Ano ang gawain ng masasamang espiritu? Paano naipapamalas ang gawain ng masasamang espiritu?

Abril 21, 2018

Nauugnay na mga Salita ng Diyos:

Anong gawain ang nagmumula kay Satanas? Sa gawain na nagmumula kay Satanas, ang mga pangitain sa mga tao ay malabo at mahirap unawain, at sila ay walang normal na pagkatao, ang mga pagganyak sa likod ng kanilang mga pagkilos ay mali, at bagama’t nais nilang ibigin ang Diyos, palaging mayroong mga bintang sa gitna nila, at ang mga bintang at mga saloobing ito ay palaging nanghihimasok sa loob nila, pinipigilan ang paglago ng kanilang buhay, at pinahihinto sila mula sa pagkakaroon ng normal na mga kalagayan sa harap ng Diyos. Na ang ibig sabihin, sa sandaling mayroong gawain ni Satanas sa gitna ng mga tao, ang kanilang mga puso ay hindi maaaring maging panatag sa harap ng Diyos, hindi nila alam kung ano ang gagawin nila sa kanilang mga sarili, ang tanawin ng isang pagtitipon ay nagtutulak sa kanila na magnais na lumayo, at hindi nila nagagawang ipikit ang kanilang mga mata kapag nananalangin ang iba. Sinisira ng gawain ng masasamang espiritu ang ugnayan sa pagitan ng tao at ng Diyos, at binabalisa ang dating mga pangitain ng mga tao o ang kanilang dating landas ng pagpasok sa buhay, sa kanilang mga puso hindi sila kailanman maaaring maging malapit sa Diyos, palaging nangyayari ang mga bagay na nagdudulot ng pagkagambala sa kanila at iginagapos sila, at ang kanilang mga puso ay hindi makasusumpong ng kapayapaan, walang iniiwang lakas sa kanilang pag-ibig sa Diyos, at pinalulubog pababa ang kanilang mga espiritu. Ganoon ang mga pagpapakita ng gawain ni Satanas. Ang gawain ni Satanas ay ipinapakita sa mga sumusunod: hindi nagagawang makapanindigan at tumayong saksi, nagiging sanhi upang ikaw ay maging isang tao na makasalanan sa harap ng Diyos, at yaong walang katapatan tungo sa Diyos. Sa panghihimasok mula kay Satanas, nawawala mo ang pag-ibig at katapatan tungo sa Diyos sa loob mo, ikaw ay tinatanggalan ng isang normal na kaugnayan sa Diyos, hindi mo hinahangad ang katotohanan, o ang pagsulong ng sarili mo, ikaw ay umuurong, at nagiging walang kibo, pinalalayaw mo ang sarili mo, nagbibigay ka ng kalayaan sa paglaganap ng kasalanan, at hindi namumuhi sa kasalanan; tangi sa roon, ginagawa kang napakasama ng panghihimasok ni Satanas, nagiging sanhi ito upang ang pag-antig ng Diyos ay maglaho sa loob mo, at itinutulak kang magreklamo tungkol sa Diyos at kalabanin Siya, nag-aakay sa iyo upang mag-alinlangan sa Diyos, at mayroon pang panganib na iwanan mo ang Diyos. Ang lahat ng ito ay gawain ni Satanas.

—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Gawain ng Banal na Espiritu at ang Gawain ni Satanas

Mayroong ilang masasamang espiritu sa kasalukuyan na gumagawa sa pamamagitan ng mga bagay na higit-sa-karaniwan upang linlangin ang tao; yaon ay walang iba kundi panggagaya lamang sa kanilang bahagi, upang linlangin ang tao sa pamamagitan ng gawain na hindi ginagawa sa kasalukuyan ng Banal na Espiritu. Maraming masasamang espiritu ang gumagaya sa paggawa ng mga himala at paglunas ng karamdaman; ang mga ito ay walang iba kundi gawain ng masasamang espiritu, sapagka’t ang Banal na Espiritu ay hindi na gumagawa ng gayong gawain sa kasalukuyan, at lahat niyaong pagkatapos ay gumagaya sa gawain ng Banal na Espiritu—sila ay masasamang espiritu. Lahat ng gawaing ipinatupad sa Israel sa panahong iyon ay yaong di-pangkaraniwan. Gayunman, ang Banal na Espiritu ay hindi na gumagawa sa ngayon sa gayong paraan, at anumang gayong gawain na sumusunod ay kagagawan at panggugulo ni Satanas at ng masasamang espiritu. Nguni’t hindi mo masasabi na lahat ng di-pangkaraniwan ay kagagawan ng masasamang espiritu. Ito ay nakabatay sa kapanahunan ng gawain ng Diyos.

—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Hiwaga ng Pagkakatawang-tao 1

Kung, sa kasalukuyan, mayroong isang tao na darating na kayang magpakita ng mga tanda at kababalaghan, magpalayas ng mga demonyo, magpagaling ng maysakit, at magpakita ng maraming milagro, at kung ang taong ito ay nagsasabing sila si Jesus na dumating, kung gayon ay ito ang huwad na masasamang espiritu, at ang kanilang paggaya kay Jesus. Tandaan ito! Hindi inuulit ng Diyos ang parehong gawain. Nakumpleto na ang yugto ng gawain ni Jesus, at hindi na muling isasagawa ng Diyos ang yugtong iyon ng gawain.

—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Pag-alam sa Gawain ng Diyos Ngayon

Kapag ang tao ay may kaunting pagkaunawa sa Diyos, handa siyang magdusa para sa Kanya at mabuhay para sa Kanya. Gayunpaman, si Satanas pa rin ang may kontrol sa mga kahinaan ng tao, at napagdurusa pa rin sila nito. Ang masasamang espiritu ay makagagawa pa rin sa mga tao para pakialaman sila, nagdudulot sa kanila ng litong kalagayan ng isipan, maging di-makatwiran, maramdamang magulo ang pag-iisip at magdusa ng paggambala sa lahat ng bagay. Mayroon pa rin sa loob ng tao na ilang bagay ng isipan o ng kaluluwa na makokontrol at mamamanipula ni Satanas. Kaya posible para sa iyo na magkaroon ng mga sakit, ligalig at maramdamang nais magpakamatay, at may mga panahong nararamdaman din ang kapanglawan ng mundo, o na ang buhay ay walang kahulugan. Na ibig sabihin, ang pagdurusang ito ay nasa ilalim pa rin ng pangingibabaw ni Satanas; isa ito sa mga nakamamatay na kahinaan ng tao. Nagagamit pa rin ni Satanas ang mga bagay na nagawang tiwali nito at natatapakan—ito ay mga sandata na magagamit ni Satanas laban sa mga tao. … Sinasamantala ng masasamang espiritu ang bawa’t pagkakataon para gawin ang gawain ng mga ito. Makakapagsalita ang mga ito sa loob mo o bumubulong sa tainga mo, o kaya magugulo ang iyong kaisipan at isip, at masisikil ng mga ito ang pagkilos ng Banal na Espiritu kung kaya hindi mo mararamdaman ito. Pagkatapos niyon sinisimulan ng mga ito na pakialaman ka, ginagawang lito ang iyong pag-iisip at malabo ang iyong utak, at iniiwan kang di-mapakali at hibang. Ganyan ang gawain ng masasamang espiritu sa tao at, malibang magkaroon ka ng pagtalos dito, masusumpungan mo ang iyong sarili na nasa malaking panganib.

—mula sa “Ang Kahulugan ng Pagdaranas ng Diyos ng Kirot ng Mundo” sa Mga Talaan ng mga Pananalita ni Cristo

Sinasabi ng ilang tao na ang Banal na Espiritu ay gumagawa sa kanila sa lahat ng pagkakataon. Ito ay imposible. Kung sasabihin nila na ang Banal na Espiritu ay palagi nilang kasama, iyon ay makatotohanan. Kung sasabihin nila na ang kanilang pag-iisip at diwa ay normal sa lahat ng pagkakataon, iyon ay makatotohanan din, at ipakikita na ang Banal na Espiritu ay kasama nila. Kung sinasabi nila na ang Banal na Espiritu ay palaging gumagawa sa loob nila, na sila ay nililiwanagan ng Diyos at inaantig ng Banal na Espiritu sa bawat sandali, at nagkakamit ng bagong kaalaman sa lahat ng pagkakataon, kung gayon ito ay hindi normal. Ito ay lubos na higit sa karaniwan! Nang wala ni kakatiting na pag-aalinlangan, ang gayong mga tao ay masasamang espiritu! Kahit kapag ang Espiritu ng Diyos ay dumarating sa katawang-tao, may mga pagkakataon na kailangan Niyang kumain at kailangang magpahinga—nang walang sinasabi tungkol sa tao. Yaong mga inalihan ng masasamang espiritu ay parang walang damdamin at kahinaan ng laman. Nagagawa nilang pabayaan at isuko ang lahat ng bagay, sila ay may kakayahang matiis ang pagdurusa at hindi nakadadama ni kakatiting na pagod, na parang napangibabawan nila ang laman. Hindi ba ito lubos na hindi karaniwan? Ang gawain ng masamang espiritu ay hindi karaniwan, at ang mga bagay na ito ay hindi maaaring makamit ng tao. Yaong mga walang pagkilala ay naiinggit kapag nakikita nila ang gayong mga tao, at sinasabi na mayroon silang ganoong lakas sa kanilang paniniwala sa Diyos at mayroon silang dakilang pananampalataya, na hindi sila kailanman mahina. Sa katunayan, ito ang pagpapamalas ng gawa ng masamang espiritu. Iyon ay dahil sa ang mga normal na tao ay walang pagsalang nagtataglay ng mga kahinaan ng tao; ito ang normal na kalagayan ng mga yaong mayroong presensiya ng Banal na Espiritu.

—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Pagsasagawa 4

Ano ang gawain ng masasamang espiritu? Paano naipapamalas ang gawain ng masasamang espiritu?

Sanggunian na mga Sipi ng Sermon at Pagbabahagi:

Ang pinakalitaw na katangian ng gawain ng masasamang espiritu ay ang pagiging higit nito sa karaniwan, na ang mga salitang binibigkas ng masasamang espiritu o mga bagay na ipinapagagawa nila sa mga tao ay hindi normal, hindi lohikal, at ipinagkakanulo pa ang mga pangunahing kabutihang-asal ng normal na pagkatao at mga ugnayang pantao, at sadyang walang ibang nilalayong gawin ang mga ito kundi linlangin, guluhin, at gawing tiwali ang mga tao. Kapag sumasanib ang masasamang espiritu sa mga tao, ang ilan ay nakakaramdam ng labis na takot, ang ilan ay nagiging hindi normal, habang ang iba pa ay nawawalan ng ulirat, at may iba pa na natatagpuan ang kanilang sarili na labis na nababalisa at hindi kayang kumalma. Anuman ang kalagayan, kapag sinasapian ng masasamang espiritu ang mga tao, sila ay nagbabago, nagiging para bang hindi tao ni demonyo, at nawawala ang kanilang normal na pagkatao. Ito ay sapat na para patunayan na ang diwa ng masasamang espiritu ay masama at pangit, na siyang tiyak na diwa ni Satanas. Ginagawa ng masasamang espiritu na kamuhian at kasuklaman sila ng mga tao, at lubos na walang benepisyo o tulong para sa mga tao. Ang tanging mga bagay na kayang gawin ni Satanas at ng lahat ng uri ng masasamang espiritu ay pagtitiwali, pananakit, at pananakmal ng mga tao.

Ang mga pangunahing pagpapamalas ng may gawain ng masasamang espiritu (ang mga sinapian ng mga demonyo) ay:

Ang unang uri ay ang madalas na pagsasabi ng masasamang espiritu sa mga tao na gawin ito at iyon, o pagsasabi sa isang tao ng isang bagay, o pag-uutos sa mga tao na magsabi ng mga maling propesiya.

Ang ikalawang uri ay ang madalas na pagsasalita ng mga tao ng tinatawag na “wika” sa dasal na walang nakakaunawa, at kahit sila mismong mga nagsasalita ay hindi nauunawaan. Ang ilan pa sa mga nagsasalita ay sila mismo ang “nagbibigay pakahulugan sa mga wika.”

Ang ikatlong uri ay ang malimit na pagtanggap ng isang tao ng mga pahayag, na may labis na kadalasan, sa sandaling ito ay minamanduhan sa ganitong paraan ng masasamang espiritu, sa susunod na sandali ay inuutusan sa ganoong paraan, sa isang tuluy-tuloy na kalagayan ng pagkabalisa.

Ang ikaapat na uri ay ang pagmamadali ng mga tao na may gawain ng masasamang espiritu sa pagnanais na gawin ito o iyon, masyadong mainipin para maghintay, hindi nila isinasaalang-alang kung pahihintulutan ba ng mga kondisyon, lumalabas pa nga sila sa kalaliman ng gabi at ang kanilang pag-uugali ay natatanging hindi normal.

Ang ikalimang uri ay ang pagiging labis na mapagmataas ng mga taong may gawain ng masasamang espiritu, wala silang katuwiran, at lahat ng kanilang sinasabi ay mapagmaliit at nagmumula sa isang mapang-utos na katayuan. Inilalagay nila ang mga tao sa isang kalituhan, at tulad ng mga demonyo, pinipilit nila ang mga tao na gumawa ng mga bagay-bagay.

Ang ikaanim na uri ay ang kawalan ng kakayanan ng mga tao na may gawain ng masasamang espiritu na magbahagi tungkol sa katotohanan, lalo na ang magbigay ng pansin sa gawain ng Diyos, at suwail sila sa Diyos at paiba-iba ng kilos, nagsasagawa ng lahat ng uri ng karahasan para sirain ang normal na kaayusan ng iglesia.

Ang ikapitong uri ay ang walang dahilang pagturing ng isang tao na may gawain ng masasamang espiritu sa kanyang sarili bilang ibang tao, o nagsasabing ipinadala siya ng isang tao at dapat makinig sa kanya ang mga tao. Walang sinuman ang nakakaalam kung saan siya nagmula.

Ang ikawalong uri ay ang kawalan ng mga tao na may gawain ng masasamang espiritu ng normal na katinuan, ni hindi nila nauunawaan ang anumang katotohanan; hindi sila nagtataglay ng anumang kakayahan na makatanggap at hindi rin nililiwanagan ng Banal na Espiritu, at ang nakikita ng mga tao ay sa pagtanggap ng mga bagay-bagay, labis na walang katotohanan ang mga taong ito at walang kahit kaunting tama.

Ang ikasiyam na uri ay ang partikular na pagtutuon ng mga tao na may gawain ng masasamang espiritu sa pagsesermon sa iba habang nagtatrabaho, palagi silang marahas kumilos at palagi silang nagdudulot ng pagkagambala at kaguluhan; lahat ng kanilang ginagawa at sinasabi ay umaatake, gumagapos at nagtitiwali ng ibang tao, at nagagawa din nilang baliin ang paninindigan ng mga tao at idulot sa kanila na maging negatibo para hindi na nila muling maibangon ang kanilang mga sarili. Sila ay mga demonyo, ganoon kasimple, na nananakit ng iba, pinaglalaruan ang iba at sinasakmal ang iba, at palihim silang nagsasaya kapag nasusunod ang kanilang gusto. Ito ang pangunahing layunin ng gawain ng masasamang espiritu.

Ang ikasampung uri ay ang ganap na hindi normal na pamumuhay ng mga tao na may gawain ng masasamang espiritu. Ang kanilang mga mata ay nagpapahiwatig ng nakamamatay na kislap, at ang mga salitang kanilang sinasabi ay labis na nakakapangilabot, na parang bumaba ang isang demonyo sa mundo. Walang kaayusan sa buhay ng ganitong uri ng tao, sila ay pabago-bago, at hindi mahuhulaan tulad ng isang mabangis na hayop na hindi pa nasanay. Sila ay labis na nasusuklam at namumuhi sa iba. Ito ang eksaktong hitsura ng isang taong iginapos ng mga demonyo.

Ang sampung uri sa itaas ang mga pangunahing pagpapahayag ng gawain ng masasamang espiritu. Sinumang tao na nagpapakita ng isa sa mga pagpapahayag na ito ay tiyak na may gawain ng masasamang espiritu. Para maging tiyak, lahat ng nagpapakita ng mga pagpapahayag ng gawain ng masasamang espiritu, anuman ang uring tinataglay nila, ay mga taong may gawain ng masasamang espiritu. Ang tao na inalihan ng masasamang espiritu ay madalas na napopoot at lumalayo sa mga tao kung kanino gumagawa ang Banal na Espiritu at sa mga magagawang ibahagi ang katotohanan. Sa kadalasan, habang mas mahusay ang isang tao, lalong nagnanais na sugurin at kondenahin nila. Kapag mas hangal ang isang tao, lalo nilang sinusubukang akitin at bolahin, at talagang nakahanda na makibahagi sa kanila. Kapag gumawa ang masasamang espiritu, palagi nilang pinagkakamalan ang katotohanan sa kasinungalingan, na sinasabing ang positibo ay negatibo at ang negatibo ay positibo. Ang gayon ay ang mga gawa ng masasamang espiritu.

—mula sa Isang Kolekyon ng mga Pagsasaayos ng Gawain ng Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos

Ang sinumang espiritu na ang gawain ay hayag na di-pangkaraniwan ay isang masamang espiritu, at ang hindi-pangkaraniwang gawain at mga pagbigkas ng sinumang espiritu na isinasakatuparan sa mga tao ay ang gawain ng isang masamang espiritu; ang lahat ng pamamaraan kung saan gumagawa ang mga masasamang espiritu ay abnormal at di-pangkaraniwan, at pangunahin ng ipinahahayag sa anim na sumusunod na mga pamamaraan:

1. Tuwirang kontrol sa pagsasalita ng mga tao, na malinaw na nagpapakita na ang masamang espiritu ay nagsasalita, hindi ang mga tao mismo ang nagsasalita nang normal;

2. Ang pakiramdam na tinuturuan ng masamang espiritu ang mga tao at inuutusan silang gawin ang ganito at ang ganoon;

3. Ang mga tao na, kapag sila ay nasa isang silid, maaaring makapagsabi kung ang isang tao ay akmang papasok;

4. Ang mga tao na madalas nakaririnig ng mga tinig na nakikipag-usap sa kanila na hindi maririnig ng iba;

5. Ang mga tao na nakakikita at nakaririnig ng mga bagay na hindi magagawa ng iba;

6. Mga tao na palaging balisa, at nakikipag-usap sa kanilang mga sarili, at mga walang kakayahan sa normal na pakikipag-usap o pakikisalamuha sa mga tao.

Hindi maiiwasang taglayin ng lahat niyaong kung kanino gumagawa ang isang masamang espiritu ang anim na mga pagpapahayag na ito. Sila ay di-makatuwiran, kinakabahan, hindi kayang normal na makisalamuha sa mga tao, para bang sila ay hindi kaagad napaiilalim sa katuwiran, at mayroong isang bagay na hiwalay at hindi sa mundong ito tungkol sa kanila. Ang gayong mga tao ay inaalihan ng isang masamang espiritu o mayroong isang masamang espiritu na gumagawa sa kanila, at ang lahat ng gawain ng mga masasamang espiritu ay ipinahahayag at di-pangkaraniwan. Ito ang pinakamadaling nakikitang gawain ng masasamang espiritu. Kapag inaalihan ng isang masamang espiritu ang isang tao, nilalaro nito sila upang sila ay lubos na maguluhan. Sila ay nagiging di-makatuwiran, kagaya ng isang bangkay na buhay, na nagpapatunay na sa sangkap, ang masasamang espiritu ay napakasasamang espiritu na ginagawang tiwali at nilalamon ang mga tao. Ang mga pagbigkas ng masasamang espiritu ay madaling makilala: Ganap na inilalarawan ang masasamang sangkap nito ang mga pagbigkas nito, hindi sumusulong ang mga ito, marumi at nangangamoy, inilalabas nito ang baho ng kamatayan. Sa mga tao na mayroong mahusay na kakayahan, ang mga salita ng masasamang espiritu ay madaramang walang laman at hindi kawili-wili, hindi nakapagpapatibay, kagaya ng walang anuman kundi mga kasinungalingan at walang lamang pananalita, ang mga ito ay nakalilito at pasikut-sikot, kagaya ng sangkatutak na walang katuturang bagay. Ito ang ilan sa pinakamadaling makilalang kawalang-halaga ng masasamang espiritu. Upang gayumahin ang mga tao, ang ilan sa mas mataas na uri ng masasamang espiritu ay nagpapanggap na Diyos o si Cristo kapag nagsasalita ang mga ito, samantalang ang iba ay nagpapanggap na mga anghel o tanyag na mga personalidad. Kapag nagsasalita ang mga ito, ang masasamang espiritung ito ay bihasa sa paggaya sa partikular na mga salita o mga sawikain ng Diyos, o sa tono ng Diyos, at ang mga tao na hindi nakauunawa sa katotohanan ay kaagad napapaniwala ng gayong mataas na uri na masasamang espiritu. Dapat maging malinaw sa mga hinirang ng Diyos na, sa sangkap, ang masasamang espiritu ay napakasama at walang kahihiyan, at kahit na ang mga ito ay masasamang espiritu na mataas ang uri, ang mga ito ay lubos na pinagkaitan ng katotohanan. Ang masasamang espiritu, kung tutuusin, ay masasamang espiritu, ang sangkap ng masasamang espiritu ay napakasama, at kauri ni Satanas.

—mula sa Isang Kolekyon ng mga Pagsasaayos ng Gawain ng Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman