Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos App

Pakinggan ang tinig ng Diyos at salubungin ang pagbabalik ng Panginoong Jesus!

Hinihikayat namin ang mga naghahanap ng katotohanan na kontakin kami.

Sumunod sa Cordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Laki ng Font

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

0 (Mga) Resulta ng Paghahanap

Walang nakitang mga resulta.

590 Sisirain Ka ng Inyong Pagbabawalang-Bahala

Huwag kang maging walang-pakialam na tagasunod ng Diyos, at huwag habulin yaong pag-uusisa lamang. Sa pagiging sala sa init o sala sa lamig sisirain mo ang sarili mo at maaantala ang buhay mo. Alisin mo sa iyong sarili ang gayong pagiging walang-pakialam at kawalan-ng-pagkilos, at maging dalubhasa sa paghahabol ng mga positibong bagay at mapagtagumpayan ang iyong sariling mga kahinaan, upang maaari mong matamo ang katotohanan at isabuhay ang katotohanan. Walang nakatatakot tungkol sa iyong mga kahinaan, at ang iyong mga pagkukulang ay hindi ang iyong pinakamalaking problema. Ang iyong pinakamalaking problema, at ang iyong pinakamatinding pagkukulang, ay ang iyong pagiging hindi mainit ni malamig at ang kakulangan ng iyong pagnanasa na hanapin ang katotohanan. Ang pinakamalaking problema sa inyong lahat ay ang duwag na kaisipan anupa’t masaya na kayo sa kung ano ang kalagayan ngayon ng mga bagay-bagay, at naghihintay nang walang ginagawang hakbang. Ito ang inyong pinakamalaking balakid, at ang pinakamatinding kaaway sa inyong paghahabol sa katotohanan.

Hango sa “Ang mga Karanasan ni Pedro: Ang Kanyang Kaalaman sa Pagkastigo at Paghatol” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Sinundan:Hindi Alam ng mga Tao Kung Gaano Sila Kahamak

Sumunod:Nasaan ang Katibayan na Kayo ay Magkasundo ng Diyos?

Baka Gusto Mo Rin