2. Ang iba’t ibang mga relihiyosong denominasyon ngayon ay lumilitaw na masigasig na sumusunod sa seremonyang panrelihiyon, ngunit ang mga pastor ay nakatuon lamang sa pangangaral ng mga salita at parirala mula sa Biblia at mga teolohikal na teorya, at ang pagbibigay-liwanag at pagtanglaw ng Banal na Espiritu ay ganap na wala. Ang buhay ng mga mananampalataya ay ganap na hindi natutustusan. Naniwala sila sa Panginoon sa loob ng maraming taon ngunit mangmang sa katotohanan at walang kakayahang isagawa ang mga salita ng Panginoon. Ang kanilang pananampalataya sa Panginoon ay naging walang iba kundi isang paniniwala sa relihiyon. Hindi ko maintindihan kung bakit ang mga simbahan ngayon ay bumaba sa pagiging relihiyon.

Nauugnay na mga Salita ng Diyos:

Sa bawat yugto ng gawain ng Diyos mayroon ding katumbas na mga kinakailangan sa tao. Lahat niyaong nasa loob ng agos ng Banal na Espiritu ay nagtataglay ng presensiya at disiplina ng Banal na Espiritu, at yaong mga wala sa loob ng agos ng Banal na Espiritu ay nasa ilalim ng pamumuno ni Satanas, at walang anumang gawain ng Banal na Espiritu. Ang mga tao na nasa agos ng Banal na Espiritu ay yaong mga tumatanggap sa bagong gawain ng Diyos, at nakikipagtulungan sa bagong gawain ng Diyos. Kung yaong mga nasa loob ng agos na ito ay walang kakayahang makipagtulungan, at walang kakayahang isagawa ang katotohanan na kinakailangan ng Diyos sa panahong ito, kung gayon sila ay didisiplinahin, at ang pinakamalala ay tatalikuran ng Banal na Espiritu. Yaong mga tumatanggap sa bagong gawain ng Banal na Espiritu, ay mamumuhay sa loob ng agos ng Banal na Espiritu, at tatanggapin nila ang pangangalaga at pag-iingat ng Banal na Espiritu. Yaong mga handang isagawa ang katotohanan ay nililiwanagan ng Banal na Espiritu, at yaong mga hindi handa na isagawa ang katotohanan ay dinidisiplina ng Banal na Espiritu, at maaari pang maparusahan. Hindi alintana kung anong uri ng tao sila, basta’t sila ay nasa loob ng agos ng Banal na Espiritu, pananagutan ng Diyos ang lahat ng tumatanggap sa bagong gawain Niya para sa kapakanan ng Kanyang pangalan. Ang mga lumuluwalhati sa Kanyang pangalan at handang isagawa ang mga salita Niya ay makakatanggap ng Kanyang mga pagpapala; ang mga hindi sumusunod sa Kanya at hindi nagsasagawa ng Kanyang mga salita ay makakatanggap ng Kanyang kaparusahan. Ang mga tao na nasa agos ng Banal na Espiritu ay ang mga tumatanggap sa bagong gawain, at yamang natanggap na nila ang bagong gawain, sila ay nararapat na angkop na makipagtulungan sa Diyos, at hindi dapat kumilos na parang mga suwail na hindi ginagampanan ang kanilang tungkulin. Ito ang tanging kinakailangan ng Diyos sa tao. Hindi ganoon para sa mga taong hindi tumatanggap sa bagong gawain: Sila ay nasa labas ng agos ng Banal na Espiritu, at ang disiplina at paninisi ng Banal na Espiritu ay hindi para sa kanila. Buong araw, ang mga taong ito ay namumuhay sa loob ng laman, sila ay namumuhay sa loob ng kanilang mga isipan, at ang lahat ng ginagawa nila ay ayon sa doktrinang bunga ng paghihimay at pananaliksik ng kanilang sariling mga utak. Hindi ito ang hinihingi ng bagong gawain ng Banal na Espiritu, at lalong hindi ito pakikipagtulungan sa Diyos. Yaong mga hindi tumatanggap sa bagong gawain ng Diyos ay walang presensiya ng Diyos, at, higit sa lahat, salat sa mga pagpapala at pag-iingat ng Diyos. Ang karamihan sa kanilang mga salita at mga pagkilos ay nakaayon sa mga nakalipas na mga kinakailangan ng gawain ng Banal na Espiritu; ang mga ito ay doktrina, hindi katotohanan. Ang gayong doktrina at alituntunin ay sapat na upang patunayan na ang pagtitipon ng mga taong ito ay walang iba kundi relihiyon; hindi sila ang mga hinirang, o ang mga pinag-uukulan ng gawain ng Diyos. Ang pagtitipon nilang lahat na magkakasama ay matatawag lamang na maringal na kongreso ng relihiyon, at hindi matatawag na iglesia. Ito ay isang katunayan na hindi mababago. Wala sa kanila ang bagong gawain ng Banal na Espiritu; ang kanilang ginagawa ay tila samyo-ng-relihiyon, ang kanilang isinasabuhay ay tila sagana sa relihiyon; hindi sila nagtataglay ng presensiya at gawain ng Banal na Espiritu, lalo nang hindi sila karapat-dapat na tumanggap ng disiplina o kaliwanagan ng Banal na Espiritu. Lahat ng taong ito ay mga walang-buhay na bangkay, at mga uod na walang pagka-espirituwal. Wala silang kaalaman sa pagka-mapanghimagsik at paglaban ng tao, walang kaalaman sa lahat ng masasamang gawa ng tao, lalong wala silang kaalaman sa lahat ng gawain ng Diyos at kasalukuyang kalooban ng Diyos. Lahat sila ay walang alam, mabababang tao, at sila ay mga hamak na hindi nararapat tawaging mananampalataya! Wala sa kanilang mga ginagawa ang may kinalaman sa pamamahala ng Diyos, lalong hindi nito masisira ang mga plano ng Diyos. Ang mga salita at pagkilos nila ay nakasusuklam, nakakaawa, at talagang hindi karapat-dapat banggitin. Wala sa anumang ginawa niyaong mga wala sa agos ng Banal na Espiritu ang may anumang kinalaman sa bagong gawain ng Banal na Espiritu. Dahil dito, kahit na ano ang kanilang gawin, sila ay walang disiplina ng Banal na Espiritu, at, higit sa lahat, walang kaliwanagan ng Banal na Espiritu. Dahil lahat sila ay mga taong walang pag-ibig para sa katotohanan, at sila ay kinamuhian at natanggihan na ng Banal na Espiritu. Sila ay tinatawag na makasalanan dahil sila ay lumalakad sa laman at ginagawa kung ano ang kanilang nais sa ilalim ng karatula ng Diyos. Habang gumagawa ang Diyos, sila ay sadyang palaban sa Kanya, at tumatakbo sa kasalungat na patutunguhan sa Kanya. Ang hindi pakikipagtulungan ng tao sa Diyos ay sukdulang mapanghimagsik sa ganang sarili, kaya’t hindi ba ang mga taong sadyang sumasalungat sa Diyos ay partikular na tinatanggap nila ang nararapat na kaparusahan?

—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Gawain ng Diyos at ang Pagsasagawa ng Tao

“Datapuwa’t sinasabi Ko sa inyo, na dito ay may isang lalong dakila kaysa sa templo. Datapuwa’t kung nalalaman ninyo kung ano ang kahulugan nito, habag ang ibig Ko, at hindi hain, ay hindi sana ninyo hinatulan ang mga walang kasalanan. Sapagka’t ang Anak ng tao ay Panginoon ng sabbath” (Mateo 12:6–8). Ano ang tinutukoy ng salitang “templo” rito? Sa madaling salita, tumutukoy ito sa isang kamangha-manghang, mataas na gusali, at sa Kapanahunan ng Kautusan, ang templo ay lugar para sa mga saserdote upang sambahin ang Diyos. Nang sinabi ng Panginoong Jesus na “dito ay may isang lalong dakila kaysa sa templo,” sino ang tinutukoy na “isa”? Maliwanag, ang “isa” ay ang Panginoong Jesus sa katawang-tao, sapagka’t tanging Siya ang mas dakila kaysa sa templo. Ano ang sinasabi ng mga salitang iyon sa mga tao? Sinasabi ng mga ito sa mga tao na lumabas sila sa templo—iniwan na ng Diyos ang templo at hindi na gumagawa sa loob nito, kaya dapat hanapin ng mga tao ang mga yapak ng Diyos sa labas ng templo at sundan ang Kanyang mga hakbang sa Kanyang bagong gawain. Nang sabihin ito ng Panginoong Jesus, may saligan sa likod ng Kanyang mga salita, na sa ilalim ng kautusan, itinuturing ng mga tao ang templo bilang isang bagay na higit na dakila kaysa sa Diyos Mismo. Ibig sabihin, sinamba ng mga tao ang templo sa halip na sambahin ang Diyos, kaya binalaan sila ng Panginoong Jesus na huwag sambahin ang mga idolo, bagkus sa halip ay sambahin ang Diyos, sapagka’t Siya ang kataas-taasan. Kaya, sinabi Niya: “Habag ang ibig Ko, at hindi hain.” Maliwanag na sa mga mata ng Panginoong Jesus, hindi na sumasamba kay Jehova ang karamihan sa mga tao na namumuhay sa ilalim ng kautusan, bagkus ay basta na lamang ginagawa ang pagsasakripisyo, at tinukoy ng Panginoong Jesus na ito ay ibinilang na pagsamba sa idolo. Itinuring ng mga sumasambang ito sa idolo ang templo bilang isang bagay na mas dakila at mas mataas kaysa sa Diyos. Tanging ang templo ang nasa kanilang mga puso, hindi ang Diyos, at kung mawala sa kanila ang templo, mawawala sa kanila ang kanilang tahanang dako. Kung wala ang templo ay wala silang ibang mapagsasambahan at hindi maisasagawa ang kanilang mga pagsasakripisyo. Ang kanilang tinatawag na “tahanang dako” ay kung saan ginamit nila ang pagkukunwari ng pagsamba sa Diyos na si Jehova upang makapanatili sa templo at maisagawa ang sarili nilang mga gawain. Ang kanilang tinatawag na “pagsasakripisyo” ay walang iba kundi ang pagsasagawa nila ng kanilang sariling personal na kahiya-hiyang mga pakikitungo sa ilalim ng balatkayo ng pagsasagawa ng kanilang serbisyo sa templo. Ito ang dahilan kung bakit itinuring ng mga tao sa panahong iyon ang templo bilang higit na dakila kaysa sa Diyos. Sinabi ng Panginoong Jesus ang mga salitang ito bilang babala sa mga tao, sapagka’t ginagamit nila ang templo bilang isang balatkayo, at ang mga sakripisyo bilang isang panakip para sa pandaraya sa mga tao at pandaraya sa Diyos. Kung gamitin ang mga salitang ito sa kasalukuyan, gayon pa rin kabisa at gayon pa rin nauukol ang mga ito. Bagaman naranasan na ng mga tao ngayon ang gawain ng Diyos na iba kaysa sa naranasan ng mga tao sa Kapanahunan ng Kautusan, magkatulad ang kalikasang diwa ng mga ito.

—Ang Salita, Vol. II. Ukol sa Pagkakilala sa Diyos. Ang Gawain ng Diyos, ang Disposisyon ng Diyos, at ang Diyos Mismo III

Kung, sa paniniwala sa Diyos, itinuturing ng mga tao ang katotohanan bilang isang grupo ng mga patakarang dapat panghawakan, hindi ba’t hindi maiiwasang mauwi ang kanilang paniniwala sa ilang seremonyang pangrelihiyon lamang? At ano ang mga pagkakaiba ng gayong mga seremonyang pangrelihiyon at ng Kristiyanismo? Maaaring mas malalim at mas progresibo ang mga taong ito sa paraan ng kanilang pananalita, ngunit kung ang kanilang pananampalataya ay naging isang kalipunan na lang ng mga patakaran at isang uri ng seremonya, hindi ba’t ibig sabihin noon ay naging Kristiyanismo na ito? (Oo, ganoon nga.) May mga pagkakaiba ang luma at bagong mga katuruan, ngunit kung ang mga katuruan ay walang anuman kundi isang uri ng teorya, at naging isang uri lamang ng seremonya o patakaran para sa mga tao—at, gayundin, kung hindi makatatamo ang mga tao ng katotohanan mula rito o magagamit ito upang makapasok sa katotohanang realidad—hindi ba’t ang pananampalataya nila’y naging tulad lamang ng Kristiyanismo? Sa diwa, hindi ba ito Kristiyanismo? (Oo, ganoon nga.) Kung gayon, sa inyong pag-uugali at sa pagganap ng inyong tungkulin, sa aling mga bagay kayo mayroong mga pananaw at kalagayan na pareho o katulad ng sa mga mananampalataya sa Kristiyanismo? (Sa pagsunod sa mga patakaran, at sa pagsasangkap sa ating mga sarili ng mga titik at doktrina.) (Sa pagtuon sa pagpapakita ng pagiging espirituwal at pagpapakita ng mabuting ugali, at sa pagiging taimtim at mapagpakumbaba.) Hinahangad ninyong magpakita sa iba ng mabuting ugali, ginagawa ninyo ang lahat ng inyong makakaya upang palabasin ang inyong mga sarili ng isang uri ng espirituwal na kaanyuan, at gumagawa kayo ng ilang bagay na kahit papaano ay katanggap-tanggap sa mga kuru-kuro at guni-guni ng tao, nagpapanggap na mabait. Tumatayo kayo sa mataas na pulpito na nangangaral ng mga titik at doktrina, tinuturuan ang mga tao na gumawa ng mabuti, maging mabait, at unawain ang katotohanan; nangangaral kayo ng espirituwal na doktrina, sinasabi ang mga tamang espirituwal na bagay; nag-aasta kayong mataas tungkol sa pagiging espirituwal at nagpapakita ng isang mababaw na espirituwalidad sa lahat ng sinasabi at ginagawa ninyo, subalit sa pagsasagawa at pagtupad sa inyong tungkulin, hindi ninyo kailanman hinahanap ang katotohanan. Sa sandaling maharap kayo sa problema, lubos kayong kumikilos alinsunod sa kalooban ng tao, isinasantabi ang Diyos. Hindi kayo kailanman kumilos alinsunod sa katotohanang prinsipyo, ni wala kayong anumang ideya kung ano ba ang katotohanan, kung ano ang mga layunin ng Diyos, o kung ano ang mga pamantayang hinihingi Niya sa tao; hindi ninyo kailanman sineryoso ang mga bagay na ito o ni inisip ang mga iyon. Ang ganito bang mga panlabas na kilos at mga panloob na kalagayan ng tao—ibig sabihin, ang ganito bang uri ng pananampalataya—ang bumubuo ng takot sa Diyos at paglayo sa kasamaan? Kung walang kaugnayan ang pananampalataya ng mga tao at ang paghahanap sa katotohanan, naniniwala ba sila o hindi sa Diyos? Kahit pa ilang taon maniwala sa Kanya ang mga taong walang kaugnayan sa paghahanap ng katotohanan, magagawa ba nila o hindi na talagang matakot sa Diyos at layuan ang kasamaan? (Hindi nila magagawa.) Ano kung gayon ang panlabas na pag-uugali ng ganitong mga tao? Anong uri ng landas ang malalakaran nila? (Ang landas ng mga Fariseo.) Ano ang ipinangsasangkap nila sa mga sarili nila sa araw-araw? Hindi ba’t mga titik at doktrina? Hindi ba’t ginugugol nila ang kanilang mga araw sa pagsasandata sa mga sarili nila, binibihisan ang mga sarili nila ng mga titik at doktrina upang gawin ang mga sarili nila na mas katulad ng mga Fariseo, mas espirituwal, at mas katulad ng mga tao na naglilingkod daw sa Diyos? Ano ba talaga ang kalikasan ng lahat ng pagkilos na ito? Ito ba ay pagsamba sa Diyos? Ito ba ay tunay na pananampalataya sa Kanya? (Hindi, ito ay hindi). Kaya, ano ang ginagawa nila? Nililinlang nila ang Diyos; ginagawa lamang nila ang mga hakbang ng isang proseso, at nakikilahok sa mga seremonyang pangrelihiyon. Iwinawagayway nila ang bandila ng pananampalataya at gumaganap ng mga ritwal na pangrelihiyon, tinatangkang linlangin ang Diyos upang makamit ang kanilang layong mapagpala. Hindi talaga sinasamba ng mga taong ito ang Diyos. Sa katapusan, hindi ba’t ang grupo ng mga taong ganyan ay magwawakas tulad lamang ng mga nasa loob ng iglesia na inaakalang naglilingkod sa Diyos, at inaakalang naniniwala at sumusunod sa Diyos?

—Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Tanging sa Pagkakaroon ng Takot sa Diyos Makatatahak ang Isang Tao sa Landas ng Kaligtasan

Anong katawagan ang ibinibigay ng Diyos sa relihiyon ng mga naniwala kay Jehova? Judaismo. Naging isang uri sila ng grupong pangrelihiyon. At paano naman tinatawag ng Diyos ang relihiyon ng mga naniniwala kay Jesus? (Kristiyanismo.) Sa paningin ng Diyos, kumakatawan ang Judaismo at Kristiyanismo sa mga grupong pangrelihiyon. Bakit ganoon itinuturing ng Diyos ang mga ito? Sa lahat ng kasapi ng mga samahang pangrelihiyong ito na tinutukoy ng Diyos, mayroon bang kahit sino na natatakot sa Kanya at nilalayuan ang kasamaan, ginagawa ang kalooban Niya, at sumusunod sa daan Niya? (Wala.) Ito ang nagbibigay-linaw. Sa mga mata ng Diyos, lahat ba ng sumusunod sa Kanya sa pangalan lamang ay maaaring ang mga taong kinikilala Niya bilang mga mananampalataya? May kaugnayan ba silang lahat sa Diyos? Maaari kayang lahat sila’y layon ng Kanyang pagliligtas? (Hindi.) Kaya, darating ba ang araw na kayo ay ibababa sa itinuturing ng Diyos na grupong pangrelihiyon? (Posible.) Ang maibaba sa isang grupong pangrelihiyon—parang mahirap paniwalaan. Kung mapabilang ang mga tao sa isang grupong pangrelihiyon sa paningin ng Diyos, ililigtas ba Niya sila? Kasama ba sila sa sambahayan Niya? (Hindi.) Kaya, subukan nating ibuod: Ang mga taong ito na naniniwala lamang sa tunay na Diyos sa pangalan ngunit pinaniniwalaan Niya na kabilang sa isang grupong pangrelihiyon—anong landas ang nilalakaran nila? Masasabi kaya na ang ganitong mga tao ay lumalakad sa landas ng pagwawagayway sa bandila ng pananampalataya nang hindi kailanman sinusundan ang daan ng Diyos, at nananalig sa Kanya ngunit hindi sumasamba sa Kanya kailanman, at sa halip ay tinatalikuran Siya? Ibig sabihin, lumalakad sila sa landas ng paniniwala sa Diyos ngunit tinatalikuran Siya at hindi sumusunod sa landas ng Diyos; ang kanilang landas ay isa kung saan naniniwala sila sa Diyos ngunit sumasamba kay Satanas, sinasamba nila ang diyablo, sinisikap nilang isagawa ang sarili nilang pamamahala, at sinusubukang magtatag ng sarili nilang kaharian. Hindi ba’t ito ang diwa nito? Ang mga tao bang tulad nito ay may anumang kaugnayan sa plano ng pamamahala ng Diyos para sa kaligtasan ng sangkatauhan? (Wala.) Gaano man karaming tao ang naniniwala sa Diyos, sa sandaling ang paniniwala nila’y itinuring ng Diyos na kabilang sa isang relihiyon o grupo, natukoy na Niya na hindi sila maliligtas. Bakit Ko sinasabi ito? Sa isang pangkat o grupo ng mga taong walang gawain at paggabay ng Diyos, at na hindi sumasamba sa Kanya ni bahagya, sinong sinasamba nila? Sino ang sinusunod nila? Sa anyo at sa pangalan, sinusunod nila ang isang tao, ngunit sino ba ang talagang sinusunod nila? Sa kanilang mga puso, kinikilala nila ang Diyos, ngunit ang totoo, sila’y sumasailalim sa pagmamanipula, mga pagsasaayos at pagkontrol ng tao. Sumusunod sila kay Satanas, ang diyablo; sumusunod sila sa mga puwersang lumalaban sa Diyos at na mga kaaway Niya. Ililigtas ba ng Diyos ang kawan ng mga taong tulad nito? (Hindi.) Bakit hindi? Kaya ba nilang magsisi? (Hindi.) Hindi nila kayang magsisi. Iwinawagayway nila ang bandila ng pananampalataya, isinasagawa ang mga gawain ng tao, at pinatatakbo ang sarili nilang pamamahala, at sila’y sumasalungat sa plano ng pamamahala ng Diyos para sa kaligtasan ng sangkatauhan. Ang kanilang pangwakas na kalalabasan ay ang pagiging kinasusuklaman at tinatanggihan ng Diyos; hindi Niya posibleng iligtas ang mga taong ito, hindi posibleng magsisi sila, nabihag na sila ni Satanas—sila’y lubusang nasa mga kamay ni Satanas. Sa iyong pananampalataya, mahalaga ba kung gaano karaming taon ka nang naniniwala sa Diyos sa kung pinupuri Ka niya o hindi? Mahalaga ba ang mga ritwal at patakarang sinusunod mo? Tinitingnan ba ng Diyos ang mga pamamaraan ng mga tao sa pagsasagawa? Tinitingnan ba Niya kung gaano karaming tao ang naroroon? Pumili na Siya ng isang bahagi ng sangkatauhan; paano Niya sinusukat kung maililigtas ba at dapat ba silang iligtas? Ibinabatay Niya ang pasyang ito sa mga landas na tinatahak ng mga taong ito. … Hindi alintana kung gaano karaming sermon ang napakinggan mo na o kung gaano karaming katotohanan ang naunawaan mo na, kung, sa huli, sinusunod mo pa rin ang mga tao at sinusunod si Satanas, at sa huli hindi mo pa rin kayang sumunod sa daan ng Diyos at hindi kayang matakot sa Kanya at layuan ang kasamaan, kung gayon ang mga taong ganoon ay kasusuklaman at itatakwil ng Diyos. Sa tingin ng lahat, ang mga taong ito na kinasusuklaman at itinatakwil ng Diyos ay makakapagsalita ng marami tungkol sa mga titik at doktrina, at maaaring naunawaan ang maraming katotohanan, subalit hindi nila kayang sumamba sa Diyos; hindi nila kayang matakot sa Diyos at lumayo sa kasamaan, at hindi nila kayang lubos na sumunod sa Kanya. Sa paningin ng Diyos, itinuturing Niya sila bilang parte ng isang relihiyon, bilang isa lamang grupo ng mga tao—isang pangkat ng mga tao—at bilang isang bahay-tuluyan para kay Satanas. Sama-sama silang itinuturing bilang pangkat ni Satanas, at ang mga taong ito’y lubusang kinamumuhian ng Diyos.

—Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Tanging sa Pagkakaroon ng Takot sa Diyos Makatatahak ang Isang Tao sa Landas ng Kaligtasan

Sinundan: 1. Ngayon, maraming tao sa relihiyosong mundo ang nakadarama na walang liwanag sa pangangaral ng mga pastor. Nakikita nila na lumiliit ang pananalig ng mga mananampalataya, at tinatalakay lamang ng mga tao ang mga pampisikal na kasiyahan at hinahabol ang mga kalakaran sa mundo, at ang ilan ay nangangalakal pa nga sa mga simbahan. Nag-aalala sila na ang kanilang simbahan ay isang huwad na simbahan, at na sila ay tatalikuran ng Panginoon sa Kanyang pagbabalik. Ngunit mayroon ding mga naniniwala na ang kanilang mga simbahan ay hindi maaaring maging huwad na simbahan dahil nagdaraos sila ng masisiglang pagdiriwang tulad ng mga paligsahan sa Biblia, Banal na Komunyon, at pagdiriwang ng iba’t ibang mga pista. Paano natin makikilala ang mga huwad na simbahan?

Sumunod: 1. Ang mga propesiya sa Biblia hinggil sa pagbabalik ng Panginoon ay malawakan na ngayong natutupad, at maaaring tunay ngang narito na ang Panginoon. Nakikita natin na Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos ay hayagang nagpapatotoo online na ang Makapangyarihang Diyos ay ang pagbabalik ng Panginoong Jesus, at maraming tao mula sa lahat ng relihiyon at denominasyon na tunay na naniniwala sa Panginoon at naghahangad sa pagpapakita ng Diyos ang bumalik sa Makapangyarihang Diyos. Nais lang naming malaman kung ang Makapangyarihang Diyos ay ang pagpapakita ng Diyos o hindi.

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

Tanong 7: Ang CCP ay isang rebolusyonaryong partido. Ang pinaniniwalaan nito ay kabastusan at karahasan, ibig sabihin, pag-agaw sa kapangyarihan nang may karahasan! Kung tatanggapin natin ang katwiran ng CCP, “Ang isang kasinungalingan ay nagiging katotohanan kung uulit-ulitin nang sampung libong beses.” Gaano man karaming tao ang nagdududa sa salita nito, tumatanggi at hindi naniniwala rito, walang pakialam ang CCP kahit bahagya, at patuloy pa rin itong nagsisinungaling at nanlilinlang. Basta’t makakamtan nito ang mga agarang epekto at minimithi nito, wala itong pakialam sa magiging kapalit! Kung magrebelde at magprotesta ang mga tao laban dito, gagamit ito ng mga tangke at machine gun para lutasin ang lahat. Kapag kailangan, gagamit ito ng mga bomba atomika at missile para labanan ang mga puwersa ng kalaban. Maaaring gawin ng CCP ang lahat para manatili ito sa paghahari. Nang ipahayag sa publiko ang kaso sa Zhaoyuan sa Shandong, ang CCP ay nagpasimula ng maramihang pagpapadala ng mga sandatahang pulis para supilin at arestuhin ang mga Kristiyano anuman ang mangyari. Sino ang makakapigil dito? Sino ang nangahas na lumaban? Kahit nang makita ng mga dayuhan ang panloloko ng CCP, ano ang magagawa nila? Maraming paraan ang CCP para labanan ang pagtuligsa ng mga demokratikong puwersa ng mga taga-Kanluran. Gumagamit ito ng pera para ayusin ang lahat. May kasabihan nga na, “Sinumang tumanggap ng regalo ay ibinebenta ang kanyang kalayaan.” Paunti nang paunti ang mga bansang tumutuligsa sa CCP ngayon. Takot ang puwersa ng mga kaaway ng CCP na iparinig ang kanilang opinyon. Paano man n’yo ito sabihin, naigigiit pa rin ng CCP ang paghahari nito. Hangga’t may kapangyarihan ang Communist Party, kayong mga nananalig sa Diyos ay hindi makakaasang maging malaya! Ang pagpapakita at gawain ng Diyos sa China ay talagang kamumuhian at ipagbabawal ng CCP. Makamtan man ng CCP ang mithiin nitong magbuo ng ateismo sa China o hindi, hindi ito titigil kailanman sa pag-aresto at pagsupil sa inyo! Matagal na itong malinaw sa akin. Kaya nga tinututulan kong mabuti ang pananalig n’yo sa Makapangyarihang Diyos. Para sa kapakanan n’yo ’yan, hindi n’yo ba nauunawaan?

Sagot: Napakasama ng CCP, pero umuunlad pa rin ito sa mundo at walang nangangahas na hadlangan ito. Ibig kayang sabihin n’yan ay permanente...

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito