Paano makasusunod sa Diyos ang isang tao at anong mga prinsipyo ng pagsasagawa ang dapat sundin ng isang tao sa pagsunod sa Diyos

Enero 26, 2022

Nauugnay na mga Salita ng Diyos:

Noong panahon na nasa katawang-tao ang Diyos, hindi kasama sa pagpapasakop na hinihiling Niya sa mga tao ang pagpipigil na manghusga o lumaban, na tulad ng iniisip nila; sa halip, hinihiling Niya sa mga tao na gamitin ang Kanyang mga salita bilang kanilang prinsipyong susundin sa buhay at bilang pundasyon ng kanilang pananatiling buhay, na talagang walang pasubaling isagawa nila ang diwa ng Kanyang mga salita, at lubos nilang palugurin ang Kanyang kalooban. Ang isang aspeto ng paghiling sa mga tao na magpasakop sa Diyos na nagkatawang-tao ay tumutukoy sa pagsasagawa ng Kanyang mga salita, samantalang ang isa pang aspeto ay tumutukoy sa kakayahang magpasakop sa Kanyang pagiging normal at praktikal. Ang mga ito ay kailangang kapwa tiyak. Yaong mga makakatamo ng dalawang aspetong ito ay lahat ng yaong nagkikimkim ng tunay na pagmamahal sa kanilang puso para sa Diyos. Silang lahat ay mga taong naangkin na ng Diyos, at mahal nilang lahat ang Diyos tulad ng pagmamahal nila sa kanilang sariling buhay. Ang Diyos na nagkatawang-tao ay may normal at praktikal na pagkatao sa Kanyang gawain. Sa ganitong paraan, ang Kanyang panlabas na anyo na kapwa normal at praktikal na pagkatao ay nagiging isang napakalaking pagsubok para sa mga tao; ito ang nagiging pinakamalaki nilang paghihirap. Gayunman, hindi maiiwasan ang pagiging normal at praktikal ng Diyos. Sinubukan Niya ang lahat para makahanap ng solusyon ngunit sa huli ay hindi Niya maalis sa Kanyang Sarili ang panlabas na anyo ng Kanyang normal na pagkatao. Ito ay dahil Siya, kunsabagay, ang Diyos na nagkatawang-tao, hindi ang Diyos ng Espiritu sa langit. Hindi Siya ang Diyos na hindi nakikita ng mga tao, kundi ang Diyos na nasa anyo ng isang miyembro ng paglikha. Sa gayon, ang pag-aalis sa Kanyang Sarili ng anyo ng Kanyang normal na pagkatao ay hindi magiging madali sa anumang paraan. Samakatuwid, anuman ang mangyari, ginagawa pa rin Niya ang gawaing nais Niyang gawin mula sa pananaw ng katawang-tao. Ang gawaing ito ang pagpapahayag ng normal at praktikal na Diyos, kaya paano magiging ayos lang sa mga tao na hindi magpasakop? Ano ba ang magagawa ng mga tao tungkol sa mga kilos ng Diyos? Ginagawa Niya ang anumang nais Niyang gawin; anuman ang nagpapasaya sa Kanya ay iyon ang masusunod. Kung hindi magpapasakop ang mga tao, ano ang iba pang magagandang planong mayroon sila? Hanggang ngayon, pagpapasakop lamang ang nakapagligtas sa mga tao; wala nang may iba pang matatalinong ideya. Kung nais ng Diyos na subukan ang mga tao, ano ang magagawa nila tungkol dito? Gayunman, hindi ang Diyos sa langit ang nakaisip ng lahat ng ito; ang Diyos na nagkatawang-tao ang nakaisip nito. Nais Niyang gawin ito, kaya walang taong makakapagbago nito. Hindi nanghihimasok ang Diyos sa langit sa ginagawa ng Diyos na nagkatawang-tao, kaya hindi ba mas malaking dahilan ito kaya dapat magpasakop sa Kanya ang mga tao? Bagama’t Siya ay kapwa praktikal at normal, Siya ang lubos na Diyos na naging tao. Batay sa Kanyang sariling mga ideya, ginagawa Niya ang anumang nais Niya. Ipinasa na ng Diyos sa langit ang lahat ng gawain sa Kanya; kailangan kang magpasakop sa anumang Kanyang ginagawa. Bagama’t mayroon Siyang pagkatao at napakanormal, sadya na Niyang isinaayos ang lahat ng ito, kaya paano Siya napandidilatan ng mga mata ng mga tao nang may pagtutol? Nais Niyang maging normal, kaya Siya normal. Nais Niyang mamuhay sa gitna ng sangkatauhan, kaya Siya namumuhay sa gitna ng sangkatauhan. Nais Niyang mamuhay sa loob ng pagka-Diyos, kaya Siya namumuhay sa loob ng pagka-Diyos. Maaari itong tingnan ng mga tao paano man nila naisin, ngunit ang Diyos ay palaging magiging Diyos at ang mga tao ay palaging magiging mga tao. Ang Kanyang diwa ay hindi maitatanggi dahil sa ilang maliit na detalye, ni hindi Siya maitutulak palabas ng “persona” ng Diyos dahil sa isang maliit na bagay. Ang mga tao ay may kalayaan ng mga tao, at ang Diyos ay may dignidad ng Diyos; hindi nanghihimasok ang mga ito sa isa’t isa. Maaari bang hindi bigyan ng mga tao ng kaunting kalayaan ang Diyos? Hindi ba nila mapagbibigyan ang pagiging medyo kaswal ng Diyos? Huwag kayong masyadong mahigpit sa Diyos! Bawat isa ay dapat magparaya sa isa’t isa; kung gayo’y hindi ba maaaring ayusin ang lahat? Magkakaroon pa ba ng anumang pagkakahiwalay? Kung hindi makapagpaubaya ang isang tao sa gayon kaliit na bagay, paano pa niya masasabi ang anumang gaya ng “Ang puso ng isang punong ministro ay sapat na malaki upang maglayag ang isang bangka rito”? Paano sila magiging isang tunay na tao? Hindi ang Diyos ang nagpapahirap sa sangkatauhan, kundi ang sangkatauhan ang nagpapahirap sa Diyos. Pinangangasiwaan nila palagi ang mga bagay-bagay sa pamamagitan ng pagpapalaki sa maliliit na bagay. Talagang pinalalaki nila ang maliit na bagay, at talagang hindi ito kailangan! Kapag gumagawa ang Diyos sa loob ng normal at praktikal na pagkatao, ang Kanyang ginagawa ay hindi ang gawain ng sangkatauhan, kundi ang gawain ng Diyos. Gayunman, hindi nakikita ng mga tao ang diwa ng Kanyang gawain; ang palagi lamang nilang nakikita ay ang panlabas na anyo ng Kanyang pagkatao. Hindi pa sila nakakita ng gayon kadakilang gawain, subalit nagpipilit silang makita ang Kanyang karaniwan at normal na pagkatao, at hindi sila titigil. Paano ito matatawag na pagpapasakop sa harap ng Diyos? Ang Diyos sa langit ay “naging” Diyos na sa lupa ngayon, at ang Diyos sa lupa ay Diyos na sa langit. Hindi mahalaga kung magkapareho ang Kanilang panlabas na anyo, ni hindi mahalaga kung gaano magkatulad ang Kanilang paggawa. Sa huli, Siya na gumagawa ng sariling gawain ng Diyos ay ang Diyos Mismo. Kailangan kang magpasakop naisin mo man o hindi—hindi ito isang bagay na may mapagpipilian ka! Ang Diyos ay kailangang sundin ng mga tao, at kailangan talagang magpasakop ang mga tao sa Diyos nang wala ni katiting na pagkukunwari.

Ang grupo ng mga taong nais maangkin ng Diyos na nagkatawang-tao ngayon ay yaong mga umaayon sa Kanyang kalooban. Kailangan lamang nilang magpasakop sa Kanyang gawain, at tumigil sa patuloy na pag-aalala sa mga ideya tungkol sa Diyos sa langit, pamumuhay sa kalabuan, o pagpapahirap ng mga bagay-bagay para sa Diyos na nasa katawang-tao. Yaong mga nagagawang sumunod sa Kanya ay yaong mga talagang nakikinig sa Kanyang mga salita at nagpapasakop sa Kanyang mga plano. Ni hindi man lamang pinapansin ng gayong mga tao kung ano talaga ang maaaring hitsura ng Diyos sa langit o kung anong klaseng gawain ang maaaring kasalukuyang ginagawa ng Diyos sa langit sa sangkatauhan; ibinibigay nila nang lubusan ang kanilang puso sa Diyos sa lupa at inilalagak ang kanilang buong pagkatao sa Kanyang harapan. Hindi nila isinasaalang-alang kailanman ang kanilang sariling kaligtasan, ni hindi sila nag-aalala kailanman sa pagiging normal at praktikal ng Diyos na nasa katawang-tao. Yaong mga nagpapasakop sa Diyos na nasa katawang-tao ay maaari Niyang gawing perpekto. Yaong mga naniniwala sa Diyos sa langit ay walang mapapala. Ito ay dahil hindi ang Diyos sa langit, kundi ang Diyos sa lupa, ang nagkakaloob ng mga pangako at pagpapala sa mga tao. Hindi dapat palaging palakihin ng mga tao ang Diyos sa langit samantalang itinuturing na karaniwang tao lamang ang Diyos sa lupa; hindi ito makatarungan. Ang Diyos sa langit ay dakila at kamangha-mangha na may kagila-gilalas na karunungan, subalit ni hindi man lamang ito umiiral; ang Diyos sa lupa ay masyadong karaniwan at hamak, at napaka-normal din. Wala Siyang di-pangkaraniwang isipan o hindi Siya nagsasagawa ng mga kilos na nakakagulat; gumagawa lamang Siya at nagsasalita sa isang napaka-normal at praktikal na paraan. Kahit hindi Siya nagsasalita sa pamamagitan ng kulog o nagpapatawag ng hangin at ulan, Siya talaga ang pagkakatawang-tao ng Diyos sa langit, at Siya talaga ang Diyos na namumuhay sa piling ng mga tao. Hindi dapat palakihin ng mga tao ang isang taong nagagawa nilang unawain at tumutugma sa kanilang sariling mga imahinasyon bilang Diyos, samantalang nakikita ang isang taong hindi nila matanggap at tiyak na hindi nila maisip na aba. Lahat ng ito ay nagmumula sa pagkasuwail ng mga tao; ito ang lahat ng pinagmumulan ng paglaban ng sangkatauhan sa Diyos.

— Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Yaong mga Tunay na Nagmamahal sa Diyos ay Yaong mga Talagang Nagpapasakop sa Kanyang Pagiging Praktikal

Ang pakikinig sa salita ng Diyos at pagsunod sa mga hinihingi ng Diyos ay bokasyon ng tao na ipinadala ng langit; anuman ang sabihin ng Diyos ay walang pakialam ang tao. Anuman ang sabihin ng Diyos, anuman ang hilingin ng Diyos sa tao, ang pagkakakilanlan, diwa, at katayuan ng Diyos ay hindi nagbabago—Siya palagi ang Diyos. Kapag wala kang duda na Siya ang Diyos, ang tanging responsibilidad mo, ang tanging bagay na dapat mong gawin, ay ang makinig sa Kanyang sinasabi; ito ang landas ng pagsasagawa. Ang isang nilikha ng Diyos ay hindi dapat pag-aralan, suriin, siyasatin, tanggihan, kontrahin, suwayin, o ikaila ang mga salita ng Diyos; kinasusuklaman ito ng Diyos, at hindi ito ang nais Niyang makita sa tao. Kaya ano ba talaga ang landas ng pagsasagawa? Napakasimple talaga niyan: Matutong makinig, makinig nang buong puso mo, tumanggap nang buong puso mo, umunawa at umintindi nang buong puso mo, at pagkatapos ay humayo at gumawa, magsagawa, at magsakatuparan nang buong puso mo. Ang naririnig at naiintindihan mo sa puso mo ay may malapit na kaugnayan sa isinasagawa mo. Huwag mong paghiwalayin ang dalawa; lahat—ang isinasagawa mo, ang sinusunod mo, ang ginagawa ng sarili mong kamay, lahat ng pinagpaparoo’t parito mo—ay konektado sa naririnig at naiintindihan mo sa puso mo, at dito, masusunod mo ang mga salita ng Lumikha. Ito ang landas ng pagsasagawa.

Hinango mula sa “Pangatlong Suplemento: Kung Paano Nakinig sina Noe at Abraham sa mga Salita ng Diyos at Sumunod sa Diyos (II)” sa Paglalantad sa mga Anticristo

Hindi mababago ng mga tao ang sarili nilang disposisyon; kailangan silang dumaan sa paghatol at pagkastigo, at sa pagdurusa at pagpipino, ng mga salita ng Diyos, o sa pakikitungo, pagdidisiplina, at pagtatabas ng Kanyang mga salita. Pagkatapos noon, saka lamang sila magiging masunurin at matapat sa Diyos, at hindi na magpapadalus-dalos sa pakikitungo sa Kanya. Sa ilalim ng pagpipino ng mga salita ng Diyos nagbabago ang disposisyon ng mga tao. Sa pamamagitan lamang ng paglalantad, paghatol, pagdidisiplina, at pakikitungo ng Kanyang mga salita sila hindi na mangangahas na kumilos nang walang pakundangan kundi sa halip ay magiging matatag at mahinahon sila. Ang pinakamahalagang punto ay na nagagawa nilang magpasakop sa kasalukuyang mga salita ng Diyos, at sa Kanyang gawain, kahit hindi ito nakaayon sa mga kuru-kuro ng tao, nagagawa nilang isantabi ang mga kuru-kurong ito at maluwag sa loob na magpasakop.

— Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang mga Taong Nagbago Na ang Disposisyon ay Yaong mga Nakapasok Na sa Realidad ng mga Salita ng Diyos

Ang tiwaling disposisyon ng tao ay nakatago sa bawat kaisipan at ideya nila, sa loob ng mga motibo sa likod ng bawat kilos nila; nakatago ito sa bawat pananaw ng tao tungkol sa anumang bagay at sa loob ng bawat opinyon, pagkaunawa, pananaw at hangarin nila sa kanilang pag-unawa sa lahat ng ginagawa ng Diyos. Nakatago ito sa mga bagay na ito. At ano ang ginagawa ng Diyos? Paano hinaharap ng Diyos ang mga ginagawang ito ng tao? Nagsasaayos Siya ng mga kapaligiran para ilantad ka. Hindi ka lamang Niya ilalantad, kundi hahatulan ka pa Niya. Kapag ipinakita mo ang iyong tiwaling disposisyon, kapag may mga kaisipan at ideya ka na salungat sa Diyos, kapag may mga kalagayan at pananaw ka na laban sa Diyos, kapag may mga kalagayan ka na mali ang pagkaunawa mo sa Diyos, o nilalabanan at kinokontra mo Siya, sasawayin ka ng Diyos, hahatulan at kakastiguhin ka Niya, at kung minsa’y parurusahan at didisiplinahin ka pa. Ano ang layunin ng pagdidisiplina at pagsaway sa iyo? Ito ay para ipaunawa sa iyo na ang iniisip mo ay mga kuru-kuro ng tao, at na mali ang mga iyon; ang mga motibasyon mo ay nagmula kay Satanas, mula sa kalooban ng tao, hindi kumakatawan ang mga iyon sa Diyos, at hindi kaayon ng Diyos ang mga iyon, hindi matutupad ng mga iyon ang mga layunin ng Diyos, kinasusuklaman at kinamumuhian ng Diyos ang mga iyon, pinupukaw ng mga iyon ang Kanyang poot, at pinupukaw pa ang Kanyang pagsumpa. Pagkatapos mapagtanto ito, nagagawa mong baguhin ang iyong mga motibasyon. At paano nababago ang mga iyon? Una sa lahat, kailangan mong magpasakop sa paraan ng pagtrato sa iyo ng Diyos, at magpasakop sa mga kapaligiran at mga tao, pangyayari, at bagay na itinatakda Niya para sa iyo; huwag mong hanapan ng butas, huwag kang magdahilan at huwag kang umiwas sa iyong mga responsibilidad. Pangalawa, hanapin mo ang katotohanang dapat isagawa at pasukin ng mga tao kapag ginagawa ng Diyos ang mga ginagawa Niya. Hinihiling ng Diyos na unawain mo ang mga bagay na ito. Nais Niyang kilalanin mo ang iyong mga tiwaling disposisyon at satanikong diwa, para makapagpasakop ka sa mga kapaligirang isinasaayos Niya para sa iyo at, sa huli, para maisagawa mo ang hinihingi Niya sa iyo alinsunod sa Kanyang kalooban, at upang matupad mo ang Kanyang kalooban. Sa gayo’y nakapasa ka na sa pagsubok. Sa sandaling tumigil ka na sa paglaban at pagtutol, ano ang agad pumapalit sa mga ito? Nagagawa mong sumunod, at hindi ka na nakikipagtalo. Kapag sinasabi ng Diyos, “Lumagay ka sa likuran Ko, Satanas,” tumutugon ka ng, “Kung sinasabi ng Diyos na ako si Satanas, ako si Satanas. Kahit na hindi ko nauunawaan kung ano ang mali kong nagawa, o kung bakit sinasabi ng Diyos na ako si Satanas, kung nais Niyang lumagay ako sa likuran Niya, hindi ako mag-aatubili. Dapat kong hanapin ang kalooban ng Diyos.” Kapag sinasabi ng Diyos na ang kalikasan ng iyong mga kilos ay sataniko, sinasabi mo, “Kinikilala ko kung anuman ang sinasabi ng Diyos, tinatanggap ko ang lahat ng iyon.” Anong pag-uugali ito? Ito ay pagkamasunurin. Pagkamasunurin ba kapag kaya mong tanggapin nang may pag-aalinlangan ang pagsasabi ng Diyos na ikaw ang diyablong si Satanas, ngunit hindi ito matanggap—at hindi mo kayang sumunod—kapag sinasabi Niya na isa kang halimaw? Ang ibig sabihin ng pagkamasunurin ay lubos na pagsunod, pagtanggap, hindi pakikipagtalo at hindi pagtatakda ng mga kondisyon. Ang ibig nitong sabihin ay hindi pagsusuri ng sanhi at epekto, sa kabila ng mga makatwirang dahilan, at ang tanging iniisip mo lamang ay ang pagtanggap. Kapag nakamit na ng mga tao ang pagsunod na tulad nito, malapit na sila sa tunay na pananampalataya sa Diyos. Habang lalong kumikilos ang Diyos, mas tumitindi ang pakiramdam mo na ang lahat ay pinamamahalaan ng Diyos, at pagkatapos ay lalo mong madarama na, “Lahat ng ginagawa ng Diyos ay mabuti, walang masama roon. Hindi ako dapat mamili, kundi dapat sumunod. Ang aking responsibilidad, ang aking obligasyon, ang aking tungkulin—ay ang sumunod; ito ang dapat kong gawin bilang isang nilikha ng Diyos. Kung hindi ko man lang masunod ang Diyos, ano ako? Isa akong halimaw, ako ang demonyo!” Hindi ba’t ipinapakita nito na ngayon ay mayroon ka nang tunay na pananampalataya? Kapag dumating ka na sa puntong ito, ikaw ay magiging walang bahid, kung kaya’t magiging madali para sa Diyos na gamitin ka, at magiging madali rin para sa iyo na magpasakop sa mga pangangasiwa ng Diyos—at hindi ba’t kung ganoon ay magiging madali na para sa Diyos na pagpalain ka? Samakatuwid, maraming aral na matututuhan mula sa pagkamasunurin.

Hinango mula sa “Tanging ang Pagiging Totoong Masunurin ang Tunay na Paniniwala” sa Mga Talaan ng mga Pananalita ni Cristo ng mga Huling Araw

Ang tanging saloobing dapat taglayin ng isang nilalang sa kanyang Lumikha ay yaong pagsunod, walang pasubaling pagsunod. Ito ay isang bagay na maaaring hindi matanggap ng ilang tao ngayon. Ito ay dahil napakaliit ng tayog ng tao at wala silang katotohanang realidad. Kung inilalarawan nito ang iyong kalagayan, malayong magawa mo na sumunod sa Diyos. Samantalang ang tao ay tinutustusan at dinidiligan ng salita ng Diyos, ang tao sa katunayan ay naghahanda para sa iisang bagay. Ito ay ang magawang makamtan ang walang pasubali, lubos na pagpapasakop sa Diyos sa dakong huli, kung kailan, ikaw, ang nilikhang ito, ay nakaabot na sa kinakailangang pamantayan. Kung minsan, sinasadya ng Diyos na gawin ang mga bagay-bagay na salungat sa iyong mga kuru-kuro, na hindi kaayon ng ibig mo, o lumilitaw pang laban sa mga prinsipyo, o laban sa damdamin ng tao, pagkatao, o mga saloobin, kaya hindi mo matanggap at maunawaan ang mga ito. Saang panig mo man ito tingnan, tila hindi ito tama, hindi mo lang talaga matanggap ito, at nararamdaman mo na sadyang hindi makatwiran ang Kanyang nagawa. Kaya’t ano ang layunin ng Diyos sa paggawa ng mga bagay na ito? Ito ay upang subukin ka. Hindi mo kailangang talakayin kung paano at bakit nagawa iyon ng Diyos; ang kailangan mo lamang gawin ay panatilihin ang iyong pananampalataya na Siya ang katotohanan, at kilalanin na Siya ang Lumikha sa iyo, na Siya ang iyong Diyos. Mas mataas pa ito kaysa buong katotohanan, mas mataas kaysa sa lahat ng pangmundong karunungan, kaysa sa tinatawag ng tao na moralidad, mga prinsipyo ng tamang pag-uugali, kaalaman, edukasyon, pilosopiya o tradisyonal na kultura, at higit pa itong mataas kaysa sa pagmamahal o pakikisama o sa tinatawag na pagmamahalan sa pagitan ng mga tao—mas mataas pa ito kaysa anupamang iba. Kung hindi mo ito nauunawaan, sa malao’t madali, kapag may nangyayari sa iyo, may panganib na maghimagsik ka laban sa Diyos at maligaw ng landas bago magsisi sa huli at kilalanin kung gaano kaibig-ibig ang Diyos at ang kabuluhan ng gawaing isinasagawa Niya sa iyo; o, ang mas masahol pa, maaari kang matalisod at mabuwal dahil dito. Hindi magiging nakatatakot na hinatulan ka ng Diyos, o hindi magiging nakatatakot na isinumpa ka Niya o kinastigo—kaya ano ang magiging nakatatakot? Magiging nakatatakot kung sinabi Niyang, “Hindi Ko ililigtas ang isang taong katulad mo; suko na Ako!” Sa gayon, tapos ka na. Samakatuwid, hindi dapat makipagtalo tungkol sa maliliit na bagay ang mga tao sa pagsasabing, “Ang mga salitang ito—paghatol at pagkastigo—ay mainam, ngunit ang mga ito—pagsumpa, pagwasak, pagkondena—hindi kaya nangangahulugan iyan na katapusan ko na? Anong uring nilalang kaya ako pagkatapos niyon? Mainam; ayaw ko na. At maaari Ka nang humayo at tumigil sa pagiging Diyos ko.” Kung nagpasya kang talikuran ang Diyos, nang walang matatag na patotoo, totoo na maaaring magpasiya Siya na ayaw na Niya sa iyo. Naisaalang-alang mo na ba ito noon? Gaano man katagal naniniwala ang isang tao sa Diyos, gaano man kahaba ang daan na kanilang nalakbay, gaano man kalaking gawain ang kanilang nagawa at ilan mang mga tungkulin ang kanilang nagampanan, ang panahong ito ay paghahandang lahat sa kanila para sa iisang bagay: upang sa dakong huli ay magawa mong kamtin ang walang-pasubali at lubusang pagpapasakop sa Diyos. Kaya’t ano ang ibig sabihin ng “walang pasubali”? Ang ibig sabihin nito ay pagbabalewala sa iyong sariling mga pangangatwiran, pagbabalewala sa layon mong pangangatwiran, at hindi pakikipagtalo sa kung ano-ano: Ikaw ay isang nilalang, at hindi ka karapat-dapat. Kapag nakipagtalo ka sa Diyos, wala ka sa tamang lugar; kapag tinangka mong pangatwiranan ang iyong sarili sa Diyos, minsan pa, wala ka sa tamang lugar; kapag nakipagtalo ka sa Diyos, kapag nais mong itanong kung bakit, malaman kung ano ang talagang nangyayari, kung hindi ka makasunod nang hindi mo muna inuunawa, at magpapasakop ka lamang kapag malinaw na sa iyo ang lahat, minsan pang wala ka sa tamang lugar. Kapag nasa maling lugar ka, lubos ba ang iyong pagsunod sa Diyos? Pinakikitunguhan mo ba ang Diyos ayon sa nararapat na pakikitungo sa Diyos? Sinasamba mo ba Siya bilang ang Panginoon ng lahat ng nilikha? Hindi, kung gayon ay hindi ka kilala ng Diyos. Anong mga bagay ang magtutulak sa iyo na magkamit ng lubos at walang-pasubaling pagsunod sa Diyos? Paano ito mararanasan? Sa isang dako, kailangan ang kaunting budhi at pakiramdam ng normal na pagkatao; sa kabilang dako, habang tinutupad mo ang iyong mga tungkulin, dapat maunawaan ang bawat isang aspeto ng katotohanan upang maunawaan mo ang kalooban ng Diyos. Kung minsan, kulang ang kakayahan ng tao, at walang lakas o sigla ang tao para maunawaan ang lahat ng katotohanan. May isang bagay, gayunman: Anuman ang kapaligiran, mga tao, pangyayari, at mga bagay na dumarating sa iyo at naisaayos ng Diyos, dapat kang magkaroon lagi ng masunuring saloobin at huwag mong itanong kung bakit. Kung maging ang saloobing ito ay hindi mo maabot, at kaya mo pang umabot sa pag-iingat laban sa Diyos, pagpapalagay tungkol sa Diyos, o kung hindi ay iniisip mo sa sarili mo, “Kailangan kong isaalang-alang kung talagang matuwid ang ginagawa ng Diyos. Sinasabi nila na ang Diyos ay pagmamahal, kung gayon ay tingnan natin kung may pagmamahal sa Kanyang ginagawa sa akin, at kung talagang pagmamahal nga ito,” kung lagi mong sinusuri kung ang ginagawa ba ng Diyos ay tumutugma sa iyong mga kuru-kuro, tinitingnan kung ang ginagawa ba ng Diyos ay ang ibig mo, o maging kung tumatalima ba ito sa pinaniniwalaan mong katotohanan, kung gayon ay wala ka sa tamang lugar, at magdudulot ito sa iyo ng gulo at malamang ay magkakasala ka sa disposisyon ng Diyos.

Hinango mula sa “Sa Kanila Lamang Nila Pasusunurin ang Iba, Hindi sa Katotohanan o sa Diyos (II)” sa Paglalantad sa mga Anticristo

Ano ang praktikal na aspeto ng isang ugaling mapagpasakop? Ito iyon: Dapat mong magawa ang iyong sarili na tanggapin ang mga salita ng Diyos. Kapag mababaw ang iyong pagpasok sa buhay, at hindi ka pa nagkakaroon ng tayog, at kung hindi pa sapat na malalim ang kaalaman mo sa katotohanang realidad, ngunit, kahit sa gayong mga pagkakataon, nagagawa mo pa ring sumunod sa Diyos at magpasakop sa Kanya—iyon ang pag-uugali. Bago mo makamit ang lubusang pagpapasakop, dapat ka munang magkaroon ng ugaling mapagpasakop, na isang ugali ng pagtanggap na tama ang mga salita ng Diyos, ng pagturing sa mga salita ng Diyos bilang katotohanan at bilang mga prinsipyo ng pagsasagawa, at kakayahang itaguyod ang mga iyon bilang mga panuntunan, kahit na hindi mo malinaw na nauunawaan ang mga prinsipyo. Ganoon ang isang uri ng pag-uugali. Dahil, sa ngayon, hindi pa nagbabago ang iyong disposisyon, ang magawa mong makamit ito, at magmukhang mayroong ganoong pag-uugali at ganoong mentalidad sa Diyos, at ang masabing, “Wala akong pakialam kung ano ang ginagawa ng Diyos at maraming katotohanan ang hindi ko nauunawaan. Ang alam ko lang ay ginagawa ko kung ano ang ipinagagawa sa akin ng Diyos. Wala akong masasamang pakana na tutulong sa aking siyasatin ang sinasabi ng Diyos, at hindi iyon ang dapat kong gawin”—iyan ay isang uri ng mapagpasakop na mentalidad. May ilang taong nagsasabing, “Hindi maaari iyan. Paano kung mali Siya?” Maaari bang magkamali ang Diyos? Sinasabi mo, “Kung tama man o mali ang ginagawa ng Diyos, hindi ako ang mananagot doon. Nakikinig, nagpapasakop, tumatanggap, at sumusunod lang ako sa Diyos. Iyon ang dapat gawin ng isang nilikha.” Iyon ang uri ng mentalidad kung saan dapat magpasakop ang isang tao, at tanging ang mga taong nagtataglay ng ganitong mentalidad ang makapagkakamit ng katotohanan. Kung hindi mo taglay ang mentalidad na ito, ngunit sinasabi mong, “Hindi ko hinahayaan ang sinuman na linlangin ako. Walang makaloloko sa akin. Masyadong matalas ang isip ko para malinlang ng mga salitang iyon at magawang magpasakop sa kahit ano; hindi iyon uubra. Anuman ang makaharap ko, kailangan ko iyong siyasatin at suriin. Kung kaya ko mismong tanggapin ang isang bagay at unawain iyon, saka ako magpapasakop”—iyon ba ay isang ugaling mapagpasakop? Hindi iyon isang ugaling mapagpasakop; isa iyong kawalan ng mapagpasakop na mentalidad, na walang intensyon sa puso ng isang tao na magpasakop. “Kakailanganin kong siyasatin ang Diyos. Kahit mga hari at reyna ay ganoon ko tratuhin. Walang saysay ang Iyong sinasabi. Totoo na isa akong nilikha, ngunit hindi ako hangal—kaya’t huwag mo akong tratuhing ganoon.” Huli na ang lahat para sa kanila; wala sila ng mga kondisyon para matanggap ang katotohanan. Ang ganoong mga tao ay walang anumang katwiran. Sila ay isang halimaw! Kapag walang ganoong katwiran, hindi matatamo ng isang tao ang pagpapasakop. Upang matamo ang pagpapasakop, dapat munang magtaglay ang isang tao ng isang mapagpasakop na mentalidad.

Hinango mula sa “Sa Pamamagitan Lamang ng Paglutas ng mga Kuru-kuro ng Isang Tao Siya Makapapasok sa Tamang Landas ng Paniniwala sa Diyos (3)” sa Mga Talaan ng mga Pananalita ni Cristo ng mga Huling Araw

Anuman ang gawin mo, kailangan mong matutong hanapin at sundin ang katotohanan doon. Hangga’t kumikilos ka alinsunod sa katotohanan, kumikilos ka nang tama. Kahit na isang bata ang nagmungkahi noon, o ang pinakahindi kapansin-pansing batang kapatid, habang ang sinasabi nila ay tumatalima sa katotohanan, ang ginagawa mo ay magkakaroon ng mabuting kalalabasan, at tatalima ito sa kalooban ng Diyos. Ang pangangasiwa sa isang bagay ay nakabatay sa iyong simbuyo at sa iyong mga prinsipyo sa pangangasiwa doon. Kung ang iyong mga prinsipyo ay nagmumula sa kalooban ng tao; kung nagmumula ang mga ito sa mga pantaong kaisipan, kuru-kuro, o pag-iisip; o kung nanggagaling ang mga ito sa mga pantaong damdamin at pananaw, ang pangangasiwa mo sa bagay na ito ay magiging mali, dahil ang pagmumulan nito ay mali. Kapag ang mga pagtingin mo ay batay sa mga prinsipyo ng katotohanan, at pinangangasiwaan mo ang mga bagay alinsunod sa mga katotohanang prinsipyo, siguradong mapangangasiwaan mo ang kasalukuyang usapin nang tama. Minsan, hindi matatanggap ng ibang tao ang pangangasiwa mo sa bagay sa kasalukuyan, at, sa mga panahong iyon, tila may sarili silang mga palagay, o ang puso nila ay maguguluhan. Gayunman, matapos ang ilang panahon, mapatutunayang tama ka. Ang mga bagay na tumatalima sa kalooban ng Diyos ay magmumukhang mas mabuti sa paglipas ng panahon; subalit ang kalalabasan ng mga bagay na hindi tumatalima sa kalooban ng Diyos—ang mga bagay na sang-ayon sa kalooban ng tao at gawa ng tao—ay lumalala sa paglipas ng panahon, at lahat ay mapatutunayang ganoon nga. Kapag kumilos ka, huwag mong alalahanin kung kaninong paraan ang dapat o hindi dapat na gumabay sa iyo, at huwag kang gumawa ng mga palagay. Una sa lahat, dapat kang maghangad at magdasal, at pagkatapos ay sumulong ka nang dahan-dahan, at makisalamuha sa lahat. Ano ang layunin ng pakikisalamuha? Binibigyang kakayanan nitong gawin ng isang tao ang mga bagay sa tiyak na pagsang-ayon sa kalooban ng Diyos, at kumilos nang naaayon sa kalooban ng Diyos. Tila isa itong maringal na paraan ng pagpapaliwanag nito; sabihin nating binibigyang kakayanan nito na pangasiwaan ang mga gawain sa isang tiyak na pagsang-ayon sa mga katotohanang prinsipyo—tila mas tunay ito. Kung makakamit mo ito, puwede na iyon.

Hinango mula sa “Ang Landas sa Pagtutuwid ng Tiwaling Disposisyon” sa Mga Talaan ng mga Pananalita ni Cristo ng mga Huling Araw

Kapag nahaharap sa mga problema sa tunay na buhay, paano mo dapat alamin at unawain ang awtoridad ng Diyos at ang Kanyang kataas-taasang kapangyarihan? Kapag naharap ka sa ganitong mga problema at hindi mo alam kung paano unawain, hawakan, at danasin ang mga ito, anong saloobin ang dapat mong angkinin upang ipakita ang iyong intensyong magpasakop, ang iyong pagnanais na magpasakop, at ang realidad ng iyong pagpapasakop sa kataas-taasang kapangyarihan at mga pagsasaayos ng Diyos? Una, dapat mong matutuhan ang maghintay; pagkatapos, dapat mong matutuhang maghanap; pagkatapos, dapat mong matutuhang magpasakop. Ang “paghihintay” ay nangangahulugan na paghihintay sa panahon ng Diyos, hinihintay ang mga tao, pangyayari, at bagay na Kanyang isinaayos para sa iyo, naghihintay na unti-unting ibunyag ng Kanyang kalooban ang kanyang sarili sa iyo. Ang ibig sabihin ng “paghahanap” ay pagmamasid at pag-unawa sa maalalahaning mga intensyon ng Diyos para sa iyo sa pamamagitan ng mga tao, pangyayari, at bagay na inilatag Niya, pag-unawa sa katotohanan sa pamamagitan nila, pag-unawa sa dapat maisagawa ng tao at mga daang dapat nilang sundan, pag-unawa sa mga resulta na nais na makamtan ng Diyos sa mga tao at ano ang mga gusto Niyang magawa sa kanila. Ang “pagpapasakop,” mangyari pa, ay tumutukoy sa pagtanggap sa mga tao, pangyayari, at bagay na isinaayos ng Diyos, pagtanggap sa Kanyang kataas-taasang kapangyarihan at, sa pamamagitan nito, ay malaman kung paano idinidikta ng Lumikha ang kapalaran ng tao, kung paano Niya tinutustusan ang tao ng Kanyang buhay, kung paano Niya pinapagana ang katotohanan sa tao. Lahat ng bagay sa ilalim ng mga pagsasaayos at kataas-taasang kapangyarihan ng Diyos ay sumusunod sa natural na mga batas, at kung pagpasyahan mo na hayaan ang Diyos na isaayos at diktahan ang lahat para sa iyo, dapat mong matutuhan ang maghintay, dapat mong matutuhan ang maghanap, at dapat mong matutuhan ang magpasakop. Ito ang saloobin na dapat magkaroon ang bawat tao na nagnanais magpasakop sa awtoridad ng Diyos, ang pangunahing katangian na dapat taglayin ng bawat tao na nagnanais tanggapin ang kataas-taasang kapangyarihan at mga pagsasaayos ng Diyos. Upang magkaroon ng ganoong saloobin at para magkaroon ng ganoong katangian, dapat ay lalo kang magpunyagi. Ito ang tanging paraan para makapasok sa tunay na realidad.

— Ang Salita, Vol. II. Ukol sa Pagkakilala sa Diyos. Ang Diyos Mismo, ang Natatangi III

May isang pangunahing prinsipyo sa pagtrato ng Panginoon ng paglalang sa mga nilikha, na siya ring pinakamataas na prinsipyo. Kung paano Niya tratuhin ang mga nilikha ay lubos na nababatay sa Kanyang plano ng pamamahala at sa Kanyang mga kahilingan; hindi Niya kailangang sumangguni kaninuman, ni hindi Niya kailangang pasang-ayunin sa Kanya ang sinuman. Anuman ang dapat Niyang gawin at paano man Niya dapat tratuhin ang mga tao, ginagawa Niya, at, anuman ang Kanyang ginagawa o paano man Niya tinatrato ang mga tao, lahat ng mga ito ay naaayon sa mga prinsipyo ng paggawa ng Panginoon ng paglikha. Bilang isang nilikha, ang tanging gagawin ay magpasakop; wala nang iba pang dapat pagpipilian. Ano ang ipinapakita nito? Ipinapakita nito na ang Panginoon ng paglikha ay laging magiging Panginoon ng paglikha; nasa Kanya ang kapangyarihan at mga katangian upang isaayos at pamahalaan ang sinumang nilikha ayon sa gusto Niya, at hindi kailangang magkaroon ng dahilan para gawin iyon. Ito ang Kanyang awtoridad. Wala ni isa man sa mga nilikha, dahil sila ay mga nilikha, ang may kapangyarihan o karapat-dapat humatol kung paano dapat kumilos ang Lumikha o kung tama o mali ang Kanyang ginagawa, ni hindi karapat-dapat na pumili ang sinumang nilikha kung dapat silang pamahalaan, isaayos, o itapon ng Panginoon ng paglikha. Gayundin, wala ni isang nilikha ang karapat-dapat na pumili kung paano sila pinamamahalaan at itinatapon ng Panginoon ng paglikha. Ito ang pinakamataas na katotohanan. Anuman ang nagawa na ng Panginoon ng paglikha sa Kanyang mga nilikha, at paano man Niya nagawa na iyon, isa lamang ang dapat gawin ng mga taong Kanyang nilikha: Hanapin, magpasakop, alamin, at tanggapin ang katunayang ito na inilagay ng Panginoon ng paglikha. Ang magiging resulta sa huli ay na maisasakatuparan na ng Panginoon ng paglikha ang Kanyang plano ng pamamahala at matatapos na ang Kanyang gawain, na naging sanhi upang sumulong ang Kanyang plano ng pamamahala nang walang anumang mga sagabal; samantala, dahil natanggap na ng mga nilikha ang pamamahala at mga plano ng Lumikha, at nagpasakop na sa Kanyang pamamahala at mga plano, matatamo na nila ang katotohanan, mauunawaan na ang kalooban ng Lumikha, at malalaman na ang Kanyang disposisyon. May isa pang prinsipyo na kailangan Kong sabihin sa inyo: Anuman ang ginagawa ng Lumikha, paano man Siya nagpapakita, at malaki man o maliit ang Kanyang ginagawa, Siya pa rin ang Lumikha; samantalang ang buong sangkatauhan, na Kanyang nilikha, anuman ang kanilang nagawa, at gaano man sila katalino o kapalad, ay nananatiling mga nilikha. Tungkol naman sa mga taong nilikha, gaano man karaming biyaya at gaano man karaming pagpapala ang natanggap nila mula sa Lumikha, o gaano man kalaking awa, kabutihang-loob, o kabaitan, hindi sila dapat maniwala na naiiba sila sa madla, o mag-isip na maaari silang makapantay sa Diyos at na mataas na ang kanilang katungkulan sa lahat ng nilalang. Ilang kaloob man ang naigawad sa iyo ng Diyos, o gaano kalaking biyaya ang naibigay Niya sa iyo, o gaano kabait ka man Niya natrato, o nabigyan ka man Niya ng ilang espesyal na talento, wala sa mga ito ang mga yaman mo. Ikaw ay isang nilikha, at sa gayon ay magiging isa kang nilikha magpakailanman. Huwag mong isipin kailanman na, “Isa akong munting sinta sa mga kamay ng Diyos. Hindi Niya ako pagbubuhatan ng kamay. Ang saloobin ng Diyos sa akin ay lagi nang magiging isang pagmamahal, pagmamalasakit, at magigiliw na paghaplos, na may kasamang mga bulong ng aliw at pagpapalakas ng loob.” Bagkus, sa mga mata ng Lumikha, katulad ka ng lahat ng iba pang nilikha; maaari kang kasangkapanin ng Diyos kung gusto Niya, at maiaayon ka rin Niya kung gusto Niya, at maaari Niyang isaayos kung gusto Niya na gampanan mo ang bawat tungkulin sa lahat ng uri ng tao, kaganapan, at bagay. Ito ang kaalamang dapat magkaroon ang mga tao, at ang magandang diwang dapat nilang taglayin. Kung mauunawaan at matatanggap ng tao ang mga salitang ito, magiging mas normal ang kaugnayan nila sa Diyos, at magtatatag sila ng napaka-makatwirang kaugnayan sa Kanya; kung mauunawaan at matatanggap ng tao ang mga salitang ito, ibabagay nila nang wasto ang kanilang katayuan, lalagay sa kanilang lugar doon, at paninindigan ang kanilang tungkulin.

Hinango mula sa “Sa Paghahanap Lamang ng Katotohanan Malalaman ng Isang Tao ang mga Gawa ng Diyos” sa Mga Talaan ng mga Pananalita ni Cristo ng mga Huling Araw

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.