Sino ang Makapagliligtas sa Sangkatauhan at Makababago nang Lubusan sa Ating Tadhana?

Oktubre 6, 2021

Kapag binanggit ang tadhana, karamihan ng tao ay itinuturing na magkapareho ang pagkakaroon ng pera at katayuan, at ang pagiging matagumpay at may magandang tadhana, at iniisip na ang mahihirap, ang nakakubli, ‘yong mga dumaranas ng kalamidad at paghihirap, na minamaliit, ay may masamang tadhana. Kaya para mabago ang kanilang tadhana, masigasig nilang hinahangad ang kaalaman, umaasa na makakatulong ito sa kanila na magkamit ng kayamanan at katayuan, at sa gayon ay mabago ang kanilang kapalaran. Talaga bang ang pagkakaroon ng pera, katayuan, at tagumpay sa buhay ay nangangahulugang pagkakaroon ng isang magandang tadhana? Talaga bang ang pagdanas ng kalamidad at kasawian ay nangangahulugang pagkakaroon ng isang masamang tadhana? Walang mahusay na pagkaunawa tungkol dito ang karamihan ng tao at masidhi pa rin nilang hinahangad ang kaalaman para mabago ang kanilang kapalaran. Pero maaari bang mabago ng kaalaman ang tadhana ng isang tao? Sino ba talaga ang makapagliligtas sa sangkatauhan at lubusang makababago sa ating tadhana? Pag-aralan natin ang tanong na ito ngayon.

Sa pang-araw-araw na buhay, nakikita natin na ang maraming nagkakamit ng kaalaman ay puwede ring magkamit ng pera at katayuan. Masagana sila sa buhay at maaari pa ngang maging tanyag o pinupuri. Matagumpay at kilalang-kilala, mukhang mayroon silang napakagandang tadhana. Pero totoo ba ‘yon? Sa totoo ba’y masaya sila? Maaaring mayroon silang kapangyarihan at impluwensiya at mukhang tanyag, pero mayroon pa rin silang pagkaramdam ng kahungkagan at pagdurusa, at nawawala ang kanilang siklab para sa buhay. Ang ilan pa nga’y gumagamit ng droga o nagpapakamatay. At ang ilan ay sinasamantala ang kanilang kapangyarihan at impluwensiya para gawin ang anumang gusto nila, gumagawa ng masama at gumagawa ng mga krimen, at humahantong na nakakulong, nasa labis na kahihiyan. Hindi ba’t mga intelektuwal ang mga ito kadalasan? Bakit ang mga taong ‘yon na mukhang napakamakatwiran, na nakakaunawa sa batas ay gumagawa ng gayong mga kakila-kilabot na bagay? Bakit nila gagawin ang gayong mga katawa-tawang bagay? Bakit magiging ganoon ang mga bagay-bagay? Sa mga panahong ito, lahat ay gusto ng edukasyon, lahat ay naghahangad ng kaalaman, at ang mga nasa kapangyarihan sa lahat ng bansa, sa lahat ng bayan ay ang mga intelektuwal. Sila ang mga may hawak ng kapangyarihan, sila ang meritokrasya sa buong mundo. Kauna-unawa na sa pamamahala ng mga intelektuwal, ang mundo’y dapat maging lalo’t lalong sibilisado at mapagmahal. Pero ano talaga ang nangyayari sa mundo? Nahuhulog ito sa kaguluhan at ligalig, na ang mga tao’y nandaraya, nag-aaway, o pinapatay pa nga ang isa’t isa. Lahat sila’y itinatatwa at nilalabanan ang Diyos, kinamumuhian nila ang katotohanan at itinataas ang kasamaan nang walang pagnanais na magsisi, pinupukaw ang poot ng Diyos at galit ng tao. Sunod-sunod na dumarating ang mga sakuna, at ang mundo’y palaging nasa bingit ng malaking digmaan. Malinaw na ang pagkakaroon ng mga intelektuwal na nasa kapangyarihan, ang pagkakaroon ng isang meritokrasya ay hindi nagdudulot ng mga mapayapa at masayang lipunan, sa halip ay nagdadala sa atin ng parami nang paraming sakuna at pagdurusa. Dumarami ang mga pandemya, walang tigil na nagsisimula ang mga digmaan, at sumusunod ang mga lindol at taggutom. Puno ng takot ang mga tao, na para bang dumating na ang katapusan ng mundo. Ano ang totoong dahilan nito? Bakit kaya kapag ang mga tao’y nagkakamit ng kaalaman, kapangyarihan, at katayuan, ay gumagawa sila ng napakaraming kakila-kilabot na bagay? Bakit kaya ang pagkakaroon ng mga intelektuwal at isang meritokrasya ay nagdadala ng labis na sakuna sa isang bansa at isang bayan? Ito’y lubhang karapat-dapat na pag-isipan! Ang pagkakamit ba ng kaalaman ay maaaring magawang mas mabuti at malaya sa kasalanan ang isang tao? Ang pagkakamit ba ng kaalaman ay maaaring magawang mabait ang mga tao at mapipigilan silang gumawa ng masasamang bagay? Maaari bang mailigtas ng kaalaman ang mga tao mula sa kasalanan, at mailigtas ang mga tao mula sa mga puwersa ni Satanas? Lalo’t lalo akong nagdududa sa kapasidad ng kaalaman na baguhin ang tadhana ng isang tao. Bakit kaya pagkatapos magkamit ng kaalaman at katayuan, karamihan sa mga tao’y nagiging payabang nang payabang at nag-aakalang mas matuwid sila kaysa sa iba? Bakit kaya kapag mas marami silang alam, mas labis silang magpahalaga sa sarili? Sa sandaling nasa kapangyarihan, sila’y nagiging masama at di-makatwiran, nagdudulot ng kaguluhan at nagiging sanhi ng sakuna. Para bang kasama ng mas mahusay na edukasyon at mas maunlad na agham, ang isang bansa ay dapat na mas mahusay na pamahalaan at ang mga tao’y dapat na mas sibilisado, masaya, at malusog. Pero mayroon ba talagang ganoong uri ng bansa? Hindi nagkaroon kailanman. Talagang napapakamot na lang ng ulo ang mga tao! Nabasa ko ito sa mga salita ng Diyos: “Mula nang unang magkaroon ang tao ng agham panlipunan, ang isip ng tao ay naging abala sa agham at kaalaman. Ang agham at kaalaman ay naging mga kagamitan para sa pamumuno ng sangkatauhan, at doon ay wala nang sapat na puwang para sa tao upang sambahin ang Diyos, at walang kanais-nais na mga kondisyon para sa pagsamba sa Diyos. Ang posisyon ng Diyos ay lumubog nang lalo pang mas mababa sa puso ng tao. Kung wala ang Diyos sa kanyang puso, ang panloob na mundo ng tao ay madilim, walang pag-asa, at walang kabuluhan. Dahil dito, lumitaw ang maraming panlipunang siyentipiko, mananalaysay, at mga pulitiko upang magpahayag ng mga teorya ng agham panlipunan, teorya ng ebolusyon ng tao, at iba pang mga teorya na sumasalungat sa katotohanan na nilikha ng Diyos ang tao upang punuin ang puso at isip ng tao. At sa ganitong paraan, ang mga naniniwala na ang Diyos ang lumikha ng lahat ng bagay ay lalo pang nangaunti, at ang mga naniniwala sa teorya ng ebolusyon ay lalo pang dumami ang bilang. Parami nang parami ang mga tao na itinuturing ang mga talaan ng gawain ng Diyos at Kanyang mga salita sa kapanahunan ng Lumang Tipan bilang mga alamat at mga kathang-isip. Sa kanilang mga puso, ang mga tao ay nagwalang-bahala sa karangalan at kadakilaan ng Diyos, sa doktrina na ang Diyos ay umiiral at namamahala sa lahat ng bagay. Ang pagpapanatili ng sangkatauhan at ang kapalaran ng mga bayan at mga bansa ay hindi na mahalaga sa kanila. Nakatira ang tao sa isang walang kabuluhang mundo na ang iniintindi lamang ay pagkain, pag-inom, at ang paghahangad ng kasiyahan. … Iilang tao lang ang umaako sa paghanap kung saan kumikilos ngayon ang Diyos, o naghahanap kung paano Niya pinamumunuan at inaayos ang hantungan ng tao. At sa ganitong paraan, nang hindi namamalayan ng tao, ang sibilisasyon ng tao ay lalo pang nawawalan ng kakayahang tugunan ang mga kagustuhan ng tao, at maraming tao pa nga ang nakararamdam na, sa pamumuhay sa ganitong mundo, sila ay hindi gaanong masaya kung ihahambing sa mga taong yumao na. Maging ang mga tao ng mga dating napakaunlad na sibilisadong bayan ay nagpapahayag ng mga naturang hinaing. Sapagkat kung walang patnubay ng Diyos, gaano man pakaisipin ng mga pinuno at sosyolohista na maingatan ang sibilisasyon ng tao, ito ay walang kabuluhan. Walang sinuman ang makapupuno ng kawalan sa puso ng tao, dahil walang sinuman ang maaaring maging buhay ng tao, at walang teoryang panlipunan ang maaaring magpalaya sa tao mula sa kawalan na nagpapahirap sa kanya. Agham, kaalaman, kalayaan, demokrasya, paglilibang, kaginhawahan, ang mga ito ay nagdadala lamang ng pansamantalang pahinga sa tao. Kahit na mayroong ganitong mga bagay, hindi pa rin maiwasan ng tao na magkasala at dumaing sa kawalang katarungan ng lipunan. Hindi mababawasan ng mga bagay na ito ang pagnanasa at hangarin ng tao na tumuklas. … Ang tao, kung sabagay, ay tao, at ang posisyon at buhay ng Diyos ay hindi mapapalitan ng sinumang tao. Ang sangkatauhan ay hindi lang basta nangangailangan ng isang makatarungang lipunan kung saan lahat ng tao ay kumakain nang sapat at pantay-pantay at malaya. Ang kailangan ng sangkatauhan ay ang kaligtasan ng Diyos at ang Kanyang pagbibigay ng buhay sa kanila. Kapag natatanggap ng tao ang ibinibigay na buhay ng Diyos at ang Kanyang kaligtasan, saka lamang malulutas ang mga pangangailangan, kasabikang tumuklas, at espirituwal na kawalan ng tao. Kung ang mga tao ng isang bayan o ng isang bansa ay hindi makatatanggap ng pagliligtas at pag-aalaga ng Diyos, tatahakin ng bansa o bayang iyon ang landas tungo sa pagdalisdis, patungo sa kadiliman, at lilipulin ito ng Diyos” (Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Apendise 2: Ang Diyos ang Namumuno sa Kapalaran ng Buong Sangkatauhan).

Napakatama ng mga salita ng Diyos, at talagang ibinubunyag ng mga ito ang katotohanan ng usapin. Paano talaga nagkakaroon ng kaalaman? Walang pagdududa, nagmula ito sa mga tanyag at dakilang tao na labis na pinupuri sa buong kasaysayan. Nariyan ang Confucianismo, ang teorya ng ebolusyon ni Darwin, ang Manipesto ng Komunista ni Marx at ang teorya ng komunismo. Ang ateismo, materyalismo, at ang teorya ng ebolusyon ay galing lahat sa mga saloobin at teorya na nakasulat sa mga libro ng mga tanyag na taong ito, at ang pundasyon para sa agham at teorya sa ating modernong lipunan. Ang lahat ng doktrina at teoryang ito ay isinulong ng mga nasa kapangyarihan sa mga nagdaang kapanahunan. Inilagay nila ang mga ito sa mga aklat-aralin at silid-aralan, at naging mga kasabihan para sa sangkatauhan. Tinuruan, pinapurol, at pinamanhid nila ang sunud-sunod na henerasyon, naging mga kasangkapan para sa mga nasa kapangyarihan para iligaw at gawing tiwali ang sangkatauhan. Ang buong sangkatauhan ay naging lalo’t lalong tiwali sa ilalim ng edukasyon at impluwensiya ng kaalaman at agham, kaya nga ang lipunan ay naging mas madilim at mas magulo, hanggang sa punto na kapwa ang Diyos at ang tao’y nagalit. Ngayon padalas nang padalas ang mga sakuna at hindi tumitigil sa pananalanta ang kalamidad. Maaaring magsimula ang malalaking digmaan sa anumang oras. Namumuhay sa takot ang mga tao, na para bang hinaharap nila ang katapusan ng mundo. Napapaisip talaga tayo nito kung ang agham at kaalaman ay talagang ang katotohanan o hindi. Ang mga tao’y lalo’t lalong hinahangad at tinatanggap ang mga ito, pero hindi sila makatakas sa kasalanan o makahanap ng kaligayahan, sa halip sila’y nagiging mas tiwali at masama, lumulubog sa kasalanan at sakit na hindi nila kayang takasan. Tingnan natin ang tunay na diwa ng mga tanyag at dakilang tao na sinasamba ng lahat. Lahat sila’y mga ateista at naniniwala sa ebolusyon na itinatatwa at tinatanggihan ang Diyos. Hindi sila naniniwala na mayroong Diyos, o naniniwala na Siya ang naghahari sa lahat. Partikular nilang hindi tatanggapin ang mga katotohanang ipinapahayag ng Diyos. Sa lahat ng kanilang diskurso, wala ni isang salita ang naglalantad sa kadiliman ng lipunan; wala ni isang salita ang naglalantad sa diwa at realidad ng katiwalian ng tao na gawa ni Satanas; wala ni isang salita ang naglalantad sa kalikasan at masamang diwa ng mga nasa kapangyarihan, o nagpapatotoo sa pag-iral ng Diyos at sa gawain ng Diyos, o nagpapatotoo sa mga gawa ng Diyos at sa pag-ibig ng Diyos, o naaayon sa katotohanang nasa mga salita ng Diyos. Ang lahat ng kanilang salita ay mga erehiya at maling paniniwala na nagtatatwa at sumasalungat sa Diyos. Sa kabuuan, ang kanilang diskurso ay ganap na para itaguyod ang mga interes ng mga nasa kapangyarihan, para iligaw, gawing tiwali, at pinsalain ang sangkatauhan, at bilang resulta ay naakay nila ang sangkatauhan papunta sa madilim at masamang landas, at ang sangkatauhan ay naging katulad ni Satanas na lumalaban at pinagtataksilan ang Diyos. Anong uri ng mga tao ang mga nasa kapangyarihan? Sila ba’y mabubuti at marurunong? Hinding-hindi. Wala pa ni isang naging mabuti at marunong. Ang kanilang tinaguriang kabutihan at karunungan ay nalantad sa kung ano talaga ang mga ito, at nalantad ang lahat ng ginawa nilang krimen sa likod ng mga eksena. Maliwanag na sa buong kasaysayan ng paggawang tiwali ni Satanas sa sangkatauhan, walang mabubuti o marurunong na pinuno, at lahat ng nasa kapangyarihan ay naging mga pagsasakatawan ni Satanas at ng mga demonyo. Alin sa kanilang mga ideya at teorya ang pinakamalalim na nagawang tiwali ang sangkatauhan? Ang ateismo, materyalismo, ebolusyonismo, at komunismo. Nagpakalat ang mga ito ng di-mabilang na erehiya at maling paniniwala, kabilang ang “Wala talagang Diyos,” “Hindi pa nagkaroon kailanman ng sinumang Tagapagligtas,” “Ang tadhana ninuman ay nasa kanyang sariling kamay,” at “Kayang baguhin ng kaalaman ang iyong tadhana.” Nag-uugat ang mga bagay na ito sa puso ng mga tao mula sa murang edad at unti-unting lumalago. Ano ang mga kahihinatnan? Ang mga tao’y nagsisimulang itatwa ang Diyos at ang lahat ng nagmumula sa Kanya, pati na ang paglikha ng Diyos sa kalangitan, sa lupa at sa lahat ng bagay, at na pinaghaharian Niya ang lahat. Nilikha ng Diyos ang tao, pero itinatanggi nila ang katotohanang ito, at binabaluktot ang katotohanan, sinasabing ang mga tao’y nagmula sa mga unggoy, na para bang ang tao’y kabilang sa parehong kategorya ng mga hayop. Ang mga maling paniniwala’t kakatwang intelektuwal na teoryang ito ay sumasakop sa isip ng mga tao, inookupa ang kanilang puso at nagiging bahagi ng kanilang kalikasan, kaya lahat sila’y itinatatwa ang Diyos at inilalayo ang kanilang sarili sa Kanya at pahirap nang pahirap para sa kanila na tanggapin ang katotohanan. Nagiging mas mayabang, masama at tiwali rin sila sa lahat ng oras. Nawawala nila ang lahat ng konsiyensiya at katwiran, ganap na nabibitawan ang kanilang pagkatao at humahantong na ‘di na maliligtas. Ganito nagawang tiwali ni Satanas ang sangkatauhan hanggang sa punto ng pagiging mga demonyo. Ito ang masamang kinalabasan ng paghahangad ng mga tao ng kaalaman at paggamit nito para mabago ang kanilang tadhana. Ipinapakita ng mga katunayan na ang agham at kaalaman ay hindi ang katotohanan at hindi maaaring maging ating buhay, kundi salungat ang mga ito sa katotohanan at hindi tugma ang mga ito sa katotohanan. Ang nagagawa lang ng mga ito ay gawing tiwali, saktan at wasakin ang sangkatauhan.

Kaya bakit sinasabing ang mga bagay na ito ay hindi ang katotohanan? Ito’y dahil ang kaalaman ay hindi nagmumula sa Diyos, kundi nagmumula ito sa paggawang tiwali ni Satanas sa tao. Nagmumula ang mga ito sa mga dakila’t tanyag na mga taong ‘yon na sinasamba ng tiwaling sangkatauhan. Kaya masasabi natin nang may katiyakan na ang kaalaman ay hindi ang katotohanan. Una, ang kaalaman ay hindi makakatulong sa mga tao na makilala ang kanilang tiwaling diwa o mabibigyan sila ng pagkakilala sa sarili. Pangalawa, ang kaalaman ay hindi kayang linisin ang mga tiwaling disposisyon ng mga tao, kundi ay ginagawa lang payabang nang payabang ang mga tao. Pangatlo, ang kaalaman ay hindi kayang iligtas ang sangkatauhan mula sa kasalanan at dalisayin sila. Pang-apat, ang kaalaman ay hindi makakatulong sa mga taong malaman ang katotohanan at makilala at magpasakop sa Diyos. Panlima, ang kaalaman ay hindi makakatulong sa mga taong makamit ang tunay na kaligayahan o mabibigyan sila ng liwanag, at partikular na hindi sila mabibigyan ng isang magandang destinasyon. Kung kaya, ang kaalaman ay hindi ang katotohanan, at hindi nito kayang iligtas ang sangkatauhan mula sa kasalanan o sa mga puwersa ni Satanas. Kaya maaari tayong maging kumpiyansa na ang kaalaman ay hindi maaaring mabago ang kapalaran ng isang tao. Ang nagmumula sa Diyos lang ang katotohanan; ang mga salita ng Diyos lang ang katotohanan. Ang katotohanan lang ang maaaring maging buhay ng mga tao at kayang maglinis ng kanilang katiwalian, hinahayaan silang makatakas sa kasalanan at maging banal. Ang katotohanan lang ang nagpapahintulot sa mga tao na mabawi ang kanilang konsiyensiya at katwiran at isabuhay ang isang tunay na wangis ng tao. Ang katotohanan lang ang makapagbibigay sa mga tao ng tunay na direksiyon at mga layunin sa buhay, at ang katotohanan lang ang makakatulong sa mga tao na makilala ang Diyos, makamit ang Kanyang mga pagpapala, at makamit ang isang magandang destinasyon. Iyon ang dahilan kung bakit ang katotohanan lang na ipinahayag ng Diyos sa katawang-tao ang makapagliligtas sa sangkatauhan mula sa mga puwersa ni Satanas, na pinahihintulutan silang ganap na bumaling sa Diyos. Ang Tagapagligtas lang ang makapagliligtas sa sangkatauhan at makababago nang lubusan sa tadhana ng sangkatauhan, na magbibigay sa atin ng isang kahanga-hangang destinasyon. Bakit hindi kayang iligtas ng kaalaman ang tao? Ito’y dahil labis-labis na nagawang tiwali ni Satanas ang tao, na may mga satanikong kalikasan at namumuhay sa mga satanikong disposisyon, palaging nagkakasala at gumagawa ng kasamaan. May kakayahan silang gumawa ng anumang kasamaan sa mga tamang kalagayan, at sa sandaling nagkaroon sila ng kapagyarihan, ipinapakita nila ang tunay nilang kulay at namiminsala. At nagmumula ang kaalaman sa tiwaling sangkatauhan, mula kay Satanas, kaya ang kaalaman ay hindi ang katotohanan. Gaano man karami ang matutuhan ng tiwaling sangkatauhan, hindi nila malalaman ang diwa at katotohanan ng kanilang sariling katiwalian, at talagang hindi sila tunay na makapagsisisi at makababaling sa Diyos. Walang dami ng kaalaman ang makalulutas sa makasalanang kalikasan ng isang tao, lalong hindi mababago ang kanilang tiwaling disposisyon. Gaano man karami ang nalalaman ng tiwaling sangkatauhan, hindi sila makakatakas sa kasalanan o sa mga puwersa ni Satanas, at hindi nila makakamit ang kabanalan. Kung walang pagtanggap sa katotohanan, hindi nila makakamit ang pagpapasakop sa Diyos, at hindi nila kailanman malulutas ang problema ng kanilang makasalanang kalikasan. Mas mataas ang kaalaman ng tiwaling sangkatauhan, mas mahirap na tanggapin ang katotohanan at mas malamang na itatatwa at lalabanan nila ang Diyos. Kapag naghahangad ang mga tao ng higit pang kaalaman, sila’y nagiging mas mapagmataas at nag-aakalang mas matuwid sila kaysa sa iba, at nagiging mas mapaghangad. Hindi nila maiwasang tumapak sa landas ng kasalanan. Iyon ang dahilan kaya ang kaalaman ay maaari lang magawang tiwali, mapinsala, at mawasak ang mga tao. Maraming tao ang hindi nakikita ang tunay na diwa ng kaalaman o nakikita kung ano talaga ang silbi nito. Hindi nila nakikita ang pinagmumulan, ang pinanggalingan ng kaalaman, kundi ay bulag lang nila itong sinasamba at hinahangad sa halip na hanapin ang katotohanan. Bakit gumagawa ng napakaraming kasamaan ang lahat ng tanyag na taong ‘yon, nagdadala ng pagdurusa sa mga tao at pinsala sa bansa matapos magkamit ng kapangyarihan, nagiging sanhi ng lahat ng uri ng kalamidad, gumagawa ng mga kahindik-hindik na pagkakamali na ‘di na matutubos? Iyon ang mga kahihinatnan ng pagsamba at paghahangad sa kaalaman. Ipinapakita nito sa atin na hindi kayang baguhin ng kaalaman ang kapalaran ng isang tao, at gaano man kataas ang kaalaman ng isang tao, hindi siya maaaring maligtas ng Diyos kung wala siyang pananampalataya at hindi tinatanggap ang katotohanan. Hindi siya pagpapalain ng Diyos o magkakaroon ng isang magandang tadhana gaano man kataas ang kanyang kaalaman, kundi ay mapupunta sa impiyerno kapag siya’y namatay. Matuwid ang Diyos at pinaghaharian Niya ang mga kapalaran ng sangkatauhan, kaya sinumang hindi nakakamit ang Kanyang pagsang-ayon o pagpapala ay hindi maaaring magkaroon ng isang magandang tadhana, kundi ay tiyak na mauuwi sa pagkawasak, kapahamakan ng kaluluwa, at impiyerno.

Ngayon ay tumigil na ang marurunong sa labis na pagpuri sa kaalaman kundi ay inaasam na pumarito ang Siyang Banal, na bumaba ang Tagapagligtas at iligtas ang sangkatauhan. Walang umaasa na sinumang tanyag o dakilang tao ay ililigtas ang sangkatauhan. Ni hindi nila kayang iligtas ang kanilang sarili, kaya paano nila maililigtas ang buong sangkatauhan? Ipinapakita sa atin ng mga katunayan na hindi siguradong may magandang tadhana kapag may kaalaman, at ang ideya ng pag-unlad sa pamamagitan ng agham at edukasyon ay walang katuturan. Ang Tagapagligtas lang ang makapagliligtas sa sangkatauhan mula sa kasalanan at mga puwersa ni Satanas; ang Tagapagligtas na nagpapahayag ng katotohanan lang ang makakaakay sa atin tungo sa landas ng liwanag; ang pagtanggap lang sa lahat ng katotohanang ipinahayag ng Tagapagligtas ang makapagpapalaya sa atin mula sa katiwalian ni Satanas para maaari tayong ganap na maligtas ng Diyos at makamit ang Kanyang pagsang-ayon at mga pagpapala. Ito lang ang paraan para ganap na mabago ang ating tadhana. Malinaw na ang pagbabago ng kapalaran ng isang tao ay nangyayari sa pamamagitan ng pagtanggap sa pagpapakita at gawain ng Tagapagligtas, sa pamamagitan ng pagtanggap sa lahat ng katotohanan na ipinahayag ng Tagapagligtas sa mga huling araw, at sa pagiging nalinis sa pamamagitan ng pagtanggap sa paghatol ng Diyos sa mga huling araw. Sa madaling salita, ang paraan lang para talagang mabago nang lubusan ang tadhana ng isang tao ay ang tanggapin ang katotohanan. Sabi ng Makapangyarihang Diyos, “Nilikha ng Diyos ang mundong ito, nilikha Niya ang sangkatauhang ito, at bukod dito, Siya ang arkitekto ng sinaunang kulturang Griyego at sibilisasyon ng tao. Ang Diyos lamang ang umaaliw sa sangkatauhang ito, at ang Diyos lamang ang nagmamalasakit sa sangkatauhang ito gabi’t araw. Ang pag-unlad at paglago ng tao ay hindi mapaghihiwalay mula sa kataas-taasang kapangyarihan ng Diyos, at ang kasaysayan at hinaharap ng sangkatauhan ay hindi mailalabas mula sa mga disenyo ng Diyos. Kung ikaw ay isang tunay na Kristiyano, ikaw ay tiyak na maniniwala na ang pagbangon at pagbagsak ng anumang bayan o bansa ay nangyayari ayon sa mga disenyo ng Diyos. Diyos lamang ang nakakaalam sa kapalaran ng isang bayan o bansa, at Diyos lamang ang namamahala sa landasin ng sangkatauhang ito. Kung ang sangkatauhan ay nais na magkaroon ng isang magandang kapalaran, kung ang isang bayan ay nais na magkaroon ng isang magandang kapalaran, ang tao ay dapat na yumuko sa Diyos sa pagsamba, magsisi at mangumpisal sa harap ng Diyos, at kung hindi, ang magiging kapalaran at hantungan ng tao ay isang hindi maiiwasang sakuna” (Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Apendise 2: Ang Diyos ang Namumuno sa Kapalaran ng Buong Sangkatauhan).

Ngayon ay malinaw nating nakikita na ni hindi kayang iligtas ng mga intelektuwal ang kanilang sarili, kaya paano nila maililigtas ang sangkatauhan? Ang Tagapagligtas lang ang makapagliligtas sa sangkatauhan mula sa kasalanan, at magdadala sa sangkatauhan ng liwanag, kaligayahan, at isang magandang destinasyon. Sino kung gayon ang Tagapagligtas? Walang pagdududa na Siya ang Diyos na nagkatawang-tao sa anyong tao, pumarito sa piling ng sangkatauhan para sa gawain ng pagliligtas. Siya ang ating Tagapagligtas. Masasabi natin na ang Tagapagligtas ay ang pagsasakatawan ng Diyos, na Siya ang Diyos na nakasuot ng laman ng tao. Iyon ang pagkakatawang-tao. Kaya, ang Diyos na nagkatawang-tao ang Tagapagligtas na bumaba sa piling natin. Dalawang beses na nagkatawang-tao ang Diyos para iligtas ang sangkatauhan mula nang nilikha Niya ang sangkatauhan. Dalawang libong taon na ang nakararaan, Siya’y naging tao bilang ang Panginoong Jesus at sinabi sa isang sermon, “Mangagsisi kayo: sapagkat malapit na ang kaharian ng langit(Mateo 4:17). Nagpahayag Siya ng maraming katotohanan at sa huli’y ipinako sa krus para tubusin ang sangkatauhan, nagsisilbing handog para sa kasalanan para sa sangkatauhan. Ito’y isang malinaw na pagpapakita ng pag-ibig ng Diyos para sa tao. Ang mga tao mula sa buong mundo ay tinanggap ang Panginoong Jesus bilang kanilang Tagapagligtas, nagtatapat at nagsisisi sa Diyos, at napatawad sa kanilang mga kasalanan. Tinamasa nila ang kapayapaan at kagalakan na ipinagkaloob ng Diyos kasama ang maraming biyaya Niya. Nang matapos ng Panginoong Jesus ang Kanyang gawain ng pagtubos, maraming beses Niyang ipinropesiya, “Ako’y madaling pumaparito” at “ang pagparito ng Anak ng tao.” “Sapagkat paririto ang Anak ng tao sa oras na hindi ninyo iniisip(Mateo 24:44). Iyon ang dahilan kung bakit ang lahat ng tumanggap sa Panginoong Jesus bilang kanilang Tagapagligtas ay naghihintay na pumarito Siya sa mga huling araw, na bumaba ang Tagapagligtas para iligtas sila at dalhin sila sa kaharian ng langit. Ipinropesiya ng Panginoong Jesus, “Mayroon pa Akong maraming bagay na sa inyo ay sasabihin, ngunit ngayon ay hindi ninyo mangatitiis. Gayon ma’y kung Siya, ang Espiritu ng katotohanan ay dumating, ay papatnubayan Niya kayo sa buong katotohanan(Juan 16:12–13). “Gawin Mo silang banal sa pamamagitan ng Iyong katotohanan: ang salita Mo’y katotohanan(Juan 17:17). Batay sa Kanyang mga propesiya, ang Diyos ay magiging tao bilang ang Anak ng tao sa mga huling araw at ipapahayag ang mga katotohanan para ganap na malinis at mailigtas ang sangkatauhan, para dalhin ang sangkatauhan sa isang magandang destinasyon. Kaya ang Diyos na nagkatawang-tao sa mga huling araw ay ang Tagapagligtas na nagpapakita sa sangkatauhan. Kung gayon paano natin dapat salubungin ang Tagapagligtas? Sabi ng Panginoong Jesus, “Dinirinig ng Aking mga tupa ang Aking tinig(Juan 10:27). “Ang may pakinig, ay makinig sa sinasabi ng Espiritu sa mga iglesia(Pahayag 2:7). Paulit-ulit na ipinaalala sa atin ng Panginoong Jesus na ang susi sa pagsalubong sa Panginoon ay ang pakikinig sa tinig ng Diyos, at pagtanggap sa mga katotohanang ipinahayag ng Diyos pagbalik Niya sa mga huling araw. Ang mga sakuna ay nasa mismong harapan na natin ngayon. Nakikita natin na sa buong mundo, ang Makapangyarihang Diyos lang ang nagpahayag ng lahat ng katotohanan na nagliligtas sa sangkatauhan, at walang sinuman bukod sa Makapangyarihang Diyos ang bumigkas ng mga katotohanan. Nagpapatunay ito na ang Makapangyarihang Diyos ang nagbalik na Panginoong Jesus, na Siya ang Tagapagligtas na pumarito para iligtas ang sangkatauhan sa mga huling araw. Ito ay isang napakagandang balita. Ang paraan lang para mabago natin ang ating tadhana ay ang tanggapin ang pagliligtas ng Tagapagligtas, at tanggapin ang mga katotohanang ipinahayag ng Diyos.

Sabi ng Makapangyarihang Diyos, “Ang Cristo ng mga huling araw ay gumagamit ng iba’t ibang katotohanan para maturuan ang tao, para ibunyag ang diwa ng tao, at suriin ang kanyang mga salita at gawa. Ang mga salitang ito ay binubuo ng iba’t ibang katotohanan, gaya ng tungkulin ng tao, paano dapat sundin ng tao ang Diyos, paano dapat maging tapat ang tao sa Diyos, paano dapat isabuhay ng tao ang normal na pagkatao, gayundin ang karunungan at disposisyon ng Diyos, at iba pa. Ang mga salitang ito ay nakatuon lahat sa diwa ng tao at sa kanyang tiwaling disposisyon. Partikular na, yaong mga salitang naglalantad kung paano tinatanggihan ng tao ang Diyos ay sinasabi patungkol sa kung paano kinakatawan ng tao si Satanas, at naging puwersa ng kaaway laban sa Diyos. Sa pagsasakatuparan ng Kanyang gawain ng paghatol, hindi lamang basta nililinaw ng Diyos ang likas na pagkatao ng tao sa iilang salita lamang; inilalantad, pinakikitunguhan, at tinatabas Niya nang pangmatagalan. Ang lahat ng ganitong mga pamamaraan ng paglalantad, pakikitungo, at pagpupungos ay hindi maaaring mahalinhan ng mga ordinaryong salita, kundi ng katotohanang hindi man lang taglay ng tao. Ang ganitong klaseng mga pamamaraan lamang ang matatawag na paghatol; sa pamamagitan lamang ng ganitong uri ng paghatol masusupil ang tao at makukumbinsi nang husto tungkol sa Diyos, at bukod pa riyan ay makamtan ang tunay na pagkakilala sa Diyos. Ang idinudulot ng gawain ng paghatol ay ang pagkaunawa ng tao sa tunay na mukha ng Diyos at sa katotohanan tungkol sa kanyang sariling pagkasuwail. Ang gawain ng paghatol ay nagbibigay-daan sa tao na magtamo ng malawak na pagkaunawa sa kalooban ng Diyos, sa layunin ng gawain ng Diyos, at sa mga hiwagang hindi niya maunawaan. Tinutulutan din nito ang tao na makilala at malaman ang kanyang tiwaling diwa at ang mga ugat ng kanyang katiwalian, gayundin para matuklasan ang kapangitan ng tao. Ang mga epektong ito ay bunga lahat ng gawain ng paghatol, sapagkat ang diwa ng gawaing ito ay ang mismong gawain ng pagbubukas ng katotohanan, ng daan, at ng buhay ng Diyos sa lahat ng may pananampalataya sa Kanya. Ang gawaing ito ay ang gawain ng paghatol na ginagawa ng Diyos” (Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ginagawa ni Cristo ang Gawain ng Paghatol sa Pamamagitan ng Katotohanan).

Nagpahayag ang Makapangyarihang Diyos ng napakaraming katotohanan, na tinipon sa mga aklat ng mga salita ng Diyos tulad ng Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao, na ang kabuuan ay milyon-milyong salita. Lahat ito ay mga katotohanang ipinahayag ng Diyos para sa Kanyang gawain ng paghatol sa mga huling araw, at ang dami ay higit pa kaysa sa mga katotohanang ipinahayag ng Diyos sa Kapanahunan ng Kautusan at sa Kapanahunan ng Biyaya. Ibinunyag ng Makapangyarihang Diyos ang lahat ng misteryo ng Kanyang plano ng pamamahala para iligtas ang sangkatauhan, ibinunyag Niya ang lahat ng misteryo ng Biblia na hindi kailanman naunawaan ng mga tao, at ibinunyag Niya ang katotohanan ng katiwalian ng sangkatauhan na gawa ni Satanas at ang ating kalikasang sataniko at kontra sa Diyos. Pinahihintulutan tayo nito na makilala ang ugat ng ating pagkamakasalanan at ang katotohanan ng ating katiwalian. Ang lahat ng tao ay lubos na nakumbinsi sa harap ng mga katunayan at nagsimulang kamuhian ang kanilang sarili, magkaroon ng panghihinayang, at tunay na magsisi. Ipinapahayag din ng Diyos ang lahat ng katotohanan na kailangan ng mga tao na isagawa at pasukin, para maaari tayong mamuhay nang ayon sa Kanyang mga salita at isabuhay ang isang tunay na wangis ng tao at isang wangis ng katotohanan. Iyon lang ang paraan para makamit ang mga pangako at pagpapala ng Diyos. Nagpahayag ang Makapangyarihang Diyos ng napakaraming katotohanan, na lahat ay para dalisayin ang katiwalian ng sangkatauhan at iligtas tayo mula sa mga puwersa ni Satanas para maaari tayong bumaling sa Diyos at makilala ang Diyos. Ang mga katotohanang ito lang ang tunay na mga kasabihan para sa buhay at mga turo para makamit ang kaligtasan, at sapat na para sukdulang mabago ang tadhana ng isang tao, pinahihintulutan siyang magkaroon ng daan tungo sa isang magandang destinasyon—ang kaharian ng Diyos. Nagsimula na ang malalaking sakuna. Ang paraan lang para matupad ang kanilang magandang inaasahan ay ang tanggapin ang pagpapakita at gawain ng Tagapagligtas. Ang pagtanggap sa lahat ng katotohanang ipinahayag ng Makapangyarihang Diyos ang tanging paraan para makamit ang pagsang-ayon ng Diyos, para makamit ang proteksyon at mga pagpapala ng Diyos sa malalaking sakuna, para makaligtas sa mga ito at madala ng Diyos sa Kanyang kaharian. Kung hindi tatanggapin ng mga tao ang lahat ng katotohanang ipinahayag ng Tagapagligtas, kundi maghihintay lang para sa isang huwad na diyos ng kanilang imahinasyon, o sa isang masamang espiritu na pumarito at iligtas sila mula sa sakuna, isang ilusyon lang ‘yon. Hahantong silang walang dala, walang nakakamit mula sa kanilang mga pagsisikap. Hindi makapagliligtas ng mga tao ang mga huwad na diyos at masasamang espiritu. Tanging ang Diyos sa katawang-tao, ang Tagapagligtas, ang makapagliligtas sa sangkatauhan, at iyon lang ang paraan para makamit ng mga tao ang isang magandang tadhana at destinasyon. Sabi ng Makapangyarihang Diyos, “Ang Cristo ng mga huling araw ay naghahatid ng buhay, at naghahatid ng walang maliw at walang katapusang daan ng katotohanan. Ang katotohanang ito ang landas kung saan makakamit ng tao ang buhay, at ito lamang ang tanging landas kung saan makikilala ng Diyos at masasang-ayunan ng Diyos ang tao. Kung hindi mo hinahanap ang daan ng buhay na ibinigay ni Cristo ng mga huling araw, kung gayon ay hindi mo kailanman makakamit ang pagsang-ayon ni Jesus, at hindi ka kailanman magiging karapat-dapat pumasok sa pintuan ng kaharian ng langit” (Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Tanging si Cristo ng mga Huling Araw ang Makapagbibigay sa Tao ng Daan ng Buhay na Walang Hanggan). “Pinakakatawa-tawang mga tao sa mundo ang mga nagnanais na makamit ang buhay nang hindi umaasa sa katotohanang sinabi ni Cristo, at mga namumuhay sa guni-guni ang mga hindi tumatanggap sa daan ng buhay na dinala ni Cristo. Kaya naman sinasabi Ko na kamumuhian ng Diyos magpakailanman ang mga taong hindi tumatanggap kay Cristo ng mga huling araw. Si Cristo ang pasukan ng tao patungo sa kaharian sa mga huling araw, at walang sinuman ang makalalampas sa Kanya. Kung hindi sa pamamagitan ni Cristo, walang magagawang perpekto ng Diyos. Naniniwala ka sa Diyos, kaya dapat mong tanggapin ang Kanyang mga salita at sundin ang Kanyang daan. Hindi mo maaaring isipin lamang ang magkamit ng mga pagpapala kung wala ka namang kakayahang tumanggap ng katotohanan at wala kang kakayahang tumanggap ng pagtustos ng buhay. Darating si Cristo sa mga huling araw upang mabigyan ng buhay ang lahat ng tunay na naniniwala sa Kanya. Alang-alang sa pagtatapos ng lumang kapanahunan at pagpasok sa bago ang Kanyang gawain, at ang Kanyang gawain ang landas na dapat tahakin ng lahat ng papasok sa bagong kapanahunan. Kung wala kang kakayahang kilalanin Siya, at sa halip ay kinokondena, nilalapastangan, o inuusig pa Siya, kung gayon ay nakatadhana kang masunog nang walang-hanggan at hindi ka kailanman makapapasok sa kaharian ng Diyos. Dahil ang Cristong ito ang Mismong pagpapahayag ng Banal na Espiritu, ang pagpapahayag ng Diyos, ang Siyang pinagkatiwalaan ng Diyos na gawin ang Kanyang gawain sa lupa. Kaya naman sinasabi Ko na kung hindi mo matatanggap ang lahat ng ginagawa ni Cristo ng mga huling araw, kung gayon ay nilalapastangan mo ang Banal na Espiritu. Maliwanag sa lahat ang ganting matatanggap ng mga lumalapastangan sa Banal na Espiritu” (Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Tanging si Cristo ng mga Huling Araw ang Makapagbibigay sa Tao ng Daan ng Buhay na Walang Hanggan).

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

Ano ang Pagkakatawang-Tao?

Alam nating lahat na dalawang libong taon na ang nakararaan, nagkatawang-tao ang Diyos sa mundo ng tao bilang ang Panginoong Jesus para...