2. Bagaman Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos ay sinalanta ng labis na pagtutol at pagkondena ng CCP at ng relihiyosong komunidad sa mga nagdaang taon, nakikita ko na ang iglesia ay nakagagawa ng parami nang paraming mga online na pelikula at video na nagpapatotoo sa Diyos. Ang nilalaman ng mga pelikulang ito at video ay patuloy na lumalago, at nagiging mas higit na mahusay ang pagkakagawa ng mga ito. Ang mga katotohanan na ibinabahagi ng mga produksyon na ito ay kamangha-manghang nakakapagbigay-liwanag sa mga tao. Ang buong relihiyosong pamayanan ay hindi nakagawa ng mga pelikulang nagpapatotoo sa gawain ng Diyos sa mga nagdaang taon na maikukumpara sa ganda nito. Ngayon ay parami nang parami ang mga tao na tunay na naniniwala sa Diyos mula sa lahat ng mga relihiyon at denominasyon ang sumapi sa Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos. Bakit umuunlad ang Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos, habang ang buong relihiyosong pamayanan ay napakapanglaw?

Mga Talata ng Biblia para Sanggunian:

“At Akin namang pinigil ang ulan sa inyo, nang tatlong buwan na lamang at pag-aani na; at Aking pinaulan sa isang bayan, at hindi Ko pinaulan sa kabilang bayan: isang bahagi ay inulanan, at ang bahagi na hindi inulanan ay natuyo. Sa gayo’y dalawa o tatlong bayan ay nagsigala sa isang bayan upang magsiinom ng tubig, at hindi nangapawi ang uhaw: gayon ma’y hindi kayo nanganumbalik sa Akin, sabi ni Jehova” (Amos 4:7–8).

“Narito, ang mga araw ay dumarating, sabi ng Panginoong si Jehova, na Ako’y magpapasapit ng taggutom sa lupain, hindi taggutom sa tinapay, o kauhawan man sa tubig, kundi sa pagkarinig ng mga salita ni Jehova” (Amos 8:11).

Nauugnay na mga Salita ng Diyos:

Walang sinuman ang may pananampalataya na makikita nila ang Aking kaluwalhatian, at hindi Ko sila pinipilit, kundi sa halip ay inaalis Ko ang Aking kaluwalhatian mula sa sangkatauhan at dinadala ito sa ibang mundo. Kapag muling nagsisi ang mga tao, kukunin Ko ang Aking kaluwalhatian at mas ipapakita ito sa mga may pananampalataya. Ito ang prinsipyong batayan ng Aking paggawa. Sapagkat may isang panahon na iniiwan ng Aking kaluwalhatian ang Canaan, at may isang panahon din na iniiwan ng Aking kaluwalhatian ang mga taong hinirang. Bukod pa rito, may isang panahon na iniiwan ng Aking kaluwalhatian ang buong mundo, kaya kumukulimlim ito at lumulubog sa kadiliman. Kahit ang lupain ng Canaan ay hindi makikita ang sikat ng araw; lahat ng tao ay mawawalan ng pananampalataya, ngunit walang makakatiis na iwan ang halimuyak ng lupain ng Canaan. Tanging kapag nakapasok na Ako sa bagong langit at lupa ay saka Ko kukunin ang isa pang bahagi ng Aking kaluwalhatian at una itong ibubunyag sa lupain ng Canaan, na magsasanhi ng pagkislap ng liwanag na sisikat sa buong mundo na napakadilim. Ito ay upang lumapit sa liwanag ang buong mundo. Ito ay upang makinabang ang mga tao sa buong mundo mula sa kapangyarihan ng liwanag, nagbibigay-daan para lalo pang lumago ang Aking kaluwalhatian at muling magpakita sa bawat bansa, at upang maaaring matanto ng buong sangkatauhan na matagal na Akong naparito sa mundo ng mga tao at matagal Ko nang dinala ang Aking kaluwalhatian mula sa Israel patungong Silangan, sapagkat ang Aking kaluwalhatian ay sumisikat mula sa Silangan at ito ay dinala mula sa Kapanahunan ng Biyaya hanggang sa kasalukuyang panahon. Ngunit sa Israel Ako lumisan at mula roon ay dumating Ako sa Silangan. Kapag unti-unti nang pumuputi ang liwanag sa Silangan ay saka lamang magsisimulang magliwanag ang kadiliman sa buong mundo, at saka lamang matutuklasan ng tao na matagal Ko nang nilisan ang Israel at muli Akong bumabangon sa Silangan. Hindi maaaring mangyari na Ako, na minsan nang bumaba sa Israel at pagkatapos ay umalis mula roon, ay muling ipapanganak sa Israel, dahil namumuno ang Aking gawain sa buong sansinukob at, bukod pa rito, ang kidlat ay nagmumula sa Silangan at kumikislap hanggang sa Kanluran. Dahil dito ay bumaba na Ako sa Silangan at dinala Ko ang Canaan sa Aking hinirang na mga tao sa Silangan. Dadalhin Ko ang Aking hinirang na mga tao mula sa buong mundo patungo sa lupain ng Canaan, at kaya patuloy Akong bumibigkas ng mga salita sa lupain ng Canaan upang kontrolin ang buong sansinukob. Sa pagkakataong ito, walang liwanag sa buong mundo. Maliban sa mga nasa Canaan, ang lahat ng tao ay nasa panganib dahil sa gutom at ginaw. Ibinigay Ko ang Aking kaluwalhatian sa Israel at pagkatapos ay kinuha Ko ito, sa paraang ito ay dinadala ang mga Israelita sa Silangan, at dinadala rin ang lahat ng tao sa Silangan, dinadala silang lahat sa liwanag para muli nila itong makasama, at makaugnay ito, at hindi na sila maghanap pa. Pahihintulutan Ko ang lahat ng naghahanap na makitang muli ang liwanag, makita ang kaluwalhatiang tinaglay Ko sa Israel, makita na matagal na Akong bumaba sakay ng puting ulap sa gitna ng sangkatauhan, at makita ang hindi mabilang na mga puting ulap at kumpol-kumpol na saganang bunga. Higit pa rito, gagawin Kong posible na makita nila ang Diyos na si Jehova ng Israel, makita ang “Guro” ng mga Hudyo, makita ang pinakahihintay na Mesiyas, at makita ang buong anyo Ko, Siya na inusig ng mga hari sa lahat ng kapanahunan. Gagawa Ako sa buong sansinukob at magsasagawa Ako ng dakilang gawain, ibinubunyag ang Aking buong kaluwalhatian at ang lahat ng Aking gawa sa tao sa mga huling araw, at ibinubunyag ang Aking buong maluwalhating mukha sa mga naghintay nang maraming taon para sa Akin, sa mga nanabik na pumarito Ako sakay ng puting ulap, sa Israel na nanabik na muli Akong magpakita, at sa buong sangkatauhan na umuusig sa Akin, para malaman ng lahat na matagal ko nang kinuha ang Aking kaluwalhatian at dinala ito sa Silangan, at na wala na ito sa Judea, sapagkat sumapit na ang mga huling araw!

—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Dumadagundong ang Pitong Kulog—Nagpopropesiya na ang Ebanghelyo ng Kaharian ay Lalaganap sa Buong Sansinukob

Ganap na itinuon ng Diyos ang gawain Niya sa sansinukob sa grupong ito ng mga tao. Isinakripisyo na Niya ang lahat ng dugo sa Kanyang puso para sa inyo; binawi at ibinigay na Niya sa inyo ang buong gawain ng Espiritu sa sansinukob. Ito ang dahilan kung bakit kayo ang mapapalad. Bukod pa rito, inilipat na Niya ang Kanyang kaluwalhatian mula sa Israel, ang mga taong Kanyang hinirang, sa inyo, at lubos Niyang ipamamalas ang layunin ng Kanyang plano sa pamamagitan ng grupong ito. Samakatwid, kayo ang mga tatanggap ng pamana ng Diyos, at higit pa rito, kayo ang mga tagapagmana ng kaluwalhatian ng Diyos.

—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Simple ba ang Gawain ng Diyos na Tulad ng Inaakala ng Tao?

Gagawin ng Diyos ang katotohanang ito: Gagawin Niyang pumunta sa harapan Niya ang lahat ng mga tao sa buong sansinukob at sambahin ang Diyos sa lupa, at titigil ang gawain Niya sa ibang mga lugar, at mapipilitan ang mga tao na hangarin ang tunay na daan. Magiging katulad ito ni Jose: Lumapit ang lahat sa kanya para sa pagkain, at yumukod pababa sa kanya, sapagkat mayroon siyang mga bagay na makakain. Upang maiwasan ang taggutom, mapipilitan ang mga tao na hangarin ang tunay na daan. Magdurusa ng matinding taggutom ang buong relihiyosong pamayanan, at tanging ang Diyos ng ngayon ang bukal ng buhay na tubig, na nagtataglay ng walang-hanggang umaagos na bukal na inilaan para sa pagtatamasa ng tao, at darating ang mga tao at aasa sa Kanya. Iyon ang oras kung kailan mabubunyag ang mga gawa ng Diyos at kung kailan magtatamo ng kaluwalhatian ang Diyos; sasamba sa hindi kapansin-pansing “taong” ito ang lahat ng mga tao sa buong sansinukob. Hindi ba ito ang magiging araw ng luwalhati ng Diyos? Isang araw, magpapadala ng mga telegrama ang mga matatandang pastor na naghahangad ng tubig mula sa bukal ng buhay na tubig. Matatanda na sila, subalit darating pa rin sila upang sumamba sa taong ito, na minaliit nila. Kikilalanin nila Siya sa mga bibig nila at magtitiwala sa Kanya sa mga puso nila—hindi ba ito isang tanda at isang kababalaghan?

—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Dumating Na ang Milenyong Kaharian

Ang pinakamahalaga sa pagsunod sa Diyos ay na dapat alinsunod ang lahat sa mga pinakabagong salita ng Diyos: Maging ikaw man ay naghahangad ng buhay pagpasok o na tugunan ang mga layunin ng Diyos, ang lahat ay dapat nakasentro sa mga pinakabagong salita ng Diyos. Kung ang iyong ibinabahagi at hinahangad na pasukin ay hindi nakasentro sa mga pinakabagong salita ng Diyos, isa kang estranghero sa mga salita ng Diyos, at ganap na walang gawain ng Banal na Espiritu. Ang gusto ng Diyos ay ang mga taong sumusunod sa Kanyang mga yapak. Gaano man kahanga-hanga at kadalisay ang naunawaan mo noon, hindi ito gusto ng Diyos, at kung hindi mo magagawang isantabi ang gayong mga bagay, ang mga ito ay magiging napakalaking hadlang sa iyong pagpasok sa hinaharap. Lahat niyaong nagagawang sumunod sa kasalukuyang liwanag ng Banal na Espiritu ay mga pinagpala. Sinundan din ng mga tao sa mga kapanahunang lumipas ang mga yapak ng Diyos, ngunit hindi sila nakasunod hanggang sa kasalukuyan; ito ang pagpapala ng mga tao sa mga huling araw. Yaong mga nagagawang sumunod sa kasalukuyang gawain ng Banal na Espiritu, at nagagawang sumunod sa mga yapak ng Diyos, na sumusunod sa Diyos saanman Niya sila akayin—ito ang mga tao na pinagpala ng Diyos. Yaong mga hindi sumusunod sa kasalukuyang gawain ng Banal na Espiritu ay hindi pa nakapasok sa gawain ng mga salita ng Diyos, at gaano man sila gumawa, o gaano man katindi ang kanilang pagdurusa, o gaano man sila magparoo’t parito, walang anuman dito ang may kabuluhan sa Diyos, at hindi Niya sila sasang-ayunan. Sa ngayon, lahat ng sumusunod sa pinakabagong mga salita ng Diyos ay nasa daloy ng Banal na Espiritu; yaong mga estranghero sa mga pinakabagong salita ng Diyos ay nasa labas ng daloy ng Banal na Espiritu, at ang gayong mga tao ay hindi sinasang-ayunan ng Diyos. Ang paglilingkod na hiwalay sa pinakabagong mga pagbigkas ng Banal na Espiritu ay paglilingkod na mula sa laman, at mula sa mga kuru-kuro, at imposible itong maging alinsunod sa mga layunin ng Diyos. Kung ang mga tao ay nabubuhay sa gitna ng mga relihiyosong kuru-kuro, wala silang magagawang anuman na ayon sa mga layunin ng Diyos, at bagama’t naglilingkod sila sa Diyos, naglilingkod sila sa kalagitnaan ng kanilang mga guni-guni at mga kuru-kuro, at ganap na walang kakayahan na maglingkod alinsunod sa mga layunin ng Diyos. Hindi nauunawaan niyaong mga hindi nagagawang sundan ang gawain ng Banal na Espiritu ang mga layunin ng Diyos, at yaong mga hindi nakauunawa sa mga layunin ng Diyos ay hindi maaaring maglingkod sa Diyos. Nais ng Diyos ang paglilingkod na naaayon sa Kanyang mga layunin; ayaw Niya sa paglilingkod na mula sa mga kuru-kuro at sa laman. Kung walang kakayahan ang mga tao na sundan ang mga hakbang ng gawain ng Banal na Espiritu, sila ay nabubuhay sa gitna ng mga kuru-kuro. Ang paglilingkod ng gayong mga tao ay nakakagambala at nakakagulo, at ang gayong paglilingkod ay sumasalungat sa Diyos. Kaya yaong mga hindi nagagawang sundan ang mga yapak ng Diyos ay walang kakayahan na maglingkod sa Diyos; yaong hindi magawang sundan ang mga yapak ng Diyos ay tiyak na tiyak na kinakalaban ang Diyos, at mga walang kakayahan na maging kaayon ng Diyos. Ang “pagsunod sa gawain ng Banal na Espiritu” ay nangangahulugan ng pagkaunawa sa mga kasalukuyang layunin ng Diyos, ang magawang kumilos alinsunod sa kasalukuyang mga hinihingi ng Diyos, ang magawang magpasakop at sundan ang Diyos sa kasalukuyan, at ang pagpasok alinsunod sa pinakabagong mga pagbigkas ng Diyos. Tanging ito ang isang tao na sumusunod sa gawain ng Banal na Espiritu at nasa daloy ng Banal na Espiritu. Ang gayong mga tao ay hindi lamang may kapabilidad na matanggap ang pagsang-ayon ng Diyos at makita ang Diyos, kundi malalaman din nila ang disposisyon ng Diyos mula sa pinakabagong gawain ng Diyos, at malalaman din ang mga kuru-kuro at pagrerebelde ng tao, at kalikasan at diwa ng tao, mula sa Kanyang pinakabagong gawain; bukod dito, nagagawa nilang unti-unting matamo ang mga pagbabago sa kanilang disposisyon sa panahon ng kanilang paglilingkod. Ang mga tao lamang na kagaya nito ang nagagawang kamtin ang Diyos, at tunay na nakasumpong na sa tunay na daan. Ang mga taong itinitiwalag ng gawain ng Banal na Espiritu ay mga tao na walang kakayahan na sundan ang pinakabagong gawain ng Diyos, at mga naghihimagsik laban sa pinakabagong gawain ng Diyos. Ang gayong mga tao ay hayagang kinakalaban ang Diyos sapagkat ang Diyos ay gumawa ng bagong gawain, at sapagkat ang imahe ng Diyos ay hindi kagaya ng nasa sa kanilang mga kuru-kuro—bilang resulta nito, hayagan nilang kinakalaban ang Diyos at hinuhusgahan ang Diyos, na humahantong na sila ay itaboy ng Diyos. Ang pagtataglay ng kaalaman tungkol sa pinakabagong gawain ng Diyos ay hindi madaling bagay, ngunit kung gusto ng mga tao na magpasakop sa gawain ng Diyos at hangarin ang gawain ng Diyos, magkakaroon sila ng pagkakataon na makita ang Diyos, at magkakaroon ng pagkakataon na kamtin ang pinakabagong paggabay ng Banal na Espiritu. Yaong mga sinasadyang kalabanin ang gawain ng Diyos ay hindi makakatanggap ng kaliwanagan ng Banal na Espiritu o ng paggabay ng Diyos. Kaya, kung matatanggap man o hindi ng mga tao ang pinakabagong gawain ng Diyos ay nakasalalay sa biyaya ng Diyos, nakasalalay ito sa kanilang paghahangad, at nakasalalay ito sa kanilang mga layunin.

Lahat ng kayang magpasakop sa mga pinakabagong pagbigkas ng Banal na Espiritu ay mga pinagpala. Hindi mahalaga kung paano man sila dati, o kung paano gumawa ang Banal na Espiritu sa loob nila dati—yaong mga nagkamit na ng pinakabagong gawain ng Diyos ang mga pinakapinagpala, at yaong hindi nakasusunod sa pinakabagong gawain sa kasalukuyan ay itinitiwalag. Nais ng Diyos yaong kayang tanggapin ang bagong liwanag, at nais Niya yaong tumatanggap at nakakaalam sa Kanyang pinakabagong gawain. Bakit sinasabi na dapat kang maging isang malinis na birhen? Nagagawa ng isang malinis na birhen na hangarin ang gawain ng Banal na Espiritu at maunawaan ang mga bagong bagay, at higit pa rito, nagagawang isantabi ang mga dating kuru-kuro, at magpasakop sa gawain ng Diyos sa kasalukuyan. Ang grupong ito ng mga tao, na tumatanggap sa pinakabagong gawain sa kasalukuyan, ay mga paunang itinadhana ng Diyos bago pa ang mga kapanahunan, at ang mga pinakapinagpala sa lahat ng tao. Naririnig ninyo nang tuwiran ang tinig ng Diyos, at nakikita ang pagpapakita ng Diyos, at kaya, sa kabuuan ng langit at lupa, at sa kabuuan ng mga kapanahunan, walang sinuman ang naging mas pinagpala kaysa sa inyo, ang grupong ito ng mga tao.

—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Alamin ang Pinakabagong Gawain ng Diyos at Sumunod sa Kanyang mga Yapak

Sa kabuuan ng lahat ng gawain ng Diyos, kung ang tao ay laging sumunod sa kautusan ni Jehova, kung gayon ang gawain ng Diyos ay hindi makakasulong, lalong hindi magiging posible na dalhin ang buong kapanahunan sa katapusan. Kung ang tao ay palaging nakahawak lamang sa krus at nagsagawa ng pagtitiis at pagpapakumbaba, kung gayon magiging imposible para sa gawain ng Diyos na magpatuloy sa pagsulong. Ang anim na libong taon ng pamamahala ay hindi basta-basta matatapos sa gitna ng mga taong sumusunod lamang sa kautusan, o kumakapit lamang sa krus at nagsasagawa ng pagtitiis at pagpapakumbaba. Sa halip, ang buong gawain ng pamamahala ng Diyos ay natatapos sa gitna niyaong nasa mga huling araw, na nakakakilala sa Diyos, na nabawi na mula sa mga kamay ni Satanas at lubusang naalis na ang kanilang mga sarili mula sa impluwensya ni Satanas. Ito ang hindi maiiwasang patutunguhan ng gawain ng Diyos. Bakit sinasabi na lipas na sa panahon ang mga pagsasagawa ng mga nasa relihiyosong iglesia? Ito ay dahil ang kanilang isinasagawa ay hiwalay mula sa mga gawain ngayon. Sa Kapanahunan ng Biyaya, ang kanilang isinasagawa ay tama, ngunit habang lumilipas ang kapanahunan at nagbabago ang gawain ng Diyos, ang mga pagsasagawa nila ay unti-unti na ring nilipasan ng panahon. Ito ay naiwan na ng bagong gawain at ng bagong liwanag. Batay sa orihinal nitong saligan, ang gawain ng Banal na Espiritu ay nakasulong na ng maraming hakbang na palalim. Ngunit ang mga taong yaon ay nananatili pa ring nakadikit sa orihinal na yugto ng gawain ng Diyos, at kumakapit pa rin sa mga lumang pagsasagawa at sa lumang liwanag. Maaaring magbago nang malaki ang gawain ng Diyos sa paglipas ng tatlo o limang taon, kaya hindi ba’t mas malaki pang mga pagbabago ang mangyayari sa loob ng 2,000 taon? Kung ang tao ay walang bagong liwanag o pagsasagawa, ito ay nangangahulugang siya ay hindi na nakasabay sa gawain ng Banal na Espiritu. Ito ang pagkabigo ng tao; ang pag-iral ng bagong gawain ng Diyos ay hindi maipagkakaila dahil, ngayon, ang mga dati nang nakaranas ng gawain ng Banal na Espiritu ay sumusunod pa rin sa mga lumang pagsasagawa. Ang gawain ng Banal na Espiritu ay laging sumusulong, at ang lahat ng nasa daloy ng Banal na Espiritu ay nararapat ding sumusulong palalim at nagbabago baitang-baitang. Hindi sila dapat tumigil sa isang yugto. Tanging ang mga hindi nakakaalam sa gawain ng Banal na Espiritu ang mananatili sa loob ng Kanyang orihinal na gawain, at hindi tatanggapin ang bagong gawain ng Banal na Espiritu. Tanging ang mga mapaghimagsik ang hindi magagawang makamit ang gawain ng Banal na Espiritu. Kung ang pagsasagawa ng tao ay hindi sumasabay sa bagong gawain ng Banal na Espiritu, ang pagsasagawa ng tao ay tiyak na napuputol mula sa gawain ngayon at tiyak na hindi kaayon ng gawain ngayon. Ang gayong mga taong lipas na sa panahon ay talagang walang kakayahang isakatuparan ang kalooban ng Diyos, at lalo nang hindi sila maaaring maging mga tao na maninindigan sa patotoo sa Diyos sa huli. Ang buong gawaing pamamahala, higit pa rito, ay hindi matatapos sa ganoong grupo ng mga tao. Sapagkat yaong mga dating kumapit sa kautusan ni Jehova, at yaong mga minsang nagdusa dahil sa krus, kung hindi nila matatanggap ang yugto ng gawain ng mga huling araw, kung gayon ang lahat ng kanilang ginawa ay mawawalan ng saysay, at walang kabuluhan. Ang pinakamalinaw na pagpapahayag ng gawain ng Banal na Espiritu ay nasa pagyakap sa naririto ngayon, hindi pagkapit sa nakaraan. Yaong mga hindi na nakasabay sa gawain ng ngayon, at silang mga napahiwalay na mula sa pagsasagawa ng ngayon, ay yaong mga lumalaban at hindi tumatanggap sa gawain ng Banal na Espiritu. Ang mga taong iyon ay lumalaban sa kasalukuyang gawain ng Diyos. Bagama’t kumakapit sila sa liwanag ng nakaraan, hindi maitatanggi na hindi nila alam ang gawain ng Banal na Espiritu. Bakit mayroong mga usapan tungkol sa mga pagbabago sa pagsasagawa ng tao, sa mga pagkakaiba sa pagsasagawa sa pagitan ng nakalipas at ngayon, kung paanong ang pagsasagawa ay isinakatuparan sa nakaraang kapanahunan, at kung paano ito isinasagawa ngayon? Ang ganoong paghahati-hati sa pagsasagawa ng tao ay laging tinatalakay dahil ang gawain ng Banal na Espiritu ay patuloy na sumusulong, at sa gayon, ang pagsasagawa ng tao ay kailangan ding patuloy na magbago. Kung ang tao ay nananatiling nakakapit sa isang yugto, kung gayon ito ay nagpapatunay na wala siyang kakayahan sa pagsabay sa bagong gawain ng Diyos at bagong liwanag; hindi ito nagpapatunay na ang plano ng pamamahala ng Diyos ay hindi na nagbago. Yaong mga nasa labas ng daloy ng Banal na Espiritu ay laging nag-iisip na sila ay tama, ngunit sa katunayan, ang gawain ng Diyos sa kanila ay matagal nang tumigil, at ang gawain ng Banal na Espiritu ay wala sa kanila. Ang gawain ng Diyos ay matagal nang inilipat sa isa pang grupo ng mga tao, isang grupo kung kanino Niya hinahangad na kompletuhin ang Kanyang bagong gawain. Dahil yaong mga nasa relihiyon ay walang kakayahang tanggapin ang bagong gawain ng Diyos, at kumakapit lamang sa lumang gawain ng nakaraan, kaya’t tinalikuran na Niya ang mga taong ito, at ginagawa ang Kanyang bagong gawain sa mga taong tumatanggap sa bagong gawaing ito. Ang mga ito ay mga tao na nakikipagtulungan sa bago Niyang gawain, at tanging sa paraang ito matutupad ang Kanyang pamamahala. Ang pamamahala ng Diyos ay palaging sumusulong, at ang pagsasagawa ng tao ay palaging umaakyat pataas. Gumagawa lagi ang Diyos, at laging nangangailangan ang tao, sa gayon kapwa nila nararating ang kanilang tugatog at ang Diyos at ang tao ay nakakamit ang ganap na pagsasanib. Ito ang pagpapahayag ng katuparan ng gawain ng Diyos, at ito ang pangwakas na kinalabasan ng buong pamamahala ng Diyos.

—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Gawain ng Diyos at ang Pagsasagawa ng Tao

Sa bawat yugto ng gawain ng Diyos mayroon ding katumbas na mga kinakailangan sa tao. Lahat niyaong nasa loob ng agos ng Banal na Espiritu ay nagtataglay ng presensiya at disiplina ng Banal na Espiritu, at yaong mga wala sa loob ng agos ng Banal na Espiritu ay nasa ilalim ng pamumuno ni Satanas, at walang anumang gawain ng Banal na Espiritu. Ang mga tao na nasa agos ng Banal na Espiritu ay yaong mga tumatanggap sa bagong gawain ng Diyos, at nakikipagtulungan sa bagong gawain ng Diyos. Kung yaong mga nasa loob ng agos na ito ay walang kakayahang makipagtulungan, at walang kakayahang isagawa ang katotohanan na kinakailangan ng Diyos sa panahong ito, kung gayon sila ay didisiplinahin, at ang pinakamalala ay tatalikuran ng Banal na Espiritu. Yaong mga tumatanggap sa bagong gawain ng Banal na Espiritu, ay mamumuhay sa loob ng agos ng Banal na Espiritu, at tatanggapin nila ang pangangalaga at proteksiyon ng Banal na Espiritu. Yaong mga handang isagawa ang katotohanan ay nililiwanagan ng Banal na Espiritu, at yaong mga hindi handa na isagawa ang katotohanan ay dinidisiplina ng Banal na Espiritu, at maaari pang maparusahan. Hindi alintana kung anong uri ng tao sila, basta’t sila ay nasa loob ng agos ng Banal na Espiritu, pananagutan ng Diyos ang lahat ng tumatanggap sa bagong gawain Niya para sa kapakanan ng Kanyang pangalan. Ang mga lumuluwalhati sa Kanyang pangalan at handang isagawa ang mga salita Niya ay makakatanggap ng Kanyang mga pagpapala; ang mga naghihimagsik laban sa Kanya at hindi nagsasagawa ng Kanyang mga salita ay makakatanggap ng Kanyang kaparusahan. Ang mga tao na nasa agos ng Banal na Espiritu ay ang mga tumatanggap sa bagong gawain, at yamang natanggap na nila ang bagong gawain, sila ay nararapat na angkop na makipagtulungan sa Diyos, at hindi dapat kumilos na parang mga suwail na hindi ginagampanan ang kanilang tungkulin. Ito ang tanging kinakailangan ng Diyos sa tao. Hindi ganoon para sa mga taong hindi tumatanggap sa bagong gawain: Sila ay nasa labas ng agos ng Banal na Espiritu, at ang disiplina at paninisi ng Banal na Espiritu ay hindi para sa kanila. Buong araw, ang mga taong ito ay namumuhay sa loob ng laman, sila ay namumuhay sa loob ng kanilang mga isipan, at ang lahat ng ginagawa nila ay ayon sa doktrinang bunga ng paghihimay at pananaliksik ng kanilang sariling mga utak. Hindi ito ang hinihingi ng bagong gawain ng Banal na Espiritu, at lalong hindi ito pakikipagtulungan sa Diyos. Yaong mga hindi tumatanggap sa bagong gawain ng Diyos ay walang presensiya ng Diyos, at, higit sa lahat, salat sa mga pagpapala at proteksiyon ng Diyos. Ang karamihan sa kanilang mga salita at mga pagkilos ay sumusunod sa mga nakalipas na mga kinakailangan ng gawain ng Banal na Espiritu; ang mga ito ay doktrina, hindi katotohanan. Ang gayong doktrina at patakaran ay sapat na upang patunayan na ang pagtitipon ng mga taong ito ay walang iba kundi relihiyon; hindi sila ang mga hinirang, o ang mga pinag-uukulan ng gawain ng Diyos. Ang pagtitipon nilang lahat na magkakasama ay matatawag lamang na maringal na kongreso ng relihiyon, at hindi matatawag na iglesia. Ito ay isang katunayan na hindi mababago. Wala sa kanila ang bagong gawain ng Banal na Espiritu; ang kanilang ginagawa ay tila samyo-ng-relihiyon, ang kanilang isinasabuhay ay tila sagana sa relihiyon; hindi sila nagtataglay ng presensiya at gawain ng Banal na Espiritu, lalo nang hindi sila karapat-dapat na tumanggap ng disiplina o kaliwanagan ng Banal na Espiritu. Lahat ng taong ito ay mga walang-buhay na bangkay, at mga uod na walang pagka-espirituwal. Wala silang kaalaman sa paghihimagsik at paglaban ng tao, walang kaalaman sa lahat ng masasamang gawa ng tao, lalong wala silang kaalaman sa lahat ng gawain ng Diyos at kasalukuyang mga layunin ng Diyos. Lahat sila ay walang alam, mabababang-uring tao, at sila ay mga hamak na hindi nararapat tawaging mananampalataya! Wala sa kanilang mga ginagawa ang may kinalaman sa pamamahala ng Diyos, lalong hindi nito masisira ang mga plano ng Diyos. Ang mga salita at pagkilos nila ay masyadong nakasusuklam, nakakaawa, at talagang hindi karapat-dapat banggitin. Wala sa anumang ginawa niyaong mga wala sa daloy ng Banal na Espiritu ang may anumang kinalaman sa bagong gawain ng Banal na Espiritu. Dahil dito, kahit na ano ang kanilang gawin, sila ay walang disiplina ng Banal na Espiritu, at, higit sa lahat, walang kaliwanagan ng Banal na Espiritu. Dahil lahat sila ay mga taong walang pag-ibig para sa katotohanan, at sila ay tinaboy na ng Banal na Espiritu. Sila ay tinatawag na mga taong gumagawa ng masama dahil sila ay lumalakad sa laman at ginagawa kung ano ang kanilang nais sa ilalim ng karatula ng Diyos. Habang gumagawa ang Diyos, sila ay sadyang mapanlaban sa Kanya, at tumatakbo sa salungat na direksyon sa Kanya. Ang hindi pakikipagtulungan ng tao sa Diyos ay sukdulang mapanghimagsik sa ganang sarili, kaya’t hindi ba ang mga taong sadyang sumasalungat sa Diyos ay partikular na tatanggap ng nararapat na kaparusahan?

—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Gawain ng Diyos at ang Pagsasagawa ng Tao

Sinundan: 1. Ang mga bagay-bagay ay pumanglaw nang pumanglaw sa aming simbahan sa nakaraang ilang taon. Ang mga kapatid ay nawawalan ng kanilang pananampalataya at ng kanilang pag-ibig, sila ay nagiging mas negatibo at mahina, at ang mga mangangaral ay naging tuyot sa espiritu; wala silang maipangaral. Nararamdaman naming lahat na nawala sa amin ang gawain ng Banal na Espiritu. Hinanap namin sa lahat ng dako ang isang simbahan na mayroong gawain ng Banal na Espiritu, ngunit ang bawat isa na nahahanap namin ay mapanglaw din kagaya ng kasunod. Bakit ang bawat denominasyon ay sinasalot ng naturang taggutom?

Sumunod: 1. Sa loob ng dalawang libong taon, naniwala na ang buong relihiyosong komunidad sa Trinidad: ang Banal na Ama, ang Banal na Anak, at ang Banal na Espiritu. Ang Trinidad ay isa sa mga pangunahing ideolohiya ng buong Kristiyanismo, kaya bakit mo sinasabi na ang Trinidad ang pinakamalaking kamalian ng relihiyosong mundo, at na ang Trinidad ay hindi talaga umiiral?

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos Ukol sa Pagkakilala sa Diyos Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw Paglalantad sa mga Anticristo Ang mga Responsabilidad ng mga Lider at Manggagawa Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan Ang Paghatol ay Nagsisimula sa Tahanan ng Diyos Mahahalagang Salita Mula sa Makapangyarihang Diyos, ang Cristo ng mga Huling Araw Araw-araw na mga Salita ng Diyos Ang Mga Katotohanang Realidad na Dapat Pasukin ng mga Mananampalataya sa Diyos Sundan ang Kordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin Mga Gabay para sa Pagpapalaganap ng Ebanghelyo ng Kaharian Naririnig ng mga Tupa ng Diyos ang Tinig ng Diyos Makinig sa Tinig ng Diyos  Masdan ang Pagpapakita ng Diyos Mahahalagang Tanong at Sagot tungkol sa Ebanghelyo ng Kaharian Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume I) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume II) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume III) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume IV) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume V) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VI) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VII) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VIII) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume IX) Paano Ako Bumalik sa Makapangyarihang Diyos

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito