7. Nasusulat ito sa Biblia, “Sapagka’t ang Panginoon din ang bababang mula sa langit, na may isang sigaw, may tinig ng arkanghel, at may pakakak ng Dios: at ang nangamatay kay Cristo ay unang mangabubuhay na maguli” (1 Tesalonica 4:16). Pinatototohanan mo na ang Panginoong Jesus ay nagbalik na, ngunit hindi namin narinig ang sigaw, o ang tinig ng arkanghel, o ang pakakak ng Diyos, ni hindi namin nakita ang mga namatay na banal na muling nabuhay. Kaya paano mapatutunayan na ang Panginoon ay bumalik na?

Sagot:

Tama bang husgahan mo kung nagbalik na ang Panginoon batay sa mga salita ni Pablo sa Biblia na nagsasabing, “Sapagka’t ang Panginoon din ang bababang mula sa langit, na may isang sigaw, may tinig ng arkanghel, at may pakakak ng Dios: at ang nangamatay kay Cristo ay unang mangabubuhay na maguli” (1 Tesalonica 4:16)? Isang malinaw na katotohanan na naglalaman ang Biblia ng mga salita ng Diyos, ng mga salita ng tao, at maging ng mga salita ng diyablong si Satanas. Pagdating sa pagsalubong sa Panginoon, bakit hindi mo sinusunod ang mga salita ng Diyos, bagkus ay sinusunod mo ang mga salita ng tao? Naniniwala ka ba na ang mga salita ng tao ay ang lahat ng katotohanan? At na ang lahat ng ito ay umaayon sa katotohanan? Ang mga salitang binabanggit mo ay binigkas ni Pablo. Si Pablo ay isang tao, hindi siya Diyos, kaya paano magagamit ang kanyang mga salita bilang batayan ng pagsalubong sa Panginoon? Ang mga salita lamang ng Diyos ang maaaring magbigay ng batayan ng mga bagay na may kinalaman sa pagbabalik ng Panginoon. Walang batayan na mas tumpak kaysa sa mga propesiyang personal na sinabi ng Panginoong Jesus, dahil ang mga salita lamang ng Diyos ang katotohanan. Hindi taglay ng tao ang katotohanan, at kahit na ang kanyang mga salita ay binigyang-liwanag at tinanglawan ng Banal na Espiritu, ang mga ito ay hindi katotohanan, lalong hindi dapat ituring at sundin bilang ang katotohanan. Kaya ano ang sinabi ng Panginoong Jesus tungkol sa Kanyang pagbabalik? Sinabi ng Panginoong Jesus, “Nguni’t tungkol sa araw at oras na yaon walang makakaalam, kahit ang mga anghel sa langit, kahit ang Anak, kundi ang Ama lamang(Mateo 24:36). Sinabi ito ng Panginoong Jesus nang may ganap na kalinawan at pagkadirekta. Walang nakakaalam kung kailan babalik ang Panginoon, kahit na ang mga anghel sa langit o ang nagkatawang-taong Anak ng tao Mismo. Ang Ama lamang—ang Banal na Espiritu—ang nakakaalam. At sa kasong ito, sa pagsalubong sa Panginoon, ang pinakatumpak na bagay na gawin ay ang maghanap at magsiyasat batay lamang sa mga salita ng Panginoong Jesus. Wala sa mga propesiya ng tao ang tumpak, lalong hindi maaaring magsilbi ang mga ito bilang anumang uri ng batayan. Kaya sinasabi ba ng mga salita ng Panginoong Jesus na babalik Siya nang may sigaw, nang may tinig ng arkanghel, at nang may trumpeta ng Diyos, at na ang mga patay ay babangon? Hindi. At kaya ang iyong konklusyon, batay sa mga salita ni Pablo, na ang Panginoon ay hindi pa nagbalik dahil hindi pa nangyayari ang mga kababalaghan na ito—ay lubos na katawa-tawa.

Sinasalubong natin ang pagbabalik ng Panginoon batay sa mga salita ng Panginoon. Sinabi ng Panginoon, “Narito, Ako’y pumaparitong gaya ng magnanakaw(Pahayag 16:15). “Kayo rin naman ay mangagsihanda: sapagka’t sa oras na hindi ninyo iniisip, ang Anak ng tao ay darating(Lucas 12:40). “Narito Ako’y nakatayo sa pintuan at tumutuktok: kung ang sinoman ay duminig ng Aking tinig at magbukas ng pinto, Ako’y papasok sa kaniya, at hahapong kasalo niya, at siya’y kasalo Ko(Pahayag 3:20). “Sapagka’t gaya ng kidlat, na pagkislap buhat sa isang panig ng silong ng langit, ay nagliliwanag hanggang sa kabilang panig ng silong ng langit; gayon din naman ang Anak ng tao sa Kaniyang kaarawan. Datapuwa’t kailangan muna Siyang magbata ng maraming bagay at itakuwil ng lahing ito(Lucas 17:24–25). Malinaw ang mga salita ng Panginoon: Pumaparito Siya sa oras na hindi inaasahan ng tao at ipinahahayag ang katotohanan sa ilalim ng mga pangyayaring hindi alam ng sinumang tao o anghel, na nagiging sanhi para marinig ng mga hinirang na tao ng Diyos ang tinig ng Diyos. Kung kailan naririnig ng hinirang na mga tao ng Diyos ang tinig ng Diyos at nakikilala ang Panginoon ay ang oras na itinaas sila sa harap ng trono ng Diyos. Ang mga taong ito na itinaas ang nagsisimulang magpatotoo na ang Panginoon ay nagbalik at na nagpakita Siya at nagsimulang gumawa, sa gayong paraan ay tinutupad ang propesiya ng Panginoong Jesus: “Datapuwa’t pagkahating gabi ay may sumigaw, Narito, ang kasintahang lalake! Magsilabas kayo upang salubungin siya(Mateo 25:6). Ang pagsalubong sa pagdating ng Panginoon ay ganoon lang kasimple. Ito ay ganap na nakabatay sa mga propesiya ng Panginoong Jesus, at hindi ito mali ni kaunti; hindi kailangan ng mga tao na magtuon sa pakikinig sa isang sigaw, sa tinig ng arkanghel, o sa trumpeta ng Diyos, o sa pagkakataong makita na bumabangon ang mga patay—ang lahat ng iyon ay katawa-tawa. Mayroon lamang isang batayan para sa patunay ng pagbabalik ng Panginoon, iyon ay ang pagkarinig sa tinig ng Diyos, at ang pagkakita ng mga tao na ang mga salitang ipinahayag ng Diyos ay ang katotohanan, at ang tinig ng Diyos—ito ang pinakamahusay na patunay. Kung hindi mo iyon pinaniniwalaan, tingnan ang lahat ng mga salitang ipinahayag ng Makapangyarihang Diyos gamit ang iyong sariling mga mata. Kung kinikilala mong ang mga ito ay ang tinig ng Diyos, at tinatanggap mo ang mga ito, kung gayon ay isa kang matalinong dalaga na nakarinig sa tinig ng Panginoon at sumalubong sa Panginoon. Tulad ng sinasabi ng Makapangyarihang Diyos, “Siya na Diyos na nagkatawang-tao ay magtataglay ng diwa ng Diyos, at Siya na Diyos na nagkatawang-tao ay magtataglay ng pahayag ng Diyos. Dahil ang Diyos ay naging tao, ilalahad Niya ang gawaing layon Niyang gawin, at dahil ang Diyos ay naging tao, ipapahayag Niya kung ano Siya, at magagawa Niyang ihatid ang katotohanan sa tao, pagkalooban siya ng buhay, at ituro ang daan para sa kanya. Ang katawang-tao na walang diwa ng Diyos ay tiyak na hindi ang Diyos na nagkatawang-tao; walang duda ito. Kung layon ng tao na magsiyasat kung ito ang katawang-tao ng Diyos, kailangan niyang patunayan ito mula sa disposisyon na Kanyang ipinapahayag at sa mga salitang Kanyang sinasambit. Ibig sabihin, patunayan kung ito nga ang katawang-tao ng Diyos o hindi, at kung ito nga ang tunay na daan o hindi, kailangan itong matukoy batay sa Kanyang diwa. Kaya nga, sa pagtukoy kung ito ang katawan ng Diyos na nagkatawang-tao, ang sagot ay nasa Kanyang diwa (Kanyang gawain, Kanyang mga pagbigkas, Kanyang disposisyon, at maraming iba pang aspeto), sa halip na sa panlabas na anyo(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Paunang Salita). Maaari ka ring maghintay hanggang sa makita mo ang katotohanan ng gawain ng Diyos na nagpeperpekto sa isang grupo ng mga tao para maging mga mananagumpay at ng katuparan ng bawat isa sa mga salita ng Makapangyarihang Diyos. Ngunit kung maghihintay ka hanggang sa araw na iyon para tanggapin ang Makapangyarihang Diyos, magiging huli na, at lantaran nang nagpakita ang Diyos sa panahong iyon.

Sinundan: 6. Nabasa natin ang marami sa mga salita ng Makapangyarihang Diyos. Nagtataglay ang mga ito ng awtoridad at kapangyarihan, at tunay na tinig ng Diyos ang mga ito. Gayunpaman sinasabi ng mga pastor at elder na sa Biblia ay nasusulat ito, “Ako’y namamangha na kay dali ninyong nagsilipat sa ibang evangelio buhat sa tumawag sa inyo sa biyaya ni Cristo; Na ito’y hindi ibang evangelio: kundi mayroong ilan na sa inyo’y nagsisiligalig, at nangagiibig na pasamain ang evangelio ni Cristo. Datapuwa’t kahima’t kami, o isang anghel na mula sa langit, ang mangaral sa inyo ng anomang evangelio na iba sa aming ipinangangaral sa inyo, ay matakuwil” (Galacia 1:6–8). Sumusunod sa mga salitang ito na sinalita ni Paul, sinasabi ng mga pastor at nakatatanda na ang aming paniniwala sa Makapangyarihang Diyos ay naglalayo sa pangalan ng Panginoong Jesus, at sa daan ng Panginoong Jesus. Sinasabi nila na naniniwala kami sa ibang ebanghelyo, at ito ay pagtalikod, isang pagtataksil sa Panginoon. Bagaman nararamdaman namin na mali ang sinasabi nila, hindi namin masasabi nang sigurado kung sa anong paraan sila mali. Mangyaring magbahagi sa amin tungkol dito.

Sumunod: 8. Naniniwala kami na ang paghahanda ng langis ng matatalinong dalaga ay tumutukoy sa pagiging taimtim sa pagdarasal, sa pagbabasa ng mga Kasulatan, at sa pagdalo sa pagpupulong, masigasig na paggawa para sa Panginoon, at mapagbantay na paghihintay sa pagbabalik ng Panginoon. Ito ang ibig sabihin ng pagiging isang matalinong dalaga, at kapag bumalik na ang Panginoon, dapat nating salubungin ang kasintahang lalake at dumalo sa piging ng Cordero.

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

Tanong 10: Matagal na akong nagtatrabaho para sa United Front, at napag-aralan ko na ang iba’t ibang relihiyon. Ang Kristiyanismo, Katolisismo at Eastern Orthodoxy ay pawang mga relihiyong orthodox na nananalig kay Jesus. Pero ibang-iba ang pananalig n’yo sa Makapangyarihang Diyos. Ayon sa mga dokumento ng CCP, ang Makapangyarihang Diyos ay ni hindi kabilang ng Kristiyanismo. Nangangaral kayo ng ebanghelyo sa iba’t ibang sekta sa ilalim ng Kristiyanismo na hindi kayo kinikilalang Kristiyano. Kaya hinding-hindi ko kayo papayagang manalig sa Makapangyarihang Diyos. Maaari lang kayong manalig sa Kristiyanismo kung gusto nyo. Mas magaan ang pagpapahirap ng gobyerno sa ganitong paraan. Kung maaresto at mabilanggo kayo dahil sa pananalig sa Makapangyarihang Diyos, manganganib ang buhay n’yo. Nakita na ng CCP na lahat ng nananalig sa Makapangyarihang Diyos ay walang salang mga alagad ni Cristo sa mga huling araw na mga disipulo at apostol ni Cristo. Ang lubhang pinangangambahan ng CCP ay ang mga pahayag at patotoo sa aklat na Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao na ipinahayag ni Cristo sa mga huling araw, pati na ang matatag na grupong sumusunod kay Cristo sa mga huling araw. Napag-aralan na namin ang kasaysayan ng Kristiyanismo. Ang lubhang pinangambahan ng imperyong Romano ay ang mga disipulo at apostol ni Jesus. Kaya nang hulihin ang mga taong ito, pinagpapatay sila sa iba’t ibang pamamaraan. Ngayon, kung hindi ginawa ang mga hakbang na ito para supilin at lubos na ipagbawal ang grupong ito ng mga tao na sumusunod sa Cristo ng mga huling araw, ilang taon pa lang, mapapailalim sa kanila ang lahat ng iba’t ibang relihiyon. Sa ngayon, ang ilang pangunahing grupong Kristiyano sa China ay napailalim na ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos. Kung hindi inimbento ng CCP ang ilang opinyon ng publiko at nagpakana ng Kaso sa Zhaoyuan, darating siguro ang araw na mapapailalim ang iba’t ibang relihiyon sa mundo sa Iglesia ng Makapangyarihang Diyos. Kapag napailalim sa Iglesia ng Makapangyarihang Diyos ang lahat ng iba’t ibang relihiyon, lubhang makakasama ’yan sa pamamahala ng CCP. Sa gayon, matatag ang determinasyon ng Central Committee na gamitin ang lahat ng puwersa para lubos na ipagbawal ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos sa loob ng maikling panahon. Dapat n’yong malaman, ang paglitaw ng Kidlat ng Silanganan ay hindi lamang nabalita sa China, malaking balita rin ito sa mundo. Dahil gumawa kayo ng napakalaking hakbang, paanong hindi galit na maglulunsad ng malakihang pagsupil at pag-aresto ang CCP laban sa inyo? Kung kailangan n’yong maniwala sa Diyos, maaari lang kayong manalig sa Kristiyanismo. Talagang bawal kayong manalig sa Makapangyarihang Diyos. Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos ay hindi kabilang ng Kristiyanismo, hindi n’yo ba alam ’yan?

Sagot: Kasasabi n’yo lang ng mismong dahilan kaya sinusupil ng CCP ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos. Pero hindi ba n’yo alam kung...

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito