Ano ang gawain ng Banal na Espiritu? Paano naipapamalas ang gawain ng Banal na Espiritu?

Abril 21, 2018

Nauugnay na mga Salita ng Diyos:

Ang gawain ng Banal na Espiritu ay isang anyo ng maagap na paggabay at positibong kaliwanagan. Hindi nito pinahihintulutan ang mga tao na maging walang kibo. Sila ay dinadalhan nito ng kaaliwan, binibigyan sila ng pananampalataya at katatagan at nagagawa nito na maghangad silang maging gagawing perpekto ng Diyos. Kapag gumagawa ang Banal na Espiritu, nagagawa ng mga tao na aktibong pumasok; hindi sila walang kibo o pinipilit, ngunit mga maaagap. Kapag ang Banal na Espiritu ay gumagawa, ang mga tao ay nagagalak at handa, at sila ay nakahandang sumunod, at masayang magpakumbaba ng kanilang mga sarili, at bagama’t sila ay nasasaktan at marupok sa loob, mayroon silang katatagan na makipagtulungan, nagtitiis silang may kagalakan, nagagawa nilang sumunod, at sila ay walang bahid ng kalooban ng tao, walang bahid ng pag-iisip ng tao, at tiyak na walang bahid ng mga pagnanasa at mga pagbubuyo ng tao. Kapag nararanasan ng mga tao ang gawain ng Banal na Espiritu, sila ay lalo pang banal sa loob. Isinasabuhay niyaong mga nagtataglay ng gawain ng Banal na Espiritu ang pag-ibig sa Diyos, ang pag-ibig sa kanilang mga kapatid, at nagagalak sa mga bagay na ikinagagalak ng Diyos, at kinasusuklaman ang mga bagay na kinasusuklaman ng Diyos. Ang mga tao na inaantig ng gawain ng Banal na Espiritu ay mayroong normal na pagkatao, at sila ay nagtataglay ng pagkatao at palaging hinahangad ang katotohanan. Kapag ang Banal na Espiritu ay gumagawa sa loob ng mga tao, ang kanilang mga kalagayan ay painam nang painam, at ang kanilang pagkatao ay lalong mas nagiging normal, at bagama’t ang ilan sa kanilang pakikipagtulungan ay maaari mang maging hangal, ang kanilang mga pagganyak ay tama, ang kanilang pagpasok ay positibo, hindi nila tinatangkang makagambala, at walang masamang pag-iisip sa loob nila. Ang gawain ng Banal na Espiritu ay normal at totoo, ang Banal na Espiritu ay gumagawa sa tao alinsunod sa mga patakaran ng normal na buhay ng tao, at nililiwanagan Niya at ginagabayan ang tao alinsunod sa totoong paghahangad ng normal na mga tao. Kapag ang Banal na Espiritu ay gumagawa sa mga tao, ginagabayan at nililiwanagan Niya sila alinsunod sa mga pangangailangan ng normal na mga tao, naglalaan Siya para sa kanila batay sa kanilang mga pangangailangan, at positibo Niyang ginagabayan at nililiwanagan sila batay sa kung ano ang wala sa kanila, at sa kanilang mga kakulangan; kapag ang Banal na Espiritu ay gumagawa, ang gawaing ito ay naaayon sa mga patakaran ng normal na buhay ng tao, at sa totoong buhay lamang nagagawang makita ng mga tao ang gawain ng Banal na Espiritu. Kung, sa kanilang pang-araw-araw na mga buhay, ang mga tao sa isang positibong kalagayan at mayroong isang normal na espirituwal na buhay, kung gayon tinataglay nila ang gawain ng Banal na Espiritu. Sa gayong kalagayan, kapag kinakain nila at iniinom ang mga salita ng Diyos mayroon silang pananampalataya, kapag sila ay nananalangin sila ay inspirado, kapag mayroong isang bagay na nangyayari sa kanila sila ay hindi nagsasawalang-kibo, at habang nangyayari ito sa kanila nagagawa nilang makita ang mga aral na hinihiling sa kanila ng Diyos na matutuhan, at sila ay hindi walang-kibo o mahina, at bagama’t mayroon silang totoong mga kahirapan, nakahanda silang sundin ang lahat ng pagsasaayos ng Diyos.

—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Gawain ng Banal na Espiritu at ang Gawain ni Satanas

Kapag ang Banal na Espiritu ay gumagawa upang liwanagan ang mga tao, karaniwan nang binibigyan Niya sila ng isang kaalaman sa gawain ng Diyos, at sa kanilang tunay na pagpasok at tunay na kalagayan. Pinahihintulutan din Niya silang maintindihan ang masugid na mga layunin ng Diyos at ang Kanyang mga kinakailangan para sa tao sa kasalukuyan, upang mayroon silang paninindigan na isakripisyo ang lahat para mapalugod ang Diyos, na dapat nilang mahalin ang Diyos maging kapag nakasasagupa sila ng pag-uusig at kahirapan, na dapat silang tumayong saksi sa Diyos kahit pa ibig sabihin noon ay dumanak ang kanilang dugo o ibigay nila ang kanilang buhay; hindi sila magkakaroon ng mga pagsisisi. Kung mayroon kang ganitong uri ng paninindigan ito ay mga pagpapakilos ng Banal na Espiritu, at gawain ng Banal na Espiritu—nguni’t dapat mong malaman na hindi ka nagmamay-ari ng gayong mga pagpapakilos sa bawat sandali. Kung minsan sa mga pagtitipon kapag ikaw ay nananalangin at kumakain at umiinom ng mga salita ng Diyos, maaaring maramdaman mo na lubhang naantig ka at napukaw. Nadarama mo na bagung-bago at sariwa kapag nagbabahagi ang iba ng kanilang mga karanasan at pagkaunawa sa mga salita ng Diyos, at ang iyong puso ay lubos na malinaw at maliwanag. Ang lahat ng ito ay tumutukoy sa gawain ng Banal na Espiritu. Kung ikaw ay isang pinuno at binibigyan ka ng Banal na Espiritu ng di-karaniwang kaliwanagan at pagpapalinaw kapag ikaw ay nagpupunta sa simbahan upang gumawa, na tinutulutan kang makita ang mga suliraning umiiral sa loob ng iglesia at malaman kung paano magbahagi sa katotohanan para lutasin ang mga ito, na ginagawa kang sobrang masigasig, responsable at seryoso sa iyong paggawa, ang lahat ng ito ay tumutukoy sa gawain ng Banal na Espiritu.

—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Pagsasagawa 1

Ang gawain ng Banal na Espiritu ay talagang normal, at habang Siya ay gumagawa sa mga tao mayroon pa rin silang mga suliranin, lumuluha pa rin sila, nagdurusa pa rin sila, mahihina pa rin sila, at marami pa rin ang hindi malinaw sa kanila, ngunit sa gayong kalagayan nagagawa nilang pigilan ang kanilang mga sarili na dumausdos pabalik, at maaaring ibigin ang Diyos, at bagama’t lumuluha sila at nababalisa sa loob, nagagawa pa rin nilang purihin ang Diyos; ang gawain ng Banal na Espiritu ay talagang normal, at kahit katiting ay hindi higit sa karaniwan. Pinaniniwalaan iyon ng karamihan sa mga tao, sa sandaling magsimulang gumawa ang Banal na Espiritu, ang mga pagbabago ay nangyayari sa kalagayan ng mga tao at ang mahahalagang bagay ukol sa kanila ay tinatanggal. Ang gayong mga paniniwala ay mapanlinlang. Kapag ang Banal na Espiritu ay gumagawa sa loob ng tao, ang pagsasawalang-kibo ng tao ay naroroon pa rin at ang kanyang tayog ay nananatili gaya nang dati, ngunit taglay niya ang pagpapalinaw at kaliwanagan ng Banal na Espiritu, at kaya ang kanyang kalagayan ay mas maagap, ang mga kalagayan sa loob niya ay normal, at nagbabago siya nang mabilis.

—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Gawain ng Banal na Espiritu at ang Gawain ni Satanas

Lahat ng gawain ng Banal na Espiritu ay karaniwan, at tunay. Kapag binabasa mo ang mga salita ng Diyos at nananalangin, sa kalooban mo ikaw ay maningning at matatag, ang mundong panlabas ay di-maaaring makialam sa iyo, sa loob mo handa mong mahalin ang Diyos, handa kang makisalamuha sa mga positibong bagay, at kinamumuhian mo ang masamang mundo; ito ay pamumuhay sa loob ng Diyos. Hindi ito tulad ng sinasabi ng tao na pagtatamasa nang husto—hindi totoo ang gayong pananalita.

—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Paano Makikilala ang Realidad

May mga pagkakataon, kapag tinatamasa mo ang mga salita ng Diyos, ang iyong espiritu ay inaantig, at nadadama mo na wala kang magagawa maliban sa ibigin ang Diyos, na mayroong matinding lakas sa loob mo, at walang anumang bagay ang hindi mo maisasantabi. Kung nadadama mo ang kagaya nito, kung gayon ikaw ay naantig na ng Espiritu ng Diyos, at ang iyong puso ay nabaling nang ganap sa Diyos, at mananalangin ka sa Diyos at sasabihing: “O Diyos! Kami ay tunay na itinalaga at Iyong pinili. Ang Iyong kaluwalhatian ay nagbibigay sa akin ng pagmamalaki, at nakaluluwalhati para sa akin na maging isa sa Iyong mga tao. Gugugulin ko ang anumang bagay at ibibigay ang anumang bagay upang gawin ang Iyong kalooban, at itatatalaga ko ang lahat ng aking mga taon, at ang isang buong habambuhay ng mga pagsisikap, sa Iyo.” Kung ikaw ay mananalangin sa ganitong paraan, magkakaroon ng walang katapusang pag-ibig at tunay na pagsunod sa Diyos sa iyong puso. Nagkaroon ka na ba ng gayong karanasan kagaya nito? Kung ang mga tao ay madalas antigin ng Espiritu ng Diyos, kung gayon sila ay talagang nakahanda na italaga ang kanilang mga sarili sa Diyos sa kanilang mga panalangin: “O Diyos! Nais kong makita ang Iyong araw ng kaluwalhatian, at nais kong mabuhay para sa Iyo—walang anuman ang higit na karapat-dapat o makahulugan kaysa sa mabuhay para sa Iyo, at wala akong taglay ni katiting na pagnanais na mabuhay para kay Satanas at sa laman. Ibinabangon Mo ako sa pamamagitan nang pagtutulot sa akin na mabuhay para sa Iyo sa kasalukuyan.” Kapag nanalangin ka sa ganitong paraan, madadama mo na wala kang magagawa maliban sa ibigay ang iyong puso sa Diyos, na dapat mong makamit ang Diyos, at kasusuklaman mong mamatay nang hindi nakakamit ang Diyos habang ikaw ay nabubuhay. Sa pagsasabi ng gayong panalangin, magkakaroon ng isang di-mauubos na lakas sa loob mo, at hindi mo malalaman kung saan ito nagmumula; sa iyong puso ay magkakaroon ng walang hanggang kapangyarihan, at magkakaroon ng pakiramdam na ang Diyos ay labis na kaibig-ibig, at Siya ay nararapat ibigin. Ito ay kapag naantig ka na ng Diyos. Lahat niyaong nagkaroon ng gayong karanasan ay naantig na ng Diyos. Para sa kanila na madalas antigin ng Diyos, ang mga pagbabago ay nangyayari sa kanilang mga buhay, nagagawa nilang gawin ang kanilang pagbabago at nakahandang ganap na kamtin ang Diyos, ang pag-ibig para sa Diyos sa kanilang mga puso ay higit na malakas, ang kanilang mga puso ay ganap na bumaling sa Diyos, wala silang pakundangan para sa kanilang pamilya, sa mundo, sa mga gusot, o sa kanilang kinabukasan, at nakahanda silang italaga ang isang habambuhay ng mga pagsisikap sa Diyos. Lahat niyaong naantig na ng Espiritu ng Diyos ay mga taong naghahangad sa katotohanan, at mayroong taglay na pag-asa na gagawing perpekto ng Diyos.

—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Alamin ang Pinakabagong Gawain ng Diyos at Sumunod sa Kanyang mga Yapak

Maaari kang maging hangal, at walang magiging pagkakaiba sa loob mo, ngunit kailangan lamang gumawa ang Banal na Espiritu para magkaroon ng pananampalataya sa iyo, para palagi mong madama na hindi mo maaaring ibigin nang sapat ang Diyos, para maging handa kang makipagtulungan, upang maging handang makipagtulungan gaano man katindi ang mga kahirapan na darating. Ang mga bagay ay mangyayari sa iyo at hindi magiging malinaw sa iyo kung ang mga ito ay galing sa Diyos o mula kay Satanas, ngunit magagawa mong maghintay, at hindi ka magiging walang kibo o walang-ingat. Ito ang normal na gawain ng Banal na Espiritu. Kapag ang Banal na Espiritu ay gumagawa sa loob nila, nakasasagupa pa rin ang mga tao ng totoong mga kahirapan, may mga pagkakataon na lumuluha sila, at may mga pagkakataon na mayroong mga bagay na hindi nila mapagtatagumpayan, ngunit lahat ng ito ay isang yugto ng karaniwang gawain ng Banal na Espiritu. Bagama’t hindi nila napagtatagumpayan ang mga bagay na ito, at bagama’t, sa panahong iyon, sila ay mahihina at nagsisipagreklamo, nagagawa pa rin nila pagkatapos ang ibigin ang Diyos nang may lubos na pananampalataya. Hindi sila maaaring pigilan ng kanilang pagiging walang-kibo sa pagkakaroon ng normal na mga karanasan, at hindi alintana kung ano man ang sasabihin ng ibang tao, at kung paano nila sila inaatake, nagagawa pa rin nilang ibigin ang Diyos. Sa panahon ng panalangin, palagi nilang nadadama na dati silang may masyadong pagkakautang sa Diyos, at sila ay nagpapasya na mapalugod ang Diyos at tinatalikuran ang laman kapag sila ay muling nakasasagupa ng gayong mga bagay. Ipinakikita ng lakas na ito na naroroon ang gawain ng Banal na Espiritu sa loob nila, at ito ang normal na kalagayan ng gawain ng Banal na Espiritu.

—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Gawain ng Banal na Espiritu at ang Gawain ni Satanas

Hindi inuulit ng Diyos ang Kanyang gawain, hindi Siya gumagawa ng gawaing hindi-makatotohanan, hindi Siya nag-aatas ng labis-labis sa tao, at hindi Siya gumagawa ng higit sa katinuan ng tao. Ang lahat ng Kanyang ginagawa ay napapaloob lamang sa hangganan ng normal na katinuan ng tao, at hindi lumalampas sa katinuan ng normal na pagkatao, at ang Kanyang gawain ay naaayon sa mga karaniwang iniatas sa tao. Kung ito ang gawain ng Banal na Espiritu, ang tao ay nagiging lalong higit na normal, at ang kanyang pagkatao ay nagiging lalong higit na normal. Ang tao ay may dumaraming kaalaman sa kanyang satanikong tiwaling disposisyon, at ng kakanyahan ng tao, at mayroon siyang higit na pananabik sa katotohanan. Na ang ibig sabihin, ang buhay ng tao ay lumalago nang lumalago, at ang tiwaling disposisyon ng tao ay nakakayanan ang parami nang paraming mga pagbabago—kung saan ang lahat ng ito ay ang kahulugan ng ang Diyos ay nagiging ang buhay ng tao.

—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Tanging ang mga Nakakikilala sa Diyos at Nakaaalam sa Kanyang Gawain ang Makapagbibigay-lugod sa Diyos

Ang Banal na Espiritu ay mayroong isang landas na lalakaran sa bawat tao, at nagbibigay sa bawat tao ng mga pagkakataon na maging perpekto. Sa pamamagitan ng iyong pagiging negatibo nagagawa mong malaman ang iyong sariling katiwalian, at sa gayon sa pamamagitan ng pagtapon sa pagiging negatibo makasusumpong ka ng landas sa pagsasagawa, at ito ang pagkaperpekto sa iyo. Karagdagan pa, sa pamamagitan ng patuloy na paggabay at pagpapalinaw ng ilang positibong mga bagay sa loob mo, aktibo mong matutupad ang iyong tungkulin at susulong sa kabatiran at magtatamo ng pagkakilala. Kapag ang iyong mga kalagayan ay mabuti, ikaw ay espesyal na nahahandang basahin ang salita ng Diyos, at espesyal na nahahandang manalangin sa Diyos, at maaaring iugnay mo ang mga sermon na iyong naririnig sa iyong sariling mga kalagayan. Sa gayong mga panahong nililiwanagan at pinaliliwanag ka ng Diyos sa loob mo, ipinaiisip sa iyo ang ilang bagay sa panig ng positibo. Ito ang pagkaperpekto sa iyo sa panig ng positibo. Sa mga negatibong kalagayan, ikaw ay mahina at negatibo, at nararamdaman na hindi mo taglay ang Diyos sa iyong puso, nguni’t pinaliliwanag ka ng Diyos, tinutulungan ka na makahanap ng isang landas na isasagawa. Lalabas dito ang pagtatamo ng pagkaperpekto sa negatibong aspeto.

—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Yaon Lamang mga Nakatuon sa Pagsasagawa ang Mapeperpekto

May mga pagkakakataon na binibigyan ka ng Diyos ng isang tiyak na uri ng damdamin—naiwawala mo ang iyong panloob na kagalakan, naiwawala mo ang presensiya ng Diyos, at nasa kadiliman ka. Isang uri ito ng pagpipino. Tuwing may ginagawa ka nauuwi ito sa di-maayos o napipigil ka ng isang balakid. Disiplina ito ng Diyos. Maaaring gumagawa ka ng isang bagay at walang nararamdamang anumang partikular na damdamin para dito, at hindi rin nalalaman ng iba, nguni’t alam ng Diyos. Hindi ka Niya pakakawalan, at didisiplinahin ka Niya. Napakadetalyado ng gawain ng Banal na Espiritu. Buong ingat Niyang pinagmamasdan ang bawat salita at pagkilos ng mga tao, ang kanilang bawat kilos at galaw, at ang kanilang bawat kaisipan at ideya upang makamtan ng mga tao ang panloob na kamalayan sa mga bagay na ito. Minsan mong ginagawa ang isang bagay at nauuwi ito sa di-maayos, muli mong ginagawa at nauuwi pa rin sa di-maayos, at unti-unti mong maiintindihan ang gawain ng Banal na Espiritu. Sa maraming beses ng pagdidisiplina, malalaman mo kung ano ang gagawin upang umayon sa kalooban ng Diyos at kung ano ang hindi naaayon sa Kanyang kalooban. Sa katapusan, magkakaroon ka ng wastong mga pagtugon sa paggabay ng Banal na Espiritu sa loob mo.

—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Yaong mga Gagawing Perpekto ay Kailangang Sumailalim sa Pagpipino

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman