1. Pinatototohanan mo na ang Panginoong Jesus ay bumalik na, at Siya ay naging tao upang gampanan ang Kanyang gawain. Paano ito posible? Sinasabi sa Biblia: “Kayong mga lalaking taga-Galilea, bakit kayo’y nakatayong nakatingala sa langit? Ang kaparehong Jesus na ito, na kinuha mula sa inyo patungong langit, ay paparitong gaya rin ng inyong nakitang pagparoon Niya sa langit” (Mga Gawa 1:11). Nang matapos ng Panginoong Jesus ang gawain ng pagpapapako sa krus, Siya ay nagbangon mula sa mga patay at nagpakita sa Kanyang mga disipulo. Siya ay naging isang maluwalhating espirituwal na katawan at umakyat sa langit. Kapag nagbalik ang Panginoon, dapat Siyang magpakita sa atin bilang isang espirituwal na katawan na nagbangon mula sa mga patay. Bakit mo sinasabi na kailangang magkatawang-tao ng Diyos at magpakita at gumawa bilang Anak ng tao sa mga huling araw?
Mga Talata ng Biblia para Sanggunian:
“Kayo rin naman ay magsipaghanda: sapagkat sa oras na hindi ninyo iniisip, ang Anak ng tao ay darating” (Lucas 12:40).
“Sapagkat gaya ng kidlat, na kumikislap buhat sa isang panig ng silong ng langit, ay nagliliwanag hanggang sa kabilang panig ng silong ng langit; gayon din naman ang Anak ng tao sa Kanyang kaarawan. Datapwat kailangan muna Siyang magbata ng maraming bagay, at itakwil ng lahing ito” (Lucas 17:24–25).
“Ang Ama’y hindi humahatol sa kanino mang tao, kundi ipinagkaloob Niya sa Anak ang buong paghatol” (Juan 5:22).
At binigyan Siya ng awtoridad na humatol, sapagkat Siya’y Anak ng tao” (Juan 5:27).
Nauugnay na mga Salita ng Diyos:
Sinabi ni Jesus na Siya ay darating kung paano Siya umalis, ngunit nalalaman mo ba ang tunay na kahulugan ng Kanyang mga salita? Maaari kayang nasabi Niya sa pangkat ninyong ito? Nalalaman mo lamang na Siya ay darating kung paano Siya umalis, nakasakay sa isang ulap, ngunit nalalaman mo ba kung paano talaga ginagawa ng Diyos Mismo ang Kanyang gawain? Kung talaga ngang nakikita mo, paano maipaliliwanag ang mga salitang binigkas ni Jesus? Sinabi Niya: Kapag dumating ang Anak ng tao sa mga huling araw, Siya Mismo ay hindi makakaalam, hindi malalaman ng mga anghel, hindi malalaman ng mga sugo sa langit, at hindi malalaman ng buong sangkatauhan. Tanging ang Ama ang makakaalam, ibig sabihin, ang Espiritu lamang ang makakaalam. Maging ang Anak ng tao Mismo ay hindi nakaaalam, ngunit ikaw ay nakakikita at nakaaalam? Kung may kakayahan kang makaalam at makakita gamit ang iyong sariling mga mata, hindi ba’t ang pagbigkas ng mga salitang ito ay mawawalan ng kabuluhan? At ano ang sinabi ni Jesus nang panahong iyon? “Ngunit tungkol sa araw at oras na iyon walang taong makaaalam, kahit ang mga anghel sa langit, kahit ang Anak, kundi ang Aking Ama lamang. At tulad noong panahon ni Noe, magiging ganito rin ang pagparito ng Anak ng tao. … Kaya nga kayo’y magsihanda rin; sapagkat darating ang Anak ng tao sa oras na hindi ninyo naiisip.” Kapag dumating na ang araw na iyon, mismong ang Anak ng tao ay hindi ito malalaman. Ang Anak ng tao ay tumutukoy sa nagkatawang-taong laman ng Diyos, na isang normal at karaniwang tao. Maging ang Anak ng tao Mismo ay hindi alam, kaya paano mo malalaman? Sinabi ni Jesus na Siya ay darating kung paano Siya umalis. Kapag pumarito Siya, maging Siya Mismo ay hindi nakaaalam, kaya maaari ba Niyang ipaalam sa iyo nang mas maaga? Nakikita mo ba ang Kanyang pagdating? Hindi ba iyon isang biro?
—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Pangitain ng Gawain ng Diyos (3)
Nagkatawang-tao ang Diyos dahil ang layon ng Kanyang gawain ay hindi ang espiritu ni Satanas, o anumang bagay na walang katawan, kundi ang tao, na may laman at nagawa nang tiwali ni Satanas. Mismong dahil ang laman ng tao ay naging tiwali kaya ginawa ng Diyos ang tao na may laman bilang layon ng Kanyang gawain; higit pa rito, dahil ang tao ang layon ng katiwalian, ginawa ng Diyos ang tao na tanging layon ng Kanyang gawain sa lahat ng yugto ng Kanyang gawain ng pagliligtas. Ang tao ay isang mortal na nilalang, binubuo ng laman at dugo, at ang Diyos lamang ang Siyang makapagliligtas sa tao. Sa ganitong paraan, ang Diyos ay dapat maging isang katawang-tao na nagtataglay ng mga katangiang katulad ng sa tao upang magawa ang Kanyang gawain, upang matamo ng Kanyang gawain ang mas mahusay na mga epekto. Kailangang maging katawang-tao ang Diyos upang gawin ang Kanyang gawain dahil mismo ang tao ay sa laman, at walang kakayahang mapagtagumpayan ang kasalanan o palayain ang kanyang sarili sa laman.
—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Mas Kinakailangan ng Tiwaling Sangkatauhan ang Pagliligtas ng Diyos na Nagkatawang-tao
Ang pagliligtas ng Diyos sa tao ay hindi direktang ginagawa gamit ang pamamaraan ng Espiritu at pagkakakilanlan ng Espiritu, sapagkat ang Kanyang Espiritu ay hindi maaaring mahawakan o makita ng tao, at hindi Siya maaaring malapitan ng tao. Kung sinubukan Niyang direktang iligtas ang tao gamit ang perspektiba ng Espiritu, hindi makakamit ng tao ang Kanyang pagliligtas. Kung hindi isinuot ng Diyos ang panlabas na anyo ng isang nilikhang tao, hindi magkakaroon ang tao ng paraan para makamit ang kaligtasang ito. Sapagkat wala talagang paraan ang tao upang makalapit sa Kanya, katulad ng walang nakalapit sa ulap ni Jehova. Maaari lamang Niyang personal na maisagawa ang Salita sa lahat ng sumusunod sa Kanya sa pamamagitan ng pagiging isang nilikhang tao, ibig sabihin, sa pamamagitan lamang ng paglalagay ng Kanyang Salita sa Kanyang magiging katawang-tao. Sa ganitong paraan lamang maaaring personal na marinig at makita ng tao ang Kanyang Salita, at makamit pa nga ang Kanyang Salita, at sa pamamagitan nito ay ganap na mailigtas. Kung ang Diyos ay hindi naging tao, walang sinuman na may laman at dugo ang makakatanggap ng ganoon kadakilang kaligtasan, at wala ring kahit isang tao ang maliligtas. Kung ang Espiritu ng Diyos ay gumawa nang direkta sa gitna ng sangkatauhan, ang buong sangkatauhan ay hahampasin, o, ganap silang mabibihag ni Satanas dahil walang paraan ang tao na makalapit sa Diyos. Ang unang pagkakatawang-tao ay upang tubusin ang tao mula sa kasalanan, upang tubusin siya sa pamamagitan ng katawang-tao ni Jesus, na ang ibig sabihin ay iniligtas Niya ang tao mula sa krus, ngunit ang tiwaling satanikong disposisyon ng tao ay nanatili pa rin sa loob ng tao. Ang ikalawang pagkakatawang-tao ay hindi na upang magsilbing handog para sa kasalanan kundi upang lubos na iligtas ang mga tinubos mula sa kasalanan. Ito ay ginagawa upang ang mga pinatawad na ang mga kasalanan nila ay maaaring mapalaya sa kanilang mga kasalanan at lubos nang madalisay, at magkamit ng pagbabago sa disposisyon, at sa gayon ay makawala sila sa impluwensiya ng kadiliman ni Satanas at makakabalik sa harap ng luklukan ng Diyos. Tanging sa paraang ito maaaring lubos na mapabanal ang tao. Sinimulan ng Diyos ang gawain ng pagliligtas sa Kapanahunan ng Biyaya nang matapos na ang Kapanahunan ng Kautusan. Nagpatuloy ito hanggang sa mga huling araw, kung kailan ganap na dadalisayin ng Diyos ang sangkatauhan sa pamamagitan ng paghatol at pagkastigo sa tao dahil sa kanilang paghihimagsik. Pagkatapos nito ay saka lamang mawawakasan ng Diyos ang Kanyang gawain ng pagliligtas at makapagpapahinga ang Diyos. Samakatwid, sa tatlong yugto ng gawain, dalawang beses lamang nagkatawang-tao ang Diyos upang maisagawa Niya Mismo ang Kanyang gawain sa tao. Iyon ay dahil isa lamang sa tatlong yugto ng gawain ang aakay sa mga tao sa kanilang mga buhay, habang ang dalawa pang iba ay binubuo ng gawain ng pagliligtas. Sa pamamagitan lamang ng pagkakatawang-tao maaaring mamuhay ang Diyos na kasama ng tao, maranasan ang paghihirap ng mundo, at mamuhay sa isang normal na katawan ng laman. Sa ganitong paraan lamang Niya maaaring matustusan ang mga tao ng praktikal na Salita na kailangan nila bilang mga nilikha. Ang tao ay nakakatanggap ng lubos na kaligtasan mula sa Diyos sa pamamagitan ng pagkakatawang-tao ng Diyos, at hindi direktang mula sa langit bilang kasagutan sa kanyang mga panalangin. Ang tao ay may laman at dugo, walang paraan ang tao na makita ang Espiritu ng Diyos, at lalong hindi nito malalapitan ang Kanyang Espiritu, kaya ang tanging makakaugnayan ng tao ay ang nagkatawang-taong laman ng Diyos. Sa pamamagitan lamang nito mauunawaan ng tao ang lahat ng Salita at lahat ng katotohanan at matatanggap ang ganap na kaligtasan.
—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Hiwaga ng Pagkakatawang-tao (4)
Ang tanging dahilan na ang nagkatawang-taong Diyos ay pumarito sa katawang-tao ay dahil sa mga pangangailangan ng tiwaling tao. Dahil ito sa mga pangangailangan ng tao, hindi ng Diyos, at ang lahat ng Kanyang mga sakripisyo at paghihirap ay alang-alang sa sangkatauhan, at hindi para sa kapakanan ng Diyos Mismo. Para sa Diyos, walang mga bentaha at disbentaha o mga gantimpala; hindi Siya gagapas ng anumang ani sa hinaharap, kundi yaong orihinal nang nararapat sa Kanya. Ang lahat ng Kanyang ginagawa at mga sakripisyo para sa sangkatauhan ay hindi upang makapagkamit Siya ng malalaking pabuya, kundi lubos na alang-alang sa sangkatauhan. Bagama’t sangkot sa gawain ng Diyos sa katawang-tao ang mga paghihirap na di-mailarawan sa isip, ang mga bunga na nakakamit nito sa huli ay labis na lampas sa mga gawaing tuwirang ginagawa ng Espiritu. Ang gawain ng katawang-tao ay nagdudulot ng maraming paghihirap, at ang katawang-tao ay hindi makapagtataglay ng katulad na dakilang pagkakakilanlan tulad ng Espiritu, hindi Siya maaaring magsagawa ng mga katulad na kahima-himalang mga gawa tulad ng Espiritu, at higit na hindi Siya maaaring magtaglay ng katulad na awtoridad tulad ng Espiritu. Ngunit ang diwa ng gawaing ginagawa ng hamak na katawang-tao na ito ay lubhang nakahihigit sa gawain na tuwirang ginagawa ng Espiritu, at ang katawang-taong ito Mismo ang kasagutan sa mga pangangailangan ng buong sangkatauhan. Para sa mga ililigtas, ang halagang gamit ng Espiritu ay lubhang mas mababa kaysa sa halagang gamit ng katawang-tao: Nagagawa ng gawain ng Espiritu na sumaklaw sa buong sansinukob, sa lahat ng mga bundok, ilog, lawa, at karagatan, ngunit ang gawain ng katawang-tao ay higit na mabisang nauugnay sa bawat tao na nakakaugnayan Niya. Higit pa rito, ang katawang-tao ng Diyos na may nahahawakang anyo ay maaaring higit na maunawaan at mapagkatiwalaan ng tao, at lalo pang makapagpapalalim sa kaalaman ng tao sa Diyos, at makapag-iiwan sa tao ng mas malalim na impresyon ng mga praktikal na gawa ng Diyos. Nababalot sa hiwaga ang gawain ng Espiritu; mahirap para sa mga mortal na nilikha na hulaan ito, at higit na mahirap para sa kanila na makita, at kaya maaari lamang silang umasa sa mga walang-batayang imahinasyon. Gayunman, ang gawain ng katawang-tao ay normal at praktikal, at nagtataglay ng saganang karunungan, at ito ay isang katunayan na maaaring personal na makita ng mga mata ng mortal na tao; maaaring personal na mapahalagahan ng tao ang karunungan ng gawain ng Diyos, at hindi kailangan na gamitin ang kanyang masaganang imahinasyon. Ito ang katumpakan at praktikal na halaga ng gawain ng Diyos sa katawang-tao. Maaari lamang gumawa ang Espiritu ng mga bagay na hindi nakikita ng tao at mahirap para sa kanyang ilarawan sa isip, halimbawa, ang kaliwanagan ng Espiritu, ang pag-antig ng Espiritu, at ang gabay ng Espiritu, ngunit para sa tao na may isip, ang mga ito ay hindi nagbibigay ng anumang malinaw na kahulugan. Nagbibigay lamang ang mga ito ng isang pag-aantig, o ng isang halos katulad na kahulugan, at hindi maaaring magbigay ng isang tagubilin sa pamamagitan ng mga salita. Gayunman, ang gawain ng Diyos sa katawang-tao ay labis na naiiba: Nasasangkot dito ang tumpak na gabay ng mga salita, at may malilinaw na layunin, at malilinaw na hinihinging layon dito. At kaya’t ang tao ay hindi kailangang mag-apuhap sa paligid, o gamitin ang kanyang imahinasyon, lalo na ang manghula. Ito ang kalinawan ng gawain sa katawang-tao, at ang malaking pagkakaiba nito sa gawain ng Espiritu. Angkop lamang ang gawain ng Espiritu para sa isang limitadong saklaw, at hindi maaaring pumalit sa gawain ng katawang-tao. Ang mga tumpak na layon na hinihingi sa tao sa pamamagitan ng gawain ng katawang-tao, at ang praktikal na halaga ng kaalaman na natatamo ng tao sa pamamagitan ng gawaing ito, ay higit na nalalampasan ang katumpakan at praktikal na halaga ng gawain ng Espiritu. Para sa mga tiwaling tao, tanging ang gawain na nagbibigay ng tumpak na mga salita at malilinaw na layon na dapat hangarin, at nakikita at nahahawakan, ay ang pinakamahalagang uri ng gawain. Tanging ang makatotohanang gawain at napapanahong patnubay ang angkop sa panlasa ng tao, at tanging praktikal na gawain ang makapagliligtas sa tao mula sa kanyang tiwali at napakasamang disposisyon. Maaari lamang itong makamit ng Diyos na nagkatawang-tao; tanging ang Diyos na nagkatawang-tao ang makapagliligtas sa tao mula sa kanyang dating tiwali at napakasamang disposisyon. Bagama’t ang Espiritu ang likas na diwa ng Diyos, ang gawaing tulad nito ay maaari lamang gawin ng Kanyang katawang-tao. Kung ang Espiritu ay gumawa nang nag-iisa, hindi posible sa gayon na maging mabisa ang Kanyang gawain—ito ay isang payak na katotohanan.
—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Mas Kinakailangan ng Tiwaling Sangkatauhan ang Pagliligtas ng Diyos na Nagkatawang-tao
Bagama’t ang nagkatawang-taong laman ng Diyos ay malayong tumugma sa pagkakakilanlan at katayuan ng Diyos, at para sa tao ay tila hindi kaayon sa Kanyang tunay na katayuan, ang katawang-tao na ito, na hindi nagtataglay ng likas na wangis ng Diyos, o ng likas na pagkakakilanlan ng Diyos, ay maaaring gawin ang gawain na hindi nakakayang tuwirang gawin ng Espiritu ng Diyos. Gayon ang likas na kabuluhan at halaga ng pagkakatawang-tao ng Diyos, at ito ang kabuluhan at halaga na hindi mapahalagahan at makilala ng tao. Bagama’t lahat ng tao ay tumitingala sa Espiritu ng Diyos at hinahamak ang katawang-tao ng Diyos, paano man sila tumitingin o nag-iisip, malayong nahihigitan ng praktikal na kabuluhan at halaga ng katawang-tao ang sa Espiritu. Mangyari pa, tungkol lamang ito sa tiwaling sangkatauhan. Para sa lahat na naghahangad ng katotohanan at nananabik sa pagpapakita ng Diyos, ang gawain ng Espiritu ay makakapagbigay lamang ng pagkaantig o inspirasyon, at isang pagkaramdam ng pagkamangha na ang gawaing ito ay hindi maipaliliwanag at hindi lubusang maisip, at isang pagkaramdam na ito ay dakila, nakahihigit, at kahanga-hanga, ngunit hindi rin maaaring makamit at matamo ng lahat. Ang tao at ang Espiritu ng Diyos ay maaari lamang tumingin sa isa’t isa mula sa malayo, na tila ba may napakalawak na agwat sa kanilang pagitan, at sila kailanman ay hindi maaaring maging magkatulad, na tila ba ang tao at ang Diyos ay pinaghiwalay ng isang di-nakikitang pagitan. Sa katunayan, ito ay isang ilusyon na ibinibigay ng Espiritu sa tao, dahil ang Espiritu at ang tao ay hindi magkatulad ng uri at hindi kailanman magkasamang iiral sa parehong mundo, at dahil ang Espiritu ay hindi nagtataglay ng anuman sa tao. Kaya ang tao ay hindi nagtataglay ng pangangailangan sa Espiritu, sapagkat ang Espiritu ay hindi kayang tuwirang gawin ang pinakakinakailangan ng tao. Ang gawain ng katawang-tao ay nagbibigay sa tao ng praktikal na mga layunin upang hangaring matamo, malinaw na mga salita, at isang pakiramdam na Siya ay praktikal at normal, na Siya ay mapagpakumbaba at karaniwan. Bagama’t maaaring matakot ang tao sa Kanya, para sa karamihan ng mga tao Siya ay madaling makaugnay: Maaaring masdan ng tao ang Kanyang mukha, at marinig ang Kanyang tinig, at hindi niya kailangang tingnan mula sa malayo ang Diyos. Nararamdaman ng tao na madaling lapitan ang katawang-taong ito, hindi malayo; o di-maarok, bagkus ay nakikita at nahahawakan, dahil ang katawang-tao na ito ay nasa kaparehong mundo ng tao.
—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Mas Kinakailangan ng Tiwaling Sangkatauhan ang Pagliligtas ng Diyos na Nagkatawang-tao
Sapagkat ang tao ang siyang hinahatulan, ang tao ng laman at naging tiwali, at hindi ang espiritu ni Satanas ang tuwirang hinahatulan, ang gawain ng paghatol, kung gayon, ay hindi tinutupad sa espirituwal na mundo, kundi sa gitna ng tao. Walang sinuman ang mas angkop, at mas kalipikado, kaysa sa Diyos sa katawang-tao para sa gawain ng paghatol sa katiwalian ng laman ng tao. Kung ang paghatol ay tuwirang isinagawa ng Espiritu ng Diyos, kung gayon, hindi ito sasaklaw sa lahat, at, dagdag pa rito, ang tao ay mahihirapang tanggapin ito, sapagkat hindi magagawa ng Espiritu na lumapit nang harap-harapan sa tao. Dahil mismo sa puntong ito, hindi magiging agaran ang mga epekto, lalong hindi makikita ng tao nang malinaw ang hindi nalalabag na disposisyon ng Diyos. Lubusang magagapi lamang si Satanas kung hahatulan ng Diyos sa katawang-tao ang katiwalian ng sangkatauhan. Ang Diyos sa katawang-tao ay isa ring tao na may normal na pagkatao, at kaya Niyang tuwirang hatulan ang hindi pagiging matuwid ng tao; ito ang tatak ng Kanyang likas na kabanalan, at ng Kanyang pagiging katangi-tangi. Tanging ang Diyos ang kalipikado, at nasa katayuan na hatulan ang tao, sapagkat taglay Niya ang katotohanan, at pagiging matuwid, at kaya nagagawa Niyang hatulan ang tao. Yaong mga walang katotohanan at pagiging matuwid ay hindi nababagay na hatulan ang iba. Kung ginawa ng Espiritu ng Diyos ang gawaing ito, kung gayon ay hindi ito mangangahulugan ng tagumpay laban kay Satanas. Likas na higit na dakila ang Espiritu kaysa sa mga mortal na nilalang, at likas na banal ang Espiritu ng Diyos, at matagumpay laban sa laman. Kung tuwirang ginawa ng Espiritu ang gawaing ito, hindi Niya magagawang hatulan ang lahat ng pagiging mapaghimagsik ng tao at hindi makakayang ibunyag ang lahat ng hindi pagiging matuwid ng tao. Sapagkat ang gawain ng paghatol ay ginagawa rin sa pamamagitan ng mga kuru-kuro ng tao sa Diyos, at ang tao ay hindi kailanman nagkaroon ng anumang mga kuru-kuro sa Espiritu, at sa gayon ay hindi kaya ng Espiritu ang higit na mainam na pagbubunyag sa hindi pagiging matuwid ng tao, lalong hindi kaya ang lubusang paglalantad ng gayong hindi pagiging matuwid. Ang Diyos na nagkatawang-tao ay ang kaaway ng lahat ng hindi nakakakilala sa Kanya. Sa pamamagitan ng paghatol sa mga kuru-kuro at paglaban g tao sa Kanya, inilalantad Niya ang lahat ng pagiging mapaghimagsik ng sangkatauhan. Higit na malinaw ang mga epekto ng Kanyang gawain sa katawang-tao kaysa sa gawain ng Espiritu. At kaya, hindi tuwirang isinasagawa ng Espiritu ang paghatol sa lahat ng sangkatauhan, bagkus ay ang gawain ng Diyos na nagkatawang-tao. Makakayang makita at mahawakan ng tao ang Diyos sa katawang-tao, at ang Diyos sa katawang-tao ay makakayang ganap na lupigin ang tao. Ang tao ay umuusad mula sa paglaban sa Diyos patungo sa pagpapasakop sa Kanya, mula sa pag-uusig sa Kanya patungo sa pagtanggap sa Kanya, mula sa pagkakaroon ng mga kuru-kuro tungkol sa Kanya patungo sa pagkakilala sa Kanya, at mula sa pagtanggi sa Kanya patungo sa pagmamahal sa Kanya—ang mga ito ang mga epekto ng gawain ng Diyos na nagkatawang-tao. Naliligtas lamang ang tao sa pamamagitan ng pagtanggap ng Kanyang paghatol, unti-unti lamang na nakikilala Siya ng tao sa pamamagitan ng mga salita ng Kanyang bibig, nalulupig Niya ang tao sa panahon ng paglaban nito sa Kanya, at tumatanggap siya ng panustos ng buhay mula sa Kanya sa panahon ng pagtanggap ng Kanyang pagkastigo. Ang lahat ng gawaing ito ay ang gawain ng Diyos sa katawang-tao, at hindi ang gawain ng Diyos sa Kanyang pagkakakilanlan bilang Espiritu.
—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Mas Kinakailangan ng Tiwaling Sangkatauhan ang Pagliligtas ng Diyos na Nagkatawang-tao
Ang pinakadakilang kalakasan ng Kanyang gawain sa katawang-tao ay maaari Siyang mag-iwan ng tumpak na mga salita at mga panghihikayat, at ang Kanyang tumpak na mga layunin para sa sangkatauhan sa mga taong sumusunod sa Kanya, sa gayon pagkatapos, ang Kanyang mga tagasunod ay maaaring higit na tumpak at sa mas praktikal na mga termino ay maipasa ang lahat ng Kanyang mga gawain sa katawang-tao, at ang Kanyang mga layunin para sa buong sangkatauhan, sa mga tumatanggap sa ganitong daan. Tanging ang Diyos sa katawang-tao na gumagawa sa gitna ng tao ang tunay na ginagawang realidad ang pagsama ng Diyos sa tao at pamumuhay kasama ang tao, at tumutupad sa pagnanais ng tao na mamasdan ang mukha ng Diyos, masaksihan ang gawain ng Diyos, at marinig ang personal na salita ng Diyos. Winawakasan ng Diyos na nagkatawang-tao ang kapanahunan na likod lamang ni Jehova ang nagpakita sa sangkatauhan, at tinatapos din Niya ang kapanahunan ng pananampalataya ng sangkatauhan sa malabong diyos. Sa partikular, dinadala ng gawain ng huling Diyos na nagkatawang-tao ang buong sangkatauhan sa isang kapanahunan na higit na makatotohanan, higit na praktikal, at higit na maganda. Ang gawaing ito ay hindi lamang tinatapos ang kapanahunan ng kautusan at mga regulasyon ngunit ang higit na mahalaga, inihahayag nito sa sangkatauhan ang Diyos na praktikal at normal, na matuwid at banal, na nagbubukas sa gawain ng plano ng pamamahala at nagpapamalas ng mga misteryo at hantungan ng sangkatauhan, na lumikha sa sangkatauhan at winawakasan ang gawain ng pamamahala, at nanatiling nakatago sa loob ng libo-libong taon. Winawakasan nang lubusan ng gawaing ito ang kapanahunan ng kalabuan, tinatapos nito ang kapanahunan na ang ninais ng buong sangkatauhan ay hanapin ang mukha ng Diyos ngunit hindi nila nagawa, winawakasan nito ang kapanahunan kung kailan nagsilbi kay Satanas ang buong sangkatauhan, at ganap nitong inaakay ang buong sangkatauhan tungo sa isang ganap na bagong panahon. Lahat ng ito ay bunga ng gawain ng Diyos sa katawang-tao sa halip ng Espiritu ng Diyos. Kapag gumagawa ang Diyos sa Kanyang katawang-tao, saka lang ang mga taong sumusunod sa Kanya ay hindi na naghahanap at nag-aapuhap ng mga bagay na tila kapwa umiiral at di-umiiral, at tumitigil sa paghula sa mga layunin ng malabong diyos. Kapag pinalalaganap ng Diyos ang Kanyang gawain sa katawang-tao, ipapasa ng mga sumusunod sa Kanya ang gawain na Kanyang ginawa sa katawang-tao sa lahat ng mga relihiyon at denominasyon, at kanilang ipararating ang lahat ng Kanyang mga salita sa mga pandinig ng buong sangkatauhan. Ang lahat na naririnig ng mga yaong tumatanggap sa Kanyang ebanghelyo ay magiging mga katunayan ng Kanyang gawain, magiging mga bagay na personal na nakikita at naririnig ng tao, at magiging mga katunayan at hindi sabi-sabi. Ang mga katunayang ito ay ang katibayan na ginagamit Niya sa pagpapalaganap ng gawain, at ito rin ang mga kasangkapan na ginagamit Niya sa pagpapalaganap ng gawain. Kung wala ang pag-iral ng mga katunayan, ang Kanyang ebanghelyo ay hindi lalaganap sa lahat ng bansa at sa lahat ng lugar; kapag walang katunayan kundi pawang mga imahinasyon lamang ng tao, hindi Niya kailanman magagawa ang gawain ng panlulupig sa buong sansinukob. Ang Espiritu ay hindi nahahawakan ng tao, at di-nakikita ng tao, at ang gawain ng Espiritu ay hindi kayang mag-iwan para sa tao ng anumang karagdagang katibayan o anumang karagdagang katunayan ng gawain ng Diyos. Hindi kailanman makikita ng tao ang tunay na mukha ng Diyos, palagi siyang maniniwala sa isang malabong diyos na hindi umiiral. Hindi kailanman makikita ng tao ang tunay na mukha ng Diyos, ni hindi rin kailanman maririnig ng tao ang mga salita na personal na sinabi ng Diyos. Sadyang wala namang laman ang mga imahinasyon ng tao, at hindi mapapalitan ang tunay na mukha ng Diyos; ang likas na disposisyon ng Diyos, at ang gawain ng Diyos Mismo ay hindi magagaya ng tao. Ang di-nakikitang Diyos sa langit at ang Kanyang gawain ay maaari lamang dalhin sa lupa ng pagkakatawang-tao ng Diyos at pagparito Niya sa gitna ng tao para personal na gawin ang Kanyang gawain. Ito ang pinaka-ideyal na paraan para makapagpakita ang Diyos sa tao, kung saan nakikita ng tao ang Diyos at nakikilala ang tunay na mukha ng Diyos, at hindi ito matatamo ng isang Diyos na hindi nagkatawang-tao.
—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Mas Kinakailangan ng Tiwaling Sangkatauhan ang Pagliligtas ng Diyos na Nagkatawang-tao
Ang gawain ng Diyos sa katawang-tao ay dapat magawa sa katawang-tao. Kung tuwiran itong ginawa ng Espiritu ng Diyos, wala itong bisang ibubunga. Ginawa man ito ng Espiritu, walang magiging malaking kabuluhan ang gawain, at sa huli ay hindi makahihikayat. Nais ng lahat ng nilikha na malaman kung may kabuluhan ba ang gawain ng Lumikha, at kung ano ang kinakatawan nito, at sa anong kapakanan ginagawa ito, at kung puno ba ng awtoridad at karunungan ang gawain ng Diyos, at kung ito ba ay may sukdulang kahalagahan at kabuluhan. Ang gawain na ginagawa Niya ay para sa kaligtasan ng buong sangkatauhan, alang-alang sa paggapi kay Satanas, at para sa pagpapatotoo ng Kanyang sarili sa lahat ng bagay. Dahil diyan, dapat na may malaking kabuluhan ang gawain na ginagawa Niya. Ang laman ng tao ay nagawang tiwali ni Satanas, at ito ay lubhang nabulag at labis na napinsala. Ang pinakapangunahing dahilan kung bakit gumagawa ang Diyos nang personal sa katawang-tao ay dahil ang tao, na mula sa laman, ang layon ng Kanyang pagliligtas, at dahil ginagamit din ni Satanas ang laman ng tao upang guluhin ang gawain ng Diyos. Sa katunayan, ang pakikipaglaban kay Satanas ay ang gawain ng panlulupig sa tao, at kasabay nito, ang tao rin ang layon ng pagliligtas ng Diyos. Sa ganitong paraan, ang pagkakatawang-tao ng Diyos para gawin ang Kanyang gawain ay labis na kinakailangan. Ginawang tiwali ni Satanas ang laman ng tao, at naging pinakalarawan ni Satanas ang tao, at naging layon na gagapiin ng Diyos. Sa ganitong paraan, ang gawain ng pakikipaglaban kay Satanas at pagliligtas sa buong sangkatauhan ay nagaganap sa lupa, at dapat maging tao ang Diyos upang makipaglaban kay Satanas. Ito ang gawain na sukdulang praktikal. Kapag gumagawa ang Diyos sa katawang-tao, sa katunayan, nakikipaglaban Siya kay Satanas sa katawang-tao. Kung gumagawa Siya sa katawang-tao, ginagawa Niya ang Kanyang gawain sa espirituwal na mundo, at ginagawa Niyang tunay sa lupa ang kabuuan ng Kanyang gawain sa espirituwal na mundo. Tao ang nalulupig, tao na mapaghimagsik sa Kanya, at ang nagagapi ay ang pinakalarawan ni Satanas (mangyari pa, ito ay tao rin), na kaaway Niya, at tao rin ang naliligtas sa dakong huli. Sa ganitong paraan, higit pang kinakailangan para sa Diyos na maging isang tao na may panlabas na anyo ng isang nilikha, upang magawa Niya ang aktuwal na pakikipaglaban kay Satanas, upang malupig ang tao, na mapaghimagsik sa Kanya at nagtataglay ng panlabas na kaanyuan na katulad ng sa Kanya, at upang mailigtas ang tao, na may panlabas na kaanyuan na tulad Niya at napinsala na ni Satanas. Tao ang Kanyang kaaway, tao ang layon ng Kanyang paglupig, at tao, na nilikha Niya, ang layon ng Kanyang pagliligtas. Kaya’t dapat Siyang maging tao, at sa ganitong paraan, nagiging higit na madali ang Kanyang gawain—nagagawa Niyang gapiin si Satanas at lupigin ang sangkatauhan, at higit pa rito ay nagagawang iligtas ang sangkatauhan. … Napakahalaga sa sangkatauhan ng katawang-tao na ito sapagkat Siya ay tao at lalong higit ay Diyos, sapagkat nakakaya Niyang gawin ang gawain na hindi kaya ng karaniwang taong may laman, at dahil nakakaya Niyang magligtas ng tiwaling tao, na namumuhay kasama Niya sa lupa. Bagama’t Siya ay tao rin, ang Diyos na nagkatawang-tao ay higit na mahalaga sa sangkatauhan kaysa sa sinumang tao na may halaga, dahil nagagawa Niya ang gawain na hindi magagawa ng Espiritu ng Diyos, higit na may kakayahan kaysa sa Espiritu ng Diyos na magpatotoo sa Diyos Mismo, at higit na may kakayahan kaysa sa Espiritu ng Diyos na lubos na makamtan ang sangkatauhan. Bilang bunga, bagama’t normal at ordinaryo ang katawang-tao na ito, pagdating sa ambag Niya sa sangkatauhan at ang kahalagahan Niya sa pag-iral ng sangkatauhan, napakahalaga ng mga ito, at hindi masusukat ng sinumang tao ang aktuwal na halaga at kabuluhan ng katawang-tao na ito. Bagama’t hindi tuwirang mawawasak si Satanas ng katawang-tao na ito, magagamit Niya ang Kanyang gawain upang lupigin ang sangkatauhan at gapiin si Satanas, at gawin si Satanas na lubos na sumuko sa Kanyang kapamahalaan. Dahil ang Diyos ay nagkatawang-tao na kaya’t makakaya Niyang gapiin si Satanas at magagawang iligtas ang sangkatauhan. Hindi Niya tuwirang winawasak si Satanas, bagkus ay nagkakatawang-tao upang gawin ang gawain na lupigin ang sangkatauhan, na nagawang tiwali ni Satanas. Sa ganitong paraan, mas mahusay Siyang makapagpapatotoo sa Sarili Niya sa gitna ng Kanyang mga nilikha, at mas mahusay Niyang maliligtas ang tiwaling tao. Ang paggapi kay Satanas ng Diyos na nagkatawang-tao ay nagbibigay ng higit na malaking patotoo, at higit na mapanghikayat, kaysa sa tuwirang pagwasak ng Espiritu ng Diyos kay Satanas. Ang Diyos na nagkatawang-tao ay higit na kapaki-pakinabang para sa pagkilala ng tao sa Lumikha, at higit na magagawang magpatotoo sa Sarili Niya sa gitna ng mga nilikha Niya.
—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Mas Kinakailangan ng Tiwaling Sangkatauhan ang Pagliligtas ng Diyos na Nagkatawang-tao