Hinihikayat namin ang mga naghahanap ng katotohanan na kontakin kami.

Sumunod sa Cordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Laki ng Font

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

0 (Mga) Resulta ng Paghahanap

Walang nakitang mga resulta.

293 Yaong mga Nasa Kadiliman ay Dapat Magbangon

1 Sa loob ng libu-libong taon ito ang naging lupain ng kalaswaan, napakarumi, napakalungkot, naglipana ang mga multo sa buong paligid, nanlalansi at nanlilinlang, nagpaparatang nang walang batayan, nagiging walang-awa at mabisyo, niyuyurakan itong bayan ng mga multo at iniiwan itong nagkalat ang mga patay na katawan; puno ang lupain ng nakasusulasok na amoy ng pagkabulok at kumakalat sa hangin, at ito ay mahigpit na binabantayan. Sino ang makakakita sa mundo sa kabila ng himpapawid? Paano kayang makikita ang Diyos ng mga tao ang ganitong bayan ng multo kahit kailan? Natamasa na ba nila kahit kailan ang pagiging kagiliw-giliw at ang pagiging kaibig-ibig ng Diyos? Anong pagpapahalaga ang mayroon sila para sa mga bagay sa mundo ng tao? Sino sa kanila ang maaaring makaunawa sa sabik na kalooban ng Diyos?

2 Bakit naglalagay ng isang di-mapapasok na balakid sa gawain ng Diyos? Bakit gumagamit ng iba’t ibang mga pandaraya upang linlangin ang mga tao ng Diyos? Nasaan ang tunay na kalayaan at lehitimong mga karapatan at mga interes? Nasaan ang katarungan? Nasaan ang kaaliwan? Nasaan ang init? Bakit gumagamit ng madayang mga pakana upang linlangin ang mga tao ng Diyos? Bakit gumagamit ng puwersa para pigilin ang pagdating ng Diyos? Bakit tinugis ang Diyos hanggang wala na Siyang mapagpahingahan man lamang ng Kanyang ulo? Paano itong hindi magbubunsod ng matinding galit? Ang libu-libong taon ng poot ay naiipon sa puso, nauukit sa puso ang isang libong taon ng pagkamakasalanan—paanong hindi ito mapupukaw ng pagkasuklam? Ipaghiganti ang Diyos, ganap na lipulin ang Kanyang kaaway.

Ngayon na ang oras: Matagal nang tinipon ng tao ang lahat ng kanyang lakas, nailaan na niya ang lahat ng kanyang mga pagsisikap, binayaran ang bawat halaga, para dito, upang basagin ang kahindik-hindik na mukha ng demonyong ito at hayaan ang mga tao, na nabulag na, at nagtiis na ng bawat uri ng pagdurusa at paghihirap, na tumayo mula sa kanilang sakit at talikuran itong masamang matandang diyablo.

Hango sa “Gawain at Pagpasok (8)” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Sinundan:Sino ang Maaaring Magmalasakit sa Kalooban ng Diyos?

Sumunod:Ang Kalooban ng Diyos ay Hindi Kailanman Magbabago

Baka Gusto Mo Rin