Ano ang mga pagkakaiba sa pagitan ng gawain ng Banal na Espiritu at ng gawain ng mga masasamang espiritu
Nauugnay na mga Salita ng Diyos:
Paano dumarating ang isa sa pagkaunawa sa mga detalye ng espiritu? Paano gumagawa ang Banal na Espiritu sa tao? Paano gumagawa si Satanas sa tao? Paano gumagawa ang masasamang espiritu sa tao? Anu-ano ang mga palatandaan? Kapag may nangyayari sa iyo, ito ba ay nagmumula sa Banal na Espiritu, at dapat mo ba itong sundin o tanggihan? Sa aktwal na pagsasagawa ng mga tao, maraming lumilitaw mula sa kalooban ng tao na palaging pinaniniwalaan ng mga tao na nagmumula sa Banal na Espiritu. Ang ilang bagay ay mula sa masasamang espiritu, nguni’t iniisip pa rin ng mga tao na ang mga ito ay nagmula sa Banal na Espiritu, at may mga pagkakataon na ginagabayan ang mga tao ng Banal na Espiritu mula sa loob, nguni’t natatakot ang mga tao na ang gayong paggabay ay nagmumula kay Satanas, kaya’t hindi sila nangangahas na sumunod, samantalang sa realidad ang paggabay na iyon ay ang pagliliwanag ng Banal na Espiritu. Kaya, maliban na lang kung titingnan ng isang tao ang pagkakaiba, walang paraan na makaranas sa kanyang praktikal na karanasan; kung hindi titingnan ang pagkakaiba, walang paraan ng pagkakamit ng buhay. Paano gumagawa ang Banal na Espiritu? Paano gumagawa ang masasamang espiritu? Ano ang galing sa kalooban ng tao? At ano ang galing sa paggabay at kaliwanagan ng Banal na Espiritu? Kung natatarok mo ang mga pagkakapare-pareho ng gawain ng Banal na Espiritu sa loob ng tao, magagawa mong palaguin ang iyong kaalaman at makita ang mga pagkakaiba sa iyong pang-araw-araw na buhay at sa panahon ng iyong praktikal na mga karanasan; makikilala mo ang Diyos, magagawa mong maunawaan at mahiwatigan si Satanas; hindi ka malilito sa iyong pagsunod o paghahabol, at ikaw ay magiging isang tao na ang mga iniisip ay malinaw, at siyang sumusunod sa gawain ng Banal na Espiritu.
Ang gawain ng Banal na Espiritu ay isang uri ng maagap na paggabay at positibong kaliwanagan. Hindi nito pinahihintulutan ang mga tao na maging balintiyak. Sila ay dinudulutan nito ng kaaliwan, binibigyan sila ng pananampalataya at katatagan, at binibigyang-kakayahan sila na habulin na gawing perpekto ng Diyos. Kapag gumagawa ang Banal na Espiritu, nagagawa ng mga tao na aktibong pumasok; hindi sila balintiyak o napipilitan, kundi kumikilos nang may sariling pagkukusa. Kapag ang Banal na Espiritu ay gumagawa, ang mga tao ay nagagalak at handa, nakahandang sumunod at masaya sa pagpapakumbaba. Bagama’t sila ay nasasaktan at marupok sa loob, mayroon silang katatagan na makipagtulungan, nagdurusa sila nang may kagalakan, nagagawa nilang sumunod, at sila ay walang bahid ng kalooban ng tao, walang bahid ng pag-iisip ng tao, at tiyak na walang bahid ng mga pagnanasa at mga motibo ng tao. Kapag nararanasan ng mga tao ang gawain ng Banal na Espiritu, sila ay lalo nang banal sa loob. Isinasabuhay niyaong mga nagtataglay ng gawain ng Banal na Espiritu ang pag-ibig ng Diyos at ang pag-ibig ng kanilang mga kapatid; nagagalak sila sa mga bagay na ikinagagalak ng Diyos, at kinasusuklaman ang mga bagay na kinasusuklaman ng Diyos. Ang mga taong inaantig ng gawain ng Banal na Espiritu ay mayroong normal na pagkatao, at patuloy silang naghahabol sa katotohanan at nagtataglay ng pagkatao. Kapag ang Banal na Espiritu ay gumagawa sa loob ng mga tao, ang kanilang kalagayan ay pabuti nang pabuti, at ang kanilang pagkatao ay lalong nagiging normal, at bagama’t ang ilan sa kanilang pakikipagtulungan ay maaaring hangal, ang kanilang mga pangganyak ay tama, ang kanilang pagpasok ay positibo, hindi nila tinatangkang makagambala, at walang masamang pag-iisip sa loob nila. Ang gawain ng Banal na Espiritu ay normal at tunay, ang Banal na Espiritu ay gumagawa sa tao alinsunod sa mga tuntunin ng normal na buhay ng tao, at nagsasakatuparan Siya ng kaliwanagan at paggabay sa loob ng mga tao alinsunod sa aktwal na paghahabol ng normal na mga tao. Kapag ang Banal na Espiritu ay gumagawa sa mga tao, ginagabayan at nililiwanagan Niya sila alinsunod sa mga pangangailangan ng normal na mga tao. Nagkakaloob Siya para sa kanila ayon sa kanilang mga pangangailangan, at positibo Niyang ginagabayan at nililiwanagan sila ayon sa kung ano ang wala sa kanila, at ayon sa kanilang mga kakulangan. Ang gawain ng Banal na Espiritu ay ang liwanagan at gabayan ang mga tao sa tunay na buhay; kapag nararanasan lamang nila ang mga salita ng Diyos sa kanilang aktwal na buhay saka nila nagagawang makita ang gawain ng Banal na Espiritu. Kung, sa kanilang pang-araw-araw na mga buhay, ang mga tao ay nasa isang positibong kalagayan at mayroong normal na espirituwal na buhay, tinataglay nila ang gawain ng Banal na Espiritu. Sa gayong kalagayan, kapag kinakain nila at iniinom ang mga salita ng Diyos, mayroon silang pananampalataya; kapag sila ay nananalangin, sila ay inspirado; kapag mayroong nangyayari sa kanila, sila ay hindi balintiyak; at habang nangyayari ang mga bagay-bagay, nagagawa nilang makita ang mga aral sa mga bagay na iyon na hinihingi sa kanila ng Diyos na matutuhan. Sila ay hindi balintiyak o mahina, at bagama’t mayroon silang mga tunay na paghihirap, nakahanda silang sundin ang lahat ng pagsasaayos ng Diyos.
— Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Gawain ng Banal na Espiritu at ang Gawain ni Satanas
Kapag ang Banal na Espiritu ay gumagawa upang liwanagan ang mga tao, karaniwang binibigyan Niya sila ng kaalaman sa gawain ng Diyos, at sa kanilang totoong pagpasok at totoong kalagayan. Pinahihintulutan din Niya silang maunawaan ang mga layunin ng Diyos na kailangang-kailangan na at ang Kanyang mga hinihingi sa tao ngayon, upang mayroon silang pagpapasiya na isakripisyo ang lahat para mapalugod ang Diyos, mahalin ang Diyos kahit makatagpo sila ng pag-uusig at kahirapan, at tumayong saksi para sa Diyos kahit nangangahulugan ito ng pagdanak ng kanilang dugo o pagbibigay ng kanilang buhay, at gawin iyon nang walang panghihinayang. Kung mayroon kang ganitong uri ng pagpapasiya, nangangahulugan ito na mayroon kang mga pagkapukaw at gawain ng Banal na Espiritu—nguni’t dapat malaman na hindi mo taglay ang gayong mga pagkapukaw sa bawat sandali. Minsan kapag ikaw ay nananalangin sa mga pagpupulong at kumakain at umiinom ng mga salita ng Diyos, maaaring maramdaman mo na lubhang naantig at kinasihan ka. Napakabago at sariwa sa pakiramdam kapag nagbabahagi ang iba ng kanilang karanasan at pagkaunawa sa mga salita ng Diyos, at ang iyong puso ay lubos na malinaw at maliwanag. Ito ang lahat ng gawain ng Banal na Espiritu. Kung ikaw ay isang pinuno at binibigyan ka ng Banal na Espiritu ng pambihirang kaliwanagan at pagpapalinaw kapag ikaw ay nagpupunta sa iglesia upang gumawa, binibigyan ka ng kabatiran sa mga suliraning umiiral sa loob ng iglesia, tinutulutan kang malaman kung paano magbahagi sa katotohanan para lutasin ang mga ito, ginagawa kang sobrang masigasig, responsable at seryoso sa iyong gawain, ang lahat ng ito ay gawain ng Banal na Espiritu.
— Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Pagsasagawa 1
Anong mga epekto ang nakakamit ng gawain ng Banal na Espiritu? Maaaring ikaw ay hangal, at maaaring hindi ka nakakahiwatig, nguni’t kailangan lamang gumawa ang Banal na Espiritu para magkaroon ka ng pananampalataya, at palagi mong madarama na hindi mo maiibig nang sapat ang Diyos. Magiging handa kang makipagtulungan, gaano man katindi ang mga paghihirap na darating. Ang mga bagay-bagay ay mangyayari sa iyo at hindi magiging malinaw sa iyo kung ang mga ito ay galing sa Diyos o mula kay Satanas, nguni’t magagawa mong maghintay, at hindi ka magiging balintiyak o walang-ingat. Ito ang normal na gawain ng Banal na Espiritu. Kapag ang Banal na Espiritu ay gumagawa sa loob mo, nakakaranas ka pa rin ng mga tunay na paghihirap: May mga pagkakataon na mapapaluha ka, at may mga pagkakataon na magkakaroon ng mga bagay na hindi mo kayang mapagtagumpayan, nguni’t lahat ng ito ay isang yugto lamang ng karaniwang gawain ng Banal na Espiritu. Bagama’t hindi mo napagtagumpayan ang mga paghihirap na iyon, at bagama’t, sa panahong iyon, ikaw ay mahina at puno ng reklamo, nagawa mo pa rin pagkatapos na ibigin ang Diyos nang may lubos na pananampalataya. Hindi ka mapipigilan ng iyong pagiging balintiyak na magkaroon ng mga normal na karanasan, at anuman ang sinasabi ng ibang tao, at kung paano ka nila inaatake, nagagawa mo pa ring ibigin ang Diyos. Sa panahon ng pananalangin, palagi mong nadarama na sa nakalipas ay masyadong malaki ang pagkakautang mo sa Diyos, at ikaw ay nagpapasya na palugurin ang Diyos at talikdan ang laman tuwing nahaharap kang muli sa gayong mga bagay. Ipinakikita ng kalakasang ito na naroroon ang gawain ng Banal na Espiritu sa loob mo. Ito ang normal na kalagayan ng gawain ng Banal na Espiritu.
— Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Gawain ng Banal na Espiritu at ang Gawain ni Satanas
Kapag ang mga kalagayan ng mga tao ay normal, ang kanilang mga espirituwal na buhay at ang kanilang mga buhay sa laman ay normal, at ang kanilang katwiran ay normal at maayos. Kapag sila ay nasa ganitong kalagayan, ang kanilang nararanasan at nalalaman sa loob ng kanilang mga sarili ay masasabi sa pangkalahatan na nagmumula sa pagiging naantig ng Banal na Espiritu (ang pagkakaroon ng mga kabatiran o pagtataglay ng mababaw na kaalaman kapag kinakain at iniinom nila ang mga salita ng Diyos, o pagiging tapat sa ilang bagay, o pagkakaroon ng lakas upang ibigin ang Diyos sa ilang bagay—ang lahat ng ito ay nagmumula sa Banal na Espiritu). Ang gawain ng Banal na Espiritu sa tao ay natatanging normal; ang tao ay walang kakayahan na madama ito, at tila dumarating sa pamamagitan ng tao mismo, bagaman ito sa katunayan ay gawain ng Banal na Espiritu. Sa pang-araw-araw na buhay, ang Banal na Espiritu ay gumagawa kapwa ng malaki at ng maliit na gawain sa bawa’t isa, at ang lawak lamang ng gawaing ito ang nagkakaiba. Ang ilang tao ay may mahusay na kakayahan, at nauunawaan nila ang mga bagay-bagay nang mabilis, at ang kaliwanagan ng Banal na Espiritu ay talagang matindi sa loob nila. Samantala, ang ilang tao na may mahinang kakayahan, at mas matagal bago nila maunawaan ang mga bagay-bagay, nguni’t inaantig sila ng Banal na Espiritu sa loob at nagagawa rin nila na maging tapat sa Diyos—ang Banal na Espiritu ay gumagawa sa lahat ng taong naghahabol sa Diyos. Kapag, sa pang-araw-araw na buhay, hindi kinakalaban ng mga tao ang Diyos o naghihimagsik laban sa Diyos, hindi gumagawa ng mga bagay na salungat sa pamamahala ng Diyos at hindi nanghihimasok sa gawain ng Diyos, sa bawa’t isa sa kanila ang Espiritu ng Diyos ay gumagawa sa mas malaki o mas maliit na saklaw; inaantig Niya sila, nililiwanagan sila, binibigyan sila ng pananampalataya, binibigyan sila ng lakas, at pinakikilos sila upang mas maagap na pumasok, hindi maging tamad o mag-imbot sa mga kasiyahan ng laman, maging handang magsagawa ng katotohanan, at nananabik para sa mga salita ng Diyos. Lahat ng ito ay gawain na nagmumula sa Banal na Espiritu.
— Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Gawain ng Banal na Espiritu at ang Gawain ni Satanas
Lahat ng gawain ng Banal na Espiritu ay karaniwan at tunay. Kapag ikaw ay nagbabasa ng mga salita ng Diyos at nagdarasal, maningning at matatag ka sa loob mo, at hindi ka kayang mapanghimasukan ng panlabas na mundo; sa loob mo, handa kang mahalin ang Diyos, handa kang makisangkot sa mga positibong bagay, at kinamumuhian mo ang masamang mundo. Ito ang pamumuhay sa piling ng Diyos. Hindi ito tulad ng sinasabi ng mga tao na pagdanas ng malaking kaligayahan—hindi praktikal ang gayong pananalita. Ngayon, nagsisimula dapat ang lahat sa realidad. Tunay ang lahat ng ginagawa ng Diyos, at dapat mong pagtuunan ng pansin ang tunay na pagkilala sa Diyos sa iyong mga karanasan, at ang paghahanap sa mga bakas ng gawain ng Diyos at ang mga paraan kung paano inaantig at nililiwanagan ng Banal na Espiritu ang mga tao. Kung kinakain at iniinom mo ang mga salita ng Diyos, at nagdarasal, at nakikipagtulungan ka sa mas totoong paraan, isinasaloob kung ano ang mabuti mula sa mga panahong nagdaan, at tinatanggihan kung ano ang masama tulad ni Pedro, kung nakikinig ka gamit ang iyong mga tainga at nagmamasid gamit ang iyong mga mata, at madalas na nagdarasal at nagninilay sa iyong puso, at ginagawa ang lahat ng makakaya mo upang makipagtulungan sa gawain ng Diyos, tiyak na gagabayan ka ng Diyos.
— Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Paano Makikilala ang Realidad
Kung minsan binibigyan ka ng Diyos ng isang uri ng damdamin, isang damdaming nagsasanhi na mawala ang kagalakan ng iyong kalooban at ang presensya ng Diyos, kaya nakasadlak ka sa kadiliman. Isang uri ito ng pagpipino. Tuwing may ginagawa kang anuman, lagi itong nagugulo, o hindi ka makausad. Pagdidisiplina ito ng Diyos. Kung minsan, kapag matigas ang ulo mo at sumusuway ka sa Diyos, maaaring walang ibang nakakaalam niyon—ngunit alam iyon ng Diyos. Hindi ka makakaligtas sa Kanyang parusa, at didisiplinahin ka Niya. Napakadetalyado ng gawain ng Banal na Espiritu. Buong ingat Niyang pinagmamasdan ang bawat salita at kilos ng mga tao, bawat kilos at galaw, at bawat kaisipan at ideya nila upang magkaroon ng kamalayan ang mga tao sa kanilang sarili tungkol sa mga bagay na ito. May ginawa kang minsan at naging magulo iyon, ginawa mo ulit at naging magulo ulit iyon, at unti-unti mong mauunawaan ang gawain ng Banal na Espiritu. Sa maraming beses na nadisiplina ka, malalaman mo kung ano ang gagawin upang umayon sa kalooban ng Diyos at kung ano ang hindi naaayon sa Kanyang kalooban. Sa huli, magkakaroon ka ng tumpak na mga tugon sa paggabay ng Banal na Espiritu sa iyong kalooban. Kung minsan magiging suwail ka at sasawayin ka ng Diyos sa iyong kalooban. Lahat ng ito ay nagmumula sa pagdidisiplina ng Diyos. Kung hindi mo pinahahalagahan ang salita ng Diyos, kung minamaliit mo ang Kanyang gawain, hindi ka Niya papansinin. Kapag lalo mong sineseryoso ang mga salita ng Diyos, lalo ka Niyang liliwanagan. Ngayon mismo, may ilang tao sa iglesia na magulo at nalilito ang pananampalataya, at marami silang ginagawang di-angkop at kumikilos sila nang walang disiplina, kaya’t ang gawain ng Banal na Espiritu ay hindi malinaw na nakikita sa kanila.
— Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Yaong mga Gagawing Perpekto ay Kailangang Sumailalim sa Pagpipino
Ang Banal na Espiritu ay may isang landas na tatahakin sa bawat tao, at binibigyan ang bawat tao ng pagkakataon na maperpekto. Sa iyong pagiging negatibo naipapaalam sa iyo ang sarili mong katiwalian, at sa pag-aalis ng pagiging negatibo ay makasusumpong ka ng landas ng pagsasagawa; lahat ito ay paraan kung saan ginagawa kang perpekto. Bukod diyan, sa patuloy na paggabay at pagpapalinaw ng ilang positibong bagay sa iyong kalooban, aktibo mong gagampanan ang iyong tungkulin, lalago sa kabatiran at makakahiwatig. Kapag maganda ang iyong mga kalagayan, mas handa kang basahin ang salita ng Diyos, at mas handa kang manalangin sa Diyos, at maiuugnay mo ang mga sermon na iyong naririnig sa iyong sariling sitwasyon. Sa gayong mga pagkakataon nililiwanagan at pinaliliwanagan ng Diyos ang iyong kalooban, kaya natatanto mo ang ilang positibong aspeto. Ganito ka pineperpekto sa positibong aspeto. Sa mga negatibong kalagayan, ikaw ay mahina at walang kibo; pakiramdam mo ay wala ang Diyos sa puso mo, subalit pinaliliwanagan ka ng Diyos, tinutulungan kang makahanap ng isang landas ng pagsasagawa. Lalabas dito ang pagtatamo ng pagkaperpekto sa negatibong aspeto.
— Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Yaon Lamang mga Nakatuon sa Pagsasagawa ang Mapeperpekto
Anong gawain ang nagmumula kay Satanas? Sa gawain na nagmumula kay Satanas, ang mga pangitain sa loob ng mga tao ay malabo; ang mga tao ay walang normal na pagkatao, ang mga pangganyak sa likod ng kanilang mga pagkilos ay mali, at bagama’t nais nilang ibigin ang Diyos, palaging mayroong mga pagbibintang sa loob nila, at ang mga pagbibintang at mga saloobing ito ay nagsasanhi ng patuloy na panghihimasok sa loob nila, pinipigilan ang paglago ng kanilang buhay at pinahihinto sila sa pagharap sa Diyos sa normal na kalagayan. Na ang ibig sabihin, sa sandaling ang gawain ni Satanas ay nasa loob ng mga tao, ang kanilang mga puso ay hindi kayang maging panatag sa harap ng Diyos. Hindi alam ng gayong mga tao kung ano ang gagawin sa kanilang mga sarili—kapag nakakakita sila ng mga taong sama-samang nagtitipon, nais nilang tumakbo palayo, at hindi nila nagagawang ipikit ang kanilang mga mata kapag nananalangin ang iba. Sinisira ng gawain ng masasamang espiritu ang normal na ugnayan sa pagitan ng tao at ng Diyos, at ginugulo ang dating mga pangitain ng mga tao o ang kanilang dating landas ng pagpasok sa buhay; sa kanilang mga puso hindi nila kailanman kayang mapalapit sa Diyos, at palaging nangyayari ang mga bagay-bagay na nagdudulot ng paggambala sa kanila at gumagapos sa kanila. Ang kanilang mga puso ay hindi kayang makasumpong ng kapayapaan at sila’y iniiwan na walang lakas na ibigin ang Diyos at ang kanilang mga espiritu’y lumulubog. Ganoon ang mga pagpapamalas ng gawain ni Satanas. Ang mga pagpapamalas ng gawain ni Satanas ay ang mga sumusunod: hindi kayang manindigan at tumayong saksi, na nagiging sanhi upang ikaw ay maging isang tao na may mali sa harap ng Diyos at yaong walang katapatan sa Diyos. Kapag nanghihimasok si Satanas, naiwawala mo ang pag-ibig at katapatan sa Diyos sa loob mo, ikaw ay tinatanggalan ng isang normal na kaugnayan sa Diyos, hindi mo hinahabol ang katotohanan o ang pag-unlad ng sarili mo; ikaw ay umuurong at nagiging balintiyak, nagpapasasa ka, hinahayaan mo ang malayang paglaganap ng kasalanan at hindi namumuhi sa kasalanan; higit pa roon, ginagawa kang napakasama ng panghihimasok ni Satanas; nagiging sanhi ito upang ang pag-antig ng Diyos ay maglaho sa loob mo at itinutulak ka nitong magreklamo tungkol sa Diyos at kalabanin Siya, na umaakay sa iyong mag-alinlangan sa Diyos; mayroon pang panganib na tatalikuran mo ang Diyos. Ang lahat ng ito ay nagmumula kay Satanas.
— Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Gawain ng Banal na Espiritu at ang Gawain ni Satanas
Kapag ang kalagayan ng mga tao ay hindi normal, sila ay tinatalikdan ng Banal na Espiritu; sa kanilang mga isipan sila ay malamang na magreklamo, ang kanilang mga pangganyak ay mali, sila ay tamad, nagpapasasa sila sa laman, at ang kanilang mga puso ay naghihimagsik laban sa katotohanan. Lahat ng ito ay nagmumula kay Satanas. Kapag ang mga kalagayan ng mga tao ay hindi normal, kapag sila ay madilim sa loob at naiwala na ang kanilang normal na katwiran, napabayaan na ng Banal na Espiritu, at hindi nararamdaman ang Diyos sa loob ng kanilang mga sarili, ito ay kung kailan gumagawa si Satanas sa loob nila. Kung ang mga tao ay palaging mayroong lakas sa loob nila at palaging minamahal ang Diyos, sa pangkalahatan, kapag may mga nangyayari sa kanila, ang mga iyon ay mula sa Banal na Espiritu, at sinumang makatagpo nila, ang pagtatagpo ay ang resulta ng pagsasaayos ng Diyos. Na ang ibig sabihin, kapag ikaw ay nasa isang normal na kalagayan, kapag ikaw ay nasa loob ng dakilang gawain ng Banal na Espiritu, imposible para kay Satanas na gawin kang nag-aalinlangan. Sa saligang ito, masasabi na ang lahat ay nagmumula sa Banal na Espiritu, at bagama’t maaaring mayroon kang hindi tamang mga iniisip, nagagawa mong itakwil ang mga ito at hindi mo sinusunod ang mga ito. Lahat ng ito ay nagmumula sa gawain ng Banal na Espiritu. Sa anong mga sitwasyon nanghihimasok si Satanas? Madali para kay Satanas na gumawa sa loob mo kapag ang iyong mga kalagayan ay hindi normal, kapag ikaw ay hindi pa naaantig ng Diyos at walang gawain ng Diyos, kapag ikaw ay tuyo at tigang sa loob, kapag ikaw ay nananalangin sa Diyos nguni’t walang natatarok na anuman, at kapag kinakain at iniinom mo ang mga salita ng Diyos nguni’t hindi naliliwanagan o napapalinaw. Sa ibang pananalita, kapag ikaw ay iniwan na ng Banal na Espiritu at hindi mo nararamdaman ang Diyos, nangyayari sa iyo ang maraming bagay na nagmumula sa tukso ni Satanas. Habang gumagawa ang Banal na Espiritu, si Satanas ay kasabay ring gumagawa. Inaantig ng Banal na Espiritu ang loob ng tao, habang kasabay na nanghihimasok si Satanas sa tao. Gayunpaman, ang gawain ng Banal na Espiritu ang nangunguna, at ang mga tao na normal ang mga kalagayan ay nakapagtatagumpay; ito ang tagumpay ng gawain ng Banal na Espiritu laban sa gawain ni Satanas. Habang gumagawa ang Banal na Espiritu, naroon pa rin ang tiwaling disposisyon sa loob ng mga tao; gayunpaman, sa panahon ng gawain ng Banal na Espiritu, madali para sa mga tao na tuklasin at kilalanin ang kanilang pagkamapanghimagsik, mga motibo, at mga karumihan. Saka pa lamang nakakaramdam ang mga tao ng pagsisisi at nagiging handang magsisi. Sa gayon, ang kanilang mapanghimagsik at tiwaling mga disposisyon ay unti-unting naitatakwil sa loob ng gawain ng Diyos. Ang gawain ng Banal na Espiritu ay natatanging normal; habang Siya ay gumagawa sa mga tao, mayroon pa rin silang mga suliranin, lumuluha pa rin sila, nagdurusa pa rin sila, mahihina pa rin sila, at marami pa rin ang hindi malinaw sa kanila, nguni’t sa ganitong kalagayan nagagawa nilang pigilan ang kanilang mga sarili na dumausdos pabalik, at naiibig nila ang Diyos, at bagama’t lumuluha sila at nababalisa sa loob, nagagawa pa rin nilang purihin ang Diyos; ang gawain ng Banal na Espiritu ay natatanging normal, at kahit katiting ay hindi higit sa natural. Karamihan sa mga tao ay naniniwala na, sa sandaling magsimulang gumawa ang Banal na Espiritu, ang mga pagbabago ay mangyayari sa kalagayan ng mga tao at ang mahahalagang bagay sa kanila ay tinatanggal. Ang gayong mga paniniwala ay may kamalian. Kapag ang Banal na Espiritu ay gumagawa sa loob ng tao, ang mga balintiyak na bagay ng tao ay naroroon pa rin at ang kanyang tayog ay nananatili gaya nang dati, nguni’t nakakamit niya ang pagpapalinaw at kaliwanagan ng Banal na Espiritu, at kaya ang kanyang kalagayan ay nagiging mas maagap, ang mga kalagayan sa loob niya ay nagiging normal, at nagbabago siya nang mabilis.
— Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Gawain ng Banal na Espiritu at ang Gawain ni Satanas
Ang gawain ng Banal na Espiritu ay positibong pagsulong, samantalang ang gawain ni Satanas ay pag-urong, pagiging negatibo, pagiging mapanghimagsik, paglaban sa Diyos, pagkawala ng pananampalataya sa Diyos, at pag-ayaw kahit sa pag-awit ng mga himno, at pagiging napakahina para gampanan ang tungkulin. Lahat ng nagmumula sa kaliwanagan ng Banal na Espiritu ay talagang likas; hindi ito ipinipilit sa iyo. Kung susundin mo ito, magkakaroon ka ng kapayapaan; kung hindi, pupunahin ka pagkatapos. Kapag mayroong kaliwanagan ng Banal na Espiritu, walang anuman sa ginagawa mo ang panghihimasukan o pipigilan; ikaw ay palalayain, magkakaroon ng isang landas sa pagsasagawa sa iyong mga pagkilos, at hindi ka mapapasailalim sa anumang mga pagbabawal, kundi magagawang kumilos ayon sa kalooban ng Diyos. Ang gawain ni Satanas ay nagsasanhi sa iyo ng panghihimasok sa maraming bagay; inaalisan ka nito ng ganang manalangin, ginagawa kang masyadong tamad para kainin at inumin ang mga salita ng Diyos, at walang kagustuhang isabuhay ang buhay ng iglesia, at ihinihiwalay ka nito mula sa espirituwal na buhay. Ang gawain ng Banal na Espiritu ay hindi nanghihimasok sa iyong pang-araw-araw na buhay at hindi nanghihimasok sa iyong pagpasok sa isang normal na espirituwal na buhay. Hindi mo kayang mahiwatigan ang maraming bagay sa mismong sandaling nangyayari ang mga ito, gayunman, pagkalipas ng ilang araw, mas lumiliwanag ang puso mo at mas lumilinaw ang isipan mo. Nagkakaroon ka ng kaunting pagkaunawa sa mga bagay tungkol sa espiritu, at unti-unti ay nakakaya mong mahiwatigan kung ang isang kaisipan ay nagmumula sa Diyos o mula kay Satanas. Ang ilang bagay ay malinaw na gumagawa sa iyo na tutulan ang Diyos at maghimagsik laban sa Diyos, o pigilin ka mula sa pagsasagawa ng mga salita ng Diyos; ang mga bagay na ito ay mula lahat kay Satanas. Ang ilang bagay ay hindi kitang-kita, at hindi mo masasabi kung ano ang mga ito sa sandaling iyon; pagkatapos, makikita mo ang kanilang mga palatandaan at pagkatapos ay magsasagawa ng paghiwatig. Kung nahihiwatigan mo nang malinaw kung alin ang mga bagay na mula kay Satanas at alin ang pinatnubayan ng Banal na Espiritu, hindi ka kaagad-agad maililigaw sa iyong mga karanasan.
— Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Gawain ng Banal na Espiritu at ang Gawain ni Satanas
Sa pagdanas sa gawain ng Diyos, nangyayari paminsan-minsan ang pagkakaroon ng gawain ng Banal na Espiritu, samantalang halos palaging mayroong presensya ng Banal na Espiritu. Hangga’t normal ang katwiran at pag-iisip ng mga tao, at hangga’t normal ang kanilang kalagayan, siguradong sumasakanila ang Banal na Espiritu. Kapag hindi normal ang katwiran at pag-iisip ng mga tao, hindi normal ang kanilang pagkatao. Kung, sa sandaling ito, sumasaiyo ang gawain ng Banal na Espiritu, siguradong sumasaiyo rin ang Banal na Espiritu. Ngunit kung sumasaiyo ang Banal na Espiritu, hindi ibig sabihin ay talagang gumagawa ang Banal na Espiritu sa iyong kalooban, sapagkat gumagawa ang Banal na Espiritu sa mga espesyal na pagkakataon. Mapapanatili lamang ng pagkakaroon ng presensya ng Banal na Espiritu ang normal na pag-iral ng mga tao, ngunit gumagawa lamang ang Banal na Espiritu paminsan-minsan. Halimbawa, kung isa kang lider o manggagawa, kapag nagdidilig at nagtutustos ka para sa iglesia, liliwanagan ka ng Banal na Espiritu sa ilang salita na nagpapatatag sa iba at makakalutas sa ilan sa mga praktikal na problema ng iyong mga kapatid—sa ganitong mga pagkakataon, gumagawa ang Banal na Espiritu. Kung minsan, kapag kumakain at umiinom ka ng mga salita ng Diyos, at nililiwanagan ka ng Banal na Espiritu sa pamamagitan ng ilang salitang may partikular na kaugnayan sa sarili mong mga karanasan, na nagtutulot sa iyo na magtamo ng higit na kaalaman tungkol sa sarili mong mga kalagayan; gawain din ito ng Banal na Espiritu. Kung minsan, habang Ako ay nagsasalita, nakikinig kayo at nagagawa ninyong ihambing ang sarili ninyong mga kalagayan sa Aking mga salita, at kung minsan ay naaantig o nabibigyang-inspirasyon kayo; lahat ng ito ay gawain ng Banal na Espiritu. Sinasabi ng ilang tao na gumagawa sa kanila ang Banal na Espiritu sa lahat ng oras. Imposible ito. Kung sasabihin nila na palaging sumasakanila aang Banal na Espiritu, makatotohanan iyon. Kung sasabihin nila na ang kanilang pag-iisip at katinuan ay normal sa lahat ng oras, makatotohanan din iyon, at ipakikita na sumasakanila ang Banal na Espiritu. Kung sinasabi nila na palaging gumagawa ang Banal na Espiritu sa kalooban nila, na nililiwanagan sila ng Diyos at inaantig ng Banal na Espiritu sa bawat sandali, at nagtatamo ng bagong kaalaman sa lahat ng oras, talagang hindi ito normal! Lubos itong higit sa karaniwan! Walang kaduda-duda, masasamang espiritu ang gayong mga tao! Kahit kapag pumapasok ang Espiritu ng Diyos sa katawang-tao, may mga pagkakataon na kailangan Niyang kumain at kailangang magpahinga—bukod pa riyan ang mga tao. Yaong mga nasaniban ng masasamang espiritu ay parang walang kahinaan ng katawan. Nagagawa nilang talikdan at isuko ang lahat, wala silang damdamin, kaya nilang tiisin ang pagdurusa at hindi nakadarama ni katiting na pagod, na parang napangibabawan na nila ang katawan. Hindi ba ito lubos na higit sa karaniwan? Ang gawain ng masasamang espiritu ay hindi karaniwan—walang taong makakagawa ng gayong mga bagay! Yaong mga walang paghiwatig ay naiinggit kapag nakikita nila ang gayong mga tao: Sinasabi nila na napakalakas ng kanilang pananalig sa Diyos, may malaking pananampalataya, at hindi nagpapakita ni katiting na tanda ng kahinaan! Sa katunayan, lahat ng ito ay pagpapamalas ng gawain ng isang masamang espiritu. Sapagkat, ang mga normal na tao ay walang pagsalang may mga kahinaan ng tao; ito ang normal na kalagayan ng yaong mga may presensya ng Banal na Espiritu.
— Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Pagsasagawa 4
Kapag may kaunting pagkaunawa sa Diyos ang mga tao, kaya nilang maging handang magdusa para sa Kanya at ilaan ang buhay nila para sa Kanya. Gayunpaman, si Satanas pa rin ang may kontrol sa mga kahinaang nasa loob nila, at napagdurusa pa rin sila nito. Ang masasamang espiritu ay nakagagawa pa rin sa mga tao, napakikialamanan sila, at nakapagsasanhi sa kanilang malito ang isipan, mawala sa katinuan, mabalisa, at magambala sa lahat ng aspeto. May mga bagay sa isipan o kaluluwa ng mga tao na nakokontrol at namamanipula pa rin ni Satanas. Ito ang dahilan kung bakit nagkakasakit ka at naliligalig, at posible para sa iyong magpakamatay, at minsan nararamdaman mo rin na mapanglaw ang mundo o na walang kahulugan ang buhay. Sa ibang salita, ang mga pagdurusang ito ng tao ay nasa ilalim pa rin ng pamamalakad ni Satanas; binubuo ng mga ito ang nakamamatay na kahinaan ng tao. Nagagamit pa rin ni Satanas ang mga bagay na nagawa na nitong tiwali at nayurakan na; ang mga ito ay mga sandata na magagamit ni Satanas laban sa sangkatauhan. … Sinasamantala ng masasamang espiritu ang bawat pagkakataon para gawin ang kanilang gawain; kaya ka nilang kausapin mula sa loob mo o bumulong sa tainga mo, o guluhin ang mga iniisip at ang isipan mo. Kaya rin nilang supilin ang paghaplos ng Banal na Espiritu para hindi mo ito maramdaman. Pagkatapos noon, sinisimulan ng mga ito na pakialaman ka sa pamamagitan ng panlilito sa pag-iisip mo at pagsira sa utak mo, na iniiwan kang di-mapakali at hibang. Ganyan ang gawaing ginagawa ng masasamang espiritu sa mga tao. Kung hindi nila nakikilala iyon, malalagay sila sa malaking panganib.
Hinango mula sa “Ang Kabuluhan ng Pagtikim ng Diyos ng Pagdurusa sa Mundo” sa Mga Talaan ng mga Pananalita ni Cristo ng mga Huling Araw
Ang Diyos ay gumagawa sa isang banayad, maingat, mapagmahal, at maalagang paraan, isang higit sa karaniwang paraan na kalkulado at wasto. Ang Kanyang paraan ay hindi nagdudulot sa iyo ng matinding mga emosyon tulad ng, “Dapat na pumayag ang Diyos na gawin ko ito” o “Dapat na pumayag ang Diyos na gawin ko iyon.” Ang Diyos ay hindi kailanman magbibigay sa iyo ng ganoong uri ng matinding isipin o damdamin na magsasanhi na hindi mo makayanan ang mga bagay-bagay. Hindi ba tama iyon? Tanggapin mo man ang mga salita ng paghatol at pagkastigo ng Diyos, ano ang iyong nararamdaman pagkatapos? Kapag nararamdaman mo ang awtoridad at kapangyarihan ng Diyos, ano ang nararamdaman mo pagkatapos? Nararamdaman mo ba na ang Diyos ay banal at hindi maaaring labagin? (Oo.) Nararamdaman mo ba ang distansiya sa pagitan mo at ng Diyos sa ganitong mga pagkakataon? Nakakaramdam ka ba ng takot sa Diyos? Hindi, sa halip ay nararamdaman mo ang may-takot na pagpipitagan sa Diyos. Hindi ba nararamdaman ng mga tao ang lahat ng ito dahil sa gawain ng Diyos? Magkakaroon ba sila ng ganitong mga damdamin kung si Satanas ang gumawa sa tao? (Hindi.) Ginagamit ng Diyos ang Kanyang mga salita, ang Kanyang katotohanan at ang Kanyang buhay upang tuluy-tuloy na magtustos sa tao, upang suportahan ang tao. Kapag ang tao ay mahina, kapag ang tao ay nanlulumo, tiyak na hindi malupit na mangungusap ang Diyos, na nagsasabing: “Huwag manlumo. Bakit ka nanlulumo? Bakit ka nanghihina? Mayroon bang dahilan para manghina? Napakahina mo palagi, at napakanegatibo mo palagi! Wala bang dahilan para mabuhay? Mamatay ka na lang at tapusin ang lahat!” Sa ganitong paraan ba gumagawa ang Diyos? (Hindi.) Ang Diyos ba ay may awtoridad na kumilos sa ganitong paraan? (Oo.) Subalit hindi kumikilos ang Diyos sa ganitong paraan. Ang dahilan kung bakit hindi kumikilos ang Diyos sa ganitong paraan ay dahil sa Kanyang diwa, ang diwa ng kabanalan ng Diyos. Ang Kanyang pagmamahal sa tao, ang pagpapahalaga at pagtatangi Niya sa tao ay hindi maaaring ipahayag nang malinaw sa isa o dalawang pangungusap lamang. Hindi ito isang bagay na idinulot ng pagyayabang ng tao kundi isang bagay na pinasisibol ng Diyos sa totoong pagsasagawa; ito ang pagbubunyag ng diwa ng Diyos. Ang lahat ba ng paraang ito ng paggawa ng Diyos ay makakapagtulot sa tao na makita ang kabanalan ng Diyos? Sa lahat ng paraang ito ng paggawa ng Diyos, kasama na ang mabubuting intensyon ng Diyos, kabilang ang mga epekto na nais ng Diyos na gumawa sa tao, kasama ang iba’t ibang mga paraan na sinusundan ng Diyos upang gumawa sa tao, ang uri ng gawain na ginagawa Niya, ang nais Niya na maunawaan ng tao—nakakita ka ba ng anumang kasamaan o pagkatuso sa mabuting mga intensyon ng Diyos? (Hindi.) Kaya sa lahat ng bagay na ginagawa ng Diyos, sa lahat ng bagay na sinasabi ng Diyos, sa lahat ng bagay na iniisip Niya sa Kanyang puso, gayundin sa lahat ng diwa ng Diyos na inihahayag Niya—matatawag ba nating banal ang Diyos? (Oo.) Nakita na ba ng tao ang kabanalang ito sa mundo, o sa sarili niya? Maliban sa Diyos, nakita mo na ba ito sa sinumang tao o kay Satanas? (Hindi.) …
Anong uri ng kumakatawan na katangian ang ipinapakita ng gawain ni Satanas sa tao? Dapat ninyong matutuhan ito sa pamamagitan ng inyong sariling mga karanasan—ito ang pinakakumakatawan na katangian ni Satanas, ang bagay na paulit-ulit nitong ginagawa, ang bagay na sinusubukan nitong gawin sa bawat isang tao. Marahil ay hindi ninyo kayang makita ang katangiang ito, kaya hindi ninyo nararamdaman na lubhang nakakatakot at kasuklam-suklam si Satanas. Mayroon bang nakakaalam kung anong katangian ito? (Lahat ng ginagawa nito ay ginagawa upang pinsalain ang tao.) Paano nito pinipinsala ang tao? Maaari ba ninyong sabihin sa Akin sa mas espesipikong paraan at nang mas detalyado? (Sinusulsulan, inaakit at tinutukso nito ang tao.) Tama iyon; ang mga ito ang ilan sa paraan na naipapamalas ang katangiang ito. Si Satanas din ay nandaraya, nanunuligsa at nag-aakusa sa tao—lahat ng ito ay mga pagpapamalas. Mayroon pa bang iba? (Nagsasabi ito ng mga kasinungalingan.) Ang pandaraya at pagsisinungaling ay likas kay Satanas. Madalas nitong gawin ang mga ito na dumadaloy na ang kasinungalingan mula sa bibig nito nang kahit hindi na nito kailangang mag-isip. May karagdagan pa ba? (Naghahasik ito ng pagtatalo.) Ang isang ito ay hindi gaanong mahalaga. Ngayon ay ilalarawan Ko ang isang bagay sa inyo na sisindak sa inyo, ngunit hindi Ko ginagawa ito upang takutin kayo. Ang Diyos ay gumagawa sa tao at pinapahalagahan ang tao kapwa sa Kanyang saloobin at sa Kanyang puso. Sa kabaligtaran, pinapahalagahan ba ni Satanas ang tao? Hindi nito pinapahalagahan ang tao. Ang lahat ng iniisip nito ay tungkol lamang sa pamiminsala sa tao. Hindi ba tama iyon? Kapag pinag-iisipan nito ang pamiminsala sa tao, ang nasa isipan ba nito ay ang magmadali? (Oo.) Kaya pagdating sa gawain ni Satanas sa tao, may dalawa Akong parirala na sapat na makakapaglarawan sa malisyoso at masamang kalikasan ni Satanas, na tunay na magtutulot sa inyong makilala ang pagiging kasuklam-suklam ni Satanas: Sa paglapit ni Satanas sa tao, palagi nitong nais na sapilitang masakop at sapian ang tao, ang bawat isa, hanggang sa punto na maaari nitong ganap na makontrol ang tao at mapinsala ang tao nang lubha, upang maaari nitong makamit ang layunin nito at maisakatuparan ang mabangis na ambisyong ito. Ano ang ibig sabihin ng “sapilitang sakupin”? Nangyayari ba ito nang may pahintulot mo, o nang wala kang pahintulot? Nangyayari ba ito nang nalalaman mo, o nang hindi mo nalalaman? Ang sagot ay lubos na nangyayari ito nang hindi mo nalalaman! Nagaganap ito sa mga sitwasyon na wala kang kamalayan, marahil kahit wala itong anumang sinasabi o ginagawa sa iyo, nang walang batayan, walang konteksto—naroroon si Satanas na pumapalibot sa iyo. Naghahanap ito ng pagkakataon na makapagsamantala at pagkatapos ay sasakupin ka nito nang sapilitan, sasapian ka, makakamit ang layunin nito na ganap kang kontrolin at pinsalain ka. Ito ay ang pinakakaraniwang intensyon at pag-uugali ni Satanas sa pakikipaglaban nito na ilayo ang sangkatauhan sa Diyos.
— Ang Salita, Vol. II. Ukol sa Pagkakilala sa Diyos. Ang Diyos Mismo, ang Natatangi IV
Mayroon ngayong ilang masasamang espiritu na nililinlang ang tao gamit ang mga bagay na di-pangkaraniwan; yaon ay walang iba kundi panggagaya lamang nila, upang linlangin ang tao sa pamamagitan ng gawain na hindi ginagawa sa kasalukuyan ng Banal na Espiritu. Maraming taong nagsasagawa ng mga himala at nagpapagaling ng maysakit at nagpapalayas ng mga demonyo; ang mga ito ay walang iba kundi gawain ng masasamang espiritu, sapagkat ang Banal na Espiritu ay hindi na gumagawa ng gayong gawain sa kasalukuyan, at lahat ng gumaya sa gawain ng Banal na Espiritu mula noon ay masasamang espiritu talaga. Lahat ng gawaing ipinatupad sa Israel sa panahong iyon ay yaong di-pangkaraniwan, bagama’t ang Banal na Espiritu ay hindi na gumagawa sa ngayon sa gayong paraan, at anumang gayong gawain ngayon ay panggagaya at pagbabalatkayo ni Satanas at paggambala nito. Ngunit hindi mo masasabi na lahat ng di-pangkaraniwan ay kagagawan ng masasamang espiritu—ito ay nakabatay sa kapanahunan ng gawain ng Diyos.
— Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Hiwaga ng Pagkakatawang-tao 1
Hindi inuulit ng Diyos ang Kanyang gawain, hindi Siya gumaganap sa gawaing hindi makatotohanan, hindi Siya nag-aatas ng labis-labis sa tao, at hindi Siya gumagawa ng higit sa pang-unawa ng tao. Ang lahat ng Kanyang ginagawa ay napapaloob sa saklaw ng karaniwang pang-unawa ng tao, at hindi lumalampas sa pang-unawa ng karaniwang pagkatao, at ang Kanyang gawain ay naaayon sa mga karaniwang hinihingi sa tao. Kung ito ang gawain ng Banal na Espiritu, ang mga tao ay nagiging lalong higit na karaniwan, at ang kanilang pagkatao ay nagiging lalong higit na karaniwan. Nagkakaroon ng ibayong kaalaman ang mga tao tungkol sa kanilang tiwaling disposisyong malasatanas, at ng diwa ng tao, at nagkakaroon sila ng higit na pag-asam sa katotohanan. Ang ibig lang sabihin, lumalago nang lumalago ang buhay ng tao, at nakakayanan ng tiwaling disposisyon ng tao ang padagdag nang padagdag na pagbabago—na lahat ay siyang kahulugan ng pagiging buhay ng tao ng Diyos. Kung ang isang daan ay walang kakayahang ihayag ang gayong mga bagay na siyang diwa ng tao, walang kakayahang baguhin ang disposisyon ng tao, at higit pa rito, walang kakayahang dalhin ang mga tao sa harap ng Diyos o bigyan sila ng tunay na pagkaunawa sa Diyos, at nagiging sanhi pa upang ang kanilang pagkatao ay higit pang maging mababa at ang kanilang katinuan ay higit pang maging hindi karaniwan, ang daang ito, kung gayon, ay hindi ang tunay na daan, at maaaring ito ay gawain ng masamang espiritu, o ang lumang daan. Sa madaling salita, hindi ito ang gawain ng Banal na Espiritu sa kasalukuyan.
— Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Tanging ang mga Nakakikilala sa Diyos at Nakaaalam sa Kanyang Gawain ang Makapagbibigay-lugod sa Diyos
Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.