Tinubos ng Panginoong Jesus ang Sangkatauhan, Kaya Bakit Niya Gagawin ang Gawain ng Paghatol Pagbalik Niya sa mga Huling Araw?

Oktubre 10, 2021

Tinubos ng Panginoong Jesus ang Sangkatauhan, Kaya Bakit Niya Gagawin ang Gawain ng Paghatol Pagbalik Niya sa mga Huling Araw?

Dalawang libong taon na ang nakararaan, ang Panginoong Jesus na nagkatawang-tao ay ipinako sa krus para tubusin ang mga kasalanan ng sangkatauhan, nagsisilbing isang handog para sa kasalanan at kinukumpleto ang Kanyang gawain ng pagtubos. Nangako Siyang babalik Siya sa mga huling araw, kaya lahat ng mananampalataya ay mapagmatyag na naghihintay sa pagparito ng Panginoon, at iniisip na bilang mga mananampalataya ng Panginoon, ang lahat ng kanilang kasalanan ay napatawad na, at hindi na Niya sila nakikita bilang mga makasalanan. Akala nila’y ganap na silang handa, kaya kailangan na lang nilang hintayin ang pagbabalik ng Panginoon nang sa gayon ay maiakyat sila sa Kanyang kaharian. Kaya palaging nakatanaw ang mga tao sa kalangitan, hinihintay ang araw na Siya’y biglang magpapakita sakay ng isang ulap at dadalhin sila paakyat sa langit para makatagpo Siya. Pero sa sobrang gulat nila, pinapanood nilang magsimula ang malalaking sakuna pero hindi pa rin nasasalubong ang Panginoon. Walang sinumang nakakaalam kung ano talagang nangyayari. Kahit na hindi nila nakitang pumarito ang Panginoon sakay ng isang ulap, nakita naman nila ang Kidlat ng Silanganan na nagbibigay ng pare-parehong pagpapatotoo na Siya’y nagbalik na bilang Makapangyarihang Diyos na nagkatawang-tao. Nagpahayag Siya ng mga katotohanan at ginagawa ang gawain ng paghatol na nagsisimula sa sambahayan ng Diyos. Ginimbal ng pagpapakita at gawain ng Makapangyarihang Diyos ang buong mundo ng relihiyon at pumukaw ng matinding reaksyon. Ang gawain ng paghatol ng Diyos na nagkatawang-tao ay malayong-malayo sa mga kuru-kuro at imahinasyon ng mga tao. Maraming nagtatanong: Nakumpleto na ng Panginoong Jesus ang Kanyang malaking gawain ng pagtubos, at tinawag tayo ng Diyos na matuwid, kaya bakit Niya pa kakailanganing gawin ang gawain ng paghatol sa mga huling araw? Pakiramdam nila’y imposible ‘yon. Nilalabanan at kinokondena pa nga ng pamayanang pangrelihiyon ang Makapangyarihang Diyos, tinatanggihang tingnan ang Kanyang gawain, lahat habang sabik na hinihintay ang Panginoon sakay ng isang ulap para dalhin sila paakyat sa kaharian, umaasang makatakas sa malalaking sakuna. Gayunpaman, ang gawain ng Diyos ay malawak at makapangyarihan at walang sinumang makapipigil nito. Gumawa ng isang grupo ng mga mananagumpay ang Makapangyarihang Diyos at ang mga sakuna’y nagsimula na, habang ang mundo ng relihiyon ay lumulubog sa sakuna, umiiyak at nagngangalit ang mga ngipin. Dahil hindi sila nadala bago ang mga sakuna, umaasa silang mangyayari ito habang o pagkatapos nito. Bakit hindi nila sinalubong ang Panginoon bago ang mga sakuna? Saan sila nagkamali? Hindi ba tinupad ng Panginoong Jesus ang Kanyang pangako, nabigong dalhin ang mga mananampalataya sa kaharian bago ang mga sakuna, lubos silang dinismaya? O nagkamali ba ng pagkaunawa ang mga tao sa mga biblikal na propesiya, nagtitiwala sa kanilang mga kuru-kuro na ang Panginoon ay paparito sakay ng isang ulap, tumatangging pakinggan ang tinig ng Diyos, at kaya nabibigong salubungin ang Panginoon at namamatay sa sakuna? Ang lahat ngayon ay litong-lito kung bakit hindi pumarito ang Panginoon sakay ng isang ulap at dinala ang mga mananampalataya bago ang mga sakuna. Ngayon, ibabahagi ko ang personal kong pagkaunawa sa gawain ng paghatol ng Diyos na nagkatawang-tao sa mga huling araw bilang ang Anak ng tao.

Lahat ng pamilyar sa Biblia ay nauunawaan na karamihan ng mga biblikal na propesiya ay hinuhulaan ang dalawang bagay: Ang Panginoon ay babalik, at gagawin Niya ang paghatol sa mga huling araw. Pero sa totoo, ang dalawang bagay na ito ay isang bagay lang, na paparito ang Diyos sa katawang-tao sa mga huling araw para gawin ang Kanyang gawain ng paghatol. Ang ilan ay tiyak na magtatanong kung may biblikal na batayan sa pagsasabi nito. Syempre meron. Maraming propesiya sa Biblia tungkol sa mga bagay na ito—200 o higit pa. Tingnan natin ang isang halimbawa, tulad ng sa Lumang Tipan: “At Siya’y hahatol sa gitna ng mga bansa, at sasaway sa maraming tao(Isaias 2:4). “Sapagkat Siya’y dumarating: sapagkat Siya’y dumarating upang hatulan ang lupa: Kanyang hahatulan ng katuwiran ang sanlibutan, at ng Kanyang katotohanan ang mga bayan(Awit 96:13). Sinasabi rin sa Bagong Tipan: “Sapagkat dumating na ang panahon ng pasimula ng paghuhukom sa bahay ng Diyos(1 Pedro 4:17). Personal din na ipinropesiya ng Panginoong Jesus na Siya’y babalik at gagawin ang gawain ng paghatol sa mga huling araw. Sinabi ng Panginoong Jesus, “Kung ang sinumang tao’y nakikinig sa Aking mga pananalita, at hindi ingatan, ay hindi Ko siya hinahatulan: sapagkat hindi Ako naparito upang humatol sa sanlibutan, kundi upang iligtas ang sanlibutan. Siya na nagtatakwil sa Akin, at hindi tumatanggap sa Aking mga salita, ay mayroong isang hahatol sa kanya: ang salitang Aking sinalita, ay siyang sa kanya’y hahatol sa huling araw(Juan 12:47–48). “Sapagkat ang Ama’y hindi humahatol sa kanino mang tao, kundi ipinagkaloob Niya sa Anak ang buong paghatol(Juan 5:22). “At binigyan Siya ng awtoridad na humatol, sapagkat Siya’y Anak ng tao(Juan 5:27). Ipinopropesiya ng Pahayag: “Sinasabi niya nang may malakas na tinig, ‘Matakot kayo sa Diyos, at magbigay kaluwalhatian sa Kanya; sapagkat dumarating ang panahon ng Kanyang paghatol’(Pahayag 14:7). Napakalinaw ng mga propesiyang ito sa pagsasabing ang Panginoon ay babalik bilang ang Anak ng tao at gagawin ang gawain ng paghatol sa mga huling araw. Walang duda tungkol dito. Nakikita natin na malinaw na ipinropesiya ng Panginoong Jesus sa Kapanahunan ng Biyaya na Siya’y babalik sa mga huling araw bilang ang Anak ng tao para sa Kanyang gawain ng paghatol. Malinaw na ipinopropesiya ng Pahayag, “sapagkat dumarating ang panahon ng Kanyang paghatol.” Ipinapakita ng mga propesiyang ito na ang Panginoon ay nagkakatawang-tao bilang ang Anak ng tao sa mga huling araw, personal na pumaparito sa piling natin para gawin ang gawain ng paghatol. Malinaw na matagal na itong pinlano ng Diyos, at walang sinumang maaaring magkaila nito. Nagpahayag ng mga katotohanan ang Makapangyarihang Diyos para sa gawain ng paghatol, bumigkas Siya ng napakaraming salita at gumawa ng isang grupo ng mga mananagumpay. Ipinapakita nito na ang mga propesiyang ito ay ganap nang natupad. Ngayon, tingnan natin ang pangkaraniwang paniniwalang pangrelihiyon na nakumpleto ng Panginoon ang Kanyang gawain ng pagtubos, kaya imposibleng gagawin Niya ang gawain ng paghatol sa mga huling araw. Mayroon bang anumang biblikal na batayan para rito? Sinabi ba ito ng Panginoong Jesus? Hindi talaga. Ang gayong mga ideya ay walang iba kung hindi mga kuru-kuro at imahinasyon ng tao—ito’y mga hindi magkakatotoong pangarap. Lubos na salungat ang mga ito sa mga propesiya sa Biblia, at wala sa mga salita ng Diyos ang sumusuporta sa mga ito. Ang pag-iisip na ito ay talagang kahangalan! Bakit hindi masigasig na hinahanap ng mga tao ang mga salita ng Panginoon at ang mga propesiya sa Biblia, sa halip ay iginigiit ang paghatol at pagkondena sa gawain ng Diyos sa mga huling araw dahil sa sarili nilang mga kuru-kuro? Hindi ba’t hindi makatwiran at mayabang ‘yon? Ang Biblia ay naglalaman ng napakaraming propesiya tungkol sa pagparito ng Anak ng tao at sa paghatol sa mga huling araw, kaya bakit hindi nakikita ng mga tao ang Kasulatan sa harap nila mismo? Gaya na lang ng sinasabi sa Biblia, “Sa pakikinig ay inyong maririnig, at sa anumang paraa’y hindi ninyo mapag-uunawa; at sa pagtingin ay inyong makikita, at sa anumang paraa’y hindi ninyo mamamalas: Sapagkat kumapal ang puso ng bayang ito, at mahirap na mangakarinig ang kanilang mga tainga, at kanilang ipinikit ang kanilang mga mata; baka sila’y mangakakita ng kanilang mga mata, at mangakarinig ng kanilang mga tainga, at mangakaunawa ng kanilang puso, at muling mangagbalik-loob, at sila’y Aking pagalingin(Mateo 13:14–15). Dapat hanapin at siyasatin ng marurunong kung bakit ginagawa ng Diyos ang gawain ng paghatol sa mga huling araw, bakit ang Anak ng tao ang nagpapakita para gumawa. Kailangan nating sagutin ang mga katanungang ito bago natin tunay na mauunawaan ang mga propesiya sa Biblia.

Ngayon, siyasatin natin kung bakit nagkatawang-taong muli ang Panginoon para sa gawain ng paghatol matapos tubusin ang sangkatauhan. Ibinunyag na ng Makapangyarihang Diyos ang misteryong ito. Tingnan natin kung anong sinasabi ng mga salita ng Makapangyarihang Diyos tungkol dito. “Bagama’t maraming gawaing ginawa si Jesus sa tao, kinumpleto lamang Niya ang pagtubos sa buong sangkatauhan at naging handog dahil sa kasalanan ng tao; hindi Niya inalis ang lahat ng tiwaling disposisyon ng tao. Ang lubos na pagliligtas sa tao mula sa impluwensya ni Satanas ay hindi lamang kinailangan ni Jesus na maging handog dahil sa kasalanan at pasanin ang mga kasalanan ng tao, kundi kinailangan din ng Diyos na gumawa ng mas malaki pang gawain upang ganap na alisin sa tao ang kanyang maka-Satanas na tiwaling disposisyon. Kaya nga, ngayong napatawad na ang tao sa kanyang mga kasalanan, nagbalik na ang Diyos sa katawang-tao upang akayin ang tao tungo sa bagong kapanahunan, at sinimulan ang gawain ng pagkastigo at paghatol. Ang gawaing ito ay naghatid sa tao sa isang mas mataas na dako. Lahat ng nagpapasakop sa Kanyang kapamahalaan ay magtatamasa ng mas mataas na katotohanan at tatanggap ng mas malalaking pagpapala. Tunay silang mabubuhay sa liwanag, at matatamo nila ang katotohanan, ang daan, at ang buhay” (Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Paunang Salita). “Kahit na ang tao ay maaaring natubos at napatawad na sa kanyang mga kasalanan, ito ay maaari lamang na ituring na hindi pag-alala ng Diyos sa mga paglabag ng tao at hindi pagtrato sa tao alinsunod sa mga paglabag nito. Subalit, kapag ang tao na namumuhay sa katawang tao, ay hindi pa napapalaya mula sa kasalanan, siya ay maaaring magpatuloy lamang sa pagkakasala, inihahayag nang walang katapusan ang kanyang satanikong disposisyon. Ito ang buhay ng tao, isang walang-katapusang pagpapaulit-ulit ng kasalanan at kapatawaran. Ang karamihan ng tao ay nagkakasala sa araw upang magtapat ng kasalanan sa gabi. Dahil dito, kahit na ang handog para sa kasalanan ay walang hanggan ang bisa sa tao, hindi nito magagawang iligtas ang tao mula sa kasalanan. Tanging kalahati lang ng gawain ng pagliligtas ang nakumpleto, sapagkat ang tao ay mayroon pa ring tiwaling disposisyon. … Hindi madali para sa tao na mabatid ang kanyang mga kasalanan; wala siyang paraan para kilalanin ang kanyang sariling kalikasang nag-ugat na nang malalim, at kailangan niyang umasa sa paghatol ng salita upang makamit ang ganitong resulta. Sa ganitong paraan lamang maaaring unti-unting mabago ang tao mula sa puntong ito” (Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Hiwaga ng Pagkakatawang-tao 4). Napakalinaw ng mga salita ng Makapangyarihang Diyos, hindi ba? Tinubos ng Panginoong Jesus ang sangkatauhan sa Kapanahunan ng Biyaya, kaya bakit Siya babalik para sa paghatol sa mga huling araw? Ito’y dahil natapos lang ng Panginoong Jesus ang gawain ng pagtubos, kinukumpleto ang kalahati lang ng gawain ng pagliligtas ng Diyos. Nakamit nito ang pagtubos sa mga kasalanan ng tao, kaya kuwalipikado tayong magdasal at magbahagi kasama ang Panginoon, at tamasahin ang Kanyang biyaya at mga pagpapala. Ang ating mga kasalanan ay napatawad na at tinatamasa natin ang kapayapaan at kasiyahang bigay ng Banal na Espiritu, pero palagi pa rin tayong nagkakasala, nakakulong sa paulit-ulit na pagkakasala, pangungumpisal, at pagkakasalang muli. Walang sinumang makatatakas sa mga bigkis at gapos ng kasalanan, kundi namumuhay tayong nagpupumiglas dito. Masakit ito at walang paraan para makalaya. Ipinapakita nito na kahit na pinatawad ng Panginoon ang ating mga kasalanan, umiiral pa rin ang ating makasalanang kalikasan; umiiral pa rin ang ating tiwaling disposisyon. Malamang na lalabanan, tututulan, at hahatulan natin ang Diyos anumang oras. Ito’y isang ‘di maipagkakailang katotohanan. Gaano man katagal na mananampalataya ang isang tao, hindi nila matatakasan ang kasalanan at makakamit ang kabanalan o magiging karapat-dapat na humarap sa Diyos. Ganap nitong isinasakatuparan ang propesiya ng Panginoon: “Hindi ang bawat nagsasabi sa Akin, Panginoon, Panginoon, ay papasok sa kaharian ng langit; kundi ang gumaganap ng kalooban ng Aking Ama na nasa langit. Marami ang mangagsasabi sa Akin sa araw na yaon, ‘Panginoon, Panginoon, hindi baga nagsipanghula kami sa Iyong pangalan, at sa pangalan Mo ay nangagpalayas kami ng mga demonyo, at sa pangalan Mo ay nagsigawa kami ng maraming gawang kamangha-mangha?’ At kung magkagayon ay ipahahayag Ko sa kanila, ‘Kailanman ay hindi Ko kayo nangakilala: magsilayo kayo sa Akin, kayong manggagawa ng katampalasanan’(Mateo 7:21–23). At sinasabi sa Hebreo 12:14, “Kung walang kabanalan, walang taong makakakita sa Panginoon.” Makikita natin dito na tanging ‘yong mga gumagawa sa kalooban ng Diyos ang makapapasok sa kaharian ng langit. Pero bakit sinabi ng Panginoon na ‘yong mga nangangaral at nagpapalayas ng mga demonyo sa Kanyang ngalan ay masasamang tao? Maaaring nakalilito ito para sa maraming tao. Ang ibig sabihin nito ay ipinapahayag nila ang kanilang pananampalataya, pero patuloy silang nagkakasala at hindi tunay na nagsisi. Gaano man karami ang kanilang pangangaral o pagpapalayas sa ngalan ng Panginoon, gaano karaming milagro ang kanilang nagawa, wala sila ng pagsang-ayon ng Panginoon. Sa mga mata ng Panginoon, ang mga ganoong tao ay masasama. Gumagawa man sila ng mga bagay sa ngalan ng Panginoon, pero isa itong insulto sa Panginoon na Kanyang kinasusuklaman. Ang mga tao bang ito, na ang mga kasalanan ay napatawad na, ay karapat-dapat na makapasok sa kaharian? Hinding-hindi. Pinapangarap pa rin nila ang araw na paparito ang Panginoon para dalhin sila sa kalangitan. Ito’y pantasya ng tao. Malinaw na ang pagpopropesiya ng Panginoong Jesus sa Kanyang pagbabalik ay hindi nangangahulugang iaakyat Niya sa kalangitan ang mga tao para makatagpo Siya, kundi isasagawa Niya ang paghatol at lilinisin ang mga tao sa kanilang makasalanang kalikasan at katiwalian, na ganap Niya tayong ililigtas mula sa kasalanan at mula sa mga puwersa ni Satanas, at dadalhin tayo sa isang magandang destinasyon. Ito ang kahulugan ng gawain ng paghatol ng Diyos sa mga huling araw. Ngayon, sigurado akong nakikita nating lahat na ang gawain ng pagtubos sa Kapanahunan ng Biyaya ay para lang tubusin tayo sa ating mga kasalanan, nang sa gayon ay mapatawad ang ating mga kasalanan. Kinumpleto lang nito ang kalahati ng gawain ng pagliligtas, at gumagawa ang Diyos ng isang mas malaking hakbang ng gawain sa mga huling araw. Sa pundasyon ng gawain ng pagtubos ng Panginoong Jesus, ipinapahayag ng Makapangyarihang Diyos ang mga katotohanan para sa gawain ng paghatol sa mga huling araw para ganap na linisin at iligtas ang sangkatauhan mula sa kasalanan, para palayain tayo mula sa mga puwersa ni Satanas. Dito, makikita natin na ang pagtubos ng Panginoong Jesus ay ganap na nagbibigay-daan para sa paghatol ng Diyos sa mga huling araw. Isa itong gawaing pang-pundasyon. At ang gawain ng paghatol ng Makapangyarihang Diyos ay ang pinakakritikal na hakbang sa plano ng pamamahala ng Diyos para iligtas ang sangkatauhan at magtatapos sa kapanahunan. Ang pagtanggap lang sa gawain ng pagtubos ng Panginoong Jesus nang hindi tinatanggap ang gawain ng paghatol ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw ay nangangahulugan ng paghinto sa kalagitnaan ng landas ng pananampalataya, at ang huling hakbang ay ang pinakakritikal na magtatakda sa ating kapalaran at kahihinatnan. Ang hindi tunay na pagtanggap sa hakbang na ito ay pagsuko sa kalagitnaan at pagsasayang ng lahat ng nakaraang pagsisikap. Tingin ko, nauunawaan ng lahat na ang pinakahuling bahagi ng isang paglalakbay ay ang madalas na pinakamahirap. Ang pinakahuling yugtong ito sa iyong landas ng pananampalataya ang pinakamahalaga na magpapasya sa iyong kapalaran. Para sa mga mananampalataya, ang magpapasya sa ating kahihinatnan at kapalaran ay ang gawain ng paghatol ng Diyos sa mga huling araw. Kung hindi ito tatanggapin ng mga tao, sila’y aalisin ng Diyos; talagang kalunos-lunos iyon. Kaya makasisiguro tayo, na gaano man katagal naging isang mananampalataya ang isang tao, kung hindi nila tatanggapin ang Makapangyarihang Diyos, sila’y aalisin ng Diyos, at sila’y magiging isang hangal na dalaga na umiiyak at nagngangalit ang mga ngipin na nahuhulog sa mga sakuna. Maraming dating ‘di mananampalataya ang direktang tinanggap ang gawain ng Makapangyarihang Diyos at nagkamit ng kaligtasan ng Diyos sa mga huling araw. Sila ‘yong mapapalad at pinupunan nila ‘yong mga mananampalatayang tumangging tanggapin ang Makapangyarihang Diyos at naalis. Hindi ba’t ‘yon ang magiging pinakamalaking pagsisisi para sa mga mananampalataya? Pagkatapos ng lahat ng taong iyon ng paghihintay para sa Panginoon, nakikita nila ang Makapangyarihang Diyos na ginagawa ang gawain ng paghatol at nagpapahayag ng napakaraming katotohanan pero tumatangging tanggapin iyon, sa halip ay sutil na naghihintay na pumarito ang Panginoon sakay ng isang ulap, nakikipagpustahan sa Diyos. Sa huli, mawawala nila ang kanilang pagkakataon sa kaligtasan. Hindi ba’t labis na nakalulungkot iyon para sa isang mananampalataya?

Maaaring itanong ng ilan kung paano ginagawa ng Makapangyarihang Diyos ang gawain ng paghatol at paglilinis para ganap na iligtas ang sangkatauhan. Napakaraming dapat ibahagi sa mga katotohanang may kaugnayan dito, kaya ngayon puwede lang natin itong pag-usapan nang bahagya. Sabi ng Makapangyarihang Diyos, “Ang Cristo ng mga huling araw ay gumagamit ng iba’t ibang katotohanan para maturuan ang tao, para ibunyag ang diwa ng tao, at suriin ang kanyang mga salita at gawa. Ang mga salitang ito ay binubuo ng iba’t ibang katotohanan, gaya ng tungkulin ng tao, paano dapat sundin ng tao ang Diyos, paano dapat maging tapat ang tao sa Diyos, paano dapat isabuhay ng tao ang normal na pagkatao, gayundin ang karunungan at disposisyon ng Diyos, at iba pa. Ang mga salitang ito ay nakatuon lahat sa diwa ng tao at sa kanyang tiwaling disposisyon. Partikular na, yaong mga salitang naglalantad kung paano tinatanggihan ng tao ang Diyos ay sinasabi patungkol sa kung paano kinakatawan ng tao si Satanas, at naging puwersa ng kaaway laban sa Diyos. Sa pagsasakatuparan ng Kanyang gawain ng paghatol, hindi lamang basta nililinaw ng Diyos ang likas na pagkatao ng tao sa iilang salita lamang; inilalantad, pinakikitunguhan, at tinatabas Niya nang pangmatagalan. Ang lahat ng ganitong mga pamamaraan ng paglalantad, pakikitungo, at pagpupungos ay hindi maaaring mahalinhan ng mga ordinaryong salita, kundi ng katotohanang hindi man lang taglay ng tao. Ang ganitong klaseng mga pamamaraan lamang ang matatawag na paghatol; sa pamamagitan lamang ng ganitong uri ng paghatol masusupil ang tao at makukumbinsi nang husto tungkol sa Diyos, at bukod pa riyan ay makamtan ang tunay na pagkakilala sa Diyos” (Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ginagawa ni Cristo ang Gawain ng Paghatol sa Pamamagitan ng Katotohanan). Napakalinaw ng mga salita ng Makapangyarihang Diyos na ang Kanyang paghatol sa mga huling araw ay pangunahin na para hatulan ang tiwaling diwa ng sangkatauhan sa pamamagitan ng pagpapahayag ng katotohanan, para ilantad ang ating katiwalian nang sa gayon ay magnilay tayo at kilalanin ang ating sarili, at makita ang sarili nating katiwalian. Tapos ay magsisisi tayo, kamumuhian ang ating sarili at ang ating laman, na humahantong sa tunay na pagsisisi. Ang gawain ng paghatol na ito ay hindi ginagawa sa pamamagitan lang ng pagpapahayag ng ilang katotohanan para maunawaan ng mga tao, kundi ang Diyos ay nagpapahayag ng maraming aspeto ng katotohanan. Ang lahat ng katotohanang ito ay hahatulan, ilalantad, pupungusan at iwawasto ang sangkatauhan, para rin subukin at pinuhin tayo. Ang mga salita ng Diyos na hinahatulan at inilalantad ang tiwaling diwa ng tao ay partikular na tahasang ibinubunyag ang mga satanikong disposisyon ng sangkatauhan, at ang ating kalikasan at diwa. Ang pagbabasa ng mga salita ng Diyos ay napakasidhi, at dumederetso ang mga ito sa puso. Nakikita natin kung gaano tayo kalubhang tiwali, na hindi tayo karapat-dapat na tawaging tao. Wala tayong pagtataguan, at gusto nating maglungga sa mga bitak ng lupa para matakasan ang galit ng Diyos. Ang pagdaan sa paghatol na ito ang tanging paraan para makita ang katotohanan ng ating sariling katiwalian, tapos ay mapupuno tayo ng pagsisi at mababatid na hindi tayo karapat-dapat sa mga pagpapala ng Diyos, na madala sa Kanyang kaharian. Sa pagiging sobrang tiwali, hindi tayo karapat-dapat na makita ang Diyos. Kung wala ang paghatol at pagkastigo ng Diyos, hindi natin kailanman tunay na makikilala ang sarili natin, kundi ay magbibitiw lang tayo ng mga hungkag na salita para ikumpisal ang ating mga kasalanan, nang hindi nalalaman na tayo’y ganap na namumuhay ayon sa mga satanikong disposisyon. Patuloy tayong magrerebelde at lalaban sa Diyos, at iisipin pa ring makapapasok tayo sa langit. Kawalang-hiyaan at kahibangan ito, wala talagang kabatiran sa sarili. Tayong mga nakararanas ng paghatol at paglilinis ng Makapangyarihang Diyos ay may tunay na personal na kaalaman na ang Kanyang mga salita ay ang katotohanan, na ang mga ito’y napakahalaga! Tanging ang mga katotohanang ipinahayag ng Diyos ang makapaglilinis sa ating katiwalian at makapagliligtas sa atin mula sa kasalanan. Tanging ang pagdanas sa paghatol ng Kanyang mga salita ang makapaglilinis at makapagbabago ng ating mga tiwaling disposisyon, nang sa gayon ay maaari tayong maging mga gumagawa ng kalooban ng Diyos, at karapat-dapat na makapasok sa kaharian. Ang gawain ng paghatol ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw ay ang nagdadala sa atin ng daan, ng katotohanan, at ng buhay. Sa pamamagitan ng gawain ng Makapangyarihang Diyos natin makakamit ang katotohanan at buhay at mamumuhay sa harap ng Diyos, na isang napakalaking pagpapala mula sa Diyos!

Sa puntong ito ng ating pagbabahagi, tingin ko’y nauunawaan ng karamihan sa atin na ang gawain ng Diyos para iligtas ang sangkatauhan ay hindi kasing dali ng iniisip natin. Hindi lang ito basta pagtubos sa atin at pagpapatawad sa ating mga kasalanan at ‘yon na ‘yon, kundi ang Kanyang gawain ng pagliligtas ay para ganap na iligtas tayo mula sa kasamaan at kasalanan, para iligtas tayo mula sa pagkakahawak ni Satanas para makapagpasakop tayo sa Diyos at sambahin Siya. Ang gawain ng paghatol ang tanging paraan para makamit ito. Ngayon, nagpahayag ng napakaraming katotohanan ang Makapangyarihang Diyos at ginagawa ang gawain ng paghatol. Ang gawain Niyang ito ay talagang napakalaki, at ‘di maikukumpara! Ginimbal ng mga salita ng Makapangyarihang Diyos ang buong mundo at niyanig ang sansinukob. Ang dakilang gawain ng Diyos sa mga huling araw ay nakaagaw ng atensyon at ginulat nito ang mundo. Sinisiyasat ng lahat ng nagmamahal sa katotohanan ang gawain ng Diyos sa mga huling araw, at tanging ‘yong hindi nagmamahal sa katotohanan ang nagbubulag-bulagan at ‘di pinapansin ang gawain ng Diyos. Pero kailanman ay hindi maaapektuhan ng mundo ng relihiyon o ng mga ‘di mananampalataya ang gawain ng Diyos. Umuusad ito, walang makapipigil. Sa isang kisap-mata, ang malalaking sakuna ay nagsimula at ang gawain ng paghatol ng Diyos sa mga huling araw ay nasa rurok nito. Para sa Kanyang mga tagasunod, ito’y paghatol na nagsisimula sa sambahayan ng Diyos, ginagawang perpekto ang ilan at inaalis ang marami. Para sa iba, ito’y paggamit ng mga sakuna para unti-unting pakitunguhan ang mga gumagawa ng masama na lumalaban sa Diyos, ganap na tinatapos ang masamang kapanahunang ito kasama si Satanas. Tapos ay sasalubungin at papasukin natin ang isang bagong kapanahunan, kung saan ang kaharian ni Cristo ay natupad sa lupa. ‘Yong mga nag-aasam pa ring paparito ang Panginoon sakay ng isang ulap ay mahuhulog sa sakuna, iiyak at magngangalit ang mga ngipin, isinasakatuparan ang propesiya sa Pahayag, “Narito, Siya’y pumaparitong nasasa mga alapaap; at makikita Siya ng bawat mata, at ng nangagsiulos sa Kanya; at ang lahat ng mga angkan sa lupa ay magsisitaghoy dahil sa Kanya(Pahayag 1:7). Sinabi rin ng Makapangyarihang Diyos, “Maraming taong walang pakialam sa sinasabi Ko, ngunit nais Ko pa ring sabihin sa bawat tinatawag na banal na sumusunod kay Jesus na, kapag nakita ng sarili ninyong mga mata si Jesus na bumababa mula sa langit sakay ng puting ulap, ito ang magiging pagpapakita sa publiko ng Araw ng katuwiran. Marahil ay magiging panahon iyon ng matinding katuwaan sa iyo, subalit dapat mong malaman na ang sandali na nasasaksihan mong bumababa si Jesus mula sa langit ay ang sandali rin ng pagbaba mo sa impiyerno para maparusahan. Iyon ang magiging panahon ng pagwawakas ng plano ng pamamahala ng Diyos at ito ay kung kailan ginagantimpalaan ng Diyos ang mabubuti at pinarurusahan ang masasama. Sapagkat magwawakas na ang paghatol ng Diyos bago pa makakita ng mga tanda ang tao, kung kailan mayroon lamang pagpapahayag ng katotohanan. Yaong mga tumatanggap sa katotohanan at hindi naghahanap ng mga tanda, at sa gayon ay napadalisay na, ay nakabalik na sa harap ng luklukan ng Diyos at nakapasok na sa yakap ng Lumikha. Yaon lamang mga nagpupumilit sa paniniwala na ‘Ang Jesus na hindi nakasakay sa puting ulap ay isang huwad na Cristo’ ang sasailalim sa walang-hanggang kaparusahan, sapagkat naniniwala lamang sila sa Jesus na nagpapakita ng mga tanda, ngunit hindi kinikilala ang Jesus na nagpapahayag ng matinding paghatol at nagpapalabas ng tunay na daan at buhay. Kaya nga maaari lamang silang harapin ni Jesus kapag hayagan Siyang nagbabalik sakay ng puting ulap” (Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Kapag Namasdan Mo Na ang Espirituwal na Katawan ni Jesus, Napanibago na ng Diyos ang Langit at Lupa).

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

Ano ang Pagkakatawang-Tao?

Alam nating lahat na dalawang libong taon na ang nakararaan, nagkatawang-tao ang Diyos sa mundo ng tao bilang ang Panginoong Jesus para...

Sino ang Nag-iisang Tunay na Diyos?

Mismo sino ang tunay na Diyos? Ito ay isang tanong na nakalilito sa maraming tao. Basahin ang artikulong ito para malaman kung sino ang nag-iisang tunay na Diyos.

Ano Talaga ang Marapture?

Dalawang libong taon na ang nakalilipas, matapos ipako sa krus ang Panginoong Jesus at makumpleto ang Kanyang gawain ng pagtubos, nangako...