Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos App

Pakinggan ang tinig ng Diyos at salubungin ang pagbabalik ng Panginoong Jesus!

Hinihikayat namin ang mga naghahanap ng katotohanan na kontakin kami.

Sumunod sa Cordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Laki ng Font

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

0 (Mga) Resulta ng Paghahanap

Walang nakitang mga resulta.

568 Gaano Katindi ang Inyong Pananampalataya?

1 Ang inyong mga bibig ay puno ng mga salita ng panlilinlang at karumihan, ng pagkakanulo at kapalaluan. Kailanman ay hindi kayo nagsalita ng mga salita ng katapatan sa Akin, walang mga banal na salita, walang mga salita ng pagpapasakop sa Akin kapag naranasan ang Aking salita. Ano, sa katapusan, ang inyong pananampalataya? Ang inyong mga puso ay puno ng mga pagnanasa at kayamanan; ang inyong mga isipan ay puno ng mga bagay na materyal. Araw-araw, kinakalkula ninyo kung paano makakakuha ng isang bagay sa Akin, kung gaano karaming kayamanan at kung gaano karaming materyal na bagay ang inyong natamo mula sa Akin. Araw-araw, naghihintay kayo ng lalo pang mas maraming biyayang bababa sa inyo nang sa gayon ay maaaring masiyahan kayo sa mas higit at kaaya-aya pang mga bagay.

2 Iyong nasa inyong mga isipan sa bawat sandali ay hindi Ako ni ang katotohanan na nagmumula sa Akin, bagkus ay ang inyong asawang lalaki (asawang babae), mga anak na lalaki, mga anak na babae, o kung ano ang kinakain ninyo at isinusuot, at kung paano kayo masisiyahan nang mas higit at mas kaaya-aya. Kahit kapag pinupuno ninyo ang inyong sikmura hanggang sa umapaw ito, hindi ba’t nakahihigit lamang kayo ng kaunti sa isang bangkay? Kahit pa palamutian ninyo nang marangya ang inyong anyo, hindi ba’t kayo pa rin ay isang naglalakad na bangkay na walang buhay? Nagpapakahirap kayo alang-alang sa inyong sikmura hanggang sa tubuan na kayo ng puting buhok, subali’t wala man lamang handang magsakripisyo ng kahit isang hibla man lamang ng kanyang buhok para sa Aking gawain. Palagi kayong nagmamadali, pinapagod ang inyong katawan, at pinahihirapan ang inyong utak, para sa kapakanan ng inyong laman, at ng inyong mga anak na lalaki at babae, gayon ma’y wala ni isa man sa inyo ang nagpapakita ng anumang malasakit para sa Aking kalooban. Ano pa ang nais ninyong matamo mula sa Akin?

Hango sa “Marami ang Tinatawag, Datapuwa’t Kakaunti ang Nahihirang” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Sinundan:Nasaan ang Inyong Tunay na Pananampalataya?

Sumunod:Napakarami Ninyong Elemento ng Kawalan ng Paniniwala kay Cristo

Baka Gusto Mo Rin