit nasaan man ako o sinuman ang kasama ko, kung may posibilidad na mapapahiya ako, pipiliin kong tumakas palayo, nang sa gayon ay mapoprotektahan ko ang aking dignidad at katayuan. Habang gumagawa kasama si Zhang Tong, nakita ko na tinanggihan ang pananaw ko at pakiramdam ko ay napahiya ako. Nag-alala ako na kung mananatili ako bilang isang lider, mas mapapahiya pa ako, kaya gusto kong italaga ako ng lider sa ibang tungkulin. Ang totoo, kung mas masusing titingnan, biyaya ng Diyos na ako ay maging isang lider. Dapat ay isinaalang-alang ko ang Kanyang layunin, nilutas ang mga tunay na paghihirap ng iba, at pinrotektahan ang gawain ng iglesia. Pero hindi ko inisip kung paano gagawin nang maayos ang tungkulin ko, at pinrotektahan ko lang ang aking dignidad at katayuan. Nang mawala sa akin ang mga bagay na ito, naging negatibo ako at huminto sa pagsisikap. Wala talaga akong konsensiya o katwiran. Sa panlabas, hindi ako nakikipagkompetensiya para sa katayuan o nanggugulo at nanggagambala ng gawain ng iglesia gaya ng isang anticristo, pero sa napakaimportanteng usapin gaya ng pagpili at paggamit ng mga tao, hindi ako nangangahas na sumunod sa mga prinsipyo, at sinubukan na ingatan ang aking dignidad at katayuan sa lahat ng pagkakataon. Ang ibinunyag ko ay disposisyon ng isang anticristo. Napagtanto ko ang kaseryosohan ng aking problema, at kaya nanalangin ako at nagsisi sa Diyos.

Pagkatapos nito, ipinagtapat ko sa isang sister ang kalagayan ko at binigyan niya ako ng ilan sa mga salita ng Diyos para basahin. Sabi ng Makapangyarihang Diyos: “Paano dapat sukatin ang kakayahan ng isang tao? Dapat itong sukatin batay sa antas ng pag-arok niya sa mga salita ng Diyos at sa katotohanan. Ito ang pinakatumpak na pamamaraan. Ang ilang tao ay mahusay magsalita, matalas ang isip, at lalong bihasa sa pakikitungo sa mga tao. Ngunit kapag nakikinig sila sa mga sermon, hindi nila ito kailanman maintindihan gaano man nila subukan, at kapag binabasa nila ang mga salita ng Diyos, hindi nila maunawaan ang mga ito. Kapag ibinabahagi nila ang kanilang patotoong batay sa karanasan, palaging mga salita at doktrina lang ito; lumalabas silang mga karaniwang tao lamang, at pakiramdam ng iba ay wala silang espirituwal na pang-unawa. Ang mga ito ay mga taong may mahinang kakayahan(Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Upang Matupad Nang Maayos ang Tungkulin ng Isang Tao, Pag-unawa sa Katotohanan ang Pinakamahalaga). “Masasabi ba ninyong may kakayahan si Pablo? Sa anong klase nabibilang ang kakayahan ni Pablo? (Ito ay napakahusay.) Nakapakinig na kayo ng napakaraming sermon ngunit hindi pa rin kayo nakakaunawa kung paano sukatin ang kakayahan ng isang tao. Maituturing bang napakahusay ng kakayahan ni Pablo? (Hindi, ito ay mahina.) Bakit ninyo sinasabi iyon? (Hindi niya kilala ang kanyang sarili at hindi niya naaarok ang mga salita ng Diyos.) Ito ay dahil hindi niya maarok ang katotohanan. Narinig din niya ang mga sermong ipinangaral ng Panginoong Jesus, at sa panahong gumawa siya, siyempre ay mayroon din siyang gawain ng Banal na Espiritu. Kaya paano nangyari na, nang matapos niya ang lahat ng gawaing iyan, naisulat ang lahat ng liham na iyon, at naglakbay sa lahat ng iglesiang iyon, wala pa rin siyang naunawaan sa katotohanan at walang ibang ipinangaral kundi doktrina? Anong uri ng kakayahan iyan? Isang mahinang kakayahan. Bukod pa riyan, inusig ni Pablo ang Panginoong Jesus at inaresto ang Kanyang mga alagad, pagkatapos nito ay hinampas siya ng Panginoong Jesus ng isang malaking sinag ng liwanag mula sa langit. Paano hinarap at inunawa ni Pablo ang malaking kaganapang ito na nangyari sa kanya? Ang paraan ng pagkaunawa niya ay naiiba sa pagkaunawa ni Pedro. Inisip niya, ‘Hinampas ako ng Panginoong Jesus, nagkasala ako, kaya dapat lalo pa akong magsikap para makabawi ako, at sa oras na mabalanse ng mga merito ko ang mga demerito ko, magagantimpalaan ako.’ Kilala ba niya ang sarili niya? Hindi. Hindi niya sinabi, ‘Sinalungat ko ang Panginoong Jesus dahil sa aking mapaminsalang kalikasan, ang aking kalikasan ng isang anticristo. Sinalungat ko ang Panginoong Jesus—walang mabuti sa akin!’ Taglay ba niya ang gayong pagkakilala sa sarili niya? (Hindi.) … Wala siyang naging kahit katiting na pagsisisi, lalong wala siya ng kahit anumang pagkakilala sa sarili niya. Wala siya ng kahit alin sa mga bagay na ito. Nagpapakita ito na mayroong problema sa kakayahan ni Pablo at na hindi siya nagtaglay ng abilidad na makaarok ng katotohanan(Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Upang Matupad Nang Maayos ang Tungkulin ng Isang Tao, Pag-unawa sa Katotohanan ang Pinakamahalaga). Pinahintulutan ng mga salita ng Diyos na maunawaan ko na hindi talaga naaayon sa katotohanan na sukatin ang kakayahan ng isang tao batay sa nakikitang kahusayan sa pagsasalita, mga kaloob, at katalinuhan. Gawing halimbawa si Pablo; may mga kaloob siya, mahusay magsalita, at ipinangaral niya ang ebanghelyo sa halos buong Europa, pero hindi niya naarok ang katotohanan, at lalong hindi naunawaan ang kanyang sarili. Nakagawa siya ng napakalalaking kasamaan at hindi kailanman nagkaroon ng anumang tunay na pagkakilala sa sarili o pagsisisi. Sa halip, gusto niya lang na magantimpalaan ng Diyos at makapasok sa kaharian ng langit sa pamamagitan ng paggawa ng maraming gawain. Hindi naunawaan ni Pablo ang katotohanan at isa siyang taong may mahinang kakayahan. Inakala ko palagi noon na kung mahusay magsalita at matalino ang isang tao, kung gayon ay mahusay ang kanyang kakayahan, kaya palagi kong hinuhusgahan ang aking sarili batay sa pamantayan na ito. Kapag hindi ko naaabot ang pamantayang ito, iniisip ko na kulang ang aking kakayahan at na hindi ko kayang gawin ang gawain ng isang lider. Pagkatapos, kapag nagkakaproblema ako, hindi ko hinahanap ang katotohanan para malutas ang mga ito kundi nagiging negatibo at nagpapakatamad, at sa huli, kahit ang mga problemang malulutas ko sana ay nanatiling hindi nalulutas. Naging napakahangal ko sa hindi pag-unawa sa katotohanan. Kahit na hindi mahusay ang aking kakayahan, nagagawa kong unawain ang mga salita ng Diyos at nagkakaroon ng kaalaman sa tiwaling disposisyon na ibinubunyag ko. Nagagawa ko ring magbatay sa mga salita ng Diyos para lutasin ang mga paghihirap na dinaranas ng iba sa kanilang buhay pagpasok, kaya hindi naman sa napakahina ng kakayahan ko na hindi ko kayang gampanan ang aking tungkulin. Nang mapagtanto ang mga bagay na ito, medyo nagbago ang mentalidad ko at nagagawa ko na nang normal ang aking tungkulin.

Kinalaunan, nabasa ko ang dalawang sipi ng mga salita ng Diyos na mahusay na naglalarawan sa aking kalagayan. Sabi ng Makapangyarihang Diyos: “May ilang tao na mabagal mag-isip, hindi mahusay magsalita, at simple ang hitsura simula noong bata sila, kaya ang ibang kapamilya nila at ibang tao sa lipunan ay nagsasabi ng ilang negatibong komento tungkol sa kanila. Halimbawa, sinasabi ng mga tao: ‘Ang batang ito ay mapurol ang isip, mabagal ang reaksiyon niya sa mga bagay-bagay, at nakakaasiwa siyang magsalita. Tingnan mo ang anak ng taong iyon, talagang nabibilog niya ang ulo ng mga tao sa matatamis niyang salita. Pero kapag ang batang ito ay nakakatagpo ng mga tao, hindi niya alam kung ano ang sasabihin o kung paano pasasayahin ang mga tao, at kapag may nagagawa siyang mali, hindi niya alam kung paano ipaliwanag o pangatwiranan ang kanyang sarili. Hangal ang batang ito.’ Sinasabi ito ng kanilang mga magulang, at sinasabi rin ito ng kanilang mga kamag-anak, kaibigan, at guro. Ang kapaligirang ito ay di-halatang nagdudulot ng presyur sa gayong mga indibidwal, nagsasanhing magkaroon sila ng partikular na uri ng kaisipan nang hindi namamalayan. Anong uri ng kaisipan? Pakiramdam nila ay hindi sila kaakit-akit at walang may gusto sa hitsura nila, at na hindi sila nakakakuha ng matataas na grado sa pag-aaral nila at na mabagal ang reaksiyon nila; palagi silang nahihiya na ibuka ang kanilang bibig at magsalita kapag nakikita nila ang iba, at masyado silang nahihiyang magsalita ng pasalamat kapag binibigyan sila ng mga tao ng mga bagay. Iniisip nila, ‘Bakit ba labis akong nakakaasiwang magsalita? Bakit napakamatatas ng ibang tao? Hangal lang talaga ako!’ … Sa ganitong uri ng kapaligiran, sa una ay nakakaramdam sila ng paglaban sa puso nila at pagkatapos ay unti-unti nilang tinatanggap at kinikilala ang sarili nilang mga pagkukulang at kahinaan, pero kasabay nito ay lumilitaw ang isang negatibong emosyon sa kaibuturan ng kanilang puso. Ano ang tawag sa emosyong ito? Pagiging mas mababa. Ang mga taong nakakaramdam ng pagiging mas mababa ay nakikita lang ang sarili nilang mga pagkukulang at hindi ang kanilang mga kalakasan; palagi nilang nararamdaman na hindi sila kaakit-akit at kagusto-gusto, na ang isip nila ay hindi matalas at na mabagal ang mga reaksiyon nila, at na hindi nila kayang basahin ang mga tao. Sa madaling salita, nararamdaman nila na ganap silang walang sapat na kakayahan. Ang kaisipang ito ng pagiging mas mababa ay dahan-dahang nangingibabaw sa loob ng puso mo, at ito ay nagiging isang emosyon na hindi maiwaksi na gumagapos sa puso mo. Pagkatapos mong lumaki at pumunta sa lipunan, o magpakasal at magtatag ng iyong propesyon, anuman ang iyong pagkakakilanlan at katayuan sa lipunan, ang emosyong ito ng pagiging mas mababa na naitanim sa pagpapalaki sa iyo simula noong bata ka ay nakakaapekto at kumokontrol pa rin sa iyo, ipinadarama sa iyo na mas masahol ka kaysa sa ibang mga tao sa bawat aspekto. Kahit pagkatapos mong magsimulang manampalataya sa Diyos at makapasok sa iglesia, iniisip mo pa rin na hindi ka mahusay sa pagsasalita, na mahina ang kakayahan mo at karaniwan ang hitsura mo, at hindi mo kayang gumawa ng anumang mahalagang tungkulin. Iniisip mo, ‘Gagawin ko na lang kung ano ang kaya ko. Hindi ko kailangang hangarin na maging isang lider, hindi ko kailangang hangarin ang pagkaunawa sa malalalim na katotohanan, handa lang ako na maging ang pinakahindi kapansin-pansing tao, at puwede akong tratuhin ng iba sa anumang paraang gusto nila’(Ang Salita, Vol. VI. Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan. Paano Hangarin ang Katotohanan (1)). “Kapag nag-ugat nang malalim sa kaibuturan ng iyong puso ang emosyon ng pagiging mas mababa, bukod sa may matinding epekto ito sa iyo, pinangingibabawan din nito ang iyong mga pagtingin sa mga tao at bagay, at ang iyong sariling asal at mga kilos. Kaya paano tinitingnan ng mga taong iyon na pinangingibabawan ng emosyon ng pagiging mas mababa ang mga tao at bagay-bagay? Tinitingnan nila ang lahat bilang mas mahusay kaysa sa kanilang sarili, at tinitingnan pa nga ang mga anticristo bilang mas mahusay kaysa sa kanilang sarili. Iniisip nila na bagama’t may masasamang disposisyon at masamang pagkatao ang mga anticristo, ang mga ito ay mga tao pa rin na dapat tularan at mga huwarang mapagkukuhanan ng aral. Sinasabi pa nga nila sa kanilang sarili, ‘Bagama’t mayroon silang masamang disposisyon at pagkatao, may kaloob sila at may mas mahusay na kapabilidad sa gawain kaysa sa akin. Kaya nilang magsalita sa harap ng napakaraming tao nang hindi namumula ang mukha o kumakabog ang dibdib, ipinapahayag ang sarili nila nang may kagaanan at katiyakan. Talagang malakas ang loob nila. Wala akong ganoong klase ng tapang.’ Ano ang nagdulot nito? Sa katunayan, dapat sabihin na ang isang dahilan ay na naapektuhan ng iyong emosyon ng pagiging mas mababa ang iyong paghusga sa mga diwa ng mga tao, pati na ang iyong perspektiba at pananaw pagdating sa pagturing sa ibang tao. Hindi ba’t ganito ang nangyayari? (Ganoon nga.) Kaya paano nakakaapekto ang emosyon ng pagiging mas mababa sa kung paano ka umaasal? Sinasabi mo: ‘Ipinanganak akong ganap na hangal, nang walang mga kaloob o kalakasan, at mabagal akong matuto sa lahat ng bagay. Tingnan mo si Ganito-at-ganyan: Bagama’t minsan ay nagdudulot siya ng mga pagkagambala at kaguluhan, at minsan ay kumikilos nang pabasta-basta at padalos-dalos, kahit papaano ay mayroon siyang mga kaloob at kalakasan. Sila ay may matamis na dila at malugod na tinatanggap saanman sila magpunta, pero wala akong kuwenta, hindi ako magaling magsalita.’ Anuman ang mangyari, una mong hinuhusgahan ang iyong sarili na wala kang kuwenta at sinasara mo ang sarili mo sa iba. Anuman ang isyu, umaatras ka at umiiwas na magkusa, natatakot kang hihingin sa iyo na magpasan ng gawain. ‘Ipinanganak akong hangal. Kahit saan ako pumunta, minamaliit ako ng mga tao. Hindi ko dapat subukang mamukod-tangi. Hindi ko dapat ipangalandakan kung anong kakaunting propesyonal na kasanayan ang mayroon ako. Kung may magrerekomenda sa akin para sa gawaing ito, pinatutunayan nito na may kakayahan ako. Pero kung walang magrerekomenda sa akin, hindi ako dapat magkusang sabihin na kaya kong akuin ang gawaing ito. Hindi ako puwedeng basta na lang magsabi ng mga bagay na hindi ako nakakatiyak—paano kung hindi maging maayos ang paggawa ko? At kung mapupungusan ako, lubha akong mahihiya! Hindi ba’t kakila-kilabot na kasiraang-puri iyon? Hinding-hindi ako puwedeng maging ganoong uri ng tao.’ Kita mo, hindi ba’t naapektuhan nito ang pag-asal mo? Sa isang antas, ang saloobin mo ay sanhi ng impluwensiya at kontrol ng emosyon ng pagiging mas mababa. Maaaring sabihin na ito ay isang kahihinatnan na dulot ng emosyon ng pagiging mas mababa(Ang Salita, Vol. VI. Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan. Paano Hangarin ang Katotohanan (1)). Pagkabasa sa mga salita ng Diyos, naramdaman ko na nauunawaan talaga tayo ng Diyos. Ang inilantad Niya ay ang mismong paraan ko ng pag-iisip. Tila ba ang pagpapahalaga na mayroon ako sa dignidad ay hindi ang tanging dahilan ng pagkasira ng loob ko; may isa pang dahilan para rito. Dahil sa impluwensiya ng mga tao at mga bagay sa palibot ko, nagkaroon ako ng damdamin ng pagiging mas mababa, nawalan ako ng kakayahang makita nang tama ang aking sarili, at pakiramdam ko palagi ay wala akong magandang nagagawa, kaya naging sobrang maingat ako, nasupil at napigilan sa lahat ng bagay na ginagawa ko. Naalala ko kung paanong ayaw kong magsalita noong bata pa ako, at kung paanong madalas akong hinahamak at tinatawag na mapurol o bobo ng matatanda. Pero ang totoo, mayroon akong sariling mga opinyon, kahit na hindi ko sinasabi ang mga iyon noong panahong iyon; hindi lang ako nagsasalita dahil natatakot akong mapahiya. Hindi ako nangangahas na magsalita ng kahit ano sa mga klase, hindi dahil hindi ko nauunawaan, kundi dahil pakiramdam ko ay hindi ako mahusay magsalita, kaya sobra akong natatakot magsalita. Kapag nagbabasa ng mga salita ng Diyos sa mga pagtitipon, nakakukuha ako ng kaunting kaliwanagan, pero kapag naiisip ko na kulang ako sa husay sa pagsasalita, hindi ako nangangahas na magbahagi. Gayundin, nang makita kong hindi sumusunod si Zhang Tong sa mga prinsipyo sa pagpili at paggamit ng mga tao, gusto ko siyang paalalahanan tungkol doon, pero nang maisip ko kung gaano kahusay ang kanyang kakayahan at kung paanong wala akong nagawang anumang mabuti, tinanggihan ko na lang ang aking mga ideya, nang hindi hinahanap, tinatalakay o higit pang sinusuri ang mga bagay-bagay, at bilang resulta, nagkaroon ng maraming kawalan sa gawain. Nabuhay ako nang may damdamin ng pagiging mas mababa at nagkaroon ng isang pasibo at negatibong saloobin sa lahat ng bagay. Hindi ko hinuhusgahan ang aking sarili o ang iba ayon sa mga salita ng Diyos, kundi ayon lamang sa aking sariling mga pananaw. Nangingibabaw ang damdamin ko na pagiging mas mababa sa paraan ko ng pagtingin sa mga bagay-bagay at mga tao, at naimpluwensiyahan nito ang aking panghusga at ang aking landas ng paghahangad. Ang damdamin na ito na pagiging mas mababa ay nakapinsala nang matindi sa akin. Agad-agad pagkatapos nito, nagbasa ako ng higit pang mga salita ng Diyos: “Ang emosyon mong ito ay hindi lamang hindi positibo, kundi, para maging mas tumpak, sa katunayan, ito ay salungat sa Diyos at sa katotohanan. Maaaring isipin mo na ito ay isang emosyon sa loob ng normal na pagkatao, pero sa mga mata ng Diyos, hindi ito isang simpleng usapin ng emosyon, kundi isang paraan ng pagkontra sa Diyos. Ginagamit ng mga tao ang mga negatibong emosyong ito bilang paraan para labanan ang Diyos, ang mga salita ng Diyos, at ang katotohanan(Ang Salita, Vol. VI. Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan. Paano Hangarin ang Katotohanan (1)). Matapos mabasa ang mga salita ng Diyos, nakita ko ang seryosong kalikasan ng damdamin ng pagiging mas mababa at ang pinsalang idinudulot nito, at na pareho lang ang pinsalang naidudulot nito sa isang tao kumpara sa isang tiwaling disposisyon. Ang pamumuhay nang may ganitong uri ng damdamin ng pagiging mas mababa ay isang direktang pagsalungat sa Diyos at sa katotohanan, at kung hindi ito malulutas, sisirain nito ang pagkakataon ng isang tao sa kaligtasan. Nabitag ako ng mga damdamin na ito ng pagiging mas mababa mula pa pagkabata, at palaging nararamdaman na wala akong anumang nagagawang mabuti. Kapag napapaligiran ako ng mga taong partikular na may mahuhusay na kakayahan, nakikita ko ang sarili ko na lalo pang kulang, pakiramdam ko ay napipigilan at nasasaktan ako, at nagrereklamo ako na hindi ako binigyan ng Diyos ng mahusay na kakayahan o katalinuhan. Hindi ako nasiyahan sa kataas-taasang kapangyarihan at mga pagsasaayos ng Diyos at tumangging tanggapin ang mga iyon, na talagang paglaban sa Diyos! Paanong hindi ako ititiwalag kung nagpatuloy ako na ganito? Nang mapagtanto ko ang mga bagay na ito, noon ko lang naramdaman sa wakas na napakadelikadong mabuhay nang may damdamin ng pagiging mas mababa, na hindi ako puwedeng magpatuloy nang ganito, at na kailangan kong iwaksi ang ganitong mga damdamin.

Kalaunan, nagbasa pa ako ng mga salita ng Diyos: “Kaya, paano mo tumpak na masusuri at makikilala ang iyong sarili, at paano ka makalalaya sa emosyon ng pagiging mas mababa? Dapat mong gamitin ang mga salita ng Diyos bilang batayan sa pagkilala sa iyong sarili—subukang alamin kung ano ang iyong pagkatao, kung ano talaga ang iyong kakayahan at mga talento, at kung anong mga kalakasan ang mayroon ka. Halimbawa, ipagpalagay na dati kang mahilig at magaling kumanta, pero palagi kang pinupuna at minamaliit ng ilang tao, sinasabing wala ka sa tono at na wala ka sa himig, kaya nadarama mo na hindi ka magaling kumanta at hindi ka na naglalakas-loob na gawin ito sa harap ng ibang tao. Hindi ka tumpak na sinuri at hinusgahan ng mga makamundong taong iyon, ng mga taong magulo ang isip at ordinaryo, nililimitahan ang mga karapatan na nararapat sa iyong pagkatao, at pinipigilan ang iyong talento. Bilang resulta, ni hindi ka na naglalakas-loob na kumanta ng isang awitin, at matapang ka lang na nakakakanta nang malakas at malaya kapag nag-iisa ka. Dahil mismo karaniwan mong nararamdaman na masyado kang nasusupil na hindi ka nangangahas na kumanta ng awitin kapag hindi ka mag-isa; nangangahas ka lang na kumanta kapag mag-isa ka, tinatamasa ang oras na nagagawa mong kumanta nang malakas at malinaw—sobrang kaaya-aya, malaya, at nakakapagpalaya ang pakiramdam mo sa oras na iyon! Hindi ba’t totoo iyon? Dahil sa pinsalang nagawa sa iyo ng mga tao, hindi mo alam at hindi mo malinaw na nakikita kung ano ba talaga ang kaya mong gawin, kung saan ka magaling, at kung saan ka hindi magaling. Sa ganitong sitwasyon, kailangan mong gumawa ng tamang pagsusuri at sukatin nang tama ang iyong sarili batay sa mga salita ng Diyos. Dapat mong masiguro kung ano ang natutunan mo at kung saan naroroon ang mga kalakasan mo, at gawin mo ang anumang kaya mo; para naman sa mga bagay na hindi mo kayang gawin, ang iyong mga kakulangan at kapintasan, dapat mong pagnilayan at kilalanin ang mga ito, at dapat ka ring magkaroon ng tumpak na pagsusuri at kaalaman sa kung ano ang kakayahan mo, kung mahusay o mahina ba ito. Kung hindi mo maunawaan o wala kang malinaw na pagkilala sa sarili mong mga problema, kung gayon, hilingin mo sa mga tao sa paligid mo na may pagkaunawa na kilatisin ka. Tumpak man o hindi ang sasabihin nila, kahit papaano ay mabibigyan ka nito ng pagbabatayan at mabibigyang-kakayahan ka nito na magkaroon ng batayang paghusga o paglalarawan sa iyong sarili. Pagkatapos, malulutas mo na ang esensiyal na problema ng negatibong emosyong ito—ang emosyon mo ng pagiging mas mababa—at unti-unti kang makakaahon mula rito. Ang emosyon ng pagiging mas mababa ay madaling lutasin kung makakakilatis at mamumulat mula rito ang isang tao, at kung hahanapin niya ang katotohanan(Ang Salita, Vol. VI. Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan. Paano Hangarin ang Katotohanan (1)). Pagkabasa ko ng mga salita ng Diyos, nakahanap ako ng paraan para bitiwan ang mga damdamin na ito ng pagiging mas mababa. Kailangan kong gamitin ang mga salita ng Diyos para maunawaan at masukat ang sarili ko, at maaari ko ring hilingin sa mga taong nakakakilala nang husto sa akin na suriin ako. Kaya nanalangin ako sa Diyos, “O Diyos! Alam ko na ngayon kung gaano kadelikado ang pamumuhay nang may damdamin ng pagiging mas mababa. Gusto kong iwaksi ang mga damdaming ito, kaya pakiusap tulungan Mo ako.” Kinalaunan, hiniling ko sa aking mga kapareha na suriin ako. Sinabi nila, “Dahil kaya mo namang maunawaan nang dalisay ang mga salita ng Diyos, at kaya mong magbahagi ng mga salita ng Diyos na nauugnay sa iyong mga katiwalian at kalagayan, at natutulungan ang iba na malutas ang kanilang mga tunay na isyu, hindi ka kasing walang kakayahan nang tulad sa sinasabi mo. Kahit na hindi mahusay ang kakayahan mo, basta’t ibinibigay mo ang buong puso mo sa paggawa ng mga bagay-bagay, makagagawa ka ng tunay na gawain.” Pagkarinig sa sinabing ito ng mga kapatid, medyo mas guminhawa ang pakiramdam ko, at naisip ko, “Kahit hindi ako kasinggaling ng ilan sa iba pagdating sa pagpapahayag ng sarili, nauunawaan ng lahat ang aking ibinabahagi. Hindi ako dapat makaramdam ng pagkapigil. Dapat magbahagi lang ako sa abot ng makakaya ko. Hindi ko dapat isipin lang kung paano ko pahahangain ang iba; kailangan kong magtuon sa kung paano magbahagi nang praktikal para malutas ang mga problema at makinabang ang mga kapatid. Gayundin, kahit kulang ang aking kakayahan, kung magsasanay pa ako, makababawi ako sa aking mga pagkukulang at mapabubuti ko ang aking kakayahan. Hindi ko dapat ikumpara ang sarili ko sa iba o hindi ako dapat maging negatibo at tumukoy sa aking sarili. Kailangan kong hangarin ang pagpasok nang may positibong saloobin.” Nang mapagtanto ang mga bagay na ito, nagawa kong tratuhin ang sarili ko nang tama at mas gumanda ang pananaw ko sa paggawa ng aking tungkulin.

Napili muli akong maging mangangaral nitong nakaraan. Hindi ko ito inaasahan, at nag-alala ako na baka hindi ko ito magawa. Pagkatapos, naalala ko ang sinabi ng mga salita ng Diyos: “Dapat mong gamitin ang mga salita ng Diyos bilang batayan sa pagkilala sa iyong sarili—subukang alamin kung ano ang iyong pagkatao, kung ano talaga ang iyong kakayahan at mga talento, at kung anong mga kalakasan ang mayroon ka(Ang Salita, Vol. VI. Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan. Paano Hangarin ang Katotohanan (1)). Kailangan kong sukatin ang mga bagay-bagay gamit ang mga salita ng Diyos. Ang dahilan kung bakit hindi ko nagampanan nang maayos ang tungkuling ito dati ay hindi lamang dahil sa kakulangan ng kakayahan. Ang pangunahing dahilan nito ay dahil nabuhay ako nang may damdamin ng pagiging mas mababa, hindi ko ibinigay ang buong puso ko para makipagtulungan, at hindi ko nakamit ang gawain ng Banal na Espiritu. Hindi ako puwedeng patuloy na mabuhay nang may damdamin ng pagiging mas mababa, iniisip ang aking dignidad at katayuan. Dahil pinili ako ng aking mga kapatid, dapat kong gawin ang makakaya ko para makipagtulungan, at kung may mga bagay na hindi ko nauunawaan, dapat lalo pa akong umasa sa Diyos at humingi ng tulong mula sa iba. Sa ganitong takbo ng pag-iisip, naramdaman kong mas panatag ako at mas malaya. Hindi nagtagal, isang sister na nangangasiwa sa gawain ng ebanghelyo ang dumating para sumubaybay sa aming gawain. Nakita ko na napakahusay niya sa gawain niya at sa pagbabahagi ng katotohanan, at pinuna niya ang maraming paglihis at pagkalingat sa aming gawain. Natakot ako na baka sabihin niyang wala akong kapabilidad sa gawain, pero agad kong napagtanto na isinasaalang-alang ko na naman ang imahe ko at katayuan, kaya nanalangin ako sa Diyos para maghimagsik laban sa aking sarili, at ginusto kong mas matuto pa mula sa sister na ito at makabawi sa aking mga pagkukulang. Pagkatapos nito, habang nagtatalakayan tungkol sa gawain, hindi ako nagpigil sa pagpapahayag ng aking mga pananaw, at sa pamamagitan ng pakikipag-ugnayan sa kanya, nagkamit ako ng ilang landas ng pagsasagawa. Sa pamamagitan ng gabay ng mga salita ng Diyos, nakawala ako sa pagkakagapos ng aking damdamin ng pagiging mas mababa.

Sinundan: 17. Mga Aral na Natutunan Mula sa Pagsusuplong sa Isang Huwad na Lider

Sumunod: 19. Ang Pagiging Maunawain Ba ay Nangangahulugan ng Pagkakaroon ng Mabuting Pagkatao?

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos Ukol sa Pagkakilala sa Diyos Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw Paglalantad sa mga Anticristo Ang mga Responsabilidad ng mga Lider at Manggagawa Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan Ang Paghatol ay Nagsisimula sa Tahanan ng Diyos Mahahalagang Salita Mula sa Makapangyarihang Diyos, ang Cristo ng mga Huling Araw Araw-araw na mga Salita ng Diyos Ang Mga Katotohanang Realidad na Dapat Pasukin ng mga Mananampalataya sa Diyos Sundan ang Kordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin Mga Gabay para sa Pagpapalaganap ng Ebanghelyo ng Kaharian Naririnig ng mga Tupa ng Diyos ang Tinig ng Diyos Makinig sa Tinig ng Diyos  Masdan ang Pagpapakita ng Diyos Mahahalagang Tanong at Sagot tungkol sa Ebanghelyo ng Kaharian Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume I) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume II) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume III) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume IV) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume V) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VI) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VII) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VIII) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume IX) Paano Ako Bumalik sa Makapangyarihang Diyos

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito