8. Pinatototohanan mo na ang Makapangyarihang Diyos ay Cristo ng mga huling araw, ang pagpapakita ng Tagapagligtas, at na Siya ay nagpapahayag ng katotohanan at nagsasagawa ng gawain ng paghatol na nagsisimula mula sa sambahayan ng Diyos upang lubos na linisin at iligtas ang tao, at palayain ang tao mula sa madilim na impluwensya ni Satanas. Paano lubos na nililinis at inililigtas ng Makapangyarihang Diyos ang tao?
Nauugnay na mga Salita ng Diyos:
Ang gawain ng Diyos sa kasalukuyang pagkakatawang-tao ay ang ipahayag ang Kanyang disposisyon pangunahin sa pamamagitan ng pagkastigo at paghatol, at sa pundasyong ito, magdala ng mas maraming katotohanan sa tao at ituro sa tao ang mas marami pang paraan ng pagsasagawa, sa gayon ay nakakamit ang Kanyang layuning lupigin ang tao at iligtas ito mula sa mga tiwaling disposisyon nito. Ito ang nasa likod ng gawain ng Diyos sa Kapanahunan ng Kaharian.
—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Paunang Salita
Si Cristo ng mga huling araw ay gumagamit ng iba’t ibang katotohanan para maturuan ang tao, para ilantad ang diwa ng tao, at para himayin ang mga salita at gawa ng tao. Ang mga salitang ito ay naglalaman ng iba’t ibang katotohanan, gaya ng tungkulin ng tao, kung paano dapat magpasakop sa Diyos ang tao, kung paano dapat maging tapat sa Diyos ang tao, kung paano dapat isabuhay ng tao ang normal na pagkatao, gayundin ang karunungan at disposisyon ng Diyos. Ang mga salitang ito ay nakatuon lahat sa diwa ng tao at sa kanyang mga tiwaling disposisyon. Sa partikular, iyong mga salitang naglalantad kung paano tinatanggihan ng tao ang Diyos ay lalong mas nakatuon sa kung paanong ang tao ay isang pagsasakatawan ni Satanas, at isang mapanlabang puwersa laban sa Diyos. Sa pagsasakatuparan ng Kanyang gawain ng paghatol, hindi ganap na ipinapaliwanag ng Diyos ang kalikasan ng tao sa iilang salita; naglalantad at nagpupungos Siya sa mahabang panahon. Ang lahat ng iba’t ibang pamamaraan na ito ng paglalantad at pagpupungos ay hindi maaaring mahalinhan ng mga ordinaryong salita; sa halip, ang katotohanang hinding-hindi taglay ng tao ay ginagamit para isakatuparan ang gawaing ito ng paglalantad at pagpupungos. Ang ganitong klaseng mga pamamaraan lamang ang matatawag na paghatol; sa pamamagitan lamang ng ganitong uri ng paghatol masusupil ang tao at makukumbinsi nang husto tungkol sa Diyos, at bukod pa riyan ay magkakamit ng tunay na pagkakilala sa Diyos. Ang idinudulot ng gawain ng paghatol ay ang pagkaunawa ng tao sa tunay na mukha ng Diyos at sa katotohanan tungkol sa sarili niyang paghihimagsik. Ang gawain ng paghatol ay nagbigay-kakayahan sa tao na magkamit ng malawak na pagkaunawa sa mga layunin ng Diyos, sa layunin ng gawain ng Diyos, at sa mga hiwagang hindi niya kayang arukin. Binigyang-kakayahan din nito ang tao na maunawaan at makilala ang kanyang tiwaling diwa at ang ugat ng kanyang katiwalian, pati na ang matuklasan ang kanyang pangit na mukha. Ang mga epektong ito ay bungang lahat ng gawain ng paghatol, sapagkat ang diwa ng gawaing ito ay ang mismong gawain ng pagbubukas ng katotohanan, ng daan, at ng buhay ng Diyos sa lahat ng may pananalig sa Kanya. Ang gawaing ito ay ang gawain ng paghatol na ginagawa ng Diyos.
—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ginagawa ni Cristo ang Gawain ng Paghatol sa Pamamagitan ng Katotohanan
Sa anong mga kaparaanan isinasakatuparan ang paggawang perpekto ng Diyos sa tao? Isinasakatuparan ito sa pamamagitan ng Kanyang matuwid na disposisyon. Ang disposisyon ng Diyos ay pangunahing binubuo ng katuwiran, poot, pagiging maharlika, paghatol, at sumpa, at ginagawa Niyang perpekto ang tao pangunahin sa pamamagitan ng Kanyang paghatol. Hindi ito nauunawaan ng ilang tao, at itinatanong nila kung bakit nagagawa lamang perpekto ng Diyos ang tao sa pamamagitan ng paghatol at sumpa. Sinasabi nila, “Kung isusumpa ng Diyos ang tao, hindi ba’t mamamatay ang tao? Kung hahatulan ng Diyos ang tao, hindi ba’t makokondena ang tao? Kung gayon, paano pa magagawang perpekto ang tao?” Gayon ang mga salita ng mga taong hindi nakakakilala sa gawain ng Diyos. Ang isinusumpa ng Diyos ay ang paghihimagsik ng tao, at ang Kanyang hinahatulan ay ang mga kasalanan ng tao. Bagama’t mabagsik Siyang magsalita nang hindi man lang isinasaalang-alang ang damdamin ng tao, at inilalantad Niya ang lahat ng nasa kalooban ng tao, inilalantad sa pamamagitan ng ilang istriktong salita kung ano ang pinakadiwa sa loob ng tao, sa pamamagitan ng gayong paghatol, binibigyan Niya ang tao ng isang malalim na kaalaman tungkol sa diwa ng laman, at sa gayon ay nagpapasakop ang tao sa harap ng Diyos. Ang laman ng tao ay sa kasalanan at kay Satanas, ito ay mapaghimagsik, at ito ang layon ng pagkastigo ng Diyos. Sa gayon, upang tulutang makilala ng tao ang sarili niya, ang mga salita ng paghatol ng Diyos ay dapat sumapit sa kanya at kailangang gumamit ng lahat ng uri ng pagpipino; sa gayon lamang magiging epektibo ang gawain ng Diyos.
—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Sa Pagdanas Lamang ng Masasakit na Pagsubok Mo Malalaman ang Pagiging Kaibig-ibig ng Diyos
Hinahatulan man ng Diyos ang tao o isinusumpa siya, parehong ginagawa nitong perpekto ang tao: Parehong ginagawa ito upang gawing perpekto iyong hindi dalisay sa kalooban ng tao. Sa pamamagitan ng kaparaanang ito ang tao ay pinipino, at iyong kulang sa kalooban ng tao ay ginagawang perpekto sa pamamagitan ng Kanyang mga salita at gawain. Bawat hakbang ng gawain ng Diyos—masasakit na salita man ito, o paghatol, o pagkastigo—ay ginagawang perpekto ang tao, at talagang angkop. Hindi kailanman nakagawa ng ganitong gawain ang Diyos sa lahat ng kapanahunan at salinlahi; ngayon, gumagawa Siya sa inyo at ipinapaunawa sa inyo ang Kanyang karunungan. Bagama’t nagdusa kayo ng ilang pasakit sa loob ninyo, palaging matatag at payapa ang nararamdaman ng inyong puso; ang katunayang natatamasa ninyo ang yugtong ito ng gawain ng Diyos ay inyong mabuting kapalaran. Anuman ang magagawa ninyong makamit sa hinaharap, nakikita ninyo na ang lahat ng gawain ng Diyos sa inyo ngayon ay pag-ibig. Kung hindi nararanasan ng tao ang paghatol at pagpipino ng Diyos, gumagawa lang ng mga bagay-bagay sa panlabas at nagpapakita ng panlabas na kasigasigan, habang hindi kailanman nagbabago ang kanyang disposisyon, maituturing ba ito na nakamit ng Diyos ang tao? Sa ngayon, bagama’t matindi pa rin ang kahambugan sa kalooban ng tao, mas matatag na ang disposisyon ng tao kaysa rati. Pinupungusan ka ng Diyos upang iligtas ka, at bagama’t maaari kang makadama ng kaunting pasakit sa panahong iyon, pagdating ng araw na nagbago na ang iyong disposisyon, aalalahanin mo ang nakalipas at makikita mo kung gaano karunong ang gawain ng Diyos, at sa oras na iyon ay magagawa mong tunay na maunawaan ang layunin ng Diyos.
—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Sa Pagdanas Lamang ng Masasakit na Pagsubok Mo Malalaman ang Pagiging Kaibig-ibig ng Diyos
Kung hindi mo kilala ang disposisyon ng Diyos, tiyak na mabubuwal ka kapag may mga pagsubok, dahil hindi mo alam kung paano ginagawang perpekto ng Diyos ang mga tao, sa anong paraan Niya sila ginagawang perpekto, at kapag dumating ang mga pagsubok ng Diyos sa iyo at hindi tumutugma ang mga ito sa iyong mga kuru-kuro, hindi mo magagawang manindigan. Ang totoong pagmamahal ng Diyos ay ang Kanyang buong disposisyon, at kapag ipinapamalas sa mga tao ang buong disposisyon ng Diyos, ano ang dinadala nito sa kanilang laman? Kapag naipapamalas sa mga tao ang matuwid na disposisyon ng Diyos, tiyak na daranas ng maraming pasakit ang kanilang laman. Kung hindi mo pagdurusahan ang pasakit na ito, hindi ka magagawang perpekto ng Diyos, ni hindi mo magagawang mag-alay ng totoong pagmamahal sa Diyos. Kung gagawin kang perpekto ng Diyos, kailangan Niyang ipamalas sa iyo ang Kanyang buong disposisyon. Mula sa panahon ng paglikha hanggang ngayon, hindi pa kailanman ipinamalas ng Diyos ang Kanyang buong disposisyon sa tao—ngunit sa mga huling araw, Kanyang ipinapamalas ito sa grupong ito ng mga tao na Kanya nang paunang itinadhana at pinili, at sa pagpeperpekto sa mga tao, Kanyang ipinapamalas ang Kanyang disposisyon, na sa pamamagitan nito ay Kanyang ginagawang ganap ang isang grupo ng mga tao. Gayon ang tunay na pag-ibig ng Diyos sa mga tao. Hinihingi ng pagdanas ng tunay na pag-ibig ng Diyos sa mga tao na magtiis ng matinding pasakit, at magbayad ng malaking halaga. Saka lamang maaaring makamit ng Diyos ang mga tao sa huli, at sa wakas ay magawang magbalik ng kanilang tunay na pag-ibig sa Diyos, at saka lamang masisiyahan ang puso ng Diyos. Kung nais ng mga tao na gawin silang perpekto ng Diyos, at kung nais nilang sumunod sa Kanyang kalooban, at ganap na ialay ang kanilang tunay na pag-ibig sa Diyos, dapat nilang maranasan ang maraming pasakit at maraming paghihirap mula sa mga sitwasyon, at sa gayon ay mapasailalim sa pagdurusa na katulad ng madala sa bingit ng kamatayan, na sa huli ay nagpupuwersa sa kanila na ibalik ang kanilang totoong puso sa Diyos. Kung tunay bang mahal o hindi ng isang tao ang Diyos ay nabubunyag sa panahon ng pagdurusa at pagpipino. Ang pagdadalisay ng Diyos sa pag-ibig ng mga tao ay nakakamit din lamang sa pamamagitan ng pagdurusa at pagpipino.
—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Pagmamahal Lamang sa Diyos ang Tunay na Pananampalataya sa Diyos
Maraming paraan ang Diyos para maperpekto ang tao. Gumagamit Siya ng lahat ng uri ng sitwasyon para pungusan ang mga tiwaling disposisyon ng tao, at gumagamit ng iba’t ibang bagay upang ibunyag ang tao; sa isang banda, pinupungusan Niya ang tao, sa isa pa, ibinubunyag Niya ang tao, at sa isa pa, isinisiwalat Niya ang tao, hinuhukay at isinisiwalat ang “mga hiwaga” sa kaibuturan ng puso ng tao, at ipinakikita sa tao ang kanyang kalikasan sa pamamagitan ng pagsisiwalat sa marami sa mga kalagayan nito. Pineperpekto ng Diyos ang tao sa pamamagitan ng maraming pamamaraan—sa pamamagitan ng pagsisiwalat, sa pamamagitan ng pagpupungos sa tao, sa pamamagitan ng pagpipino, at sa pamamagitan ng pagkastigo—para makilala ng tao na ang Diyos ay praktikal.
—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Tanging ang mga Nakatuon sa Pagsasagawa ang Mapeperpekto
Ang gawaing ginagawa ngayon ay upang maghimagsik ang mga tao laban kay Satanas at sa kanilang sinaunang ninuno. Ang lahat ng paghatol sa pamamagitan ng salita ay naglalayong ilantad ang mga tiwaling disposisyon ng mga tao at bigyang-kakayahan sila na maunawaan ang diwa ng buhay. Ang paulit-ulit na mga paghatol na ito ay tumatagos sa puso ng mga tao. Ang bawat paghatol ay may tuwirang kaugnayan sa kanilang kapalaran at naglalayong sugatan ang kanilang puso para kanilang mapakawalan ang lahat ng bagay na iyon at nang sa gayon ay makilala nila ang buhay, makilala ang maruming mundong ito, makilala ang karunungan at pagkamakapangyarihan-sa-lahat ng Diyos, at makilala rin ang sangkatauhan, na ginawang tiwali ni Satanas. Habang lalong ganito ang pagkastigo at paghatol, mas masusugatan ang puso ng tao at mas magigising ang kanyang espiritu. Ang layon ng ganitong paghatol ay ang gisingin ang espiritu ng mga taong ito na napakatiwali at pinakalubhang nalinlang. Ang tao ay walang espiritu, na ibig sabihin, ang kanyang espiritu ay matagal nang namatay at hindi niya alam na may Langit, hindi niya alam na mayroong Diyos, at tiyak na hindi niya nalalamang siya ay nagpupumiglas sa abismo ng kamatayan; paano niya malalaman na siya ay namumuhay sa loob ng masamang impiyerno sa lupa? Paano niya malalaman na ang nabubulok na bangkay niyang ito ay nahulog na sa Hades ng kamatayan matapos itong gawing tiwali ni Satanas? Paano niya malalaman na ang lahat ng bagay sa lupa ay matagal nang nawasak ng sangkatauhan na hindi na maaayos? At paano niya malalaman na ang Lumikha ay pumarito sa lupa ngayon at naghahanap ng isang pangkat ng mga taong natiwali na maaari Niyang iligtas? Bagama’t naranasan na ng tao ang bawat posibleng pagpipino at paghatol, ang kanyang manhid na kamalayan ay nananatili pa ring ganap na hindi natitinag at halos hindi tumutugon. Napakatiwali ng tao! At bagama’t ang ganitong uri ng paghatol ay tulad ng mabagsik na yelong ulan na nahuhulog mula sa papawirin, mayroon itong napakalaking pakinabang sa tao. Kung hindi hahatulan nang ganito ang mga tao, hindi matatamo ang bunga, at magiging ganap na imposible na iligtas ang mga tao mula sa kailaliman ng paghihirap. Kung hindi gagawa nang ganito, magiging napakahirap para sa mga tao na lumabas mula sa Hades, dahil ang kanilang mga puso ay matagal nang namatay at ang kanilang mga espiritu ay matagal nang niyurakan ni Satanas. Ang pagliligtas sa inyo na nalubog na sa pinakamalalim na kalaliman ng pagkabulok ay nangangailangan ng pagtawag sa inyo nang buong lakas, paghatol sa inyo nang buong lakas; saka lamang maaaring magising ang mga nanlalamig ninyong puso.
—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Tanging ang Nagawang Perpekto ang Makakapamuhay ng Makahulugang Buhay
Dapat mong malaman na ang paggawang perpekto, paggawang ganap, at pagkakamit ng Diyos sa tao ay walang inihahatid kundi mga espada at paghampas sa laman nito, gayundin ang walang katapusang pagdurusa, ang paglalagablab ng apoy, walang-habag na paghatol, pagkastigo, at mga sumpa, at walang hangganang mga pagsubok. Gayon ang tunay na kuwento at katotohanan ng gawain ng pamamahala sa tao. Gayumpaman, nakatutok ang lahat ng bagay na ito sa laman ng tao, at lahat ng pana ng pagkamapanlaban ay walang-awang nakatutok sa laman ng tao (dahil ang tao ay inosente). Ang lahat ng ito ay para sa kapakanan ng Kanyang kaluwalhatian at patotoo, at para sa Kanyang pamamahala. Ito ay dahil ang Kanyang gawain ay hindi lamang para sa kapakanan ng sangkatauhan, kundi para din sa buong plano, gayundin ay upang tuparin ang Kanyang orihinal na layunin nang nilikha Niya ang sangkatauhan. Kaya, marahil siyamnapung porsiyento ng dinaranas ng tao ay pagdurusa at mga pagsubok ng apoy, at napakakaunti, o baka wala pa nga, ng matatamis at masasayang araw na inaasam ng laman ng tao. Lalo nang hindi nakapagtatamasa ang tao ng masasayang sandali sa laman, gumugugol ng magagandang panahon sa piling ng Diyos. Ang laman ay marumi, kaya ang nakikita o tinatamasa ng laman ng tao ay walang iba kundi ang pagkastigo ng Diyos na para sa tao ay walang pagsasaalang-alang, na para bang kulang ito sa normal na katwiran. Ito ay dahil ihahayag ng Diyos ang Kanyang matuwid na disposisyon, na “walang pagsasaalang-alang sa tao”, hindi kumukunsinti sa mga pagkakasala ng tao, at namumuhi sa mga kaaway. Lantarang inihahayag ng Diyos ang Kanyang buong disposisyon sa pamamagitan ng anumang paraan na kailangan, sa gayong paraan ay tinatapos ang gawain ng Kanyang anim na libong taong pakikipaglaban kay Satanas—ang gawain ng pagliligtas sa buong sangkatauhan at ang pagwasak sa sinaunang Satanas!
—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Layunin ng Pamamahala sa Tao
Bawat isa sa mga salita ng Diyos ay tumatama sa ating mga nakamamatay na kahinaan, iniiwan tayong nasasaktan at nanginginig sa takot. Inilalantad Niya ang ating mga kuru-kuro, ang ating mga imahinasyon, at ang ating mga tiwaling disposisyon. Mula sa ating bawat salita at kilos, sa ating bawat galaw, hanggang sa bawat iniisip at ideya natin, ang ating kalikasang diwa ay nabubunyag sa Kanyang mga salita, na iniiwan tayong natatakot at nanginginig na walang mapagtaguan ng ating kahihiyan. Isa-isa Niyang sinasabi sa atin ang tungkol sa lahat ng ating kilos, ating mga layunin at intensiyon, maging ang ating mga tiwaling disposisyon na hindi pa natin mismo natutuklasan, kaya pakiramdam natin ay nakalantad ang lahat ng ating kahabag-habag na depekto at lalo pa, buong puso tayong nakumbinsi. Hinahatulan Niya tayo sa paglaban natin sa Kanya, kinakastigo tayo sa paglapastangan at pagkondena natin sa Kanya, at ipinararamdam sa atin na, sa Kanyang paningin, wala tayo ni isang katangiang katubus-tubos, na tayo ay mga buhay na Satanas. Nawasak ang ating mga pag-asa; hindi na tayo nangangahas na humiling nang labis-labis sa Kanya o magpakana sa Kanya, at naglalaho maging ang ating mga pangarap sa magdamag. Ito ay isang katunayan na walang sinuman sa atin ang makakaisip at walang sinuman sa atin ang makatatanggap. Sa loob ng isang saglit, nawawalan tayo ng panloob na panimbang at hindi natin alam kung paano magpapatuloy sa daan tungo sa hinaharap, o kung paano magpapatuloy sa ating mga paniniwala. Para bang ang ating pananalig ay nagsimulang muli sa umpisa, at para bang hindi pa natin nakatagpo kailanman ang Panginoong Jesus o nakilala Siya. Lahat ng nasa ating harapan ay pinupuno tayo ng pagkalito at pinag-aatubili tayo. Nasisiraan tayo ng loob, nadidismaya, at sa kaibuturan ng ating puso ay may di-mapigilang galit at kahihiyan. Sinusubukan nating magbulalas, humanap ng alternatibong solusyon, at, bukod pa riyan, magpatuloy sa paghihintay para sa ating Tagapagligtas na si Jesus, upang maibuhos natin ang nilalaman ng ating puso sa Kanya. Bagama’t may mga pagkakataong mukha tayong hindi mayabang ni mapagpakumbaba sa panlabas, sa ating puso ay nararamdaman natin ang kawalan na hindi pa natin nadama kailanman. Bagama’t kung minsan ay di-pangkaraniwan na mukha tayong kalmado sa panlabas, ang ating isipan ay naguguluhan sa paghihirap gaya ng maunos na dagat. Ang Kanyang paghatol at pagkastigo ay naghubad sa atin ng lahat ng pag-asa at pangarap natin, na nagwawakas sa ating labis-labis na pagnanais at iniiwan tayong ayaw maniwala na Siya ang ating Tagapagligtas at may kakayahan Siyang iligtas tayo. Ang Kanyang paghatol at pagkastigo ay nagbukas ng puwang sa pagitan natin at sa Kanya, na napakalalim kaya walang sinumang gustong tumawid doon. Ang Kanyang paghatol at pagkastigo ang unang pagkakataon na nagdanas tayo ng gayon kalaking kabiguan, gayon kalaking kahihiyan sa ating buhay. Ang Kanyang paghatol at pagkastigo ay naging dahilan upang tunay nating madama ang kamahalan at pagiging hindi nalalabag ng Diyos, kumpara sa mga ito, tayo ay napakahamak, labis na marumi. Sa Kanyang paghatol at pagkastigo, namalayan natin, sa unang pagkakataon, ang ating kayabangan at kapalaluan, at kung paanong ang tao ay hindi kailanman magiging kapantay ng Diyos, o maihahambing sa Kanya. Ang Kanyang paghatol at pagkastigo ay hinimok tayong manabik na hindi na mamuhay sa gayong mga tiwaling disposisyon, na alisin sa ating sarili ang kalikasang diwang ito sa lalong madaling panahon, at upang hindi na Niya tayo kapootan at kasuklaman. Ang Kanyang paghatol at pagkastigo ay nagdulot sa atin na malugod na magpasakop at sumunod sa Kanyang mga salita, hindi na naghihimagsik laban sa Kanyang mga pamamatnugot at pagsasaayos. Ang Kanyang paghatol at pagkastigo ay minsan pang nagbigay sa atin ng pagnanais na makaligtas at ginawa tayong malugod na tanggapin Siya bilang ating Tagapagligtas…. Nakalabas na tayo ng gawain ng paglupig, nakalabas ng impiyerno, nakalabas ng lambak ng anino ng kamatayan…. Tayo, ang grupong ito ng mga tao, ay nakamit na ng Makapangyarihang Diyos! Nagtagumpay Siya laban kay Satanas at tinalo ang napakarami Niyang kaaway!
—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Apendise 4: Mamasdan ang Pagpapakita ng Diyos sa Kanyang Paghatol at Pagkastigo