2. Pinatototohanan mo na ang Makapangyarihang Diyos ay ang pagbabalik ng Panginoong Jesus, at na Siya ay nagpapahayag ng katotohanan at ginagawa ang gawain ng paghatol ng mga huling araw. Bagaman ang pinatototohan mo ay umaayon sa Biblia, maraming tao sa aming simbahan ang hindi tumatanggap dito. Naniniwala kami na, upang maging ang tunay na daan, dapat itong tanggapin ng maraming tao, at na ang tinatanggap ng kakaunting tao ay isang maling daan. Maghihintay kami hanggang sa tanggapin ito ng maraming tao sa aming simbahan bago kami magsimulang maniwala rito.
Sagot:
Karamihan ng tao ay ibinabatay kung ang isang bagay ay ang tunay na daan o ang huwad na daan sa dami ng tao na tumatanggap nito, naniniwala na kung maraming tao ang tumatanggap, ito kung gayon ang tunay na daan, at na kung kaunting tao lamang ang tumatanggap nito, ito ang huwad na daan. Nakaayon ba ang gayong pananaw sa katotohanan? May batayan ba ito sa mga salita ng Diyos? Alalahanin noong winasak ng Diyos ang mundo sa pamamagitan ng mga pagbaha: Si Noe lamang ang nagtiwala sa mga salita ng Diyos at ginawa niya ang isang arko ayon sa tagubilin ng Diyos habang ipinapangaral ang daan. Gayunman, makalipas ang 120 taon, wala ni isang tao ang naniwala o tumanggap sa ipinangaral niya, at ang mga sumakay lamang sa arko sa huli ay ang walong miyembro ng pamilya ni Noe, habang ang lahat ay nalunod sa mga pagbaha. Kaya masasabi mo bang hindi ipinangaral ni Noe ang tunay na daan? Ngayon ay alalahanin noong nagpakita ang Panginoong Jesus at isinagawa ang Kanyang gawain noong Kapanahunan ng Biyaya: Bukod sa napakaliit na bilang ng taong tumanggap sa Panginoong Jesus, kinondena at sinalungat ng buong Judaismo ang Panginoong Jesus, bago nakipagtulungan sa mga awtoridad na Romano sa huli para ipako Siya sa krus. Dahil dito, masasabi mo bang ang mga pagbigkas at gawain ng Panginoong Jesus ay hindi ang tunay na daan? Hindi mo ba nadarama na ang pagsukat sa mga bagay sa ganoong paraan ay lubos na katawa-tawa? Ang gawain ng Diyos sa nagdaang mga henerasyon ay patunay na ang tiwaling sangkatauhan ay napakalubha na ng pagiging tiwali na sinasamba niya ang masama at kinamumuhian ang katotohanan; kapag dumarating ang tunay na daan sa mga tao, napakaliit na bilang lamang ng tao ang nagagawang sumunod at tumanggap dito, at itinatatwa at tinatalikdan ito ng karamihan. Katulad ng sinabi ng Panginoong Jesus, “Ang lahing ito’y isang masamang lahi” (Lucas 11:29). Sinasabi sa 1 Juan 5:19, “Ang buong sanlibutan ay nasasailalim sa masama.” Kaya, ang tunay na daan ay hindi nangangahulugang tanggap ng maraming tao, at ang kinikilala ng karamihan ay hindi nangangahulugang tama, at hindi palagiang ang katotohanan. Sa katunayan, ang lahat ng tinutukoy ng karamihan ay nabibilang sa mga kuru-kuro at imahinasyon ng tao, at hindi nakaayon sa katotohanan at mga katunayan. Napakakakatwa at katawa-tawa na sukatin kung ang isang daan ay ang tunay na daan o hindi batay sa kung gaano karaming tao ang tumatanggap dito. Sa maraming parte sa Biblia sinabi na ang Diyos ay humihiling sa mga tao ng kalidad, hindi dami. Halimbawa, sa Mateo 22:14, sinasabi rito: “Sapagka’t marami ang mga tinawag, datapuwa’t kakaunti ang mga nahirang.” Sinasabi sa Mateo 7:13-14: “Kayo ay magsipasok sa makipot na tarangkahan: sapagkat maluwang ang tarangkahan, at malapad ang daang patungo sa pagkawasak, at marami ang doon ay nagsisipasok: Sapagkat makipot ang tarangkahan, at makitid ang daang patungo sa buhay, at kakaunti ang nangakakasumpong noon.” Sinasabi sa Zacarias 13:8: “At mangyayari, na sa buong lupain, sabi ni Jehova, dalawang bahagi ay mahihiwalay at mamamatay; nguni’t ang ikatlo ay maiiwan.” Ipinapakita sa atin ng mga bersikulo na ito na napakaliit na bilang lamang ng tao ang may kakayahang matagpuan ang tunay na daan, at na maliit na bilang lamang ang matitira. Hindi ito tulad ng pinaniniwalaan natin, na kung ito ang tunay na daan ay matatanggap ito ng maraming tao; ang gayong paraan ng pagtataya ay salungat sa katotohanan at sa mga bagay na napatunayan ng gawain ng Diyos, at walang iba kundi mga imahinasyon ng tao. Ang Diyos Mismo ang katotohanan, ang daan, at ang buhay, at ang Kanyang diwa ay hindi magbabago. Kahit pa wala ni isang tao ang maniwala sa Kanya, tumanggap sa Kanya, o sumunod sa Kanya, ang Kanyang gawain at mga salita ay magiging ang tunay na daan pa rin, at ito ay isang bagay na hindi maitatanggi ninuman. Katulad ng sinasabi ng Makapangyarihang Diyos, “Ang Aking mga salita ay ang katotohanang hindi magbabago kailanman. Ako ang panustos ng buhay para sa tao at ang tanging gabay para sa sangkatauhan. Ang halaga at kahulugan ng Aking mga salita ay hindi itinatakda batay sa kung kinikilala at tinatanggap ba ng sangkatauhan ang mga ito, kundi batay sa diwa ng mismong mga salita. Kahit na wala ni isang tao sa daigdig na ito ang kayang tumanggap sa Aking mga salita, ang halaga ng Aking mga salita at ang tulong ng mga ito sa sangkatauhan ay hindi masusukat ng sinumang tao. Samakatwid, kapag nahaharap sa maraming tao na naghihimagsik laban, nagpapabulaan, o lubos na nanghahamak sa Aking mga salita, ang Aking saloobin ay ito lamang: Hayaan ang panahon at mga katunayan ang maging saksi Ko at magpatunay na ang Aking mga salita ang katotohanan, ang daan, at ang buhay. Hayaang patunayan ng mga ito na ang lahat ng Aking sinabi ay tama, at na ito ang dapat na taglayin ng tao, at, higit pa rito, ito ang dapat tanggapin ng tao” (Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Dapat Ninyong Isaalang-alang ang Inyong mga Gawa).
Dahil ang bilang ng taong tumatanggap sa isang daan ay hindi maaaring magsilbi bilang isang pamantayan para sa pagsukat kung ito ay isang tunay na daan o isang huwad na daan, paano na lamang natin ito susukatin? Ang susi ay tingnan kung ito ay naglalaman ng pagpapahayag ng katotohanan at kung ito ang tinig ng Diyos. Kung ito ang pagbigkas ng Diyos, kung ito ang pagpapahayag ng katotohanan, kung gayon gaano man karaming tao ang tumatanggap dito—kahit na isang tao lamang—ito ang katotohanan, at ang tunay na daan. Alalahanin nang pumarito ang Panginoong Jesus para gumawa noong Kapanahunan ng Biyaya. Sina Pedro, Juan, Mateo, Nathanael, at ang iba pa, ay sumunod lahat sa Panginoong Jesus dahil nakilala nila ang tinig ng Diyos sa Kanyang ipinangaral; hindi nila ito ginawa batay sa kung gaano karaming tao ang tumanggap at sumunod sa Panginoong Jesus sa panahong iyon. Katulad nito, ang pagkilala sa pagkakaiba ngayon sa pagitan ng tunay na daan at ng mga huwad na daan ay kailangang gawin ayon sa gawain at mga salita ng Diyos. Sabi ng Makapangyarihang Diyos, “Ano ang pinakasaligang prinsipyo sa paghahanap sa tunay na daan? Kailangan mong tingnan kung naroon o wala ang gawain ng Banal na Espiritu sa daang ito, kung ang mga salitang ito ay pagpapahayag o hindi ng katotohanan, sino ang pinatototohanan, at ano ang maidudulot nito sa iyo. Ang pag-alam ng pagkakaiba sa pagitan ng tunay na daan at huwad na daan ay nangangailangan ng ilang aspekto ng batayang kaalaman, na ang pinakasaligan dito ay ang pag-alam kung naroon o wala ang gawain ng Banal na Espiritu. Sapagkat ang diwa ng pananampalataya ng mga tao sa Diyos ay ang pananampalataya sa Espiritu ng Diyos, at kahit ang pananampalataya nila sa Diyos na nagkatawang-tao ay dahil sa ang katawang-tao na ito ay ang pagsasakatawan ng Espiritu ng Diyos, na nangangahulugang ang gayong paniniwala ay paniniwala pa rin sa Espiritu. May mga pagkakaiba sa pagitan ng Espiritu at ng katawang-tao, ngunit dahil ang katawang-tao na ito ay nagmumula sa Espiritu, at siyang Salita na naging tao, sa gayon ang sinasampalatayan ng tao ay ang likas na diwa pa rin ng Diyos. Kaya’t sa pagkilala kung ito ay ang tunay na daan o hindi, higit sa lahat dapat mong tingnan kung naroon o wala ang gawain ng Banal na Espiritu, at pagkaraan ay dapat mong tingnan kung mayroon o walang katotohanan sa daang ito. Ang katotohanan, gaya ng tawag dito, ay ang buhay disposisyon ng normal na pagkatao. Sa madaling salita, ito ang hinihingi sa tao noong lalangin siya ng Diyos sa pasimula, at ito ay ang sumusunod, ang normal na pagkatao sa kabuuan nito (kabilang ang katwiran ng pagkatao, gayundin ang kabatiran, karunungan, at ang batayang kaalaman ng kung paano umasal). Ibig sabihin, kailangan mong tingnan kung madadala ba o hindi ng landas na ito ang tao sa normal na buhay ng tao, kung ang katotohanan na sinasalita ay humihingi batay sa realidad ng normal na pagkatao, kung ang katotohanang ito ay praktikal at makatotohanan o hindi, at kung ito ay pinakanapapanahon o hindi. Kung may katotohanan, makakaya nitong pangunahan ang mga tao sa normal at praktikal na mga karanasan; higit pa rito, nagiging lalong normal ang mga tao, lubos na nagiging ganap ang katwiran ng pagkatao na taglay nila, nagiging lalong higit na maayos ang kanilang buhay sa laman at ang espirituwal na buhay, at nagiging lalong higit na normal ang kanilang mga emosyon. Ito ang ikalawang prinsipyo. May isa pang prinsipyo, at iyan ay kung nadaragdagan ba o hindi ang pagkakilala ng tao sa Diyos, at kung ang pagdanas ng ganoong gawain at katotohanan ay may kakayahan o wala na pumukaw ng mapagmahal-sa-Diyos na puso sa loob nila, at higit silang mapalapit sa Diyos. Sa ganito masusukat kung ito ang tunay na daan o hindi. Ang pinakasaligan ay kung ang daang ito ay makatotohanan imbes na supernatural, at kung ito ay nakapagkakaloob sa buhay ng tao o hindi. Kung ito ay umaayon sa mga prinsipyong nabanggit, maaaring mabuo ang pagpapasya na ang daang ito ang tunay na daan” (Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Tanging ang mga Nakakikilala sa Diyos at Nakaaalam sa Kanyang Gawain ang Makapagbibigay-lugod sa Diyos).
“Siya na Diyos na nagkatawang-tao ay magtataglay ng diwa ng Diyos, at Siya na Diyos na nagkatawang-tao ay magtataglay ng pagpapahayag ng Diyos. Dahil ang Diyos ay naging tao, dadalhin Niya ang gawaing layon Niyang gawin, at dahil ang Diyos ay naging tao, ipapahayag Niya kung ano Siya, at magagawa Niyang ihatid ang katotohanan sa tao, pagkalooban ito ng buhay, at ituro ang daan para rito. Ang katawang-tao na walang diwa ng Diyos ay tiyak na hindi ang Diyos na nagkatawang-tao; walang duda ito. Kung layon ng tao na magsiyasat kung ito ang katawang-tao ng Diyos, kailangan niyang patunayan ito mula sa disposisyon na Kanyang ipinapahayag at sa mga salitang Kanyang sinasambit. Ibig sabihin, para patunayan kung ito nga ang katawang-tao ng Diyos o hindi, at kung ito nga ang tunay na daan o hindi, kailangan makilala ang kaibhan batay sa Kanyang diwa. Kaya nga, sa pagtukoy kung ito ang katawan ng Diyos na nagkatawang-tao, ang susi ay nasa Kanyang diwa (Kanyang gawain, Kanyang mga pagbigkas, Kanyang disposisyon, at maraming iba pang aspekto), sa halip na sa panlabas na anyo. Kung ang sinusuri lamang ng tao ay ang Kanyang panlabas na anyo, at dahil dito ay hindi pinapansin ang Kanyang diwa, ipinapakita nito na ang tao ay mangmang at ignorante” (Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Paunang Salita).
Malinaw na isinasaad ng mga salita ng Makapangyarihang Diyos ang mga prinsipyo ng paghahanap sa tunay na daan. Kapag tinutukoy kung ang isang bagay ay gawain ng Diyos, at kung ito ang tunay na daan, ang susi ay tingnan kung naglalaman ito ng gawain ng Banal na Espiritu at ng pagpapahayag ng katotohanan, kung maaari itong tumustos para sa buhay ng mga tao, at kung nagiging mas normal ang pagkatao at katinuan ng mga tao matapos tanggapin ang daang ito, at kung lumalago ang kanilang kaalaman tungkol sa Diyos. Ang mga ito ang pamantayan sa pagtimbang kung ang isang daan ay tunay na daan o huwad na daan. Sa pagtukoy kung ang gawain ng Makapangyarihang Diyos ay ang tunay na daan o hindi, kailangan nating tingnan kung ang gawain at mga salita ng Makapangyarihang Diyos ay ang gawain ng Banal na Espiritu, at kailangan nating pakinggan kung ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos ay ang pagpapahayag ng katotohanan, at kung ang mga ito ang tinig ng Diyos. Kaya maaari din nating matukoy kung ang gawain ng Makapangyarihang Diyos ay ang tunay na daan sa pamamagitan ng pagtingin kung ang mga sumusunod sa Makapangyarihang Diyos ay nagpapatotoo sa pagtatagumpay laban kay Satanas, kung may pagbabago sa kanilang disposisyon sa buhay, kung alam nila ang matuwid na disposisyon ng Diyos, at kung kinatatakutan at sinusunod nila ang Diyos. Kung tinutukoy ng mga tao kung ang isang daan ay ang tunay na daan batay sa kung gaano karaming tao ang tumatanggap dito, kung sila ay pikit-matang sumusunod sa masa, hindi nagbibigay-pansin sa pakikinig sa tinig ng Diyos, at tumatangging siyasatin at tanggapin ang gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw, kung gayon sila ay sukdulang hangal at mangmang. Sa huli ay mapalalampas ng gayong mga tao ang kanilang pagkakataong madala kapag pumarito ang Panginoon, at maaari lamang masubo sa malalaking sakuna at maalis, na samakatuwid ay tumutupad sa mga salitang ito sa Biblia: “Ang Aking bayan ay nasira dahil sa kakulangan ng kaalaman” (Hosea 4:6) at “ang mangmang ay namamatay sa kakulangan ng karunungan” (Kawikaan 10:21).