4. Kinikilala ko na ang mga salitang ipinahayag ng Makapangyarihang Diyos ay ang katotohanan, ngunit ang aking pamilya ay nadala ng lahat ng mga kasinungalingan at maling paniniwala na ipinakakalat ng CCP at ng relihiyosong pamayanan. Ginagawa nila ang lahat upang mapigilan ako sa pagsisiyasat sa gawain ng Makapangyarihang Diyos ng mga huling araw. Ayokong magkasiraan kami ng aking pamilya dahil sa aking paniniwala sa Makapangyarihang Diyos, ngunit hindi ko rin nais na talikuran ang aking paniniwala sa Makapangyarihang Diyos at mawalan ng pagkakataon na maligtas ng Diyos. Ano ang tamang bagay na dapat kong gawin?

Mga Talata ng Biblia para Sanggunian:

“Ang umiibig sa ama o sa ina nang higit kaysa sa Akin ay hindi karapat-dapat sa Akin; at ang umiibig sa anak na lalake o anak na babae ng higit kaysa sa Akin ay hindi karapat-dapat sa Akin. At ang hindi nagpapasan ng kaniyang krus at sumusunod sa Akin, ay hindi karapat-dapat sa Akin” (Mateo 10:37–38).

“Mapapalad ang mga pinag-uusig dahil sa katuwiran: sapagka’t kanila ang kaharian ng langit” (Mateo 5:10).

Nauugnay na mga Salita ng Diyos:

Kung maglalatag Ako ng kaunting pera sa harap ninyo ngayon mismo at bibigyan kayo ng kalayaang pumili—at hindi Ko kayo isusumpa nang dahil sa pinili ninyo—pipiliin ng karamihan sa inyo ang pera at tatalikuran ang katotohanan. Ang mas mababait sa inyo ay tatalikuran ang pera at atubiling pipiliin ang katotohanan, habang yaong mga nag-aalangan ay susunggaban ang pera sa isang kamay at ang katotohanan sa kabilang kamay. Hindi kaya lumabas ang tunay na kulay ninyo? Sa pagpili sa pagitan ng katotohanan at ng anumang bagay na matapat kayo, ito ang pipiliin ninyong lahat, at magiging pareho pa rin ang ugali ninyo. Hindi ba ganoon? Hindi ba marami sa inyo ang pabagu-bago ng pagpili sa pagitan ng tama at mali? Sa mga paligsahan sa pagitan ng positibo at ng negatibo, ng itim at ng puti, siguradong alam ninyo ang mga pagpiling nagawa ninyo sa pagitan ng pamilya at ng Diyos, ng mga anak at ng Diyos, ng kapayapaan at ng pagkagambala, ng kayamanan at ng kahirapan, ng katayuan at ng pagiging ordinaryo, ng masuportahan at ng maipagtabuyan, at iba pa. Sa pagitan ng tahimik na pamilya at ng watak-watak na pamilya, pinili ninyo ang una, at ginawa ninyo iyon nang walang pag-aatubili; sa pagitan ng kayamanan at ng tungkulin, muli ninyong pinili ang una, at ayaw pa nga ninyong magbago ng isip;[a] sa pagitan ng luho at ng kahirapan, pinili ninyo ang una; sa pagpili sa pagitan ng inyong mga anak at asawa at sa Akin, pinili ninyo ang una; at sa pagitan ng kuru-kuro at ng katotohanan, muli ninyong pinili ang una. Nahaharap sa lahat ng klase ng inyong masasamang gawa, talagang nawalan na Ako ng tiwala sa inyo. Talagang manghang-mangha Ako sa katigasan ng puso ninyo. Mukhang walang anumang idinulot sa Akin ang maraming taon ng dedikasyon at pagsisikap kundi ang inyong pagpapabaya at kalungkutan, ngunit lumalago ang pag-asa Ko para sa inyo sa bawat araw na lumilipas, dahil ang araw Ko ay ganap nang nailantad sa harapan ng lahat. Ngunit patuloy ninyong hinahanap ang kadiliman at kasamaan, at ayaw ninyong pakawalan ang mga ito. Ano, kung gayon, ang inyong kahihinatnan? Napag-isipan na ba ninyo itong mabuti? Kung papipiliin kayong muli, ano kaya ang pipiliin ninyo? Ang una pa rin kaya? Bibiguin at palulungkutin pa rin kaya ninyo Ako nang husto? May kaunting pag-aalab pa rin kaya sa puso ninyo? Hindi pa rin kaya ninyo malalaman kung paano aaliwin ang puso Ko?

—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Kanino Ka Matapat?

Siguro sasabihin mo na kung wala kang pananampalataya, hindi ka magdurusa ng ganitong uri ng pagkastigo o ganitong uri ng paghatol. Nguni’t dapat mong malaman na kung walang pananampalataya, hindi ka lang hindi makatatanggap ng ganitong uri ng pagkastigo o ganitong uri ng pagkalinga mula sa Makapangyarihan sa lahat, kundi magpakailanmang maiwawala mo ang pagkakataong makatagpo ang Lumikha. Hinding-hindi mo malalaman ang pinagmulan ng sangkatauhan at hindi mauunawaan kailanman ang kabuluhan ng buhay ng tao. Kahit na ang iyong katawan ay mamatay at ang iyong kaluluwa ay yumao, hindi mo pa rin mauunawaan ang lahat ng gawa ng Lumikha, lalong hindi mo malalaman na gumawa ng gayong kadakilang gawain sa mundo ang Lumikha matapos Niyang likhain ang sangkatauhan. Bilang kasapi nitong sangkatauhan na Kanyang ginawa, ikaw ba ay pumapayag na walang-muwang na mahulog sa kadiliman nang ganito at magdusa ng walang-hanggang kaparusahan? Kung ihihiwalay mo ang iyong sarili sa pagkastigo at paghatol ngayon, ano ang iyong kakatagpuin? Sa tingin mo ba na minsang maihiwalay mula sa kasalukuyang paghatol, makatatakas ka sa mahirap na buhay na ito? Hindi ba totoo na kung lilisanin mo ang “lugar na ito,” ang iyong haharapin ay masakit na pagpapahirap o malulupit na pinsalang ipinataw ng diyablo? Maaari ka bang maharap sa di-makayanang mga araw at mga gabi? Sa tingin mo ba dahil lang tinatakasan mo ang paghatol na ito ngayon, magpakailanman mong maiiwasan ang pagpapahirap sa hinaharap? Ano kaya ang darating sa iyo? Ito kaya ang Shangri-La na iyong inaasahan? Sa tingin mo ba ay matatakasan mo ang walang-hanggang pagkastigo sa hinaharap sa pamamagitan lang ng pagtakas sa realidad gaya ng iyong ginagawa ngayon? Pagkatapos ng ngayon, makahahanap ka pa kaya muli ng ganitong uri ng pagkakataon at ganitong uri ng pagpapala? Matatagpuan mo ba ang mga ito kapag dinatnan ka ng sakuna? Matatagpuan mo ba ang mga ito kapag ang buong sangkatauhan ay pumasok na sa kapahingahan? Ang kasalukuyang masaya mong buhay at ang iyong magkaayong munting pamilya—makakahalili ba sila sa iyong walang-hanggang hantungan sa hinaharap? Kung ikaw ay may totoong pananampalataya, at kung marami kang natatamo dahil sa iyong pananampalataya, lahat ng iyan ay ang dapat mo—na isang nilalang—na matamo at gayundin ay ang dapat mong taglay noon pa man. Wala nang mas kapaki-pakinabang sa iyong pananampalataya at buhay kaysa gayong panlulupig.

—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Katotohanang Nakapaloob sa Gawain ng Paglupig 1

Dapat kang magdusa ng kahirapan alang-alang sa katotohanan, dapat mong ibigay ang iyong sarili sa katotohanan, dapat kang magtiis ng kahihiyan para sa katotohanan, at upang higit pang makamit ang katotohanan, dapat kang sumailalim sa higit pang pagdurusa. Ito ang dapat mong gawin. Hindi mo dapat itapon ang katotohanan alang-alang sa isang mapayapang buhay pamilya, at hindi mo dapat iwala ang dangal at katapatan ng iyong buhay para sa pansamantalang kasiyahan. Dapat mong hangarin ang lahat ng mainam at mabuti, at dapat mong hangarin ang isang landas sa buhay na higit na makahulugan. Kung ang pinangungunahan mo ay isang mahalay na buhay, at walang hinahangad na anumang mga layunin, hindi ba’t sinasayang mo ang iyong buhay? Ano ba ang iyong makakamtan mula sa ganitong pamumuhay? Dapat mong talikuran ang lahat ng kasiyahan ng laman alang-alang sa nag-iisang katotohanan, at hindi mo dapat sayangin ang lahat ng katotohanan alang-alang sa isang munting kasiyahan. Ang mga ganitong tao ay walang katapatan o dangal. Walang kabuluhan ang kanilang pag-iral!

—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang mga Karanasan ni Pedro: Ang Kanyang Kaalaman sa Pagkastigo at Paghatol

Sa mga salita ng Diyos, anong prinsipyo ang binabanggit tungkol sa kung paano dapat pakitunguhan ng mga tao ang isa’t isa? Mahalin ang minamahal ng Diyos, at kamuhian ang kinamumuhian ng Diyos. Iyon ay, ang mga taong minamahal ng Diyos, na tunay na naghahabol ng katotohanan at gumagawa ng kalooban ng Diyos, ang mismong mga taong dapat mong mahalin. Ang mga hindi gumagawa ng kalooban ng Diyos, yaong mga namumuhi sa Diyos, yaong mga sumusuway sa Kanya, at yaong mga kinasusuklaman Niya ay mga taong dapat din nating kasuklaman at tanggihan. Ito ang hinihingi ng salita ng Diyos. Kung hindi naniniwala ang iyong mga magulang sa Diyos, kinamumuhian nila Siya kung gayon; at kung kinamumuhian nila Siya, tiyak na kinamumuhian sila ng Diyos. Kaya, kung sinabi sa iyong kamuhian mo ang iyong mga magulang, magagawa mo ba ito? Kung nilalabanan nila ang Diyos at nilalapastangan Siya, tiyak na sila ang mga taong kinamumuhian at isinusumpa Niya. Sa ilalim ng gayong mga pangyayari, paano mo dapat tratuhin ang iyong mga magulang kung hinadlangan nila ang paniniwala mo sa Diyos, o kung hindi nila ito ginagawa? Noong Kapanahunan ng Biyaya, sinabi ng Panginoong Jesus, “Sino ang aking ina? At sino-sino ang aking mga kapatid? … Sapagka’t sinomang gumaganap ng kalooban ng aking Ama na nasa langit, ay siyang aking kapatid na lalake at aking kapatid na babae, at ina.” Umiiral na ang kasabihang ito noon pang Kapanahunan ng Biyaya, at lalo pang mas angkop ang mga salita ng Diyos ngayon: “Mahalin kung ano ang minamahal ng Diyos, at kamuhian kung ano ang kinamumuhian ng Diyos.” Diretsahan ang mga salitang ito, ngunit madalas na hindi napapahalagahan ng mga tao ang tunay na kahulugan ng mga ito.

—Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Sa Pagkilala Lamang sa Sariling mga Maling Pananaw ng Isang Tao Siya Tunay na Makapagbabago

Ang Pagbubukod ni Job sa Pag-ibig at Poot

Ang isa pang bahagi ng pagkatao ni Job ay ipinapakita sa pag-uusap sa pagitan niya at ng kanyang asawa: “Nang magkagayo’y sinabi ng kaniyang asawa sa kaniya, Napananatili mo pa rin ba ang iyong katapatan? Sumpain mo ang Diyos, at mamatay ka. Nguni’t sinabi niya sa kaniya, Ikaw ay nagsasalita na gaya ng pagsasalita ng hangal na babae. Ano? Tatanggap ba tayo ng mabuti sa kamay ng Diyos, at hindi tayo tatanggap ng masama?” (Job 2:9–10). Nang makita ang paghihirap na dinaranas niya, sinubukan ng asawa ni Job na payuhan si Job upang tulungan siyang makatakas sa kanyang paghihirap—ngunit ang kanyang “mabubuting intensyon” ay hindi sinang-ayunan ni Job. Sa halip, naging dahilan ito upang si Job ay magalit, sapagkat itinakwil ng asawa ni Job ang kanyang pananampalataya at pagkamasunurin sa Diyos na si Jehova, at itinakwil din ng asawa ni Job ang pag-iral ng Diyos na si Jehova. Hindi ito katanggap-tanggap kay Job, dahil hindi niya kailanman pinayagan ang kanyang sarili na gumawa ng kahit ano na sasalungat o makasasakit sa Diyos, at hindi pa kasali rito ang iba. Paano siya mananatiling walang malasakit kung nakita niya ang iba na nagbibigkas ng mga salitang lumalapastangan at umiinsulto sa Diyos? Kaya tinawag niya ang kanyang asawa na isang “hangal na babae.” Ang saloobin ni Job sa kanyang asawa ay may galit at poot, pati na rin ang kahihiyan at mahigpit na pangangaral. Ito ay ang likas na pagpapahayag ng pagkatao ni Job na kumikilala sa pagkakaiba ng pag-ibig at poot, at isang tunay na paglalarawan ng kanyang matuwid na pagkatao. Si Job ay nagtaglay ng pagkamakatarungan—na dahilan upang magalit siya sa pagpapakita ng kabuktutan, at kapootan, kondenahin at tanggihan ang walang saysay na maling pananampalataya, mga hindi kapani-paniwalang argumento, at katawa-tawang mga pahayag, at nagpahintulot sa kanya na maging totoo sa kanyang sarili, sa mga wastong prinsipyo at makapanindigan nang siya ay itinakwil ng masa at iwan ng mga taong malapit sa kanya.

—Ang Salita, Vol. II. Ukol sa Pagkakilala sa Diyos. Ang Gawain ng Diyos, ang Disposisyon ng Diyos, at ang Diyos Mismo II

Kailangan mong taglayin ang Aking katapangan sa iyong kalooban at kailangan mong magkaroon ng mga prinsipyo kapag humaharap ka sa mga kamag-anak na hindi naniniwala. Para sa Aking kapakanan ay hindi ka rin dapat na sumuko sa kahit anong mga pwersa ng kadiliman. Manalig ka sa Aking karunungan upang makalakad sa perpektong daan; huwag hayaang ang mga pakikipagsabwatan ni Satanas na makapangyari. Ibuhos ang lahat ng iyong pagsisikap sa paglalagay ng iyong puso sa Aking harapan, at pagiginhawahin Kita at bibigyan ka ng kapayapaan at kaligayahan. Huwag magsikap na maging isang bagay sa harap ng ibang mga tao; hindi ba’t mas mahalaga at matimbang ang bigyan Ako ng kasiyahan? Sa pagbibigay ng kasiyahan sa Akin, hindi ka ba higit na magkakaroon ng walang-hanggan at panghabambuhay na kapayapaan at kaligayahan? Ang kasalukuyang pagdurusa mo ay indikasyon kung gaano kalaki ang iyong magiging mga pagpapala sa hinaharap; hindi kayang isalarawan ang mga ito. Hindi mo nalalaman kung gaano kalaki ang mga pagpapala na iyong makakamtan; hindi mo man lamang ito kayang pangarapin. Ngayon ang mga iyon ay nagkatotoo; talagang totoong-totoo! Hindi ito napakalayo—nakikita mo ba ito? Bawat huling himaymay nito ay nasa loob Ko; kay liwanag ng hinaharap! Pahirin ang iyong mga luha, at huwag nang masaktan o magdalamhati. Ang lahat ng bagay ay isinaayos ng Aking mga kamay, at ang Aking layunin ay ang gawin kayong mga mananagumpay at dalhin kayo sa kaluwalhatian kasama Ko. Dapat kang maging mapagpasalamat at puno ng papuri para sa lahat ng nangyayari sa iyo; iyan ay magbibigay sa Akin ng malaking kasiyahan.

—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Mga Pagbigkas ni Cristo sa Pasimula, Kabanata 10

Walang ugnayan sa pagitan ng isang naniniwalang esposo at ng hindi naniniwalang esposa, at walang ugnayan sa pagitan ng mga naniniwalang anak at mga di-naniniwalang magulang; ganap na hindi magkaayon ang dalawang uring ito ng mga tao. Bago pumasok sa pamamahinga, may pisikal na mga kamag-anak ang isang tao, ngunit sa sandaling pumasok sa pamamahinga ang isang tao, wala na siyang anumang pisikal na mga kamag-anak na masasabi. Yaong mga gumagawa ng kanilang tungkulin ay mga kaaway ng mga yaong hindi gumagawa ng kanilang tungkulin; yaong mga nagmamahal sa Diyos at yaong mga napopoot sa Kanya ay magkasalungat sa isa’t isa. Yaong mga papasok sa pamamahinga at yaong mga nawasak na ay dalawang di-magkaayong uri ng mga nilalang. Ang mga nilalang na tumutupad sa kanilang mga tungkulin ay magagawang makaligtas, habang yaong mga hindi tumutupad sa kanilang mga tungkulin ay magiging mga pakay ng pagkawasak; higit pa rito, magtatagal ito hanggang sa kawalang-hanggan. Minamahal mo ba ang iyong esposo upang matupad ang tungkulin mo bilang isang nilikhang nilalang? Minamahal mo ba ang iyong esposa upang tuparin ang tungkulin mo bilang isang nilikhang nilalang? Masunurin ka ba sa mga magulang mong hindi naniniwala upang tuparin ang tungkulin mo bilang isang nilikhang nilalang? Tama ba o mali ang pananaw ng tao hinggil sa paniniwala sa Diyos? Bakit ka naniniwala sa Diyos? Ano ang nais mong makamit? Paano mo minamahal ang Diyos? Yaong mga hindi makatupad sa kanilang mga tungkulin bilang mga nilikhang nilalang, at hindi makagawa ng sagarang pagsisikap, ay magiging mga pakay ng pagkawasak. May mga pisikal na ugnayang umiiral sa pagitan ng mga tao ng ngayon, gayundin ang mga pagkakaugnay sa dugo, ngunit sa hinaharap, babasagin ang lahat ng ito. Hindi magkatugma ang mga mananampalataya at ang mga di-mananampalataya; bagkus ay magkasalungat sila sa isa’t isa. Yaong mga nasa pamamahinga ay maniniwala na may Diyos at magpapasakop sa Diyos, samantalang yaong mga masuwayin sa Diyos ay pawang mawawasak. Hindi na iiral sa lupa ang mga pamilya; paano pa magkakaroon ng mga magulang o mga anak o mga ugnayan ng mag-asawa? Ang mismong hindi pagkakatugma ng paniniwala at kawalang-paniniwala ay lubos na papatid sa gayong mga pisikal na ugnayan!

—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Papasok sa Pahinga ang Diyos at ang Tao Nang Magkasama

Talababa:

a. Magbago ng isip: isang Chinese idiom na ang ibig sabihin ay “tumalikod sa masasamang gawi.”

Sinundan: 3. Kinikilala ko na ang ipinangangaral ng Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos ay ang tunay na daan, ngunit dahil ang mga tao sa ating simbahan ay nalinlang ng mga kasinungalingan at kamalian na ikinalat ng mga pastor at elder, lahat sila ay galit sa Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos. Nag-aalala ako na pagkatapos tanggapin ang gawain ng Makapangyarihang Diyos ng mga huling araw, tatanggihan ako at sisiraan ng aking mga kapatid mula sa aking dating simbahan. Napakababa ng aking tayog, at hindi ako ganoon katapang na harapin ang lahat ng ito—ano ang dapat kong gawin?

Sumunod: 1. Ang mga bagay-bagay ay pumanglaw nang pumanglaw sa aming simbahan sa nakaraang ilang taon. Ang mga kapatid ay nawawalan ng kanilang pananampalataya at ng kanilang pag-ibig, sila ay nagiging mas negatibo at mahina, at ang mga mangangaral ay naging tuyot sa espiritu; wala silang maipangaral. Nararamdaman naming lahat na nawala sa amin ang gawain ng Banal na Espiritu. Hinanap namin sa lahat ng dako ang isang simbahan na mayroong gawain ng Banal na Espiritu, ngunit ang bawat isa na nahahanap namin ay mapanglaw din kagaya ng kasunod. Bakit ang bawat denominasyon ay sinasalot ng naturang taggutom?

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

Tanong 10: Matagal na akong nagtatrabaho para sa United Front, at napag-aralan ko na ang iba’t ibang relihiyon. Ang Kristiyanismo, Katolisismo at Eastern Orthodoxy ay pawang mga relihiyong orthodox na nananalig kay Jesus. Pero ibang-iba ang pananalig n’yo sa Makapangyarihang Diyos. Ayon sa mga dokumento ng CCP, ang Makapangyarihang Diyos ay ni hindi kabilang ng Kristiyanismo. Nangangaral kayo ng ebanghelyo sa iba’t ibang sekta sa ilalim ng Kristiyanismo na hindi kayo kinikilalang Kristiyano. Kaya hinding-hindi ko kayo papayagang manalig sa Makapangyarihang Diyos. Maaari lang kayong manalig sa Kristiyanismo kung gusto nyo. Mas magaan ang pagpapahirap ng gobyerno sa ganitong paraan. Kung maaresto at mabilanggo kayo dahil sa pananalig sa Makapangyarihang Diyos, manganganib ang buhay n’yo. Nakita na ng CCP na lahat ng nananalig sa Makapangyarihang Diyos ay walang salang mga alagad ni Cristo sa mga huling araw na mga disipulo at apostol ni Cristo. Ang lubhang pinangangambahan ng CCP ay ang mga pahayag at patotoo sa aklat na Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao na ipinahayag ni Cristo sa mga huling araw, pati na ang matatag na grupong sumusunod kay Cristo sa mga huling araw. Napag-aralan na namin ang kasaysayan ng Kristiyanismo. Ang lubhang pinangambahan ng imperyong Romano ay ang mga disipulo at apostol ni Jesus. Kaya nang hulihin ang mga taong ito, pinagpapatay sila sa iba’t ibang pamamaraan. Ngayon, kung hindi ginawa ang mga hakbang na ito para supilin at lubos na ipagbawal ang grupong ito ng mga tao na sumusunod sa Cristo ng mga huling araw, ilang taon pa lang, mapapailalim sa kanila ang lahat ng iba’t ibang relihiyon. Sa ngayon, ang ilang pangunahing grupong Kristiyano sa China ay napailalim na ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos. Kung hindi inimbento ng CCP ang ilang opinyon ng publiko at nagpakana ng Kaso sa Zhaoyuan, darating siguro ang araw na mapapailalim ang iba’t ibang relihiyon sa mundo sa Iglesia ng Makapangyarihang Diyos. Kapag napailalim sa Iglesia ng Makapangyarihang Diyos ang lahat ng iba’t ibang relihiyon, lubhang makakasama ’yan sa pamamahala ng CCP. Sa gayon, matatag ang determinasyon ng Central Committee na gamitin ang lahat ng puwersa para lubos na ipagbawal ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos sa loob ng maikling panahon. Dapat n’yong malaman, ang paglitaw ng Kidlat ng Silanganan ay hindi lamang nabalita sa China, malaking balita rin ito sa mundo. Dahil gumawa kayo ng napakalaking hakbang, paanong hindi galit na maglulunsad ng malakihang pagsupil at pag-aresto ang CCP laban sa inyo? Kung kailangan n’yong maniwala sa Diyos, maaari lang kayong manalig sa Kristiyanismo. Talagang bawal kayong manalig sa Makapangyarihang Diyos. Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos ay hindi kabilang ng Kristiyanismo, hindi n’yo ba alam ’yan?

Sagot: Kasasabi n’yo lang ng mismong dahilan kaya sinusupil ng CCP ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos. Pero hindi ba n’yo alam kung...

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito