Bakit Kailangan ng Diyos ng Tatlong Yugto ng Gawain para Iligtas ang Sangkatauhan?

Disyembre 25, 2021

Bakit Kailangan ng Diyos ng Tatlong Yugto ng Gawain para Iligtas ang Sangkatauhan?

Alam nating lahat na 2,000 taon na ang nakararaan, nagpakita at gumawa ang Panginoong Jesus sa Judea para tubusin ang sangkatauhan, at nangaral ng “Mangagsisi kayo: sapagkat malapit na ang kaharian ng langit(Mateo 4:17). Ipinahayag Niya ang maraming katotohanan at inilantad ang maraming tanda at himala, na yumanig sa bansa ng Judea. Nakita ng nakatataas na mga lider ng Judaismo kung gaano kalaki ang awtoridad at kapangyarihan ng gawain at mga salita ng Panginoong Jesus, at lagi Siyang nadaragdagan ng mga alagad. Nadama ng mga lider na ito na banta ang gawain ni Jesus sa kanilang katayuan, kaya naghanap sila ng mga bagay na magagamit laban sa Kanya, nag-imbento ng mga tsismis at kasinungalingan, kinokondena si Jesus, at pinigilan ang mga tao na sundan Siya. Dahil si Jesus ang Anak ng Tao at wala sa anyong espiritu, lalo silang nawalan ng pakundangan at hindi masawata. Pagmamalabis daw sa batas ang Kanyang gawain at mga salita kaya nila Siya hibang na kinondena at hinabol, at ipinapako sa krus. Dahil diyan, isinumpa at pinarusahan sila ng Diyos, na nagwasak sa bansang Israel sa loob ng 2,000 taon. Ngayo’y nagbalik na si Jesus sa mga huling araw bilang Makapangyarihang Diyos na nagkatawang-tao, nagpapahayag ng mga katotohanan at gumagawa ng gawain ng paghatol simula sa sambahayan ng Diyos upang lubos na linisin at iligtas ang sangkatauhan. Nabasa na ng mga nasasabik sa pagpapakita ng Diyos mula sa lahat ng denominasyon ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos, nakilala nila ang tinig ng Diyos, at bumaling sa Makapangyarihang Diyos. Ngunit hindi ito matanggap ng maraming lider ng relihiyon. Iniwan na ng kanilang mabuting tupa ang kawan at nanganganib ang kanilang katayuan at pamumuhay, na hindi nila mapapayagan. Nag-iimbento sila ng lahat ng uri ng kasinungalingan para itanggi at tuligsain ang pagpapakita at gawain ng Makapangyarihang Diyos, ginagawa nila ang lahat ng magagawa nila para iligaw ang mga mananampalataya at pigilan silang siyasatin ang tunay na daan. Sinasabi nila na tinubos na ng Panginoong Jesus ang sangkatauhan at tapos na ang gawain ng pagliligtas ng Diyos, at irarapture Niya ang mga mananampalataya pagdating Niya. Wala nang gawain ng pagliligtas. Isinisigaw pa nila: “Kapag dumating ang Panginoon at hindi tayo dinala sa kaharian, hindi talaga Siya ang Panginoon! Ang Panginoon sa katawang-tao na gumagawa ng gawain ng paghatol ay hindi talaga maaaring ang Panginoon! Panginoon lamang iyon, ang Panginoong pinaniniwalaan natin, kung nirapture Niya tayo!” Lalo na kapag nakikita nila na wala sa anyong espiritu ang Makapangyarihang Diyos, kundi isang regular na Anak ng Tao, nagiging mas suwail sila at kinokondena at nilalapastangan nila Siya nang mas matindi. Sumasanib pa sila sa mga puwersa ng Partido Komunista para dakpin ang mga mananampalatayang nagbabahagi ng ebanghelyo. Sa kanilang mga kilos, muli nilang naipako ang Diyos sa krus. Isipin ninyo ito. Bakit tinatanggihan, isinusumpa, at nilalabanan ng relihiyosong mundo ang bawat hakbang ng gawain ng Diyos? Ito ay dahil lubhang nagawang tiwali ni Satanas ang sangkatauhan. Lahat ay may satanikong kalikasan; lahat ay namumuhi sa katotohanan at sawa na rito. Ang isa pang dahilan ay hindi nauunawaan ng mga tao ang gawain ng Diyos, kaya itinuturing nilang mas simple ang gawain ng Diyos na iligtas ang sangkatauhan kaysa sa kung ano talaga ito. Alam natin na naniwala ang mga Israelita na kapag nagawa na ang gawain ng Diyos sa Kapanahunan ng Kautusan, kailangan lang nilang sundin ang kautusan at ligtas na sila, at kapag dumating ang Mesiyas, tuwiran silang iaakyat sa kaharian. At ano ang nangyari? Dumating ang Panginoong Jesus at ipinako Siya ng mga Judio sa krus. Inakala ng mga tao sa Kapanahunan ng Biyaya na sa pagtubos ni Jesus, pinatawad na ang kanilang mga kasalanan at ligtas na sila, nang tuluyan, kaya dapat silang tuwirang iakyat sa kaharian pagbalik ng Panginoon. At ano ang nangyari? Dumating na ang Makapangyarihang Diyos at muli Siyang ipinako sa krus ng relihiyosong mundo na kaalyado ng rehimen ni Satanas. Iniisip nila na kapag natapos na ng Panginoong Jesus ang Kanyang gawain, tapos na ang gawain ng pagliligtas ng Diyos. Ngunit totoo nga ba iyon?

Katunayan, bawat hakbang ng gawaing ginagawa ng Diyos ay matagal nang naunang naipropesiya. Nang dumating si Jesus para sa gawain ng pagtubos, naipropesiya na ng mga propeta ang Kanyang pagdating. “Isang dalaga ang maglilihi, at manganganak ng isang lalaki, at tatawagin ang Kanyang pangalan na Emmanuel(Isaias 7:14). “Sapagkat sa atin ay ipinanganak ang isang bata, sa atin ay ibinigay ang isang anak na lalaki; at ang pamamahala ay maaatang sa Kanyang balikat: at ang Kanyang pangalan ay tatawaging Kamangha-mangha, Tagapayo, Ang makapangyarihang Diyos, Ang walang-hanggang Ama, Ang Prinsipe ng Kapayapaan(Isaias 9:6). At para sa gawain ng paghatol ng Diyos sa mga huling araw, napakaraming propesiya sa biblia, hindi ito kukulangin sa 200. Tingnan kung ano ang sinabi ng Panginoong Jesus: “Siya na nagtatakwil sa Akin, at hindi tumatanggap sa Aking mga salita, ay mayroong isang hahatol sa kanya: ang salitang Aking sinalita, ay siyang sa kanya’y hahatol sa huling araw(Juan 12:48). “Sapagkat ang Ama’y hindi humahatol sa kanino mang tao, kundi ipinagkaloob Niya sa Anak ang buong paghatol(Juan 5:22). At sa Aklat ni Pedro: “Sapagkat dumating na ang panahon ng pasimula ng paghuhukom sa bahay ng Diyos(1 Pedro 4:17). Sinumang interesado sa gawain ng Diyos ay makakakita ng batayan nang napakadali, sa gayo’y hindi nila igigiit nang may labis na kapusukan at katatagan na ipako ang Diyos sa krus. Ito lamang ay nagpapakita na kung gaano katinding nagawang tiwali ni Satanas ang sangkatauhan. Lahat ng tao ay may satanikong kalikasan, at tama lang sabihin na ang mga tao ay mga kaaway ng Diyos. Nakita na nating lahat ang katotohanang ito: Mula sa Kapanahunan ng Kautusan hanggang sa pagtubos ni Jesus sa Kapanahunan ng Biyaya, at ngayon sa mga huling araw, na ginagawa ng Makapangyarihang Diyos ang gawain ng paghatol sa katawang-tao para tapusin ang gawain sa mga kapanahunang ito, malinaw na ang gawain ng Diyos na iligtas ang sangkatauhan ay binubuo ng eksaktong tatlong yugto. Kaya bakit kinakailangang isagawa ang Kanyang gawain ng pagliligtas sa tatlong yugto? Ito ay isang bagay na hindi maarok ng mga tao, na nauwi sa paglaban at pagkondena ng marami sa gawain ng Diyos. Mabigat ang mga kinahinatnan nito. Kaya nga ang isyung sinisiyasat natin ngayon ay ang dahilan ng pagsasagawa ng Diyos ng tatlong hakbang ng gawain.

Sa mga huling araw, naihayag ng gawain ng Makapangyarihang Diyos ang lahat ng hiwaga ng Kanyang plano ng pamamahala. Basahin natin ang isang sipi ng mga salita ng Makapangyarihang Diyos para mas maunawaan natin ito. Sabi ng Makapangyarihang Diyos, “Ang 6,000 taong gawain ng pamamahala ng Diyos ay nahahati sa tatlong yugto: ang Kapanahunan ng Kautusan, ang Kapanahunan ng Biyaya, at ang Kapanahunan ng Kaharian. Ang tatlong yugtong ito ng gawain ay para lahat sa kapakanan ng pagliligtas sa sangkatauhan, na ang ibig sabihin, ang mga iyon ay para sa pagliligtas sa sangkatauhan na labis na natiwali ni Satanas. Gayunpaman, kasabay nito, ang mga iyon ay para rin maaaring makagawa ang Diyos ng pakikipagdigma kay Satanas. Kaya, kung paanong ang gawain ng pagliligtas ay nahahati sa tatlong yugto, gayundin ang pakikipagdigma kay Satanas ay nahahati rin sa tatlong yugto, at ang dalawang aspetong ito ng gawain ng Diyos ay sabay na pinatatakbo. Ang pakikipagdigma kay Satanas ay talagang para sa kapakanan ng pagliligtas sa sangkatauhan, at dahil sa ang gawain ng pagliligtas sa sangkatauhan ay hindi isang bagay na matagumpay na natatapos sa iisang yugto, ang pakikipagdigma kay Satanas ay hinahati rin sa mga bahagi at yugto, at isinasagawa ang pakikipagdigma kay Satanas alinsunod sa mga pangangailangan ng tao at sa lawak ng pagtiwali ni Satanas sa kanya. … May tatlong yugto sa gawain ng pagliligtas sa tao, na ang ibig sabihin na ang pakikipagdigma kay Satanas ay hinati sa tatlong yugto upang minsanan at ganap nang magapi si Satanas. Ngunit ang katotohanang nakapaloob sa buong gawain ng pakikipagdigma kay Satanas ay yaong ang mga epekto nito ay natatamo sa pamamagitan ng ilang hakbang ng gawain: pagkakaloob ng biyaya sa tao, pagiging handog sa kasalanan ng tao, pagpapatawad sa mga kasalanan ng tao, paglupig sa tao, at paggawang perpekto sa tao” (Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Pagpapanumbalik ng Normal na Buhay ng Tao at Pagdadala sa Kanya sa Isang Kamangha-manghang Hantungan). Nakikita natin na ang gawain ng pagliligtas ng Diyos ay nangyayari sa tatlong yugto. Iyon ay ang gawain ng Diyos na si Jehova sa Kapanahunan ng Kautusan, ang pagtubos ng Panginoong Jesus sa Kapanahunan ng Biyaya, at ang gawain ng paghatol ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw sa Kapanahunan ng Kaharian. Ang tatlong yugtong ito ng gawain ang bumubuo sa buong gawain ng pagliligtas ng Diyos, at ganito inililigtas ng Diyos ang sangkatauhan mula sa mga puwersa ni Satanas, nang paisa-isang hakbang, kaya maaari tayong lubos na matamo ng Diyos. Malalim ang kabuluhan sa likod ng bawat hakbang. Lahat ng ito ay kailangang-kailangang gawain sa plano ng pamamahala ng Diyos para iligtas ang sangkatauhan, at kritikal na mga bahagi ng proseso ng pagliligtas sa tiwaling sangkatauhan mula sa kasalanan at mga puwersa ni Satanas.

Ang kasunod naman ay gusto kong ilarawan nang kaunti ang tatlong yugto ng gawain ng Diyos batay sa sarili Niyang mga salita. Una pag-usapan natin ang unang hakbang ng gawain ng Diyos para sa ikaliligtas ng tao: gawain sa Kapanahunan ng Kautusan. Alam nating lahat na bago isinagawa ng Diyos ang Kanyang gawain para sa Kapanahunan ng Kautusan, walang kamuwang-muwang ang mga tao. Hindi nila alam kung paano sambahin ang Diyos o paano mamuhay sa lupa. Palagi silang nagkakasala at lumalabag sa Diyos, at ni hindi nila alam kung ano ang kasalanan. Para matulungan ang mga tao na ilayo ang kanilang sarili sa kasalanan at mamuhay nang wasto, sinimulan ng Diyos ang Kanyang gawain sa Kapanahunan ng Kautusan. Basahin natin ang isang sipi ng mga salita ng Diyos tungkol dito. “Noong Kapanahunan ng Kautusan, naglatag si Jehova ng maraming mga utos kay Moises upang ipasa sa mga Israelitang sumunod sa kanya palabas ng Ehipto. Ang mga utos na ito ay ibinigay ni Jehova sa mga Israelita, at walang kaugnayan sa mga taga-Ehipto; nilayon ang mga ito upang pigilan ang mga Israelita, at ginamit Niya ang mga utos upang gumawa ng mga kahilingan sa kanila. Kung nangilin man sila sa Araw ng Kapahingahan, kung iginalang man nila ang kanilang mga magulang, kung sinamba man nila ang mga diyos-diyosan, at iba pa—ito ang mga prinsipyong ginagamit para hatulan silang makasalanan o matuwid. Sa kanila, mayroong ilang tinamaan ng apoy ni Jehova, mayroong ilang binato hanggang kamatayan, at mayroong ilang tumanggap ng pagpapala ni Jehova, at tinukoy ito ng pagsunod nila o hindi pagsunod sa mga utos na ito. Binato hanggang kamatayan yaong mga hindi nangilin sa Araw ng Kapahingahan. Ang mga paring hindi nangilin sa Araw ng Kapahingahan ay tinamaan ng apoy ni Jehova. Binato rin hanggang kamatayan ang mga hindi nagpakita ng paggalang sa mga magulang nila. Inihabilin ni Jehova ang lahat ng ito. Itinatag ni Jehova ang Kanyang mga kautusan at mga batas Niya upang, habang pinangungunahan Niya sila sa mga buhay nila, ang mga tao ay makikinig at susunod sa salita Niya at hindi maghihimagsik sa Kanya. Ginamit Niya ang mga kautusang ito upang mapanatili sa ilalim ng pagsupil ang bagong silang na sangkatauhan, upang mas mainam na mailatag ang sandigan para sa panghinaharap Niyang gawain. At kaya, batay sa gawain na ginawa ni Jehova, tinawag ang unang kapanahunan na Kapanahunan ng Kautusan” (Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Gawain sa Kapanahunan ng Kautusan). Sa Kapanahunan ng Kautusan, naglabas ang Diyos na si Jehova ng maraming batas at mga kautusan, na nagtuturo sa sangkatauhan kung paano sambahin ang Diyos at paano mamuhay. Ang mga sumunod sa kautusan ay natamo ang proteksyon at mga pagpapala ng Diyos, samantalang ang mga lumabag sa kautusan ay kinailangang mag-alay ng mga sakripisyo para mapatawad ang kanilang mga kasalanan. Kung hindi naman ay haharap sila sa kaparusahan at pagsumpa ng Diyos. Ang mga tao sa Kapanahunan ng Kautusan ay personal na nalalaman ang pagiging matuwid at poot ng Diyos, ang Kanyang disposisyon na hindi malalabag, at alam nila ang Kanyang awa at mga pagpapala. Kaya nga takot ang lahat sa Diyos na si Jehova at sumunod sa Kanyang batas at mga kautusan. Taglay nila ang proteksyon ng Diyos at namumuhay nang wasto sa lupa. Ngayo’y pag-isipan natin ito nang kaunti: Kung hindi ginawa ng Diyos ang Kanyang gawain sa Kapanahunan ng Kautusan, ano kaya ang nangyari sa sangkatauhan? Kung hindi sa mga paghihigpit o patnubay ng Diyos, nasadlak sana ang buong sangkatauhan sa ganap na kaguluhan at naagaw ni Satanas. Ang pagbibigay ng Diyos ng kautusan sa sangkatauhan ay napakahalagang gawain! Ang Kanyang gawain sa Kapanahunan ng Kautusan ay nagturo sa tao kung ano ang kasalanan, at kung ano ang pagiging matuwid, at ipinakita nito sa tao na ang pagkakasala ay nangangailangan ng sakripisyo para magbayad-sala. Ang unang yugto ng gawain ng Diyos ay hindi lamang inihatid ang sangkatauhan sa tamang landas sa kanilang buhay, kundi inihanda at binuksan nito ang daan para sa gawain ng pagtubos sa Kapanahunan ng Biyaya.

Sa bandang huli ng Kapanahunan ng Kautusan, buong sangkatauhan ay lubos na nagawang tiwali ni Satanas kaya mas lalo silang nagkasala, at hindi na sila mapigilan ng kautusan. Wala silang sapat na mga sakripisyo para sa kanilang kasalanan, kaya naharap sila sa pagkondena at pagpaparusa sa ilalim ng kautusan, lahat ay nananawagan sa Diyos sa kanilang pasakit. Kaya nga, personal na naging tao ang Diyos bilang ang Panginoong Jesus at isinagawa ang gawain ng pagtubos, na nagpasimula sa Kapanahunan ng Biyaya at nagwakas sa Kapanahunan ng Kautusan. Basahin natin ang iba pang mga salita ng Makapangyarihang Diyos. “Noong Kapanahunan ng Biyaya, dumating si Jesus upang tubusin ang buong sangkatauhang makasalanan (hindi lamang ang mga Israelita). Nagpakita Siya ng awa at mapagmahal na kabaitan sa tao. Ang Jesus na nakita ng tao sa Kapanahunan ng Biyaya ay puno ng mapagmahal na kabaitan at laging mapagmahal sa tao, sapagkat naparito Siya upang iligtas ang sangkatauhan mula sa kasalanan. Nagawa Niyang patawarin ang mga tao sa kanilang mga kasalanan hanggang sa ganap na tubusin ng pagpapako sa Kanya sa krus ang sangkatauhan mula sa kasalanan. Sa panahong ito, nagpakita ang Diyos sa tao na may awa at mapagmahal na kabaitan; ibig sabihin, naging isa Siyang handog dahil sa kasalanan para sa tao at ipinako sa krus para sa mga kasalanan ng tao, upang sila ay mapatawad magpakailanman” (Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ginagawang Ganap ng Dalawang Pagkakatawang-tao ang Kabuluhan ng Pagkakatawang-tao). “Kung wala ang pagtubos ni Jesus, nabuhay na sana ang sangkatauhan sa kasalanan magpakailanman at naging mga anak ng kasalanan, mga inapo ng mga demonyo. Kung nagpatuloy ito, naging lupain na sana ni Satanas ang buong mundo, ang lupaing tirahan nito. Gayunman, ang gawain ng pagtubos ay nangailangan ng pagpapakita ng awa at kagandahang-loob sa sangkatauhan; sa pamamagitan lamang nito maaaring tumanggap ng kapatawaran ang sangkatauhan at sa huli ay magkaroon ng karapatang magawang ganap at lubos na makamit ng Diyos. Kung wala ang yugtong ito ng gawain, hindi na sana sumulong ang anim-na-libong-taong plano ng pamamahala. Kung hindi ipinako si Jesus sa krus, kung nagpagaling lamang Siya ng mga maysakit at nagpalayas ng mga demonyo, hindi sana lubusang mapapatawad ang mga tao sa kanilang mga kasalanan. Sa tatlo’t kalahating taon na ginugol ni Jesus sa paggawa ng Kanyang gawain sa lupa, natapos lamang Niya ang kalahati ng Kanyang gawain ng pagtubos; pagkatapos, sa pagpapapako sa Kanya sa krus at pagiging kawangis ng makasalanang laman, sa pagpapasa sa Kanya roon sa masamang isa, natapos Niya ang gawain ng pagpapapako sa krus at napangibabawan ang tadhana ng sangkatauhan. Pagkatapos na ibigay Siya sa mga kamay ni Satanas, saka lamang Niya natubos ang sangkatauhan. Sa loob ng tatlumpu’t tatlo at kalahating taon na nagdusa Siya sa lupa, tinuya, siniraang-puri, at tinalikuran, maging hanggang sa punto na wala Siyang mahimlayan ng Kanyang ulo, walang lugar na mapagpahingahan, at kalaunan ay ipinako Siya sa krus, pati na ang Kanyang buong pagkatao—isang banal at walang-salang katawan—ay ipinako sa krus. Tiniis Niya ang lahat ng klase ng pagdurusa. Tinuya Siya at nilatigo ng mga nasa kapangyarihan, at dinuraan pa Siya ng mga sundalo sa mukha; datapuwat Siya ay nanatiling tahimik at nagtiis hanggang wakas, na sumusunod nang walang pasubali hanggang kamatayan, pagkatapos niyon ay tinubos Niya ang buong sangkatauhan. Noon lamang Siya tinulutang makapagpahinga. Ang gawaing ginawa ni Jesus ay kumakatawan lamang sa Kapanahunan ng Biyaya; hindi ito kumakatawan sa Kapanahunan ng Kautusan, ni hindi ito panghalili sa gawain ng mga huling araw. Ito ang diwa ng gawain ni Jesus sa Kapanahunan ng Biyaya, ang ikalawang kapanahunan na napagdaanan ng sangkatauhan—ang Kapanahunan ng Pagtubos” (Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Totoong Kwento sa Likod ng Gawain sa Kapanahunan ng Pagtubos). Noong namuhay si Jesus na kasama natin, nangaral Siya na “Mangagsisi kayo: sapagkat malapit na ang kaharian ng langit(Mateo 4:17). Itinuro niya sa tao na mangumpisal at magsisi, mahalin ang iba tulad sa ating sarili, patawarin ang iba nang pitumpu’t pitong beses, mahalin ang Diyos nang buong puso, kaluluwa, at isipan natin, sambahin ang Diyos sa espiritu at sa katotohanan, at iba pa. Ipinakita ng mga salita ni Jesus sa mga tao kung ano ang kalooban ng Diyos at binigyan sila ng malinaw na layunin at direksyon sa kanilang pananampalataya. Ito ay isang hakbang na higit sa mga pagpipigil ng kautusan at mga panuntunan. Nagpakita rin Siya ng maraming tanda at himala, nagpagaling ng maysakit, nagpalayas ng mga demonyo, at nagpatawad ng mga kasalanan. Puno Siya ng pagpaparaya at tiyaga. Nadarama ng lahat ang pag-ibig at awa ng Diyos, nakikita ang Kanyang pagiging kaibig-ibig, at mas napapalapit sa Diyos. Sa huli, ipinako sa krus ang Panginoong Jesus, na nagsilbing walang-hanggang handog para sa kasalanan, na tuluyang nagpapatawad sa ating mga kasalanan. Pagkatapos niyon, kinailangan lang mangumpisal at magsisi ng mga tao sa Panginoon para mapatawad sa kanilang mga kasalanan at hindi na sila kokondenahin at parurusahan sa ilalim ng kautusan. Nagawa nilang humarap sa Diyos sa panalangin at magtamasa ng kapayapaan, galak, at saganang mga pagpapalang ipinagkaloob ng Panginoon. Malinaw na ang gawain ng pagtubos ni Jesus ay naging isang malaking pagpapala sa sangkatauhan, na nagtutulot sa atin na patuloy na mabuhay at umunlad hanggang ngayon.

Kaya nga, yamang natapos ng Panginoong Jesus ang Kanyang gawain at natubos na tayo mula sa mga kuko ni Satanas, ibig bang sabihin niyan ay tapos na ang gawain ng pagliligtas ng Diyos? Ibig bang sabihin nito ay hindi na natin kailangan ang gawain ng pagliligtas ng Diyos? Ang sagot ay: Hindi. Hindi pa tapos ang gawain ng Diyos. Kailangan pa rin ng sangkatauhan ang isa pang hakbang ng gawain ng pagliligtas ng Diyos. Tinubos ng Panginoong Jesus ang tao at pinatawad ang ating mga kasalanan, ngunit hindi pa nalulutas ang ating likas na pagiging makasalanan. Pinakikilos tayo ng ating likas na pagiging makasalanan, na laging namumuhay sa katiwalian. Hindi natin mapigilang magsinungaling at magkasala sa lahat ng oras. Sinusuway at nilalabanan natin ang Panginoon, at hindi natin maisagawa ang Kanyang mga salita. Namumuhay tayong lahat sa isang siklo ng paggawa ng kasalanan, pangungumpisal, at paggawa muli ng kasalanan, sa masakit na pagpupunyagi laban sa kasalanan. Walang sinumang makakatakas sa mga gapos at pagkontrol ng kasalanan. Kaya talaga bang madadala sa kaharian ang mga taong hindi maiwasang magkasala nang walang paghatol at paglilinis? Talagang hindi. Ang Diyos ay isang banal na Diyos. “Kung walang kabanalan, walang taong makakakita sa Panginoon(Mga Hebreo 12:14). Hinding-hindi papayagan ng Diyos ang mga maaari pa ring magkasala at lumaban sa Kanya na makapasok sa Kanyang kaharian. Kaya nga ipinropesiya ng Panginoon na paparito Siyang muli pagkatapos Niyang matapos ang Kanyang gawain ng pagtubos. Ang pagbalik ng Panginoong Jesus ay para lubos na malutas ang likas na pagiging makasalanan ng tao, para iligtas tayo mula sa kasalanan upang maging banal tayo at makapasok sa kaharian ng Diyos. Tulad ng sabi ng Panginoong Jesus, “Mayroon pa Akong maraming bagay na sa inyo ay sasabihin, ngunit ngayon ay hindi ninyo mangatitiis. Gayon ma’y kung Siya, ang Espiritu ng katotohanan ay dumating, ay papatnubayan Niya kayo sa buong katotohanan(Juan 16:12–13). “Gawin Mo silang banal sa pamamagitan ng Iyong katotohanan: ang salita Mo’y katotohanan(Juan 17:17). Ipinropesiya rin sa Pahayag: “Sinasabi niya nang may malakas na tinig, ‘Matakot kayo sa Diyos, at magbigay kaluwalhatian sa Kanya; sapagkat dumarating ang panahon ng Kanyang paghatol’(Pahayag 14:7). Nakikita natin na nagpapahayag ang Panginoong Jesus ng mga katotohanan at gumagawa ng gawain ng paghatol sa Kanyang pagbalik, inaakay ang tao na makapasok sa lahat ng katotohanan. Iyan ang lubos na pagliligtas sa sangkatauhan mula sa kasalanan at mga puwersa ni Satanas, inaakay tayo sa kaharian ng Diyos. Ito ay isang hakbang ng gawaing ipinlano ng Diyos noong unang panahon at ang huling hakbang sa plano ng pamamahala ng Diyos. Basahin natin ang ilan sa mga salita ng Makapangyarihang Diyos para mas maunawaan ang aspetong ito ng katotohanan.

Sabi ng Makapangyarihang Diyos, “Bagama’t maraming gawaing ginawa si Jesus sa tao, kinumpleto lamang Niya ang pagtubos sa buong sangkatauhan at naging handog dahil sa kasalanan ng tao; hindi Niya inalis ang lahat ng tiwaling disposisyon ng tao. Ang lubos na pagliligtas sa tao mula sa impluwensya ni Satanas ay hindi lamang kinailangan ni Jesus na maging handog dahil sa kasalanan at pasanin ang mga kasalanan ng tao, kundi kinailangan din ng Diyos na gumawa ng mas malaki pang gawain upang ganap na alisin sa tao ang kanyang maka-Satanas na tiwaling disposisyon. Kaya nga, ngayong napatawad na ang tao sa kanyang mga kasalanan, nagbalik na ang Diyos sa katawang-tao upang akayin ang tao tungo sa bagong kapanahunan, at sinimulan ang gawain ng pagkastigo at paghatol. Ang gawaing ito ay naghatid sa tao sa isang mas mataas na dako. Lahat ng nagpapasakop sa Kanyang kapamahalaan ay magtatamasa ng mas mataas na katotohanan at tatanggap ng mas malalaking pagpapala. Tunay silang mabubuhay sa liwanag, at matatamo nila ang katotohanan, ang daan, at ang buhay” (Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Paunang Salita).

Sa pamamagitan ng handog para sa kasalanan, ang tao ay napatawad sa kanyang mga kasalanan, sapagkat ang gawain ng pagpapapako sa krus ay dumating na sa katapusan at ang Diyos ay nanaig laban kay Satanas. Ngunit ang tiwaling disposisyon ng tao ay nananatili pa rin sa loob niya at ang tao ay maaari pa ring magkasala at labanan ang Diyos, at hindi pa nakamit ng Diyos ang sangkatauhan. Kung kaya sa yugtong ito ng gawain ay ginagamit ng Diyos ang salita upang ibunyag ang tiwaling disposisyon ng tao, na nagsasanhi sa kanyang magsagawa alinsunod sa tamang landas. Ang yugtong ito ay mas makahulugan kaysa nauna at mas mabunga rin, dahil sa ngayon ang salita ang direktang nagtutustos sa buhay ng tao at nagbibigay-daan upang ang disposisyon ng tao ay ganap na mapanibago; ito ay isang yugto ng gawain na mas masusi. Samakatuwid, nakumpleto ng pagkakatawang-tao sa mga huling araw ang kabuluhan ng pagkakatawang-tao ng Diyos at ganap na tumapos sa plano ng pamamahala ng Diyos para sa kaligtasan ng tao” (Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Hiwaga ng Pagkakatawang-tao 4).

Ang Cristo ng mga huling araw ay gumagamit ng iba’t ibang katotohanan para maturuan ang tao, para ibunyag ang diwa ng tao, at suriin ang kanyang mga salita at gawa. Ang mga salitang ito ay binubuo ng iba’t ibang katotohanan, gaya ng tungkulin ng tao, paano dapat sundin ng tao ang Diyos, paano dapat maging tapat ang tao sa Diyos, paano dapat isabuhay ng tao ang normal na pagkatao, gayundin ang karunungan at disposisyon ng Diyos, at iba pa. Ang mga salitang ito ay nakatuon lahat sa diwa ng tao at sa kanyang tiwaling disposisyon. Partikular na, yaong mga salitang naglalantad kung paano tinatanggihan ng tao ang Diyos ay sinasabi patungkol sa kung paano kinakatawan ng tao si Satanas, at naging puwersa ng kaaway laban sa Diyos. Sa pagsasakatuparan ng Kanyang gawain ng paghatol, hindi lamang basta nililinaw ng Diyos ang likas na pagkatao ng tao sa iilang salita lamang; inilalantad, pinakikitunguhan, at tinatabas Niya nang pangmatagalan. Ang lahat ng ganitong mga pamamaraan ng paglalantad, pakikitungo, at pagpupungos ay hindi maaaring mahalinhan ng mga ordinaryong salita, kundi ng katotohanang hindi man lang taglay ng tao. Ang ganitong klaseng mga pamamaraan lamang ang matatawag na paghatol; sa pamamagitan lamang ng ganitong uri ng paghatol masusupil ang tao at makukumbinsi nang husto tungkol sa Diyos, at bukod pa riyan ay makamtan ang tunay na pagkakilala sa Diyos. Ang idinudulot ng gawain ng paghatol ay ang pagkaunawa ng tao sa tunay na mukha ng Diyos at sa katotohanan tungkol sa kanyang sariling pagkasuwail. Ang gawain ng paghatol ay nagbibigay-daan sa tao na magtamo ng malawak na pagkaunawa sa kalooban ng Diyos, sa layunin ng gawain ng Diyos, at sa mga hiwagang hindi niya maunawaan. Tinutulutan din nito ang tao na makilala at malaman ang kanyang tiwaling diwa at ang mga ugat ng kanyang katiwalian, gayundin para matuklasan ang kapangitan ng tao. Ang mga epektong ito ay bunga lahat ng gawain ng paghatol, sapagkat ang diwa ng gawaing ito ay ang mismong gawain ng pagbubukas ng katotohanan, ng daan, at ng buhay ng Diyos sa lahat ng may pananampalataya sa Kanya. Ang gawaing ito ay ang gawain ng paghatol na ginagawa ng Diyos” (Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ginagawa ni Cristo ang Gawain ng Paghatol sa Pamamagitan ng Katotohanan).

Ang pagbasa rito ay nagpapakita sa atin kung bakit ginagawa ng Diyos ang gawain ng paghatol sa mga huling araw. Ang gawain ng pagtubos ng Panginoong Jesus ay pinatawad lang tayo sa ating mga kasalanan, ngunit nakabaon pa rin nang malalim ang ating likas na pagiging makasalanan. Kailangan natin ang Diyos na magsabi ng higit pang mga katotohanan at gumawa ng hakbang ng gawain ng paghatol para lubos na malinis at mailigtas ang sangkatauhan. Ibig sabihin, ang gawain ng pagtubos ng Panginoong Jesus ay nagbukas lamang ng daan para sa gawain ng paghatol ng Diyos sa mga huling araw, na siyang pinakasusi at pinakasentrong bahagi ng buong gawain ng pagliligtas ng Diyos. Iyon din ang tanging daan natin para lubos na maligtas at makapasok sa kaharian. Kapag tapos na ang hakbang na ito ng gawain, malilinis ang mga tiwaling disposisyon ng tao at titigil tayong magkasala at lumaban sa Diyos. Magagawa nating tunay na magpasakop sa Diyos at mahalin Siya, at lubos na matatapos ang gawain ng Diyos na iligtas ang sangkatauhan. Iyon ang magiging katapusan ng 6,000-taon na plano ng pamamahala ng Diyos. Nagpakita at nagsimulang gumawa ang Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw, na tumapos sa Kapanahunan ng Biyaya at nagpasimula sa Kapanahunan ng Kaharian. Naipahayag na Niya ang lahat ng katotohanang kailangan para linisin at lubos na iligtas ang sangkatauhan, hindi lamang inihahayag ang lahat ng hiwaga ng plano ng pamamahala ng Diyos, kundi hinahatulan at inilalantad din ang lahat ng satanikong kalikasan at disposisyong sumasalungat sa Diyos, at inihahayag ang lahat ng ating haka-haka tungkol sa Diyos at ang ating mga maling ideya sa ating pananampalataya. Nabigyan na din Niya tayo ng landas para matakasan ang kasalanan at lubos na maligtas, at iba pa. Napakahalaga ng mga salita ng Makapangyarihang Diyos! Lahat ng ito ay realidad ng katotohanan na kailangang taglayin ng mga tao para madalisay at lubos na maligtas, at mga salita ito na hinding-hindi binigkas sa Kapanahunan ng Kautusan o sa Kapanahunan ng Biyaya. Ito ang Diyos na naghahatid sa atin ng landas tungo sa buhay na walang hanggan sa mga huling araw. Marami sa hinirang na mga tao ng Diyos na sumailalim na sa Kanyang paghatol ang nakakita na sa katotohanan ng kanilang katiwalian at kanilang satanikong kalikasan na lumalaban sa Diyos, nagtamo na ng tunay na pagkaunawa sa disposisyon ng Diyos na matuwid at hindi nalalabag, at nagkaroon ng pagpipitagan sa Diyos. Sa huli ay napalaya sila mula sa mga gapos ng kasalanan at namumuhay na tulad ng tunay na tao. Lahat sila ay may kamangha-manghang patotoo na napalaya sila mula sa kasalanan at nagtagumpay laban kay Satanas. Alam ng lahat ng hinirang na mga tao ng Diyos na talagang ang gawain ng paghatol ng Diyos sa mga huling araw ang Kanyang panghuling pagliligtas sa sangkatauhan! Kung hindi sa gawaing ito ng paghatol, hinding-hindi natin makikita ang katotohanan ng ating sariling katiwalian, hinding-hindi natin malalaman ang ugat ng ating sariling kasalanan, at hinding-hindi natin malilinis at mababago ang ating mga tiwaling disposisyon. Nakumpleto na ng Makapangyarihang Diyos ang isang grupo ng mga mananagumpay bago sumapit ang mga kalamidad at laganap na ang Kanyang ebanghelyo ng kaharian sa buong mundo. Ipinapakita ng mga tunay na pangyayari na lubos nang natalo ng Makapangyarihang Diyos si Satanas at natamo na Niya ang buong kaluwalhatian, at natapos na ang Kanyang 6,000-taong plano ng pamamahala. Nagsimula na ang malalaking kalamidad, at lahat ng masasamang tao na lumalaban sa Diyos ay parurusahan at pupuksain sa mga kalamidad, samantalang ang mga sumasailalim sa paghatol at nililinis ay poprotektahan ng Diyos sa gitna ng mga kalamidad. Pagkatapos ay magkakaroon ng bagong langit at lupa—Ang kaharian ni Cristo ay makikita sa lupa, at ang mga naiwan ay magiging mga tao ng Diyos na mabubuhay magpakailanman sa kaharian ng Diyos at magtatamasa ng Kanyang mga pagpapala at ng Kanyang naipangako. Talagang tinutupad nito ang mga propesiya sa Pahayag na: “Ang kaharian ng sanlibutan ay naging sa ating Panginoon, at sa Kanyang Cristo: at Siya’y maghahari magpakailan-kailanman(Pahayag 11:15). “At narinig ko ang isang malakas na tinig na mula sa luklukan, na nagsasabi, Narito, ang tabernakulo ng Diyos ay nasa mga tao, at Siya’y mananahan sa kanila, at sila’y magiging mga bayan Niya, at ang Diyos din ay sasakanila, at magiging Diyos nila: At papahirin Niya ang bawat luha sa kanilang mga mata; at hindi na magkakaroon ng kamatayan; hindi na magkakaroon pa ng dalamhati, o ng pananambitan man, o ng hirap pa man: ang mga bagay nang una ay naparam na(Pahayag 21:3–4).

Sa puntong ito nakikita natin kung gaano kahalaga at kapraktikal ang tatlong hakbang ng gawain ng Diyos! Bawat isa ay para lutasin ang problema ng kasalanan ng tao at kumpletuhin ang isang layunin. Iyon ay ang iligtas ang sangkatauhan mula sa kapangyarihan ni Satanas at mula sa kasalanan, nang paisa-isang hakbang, upang makapasok tayo sa kaharian ng Diyos at tumanggap ng Kanyang mga pangako at pagpapala. Bawat yugto ng gawain ay nakaugnay sa kasunod, at bawat hakbang ay nakabatay sa pundasyon ng huling hakbang, mas malalim at mataas kaysa sa huli. Lubha silang magkaugnay, hindi mapaghihiwalay, at hindi gagana kung wala ang iba. Tingnan ninyo, kung wala ang gawain sa Kapanahunan ng Kautusan, walang sinumang makakaalam kung ano ang kasalanan, at tatapakan tayong lahat ni Satanas, na namumuhay sa kasalanan. Aagawin tayo ni Satanas, at papatayin. Kung wala ang gawain ng pagtubos sa Kapanahunan ng Biyaya, daranas ng kaparusahan ang sangkatauhan sa napakaraming pagkakasalang nagawa nila at hindi na sana tayo umabot hanggang sa araw na ito. Kaya paano kung hindi ginawa ng Diyos ang gawain ng paghatol sa mga huling araw? Kung wala ito hinding-hindi natin matatakasan ang mga gapos ng kasalanan o hindi tayo magiging marapat na pumasok sa kaharian ng langit. Mapupuksa tayo sa pagiging labis na makasalanan. Malinaw na kung wala ang kahit isa sa tatlong hakbang na ito ng gawain, mapapasakamay ni Satanas ang sangkatauhan at hinding-hindi sila maliligtas nang lubusan. Ang tatlong yugtong ito ng gawain ang bumubuo sa buong plano ng pamamahala ng Diyos sa pagliligtas ng Diyos sa tao. Bawat hakbang ay mas kritikal pa nga kaysa sa huli, at lahat ng ito ay maingat na ipinlano ng Diyos para iligtas ang sangkatauhan. Lubos nitong ipinapakita sa atin ang dakilang pag-ibig at pagliligtas ng Diyos sa sangkatauhan at ipinapakita sa atin ang Kanyang karunungan at pagiging makapangyarihan sa lahat. Tulad ng sinasabi ng Makapangyarihang Diyos, “Ang Aking buong plano ng pamamahala, ang anim-na-libong-taong plano ng pamamahala, ay binubuo ng tatlong yugto, o tatlong kapanahunan: ang Kapanahunan ng Kautusan sa simula; ang Kapanahunan ng Biyaya (na siya ring Kapanahunan ng Pagtubos); at ang Kapanahunan ng Kaharian sa mga huling araw. Ang Aking gawain sa tatlong kapanahunang ito ay nagkakaiba sa nilalaman ayon sa katangian ng bawat kapanahunan, ngunit sa bawat yugto angkop ang gawaing ito sa mga pangangailangan ng tao—o, para mas malinaw, ginagawa ito ayon sa mga panlilinlang na ginagamit ni Satanas sa Aking pakikidigma laban dito. Ang layunin ng Aking gawain ay upang talunin si Satanas, upang ipakita ang Aking karunungan at walang-hanggang kapangyarihan, upang ilantad ang lahat ng panlilinlang ni Satanas, at sa gayon ay mailigtas ang buong lahi ng tao, na nabubuhay sa ilalim ng sakop ni Satanas. Ito ay upang ipakita ang Aking karunungan at walang-hanggang kapangyarihan, at ibunyag ang di-mabatang pagiging kakila-kilabot ni Satanas; higit pa riyan, ito ay upang tulutan ang mga nilalang na makilala kung alin ang mabuti at masama, upang makilala na Ako ang Pinuno ng lahat ng bagay, upang makita nang malinaw na si Satanas ay kaaway ng sangkatauhan, ang tiwali, ang siyang masama, at upang masabi nila, nang may lubos na katiyakan, ang pagkakaiba sa pagitan ng mabuti at masama, katotohanan at kasinungalingan, kabanalan at karumihan, at kung ano ang dakila at ano ang hamak. Sa gayon ay makakaya ng mangmang na sangkatauhan na magpatotoo sa Akin na hindi Ako ang nagtitiwali sa sangkatauhan, at Ako lamang—ang Lumikha—ang makapagliligtas sa sangkatauhan, ang maaaring magkaloob sa tao ng mga bagay na makasisiya sa kanila; at malalaman nila na Ako ang Pinuno ng lahat ng bagay at si Satanas ay isa lamang sa mga nilalang na Aking nilikha at na paglaon ay kinalaban Ako. Ang Aking anim-na-libong-taong plano ng pamamahala ay nahahati sa tatlong yugto, at nagsisikap Akong makamit ang epekto ng pagbibigay-kakayahan sa Aking mga nilalang na magpatotoo sa Akin, at maunawaan ang Aking kalooban, at malaman na Ako ang katotohanan” (Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Totoong Kwento sa Likod ng Gawain sa Kapanahunan ng Pagtubos).

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

Sino ang Nag-iisang Tunay na Diyos?

Mismo sino ang tunay na Diyos? Ito ay isang tanong na nakalilito sa maraming tao. Basahin ang artikulong ito para malaman kung sino ang nag-iisang tunay na Diyos.