Sabi ng Panginoong Jesus: “Datapuwa’t ang sinomang umiinom ng tubig na sa kaniya’y Aking ibibigay ay hindi mauuhaw magpakailan man; nguni’t ang tubig na sa kaniya’y Aking ibibigay ay magiging isang balon ng tubig na bubukal sa kabuhayang walang hanggan” (Juan 4:14). Iniisip ng karamihan sa mga tao na naipagkaloob na sa atin ng Panginoong Jesus ang daan tungo sa buhay na walang hanggan, pero nabasa ko ang mga salitang ito ng Makapangyarihang Diyos: “Tanging ang Cristo ng mga Huling Araw ang Makapagbibigay sa Tao ng Daan ng Buhay na Walang Hanggan.” Tungkol saan ang lahat ng ito? Bakit sinasabi nito na tanging ang Cristo ng mga huling araw ang makapagbibigay sa tao ng daan tungo sa buhay na walang hanggan?

Abril 19, 2018

Sagot:

Tungkol naman sa kung ano talaga ang daan tungo sa buhay na walang hanggan, dapat muna nating malaman kung saan ito nagmumula. Alam nating lahat na nang maging tao ang Diyos, nagpatotoo Siya na Siya ang katotohanan, ang daan, at ang buhay. Sapat na patunay ito na si Cristo lamang ang makapagpapahayag ng daan tungo sa buhay na walang hanggan. Dahil si Cristo ang pagpapakita ng Diyos na nagkatawang-tao, dahil Siya ang Espiritu ng Diyos na nasa katawang-tao, ibig sabihin ay ang diwa ni Cristo ay ang diwa ng Diyos, at na si Cristo Mismo ang katotohanan, ang daan, at ang buhay. Kaya, naipapahayag ni Cristo ang katotohanan at naisasagawa ang gawain ng pagtubos at pagliligtas sa sangkatauhan. Sigurado iyan. Saanmang kapanahunan nagiging tao ang Diyos, hinding-hindi magbabago ang diwa ni Cristo. Ang Panginoong Jesus ay ang Diyos Mismo na nasa katawang-tao. Kaya nang pumarito ang Panginoong Jesus, pinatotohanan Niya ang Kanyang Sarili bilang ang katotohanan, ang daan at ang buhay, at ang pinagmumulan ng buhay na mga tubig ng buhay para sa sangkatauhan; naipahayag Niya ang katotohanan at naipagkaloob sa tao ang daan tungo sa pagsisisi. Tulad ng sinabi ng Panginoong Jesus: “Ang bawa’t uminom ng tubig na ito ay muling mauuhaw: Datapuwa’t ang sinomang umiinom ng tubig na sa kaniya’y aking ibibigay ay hindi mauuhaw magpakailan man; nguni’t ang tubig na sa kaniya’y aking ibibigay ay magiging isang balon ng tubig na bubukal sa kabuhayang walang hanggan(Juan 4:13–14). Lahat ng sinambit ng Panginoong Jesus ay pagpapahayag ng Kanyang banal na diwa, at ipinapahayag din ito alinsunod sa gawain ng pagtubos na Kanyang isinasagawa. Hindi ito maikakaila! Ang Panginoong Jesus ay ang Diyos na nasa katawang-tao; ang Makapangyarihang Diyos ay ang pagbabalik ng Panginoong Jesus. Siya rin ang Diyos na nagkatawang-tao, ang sagisag ng katotohanan. Kaya, mula nang dumating ang Makapangyarihang Diyos, pinatotohanan na rin Niya na Siya Mismo ang katotohanan, ang daan, at ang buhay at ipinahayag ang lahat ng katotohanan para linisin at iligtas ang sangkatauhan, ipinagkakaloob sa tao ang daan tungo sa buhay na walang hanggan. Bakit pinatotohanan ng Diyos ang Kanyang Sarili bilang ang katotohanan, ang daan at ang buhay sa dalawa Niyang pagkakatawang-tao? Dahil banal ang diwa ni Cristo. Sa madaling salita, ang Diyos Mismo ang daan tungo sa buhay na walang hanggan—ang Diyos Mismo ang buhay na walang hanggan. Dahil dito, naipapahayag ng Diyos na nagkatawang-tao ang katotohanan, at naipagkakaloob Niya sa tao ang daan tungo sa buhay na walang hanggan at nagagawa ang sariling gawain ng Diyos sa iba’t ibang kapanahunan. Ang gawain ng pagliligtas ng Diyos sa sangkatauhan ay nahahati sa mga yugto. Hindi ito isang bagay na maaaring kumpletuhin sa isang yugto lamang ng gawain ng pagtubos. Matapos kumpletuhin ng Diyos ang Kanyang gawain ng pagtubos, kailangan pa Niyang isagawa ang Kanyang gawain ng paghatol, paglilinis at lubos na pagliligtas sa sangkatauhan sa mga huling araw. Kaya nga nangako ang Panginoong Jesus na babalik Siya, na nagpapatunay na hinding-hindi tumitigil sa pagsulong ang gawain ng Diyos, na imposibleng tumigil ito sa Kapanahunan ng Kautusan o sa Kapanahunan ng Biyaya. Ang pagliligtas ng Diyos sa sangkatauhan ay binubuo ng tatlong yugto ng gawain, ibig sabihin, ang gawain sa Kapanahunan ng Kautusan, Kapanahunan ng Biyaya at Kapanahunan ng Kaharian. Ang panahon mula Kapanahunan ng Kautusan hanggang Kapanahunan ng Biyaya ay tumagal nang mga 2,000 taon, at ang panahon mula Kapanahunan ng Biyaya hanggang Kapanahunan ng Kaharian ay tumagal nang mga dalawa pang milenyo. Lahat ng gawain ng paghatol na nagsisimula sa bahay ng Diyos at isinagawa ng nagbalik na Panginoong Jesus ay ang gawain ng lubos na paglilinis at pagliligtas sa sangkatauhan; iyon din ang gawain ng paghahatid ng wakas sa isang panahon ng kadiliman at kasamaan at pagsisimula ng Kapanahunan ng Kaharian. Ang plano ng pamamahala ng Diyos para sa kaligtasan ng sangkatauhan ay isasakatuparan sa pamamagitan ng Kanyang gawain ng paghatol sa mga huling araw, at dadalhin ang sangkatauhan sa isang magandang hantungan. Kaya, dahil ganito ang ibinubunga ng gawain ng Diyos sa mga huling araw, hindi mo ba masasabi na lahat ng katotohanang ipinahayag sa gawain ng Diyos sa mga huling araw ay ang daan tungo sa buhay na walang hanggan na ipinagkakaloob ng Diyos sa sangkatauhan? Kung maraming tao na nilulupig ng mga katotohanang ipinahayag ng Diyos sa mga huling araw, na nalilinis, nagagawang perpekto, nagtatamo ng kaalaman tungkol sa Diyos, nagbabago ang disposisyon sa buhay, at isinasabuhay ang wangis ng isang tunay na tao, kung gayon talaga bang ang pamumuhay na natamo nila ay ang daan tungo sa buhay na walang hanggan? Kung talagang ito ang daan tungo sa buhay na walang hanggan, siguradong ito ang katotohanan na maaaring linisin, iligtas, at gawing perpekto ang tao, at siguradong matutulutan nito ang mga tao na magkamit ng kaalaman tungkol sa Diyos, sumunod sa Kanya, at sumamba sa Kanya. Sigurado iyan. Kung mayroon tayong tunay na pagkaunawa sa puntong ito at titingnan nating muli ang lahat ng katotohanang ipinahayag ng Makapangyarihang Diyos, malalaman natin kung ano ang daan tungo sa buhay na walang hanggan.

Sa dalawang beses na naging tao ang Diyos nagawa Niyang ipagkaloob sa sangkatauhan ang katotohanan, ang daan, at ang buhay, ngunit ang ginawa lamang ng Panginoong Jesus ay ang gawain ng pagtubos. Ang Makapangyarihang Diyos ng mga huling araw lamang ang gumagawa ng gawain ng paghatol at paglilinis, at sa pamamagitan lamang ng Kanyang gawain makakamit ang kalalabasan ng lubos na paglilinis at pagliligtas sa sangkatauhan. Sa puntong ito ng pagbabahagi marahil ay itatanong ng ilang tao: “Nang pumarito ang Panginoong Jesus para isagawa ang Kanyang gawain, bakit hindi Niya napigilang ihayag ang gawaing isasagawa at ang mga katotohanang ipapahayag ng Diyos sa mga huling araw? Hindi kaya dahil hindi nagawang hatulan at kastiguhin ng Panginoong Jesus ang sangkatauhan? Hindi kaya dahil hindi naipagkaloob sa atin ng Panginoong Jesus ang katotohanan at ang buhay? Hindi ba natin matatamo ang buhay na walang hanggan sa pamamagitan ng salita ng Panginoong Jesus?” Siguradong maraming tao ang hindi sapat ang pagkaunawa sa mga tanong na ito, ngunit kailangan nating maunawaan na bawat yugto ng gawain ng Diyos ay may sariling diwa at nilalaman, at bawat yugto ng Kanyang gawain ay magkakamit ng isang tiyak na kalalabasan. Kaya, lahat ng katotohanang ipinahayag sa bawat yugto ng gawain ng Diyos at lahat ng salitang sinasabi Niya ay makabuluhan at may sariling layunin; nagsisilbing lahat ito para makamit ang isang kalalabasan. Lahat ng salitang ipinahayag sa bawat yugto ng gawain ng Diyos ay nakatuon sa lahat ng Kanyang gawain at binibigkas para makamit ang hinahangad na mga kalalabasan. Hindi kailanman magsasabi ang Diyos ng anumang bagay na walang kaugnayan sa Kanyang gawain—ito ang prinsipyo ng Kanyang gawain at Kanyang salita. Lahat ng gawaing ginawa ng Panginoong Jesus ay gawain ng pagtubos, hindi gawain ng paghatol ng Diyos sa mga huling araw. Kaya, lahat ng katotohanang ipinahayag ng Panginoong Jesus ay nakatuon sa Kanyang gawain ng pagtubos at naiiba sa lahat ng katotohanang ipinahayag ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw para sa linisin, iligtas at gawing perpekto ang tao. Kaya nga lahat lamang ng katotohanang ipinahayag ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw ang matatawag na daan tungo sa buhay na walang hanggan na maaaring linisin, iligtas at gawing perpekto ang tao, samantalang lahat ng katotohanang ipinahayag ng Panginoong Jesus ay mga katotohanan lamang na tumutubos sa sangkatauhan. Ang ipinahayag Niya ay wala nang iba kundi ang daan tungo sa pagsisisi para sa sangkatauhan dahil ang gawain ng Diyos ay may plano, at may mga hakbang. Anumang gawain ang kailangang gawin ng Diyos sa bawat panahon ay nakaplano na—hindi maaaring magbago ang Kanyang plano, at hindi Niya guguluhin ang sarili Niyang plano sa pamamagitan ng Kanyang gawain. Tulad noong Kapanahunan ng Kautusan, naglabas lamang ng kautusan ang Diyos na si Jehova para gabayan ang buhay ng sangkatauhan sa lupa alinsunod sa mga pangangailangan ng tao at sa Kanyang sariling plano ng gawain. Ginagawa lamang Niya ang gawain ng paggabay sa buhay ng sangkatauhan sa lupa. Pagkatapos ay dumating ang Panginoong Jesus, pinasimulan ang Kapanahunan ng Biyaya, at ipinahayag Niya ang daan tungo sa pagsisisi, “Mangagsisi kayo; sapagka’t malapit na ang kaharian ng langit,” at ginawa ang gawain ng pagtubos sa sangkatauhan sa pamamagitan ng pagkakapako Niya sa krus. At sa mga huling araw dumating na ang Makapangyarihang Diyos, na nagpapahayag ng lahat ng katotohanan para linisin at iligtas ang sangkatauhan. Isinasagawa Niya ang gawain ng paghatol simula sa bahay ng Diyos, at tinatapos ang nagdaang kapanahunan at pinasisimulan ang Kapanahunan ng Kaharian. Dahil dito ay nakikita natin na anumang gawain ang isinasagawa ng Diyos sa alinmang kapanahunan, alinmang mga katotohanan ang kailangan Niyang ipahayag, nakaplano at may prinsipyo ang lahat ng iyon. Ang gawain ng Diyos ay organisado at sumusulong sa paisa-isang hakbang, na bawat hakbang ay nagpupuno sa isa’t isa. Bawat yugto ng gawain ng Diyos ay base sa mga pangangailangan ng sangkatauhan, sa tunay na tayog ng sangkatauhan, at sa mga pagsasaayos na itinalaga ng Diyos noon pa man. Noong ginagawa ng Panginoong Jesus ang Kanyang gawain ng pagtubos, walang alam ang tao tungkol sa Diyos o sa gawain ng Diyos; nakilala lamang ng mga tao na nilikha ng Diyos ang kalangitan at ang lupa at lahat ng bagay at ang tanging alam nila ay sundin ang mga batas at kautusan ng Diyos. Kaya, nang isagawa ng Panginoong Jesus ang Kanyang gawain ng pagtubos sa sangkatauhan sa Kapanahunan ng Biyaya, ipinahayag lamang Niya ang daan tungo sa pagsisisi, “Mangagsisi kayo; sapagka’t malapit na ang kaharian ng langit,” para magawa ng tao na humarap sa Diyos, ikumpisal ang kanyang mga kasalanan, at magsisi, at aminin sa Diyos ang lahat ng kasalanang nagawa niya para hilingin sa Diyos na patawarin siya at iligtas. Gayundin para makapagdasal siya at makapagpasalamat sa Diyos at purihin niya ang Diyos, at matamasa niya ang lahat ng biyaya ng Diyos. Ito ang mga kinalabasang nakamtan na sa pamamagitan ng gawain ng pagtubos ng Diyos. Pagkaraan ng maraming taon ng pagsampalataya, may ilang tao na nagagawang kilalanin na lahat ng kasalanang nagawa nila ay napatawad na ng Diyos, ngunit naroon pa rin ang kanilang tunay na likas na pagiging makasalanan tulad ng dati, at nakatanim nang malalim hanggang sa nakokontrol pa rin sila ng kanilang likas na pagiging makasalanan, madalas na nagkakasala at lumalaban sa Diyos. Hindi pa sila nakakahulagpos sa mga gapos ng kasalanan at nagiging dalisay. Ito ay isang bagay na tinatanggap ng lahat na totoo. Kaya, para sa mga nananalig na tulad natin na napatawad na mula sa ating mga kasalanan, tunay bang natanggap na natin ang daan tungo sa buhay na walang hanggan? Ang pagpapatawad ba sa ating mga kasalanan ay nangangahulugan na napadalisay na tayo? Nangangahulugan ba ito na talagang nagtamo na tayo ng kaligtasan at nakatanggap ng papuri ng Diyos? Kung hindi makakamtan ang mga kinalabasang ito, paano natin masasabi na natanggap na natin ang daan tungo sa buhay na walang hanggan sa pamamagitan ng ating pananampalataya sa Panginoon? Mayroon bang nangangahas na sabihin ito? Ang gawaing isinagawa ng Panginoong Jesus ay ang pagtubos, at ang ipinangaral Niya ay ang daan tungo sa pagsisisi. Malinaw na ang Kanyang gawain ay para ihanda ang daan para sa gawain ng paghatol sa mga huling araw. Kaya, sa pagtanggap sa Panginoong Jesus napatawad lamang tayo sa ating mga kasalanan; hindi pa tayo tunay na nagtatamo ng buhay na walang hanggan. Kung nagagawa nating tanggapin ang gawain ng paghatol sa mga huling araw na isinagawa ng nagbalik na Panginoong Jesus, malilinis tayo at pupurihin ng Diyos, at saka lamang tayo tunay na magiging mga tao na nakapagtamo ng buhay na walang hanggan. Sa pagsampalataya natin sa Panginoong Jesus, pinatatawad lamang tayo sa ating mga kasalanan at nagiging marapat tayong manalangin sa Diyos at magtamasa ng Kanyang biyaya. Mga kinalabasan lamang ito na nakamtan sa pamamagitan ng gawain ng pagtubos ng Panginoong Jesus. Maraming taong hindi pa nakakaunawa sa gawain ng Panginoong Jesus. Pakiramdam nila ay dahil natapos na ng Panginoong Jesus ang Kanyang gawain ng pagtubos at napatawad na sila sa kanilang mga kasalanan dahil sa pananampalataya nila sa Panginoon, ganap nang natapos ang gawain ng pagliligtas ng Diyos. Akala nila, dahil nagawa na ang isang bagay, nagawa na ang lahat. Malaking pagkakamali iyan! Kung totoo iyan, bakit sinabi pa ng Panginoong Jesus na babalik Siya? Maraming taong hindi nakakaalam kung anong gawain ang talagang kailangang gawin ng Panginoong Jesus pagbalik Niya; kawalan ito ng kaalaman tungkol sa gawain ng Diyos. Nakasalalay lamang sila sa mga pagkaunawa at imahinasyon ng tao kapag minamasdan ang gawain ng Panginoong Jesus. Pakiramdam nila ay nagtatamo tayo ng buhay na walang hanggan sa pananalig lamang sa Panginoon, na dahil lamang doon ay makakapasok tayo sa kaharian ng langit. Hindi ba ito ang mga haka-haka at imahinasyon ng tao?

Ngayon ay malamang na alam na ng lahat na sa pamamagitan lamang ng gawaing isinagawa ng nagbalik na Panginoong Jesus sa mga huling araw magtatamo ng buhay na walang hanggan ang tao. Totoo talaga iyan. Kaya bakit ang Cristo lamang ng mga huling araw ang maaaring magkaloob sa tao ng daan tungo sa buhay na walang hanggan? Hindi kaya iyan maipagkaloob ng Panginoong Jesus sa tao? Hindi mo masasabi iyan sa ganyang paraan. Kailangan natin itong malinawan: Ang Panginoong Jesus ang pagkakatawang-tao ng Diyos, Siya Mismo ang katotohanan, ang daan at ang buhay, at nasa Kanya Mismo ang daan tungo sa buhay na walang hanggan. Kaya nga, bakit hindi tayo maaaring magtamo ng buhay na walang hanggan sa pananalig lamang sa Panginoong Jesus? Bakit ang Cristo ng mga huling araw lamang ang makapagbibigay sa tao ng daan tungo sa buhay na walang hanggan? Base ito lalo na sa mga kinalabasang nakamtan sa pamamagitan ng gawain ng Diyos. Alam nating lahat na sa Kapanahunan ng Biyaya, isinagawa lamang ng Panginoong Jesus ang gawain ng pagtubos, kaya, kahit napatawad na tayo sa ating mga kasalanan mula nang manampalataya tayo sa Panginoon, itinutulak pa rin tayo ng ating likas na pagiging makasalanan at madalas tayong magkasala at lumaban sa Diyos kahit ayaw natin. Hindi tayo nakakahulagpos sa mga gapos ng kasalanan at nagiging dalisay, at hindi tayo karapat-dapat na makapasok sa kaharian ng Diyos. Sapat na patunay ito na ang gawain ng Panginoong Jesus na tubusin ang sangkatauhan ay hindi ang gawain upang lubos na linisin at iligtas ang sangkatauhan—ang gawain lamang ng paghatol sa mga huling araw na isinagawa ng nagbalik na Panginoong Jesus ang maaaring maglinis at magligtas sa sangkatauhan. Ito ang dahilan kaya ipinropesiya ng Panginoong Jesus na babalik Siya; tulad ng sinabi ng Panginoong Jesus: “Mayroon pa akong maraming bagay na sa inyo ay sasabihin, nguni’t ngayon ay hindi ninyo mangatitiis. Gayon ma’y kung siya, ang Espiritu ng katotohanan ay dumating, ay papatnubayan niya kayo sa buong katotohanan: sapagka’t hindi siya magsasalita ng mula sa kaniyang sarili; kundi ang anomang bagay na kaniyang marinig, ang mga ito ang kaniyang sasalitain: at kaniyang ipahahayag sa inyo ang mga bagay na magsisidating(Juan 16:12–13). “Ang nagtatakuwil sa akin, at hindi tumatanggap sa aking mga pananalita, ay mayroong isang hahatol sa kaniya: ang salitang aking sinalita, ay siyang sa kaniya’y hahatol sa huling araw(Juan 12:48). Nagkatotoo na ang propesiya ng Panginoong Jesus. Ibig sabihin, ginagawa ng Makapangyarihang Diyos ang gawain ng paghatol simula sa bahay ng Diyos sa mga huling araw, at ipinahayag na Niya ang lahat ng katotohanan para linisin at iligtas ang sangkatauhan. Ang mga katotohanang ito ang daan tungo sa buhay na walang hanggan na ipinagkakaloob ng Diyos sa tao sa mga huling araw. Sa pamamagitan ng paghatol, ginagamit ng Makapangyarihang Diyos ang lahat ng katotohanang ipinapahayag Niya sa sangkatauhan para ang mga ito ang maging buhay ng tao. Hindi ipinapahayag ng Diyos ang isang katotohanan nang walang mabuting layon; tinututukan Niya ang iba’t ibang pagkaunawa at imahinasyon ng tao, tinututukan Niya ang likas na pagkatao at diwa ng tao na suwayin at labanan ang Diyos gayundin ang iba’t ibang satanikong disposisyon ng tao sa Kanyang pagpapahayag ng katotohanan upang hatulan at ilantad ang sangkatauhan. Ang proseso ng pagtanggap ng hinirang na mga tao ng Diyos sa katotohanan ay ang proseso ng pagdanas ng paghatol at pagkastigo at pagtitiis ng mga hirap ng pagpipino, gayundin ang proseso ng paglilinis at pagtatamo ng kaligtasan. Kaya nga maraming katotohanang nauunawaan ang bawat taong dumaranas ng paghatol at pagkastigo ng Diyos sa mga huling araw; talagang alam nila ang sarili nilang tiwaling diwa na lumalaban at nagtataksil sa Diyos, at nauunawaan din nila ang banal na diwa ng Diyos at ang Kanyang matuwid at di-naaagrabyado na disposisyon. Mayroon silang tunay na pagpipitagan at pagsunod sa Diyos, at natanggap na nilang lahat ang katotohanan at buhay mula sa Diyos—nagawa na silang mga mananagumpay ng Diyos. Ang grupong ito ng mga tao ang ipinropesiya sa Aklat ng Pahayag na magiging mga mananagumpay na lalabas mula sa malaking kapighatian. Pahiwatig ito na habang dumaranas ng paghatol at pagkastigo ng Diyos, kailangang magdusa ng maraming hirap ang Kanyang hinirang na mga tao para lubos silang mapadalisay. Simpleng bagay ba iyon? Madali bang tanggapin ang katotohanan bilang kanilang buhay? Kailangan nilang magtiis ng maraming hirap, at lahat ng hirap na ito ay pagdaraan sa paghatol at pagkastigo ng Diyos; pinagdurusahan ang lahat ng ito para matanggap ang katotohanan bilang kanilang buhay. Maaaring tawagin ang lahat ng ito na mga karanasan na nasa bingit ng kamatayan, o parang pagdaraan sa ganap na pagbabago. Kapag nalagpasan ng mga taong ito ang malaking kapighatian at naging mga mananagumpay, ano ba talaga ang magiging buhay nila? Iyon ang magiging daan tungo sa buhay na walang hanggan na hatid ng lahat ng gawain ng paghatol ng Cristo ng mga huling araw.

Sa Kapanahunan ng Biyaya isinagawa ng Panginoong Jesus ang gawain ng pagtubos, na nagbigay lamang sa mga tao ng landas na ito: “Mangagsisi kayo; sapagka’t malapit na ang kaharian ng langit.” Naparito na ang Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw, at naipahayag na ang lahat ng katotohanan para linisin at iligtas ang sangkatauhan sa pundasyon ng gawain ng pagtubos na isinagawa ng Panginoong Jesus. Lubos Niyang inililigtas ang tiwaling lahi ng mga tao mula sa impluwensya ni Satanas para maging malaya sila mula sa kanilang mga kasalanan, mula sa kanilang karumihan at katiwalian, at makabalik sa kanilang orihinal na kawangis ng tao. Tutulutan nito ang sangkatauhan na mabuhay sa piling ng Diyos, kung saan sila maaaring maging mga taong sumusunod at sumasamba sa Diyos, na nagwawakas sa plano ng pamamahala ng Diyos para iligtas ang sangkatauhan. Kaya, sa pagtanggap lamang ng gawain ng paghatol ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw na tayo ay malilinis at maliligtas, at makakapasok sa kaharian ng langit. Sa puntong ito ng pagbabahagi, dapat ay alam na ng lahat kung bakit tanging ang Cristo ng mga huling araw ang nakakapagkaloob sa tao ng daan tungo sa buhay na walang hanggan.

—mula sa Mga Sagot sa mga Tanong sa Screenplay

Ang Panginoong Jesus ay Diyos na naging tao, ang pagpapakita ng Diyos. Sabi ng Panginoong Jesus: “At ang sinomang nabubuhay at sumasampalataya sa akin ay hindi mamamatay magpakailan man(Juan 11:26). “Ang tubig na sa kaniya’y aking ibibigay ay magiging isang balon ng tubig na bubukal sa kabuhayang walang hanggan(Juan 4:14). Sabi sa Biblia, “Ang sumasampalataya sa Anak ay may buhay na walang hanggan(Juan 3:36). Ang mga salitang ito ay pawang katotohanan, lahat ng ito ay totoo! Dahil ang Panginoong Jesus ay ang Diyos na naging tao, Siya ay may diwa at pagkakakilanlan ng Diyos. Siya Mismo ang daan tungo sa buhay na walang hanggan. Lahat ng sinasabi at ginagawa Niya ay likas na pagpapakita ng buhay ng Diyos. Lahat ng Kanyang ipinapahayag ay katotohanan at kung ano ang mayroon at kung ano ang Diyos. Kaya ang Panginoong Jesus ang Mismong buhay na walang hanggan, at maaaring magpakita ng daan tungo sa buhay na walang hanggan. Maaari Niyang buhayin ang patay. Sa pananalig sa Panginoong Jesus, naniniwala kami sa iisang tunay na Diyos, at sa gayon ay maaaring makatanggap ng buhay na walang hanggan. Walang duda ito. Ang pagbuhay ng Panginoong Jesus kay Lazaro ay magandang katibayan na maaaring ipakita sa atin ng Panginoong Jesus ang daan tungo sa buhay na walang hanggan, May awtoridad Siyang gawin iyon. Kung gayon, bakit hindi ipinakita ng Panginoong Jesus ang daan tungo sa buhay na walang hanggan noong Kapanahunan ng Biyaya? Kasi, naparito ang Panginoong Jesus upang ipako sa krus para tubusin ang sangkatauhan, hindi para magpadalisay at magligtas na tulad sa mga huling araw. Ang gawain ng pagtubos ng Panginoong Jesus ay para lamang sa pagpapatawad sa mga kasalanan ng tao, hindi nito napalis ang likas na kasamaan at masamang disposisyon ng tao. Kaya, sa pananalig sa Panginoon, napatawad tayo sa ating mga kasalanan, pero hindi nito nalinis ang ating masamang disposisyon. Nagkakasala pa rin tayo kahit hindi natin sinasadya, kinakalaban at ipinagkakanulo natin ang Diyos. Matapos patunayan ang lahat ng ito, kailangan nating linawin ang isang bagay. Ang gawain ng pagtubos ng Panginoong Jesus noong Kapanahunan ng Biyaya ay nagbigay-daan sa gawain ng paghatol sa mga huling araw, kaya, nang makumpleto ng Panginoong Jesus ang gawain ng pagtubos, nangako rin Siya na paparito Siyang muli. Minsan ay sinabi ng Panginoong Jesus, “Mayroon pa akong maraming bagay na sa inyo ay sasabihin, nguni’t ngayon ay hindi ninyo mangatitiis. Gayon ma’y kung siya, ang Espiritu ng katotohanan ay dumating, ay papatnubayan niya kayo sa buong katotohanan: sapagka’t hindi siya magsasalita ng mula sa kaniyang sarili; kundi ang anomang bagay na kaniyang marinig, ang mga ito ang kaniyang sasalitain: at kaniyang ipahahayag sa inyo ang mga bagay na magsisidating(Juan 16:12–13). Mula sa mga salita ng Panginoong Jesus makikita natin na kapag pumarito lamang muli ang Panginoon sa mga huling araw Niya ipapahayag ang lahat ng katotohanan na nagpapadalisay at nagliligtas sa tao. Dito, “Ang Espiritu ng katotohanan ay dumating, ay papatnubayan niya kayo sa buong katotohanan.” Ang mga katotohanang ito ang mismong mga katotohanang ipinapahayag ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw sa pagpapadalisay at pagliligtas sa sangkatauhan. Ito ang mga salitang sinasabi ng Banal na Espiritu sa mga iglesia, at ang mga ito ang daan tungo sa buhay na walang hanggan na ipinagkaloob ng Diyos sa sangkatauhan sa mga huling araw. Ito ang dahilan kaya hindi nakita ng mga alagad ng Panginoon ang daan tungo sa buhay na walang hanggan sa Kapanahunan ng Biyaya. Sabi ng Panginoong Jesus, “At ang sinomang nabubuhay at sumasampalataya sa akin ay hindi mamamatay magpakailan man.” At sinasabi rin sa Biblia, “Ang sumasampalataya sa Anak ay may buhay na walang hanggan.” Ang totoo, sinabi ito ng Panginoon upang magpatotoo sa katotohanan na Siya Mismo ang pagpapakita ng Diyos. At Siya lamang ang maaaring magkaloob sa tao ng buhay na walang hanggan. Ang pangako ng Panginoong Jesus na yaong mga nananalig sa Kanya ay hindi mamamatay kailanman ay isang patotoo sa awtoridad ng Diyos. Ang Diyos Mismo ang daan tungo sa buhay na walang hanggan, ang Diyos ay may kakayahang magkaloob sa tao ng buhay na walang hanggan. Hindi nito ibig sabihin na natanggap na ng tao ang buhay na walang hanggan nang tanggapin niya ang gawain ng Panginoong Jesus. Tiwala ako na nauunawaan ito ng lahat. Ngunit sa grupo ng mga relihiyoso, maraming taong naniniwala na basta’t pinatawad na ang kanilang mga kasalanan, makakapasok ang mga tao sa kaharian ng langit at magkakamit ng buhay na walang hanggan. May batayan ba ang pananaw na ito sa salita ng Diyos? Walang sinabing ganyan ang Panginoong Jesus kahit kailan. Pag-isipan natin ito: Ayon sa ating imahinasyon at pagkaintindi, basta’t pinatawad na ang ating mga kasalanan, makakapasok tayo sa kaharian ng langit at magkakamit ng buhay na walang hanggan, pero bakit nagpropesiya ang Panginoong Jesus nang maraming beses na paparito Siyang muli? At bakit Siya nagkuwento sa Kanyang mga disipulo ng napakaraming propesiya at talinghaga? Ang mga propesiya at talinghagang iyon ay mga bagay na Kanyang isasakatuparan kapag muli Siyang pumarito. Posible bang manalig ang mga tao sa Panginoon nang maraming taon pero hindi pa rin nila nalilinawan ang mga bagay na ito? Kung tatanggapin lang ng mga tao ang Panginoon pero hindi nila tatanggapin ang Kanyang pagbabalik, anong klaseng problema ito? Hindi ba ito pagkakanulo sa Panginoon? Hindi nakapagtataka na sinabi ng Panginoong Jesus: “Hindi ang bawa’t nagsasabi sa akin, Panginoon, Panginoon, ay papasok sa kaharian ng langit; kundi ang gumaganap ng kalooban ng aking Ama na nasa langit. Marami ang mangagsasabi sa akin sa araw na yaon, Panginoon, Panginoon, hindi baga nagsipanghula kami sa iyong pangalan, at sa pangalan mo’y nangagpalayas kami ng mga demonio, at sa pangalan mo’y nagsigawa kami ng maraming gawang makapangyarihan? At kung magkagayo’y ipahahayag ko sa kanila, Kailan ma’y hindi ko kayo nangakilala: magsilayo kayo sa akin, kayong manggagawa ng katampalasanan(Mateo 7:21–23). Ang mga salita ng Panginoon ay ganap na ngayong nagkatotoo. Kung tatanggapin lang ng isang tao ang Panginoong Jesus pero hindi ang Kanyang pagbabalik, tunay bang nananalig ang taong ito sa Anak? Ito ay isang taong nagkakanulo sa Panginoon! Ang tunay na mga nananampalataya sa Anak ay tumutukoy sa mga taong hindi lamang nananalig sa Panginoon kundi tinatanggap din ang Kanyang pagbabalik, na sumusunod kay Cristo hanggang wakas. Ganitong uri lang ng tao ang maaaring magkamit ng buhay na walang hanggan. Ngunit yaong mga nananalig lamang sa Panginoong Jesus pero hindi tinatanggap ang Makapangyarihang Diyos ay puro mga taong nagkakanulo sa Panginoong Jesus. Nananalig sila sa Panginoon pero dahil hindi nila sinusunod ang Diyos hanggang wakas, ang kanilang pananalig ay puro walang kabuluhan—nalalaglag sila sa tabing daan. Tinutukoy sila ng Panginoong Jesus na masasamang tao dahil kinikilala lamang nila ang Kanyang pangalan pero hindi tinatanggap ang Kanyang pagbabalik. At sinabi niya: “Kailan ma’y hindi ko kayo nangakilala: magsilayo kayo sa akin, kayong manggagawa ng katampalasanan.” Kaya sabihin ninyo sa akin, ang mga taong hinusgahan nang gayon at pinalayas ng Panginoon, yaong mga naniniwala lamang sa Kanyang pangalan, magkakamit ba sila ng buhay na walang hanggan? Tiyak na wala silang mapapala. Bukod pa roon, babagsak sila sa impiyerno at parurusahan! Lubos na inihahayag nito ang matuwid at banal na disposisyon ng Diyos.

Sa kabila ng katotohanan na nang tanggapin ng tao ang pagtubos ng Panginoong Jesus noong Kapanahunan ng Biyaya, pinatawad ang kanilang mga kasalanan at binigyan sila ng karapatang manalangin sa Diyos at tamasahin ang Kanyang biyaya at mga pagpapala, hindi maikakaila sa panahong ito, napipigilan pa rin ang mga tao ng kanilang makasalanang kalikasan, namumuhay pa rin sila sa kasalanan, lubos silang walang kakayahang isagawa ang salita ng Panginoon at hindi nila talaga iginagalang at sinusunod ang Diyos. Sa panahong ito, ang tao ay madalas pa ring magsinungaling at manlinlang sa Diyos, naghahanap sila ng katanyagan at mabuting kapalaran, matakaw sila sa pera at sumusunod sila sa kalakaran ng mundo. Lalo na kapag ang gawain ng Diyos ay hindi nakaayon sa mga pagkaunawa ng tao, sinisisi, hinuhusgahan at kinakalaban pa ng tao ang Diyos. Ang ganitong mga tao ay hindi man lang tunay na makapagsisi, kaya maaari bang tamuhin ng gayong mga tao ang pagsang-ayon ng Panginoon? Kahit maraming taong nakakasunod, nakakapagpatotoo, nagsasakripisyo pa ng kanilang buhay para sa Panginoon, at tunay na nakapagsisi, ang totoo, nadalisay ba ang kanilang mga tiwaling disposisyon? Talaga bang kilala nila ang Panginoon? Naalis na ba talaga nila sa kanilang sarili ang impluwensya ni Satanas at nakamtan na sila ng Diyos? Talagang hindi, ito ay isang katotohanan na tanggap ng lahat. Sapat na ito upang patunayan na ang gawain ng Panginoong Jesus noong Kapanahunan ng Biyaya ay isang gawain lamang ng pagtubos. Talagang hindi ito ang gawain ng pagliligtas at pagpapasakdal sa mga huling araw. Ang mga salitang ipinahayag ng Panginoong Jesus noong Kapanahunan ng Biyaya ay nagbigay lamang sa mga tao ng daan tungo sa pagsisisi, hindi ng daan tungo sa buhay na walang hanggan, kaya ito ang dahilan kung bakit sinabi ng Panginoong Jesus na paparito Siyang muli. Nagbalik ang Panginoong Jesus upang gawin ang gawaing magpahayag ng katotohanan at magbigay sa tao ng daan tungo sa buhay na walang hanggan, upang tuluyan silang makaalpas sa impluwensya ni Satanas at mamuhay sa katotohanan upang maging mga tao na kilala ang Diyos, sumusunod sa Diyos, iginagalang ang Diyos at nagiging kaayon ng Diyos, upang makapasok sila sa kaharian ng langit at makamtan nila ang buhay na walang hanggan. Sa pundasyon ng gawain ng pagtubos ng Panginoong Jesus, ang Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw ay sinimulan ang gawain ng paghatol simula sa tahanan ng Diyos at ipinahayag na ang lahat ng katotohanan upang dalisayin at iligtas ang sangkatauhan. Inihayag na Niya sa sangkatauhan ang matuwid, maringal, at di-naaagrabyadong disposisyon ng Diyos, hinatulan at inilantad ang diwa at katotohanan ng katiwaliang ginawa ni Satanas sa tao. Nahalukay Niya ang ugat ng paghihimagsik at pagkalaban ng tao sa Diyos, at sinabi sa tao ang lahat ng layon at hinihingi ng Diyos. Kasabay nito, malinaw Niyang ipinaliwanag sa sangkatauhan ang lahat ng katotohanang kailangan ng tao para maligtas, tulad ng tunay na pangyayari at diwa ng lahat ng tatlong yugto ng gawain ng pagliligtas ng Diyos pati na rin ang relasyon sa pagitan ng tatlong yugto, ang pagkakaiba ng gawain ng Diyos sa gawain ng tao, ang tunay na pangyayari at ang katotohanang nakapaloob sa Biblia, ang misteryo ng paghatol sa mga huling araw, ang misteryo ng matatalinong birhen na dinala at ang pagpapasakdal sa mga tao hanggang maging mananagumpay sila sa harap ng mga sakuna, ang misteryo ng Diyos na naging tao, at ang ibig sabihin ng tunay na manalig, sumunod at magmahal sa Diyos, paano magpitagan sa Diyos at layuan ang kasamaan upang maging kaayon ni Cristo, paano isabuhay nang makabuluhan ang buhay, at iba pa. Ang mga katotohanang ito ang daan tungo sa buhay na walang hanggan na ipinagkaloob ng Diyos sa sangkatauhan sa mga huling araw. Kaya, kung nais nating makamtan ang katotohanan at ang buhay, matamo ang kaligtasan at pagdadalisay, at maging perpekto, kailangan nating tanggapin at sundin ang mga salita at gawain ng Makapangyarihang Diyos, si Cristo sa mga huling araw. Ito lang ang paraan upang makamtan natin ang katotohanan at buhay.

Basahin natin ang ilan sa mga talata ng salita ng Makapangyarihang Diyos: “Ang Diyos Mismo ay ang buhay, at ang katotohanan, at ang Kanyang buhay at katotohanan ay sabay na umiiral. Silang mga walang kakayahang makamtan ang katotohanan ay di-kailanman makakamtan ang buhay. Kung wala ang patnubay, tulong, at pagtustos ng katotohanan, ang makakamtan mo lang ay mga titik, mga doktrina, at, bukod diyan, kamatayan. Ang buhay ng Diyos ay laging naririyan, at ang Kanyang katotohanan at buhay ay umiiral nang sabay. Kung hindi mo mahahanap ang pinagmulan ng katotohanan, sa gayon hindi mo makakamtan ang pagkain ng buhay; kung hindi mo makakamtan ang panustos ng buhay, sa gayon tiyak na hindi ka talagang magkakaroon ng katotohanan, at sa gayon bukod sa mga imahinasyon at mga pagkaintindi, ang kabuuan ng iyong katawan ay magiging walang iba kundi laman lang, ang iyong umaalingasaw na laman. Alamin mo na ang mga salita ng mga aklat ay hindi itinuturing na buhay, ang mga talaan ng kasaysayan ay hindi maaaring ipagdiwang na katotohanan, at ang mga doktrina ng mga nakalipas na panahon ay hindi maaaring magsilbing paglalarawan ng sinambit ng Diyos sa kasalukuyan. Ang tanging mga inihahayag ng Diyos kapag Siya ay pumaparito sa lupa at namumuhay kasama ng mga tao ay ang katotohanan, ang buhay, ang kalooban ng Diyos, at ang Kanyang kasalukuyang paraan ng paggawa. Kapag iyong ginamit ang mga itinalang mga salita na binigkas ng Diyos noong mga sinaunang panahon hanggang sa ngayon, sa gayon isa kang arkeologo, at ang pinakamainam na itawag sa iyo ay isang dalubhasa sa mga minanang kasaysayan. Iyon ay dahil lagi kang naniniwala sa mga bakas ng mga gawain ng Diyos noong unang panahon, pinaniniwalaan lang ang aninong iniwan ng Diyos noong dati Siyang gumawa kasama ng mga tao, at pinaniniwalaan lang ang mga paraan na ibinigay ng Diyos sa Kanyang mga tagasunod noong lumipas na panahon. Hindi ka naniniwala sa direksiyon ng gawain ng Diyos ngayon, hindi naniniwala sa maluwalhating anyo ng Diyos ngayon, at hindi naniniwala sa daan ng katotohanan na inihayag ng Diyos ngayon. Sa gayon hindi maipagkakaila na isa kang nangangarap nang gising na lubos na malayo sa realidad. Kung ngayon ay nananatili ka pang nakakapit sa mga salitang walang kakayahang magbigay buhay sa tao, sa gayon tulad ka ng isang walang silbing piraso ng patay na kahoy,[a] dahil ikaw ay masyadong makaluma, masyadong suwail, masyadong hindi naaapektuhan ng pangangatuwiran!(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Tanging si Cristo ng mga Huling Araw ang Makapagbibigay sa Tao ng Daan ng Buhay na Walang Hanggan).

Ang Cristo ng mga huling araw ay naghahatid ng buhay, at naghahatid ng walang maliw at magpakailanmang daan ng katotohanan. Ang katotohanang ito ay ang landas kung saan makakamit ng tao ang buhay, at ang tanging landas kung saan makikilala ng tao ang Diyos at masasang-ayunan ng Diyos. Kung hindi mo hahanapin ang daan ng buhay na ibinigay ni Cristo ng mga huling araw, sa gayon, hindi mo kailanman makukuha ang pagsang-ayon ni Jesus, at hindi kailanman magiging karapat-dapat pumasok sa pintuan ng kaharian ng langit, sapagka’t ikaw ay kapwa sunud-sunuran at bilanggo ng kasaysayan. Silang mga kontrolado ng mga tuntunin, ng mga titik, at nakagapos sa kasaysayan ay hindi kailanman makakamtan ang buhay, at hindi kailanman makakamtan ang walang hanggang daan ng buhay. Iyan ay dahil ang mayroon lang sila ay malabong tubig na di-umagos nang libu-libong mga taon, sa halip na ang tubig ng buhay na dumadaloy mula sa luklukan. Silang mga hindi nabigyan ng tubig ng buhay ay mananatiling mga bangkay magpakailanman, mga laruan ni Satanas, at mga anak ng impiyerno. Kung gayon, paano nila makikita ang Diyos? Kung sinusubukan mo lang na panghawakan ang nakaraan, sinusubukan lang na panatilihin ang mga bagay na walang pagbabago, at hindi sinusubukang baguhin ang nakasanayan at itapon ang kasaysayan, sa gayon hindi ka ba magiging laging salungat sa Diyos? Ang mga hakbang sa gawain ng Diyos ay malawak at makapangyarihan, tulad ng rumaragasang mga alon ng dagat at dumadagundong na mga kulog—nguni’t nakaupo at walang imik kang naghihintay ng pagkawasak, nananatili sa iyong kahangalan at walang ginagawa. Sa ganitong paraan, paano ka maituturing na isang tao na sumusunod sa mga yapak ng Cordero? Paano mo mapatutunayan na ang Diyos na kinakapitan mo ay isang Diyos na laging bago at hindi kailanman luma? At paano ka maihahatid ng mga salita sa iyong nanilaw na mga libro patawid sa panibagong kapanahunan? Paano ka papatnubayan ng mga ito sa iyong paghahanap ng mga hakbang sa gawain ng Diyos? At paano ka madadala ng mga ito paakyat sa langit? Ang hawak mo sa iyong mga kamay ay ang mga titik na magbibigay ng panandaliang ginhawa lang, hindi ang mga katotohanan na kayang magbigay ng buhay. Ang mga kasulatan na iyong nababasa ay ang mga makakapagpayaman lang ng iyong dila, hindi mga salita ng karunungan na makatutulong sa pag-unawa mo sa buhay ng tao, lalong hindi ang mga daan na makapaghahatid sa iyo sa pagkaperpekto. Ang pagkakaiba bang ito ay hindi nagdudulot sa iyo ng pagbubulay-bulay? Hindi ba nito naipapaunawa sa iyo ang mga hiwaga na sumasaloob dito? May kakayahan ka ba na dalhin ang iyong sarili sa langit upang makipagkita sa Diyos nang ikaw lang? Kung hindi dumating ang Diyos, kaya mo bang dalhin ang sarili mo sa langit upang matamasa ang kasayahan ng pamilyang kasama ang Diyos? Nananaginip ka pa rin ba ngayon? Imumungkahi Ko, sa gayon, na ihinto mo ang pananaginip, at tingnan kung sino ang gumagawa ngayon, at kung sino ang tumutupad sa gawain ng pagliligtas sa tao sa mga huling araw. Kung hindi mo gagawin, hindi mo kailanman makakamtan ang katotohanan, at hindi kailanman makakamtan ang buhay(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Tanging si Cristo ng mga Huling Araw ang Makapagbibigay sa Tao ng Daan ng Buhay na Walang Hanggan).

Silang mga nagnanais na makamtan ang buhay nang hindi umaasa sa katotohanan na sinambit ni Cristo ay ang mga pinakahibang na tao sa mundo, at silang mga hindi tumatanggap ng daan ng buhay na inihatid ni Cristo ay mga ligaw sa guni-guni. At sa gayon sinasabi Ko na ang mga tao na hindi tumatanggap sa Cristo ng mga huling araw ay magpakailanmang kamumuhian ng Diyos. Si Cristo ay ang daanan ng tao patungo sa kaharian sa mga huling araw, na walang sinuman ang makakalampas. Walang sinuman ang maaaring gawing perpekto ng Diyos kundi sa pamamagitan ni Cristo lang. Naniniwala ka sa Diyos, at sa gayon dapat mong tanggapin ang Kanyang mga salita at sumunod sa Kanyang paraan. Hindi mo dapat isipin lang ang pagtanggap ng mga pagpapala nang hindi tumatanggap ng katotohanan, o tinatanggap ang tustos ng buhay. Dumarating si Cristo sa mga huling araw upang lahat ng tunay na naniniwala sa Kanya ay maaaring mabigyan ng buhay. Ang Kanyang gawain ay para sa pagtatapos ng lumang kapanahunan at ang pagpasok sa isang bago, at ito ang landas na dapat tahakin ng lahat ng papasok sa bagong kapanahunan. Kapag wala kang kakayahang kilalanin Siya, at bagkus ay isinusumpa, nilalapastangan, o inuusig pa Siya, kung gayon nakatakda kang masunog magpakailanman, at hindi kailanman makakapasok sa kaharian ng Diyos(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Tanging si Cristo ng mga Huling Araw ang Makapagbibigay sa Tao ng Daan ng Buhay na Walang Hanggan).

Ipinahayag na ng Makapangyarihang Diyos, ang Cristo ng mga huling araw, ang lahat ng katotohanang magpapadalisay at magliligtas sa sangkatauhan. Ang mga salitang ito ay sagana at malawak ang saklaw, at naroon ang lahat ng kabuhayang ibinibigay ng Diyos. Iminumulat nito ang ating mga mata at pinagyayaman ang ating kaalaman, na nagpapahintulot sa atin na makita na si Cristo ang katotohanan, ang daan, at ang buhay. Si Cristo ang daan tungo sa buhay na walang hanggan. Ang mga salitang ipinahayag ng Diyos sa Kapanahunan ng Kaharian ay higit pa sa lahat ng sinabi noong Kapanahunan ng Kautusan at Kapanahunan ng Biyaya. Lalo na, tulad sa “Mga Salita ng Diyos sa Buong Sansinukob” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao, ipinakilala ng Diyos ang Kanyang sarili sa unang pagkakataon sa buong sangkatauhan. Ito rin ang unang pagkakataon na naririnig ng sangkatauhan ang mga pagbigkas ng Lumikha sa lahat ng tao. Naging sanhi ito ng matitinding kaguluhan sa buong sansinukob, at nagmulat sa mga mata ng tao. Ito ang gawain ng paghatol sa harap ng malaking tronong puti sa mga huling araw. Ang Kapanahunan ng Kaharian ang panahon kung kailan ginagawa ng Diyos ang gawain ng paghatol, at ito ang kapanahunan kung kailan ipinakita ang matuwid na disposisyon ng Diyos sa buong sangkatauhan. Kaya, sa Kapanahunan ng Kaharian, ipinapahayag ng Diyos ang Kanyang salita, hinahatulan, dinadalisay at ginagawang sakdal ang tao. Ipinapadala Niya ang lahat ng uri ng kalamidad sa tao, ginagantimpalaan ang mabubuti at pinarurusahan ang masasama. Inihahayag Niya ang pagkamakatuwiran, kamahalan at poot ng Diyos sa sangkatauhan. Lahat ng katotohanang ipinapahayag ng Makapangyarihang Diyos upang mapadalisay, mailigtas at mapasakdal ang tao ay ang daan tungo sa buhay na walang hanggan na ibinibigay ng Diyos sa tao sa mga huling araw. Ang mga katotohanang ito ang tubig ng ilog ng buhay na dumadaloy mula sa luklukan. Kaya, sa pananalig natin sa Diyos kung nais nating makita ang daan tungo sa buhay na walang hanggan, at makamit ang pagdadala at makapasok sa kaharian ng langit, kailangan nating tanggapin ang gawain ng paghatol ng Makapangyarihang Diyos, ang Cristo ng mga huling araw, gayundin ang paghatol at pagkastigo ng Kanyang mga salita. Sa paraang ito lamang natin makakamtan ang gawain ng Banal na Espiritu, mauunawaan at matatamo ang katotohanan, makakamtan ang pagdadalisay, at maliligtas. Yaon lamang mga sumailalim sa paghatol at pagkastigo ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw ang may karapatang pumasok sa kaharian ng Diyos. Totoo talaga ito! Kung patuloy tayong kakapit sa ating sariling mga pagkaunawa sa relihiyon, sa huli’y tayo ang mawawalan. Nakatuon lamang ang matatalinong dalaga sa paghahanap sa katotohanan at pakikinig sa mga salita ng Diyos, samantalang ang mga mangmang na dalaga ay sumusunod lamang sa mga titik sa Biblia at sa kanilang mga pagkaintindi at imahinasyon, at hindi naghahanap sa katotohanan o nakikinig sa tinig ng Diyos. Pagkatapos isang araw, bigla na lang silang mapapahamak at mananangis at magngangalit ang kanilang mga ngipin, at magsisi man sila ay wala na ring saysay. Kaya, lahat ng hindi tumatanggap sa Makapangyarihang Diyos ay mapapahamak at parurusahan. Ito ang itinalaga ng Diyos at walang makakapagbago nito. Yaong mararahas humusga sa gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw ay partikular nang naihayag ng Diyos na mga anticristo sa mga huling araw—ang mga taong yaon ay daranas ng walang-hanggang kaparusahan at hindi magkakaroon ng pagkakataong makilala ang Diyos. Malinaw na ang gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw ay upang pagbukud-bukurin ang tao ayon sa uri, tukuyin ang kalalabasan ng mga tao, at tapusin ang kapanahunan. Ngayon nagagawa nating tanggapin ang gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw, dito ay tunay nating nakamtan ang Kanyang biyaya at Kanyang awa. Ito ang tunay na pagpapasigla ng Diyos! Dapat tayong magpasalamat lahat sa Makapangyarihang Diyos!

—mula sa Mga Klasikong Tanong at Sagot Tungkol sa Ebanghelyo ng Kaharian

Talababa:

a. Isang piraso ng patay na kahoy: isang sawikaing Tsino, nangangahulugang “hindi maaabot ng tulong.”

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.