Ano Talaga ang Marapture?

Disyembre 8, 2021

Ano Talaga ang Marapture

Dalawang libong taon na ang nakalilipas, matapos ipako sa krus ang Panginoong Jesus at makumpleto ang Kanyang gawain ng pagtubos, nangako Siyang Siya’y magbabalik. Mula noon, lahat ng mananampalataya’y nag-aasam na bumaba ang Tagapagligtas na sakay ng isang ulap para marapture sila pataas sa Kanya. Umaasa ang mga mananampalataya na marapture anumang oras, ngunit pinanonood nila ang mga sakuna na maganap sa harapan nila at hindi pa nila nasasalubong ang Panginoon na bumabalik sakay ng isang ulap. Marami ang nasisiraan ng loob. Palagi silang napapaisip kung nagbalik na nga ba ang Panginoon at kung may mga mananampalataya na narapture na, pero walang sinuman ang nakakita ng anumang tulad niyon. Ang nakikita nila’y mga sakuna na parami nang parami, mga pandemya na nagiging mas malala, at mas maraming tao na namamatay sa mga sakuna, maging ang ilang pastor at elder. Nakakaramdam ang mga tao ng takot o marahil ay inabandona pa nga sila ng Panginoon, nararamdamang maaari silang mamatay sa mga sakuna anumang oras. Hindi nila maisip kung bakit hindi pa nagbabalik ang Panginoon at hindi pa sila irapture ngayong nagsimula na ang mga sakuna. Nakakagulat sa kanila na ang Kidlat ng Silanganan ay nagpapatotoo na na ang Panginoong Jesus ay bumalik na bilang nagkatawang-taong Makapangyarihang Diyos, nagpapahayag ng mga katotohanan at ginagawa ang gawain ng paghatol sa mga huling araw. Ang marami na nag-aasam ng katotohanan ay nagbabasa ng mga salita ng Makapangyarihang Diyos, nakikilala ang tinig ng Diyos, at bumabaling sa Makapangyarihang Diyos. Sila’y kumakain at umiinom ng mga salita ng Makapangyarihang Diyos araw-araw, tinutustusan at pinangangalagaan ng mga ito, at dumadalo sa piging ng kasal ng Cordero. Sila ang mga sumalubong na sa Panginoon at narapture na paitaas sa harapan ng trono ng Diyos bago ang mga sakuna. Maraming relihiyosong tao ang nalilito at nag-iisip, “Mali ang sinasabi ng Kidlat ng Silanganan na bumalik na ang Panginoon at nirarapture na sila, dahil sinasabi sa Biblia, ‘Kung magkagayon, tayong nangabubuhay, na nangatitira, ay titipuning kasama nila sa mga alapaap, upang salubungin ang Panginoon sa hangin: at sa ganito’y sasa Panginoon tayo magpakailanman’ (1 Tesalonica 4:17). Kung nagbalik na ang Panginoon, bakit hindi pa tayo dinadala? Hindi ba’t dapat ay dinadala Niya ang mga tao sa alapaap? Malinaw na ang mga mananampalataya ng Kidlat ng Silanganan ay narito pa rin sa lupa, kaya paanong narapture na sila?” Hindi talaga nila ito maintindihan. Kung gayon, ano ba talaga ang kahulugan ng marapture? Hindi nauunawaan ng maraming tao ang tunay na kahulugan ng rapture, kundi iniisip nila na ang ibig sabihin nito ay ang maitaas sa alapaap, kaya ang sinumang narito pa rin sa lupa ay hindi pa narapture. Maling-mali talaga sila.

Ang umasa na magbabalik ang Panginoon at irarapture sila ay talagang tama, dahil sinabi ng Panginoong Jesus sa mga mananampalataya na salubungin Siya. Pero sinabi ni Pablo na “aagawing kasama nila sa mga alapaap, upang salubungin ang Panginoon sa hangin.” Tama ba iyon? Ni minsan ba’y sinabi ng Panginoong Jesus na sa Kanyang pagbabalik, itataas Niya ang mga mananampalataya para katagpuin Siya sa hangin? Hindi. May patotoo ba tungkol dito mula sa Banal na Espiritu? Wala. Maaari bang magsalita si Pablo para sa Panginoong Jesus tungkol dito? Kinilala ba iyon ng Panginoon? Hindi. Ang paraan na irarapture ng Panginoon ang mga mananampalataya ay isinaayos ng Diyos. Sinabi ng Panginoong Jesus, “Ngunit tungkol sa araw o oras na iyon ay walang taong nakakaalam, kahit ang mga anghel sa langit, kahit ang Anak, kundi ang Ama(Marcos 13:32). Si Pablo ay isang tao, isa lamang apostol, kaya paano niya malalaman kung paano irarapture ng Panginoon ang mga mananampalataya? Ang sinabi ni Pablo ay lubos na batay lamang sa kanyang sariling imahinasyon at hindi kumakatawan sa Panginoon. Tiyak na hindi natin maibabatay rito kung paano natin sasalubungin ang Panginoon. Kailangan nating sundin ang mga salita ng Panginoong Jesus kung paano Siya nagbabalik at nagrarapture ng mga mananampalataya sa mga huling araw, dahil Siya ang Cristo, ang Panginoon ng kaharian, at tanging ang mga salita Niya ang katotohanan at ang may awtoridad. Ang pagsalubong sa Panginoon alinsunod sa Kanyang mga salita ay hindi magiging mali. Tingnan natin kung ano ang sinabi ng Panginoong Jesus. Sinabi ng Panginoong Jesus, “Sapagkat gaya ng kidlat na kumikidlat sa silanganan, at nakikita hanggang sa kanluran; gayon din naman ang pagparito ng Anak ng tao(Mateo 24:27). “Kaya nga kayo’y magsihanda naman; sapagkat paririto ang Anak ng tao sa oras na hindi ninyo iniisip(Mateo 24:44). “Datapuwat pagkahating gabi ay may sumigaw, ‘Narito, ang kasintahang lalaki! Magsilabas kayo upang salubungin Siya’(Mateo 25:6). “Narito Ako’y nakatayo sa pintuan at tumutuktok: kung ang sinuman ay duminig sa Aking tinig at magbukas ng pinto, Ako’y papasok sa kanya, at hahapong kasalo niya, at siya’y kasalo Ko(Pahayag 3:20). “Dinirinig ng Aking mga tupa ang Aking tinig, at sila’y Aking nakikilala, at sila’y nagsisisunod sa Akin(Juan 10:27). “Ang may pakinig, ay makinig sa sinasabi ng Espiritu sa mga iglesia” (Pahayag Mga Kabanata 2, 3). Makikita natin na sa Kanyang mga propesiya tungkol sa Kanyang pagbabalik, palaging binanggit ng Panginoon ang “ang Anak ng tao,” “ang pagparito ng Anak ng tao,” “ang Anak ng tao ay darating,” “duminig sa Aking tinig at magbukas ng pinto,” at “Dinirinig ng Aking mga tupa ang Aking tinig.” Sinasabi sa atin ng mga pangunahing pahayag na ito na magbabalik ang Panginoon sa katawang-tao bilang ang Anak ng tao, pumaparito sa lupa para magsalita, para kumatok sa ating pinto. Ang mga nakakarinig sa tinig ng Panginoon at nagbubukas ng pinto ay ang matatalinong dalaga na sumasalubong sa Panginoon at dumadalo sa Kanyang piging. Sila’y nirarapture pataas sa harapan ng Panginoon. Hindi kailanman sinabi ng Panginoong Jesus na itataas Niya ang mga tao para katagpuin Siya sa alapaap, kundi sinabi Niya sa mga tao na makinig sa Kanyang tinig para salubungin Siya, lumapit sa harapan Niya, at dumalo sa Kanyang piging. Para masalubong ang Panginoon at katagpuin Siya, kailangan nating sumunod sa Kanyang mga salita at pakinggan ang tinig ng Diyos. Kapag narinig nating may magsabing dumarating na ang Lalaking Ikakasal, dapat tayong lumabas kaagad para katagpuin Siya, at hindi maging hangal na naghihintay na madala sa alapaap batay sa ating mga sariling imahinasyon. Kung gagawin natin ito, hindi natin kailanman maririnig ang tinig ng Panginoon at masasalubong Siya. Ang Panginoon ay bumabalik bilang ang Anak ng tao at naparitong kasama natin, nagsasalita sa atin, kaya kung naghihintay lang tayong madala sa alapaap, hindi sa Panginoon ang landas na tinatahak natin. Kaya, ang paniniwala ng mga tao na sila’y dadalhin sa itaas para katagpuin ang Panginoon sa alapaap ay hindi maaaring maging totoo. Lubos itong salungat sa sariling mga salita ng Diyos at wala nang iba pa kundi isang haka-haka ng tao. Kaya, ano ba talaga ang marapture? Nilinaw ito sa atin ng mga salita ng Makapangyarihang Diyos. Sabi ng Makapangyarihang Diyos, “Ang ‘matipon’ ay hindi nangangahulugan na madadala mula sa isang mababang lugar patungo sa isang mataas na lugar, gaya ng maaaring iniisip ng mga tao; malaking pagkakamali iyan. Ang ‘matipon’ ay tumutukoy sa Aking pagtatalaga at pagkatapos ay pagpili. Nakaukol ito sa lahat ng Aking itinalaga at pinili. Lahat ng tinipon ay ang mga taong nagkamit ng katayuan ng pagiging mga panganay na anak, o ang bayan ng Diyos. Lubha itong hindi tugma sa mga kuru-kuro ng mga tao. Sila na magkakaroon ng bahagi sa Aking bahay sa hinaharap ay ang lahat ng natipon sa Aking harapan. Ito ay walang pasubaling totoo, hindi nagbabago kailanman, at hindi maaaring pabulaanan. Ito ang Aking ganting-atake laban kay Satanas. Sinumang Aking itinalaga ay matitipon sa harap Ko” (Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Mga Pagbigkas ni Cristo sa Pasimula, Kabanata 104). “Yamang hinahanap natin ang mga yapak ng Diyos, dapat nating hanapin ang kalooban ng Diyos, ang mga salita ng Diyos, ang mga pagpapahayag ng Diyos—sapagka’t kung saanman naroon ang mga bagong salita na binibigkas ng Diyos, naroon ang tinig ng Diyos, at kung saanman naroon ang mga yapak ng Diyos, naroon ang mga gawa ng Diyos. Kung saanman naroon ang pagpapahayag ng Diyos, doon nagpapakita ang Diyos, at kung saanman nagpapakita ang Diyos, doon umiiral ang katotohanan, ang daan, at ang buhay” (Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Apendise 1: Ang Pagpapakita ng Diyos ay Naghatid ng Isang Bagong Kapanahunan). Ginagawa nitong mas madaling maunawaan ang lahat, tama ba? Ang “pagrarapture” ay hindi gaya ng iniisip natin, na madala mula sa isang mababang lugar papunta sa mataas na lugar, mula sa lupa papunta sa alapaap. Hindi ito napakalabo o isang kababalaghan. Nangyayari ang “pagrarapture” kapag nagkakatawang-tao ang Diyos bilang ang Anak ng tao sa lupa para magsalita at gumawa, naririnig natin ang Kanyang mga pagbigkas, nakikilala ito bilang katotohanan at tinig ng Diyos, pagkatapos ay kayang magpasakop at tumanggap sa gawain ng Diyos. Kumakain at umiinom tayo ng mga salita ng Diyos, tayo’y personal Niyang dinidiligan at pinangangalagaan, at natatanggap natin ang pagliligtas ng Diyos. Ito ang marapture sa harapan ng Diyos. Nang pumarito ang Panginoong Jesus para gawin ang Kanyang gawain ng pagtubos, ang lahat ng nakakilala sa Kanyang mga salita bilang tinig ng Diyos, pagkatapos ay tumanggap at sumunod sa Kanya, tulad nina Pedro, Juan, at ang iba pang disipulo, ay narapture lahat sa harapan ng Diyos. Pumarito na ang Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw at nagpapahayag ng mga katotohanan, ginagawa ang gawain ng paghatol. Ang mga tao sa lahat ng denominasyon na nagmamahal sa katotohanan at umaasam ng pagpapakita ng Diyos, na nakikita na ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos ay ang katotohanan at ang tinig ng Diyos, ay tumanggap na sa Kanyang gawain ng paghatol. Sila’y kumakain at umiinom ng mga salita ng Diyos araw-araw, dinidiligan at tinutustusan ng mga ito, at nakararanas ng paghatol at paglilinis ng Diyos. Sila ang matatalinong dalagang narapture sa harapan ng Diyos, at dumadalo sa piging ng kasal ng Cordero, na lubos na tumutupad sa propesiya sa Pahayag: “Narito Ako’y nakatayo sa pintuan at tumutuktok: kung ang sinuman ay duminig sa Aking tinig at magbukas ng pinto, Ako’y papasok sa kanya, at hahapong kasalo niya, at siya’y kasalo Ko(Pahayag 3:20).

Sa tingin ko, ngayo’y malinaw na sa ating lahat kung ano ang ibig sabihin ng marapture. Kung iisipin natin ngayon ang ideya na makipagtagpo sa Panginoon sa alapaap, hindi ba’t ito’y hindi makatotohanan at isang kahangalan? Maraming beses na ipinropesiya ng Panginoong Jesus “ang pagparito ng Anak ng tao,” paulit-ulit na nagbababala sa tao na makinig sa Kanyang tinig. Kaya bakit ipinipilit ng mga tao na pagbatayan ang mga salita ng tao sa pagsalubong sa Kanya, sa halip na ang Kanya mismong mga salita? Bakit sila kumakapit sa kakatwang pahayag na “aagawing kasama nila sa mga alapaap, upang salubungin ang Panginoon sa hangin”? Anong klase ng problema ito? Hindi ba ito nagpapakita ng pagiging labis na sabik para sa mga pagpapala? Hindi ba’t ito’y dahil gusto nilang madala nang diretso sa kaharian ng Diyos na malayo sa mga sakuna, kung saan sila’y magpapasasa sa mga pagpapala? Isipin natin ito. Maaari kayang ang mga napatawad sa mga kasalanan, ngunit palagi pa ring nagkakasala ay marapture sa kaharian sa pagparito ng Panginoon? May karapatan ba silang tamasahin ang mga pagpapala nito? Totoong tinubos tayo ng Panginoon mula sa kasalanan, pero hindi natin maitatatwa na kontrolado pa rin tayo ng ating makasalanang kalikasan, at hindi natin mapigilang magkasala at labanan ang Diyos. Hindi pa natin natatakasan ang ating mga pagkakagapos sa kasalanan at nakakamit ang kadalisayan. Ang Diyos ay banal at matuwid. “Kung walang kabanalan, walang taong makakakita sa Panginoon(Mga Hebreo 12:14). Kaya maaari kayang makapasok sa Kanyang kaharian ang mga taong puno ng karumihan at katiwalian? Hindi ba’t isa iyang pantasya ng tao, isa lamang hindi magkakatotoong pangarap? Sabi ng Makapangyarihang Diyos, “Ang alam mo lang ay bababa si Jesus sa mga huling araw, ngunit paano ba talaga Siya bababa? Ang isang makasalanang tulad mo, na katutubos pa lang, at hindi pa nabago, o nagawang perpekto ng Diyos, makakaayon ka ba ng puso ng Diyos? Para sa iyo, na ang dating ikaw pa rin, totoo na ikaw ay iniligtas ni Jesus, at na ikaw ay hindi itinuturing na isang makasalanan dahil sa pagliligtas ng Diyos, ngunit hindi ito nagpapatunay na ikaw ay hindi makasalanan, at hindi marumi. Paano ka magiging banal kung hindi ka pa nababago? Sa iyong kalooban, puno ka ng karumihan, sakim ka at masama, ngunit ninanais mo pa ring bumaba na kasama ni Jesus—hindi ka ganoon kasuwerte! Nalaktawan mo ang isang hakbang sa iyong pananalig sa Diyos: Natubos ka pa lang, ngunit hindi pa nabago. Para maging kaayon ka ng puso ng Diyos, kailangang ang Diyos Mismo ang gumawa ng gawain ng pagbabago at paglilinis sa iyo; kung ikaw ay tinubos lamang, wala kang kakayahang magtamo ng kabanalan. Dahil dito hindi ka magiging karapat-dapat na makibahagi sa magagandang biyaya ng Diyos, dahil nalaktawan mo ang isang hakbang sa gawain ng Diyos na pamamahala sa tao, na isang mahalagang hakbang sa pagbabago at pagperpekto. Kaya ikaw, na isang makasalanang katutubos pa lang, ay walang kakayahang direktang manahin ang pamana ng Diyos” (Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Tungkol sa mga Pangalan at sa Pagkakakilanlan). “Bagama’t maraming gawaing ginawa si Jesus sa tao, kinumpleto lamang Niya ang pagtubos sa buong sangkatauhan at naging handog dahil sa kasalanan ng tao; hindi Niya inalis ang lahat ng tiwaling disposisyon ng tao. Ang lubos na pagliligtas sa tao mula sa impluwensya ni Satanas ay hindi lamang kinailangan ni Jesus na maging handog dahil sa kasalanan at pasanin ang mga kasalanan ng tao, kundi kinailangan din ng Diyos na gumawa ng mas malaki pang gawain upang ganap na alisin sa tao ang kanyang maka-Satanas na tiwaling disposisyon. Kaya nga, ngayong napatawad na ang tao sa kanyang mga kasalanan, nagbalik na ang Diyos sa katawang-tao upang akayin ang tao tungo sa bagong kapanahunan, at sinimulan ang gawain ng pagkastigo at paghatol. Ang gawaing ito ay naghatid sa tao sa isang mas mataas na dako. Lahat ng nagpapasakop sa Kanyang kapamahalaan ay magtatamasa ng mas mataas na katotohanan at tatanggap ng mas malalaking pagpapala. Tunay silang mabubuhay sa liwanag, at matatamo nila ang katotohanan, ang daan, at ang buhay” (Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Paunang Salita). Ginawa ng Panginoong Jesus ang gawain ng pagtubos, na pagtubos lamang sa mga tao at pagpapatawad sa ating kasalanan, pero nananatili ang makasalanang kalikasan natin. Patuloy tayong nagrerebelde sa Diyos at hindi pa lubusang naliligtas. Hindi sapat na mapatawad lamang ng Panginoong Jesus ang ating mga kasalanan. Kailangan pa rin nating salubungin ang Panginoon at marapture sa harapan Niya, tanggapin ang Kanyang paghatol sa mga huling araw, at pagkatapos ay mapapalaya na tayo mula sa kasalanan at lubos na maliligtas, nagiging mga tao na nagpapasakop at natatakot sa Diyos. Pagkatapos ay makakapasok tayo sa Kanyang kaharian. Pumarito ang Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw na nagpapahayag ng mga katotohanan at gumagawa ng gawain ng paghatol sa pundasyon ng gawain ng pagtubos ng Panginoong Jesus. Ito’y para lubusang maalis ang makasalanang kalikasan at tiwaling disposisyon ng tao, para mapalaya tayo mula sa kasalanan at sa mga puwersa ni Satanas, at lubusang maligtas ng Diyos. Ang Makapangyarihang Diyos ay nagpakita na at nagpahayag na ng napakaraming katotohanan, sinasabi sa atin ang lahat ng kailangan natin para malinis bilang mga tiwaling tao at lubos na maligtas. Ibinunyag na Niya ang mga misteryo ng plano ng pamamahala ng Diyos, tulad ng layunin ng Diyos sa pamamahala ng sangkatauhan, kung paano ginagawang tiwali ni Satanas ang sangkatauhan, kung paano lubusang inililigtas ng tatlong yugto ng gawain ng Diyos ang tao, ang kahulugan ng Kanyang gawain ng paghatol sa mga huling araw, mga misteryo ng mga pagkakatawang-tao at mga pangalan ng Diyos, bawat uri ng kalalabasan at kahahantungan ng tao, at ang kagandahan ng kaharian. Ang mga salitang ito ay labis na nakapagbubukas ng isip at lubos na nakakukumbinsi. Hinahatulan at inilalantad din ng Makapangyarihang Diyos ang ugat ng kasalanan at paglaban sa Diyos ng tao, na satanikong kalikasan at disposisyon natin. Inilalantad Niya rin ang katotohanan ng kung gaano tayo kalalim na ginawang tiwali ni Satanas, at ipinapakita sa atin ang landas para makatakas sa katiwalian at lubos na maligtas. Ang hinirang na mga tao ng Diyos ay kumakain, umiinom, at nagtatamasa ng mga salita ng Diyos araw-araw. Tayo’y hinahatulan, kinakastigo, iwinawasto at tinatabasan ng Kanyang mga salita, at nakararanas ng lahat ng uri ng pagsubok, natututo tayo ng maraming katotohanan at tunay na nalalaman ang satanikong kalikasan natin. Nakikita natin na palagi tayong namumuhay nang may katiwalian, nagrerebelde laban sa Diyos at kasuklam-suklam sa Kanya, at na tayo’y aalisin at parurusahan ng Diyos kung hindi tayo magsisisi at magbabago. Nararanasan natin ang matuwid at hindi nalalabag na disposisyon ng Diyos at nagkakaroon ng paggalang sa Kanya. Unti-unting nalilinis at nababago ang ating katiwalian, at matatakasan na natin sa wakas ang mga pagkakagapos natin sa kasalanan at makapagbibigay ng kamangha-manghang patotoo para sa Diyos. Nakumpleto na ng Diyos ang grupo ng mananagumpay bago ang mga sakuna, at dumarating na ang mga sakuna. Ang lahat ng tumatanggi at lumalaban sa Makapangyarihang Diyos, at ang mga nabibilang kay Satanas ay wawasakin sa mga sakuna. Ang mga nakakaranas ng paghatol ng Diyos at nalinis na ay tatanggap ng proteksiyon ng Diyos mula sa mga sakuna, dadalhin sa Kanyang kaharian, at magkakaroon ng isang magandang hantungan. Ito ang tunay na marapture sa kaharian ng Diyos. Ang mga mananagumpay na ito na lubusang naligtas at ginawang ganap ng Diyos ay ang mga nagsasagawa ng mga salita ng Diyos at gumagawa ng kalooban ng Diyos sa lupa. Sila ang mga tao ng kaharian ng Diyos. Sa ganitong paraan maisasakatuparan ang kaharian ni Cristo sa lupa, at tinutupad nito ang propesiya ng Panginoong Jesus: “Ama namin na nasa langit, sambahin nawa ang pangalan Mo. Dumating nawa ang kaharian Mo. Gawin nawa ang Iyong kalooban, kung paano sa langit, gayon din naman sa lupa(Mateo 6:9–10). “At ako si Juan, nakita ang bayang banal, ang bagong Jerusalem, na nananaog mula sa langit buhat sa Diyos, na nahahandang gaya ng isang babaeng kasintahan na nagagayakang talaga sa kanyang asawa. At narinig ko ang isang malakas na tinig na mula sa luklukan, na nagsasabi, Narito, ang tabernakulo ng Diyos ay nasa mga tao, at Siya’y mananahan sa kanila, at sila’y magiging mga bayan Niya, at ang Diyos din ay sasakanila, at magiging Diyos nila: At papahirin Niya ang bawat luha sa kanilang mga mata; at hindi na magkakaroon ng kamatayan; hindi na magkakaroon pa ng dalamhati, o ng pananambitan man, o ng hirap pa man: ang mga bagay nang una ay naparam na(Pahayag 21:2–4). “Ang kaharian ng sanlibutan ay naging sa ating Panginoon, at sa Kanyang Cristo: at Siya’y maghahari magpakailan-kailanman(Pahayag 11:15). Tulad ng sinasabi ng mga salita ng Makapangyarihang Diyos, “Sa sandaling ang gawain ng panlulupig ay nakumpleto na, dadalhin ang tao sa isang magandang mundo. Siyempre, ang buhay na ito ay magiging nasa lupa pa rin, ngunit ito ay ganap na hindi magiging kagaya ng buhay ng tao sa ngayon. Ito ang buhay na tataglayin ng sangkatauhan matapos na ang buong sangkatauhan ay nalupig na, magiging bagong simula ito para sa tao sa lupa, at ang pagkakaroon ng sangkatauhan ng gayong buhay ay magiging katibayan na ang sangkatauhan ay nakapasok na sa isang bago at magandang dako. Ito ang magiging simula ng buhay ng tao at Diyos sa lupa. Ang saligan ng gayong kagandang buhay ay dapat na, matapos na ang tao ay nadalisay at nalupig, siya ay nagpapasakop sa harap ng Lumikha. At kaya, ang gawain ng panlulupig ay ang huling yugto ng gawain ng Diyos bago pumasok ang sangkatauhan sa kamangha-manghang hantungan. Ang gayong buhay ay ang buhay ng tao sa lupa sa hinaharap, ito ang pinakamagandang buhay sa lupa, ang uri ng buhay na kinasasabikan ng tao, ang uri na hindi pa kailanman nakamtan ng tao sa kasaysayan ng mundo. Ito ang huling kalalabasan ng 6,000 taon ng gawain ng pamamahala; ito ang lubhang kinasasabikan ng sangkatauhan, at ito rin ang pangako ng Diyos sa tao” (Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Pagpapanumbalik ng Normal na Buhay ng Tao at Pagdadala sa Kanya sa Isang Kamangha-manghang Hantungan).

Kapag naipanumbalik na ang mga tao sa una nilang wangis, at kapag natutupad na nila ang kani-kanilang mga tungkulin, nananatili sa sarili nilang wastong kinalalagyan at nagpapasakop sa lahat ng pagsasaayos ng Diyos, natamo na ng Diyos ang isang pangkat ng mga tao na nasa lupa na sumasamba sa Kanya, at naitatag na rin Niya ang isang kaharian sa lupa na sumasamba sa Kanya. Magkakaroon Siya ng walang-hanggang tagumpay sa lupa, at ang lahat ng yaong mga sumasalungat sa Kanya ay mapapahamak sa lahat ng kawalang-hanggan. Ipanunumbalik nito ang una Niyang layunin sa paglikha sa sangkatauhan; ipanunumbalik nito ang layunin Niya sa paglikha ng lahat ng mga bagay, at ipanunumbalik din nito ang awtoridad Niya sa lupa, sa gitna ng lahat ng mga bagay, at sa gitna ng mga kaaway Niya. Ang mga ito ang magiging mga sagisag ng ganap Niyang tagumpay. Mula roon, papasok ang sangkatauhan sa pamamahinga at sisimulan ang buhay na nasa tamang landas. Papasok din sa walang-hanggang pamamahinga ang Diyos kasama ang sangkatauhan, at magsisimula ng isang walang-hanggang buhay na kapwa pagsasaluhan Niya at ng mga tao. Naglaho na ang dungis at pagsuway sa lupa, at humupa na ang lahat ng pagtangis, at tumigil na sa pag-iral ang lahat-lahat ng nasa daigdig na sumasalungat sa Diyos. Tanging ang Diyos at yaong mga taong dinalhan Niya ng kaligtasan ang mananatili; tanging ang nilikha Niya ang mananatili” (Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Papasok sa Pahinga ang Diyos at ang Tao Nang Magkasama).

Sa puntong ito, mayroon na tayong ganap na pagkaunawa kung ano talaga ang marapture. Ang marapture ay pangunahing tungkol sa pakikinig sa tinig ng Diyos, pagsunod sa Kanyang mga yapak, at pagbaling sa Makapangyarihang Diyos, pagtanggap sa gawain ng paghatol ng Diyos sa mga huling araw. Bakit hindi pa nararanasan ng relihiyosong mundo ang marapture bago ang mga sakuna? Ang pangunahing dahilan nito’y hindi nila hinahanap ang katotohanan o pinakikinggan ang tinig ng Diyos, bagkus iginigiit nila ang kanilang mga haka-haka at literal na mga bersikulo sa Biblia. Nakikinig lamang sila sa mga salita ng tao, ngunit hindi nila sinasalubong ang Panginoon ayon sa Kanyang mga salita. Ito ang dahilan kung bakit sila nasadlak sa mga sakuna. Gusto lang maghintay ng mga tao na pumarito ang Panginoon na sakay ng isang ulap, at hinihiling nila na bigla silang magbago ng anyo at madala sa alapaap para katagpuin Siya, kaya pasibo lamang silang naghihintay, nang hindi inihahanda ang kanilang sarili o naghahangad na marinig ang tinig ng Diyos. Manhid ang kanilang mga puso. Paano nila masasalubong ang Panginoon sa ganitong paraan? Masasadlak sila sa mga sakuna, tumatangis at nagngangalit ang mga ngipin. Tatlong dekada nang ginagawa ng Makapangyarihang Diyos ang Kanyang gawain ng paghatol. Nakumpleto na Niya ang isang grupo ng mananagumpay bago ang mga sakuna at ngayon ay dumarating na ang mga sakuna. Ang mga nakikinig sa tinig ng Diyos at sumasalubong sa Panginoon sa gitna ng mga sakuna ay may pag-asa pa ring marapture. Ito ang marapture sa gitna ng mga sakuna, at may pag-asa sila na maingatan. Ang mga bumabatay sa kanilang mga haka-haka, naggigiit na dapat ay pumarito ang Panginoon na sakay ng isang ulap, ay masasadlak sa mga sakuna at hindi maliligtas. Kapag natapos na ang mga sakuna, hayagang magpapakita ang Diyos sa lahat ng bansa at lahat ng tao, tinutupad ang propesiya sa Pahayag 1:7, “Narito, Siya’y pumaparitong nasasa mga alapaap; at makikita Siya ng bawat mata, at ng nangagsiulos sa Kanya; at ang lahat ng mga angkan sa lupa ay magsisitaghoy dahil sa Kanya.” Mayroong dalawang sipi ng mga salita ng Makapangyarihang Diyos na maaari nating gamitin para sa ating pagtatapos. “Maraming taong walang pakialam sa sinasabi Ko, ngunit nais Ko pa ring sabihin sa bawat tinatawag na banal na sumusunod kay Jesus na, kapag nakita ng sarili ninyong mga mata si Jesus na bumababa mula sa langit sakay ng puting ulap, ito ang magiging pagpapakita sa publiko ng Araw ng katuwiran. Marahil ay magiging panahon iyon ng matinding katuwaan sa iyo, subalit dapat mong malaman na ang sandali na nasasaksihan mong bumababa si Jesus mula sa langit ay ang sandali rin ng pagbaba mo sa impiyerno para maparusahan. Iyon ang magiging panahon ng pagwawakas ng plano ng pamamahala ng Diyos at ito ay kung kailan ginagantimpalaan ng Diyos ang mabubuti at pinarurusahan ang masasama. Sapagkat magwawakas na ang paghatol ng Diyos bago pa makakita ng mga tanda ang tao, kung kailan mayroon lamang pagpapahayag ng katotohanan. Yaong mga tumatanggap sa katotohanan at hindi naghahanap ng mga tanda, at sa gayon ay napadalisay na, ay nakabalik na sa harap ng luklukan ng Diyos at nakapasok na sa yakap ng Lumikha. Yaon lamang mga nagpupumilit sa paniniwala na ‘Ang Jesus na hindi nakasakay sa puting ulap ay isang huwad na Cristo’ ang sasailalim sa walang-hanggang kaparusahan, sapagkat naniniwala lamang sila sa Jesus na nagpapakita ng mga tanda, ngunit hindi kinikilala ang Jesus na nagpapahayag ng matinding paghatol at nagpapalabas ng tunay na daan at buhay. Kaya nga maaari lamang silang harapin ni Jesus kapag hayagan Siyang nagbabalik sakay ng puting ulap. Masyado silang sutil, masyadong tiwala sa kanilang sarili, masyadong mapagmataas. Paano gagantimpalaan ni Jesus ang gayong kababang-uri? Ang pagbabalik ni Jesus ay isang dakilang kaligtasan para sa mga may kakayahang tanggapin ang katotohanan, ngunit para sa mga hindi nagagawang tanggapin ang katotohanan ito ay isang tanda ng pagsumpa. Dapat ninyong piliin ang sarili ninyong landas, at hindi ninyo dapat lapastanganin ang Banal na Espiritu at tanggihan ang katotohanan. Hindi kayo dapat maging mangmang at mapagmataas, kundi isang taong sumusunod sa patnubay ng Banal na Espiritu at nananabik at naghahanap sa katotohanan; sa ganitong paraan lamang kayo makikinabang” (Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Kapag Namasdan Mo Na ang Espirituwal na Katawan ni Jesus, Napanibago na ng Diyos ang Langit at Lupa).

Ang Cristo ng mga huling araw ay naghahatid ng buhay, at naghahatid ng walang maliw at walang katapusang daan ng katotohanan. Ang katotohanang ito ang landas kung saan makakamit ng tao ang buhay, at ito lamang ang tanging landas kung saan makikilala ng Diyos at masasang-ayunan ng Diyos ang tao. Kung hindi mo hinahanap ang daan ng buhay na ibinigay ni Cristo ng mga huling araw, kung gayon ay hindi mo kailanman makakamit ang pagsang-ayon ni Jesus, at hindi ka kailanman magiging karapat-dapat pumasok sa pintuan ng kaharian ng langit, sapagkat kapwa ka bulag na tagasunod at bilanggo ng kasaysayan. Ang mga kontrolado ng mga tuntunin, ng mga titik, at iginapos ng kasaysayan ay hindi kailanman makakamit ang buhay ni makakamit ang walang-hanggang daan ng buhay. Ito ay sapagkat ang mayroon lamang sila ay malabong tubig na kinapitan ng libu-libong taon sa halip na tubig ng buhay na dumadaloy mula sa trono. Mananatili magpakailanman na mga bangkay, mga laruan ni Satanas, at mga anak ng impiyerno ang mga hindi natustusan ng tubig ng buhay. Kung gayon, paano nila mapagmamasdan ang Diyos? Kung nagsisikap ka lamang na panghawakan ang nakaraan, nagsisikap lamang na panatilihin ang mga bagay sa kung ano sila sa pamamagitan ng hindi paggalaw, at hindi sinusubukang baguhin ang nakasanayan na at itapon ang kasaysayan, kung gayon hindi ka ba magiging palaging laban sa Diyos? Malawak at makapangyarihan ang mga hakbang ng gawain ng Diyos, tulad ng rumaragasang mga alon at dumadagundong na mga kulog—subalit nakaupo kang walang imik na naghihintay ng pagkawasak, nakakapit sa kahangalan mo at walang ginagawa. Sa ganitong paraan, paano ka maituturing na isang taong sumusunod sa mga yapak ng Kordero? Paano mo mabibigyang-katwiran na ang Diyos na kinakapitan mo ay isang Diyos na laging bago at hindi kailanman naluluma? At paano ka maihahatid ng mga salita sa mga nanilaw mong mga libro patawid sa panibagong kapanahunan? Paano ka maaakay ng mga ito para mahanap mo ang mga hakbang ng gawain ng Diyos? At paano ka nila madadala paakyat sa langit? Ang hawak mo sa mga kamay mo ay ang mga titik na magbibigay lamang ng panandaliang ginhawa, hindi ang mga katotohanang kayang magbigay ng buhay. Ang mga banal na kasulatang binabasa mo ay pinagyayaman lamang ang dila mo at hindi mga salita ng pilosopiyang makatutulong sa pag-unawa mo sa buhay ng tao, lalong hindi mga landas na makapaghahatid sa iyo sa pagiging perpekto. Hindi ba nagdudulot sa iyo na magmuni-muni ang pagkakaibang ito? Hindi ba nito naipapaunawa sa iyo ang mga hiwagang napapaloob dito? May kakayahan ka bang dalhin ang sarili mo sa langit upang makipagkita sa Diyos nang ikaw lang? Kung walang pagdating ng Diyos, kaya mo bang dalhin ang sarili mo sa langit upang matamasa ang kasiyahang pampamilya kasama ang Diyos? Nananaginip ka pa rin ba ngayon? Imumungkahi Ko, kung gayon, na ihinto mo ang pananaginip at tingnan kung sino ang gumagawa ngayon—tingnan para makita kung sino ngayon ang nagpapatupad sa gawain ng pagliligtas sa tao sa mga huling araw. Kung hindi mo gagawin, hindi mo kailanman makakamit ang katotohanan, at hindi mo kailanman makakamit ang buhay” (Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Tanging si Cristo ng mga Huling Araw ang Makapagbibigay sa Tao ng Daan ng Buhay na Walang Hanggan).

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

Sino ang Nag-iisang Tunay na Diyos?

Mismo sino ang tunay na Diyos? Ito ay isang tanong na nakalilito sa maraming tao. Basahin ang artikulong ito para malaman kung sino ang nag-iisang tunay na Diyos.