Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos App

Pakinggan ang tinig ng Diyos at salubungin ang pagbabalik ng Panginoong Jesus!

Hinihikayat namin ang mga naghahanap ng katotohanan na kontakin kami.

Sumunod sa Cordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Laki ng Font

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

0 (Mga) Resulta ng Paghahanap

Walang nakitang mga resulta.

572 Ito ba ang Tunay na Pananampalataya sa Diyos?

1 Ibinibilang lamang ng mga tao ang pagtatamo ng biyaya at ang pagtatamasa ng kapayapaan bilang mga sagisag ng paniniwala sa Diyos, at ang paghahangad sa mga biyaya bilang batayan sa paniniwala sa Diyos. Masyadong kakaunting tao ang naghahangad na makilala ang Diyos o naghahangad ng isang pagbabago sa kanilang disposisyon. Ang paniniwala ng mga tao sa Diyos ay naghahangad upang mabigyan sila ng Diyos ng isang angkop na hantungan, at ibigay sa kanila ang lahat ng biyaya sa ilalim ng araw, upang gawin ang Diyos na kanilang tagapaglingkod, upang mapanatili ng Diyos ang isang mapayapa, palakaibigang ugnayan sa kanila, at para hindi kailanman magkaroon ng anumang sigalot sa pagitan nila. Iyon ay, ang kanilang paniniwala sa Diyos ay kinakailangang mangako ang Diyos na tuparin ang lahat ng kanilang mga kahilingan, upang ipagkaloob sa kanila ang anumang kanilang ipanalangin, Inoobliga nila ang Diyos na huwag hatulan ang sinuman o pakitunguhan ang sinuman, sapagkat ang Diyos ay palaging ang mabait na Tagapagligtas na si Jesus, na pinananatili ang isang mabuting ugnayan sa mga tao sa lahat ng panahon at sa lahat ng dako.

2 Ang paraan ng kanilang paniniwala ay ganito: Ang mga tao ay palaging walang kahihiyang humihiling sa Diyos para sa mga bagay, at ipagkakaloob na lamang ng Diyos sa kanila ang lahat nang pikit-mata, sila man ay mapaghimagsik o masunurin. Sila ay patuloy lamang sa paghingi ng kabayaran ng isang “utang” mula sa Diyos at ang Diyos ay kailangang “magbayad ng Kanyang utang” nang walang pagtutol, at “magbayad” ng doble, nakakuha man ang Diyos sa kanila ng anuman o hindi. Siya ay maaari lamang kaawaan nila; hindi Niya maaaring basta-basta na lamang isaayos ang mga tao, lalong hindi Niya mabubunyag ang Kanyang karunungan at matuwid na disposisyon na nakatago na ng maraming taon na gustuhin man Niya sa mga tao, nang wala ang kanilang pahintulot. Ikinukumpisal lamang nila ang kanilang mga kasalanan sa Diyos at pinapawalang-sala lamang sila ng Diyos, at hindi maaaring magsawa ukol rito, at ito ay nagpapatuloy magpakailanman. Inuutusan lamang nila ang Diyos at sumusunod lamang Siya, Hindi ba noon pa ma’y naniwala na kayo sa ganitong paraan?

Hango sa “Dapat Mong Isantabi Ang mga Pagpapala ng Katayuan at Unawain ang Kalooban ng Diyos Para sa Kaligtasan ng Tao” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Sinundan:Hindi Tinatrato ng mga Tao ang Diyos Bilang Diyos

Sumunod:Nasaan ang mga Pagpapahayag ng Inyong Katapatan sa Diyos?

Baka Gusto Mo Rin

  • Ipinapahayag ni Cristo ang Kabuuan ng Espiritu

    I Alam ni Cristo ang diwa ng tao, inihahayag ang lahat ng ginagawa ng tao, lalo na ang masamang disposisyon ng tao at pagkasuwail nila. Makamundo'y di…

  • Pagkakaugnay sa Diyos

    I Pinili ako ng Diyos mula sa isang napakaraming madla inaayos ako upang makapunta sa Kanyang panig. Ang Kanyang matapat at mabait na mga salita ay pi…

  • Puso Ko'y Napukaw ng Paghatol

    Ⅰ Anong dapat kong hanapin sa aking pananampalataya? Ako ngayon ay namulat. Dati, naniwala ako sa Panginoon para lamang s a mga pagpapala. Tinamasa k…

  • Naghihintay sa Mabuting Balita ng Diyos

    I May nagnanasang mata, agad Kang tumawag. Hinaharap ang masamang sangkatauhan, sinabi Mo'ng nasa puso Mo. Mga mali'y tinitiis Mo, para sa inaasam Mo…