Ang Panginoong Jesus at Makapangyarihang Diyos ay iisang Diyos, pero gumagawa ng magkaibang gawain sa magkaibang mga panahon. Ginawa ng Panginoong Jesus ang gawaing pagtubos, at ipinangaral ang daan ng pagsisisi. Sa mga huling araw, ginagawa ng Makapangyarihang Diyos ang gawaing paghatol at pagdadalisay sa sangkatauhan, at dinadala sila sa daan ng walang hanggang buhay. May isa pa akong tanong, ano ang pagkakaiba ng daan ng pagsisisi at ng daan ng walang hanggang buhay?

Agosto 28, 2018

Sagot: Iisa lang ang Diyos, at hindi maisasagawa sa isa o dalawang yugto ang Kanyang gawaing pagliligtas sa sangkatauhan. Dahil may tatlong yugto ang gawain sa plano sa pamamahala ng Diyos para iligtas ang sangkatauhan, magkaiba ang katotohanang ipinapahayag ng Diyos sa bawat yugto, at unti-unting lumalalim, kaya sa bandang huli nagiging perpekto ito. Gumagawa ang Diyos ng magkakaibang gawain sa mga panahon batay sa mga pangangailangan ng tao sa panahong iyon, kaya magkaiba ang daang ibinibigay ng Diyos sa tao sa bawat panahon. Tinatanong mo kung ano ang pagkakaiba ng daan ng pagsisisi at ng daan ng walang hanggang buhay, na isang mahalagang tanong. Ito ay katotohanang dapat maintindihan ng bawat tunay na naniniwala sa Diyos, dahil nauugnay ito sa kung paano nalalaman ng tao ang katotohanan at nakakamit ang walang hanggang buhay. Ngayon alam na nating lahat na ginawa ng Panginoong Jesus ang gawaing pagtubos sa Kapanahunan ng Biyaya, at ibinigay sa tao ang daan ng pagsisisi. Tulad ng sinabi ng Panginoong Jesus: “Mangagsisi kayo: sapagka’t malapit na ang kaharian ng langit(Mateo 4:17). Ibig sabihin, dapat ikumpisal ng tao ang kanyang mga kasalanan at magsisi sa harapan ng Diyos kung gusto niyang makapasok sa kaharian ng langit. Matapos ikumpisal ang mga dating kasalanan, mapapatawad ang ganoong mga kasalanan. Hindi na magkakasala ang tao, magsisisi at maisisilang muli. Ito ang pagsisisi. Pero sa panahong iyon, tinuruan lamang ng Panginoong Jesus ang tao na ikumpisal ang kanyang mga kasalanan at magsisi, hindi gumawa ng mga kasalanan, hindi gumawa ng masama, para pagkaitan ang kanyang sarili, pasanin ang krus, at sundin ang Panginoon, para mahalin ang Panginoon nang buong uso, kaluluwa, at isipan, para mahalin ang mga ibang tao tulad ng kanyang sarili, nang may pagpapakumbaba, pagtitiis at pasensiya, at patawarin ang mga ibang tao nang hanggang sa makapitumpung pito. Ang mga ito’y paraan ng pagsisisi ng tao. Kapag ikinukumpisal ng tao ang kanyang mga kasalanan at magsisisi sa harapan ng Panginoong Jesus, mapapatawad ang mga kasalanang ito, na nagbibigay-karapatan sa taong magdasal sa harapan ng Diyos at makipagsamahan sa Kanya, at tamasahin ang saganang biyaya at katotohanang ibinibigay ng Diyos. Pero ang hindi natin maitatanggi ay na kahit pa napatawad na ang mga kasalanan ng tao, naroroon pa rin ang kanyang makasalanang kalikasan, at magagawa pa rin niyang pagtaksilan at tutulan at Diyos. Pinatutunayan nito na kahit napatawad na ang mga kasalanan ng tao, magagawa pa rin niyang magkasala, at hindi magiging banal. Ginawa lang ng Panginoong Jesus ang gawaing pagtubos, na nagpapahintulot lang sa taong ikumpisal ang kanyang mga kasalanan, magsisi, bumalik sa Diyos, at tamasahin ang biyayang ibinibigay ng Diyos. Ipinapakita nito na ang katotohanang ipinahayag ng Panginoong Jesus ang daan para magsisi ang tao. Tulad ng sinabi ng Makapangyarihang Diyos: “Sa panahong iyon, nagbigay lamang ng sunud-sunod na sermon si Jesus sa Kanyang mga disipulo sa Kapanahunan ng Biyaya tungkol sa mga paksa kung paano magsagawa, paano magtipun-tipon, paano magmakaawa sa panalangin, paano tratuhin ang iba, at iba pa. Ang gawaing Kanyang isinagawa ay yaong sa Kapanahunan ng Biyaya, at ipinaliwanag lamang Niya kung paano nararapat magsagawa ang mga disipulo at yaong mga sumunod sa Kanya. Ginawa lamang Niya ang gawain ng Kapanahunan ng Biyaya, at wala Siyang ginawa sa gawain ng mga huling araw. … Ang gawain ng Diyos sa bawat isang kapanahunan ay may malilinaw na hangganan; ginagawa lamang Niya ang gawain ng kasalukuyang kapanahunan, at hindi Niya isinasakatuparan nang maaga ang sumunod na yugto ng gawain kailanman. Sa ganitong paraan lamang maisusulong ang Kanyang gawaing kumakatawan sa bawat kapanahunan. Nagsalita lamang si Jesus tungkol sa mga tanda ng huling mga araw, paano maging mapagpasensya at paano maligtas, paano magsisi at mangumpisal, at kung paano magpasan ng krus at magtiis ng hirap; hindi Niya kailanman binanggit kung paano dapat pumasok ang tao sa huling mga araw, ni kung paano niya dapat hangaring palugurin ang kalooban ng Diyos(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Paano Maaaring Tumanggap ng mga Paghahayag ng Diyos ang Taong Nililimitahan ang Diyos sa Kanyang mga Kuru-kuro?). “Ang mga kasalanan ng tao ay maaaring mapatawad sa pamamagitan ng handog para sa kasalanan, ngunit walang paraan ang tao para lutasin ang suliranin kung paano siya hindi na muling magkakasala at kung paanong ang kanyang makasalanang kalikasan ay ganap na maiwawaksi at mababago. Ang mga kasalanan ng tao ay napatawad dahil sa gawain ng pagpapapako sa krus ng Diyos, ngunit ang tao ay patuloy na namuhay sa dati niyang tiwaling maka-satanas na disposisyon. Dahil dito, ang tao ay dapat na ganap na mailigtas mula sa kanyang tiwaling maka-satanas na disposisyon upang ang makasalanang kalikasan ng tao ay maaaring ganap na maiwaksi at hindi na kailanman muling mabubuo, at sa gayon ay tinutulutang mabago ang disposisyon ng tao. Kakailanganin nito na maunawaan ng tao ang landas ng paglago sa buhay, ang daan ng buhay, at ang daan upang baguhin ang kanyang disposisyon. Kakailanganin din na ang tao ay kumilos alinsunod sa landas na ito, nang sa gayon ang disposisyon niya ay unti-unting mababago at makakapamuhay siya sa ilalim ng sikat ng liwanag, upang ang lahat ng ginagawa niya ay maging kaayon ng kalooban ng Diyos, upang maiwaksi niya ang kanyang tiwaling maka-satanas na disposisyon, at upang makalaya siya mula sa impluwensya ng kadiliman ni Satanas, at sa gayon ay ganap na makalaya mula sa kasalanan. Saka lamang matatanggap ng tao ang ganap na kaligtasan(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Hiwaga ng Pagkakatawang-tao 4). Sinasabi sa atin ng mga salita ng Makapangyarihang Diyos na ginawa ng Panginoong Jesus ang gawaing pagtubos, at ang daan ng pagsisisi lamang ang ibinigay Niya sa atin, hindi Niya ibinigay sa tao ng daan ng walang hanggang buhay para iwaksi ang kanyang malasatanas na kalikasan at maging banal. Kaya sa mga huling araw, dumating ang Makapangyarihang Diyos, at batay sa gawaing pagtubos ng Panginoong Jesus, ginawa Niya ang gawaing “paghatol simula sa bahay ng Diyos” at ibinigay sa atin ang daan ng walang hanggang buhay. Tanging sa pamamagitan ng pagtanggap sa daan ng walang hanggang buhay na ibinigay ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw magiging masunurin ang mga tao sa kalooban ng Diyos, ganap na makakawala sa madilim na impluwensiya ni Satanas, marating ang katayuan ng kabanalan, at makapasok sa kaharian ng Diyos.

Ngayon lang nagbahagi kami tungkol sa daan ng pagsisisi, at sa palagay ko naiintindihan niyong lahat ’yan. Ngayon gusto kong pag-usapan kung ano ang daan ng walang hanggang buhay, at pagkatapos, ipaliliwanag ko ang tungkol sa mga pagkakaiba ng daan ng pagsisisi at ng daan ng walang hanggang buhay. Kapag pinag-uusapan natin ang daan ng walang hanggang buhay, hindi natin pinag-uusapan ang simpleng pangungumpisal ng kasalanan at pagsisisi, pinag-uusapan natin ang tungkol sa daan ng katotohanan na nagbibigay sa mga tao ng walang hanggang buhay. Para mas tiyak, paano makakamit ng mga tao ang kaligtasan, makawala sa impluwensiya ni Satanas, paano nila makakamit ang katotohanan bilang buhay, maging akma sa Diyos, at makamit ng Diyos. Ito ang daan ng walang hanggang buhay. Kaya ang mga nagkakamit ng daan ng walang hanggang buhay ay ang mga tumatanggap sa katotohanan, nagkakamit ang katotohanan bilang buhay, at sila ang mga taong kinumpleto ng Diyos na makakapasok sa kaharian ng langit. Hindi ba ang mga taong ito ang nagkakamit ng daan ng walang hanggang buhay? Tututulan o pagtataksilan ba ng mga nagkakamit ng katotohanan bilang kanilang buhay ang Diyos? Mamamatay ba, o maipadadala sa impiyerno ang mga papasok ba sa kaharian ng langit? Kaya sinumang magkakamit ng katotohanan bilang buhay ay makikilala ang Diyos, ay makakamit ang daan ng walang hanggang buhay, tama? Tingnan natin ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos tungkol sa paksa.

Sabi ng Makapangyarihang Diyos, “Naghahatid ng buhay si Cristo ng mga huling araw, at naghahatid ng walang maliw at magpakailanmang daan ng katotohanan. Ang katotohanang ito ang landas kung saan makakamit ng tao ang buhay, at ito lamang ang tanging landas kung saan makikilala ng tao ang Diyos at masasang-ayunan ng Diyos(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Tanging si Cristo ng mga Huling Araw ang Makapagbibigay sa Tao ng Daan ng Buhay na Walang Hanggan).

Ang gawain sa mga huling araw ay naglalantad sa gawain ni Jehova at ni Jesus at sa lahat ng hiwaga na hindi naintindihan ng tao. Ginagawa ito upang ibunyag ang hantungan at ang katapusan ng sangkatauhan at tapusin ang lahat ng gawain ng pagliligtas sa gitna ng sangkatauhan. Itong yugtong ito ng gawain sa mga huling araw ay naghahatid sa lahat ng bagay sa katapusan. Lahat ng hiwaga na hindi naintindihan ng tao ay dapat malantad upang pahintulutan ang tao na masukat ang lalim ng mga ito at magkaroon ng lubos na malinaw na pagkaunawa sa kanilang mga puso. Saka lamang maaaring mahati ang mga tao ayon sa kanilang mga uri. … ang lahat ng hiwaga na hindi naunawaan ng tao ay mabubunyag, ang lahat ng katotohanan na dati’y hindi naintindihan ng tao ay magiging malinaw, at ang sangkatauhan ay masasabihan tungkol sa kanilang hinaharap na landas at hantungan. Ito ang kabuuan ng gawaing gagawin sa kasalukuyang yugto(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Hiwaga ng Pagkakatawang-tao 4).

Sa huling yugtong ito ng gawain, ang mga resulta ay nakakamit sa pamamagitan ng salita. Sa pamamagitan ng salita, dumarating ang tao sa pagkaunawa sa maraming hiwaga at sa gawaing nagawa ng Diyos sa nakaraang mga henerasyon; sa pamamagitan ng salita, naliliwanagan ang tao ng Banal na Espiritu; sa pamamagitan ng salita, dumarating ang tao sa pagkaunawa sa mga hiwaga na kailanman ay hindi pa nailantad ng mga nagdaang henerasyon, pati na rin sa gawain ng mga propeta at mga apostol ng mga nakaraang panahon, at ang mga prinsipyo kung paano sila ay gumawa; sa pamamagitan ng salita, dumarating din ang tao sa pagkaunawa sa disposisyon ng Diyos Mismo, pati na rin sa pagiging mapanghimagsik at paglaban ng tao, at dumarating sa pagkaalam ng kanyang sariling diwa. Sa pamamagitan ng mga hakbang na ito ng gawain at lahat ng salitang winika, dumarating ang tao sa pagkakilala sa gawain ng Espiritu, sa gawain ng nagkatawang-taong Diyos, at lalo na, sa Kanyang buong disposisyon(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Hiwaga ng Pagkakatawang-tao 4).

Ang Cristo ng mga huling araw ay gumagamit ng iba’t ibang katotohanan para maturuan ang tao, para ibunyag ang diwa ng tao, at suriin ang kanyang mga salita at gawa. Ang mga salitang ito ay binubuo ng iba’t ibang katotohanan, gaya ng tungkulin ng tao, paano dapat sundin ng tao ang Diyos, paano dapat maging tapat ang tao sa Diyos, paano dapat isabuhay ang normal na pagkatao, gayundin ang karunungan at disposisyon ng Diyos, at iba pa. Ang mga salitang ito ay nakatuon lahat sa diwa ng tao at sa kanyang tiwaling disposisyon. Partikular na, yaong mga salitang naglalantad kung paano tinatanggihan ng tao ang Diyos ay sinasabi patungkol sa kung paano kinakatawan ng tao si Satanas, at naging puwersa ng kaaway laban sa Diyos. Sa pagsasakatuparan ng Kanyang gawain ng paghatol, hindi lamang basta nililinaw ng Diyos ang likas na pagkatao ng tao sa iilang salita lamang; inilalantad, pinakikitunguhan, at tinatabas Niya nang pangmatagalan. Ang lahat ng ganitong mga pamamaraan ng paglalantad, pakikitungo, at pagpupungos ay hindi maaaring mahalinhan ng mga ordinaryong salita, kundi ng katotohanang hindi man lang taglay ng tao. Ang ganitong klaseng mga pamamaraan lamang ang matatawag na paghatol; sa pamamagitan lamang ng ganitong uri ng paghatol masusupil ang tao at makukumbinsi nang husto tungkol sa Diyos, at bukod pa riyan ay makamtan ang tunay na pagkakilala sa Diyos. Ang idinudulot ng gawain ng paghatol ay ang pagkaunawa ng tao sa tunay na mukha ng Diyos at sa katotohanan tungkol sa kanyang sariling pagkasuwail. Ang gawain ng paghatol ay nagbibigay-daan sa tao na magtamo ng malawak na pagkaunawa sa kalooban ng Diyos, sa layunin ng gawain ng Diyos, at sa mga hiwagang hindi niya maunawaan. Tinutulutan din nito ang tao na makilala at malaman ang kanyang tiwaling diwa at ang mga ugat ng kanyang katiwalian, gayundin para matuklasan ang kapangitan ng tao. Ang mga epektong ito ay bunga lahat ng gawain ng paghatol, sapagkat ang diwa ng gawaing ito ay ang mismong gawain ng pagbubukas ng katotohanan, ng daan, at ng buhay ng Diyos sa lahat ng may pananampalataya sa Kanya(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ginagawa ni Cristo ang Gawain ng Paghatol sa Pamamagitan ng Katotohanan).

Mula sa mga salita ng Makapangyarihang Diyos makikita natin na ang daan ng walang hanggang buhay ay hindi isang bagay na maituturo ng ilang patakaran lamang, hindi rin malulutas ang gawi ng tao na magkasala at tutulan ang Diyos gamit ang ilang talata lamang. Malalim ang pagpapasama ni Satanas sa sangkatauhan, at puno ng lahat ng uri ng lason ni Satanas. Masyado silang arogante, mapagmataas, at makasarili, at puno ng mga palagay, hindi kapani-paniwalang ideya, at mga labis-labis na hinihingi sa Diyos. Wala silang totoong kaalaman sa Diyos, lalo na ang totoong takot, pagsunod, o pagmamahal. Kung gustong makawala ng mga tao sa kanilang malasatanas na mga disposisyon at maging banal, o talagang makilala, sundin, katakutan, at mahalin ang Diyos, at maging akma sa Diyos, kailangang maintindihan nila ang maraming aspeto ng katotohanan. Tulad ng kinakailangan ng masamang sangkatauhan, sa mga huling araw, ginagawa ng Diyos ang “paghatol simula sa bahay ng Diyos,” at ipinahahayag ang lahat ng katotohanang kailangan ng tao para ganap na makawala sa impluwensiya ni Satanas at makamit ang kaligtasan. Kaya ang daan ng walang hanggang buhay ay higit sa isa o dalawang mukha ng katotohanan, binubuo ito ng maraming aspeto ng katotohanan. Habang nararanasan ng mga tao ang gawain ng Diyos sa mga huling araw, maintindihan nila ang kabuuan ng mga katotohanang ipinahayag Niya para iligtas ang sangkatauhan, at pumasok sa realidad ng katotohanan, kung gayon walang dudang makakamit nila ang pagbabago sa disposisyon sa kanilang buhay, at maging mga taong sumusunod at sumasamba talaga sa Diyos. Sila ang magkakamit ng daan ng walang hanggang buhay. Ano ang daan ng walang hanggang buhay? Lahat ito’y katotohanang ipinahahayag ng Diyos sa mga huling araw para iligtas ang sangkatauhan. Ang gawain ng Diyos sa mga huling araw ay ang ituro ang mga katotohanang ito sa tao para maging buhay ng tao ang mga ito. Makakamit ng mga taong nabubuhay batay sa mga salita ng Diyos na ito ang daan ng walang hanggang buhay. Kahit gaano pa kalalim ang pagkakaranas ng isang tao sa katotohanan ng mga salita ng Diyos, basta’t taglay natin ang mga realidad ng sari-saring katotohanan, mabuhay nang tulad ng tunay na tao, matapat, sumusunod talaga sa Diyos, kumikilos sa maprinsipyong paraan, kinatatakutan ang Diyos, at iniiwasan ang kasamaan, magiging mga tao tayong nagtataglay ng katotohanan at pagkatao, at samakatuwid makakamit ang daan ng walang hanggang buhay. Kapag makakamit natin ang daan ng walang hanggang buhay makakatakas tayo sa kasalanan at impluwensiya ni Satanas, at hindi na tayo magkakasala, tututol sa Diyos, at magtataksil sa Diyos. Kapag may totoong kaalaman sa Diyos, makakamit natin ang pagbabago sa disposisyon. Masusunod natin ang Diyos, masasamba ang Diyos, mamahalin ang Diyos, magiging akma sa Diyos, at magiging taong sumusunod sa kalooban ng Diyos. Kapag nakamit natin ang daan ng walang hanggang buhay, hindi tayo kailanman mamamatay. Tatamasahin natin ang mga biyaya ng Diyos, at pangangakuan ng pagpasok sa kaharian ng langit.

Sabi ng Makapangyarihang Diyos, “Sa sandaling nasa tamang landas ang sangkatauhan, ang mga tao ay magkakaroon ng normal na buhay ng tao. Gagawin nilang lahat ang kani-kaniyang mga tungkulin at magiging ganap na matapat sa Diyos. Lubos nilang lalagasin ang kanilang pagsuway at ang kanilang mga tiwaling disposisyon, at mabubuhay sila para sa Diyos at dahil sa Diyos, nang walang pagsuway at paglaban. Magagawa nilang lahat na ganap na magpasakop sa Diyos. Ito ang magiging buhay ng Diyos at ng sangkatauhan; ito ang magiging buhay ng kaharian, at magiging isang buhay ito ng pamamahinga(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Papasok sa Pahinga ang Diyos at ang Tao Nang Magkasama).

Namamahinga Ako sa trono, nakasandig Ako sa ibabaw ng buong sansinukob, at lubos Akong nasisiyahan, sapagkat nabawi na ng lahat ng bagay ang kanilang kabanalan, at muli Akong maninirahan nang payapa sa loob ng Sion, at ang mga tao sa lupa ay maaaring mamuhay nang mapayapa at kuntento sa ilalim ng Aking patnubay. Lahat ng tao ay pinangangasiwaan ang lahat ng bagay sa Aking kamay, lahat ng tao ay nabawi na ang dati nilang katalinuhan at orihinal na anyo; hindi na sila nababalutan ng alabok, kundi, sa Aking kaharian, sila ay banal na tulad ng jade, bawat isa ay may mukhang gaya ng sa banal na nasa puso ng tao, sapagkat ang Aking kaharian ay naitatag na sa mga tao(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Mga Salita ng Diyos sa Buong Sansinukob, Kabanata 16).

Sa kaharian, ang buhay na ipinamumuhay ng bayan ng Diyos sa Kanyang piling ay lubhang masaya. Sumasayaw sa tuwa ang mga tubig sa pinagpalang buhay ng mga tao, nagagalak ang mga kabundukan sa Aking kasaganaan kasama ng mga tao. Lahat ng tao ay nagpupunyagi, nagsusumikap, nagpapakita ng kanilang katapatan sa Aking kaharian. Sa kaharian, wala nang paghihimagsik, wala nang paglaban; umaasa ang kalangitan at ang lupa sa isa’t isa, nagkakalapit Ako at ang sangkatauhan na may malalim na damdamin, sa pamamagitan ng matatamis na kagalakan ng buhay, na nakasandig sa isa’t isa….(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Mga Salita ng Diyos sa Buong Sansinukob, Magalak Kayong Lahat na mga Tao!).

mula sa iskrip ng pelikulang Dumadaloy ang Tubig ng Buhay Mula sa Trono

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

Pero naniniwala kami na sa pamamagitan ng pagsampalataya at pagsunod sa Panginoon, makakamtan natin ang buhay na walang hanggan. Suportado ito ng salita ng Panginoon: Sinabi ng Panginoong Jesus, “Ako ang pagkabuhay na mag-uli, at ang buhay: ang siyang sumasampalataya sa Akin, bagama’t siya’y patay, gayunma’y siya ay mabubuhay; At ang sinumang nabubuhay at sumasampalataya sa Akin ay hindi mamamatay magpakailanman” (Juan 11:25–26). “Datapuwa’t ang sinomang umiinom ng tubig na sa kaniya’y aking ibibigay ay hindi mauuhaw magpakailan man; nguni’t ang tubig na sa kaniya’y aking ibibigay ay magiging isang balon ng tubig na bubukal sa kabuhayang walang hanggan” (Juan 4:14). Ang mga talatang ito ang pangako ng Panginoong Jesus. Ang Panginoong Jesus ay makapagbibigay sa atin ng buhay na walang hanggan, ang landas ng Panginoong Jesus ay ang daan tungo sa buhay na walang hanggan. Sabi sa Biblia, “Ang sumasampalataya sa Anak ay may buhay na walang hanggan: nguni’t ang hindi nananalig sa Anak ay hindi makakakita ng buhay, kundi ang poot ng Diyos ay sumasa kaniya” (Juan 3:36). Hindi nga ba ang Panginoong Jesus Anak ng tao, hindi ba Siya ang Cristo? Sa pananalig sa Panginoong Jesus, dapat ding mapasaatin ang daan tungo sa buhay na walang hanggan. Ngunit nagpapatotoo kayo na ipapakita sa atin ni Cristo sa mga huling araw ang daan tungo sa buhay na walang hanggan. Lahat tayo ay alagad ng Panginoong Jesucristo. Bakit hindi pa ito sapat para makita ang daan tungo sa buhay na walang hanggan? Kaya bakit namin kailangang tanggapin ang mga salita at gawain ni Cristo sa mga huling araw?

Sagot: Ang Panginoong Jesus ay Diyos na naging tao, ang pagpapakita ng Diyos. Sinabi ng Panginoong Jesus, “At ang sinumang nabubuhay at...

Leave a Reply