1. Ang mga bagay-bagay ay pumanglaw nang pumanglaw sa aming simbahan sa nakaraang ilang taon. Ang mga kapatid ay nawawalan ng kanilang pananampalataya at ng kanilang pag-ibig, sila ay nagiging mas negatibo at mahina, at ang mga mangangaral ay naging tuyot sa espiritu; wala silang maipangaral. Nararamdaman naming lahat na nawala sa amin ang gawain ng Banal na Espiritu. Hinanap namin sa lahat ng dako ang isang simbahan na mayroong gawain ng Banal na Espiritu, ngunit ang bawat isa na nahahanap namin ay mapanglaw din kagaya ng kasunod. Bakit ang bawat denominasyon ay sinasalot ng naturang taggutom?

Sagot:

Sa kasalukuyan, ang relihiyosong mundo ay naging mapanglaw, at wala rito ang gawain ng Banal na Espiritu, at ang pananampalataya at pag-ibig ng maraming tao ay humihina. Kinikilalang katotohanan ang mga ito. Ano ang pangunahing dahilan ng kapanglawang ito? Alam nating lahat na nasa huling yugto na tayo ng mga huling araw. Ipinropesiya ng Panginoong Jesus, “At dahil sa pagsagana ng katampalasanan, ang pag-ibig ng marami ay lalamig” (Mateo 24:12). Ngayon, ang mga kaso ng kasamaan sa komunidad na panrelihiyon ay lalo pang nagiging laganap. Sa mga iglesia, wala nang ginawa ang mga pastor at elder kundi palawakin ang kanilang kaalaman sa Biblia at sa teoryang tungkol sa teolohiya upang ipagmagaling ang kanilang mga sarili, patatagin ang kanilang mga sarili at makuha ang paggalang ng iba. Hindi nila kailanman sinunod ang mga kautusan ng Panginoong Jesus, ni hindi sila nagtataglay ng anumang patotoo sa naranasan nilang pagsasagawa ng mga salita ng Panginoon. Hindi sila makapangaral tungkol sa pagpasok sa buhay, ni hindi nila naakay ang mga tao sa pagsasagawa at pagdanas ng mga salita ng Panginoon. Marami ring mga pastor at mga elder ang sumusunod sa mga kalakaran sa mundong nasa labas, at naghahangad sila ng pera at nakikipaglaban para sa kapangyarihan at para sa kanilang pansariling interes—nalihis sila nang lubusan mula sa daan ng Panginoon. Pagkaraan ng ilang taong paniniwala sa Diyos sa gitna ng relihiyon, ang nauunawaan lamang nila ay teoryang tungkol sa teolohiya at kaalamang tungkol sa Biblia; wala silang naiintindihan tungkol sa katotohanan, hindi nila nakikilala ang Panginoon kahit bahagya man lang, at wala silang pamimitagan at pagsunod. Lahat sila’y naging mga taong naniniwala sa Panginoon, subalit hindi naman nakikilala ang Panginoon at sinasalungat ang Panginoon. Ipinapakita nito na ang mga lider ng relihiyosong mundo ay nalihis na nang husto mula sa daan ng Panginoon, na nagdulot na mawala sa kanila ang gawain ng Banal na Espiritu at ang mga pagpapala ng Diyos sa kanila—ito ang pangunahing dahilan kaya naging mapanglaw ang relihiyosong mundo. Ang isa pang dahilan ay gumagawa ang Diyos ng bagong gawain at nagbago na ang gawain ng Banal na Espiritu. Nagbalik na ang Panginoong Jesus, Siya ang pagkakatawang-tao ng Makapangyarihang Diyos. Isinasakatuparan Niya ang gawain ng paghatol simula sa sambahayan ng Diyos batay sa saligan ng gawain ng pagtubos ng Panginoong Jesus, na nagpapasimula sa Kapanahunan ng Kaharian at tumatapos sa Kapanahunan ng Biyaya. Tanging ang mga tumatanggap lamang sa gawain ng Makapangyarihang Diyos ng mga huling araw ang nagtataglay ng gawain ng Banal na Espiritu, at sila lamang ang nagtatamasa ng probisyon ng bukal ng buhay na umaagos mula sa luklukan. Ang mga hindi makasabay sa takbo ng kasalukuyang gawain ng Diyos at tumatangging tanggapin ang Makapangyarihang Diyos ay tatalikuran at aalisin ng Diyos at ihahagis sa kadiliman. Partikular na ang mga pastor at elder ng relihiyosong mundo ay hindi lamang hindi naghahangad o nag-iimbestiga sa gawain ng Makapangyarihang Diyos ng mga huling araw, kundi panatikong sinasalungat at sinusumpa nila ito, nagkakalat sila ng samot-saring mga kasinungalingan at kabulaanan upang linlangin ang mga tao at pigilan silang hanapin at imbestigahan ang tunay na daan, at sinusubukan nilang agawin ang tupa ng Diyos upang maangkin nila ang mga ito. Matagal na nilang ginagalit ang disposisyon ng Diyos at kinamumuhian at isinusumpa sila ng Diyos. Paano nga bang hindi sila tatalikuran at aalisin ng Diyos? Sa kasalukuyan, halos ang buong relihiyosong mundo ay kontrolado ng mga lider ng mga relihiyon na napopoot sa katotohanan at galit na galit sa Diyos. Paano nito matatamo ang gawain ng Banal na Espiritu? At paano ngang hindi ito magiging lupang tiwangwang? Ito ang pinakapangunahing dahilan sa likod ng kapanglawan ng relihiyosong mundo. Ganap ding natutupad ng kapanglawang ito ang propesiya ng Biblia na: “Narito, ang mga araw ay dumarating, sabi ng Panginoong si Jehova, na Ako’y magpapasapit ng taggutom sa lupain, hindi taggutom sa tinapay, o kauhawan man sa tubig, kundi sa pagkarinig ng mga salita ni Jehova” (Amos 8:11). “At Akin namang pinigil ang ulan sa inyo, nang tatlong buwan na lamang at pag-aani na; at Aking pinaulan sa isang bayan, at hindi Ko pinaulan sa kabilang bayan: isang bahagi ay inulanan, at ang bahagi na hindi inulanan ay natuyo. Sa gayo’y dalawa o tatlong bayan ay nagsigala sa isang bayan upang magsiinom ng tubig, at hindi nangapawi ang uhaw: gayon ma’y hindi kayo nanganumbalik sa Akin, sabi ni Jehova” (Amos 4:7–8). Ang “Isang bahagi ay inulanan” sa pahayag na ito ay tumutukoy sa mga iglesia na tumatanggap at sumusunod sa gawain ng paghatol ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw; dahil tinatanggap nila ang Kanyang mga kasalukuyang pagbigkas, tinatamasa nila ang probisyon at pagdidilig ng bukal ng buhay na umaagos mula sa luklukan. “Ang bahagi na hindi inulanan ay natuyo” ay tumutukoy naman sa mga pastor at lider ng relihiyosong mundo na hindi nagsasagawa ng mga salita ng Panginoon, sa mga hindi tumutupad sa mga kautusan ng Panginoon, at sa mga sumasalungat at kumokondena sa gawain ng Makapangyarihang Diyos ng mga huling araw, na nagdudulot na kasuklaman, tanggihan, at sumpain ng Diyos ang relihiyosong mundo. Lubos na salat ito sa gawain ng Banal na Espiritu, wala itong kakayahan na tanggapin ang probisyon ng mga kasalukuyang pagbigkas ng Diyos, at nalubog na ito sa kapanglawan. Sa katapusan ng Kapanahunan ng Kautusan, ang templo na puno noon ng kaluwalhatian ni Jehova ay naging mapanglaw, hindi sinunod ng mga mananampalataya ang mga kautusan, naghandog ang mga saserdote ng mabababang-uri na haing-handog, at ang templo ay naging yungib ng mga magnanakaw, dahil kumapit lamang ang mga Judiong lider sa mga kaugalian ng tao at tinalikuran ang mga kautusan ng Diyos; lumihis sila nang husto mula sa daan ng Diyos, at, bunga nito, sila ay isinumpa ng Diyos. Bukod pa rito, ito ay dahil sa pinasimulan ng Panginoong Jesus ang gawain ng pagtubos sa sangkatauhan sa labas ng templo sa Kapanahunan ng Biyaya. Nagbago ang gawain ng Diyos, at natamo ng lahat ng tumanggap sa gawain ng Panginoong Jesus ang gawain ng Banal na Espiritu, samantalang ang mga tumanggi at lumaban sa Panginoong Jesus ay inalis sa pamamagitan ng gawain ng Diyos at inihagis sa kadiliman at kapanglawan.

Pinahihintulutan ng Diyos ang komunidad ng mga relihiyon na dumanas ng taggutom, at kalooban ng Diyos ang nasa likod nito. Tingnan natin ang dalawang siping mga salita ng Makapangyarihang Diyos: “Isasakatuparan ng Diyos ang katunayang ito: Gagawin Niyang pumunta sa harapan Niya ang lahat ng tao sa sansinukob at sumamba sa Diyos sa lupa. Titigil ang gawain Niya sa ibang mga lugar, at mapipilitan ang mga tao na hanapin ang tunay na daan. Magiging katulad ito ni Jose: Lumapit ang lahat sa kanya para sa pagkain, at yumukod sa kanya, sapagkat mayroon siyang mga bagay na makakain. Upang matakasan ang sakuna ng taggutom, mapipilitan ang mga tao na hanapin ang tunay na daan. Magdurusa ng matinding taggutom ang buong mundo ng relihiyon, at tanging ang Diyos ng ngayon ang bukal ng buhay na tubig, na nagtataglay ng walang-hanggang umaagos na bukal na inilaan para sa pagtatamasa ng tao, at pupuntahan Siya ng mga tao at aasa sila sa Kanya” (Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Dumating Na ang Milenyong Kaharian). “Ganap na itinuon ng Diyos ang gawain Niya sa sansinukob sa grupong ito ng mga tao. Isinakripisyo na Niya ang lahat ng dugo ng puso Niya para sa inyo; binawi at ibinigay na Niya sa inyo ang buong gawain ng Espiritu sa sansinukob. Ito ang dahilan kung bakit kayo ang mapapalad. Bukod pa rito, inilipat na Niya ang Kanyang kaluwalhatian mula sa Israel, ang Kanyang hinirang na mga tao, patungo sa inyo, at lubos Niyang ipamamalas ang layunin ng Kanyang plano sa pamamagitan ng grupong ito. Samakatwid, kayo ang mga tatanggap ng pamana ng Diyos, at higit pa rito, kayo ang mga magmamana ng kaluwalhatian ng Diyos” (Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Simple Ba ang Gawain ng Diyos na Tulad ng Inaakala ng Tao?).

Malinaw na ipinapakita sa atin ng mga salita ng Makapangyarihang Diyos na hindi kailanman tinalikuran ng Diyos ang mga tunay na naniniwala sa Kanya at nananabik sa Kanyang pagpapakita. Pinayagan ng Diyos na maging mapanglaw ang komunidad ng mga relihiyon upang puwersahin ang mga tao na nasa relihiyon na nagmamahal sa katotohanan na iwanan ang relihiyon, upang takasan ang mga tanikala at kontrol ng mga anticristo at masasamang tao nito, nang sa gayon ay maitaas sila sa harapan ng luklukan ng Diyos upang mahatulan, malinis, at maperpekto sa pamamagitan ng mga salita ng Diyos. Ginagawa ng Makapangyarihang Diyos ng mga huling araw ang gawain ng paghatol, at ipinapahayag ang lahat ng katotohanan para sa paglilinis at pagliligtas sa sangkatauhan, upang bumuo ng grupo ng mga mananagumpay bago dumating ang mga sakuna, na mga pangunahing bunga. Natutupad nito ang propesiya ng Aklat ng Pahayag: “Ang mga ito’y ang hindi nangahawa sa mga babae; sapagkat sila’y mga malilinis. At ang mga ito’y ang nagsisisunod sa Kordero saan man Siya pumaroon. Ang mga ito’y ang binili sa gitna ng mga tao, na maging mga pangunahing bunga sa Diyos at sa Kordero” (Pahayag 14:4). Kapag nakumpleto na ng Diyos ang mga mananagumay na ito, ibabagsak ng Diyos ang matitinding sakuna upang gantimpalaan ang mabuti at parusahan ang masama. Tayo ay mapeperpekto ng Diyos bilang mga mananagumpay, at makakaiwas sa mga pagsubok ng Diyos kapag sinubok ang mundo sa pamamagitan lamang ng pag-iwan natin sa relihiyon, pagsunod sa daang nilakaran ng Cordero, pagtanggap at pagsunod sa gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw, at pagdanas ng paghatol at paglilinis sa harapan ng luklukan ni Cristo. Tanging ang mga mananagumpay na ito—ang mga pangunahing bunga na ito—na kinukumpleto ng Diyos ang may karapatang tumanggap ng pangako at mga pagpapala ng Diyos. Samantala, ang mga hindi tumanggap kailanman sa gawain ng Makapangyarihang Diyos ng mga huling araw ay kasusuklaman, tatanggihan at aalisin ng Diyos. Tiyak na ihahagis sila sa sakuna at parurusahan, at mawawala ang kanilang pagkakataon sa kaligtasan magpakailanman. Wala nang pagdududa pa tungkol sa bagay na ito!

Sinundan: 4. Kinikilala ko na ang mga salitang ipinahayag ng Makapangyarihang Diyos ay ang katotohanan, ngunit ang aking pamilya ay nadala ng lahat ng mga kasinungalingan at maling paniniwala na ipinakakalat ng CCP at ng relihiyosong pamayanan. Ginagawa nila ang lahat upang mapigilan ako sa pagsisiyasat sa gawain ng Makapangyarihang Diyos ng mga huling araw. Ayokong magkasiraan kami ng aking pamilya dahil sa aking paniniwala sa Makapangyarihang Diyos, ngunit hindi ko rin nais na talikuran ang aking paniniwala sa Makapangyarihang Diyos at mawalan ng pagkakataon na maligtas ng Diyos. Ano ang tamang bagay na dapat kong gawin?

Sumunod: 2. Bagaman Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos ay sinalanta ng labis na pagtutol at pagkondena ng CCP at ng relihiyosong komunidad sa mga nagdaang taon, nakikita ko na ang iglesia ay nakagagawa ng parami nang paraming mga online na pelikula at video na nagpapatotoo sa Diyos. Ang nilalaman ng mga pelikulang ito at video ay patuloy na lumalago, at nagiging mas higit na mahusay ang pagkakagawa ng mga ito. Ang mga katotohanan na ibinabahagi ng mga produksyon na ito ay kamangha-manghang nakakapagbigay-liwanag sa mga tao. Ang buong relihiyosong pamayanan ay hindi nakagawa ng mga pelikulang nagpapatotoo sa gawain ng Diyos sa mga nagdaang taon na maikukumpara sa ganda nito. Ngayon ay parami nang parami ang mga tao na tunay na naniniwala sa Diyos mula sa lahat ng mga relihiyon at denominasyon ang sumapi sa Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos. Bakit umuunlad ang Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos, habang ang buong relihiyosong pamayanan ay napakapanglaw?

Kaugnay na Nilalaman

Tanong 15: Tinawag ng mga pambansang lider ang Kristiyanismo at Katolisismo bilang mga kulto, at ang Banal na Biblia ay tinawag nilang aklat ng kulto. Kinikilala ng lahat ang mga katotohanang ito. Kung bakit naman binansagan ng sentrong gobyerno ang mga Kristiyanong bahay-iglesia, at sa partikular Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos bilang mga kulto, sa pagkaintindi ko at ayon sa pagsisiyasat, ganito ang pakiwari ko dyan: Lahat ng magpatunay na ang Diyos ang lumikha sa lahat, ang magsabing ang Diyos ang Tagapaglikha, na Siya ang lumikha sa sangkatauhan, ang magpatotoong Siya ang naghahari sa lahat ng bagay, ang magsabing ang Diyos ang Panginoon ng sansinukob, at nagkokontrol sa sanlibutan, at sinumang magsasabi sa sangkatauhan na ang Diyos lamang ang tingalain, sa Diyos lamang magpailalim, at Diyos lamang ang sambahin, ang lahat ng ito ay mga kulto. Lahat ng nagpapatunay na ang Diyos ay makatwiran, banal at dakila, at sumasaksi sa pag-ibig at pagliligtas ng Diyos sa sangkatauhan, kumukondena kay Satanas bilang demonyong nagpapasama sa mga tao, at bilang masamang pwersa na naghahari sa mundo, lalo na yung direktang umaatake at bumabatikos sa Partido Komunista, kulto ang lahat ng ito. Lahat ng nagsasabing nagbalik na ang Panginoong Jesus, at sumasaksi para kay Cristong nagkatawang-tao, at nagsasabi ng mga salita at gawain ng ordinaryong tao na parang yun ang pagpapakita at gawain ng Tagapagligtas, at nagpapakalat, at nagpapatunay na ang mga salitang inihayag ni Cristo ang katotohanan, yung tumatawag sa mga, tao para tanggapin ang Diyos, para lumapit sa Kanya, at magpaubaya, at yung hindi sumusunod sa Partido Komunista, kulto ang lahat ng ito. Lahat ng nagpapatunay na ang mga salita ng Diyos ang katotohanan, at pinakamataas sa lahat, at nagsasabing, ang Banal na Bibilia, ang salita ng Diyos at Ang, Salita ay Nagpakita sa Katawang-tao ang katotohanan, at yung kumikilos para kalabanin ang Marxismo-Leninismo at ang ideyolohiya at teorya ng Partido Komunista, kulto ang lahat ng ito. Lahat ng nagtuturo at sumasaksi para kay Cristo ng mga huling araw, lahat ng nangangaral na nagbalik na ang Diyos, na dahilan para tanggapin ng tao ang pagliligtas ng Diyos, at yung tumatawag sa tao para iwan ang lahat at sumunod sa Kanya bilang tanging daan para makapasok sa kaharian ng langit, kulto ang lahat ng ito. Ito ang aking pagkaunawa sa pagbabansag ng sentrong gobyerno sa lahat ng Kristiyanong bahay-iglesia, partikular na Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos, bilang mga kulto. Sa Tsina, ang Partido Komunista ang may kontrol. Ang Partido Komunista ay Marxista-Leninista, at ateistang partido politikal na sumasalungat sa lahat ng teismo. Dinedeklara ng Partido Komunista na mga kulto ang lahat ng relihiyosong grupo na naniniwala sa Diyos. Ipinakikita nito ang ganap na awtoridad ng Partido Komunista. Ang Partido Komunista lang ang dakila, kapuri-puri, at ang tama. Ang kahit na anong kumakalaban o sumasalungat sa Marxismo-Leninismo ay maituturing na mali; Yun ang isang bagay na gustong ipagbawal ng Partido Komunista. Sa bansang Tsina, dapat kilalanin ang Marxismo-Leninismo at ang Partido Komunista bilang dakila. Meron bang hindi tama sa sinasabi kong ito? Kayong mga taga-Iglesia ng Makapangyarihang Diyos, ay lantarang nagkakalat na nagbalik na ang Diyos, ang Diyos ng mga huling araw, ang Makapangyarihang Diyos. Pinatutunayan n’yo rin na naghahayag ng katotohanan ang Makapangyarihang Diyos para dalisayin ang tao, para iligtas ang tao, na dumating na sa lupa ang kaharian ng langit. Nagresulta ito ng pagkakagulo at paghihiwalay ng mga relihiyosong grupo, at pinamumunuan ang maraming tao, para mapalapit sa Makapangyarihang Diyos. Nagdulot ito ng pambihirang sensasyon sa Tsina, at nagdala ng matinding kalituhan at pagkabalisa sa lipunan. Sa ginagawa n’yo, ginugulo n’yo ang publiko hindi ba? Kaya idineklara ng sentrong gobyerno, na may sala Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos sa pagiging isang kulto, at nagsasagawa ng pag-atake at panunupil. Naloko kayong lahat at naligaw ng landas. Umaasa ang gobyerno na wala kayong sasayanging oras, sa pagsisisi, sa paglayo sa Iglesia ng Makapangyarihang Diyos, at pagsali sa Iglesia ng Three-Self. Sa ganitong paraan, hindi na kayo ituturing na mga kriminal ng gobyerno.

Sagot: Malinaw n’yong naipaliwanag ang basehan ng Partido Komunista sa pagbabansag sa mga kulto. Pero nadarama ko na ang pagkalaban ng...

Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos Ukol sa Pagkakilala sa Diyos Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw Paglalantad sa mga Anticristo Ang mga Responsabilidad ng mga Lider at Manggagawa Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan Ang Paghatol ay Nagsisimula sa Tahanan ng Diyos Mahahalagang Salita Mula sa Makapangyarihang Diyos, ang Cristo ng mga Huling Araw Araw-araw na mga Salita ng Diyos Ang mga Katotohanang Realidad na Dapat Pasukin ng mga Mananampalataya sa Diyos Sundan ang Kordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin Mga Gabay para sa Pagpapalaganap ng Ebanghelyo ng Kaharian Naririnig ng mga Tupa ng Diyos ang Tinig ng Diyos Makinig sa Tinig ng Diyos  Masdan ang Pagpapakita ng Diyos Mahahalagang Tanong at Sagot tungkol sa Ebanghelyo ng Kaharian Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume I) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume II) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume III) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume IV) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume V) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VI) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VII) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VIII) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume IX) Paano Ako Bumalik sa Makapangyarihang Diyos

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito