8. Naniniwala kami na ang paghahanda ng langis ng matatalinong dalaga ay tumutukoy sa pagiging taimtim sa pagdarasal, sa pagbabasa ng mga Kasulatan, at sa pagdalo sa pagpupulong, masigasig na paggawa para sa Panginoon, at mapagbantay na paghihintay sa pagbabalik ng Panginoon. Ito ang ibig sabihin ng pagiging isang matalinong dalaga, at kapag bumalik na ang Panginoon, dapat nating salubungin ang kasintahang lalake at dumalo sa piging ng Cordero.
Mga Talata ng Biblia para Sanggunian:
“At pagkahating gabi ay may sumigaw, ‘Narito, ang kasintahang lalaki! Magsilabas kayo upang salubungin Siya.’ Pagkatapos ay nagsipagbangong lahat ang mga dalagang yaon, at inayos ang kanilang mga ilawan. At sinabi ng mga mangmang sa matatalino, ‘Bigyan ninyo kami ng inyong langis; sapagkat nangamamatay na ang aming mga ilawan.’ Datapuwat nagsisagot ang matatalino, na nangagsasabi, ‘Hindi maaari; baka hindi magkasya sa amin at sa inyo: magsiparoon muna kayo sa nagbebenta, at magsibili kayo ng para sa inyo.’ At habang sila ay nagsisiparoon sa pagbili, ay dumating ang kasintahang lalaki; at ang mga naghanda ay nagsipasok na kasama Niya sa piging ng kasalan: at inilapat ang pintuan” (Mateo 25:6–10).
“Narito Ako’y nakatayo sa pintuan at tumutuktok: kung ang sinuman ay duminig sa Aking tinig at magbukas ng pinto, Ako’y papasok sa kanya, at hahapong kasalo niya, at siya’y kasalo Ko” (Pahayag 3:20).
“Ang may pakinig, ay makinig sa sinasabi ng Espiritu sa mga iglesia” (Pahayag 2:7).
“Dinirinig ng Aking mga tupa ang Aking tinig, at sila’y Aking nakikilala, at sila’y nagsisisunod sa Akin” (Juan 10:27).
“At ang mga ito’y ang nagsisisunod sa Kordero saan man Siya pumaroon” (Pahayag 14:4).
Nauugnay na mga Salita ng Diyos:
Yamang nananampalataya ang tao sa Diyos, dapat niyang sundang mabuti ang bawat mga yapak ng Diyos; dapat siyang “sumunod sa Kordero saan man pumaroon ang Kordero.” Ang mga ito lamang ang mga taong totoong naghahanap ng tunay na daan, sila lamang yaong mga nakakaalam sa gawain ng Banal na Espiritu. Ang mga taong matigas na sumusunod sa mga salita at mga doktrina ay yaong mga itiniwalag na ng gawain ng Banal na Espiritu. Sa bawat panahon, ang Diyos ay magsisimula ng bagong gawain, at sa bawat panahon, magkakaroon ng bagong simula sa gitna ng tao. Kung ang tao ay sumusunod lamang sa mga katotohanan na “si Jehova ang Diyos” at “si Jesus ang Cristo,” na mga katotohanan na bawat isa ay aplikable lamang sa iisang kapanahunan, sa gayon ang tao ay hindi kailanman makakasabay sa gawain ng Banal na Espiritu, at magpakailanmang walang kakayahang magkamit ng gawain ng Banal na Espiritu. Hindi alintana kung paano gumagawa ang Diyos, ang tao ay sumusunod nang wala ni katiting na pag-aalinlangan, at siya ay sumusunod nang mahigpit. Sa paraang ito, paano maititiwalag ng Banal na Espiritu ang tao? Hindi alintana kung ano ang ginagawa ng Diyos, hangga’t ang tao ay nakatitiyak na ito ay gawain ng Banal na Espiritu at nakikipagtulungan sa gawain ng Banal na Espiritu nang walang pag-aalinlangan, at sinusubukang tugunan ang mga hinihingi ng Diyos, kung gayon, paano siya maparurusahan? Hindi nahinto kailanman ang gawain ng Diyos, hindi kailanman natigil ang Kanyang mga yapak, at bago pa man matapos ang Kanyang gawain ng pamamahala, Siya ay palaging abala, at hindi kailanman tumitigil.
—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Gawain ng Diyos at ang Pagsasagawa ng Tao
Yamang hinahanap natin ang mga bakas ng yapak ng Diyos, dapat nating hanapin ang mga layunin ng Diyos, ang mga salita ng Diyos, ang mga pagbigkas Niya. Ito ay dahil kung saanman naroon ang mga bagong salita na binibigkas ng Diyos, naroon ang tinig ng Diyos, at kung saanman naroon ang mga yapak ng Diyos, naroon ang mga gawa ng Diyos; kung saanman naroon ang pagpapahayag ng Diyos, doon nagpapakita ang Diyos, at kung saanman nagpapakita ang Diyos, doon umiiral ang katotohanan, ang daan, at ang buhay. Sa paghahanap sa mga bakas ng yapak ng Diyos, nakaligtaan ninyo ang mga salitang “Ang Diyos ang katotohanan, ang daan, at ang buhay.” At kaya, maraming tao, kahit pa tumatanggap sila ng katotohanan, ang hindi naniniwala na natagpuan na nila ang mga bakas ng yapak ng Diyos, at lalo nang hindi nila kinikilala ang pagpapakita ng Diyos. Napakatinding pagkakamali! Ang pagpapakita ng Diyos ay hindi makakaayon sa mga kuru-kuro ng tao, lalong hindi makakapagpakita sa paraang iginigiit ng tao na magpakita Siya. Ang Diyos ay gumagawa ng Kanyang sariling mga pagpili at Kanyang sariling mga plano kapag ginagawa Niya ang Kanyang gawain; bukod dito, Siya ay may sariling mga layunin at sarili Niyang mga pamamaraan. Anuman ang gawaing ginagawa Niya, hindi Niya kailangang talakayin ito sa tao o hingin ang payo nito, lalo na ang ipaalam sa bawat isang tao ang Kanyang gawain. Ito ang disposisyon ng Diyos, at dapat, higit pa, na kilalanin ng lahat. Kung nais ninyong masaksihan ang pagpapakita ng Diyos, sundan ang mga yapak ng Diyos, kung gayon nararapat muna ninyong iwan ang inyong sariling mga kuru-kuro. Hindi mo dapat utusan ang Diyos na gawin ito o iyan, lalong hindi mo Siya dapat ikulong sa sarili mong mga hangganan at limitahan Siya sa sarili mong mga kuru-kuro. Sa halip, dapat ay inoobliga ninyo sa inyong mga sarili kung paano ninyo dapat hanapin ang mga bakas ng yapak ng Diyos, kung paano ninyo dapat tanggapin ang pagpapakita ng Diyos, at kung paano kayo dapat magpasakop sa bagong gawain ng Diyos: Ito ang dapat gawin ng tao. Dahil ang tao ay hindi ang katotohanan, at hindi nagtataglay ng katotohanan, dapat siyang maghanap, tumanggap, at magpasakop.
—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Apendise 1: Ang Pagpapakita ng Diyos ay Naghatid ng Isang Bagong Kapanahunan
Sanggunian na mga Sipi ng Sermon at Pagbabahagi:
Ipinapakita ng pagsalubong ng matatalinong dalaga sa Panginoon na ang kanilang karunungan ay pangunahing nasa pagkilala sa tinig ng Panginoon, na isang karunungan na hindi taglay ng mga hangal na dalaga. Isang simpleng bagay ba ang pagkilala sa tinig ng Panginoon? Kung umaapaw sa mga kuru-kuro at imahinasyon ang mga tao, magagapos at mapipigilan sila kapag narinig nila ang tinig ng Panginoon, at malamang na pagdududahan nila ang tinig ng Panginoon. Kapag naririnig ng matatalinong dalaga ang tinig ng Panginoon, nagagawa nilang isantabi ang kanilang mga kuru-kuro at imahinasyon; wala silang pagdududa na ito ang Panginoong nagsasalita, at sa gayong paraan ay nasasalubong nila ang Panginoon. Kaya nauunawaan ng mga nakakakilala sa tinig ng Panginoon ang mga espirituwal na bagay: Malinaw sa kanila ang pinagmulan ng tinig na ito, at kaya nilang makita na ito ang Espiritu ng Diyos na nagsasalita. Sapat na iyon, at ang kanilang mga kuru-kuro at imahinasyon ay hindi na nagiging isang malaking problema. Samantala, itinuturing ng mga hangal na dalaga ang kanilang mga kuru-kuro at imahinasyon bilang batayan ng kanilang mga desisyon, at itinuturing nila ang mga ito bilang ang katotohanan. Kahit na naririnig nila ang tinig ng Panginoon, itinatatwa nila ito, tinatanggihan ito, at kaya napapalampas nila ang pagkakataong masalubong ang Panginoon. Dito nabibigo ang mga hangal na dalaga. Kaya ano ang tinutukoy ng paghahanda ng matatalinong dalaga ng langis? Ito ay pangunahing tumutukoy sa masigasig na pakikinig sa tinig ng Panginoon, hindi napipigilan ng mga kuru-kuro at imahinasyon, at pagsalubong at pagtanggap sa Panginoon nang walang anumang pagdududa matapos matiyak na ito ang tinig ng Panginoon—ito ang pinakamahalaga. Sa pagsalubong sa Panginoon, maraming tao ang napipigilan ng mga kuru-kurong panrelihiyon. Para bang sila ay nakapagtatag na at nakasiguro ng isang modelo para sa pagbabalik ng Panginoon, at hindi nila isinasaalang-alang ang anumang bagay na salungat sa kanilang sariling mga kuru-kuro at imahinasyon. Napakahangal ng ganoong mga tao! Marami na ang nagsiyasat sa tunay na daan, ang nakabasa na ng mga salita ng Makapangyarihang Diyos at nakakilala na ang mga ito ang katotohanan, ngunit hindi tinatanggap na ang taong ito ang pagkakatawang-tao. Umaasta sila na eksaktong katulad ng pag-asta ng mga Fariseo sa Panginoong Jesus—sila ang mga pinakahangal na tao sa lahat. Ang mga kumikilala na ang mga salitang ito ang katotohanan matapos basahin ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos, na nakatitiyak na ang mga ito ang pagpapakita at gawain ng Diyos, at na tumatanggap na ang Makapangyarihang Diyos ang Tagapagligtas, ay ang pinakamatatalino sa lahat. Bakit sila natawag na matalino? Una, nagagawa nilang makilala ang lahat ng mga salita ng Diyos bilang katotohanan at tinig ng Diyos. Pangalawa, matapos mapagpasyahan na ang mga salita ng Diyos ang katotohanan at ang tinig ng Diyos, nagagawa nilang matukoy ang mga sinasabi ni Satanas bilang mga sabi-sabi at masasamang salita na kumokondena at sumasalungat sa Diyos, at itinatatwa, sa kabuuan, ang lahat ng salita na nagmumula kay Satanas, at nagtitiwala na ang Diyos lamang ang katotohanan. Ang mga ito ang pinakamatatalinong bagay tungkol sa matatalinong dalaga. Matapos nilang salubungin ang Panginoon, wala sa mga kasinungalingan at gawa-gawa ni Satanas ang maaaring luminlang sa kanila; nagtitiwala lamang sila sa Diyos, at kusang isinasantabi ang lahat para sumunod sa Diyos, sa gayong paraan ay ganap na tinutupad ang mga salita ng Panginoong Jesus: Sinalubong ng matatalinong dalaga ang Panginoon, ibig sabihin, sila ay naitaas sa harap ng trono ng Diyos.
—Ang Pagbabahagi mula sa Itaas