Bakit hindi inililigtas ng Diyos ang mga may gawain ng masasamang espiritu o nasaniban ng mga demonyo

Setyembre 19, 2019

Nauugnay na mga Salita ng Diyos:

Matagal Ko nang nakitang malinaw ang sari-saring mga gawa ng masasamang espiritu. At ang mga taong ginamit ng mga masasamang espiritu (ang mga may maling hangarin, ang mga nag-iimbot sa laman o kayamanan, ang mga nagtataas sa kanilang mga sarili, ang mga nanggagambala sa iglesia, atbp.) ay nakita Ko na ring isa-isa. Huwag mong akalain na ang lahat ay tapos na sa sandaling napalayas na ang masasamang espiritu. Hayaan mong sabihin Ko sa iyo! Mula ngayon, isa-isa Kong aalisin ang mga taong ito at hindi na sila kailanman gagamitin! Ibig sabihin niyan, sinumang taong nagawang tiwali ng masasamang espiritu ay hindi Ko gagamitin, at palalayasin! Huwag isiping wala Akong pakiramdam! Alamin ito! Ako ang banal na Diyos, at hindi Ako mananahan sa isang maruming templo! Kinakasangkapan Ko lamang ang matatapat at marurunong na tao, na ganap na tapat sa Akin at maaaring maging maalalahanin sa Aking pasanin. Ito ay dahil Aking nauna nang itinalaga ang gayong mga tao, ang lubos na walang masasamang espiritu ang gumagawa sa kanila. Hayaan mong linawin Ko ang isang bagay: Mula ngayon, lahat ng walang gawain ng Banal na Espiritu ay may gawain ng masasamang espiritu. Hayaan mong ulit-ulitin Ko: Hindi Ko gusto ang kahit isang tao na may mga masasamang espiritu na gumagawa sa kanya. Silang lahat ay ihuhulog sa Hades kasama ng kanilang laman!

— Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Mga Pagbigkas ni Cristo sa Pasimula, Kabanata 76

Madalas binabanggit ng mga tao ang impiyerno at Hades. Subalit ano ba ang tinutukoy ng dalawang salitang ito, at ano ang pagkakaiba sa pagitan ng mga ito? Tunay bang tumutukoy ang mga ito sa isang malamig, madilim na sulok? Palaging ginagambala ng mga isip ng tao ang Aking pamamahala, iniisip na ganap na mahusay ang kanilang sariling pasumalang na mga pagbubulay-bulay. Subalit ang lahat ng ito ay walang iba kundi kanilang sariling mga guni-guni. Kapwa tumutukoy ang Hades at impiyerno sa isang templong marumi na dating pinanirahan na ni Satanas o ng masasamang espiritu. Ibig sabihin, sinumang pinanirahan na noon ni Satanas o ng masasamang espiritu—sila itong Hades at sila itong impiyerno—walang pagkakamali! Ito ang dahilan kung bakit paulit-ulit Ko nang binigyang-diin sa nakaraan na hindi Ako naninirahan sa templong marumi. Maaari bang manirahan Ako (Diyos Mismo) sa Hades, o sa impiyerno? Hindi ba iyon magiging katawa-tawang kalokohan? Sinabi Ko na ito nang maraming beses, pero hindi pa rin ninyo nauunawaan ang ibig Kong sabihin. Kumpara sa impiyerno, mas matinding ginagawang tiwali ni Satanas ang Hades. Yaong para sa Hades ay ang pinakamalalalang kalagayan, at talagang hindi Ko patiunang itinadhana ang mga taong ito; yaong para sa impiyerno ay yaong Aking patiunang itinadhana na, at pagkatapos ay inalis. Sa madaling sabi, hindi Ko napili kahit isa sa mga taong ito.

— Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Mga Pagbigkas ni Cristo sa Pasimula, Kabanata 90

Ang ilan sa mga anticristo ay talagang malinaw na masasamang espiritu, gayong ang ilang anticristo ay hindi umaabot sa punto ng pagpapakilala sa kanilang mga sarili bilang masasamang espiritu, kaya hindi sila matutukoy na ganoon. Para sa mga anticristo na malinaw na masasamang espiritu, sa sandaling mayroong ibang sumunod sa kanila, kikilalanin pa rin ba ng Diyos ang taong iyon, kung isasaalang-alang ang diwa at disposisyon ng Diyos? Ang Diyos ay banal, at isa siyang mapanibughuing Diyos—tinatanggihan Niya ang mga sumunod na sa masasamang espiritu. Kahit na, sa panlabas, mukhang mabuti ang taong ito para sa iyo, hindi tinitignan ng Diyos ang aspetong iyon. Ano ang “mapanibughuin”? Ano ang ibig sabihin dito ng “mapanibughuin?” Kung hindi malinaw mula mismo sa salitang ito, tignan ninyo kung mauunawaan ninyo mula sa Aking paliwanag. Magmula sa sandaling mapili ng Diyos ang isang tao hanggang sa sandaling matukoy nila na ang Diyos ang katotohanan, na Siya ang katuwiran, karunungan, at walang hanggang kapangyarihan, na Siya ay nag-iisa—sa sandaling maunawaan nila ang lahat ng ito, magtatamo sila ng isang simpleng pang-unawa ukol sa disposisyon at diwa ng Diyos sa kaibuturan ng kanilang puso, pati na kung ano ang mayroon Siya at kung sino Siya. Ang simpleng pang-unawang ito ay nagiging kanilang pananampalataya, at ito ay nagiging isang bagay na nagtutulak sa kanila sa pagsunod sa Diyos, sa paggugol sa kanilang mga sarili para sa Diyos, at paggawa ng kanilang tungkulin. Ito ang kanilang tayog, hindi ba? (Oo.) Ang mga bagay na ito ay nag-ugat na sa kanilang buhay at hindi na nila muling itatanggi ang Diyos. Ngunit kung wala silang tunay na kaalaman kay Cristo o sa praktikal na Diyos, maaari pa rin silang sumamba at sumunod sa isang anticristo. Ang ganitong klase ng tao ay nanganganib pa rin. Maaari pa rin silang tumalikod kay Cristo na nasa katawang-tao upang sumunod sa isang masamang anticristo; ito ay magiging lantarang pagtanggi kay Cristo at pagputol ng kaugnayan sa Diyos. Ang ipinahihiwatig nito ay: “Hindi na ako susunod sa Iyo, pero sumusunod ako kay Satanas. Mahal ko si Satanas at nais ko itong paglingkuran; gusto kong sumunod kay Satanas, at paano man ako nito pakitunguhan, paano man ako nito sirain, apakan, at gawing tiwali, handang-handa ako. Gaano Ka man katuwid at kabanal, ayaw ko nang sumunod sa Iyo. Ayaw ko nang sumunod sa Iyo sa kabila ng katotohanan na Ikaw ang Diyos.” At basta na lang silang umaalis, sumusunod sa isang taong walang kinalaman sa kanila, sa isang taong kalaban ng Diyos o isa pa ngang masamang espiritu. Gugustuhin pa rin ba ng Diyos ang ganoong klase ng tao? Magiging makatwiran ba na itaboy sila ng Diyos? Magiging tunay na makatwiran iyon. Batay sa sentido-kumon, alam ng lahat ng tao na ang Diyos ay isang mapanibughuing Diyos, na Siya ay banal, ngunit nauunawaan mo ba ang aktuwal na sitwasyon kung ano talaga ang nasa likod nito? Hindi ba tumpak ang sinasabi ko rito? (Tumpak ito.) Kung tumpak ito, kung gayon ay maituturing ba na kalupitan sa panig ng Diyos ang pagsuko Niya sa taong iyon? Kumikilos ang Diyos ayon sa prinsipyo—kung alam mo kung sino ang Diyos ngunit ayaw mo Siyang sundin, at kung kilala mo kung sino si Satanas at gusto mo pa rin itong sundin, kung gayon ay hindi Ako mamimilit. Hahayaan Kitang sumunod kay Satanas magpakailanman at hindi Ko hihilingin sa iyong bumalik, ngunit susuko na Ako sa iyo. Anong uri ng disposisyon ito sa panig ng Diyos? Ito ba ay pagmamatigas? Umaakto ba siya ayon sa emosyon, o sa pagiging marangal? Hindi ito karangalan, ni katigasan, kundi bahagi ng “paninibugho” ng Diyos. Ibig sabihin, kung ikaw bilang isang nilkha ay masaya na maging masama, ano ang masasabi ng Diyos? Kung nais mong maging masama, iyon ay personal mong desisyon—sa huli ay ikaw ang mananagot sa mga kalalabasan, at ang sarili mo lamang ang masisisi mo. Hindi mababago ang mga prinsipyo ng Diyos sa pakikitungo sa mga tao, kaya kung ikaw ay masaya sa kasamaan, ang iyong tiyak na kahahantungan ay ang maparusahan. Hindi mahalaga kung ilang taon ka mang sumunod sa Diyos noon; kung nais mong maging masama, hindi ka tutulungan ng Diyos sa iyong pasya, ni hindi ka Niya pipilitin. Ikaw mismo ay handang sumunod kay Satanas, upang mailigaw at madungisan ni Satanas, kung kaya’t sa huli ay dapat kang managot sa mga kalalabasan. Iyon ang dahilan kung bakit walang gumagana sa mga taong ito paano man sila subukang tulungan ng iba. Hindi na sila gusto ng Diyos, kaya ano pang magagawa ng tao? Ito ang tunay na dahilan sa likod nito. Pero kailangang gawin ng mga tao ang dapat nilang gawin, isagawa ang kanilang mga obligasyon at mga responsibilidad, at kapag nagawa na nila iyon, ang huling kahihinatnan ay nakasalalay sa pangunguna ng Diyos. Gamit ang Aking detalyadong paliwanag, nagkaroon na ba kayong lahat ng kaunti pang pang-unawa sa kasabihang, “Ang Diyos ay isang mapanibughuing Diyos”? Ito ay isang aspeto noon, ibig sabihin, tinatanggihan ng Diyos ang mga nadungisan ng masasamang espiritu. At bakit sila tinatanggihan ng Diyos? Ito ay dahil pinili nila si Satanas. Paano pa sila gugustuhin ng Diyos pagkatapos noon? Kaaawaan pa rin ba sila ng Diyos, aantigin sila upang sila ay bumalik? Iyon ba ay isang bagay na kayang gawin ng Diyos? Tiyak na kaya Niya iyong gawin, ngunit hindi Niya iyon gagawin. Ito ang ibig sabihin ng “mapanibughuin.”

Hinango mula sa “Sila ay Masasama, Mapanganib, at Mapanlinlang (II)” sa Paglalantad sa mga Anticristo

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman