Paano makakamit ng isang tao ang tunay na pagkilala sa sarili

Enero 26, 2022

Nauugnay na mga Salita ng Diyos:

Para tulutan ang mga tao na makilala ang kanilang sarili, maraming iba’t ibang pamamaraang ginagamit ang Diyos. Tinutulutan Niya ang mga tao na unti-unting makilala ang kanilang sarili sa pamamagitan ng karanasan. Gumagamit man Siya ng mga pagsubok, paghatol o pagkastigo, sa mga salita o sa mga totoong pangyayari, tinutulutan ng Diyos ang mga tao na palaging makaranas, makaranas ng paghatol, pagkastigo at pagdisiplina ng mga salita ng Diyos, at makaranas ng kaliwanagan at pagpapalinaw ng mga salita ng Diyos. Kasabay nito, tinutulutan Niya ang mga tao na kilalanin ang sarili nilang katiwalian, pagkasuwail, at likas na pagkatao. Kaya ano ang panghuling mithiin ng Diyos sa paggawa nito? Iyon ay ang tulutan ang bawat tao na maranasan ang gawain ng Diyos para malaman kung ano ang tao. Ano ang kabilang sa “kung ano ang mga tao”? Kabilang dito ang pagtutulot sa mga tao na kilalanin ang sarili nilang identidad, posisyon, tungkulin, at responsibilidad. Iyon ay para malaman mo kung sino ang tao at kung sino ka mismo. Ito ang huling mithiin ng pagtutulot ng Diyos na makilala ng mga tao ang kanilang sarili.

Hinango mula sa “Ang Diyos Mismo, ang Natatangi III” sa Mga Talaan ng mga Pananalita ni Cristo ng mga Huling Araw

Ang susi sa pagkakamit ng pagbabago sa disposisyon ay ang malaman ng isang tao ang kanyang sariling kalikasan, at kailangang mangyari ito alinsunod sa mga pagbubunyag mula sa Diyos. Sa salita lamang ng Diyos malalaman ng isang tao ang sarili niyang kasuklam-suklam na kalikasan, makikilala sa sarili niyang kalikasan ang iba’t ibang lason ni Satanas, matatanto na siya ay hangal at mangmang, at matutukoy ang mahihina at mga negatibong elemento sa kanyang kalikasan. Pagkatapos malaman nang lubusan ang mga ito, at talagang nagagawa mong kamuhian ang sarili mo at talikdan ang laman, palaging isagawa ang salita ng Diyos, at maging handa na lubusang magpasakop sa Banal na Espiritu at sa salita ng Diyos, nasimulan mo nang tumahak sa landas ni Pedro. Kung wala ang biyaya ng Diyos, kung wala ang kaliwanagan at patnubay mula sa Banal na Espiritu, magiging mahirap tahakin ang landas na ito, dahil hindi taglay ng mga tao ang katotohanan at hindi nila magawang pagtaksilan ang kanilang sarili. Ang pagtahak sa landas ng pagiging perpekto ni Pedro ay nakasalalay una sa lahat sa matibay na pagpapasiya, pagkakaroon ng pananampalataya, at pagtitiwala sa Diyos. Bukod dito, kailangang magpasakop ang tao sa gawain ng Banal na Espiritu; sa lahat ng bagay, hindi makakaraos ang tao nang wala ang mga salita ng Diyos. Ito ang mga pangunahing aspeto, at wala ni isa rito ang maaaring labagin. Napakahirap kilalanin ang sarili mula sa karanasan; kung wala ang gawain ng Banal na Espiritu, napakahirap iyong pasukin.

Hinango mula sa “Ang Kilalanin ang Sarili ay Pangunahing Tungkol sa Pagkilala sa Pantaong Kalikasan” sa Mga Talaan ng mga Pananalita ni Cristo ng mga Huling Araw

Para makilala mo ang iyong sarili, kailangan mong malaman ang iyong sariling mga pagpapahayag ng katiwalian, ang malalaki mong kahinaan, ang disposisyon mo, at ang kalikasang diwa mo. Kailangan mo ring malaman, hanggang sa pinakahuling detalye, yaong mga bagay na nahahayag sa iyong pang-araw-araw na buhay—ang iyong mga motibo, mga pananaw, at saloobin sa bawat bagay—nasa bahay ka man o nasa labas, kapag nasa mga pagtitipon ka, kapag kumakain at umiinom ka ng mga salita ng Diyos, o sa bawat isyung kinakaharap mo. Sa pamamagitan ng mga bagay na ito kailangan mong makilala ang iyong sarili. Para makilala mo nang mas malalim ang iyong sarili, kailangan mong sangkapan ang sarili mo ng mga salita ng Diyos; magkakamit ka lamang ng mga resulta kapag nakilala mo ang iyong sarili batay sa Kanyang mga salita. Kapag tumatanggap ng paghatol ng mga salita ng Diyos, hindi tayo dapat matakot sa pagdurusa, ni hindi tayo dapat matakot sa sakit, at mas lalo nang hindi tayo dapat matakot na tumagos sa ating mga puso ang mga salita ng Diyos. Dapat ay basahin natin ang iba pa Niyang mga pahayag tungkol sa kung paano Niya tayo hinahatulan at kinakastigo at inilalantad ang ating mga tiwaling diwa. Kailangan nating basahin ang mga ito at mas sundin pa ang mga ito. Huwag nating ikumpara ang iba sa mga ito—ikumpara natin ang ating sarili sa mga ito. Hindi tayo nagkukulang sa kahit isa sa mga bagay na ito; kaya nating tapatang lahat ito. Kung hindi ka naniniwala rito, humayo ka’t danasin ito mismo. Matapos basahin ang mga salita ng Diyos, walang kakayahan ang ilang tao na iangkop ang mga iyon sa kanilang sarili; akala nila ay hindi tungkol sa kanila ang mga bahagi ng mga salitang ito, kundi sa halip ay tungkol sa ibang mga tao. Halimbawa, kapag inilalantad ng Diyos ang mga tao bilang masasamang babae at mga kalapating mababa ang lipad, nadarama ng ilang kapatirang babae na dahil naging tapat na tapat sila sa kanilang asawa, malamang na hindi tumutukoy sa kanila ang gayong mga salita; nadarama ng ilang kapatirang babae na dahil wala silang asawa at hindi pa nakipagtalik kailanman, malamang na hindi rin tungkol sa kanila ang gayong mga salita. Nadarama ng ilang kapatirang lalaki na para lamang sa mga babae ang mga salitang ito, at walang kinalaman sa kanila; naniniwala ang ilang tao na napakasamang pakinggan ang mga salitang iyon ng Diyos, at ayaw nilang tanggapin ang mga iyon. Mayroon pang mga taong nagsasabi na sa ilang pagkakataon, mali ang mga salita ng Diyos. Ito ba ang tamang saloobin sa mga salita ng Diyos? Hindi kaya ng mga tao na magmuni-muni tungkol sa kanilang sarili batay sa mga salita ng Diyos. Dito, ang “masasamang babae” at “mga kalapating mababa ang lipad” ay tumutukoy sa katiwalian at kawalan ng delikadesa ng mga tao. Lalaki man o babae, may-asawa o wala, lahat ay may taglay na katiwalian ng kawalan ng delikadesa—kaya paano ito mawawalan ng kinalaman sa iyo? Inilalantad ng mga salita ng Diyos ang mga tiwaling disposisyon ng mga tao; lalaki man o babae, pareho ang antas ng katiwalian ng tao. Hindi ba totoo ito? Bago gumawa ng iba pang bagay, dapat nating matanto na kailangan nating tanggapin ang bawat isa sa mga salitang sinambit ng Diyos, masarap mang pakinggan ang mga ito o hindi at nasasaktan man tayo o nasisiyahan. Iyon ang saloobing dapat nating taglayin sa mga salita ng Diyos. Anong uri ng saloobin ito? Ito ba ay isang saloobing makadiyos, isang saloobing mapagpasensya, o isang saloobing tumatanggap ng pagdurusa? Sinasabi Ko sa inyo na hindi ito anuman sa mga ito. Sa ating pananampalataya, kailangan nating matatag na panindigan na ang mga salita ng Diyos ang katotohanan. Dahil ang mga ito nga ang katotohanan, dapat nating tanggapin ang mga ito nang makatwiran. Kinikilala o inaamin man natin ito o hindi, dapat ay lubos na tanggapin ang mga salita ng Diyos. Bawat isang linya ng mga salita ng Diyos ay nauukol sa isang partikular na kalagayan. Ibig sabihin, wala sa mga linya ng Kanyang mga pahayag ang tungkol sa mga panlabas na hitsura, lalo na tungkol sa mga patakarang panlabas o sa isang simpleng klase ng pag-uugali sa mga tao. Hindi ganoon ang mga iyon. Kung sa tingin mo ay tungkol sa simpleng klase ng pag-uugali ng tao o panlabas na hitsura ang bawat linyang binigkas ng Diyos, wala kang espirituwal na pang-unawa at hindi mo nauunawaan kung ano ang katotohanan. Malalim ang mga salita ng Diyos. Paano naging malalim ang mga ito? Lahat ng sinasabi ng Diyos, lahat ng inihahayag Niya, ay tungkol sa mga tiwaling disposisyon ng mga tao, at sa mga bagay na matibay at malalim na nakaugat sa kanilang buhay. Mahalaga ang mga bagay na ito, hindi mga panlabas na hitsura, at lalo nang hindi mga pag-uugali sa labas.

Hinango mula sa “Ang Kahalagahan ng Paghahabol sa Katotohanan at ang Landas ng Paghahabol Dito” sa Mga Talaan ng mga Pananalita ni Cristo ng mga Huling Araw

Kapag binabasa ang mga salita ng Diyos, hindi nakatuon si Pedro sa pag-unawa sa mga doktrina at siya ay lalo pang hindi nakatuon sa pagkakamit ng kaalamang pangteolohiya; sa halip, siya ay nakatuon sa pag-unawa sa katotohanan at pag-unawa sa kalooban ng Diyos, at pagtatamo ng pagkaunawa ng Kanyang disposisyon at ng Kanyang pagiging kaibig-ibig. Sinubukan din niyang unawain ang iba’t ibang tiwaling mga kalagayan ng tao mula sa mga salita ng Diyos, at unawain ang tiwaling kalikasan ng tao at ang tunay na mga pagkukulang ng tao, tinatamo ang lahat ng aspeto ng mga hinihiling ng Diyos sa tao upang mapalugod Siya. Nagkaroon siya ng napakaraming wastong mga pagsasagawa sa loob ng mga salita ng Diyos; ito ay halos naaayon sa kalooban ng Diyos, at ito ang pinakamahusay na pakikipagtulungan ng tao sa kanyang karanasan sa gawain ng Diyos. Habang dumaranas ng daan-daang pagsubok ng Diyos, mahigpit niyang sinuri ang kanyang sarili ayon sa bawat salita ng paghatol ng Diyos sa tao, bawat salita ng paghahayag Niya sa tao, at bawat salita ng Kanyang mga kahilingan sa tao, at sinikap na unawain ang kahulugan ng mga pagbikas na iyon. Masigasig niyang pinagnilayan at isinaulo ang bawat salitang sinabi sa kanya ni Jesus, at napakaganda ng nakamtan niyang mga resulta. Sa ganitong paraan ng pagsasagawa, naunawaan niya ang kanyang sarili mula sa mga salita ng Diyos, at hindi lang ang iba’t ibang tiwaling kalagayan ng tao ang naunawaan niya, kundi pati na ang diwa, likas na pagkatao, at ang iba’t ibang pagkukulang ng tao. Ito ang kahulugan ng tunay na maunawaan ang sarili.

Hinango mula sa “Paano Lakaran Ang Landas ni Pedro” sa Mga Talaan ng mga Pananalita ni Cristo ng mga Huling Araw

Pagdating sa pag-alam sa kalikasan ng tao, ang pinakamahalaga ay makita ito mula sa pananaw ng pagtingin ng tao sa mundo, pagtingin sa buhay, at mga pinahahalagahan. Yaong mga kampon ng diyablo ay nabubuhay na lahat para sa kanilang mga sarili. Ang pagtingin nila sa buhay at mga salawikain ay kalimitang nagmumula sa mga kasabihan ni Satanas, tulad ng, “Bawat tao para sa kanyang sarili at bahala na ang iba.” Ang mga salitang sinambit ng mga diyablong haring iyon, ng matatayog, at ng mga pilosopo sa lupa ay naging ang mismong buhay ng tao. Lalo na, karamihan sa mga salita ni Confucius, na ipinangangalandakan ng mga Chinese na isang “pantas,” ay naging buhay na ng tao. Mayroon ding mga bantog na kasabihan ng Buddhism at Taoism, at ang madalas-sipiin na mga klasikong kasabihan ng iba’t ibang tanyag na tao; lahat ng ito ay mga balangkas ng mga pilosopiya ni Satanas at kalikasan ni Satanas. Ang mga ito rin ang pinakamahusay na paglalarawan at paliwanag tungkol sa kalikasan ni Satanas. Ang mga lason na ito na naipasok sa puso ng tao ay nagmumulang lahat kay Satanas; ni katiting ay walang nagmumula sa Diyos. Ang mga malademonyong salita na iyon ay diretsahan ding kumokontra sa salita ng Diyos. Napakalinaw na ang mga realidad ng lahat ng positibong bagay ay nagmumula sa Diyos, at lahat ng negatibong bagay na iyon na lumalason sa tao ay nagmumula kay Satanas. Samakatuwid, natatalos mo ang kalikasan ng isang tao at kung kanino siya kabilang mula sa pagtingin niya sa buhay at mga pinahahalagahan. Ginagawang tiwali ni Satanas ang mga tao sa pamamagitan ng edukasyon at impluwensiya ng mga pambansang pamahalaan at ng mga sikat at dakila. Ang kanilang mga malademonyong salita ay naging buhay kalikasan na ng tao. Ang “Bawat tao para sa kanyang sarili at bahala na ang iba” ay isang sikat na satanikong kasabihan na naikintal na sa lahat at iyan ay naging buhay na ng tao. May iba pang salita ng pilosopiya para sa pamumuhay na katulad rin nito. Ginagamit ni Satanas ang mainam na tradisyunal na kultura ng bawa’t bayan para turuan ang mga tao, nagsasanhi sa sangkatauhan na mahulog at masadlak sa isang walang-hanggang bangin ng pagkawasak, at sa huli ay winawasak ng Diyos ang tao dahil naglilingkod sila kay Satanas at nilalabanan ang Diyos. Isipin na kunwari’y itinatanong mo ito sa isang tao na maraming taon nang aktibo sa lipunan, “Ipagpalagay nang nabubuhay ka na sa mundo at napakarami mo nang nagawa, anong mga bantog na kasabihan ang batayan mo sa buhay?” Maaaring sabihin niya, “Ang pinakamahalaga ay ‘Hindi gagalawin ng mga opisyal ang mga sipsip sa kanila, at ang mga hindi nambobola ay walang mapapala.’” Hindi ba kumakatawan ang mga salitang ito sa kanyang likas na pagkatao? Naging kalikasan na niya ang walang-pakundangang paggamit ng anumang paraan para makakuha ng katungkulan, at ang pagiging opisyal ang nagbibigay-buhay sa kanya. Marami pa ring satanikong lason sa buhay ng mga tao, sa kanilang pag-uugali at asal; halos wala man lamang silang taglay na katotohanan. Halimbawa, ang mga pilosopiya nila sa pamumuhay, ang kanilang mga paraan ng paggawa ng mga bagay-bagay, at kanilang mga kasabihan ay pawang puno ng mga lason ng malaking pulang dragon, at lahat ng ito ay galing kay Satanas. Kaya, lahat ng dumadaloy sa mga buto at dugo ng mga tao ay pawang kay Satanas. Lahat ng opisyal na iyon, na may kapangyarihan, at yaong mga nagtatagumpay ay may sarili nilang landas at lihim sa tagumpay. Hindi ba lubos na kumakatawan ang mga lihim na iyon sa kanilang likas na pagkatao? Napakalaki ng mga nagawa nila sa mundo, at walang sinumang nakakaaninag sa mga pakana at intrigang nasa likod ng mga iyon. Nagpapakita ito na lubhang masama at makamandag ang kanilang likas na pagkatao. Labis nang nagawang tiwali ni Satanas ang sangkatauhan. Ang kamandag ni Satanas ay dumadaloy sa dugo ng bawat tao, at makikita na ang kalikasan ng tao ay tiwali, masama, at radikal, puno ng at lubos na nakalubog sa mga pilosopiya ni Satanas—ito, sa kabuuan nito, ay isang likas na pagkatao na nagtataksil sa Diyos. Ito ang dahilan kaya nilalabanan at sinasalungat ng mga tao ang Diyos. Madaling makikilala ng tao ang kanyang sarili kung masusuri ang kanyang kalikasan sa ganitong paraan.

Hinango mula sa “Paano Malalaman ang Kalikasan ng Tao” sa Mga Talaan ng mga Pananalita ni Cristo ng mga Huling Araw

Hangga’t hindi nararanasan ng mga tao ang gawain ng Diyos at natatamo ang katotohanan, ang likas na pagkatao ni Satanas ang namamahala at nagdodomina sa kanilang kalooban. Ano ba ang partikular na nakapaloob sa likas na pagkataong iyon? Halimbawa, bakit ka makasarili? Bakit mo pinoprotektahan ang sarili mong katungkulan? Bakit ka mayroong gayon katinding mga damdamin? Bakit ka nasisiyahan sa mga di-matutuwid na bagay na iyon? Bakit gusto mo ang mga kasamaang iyon? Ano ang batayan ng pagkahilig mo sa mga ganoong bagay? Saan nagmumula ang mga bagay na ito? Bakit ka masayang-masaya na tanggapin ang mga ito? Sa ngayon, naunawaan na ninyong lahat na ang pangunahing dahilan sa likod ng lahat ng bagay na ito ay dahil nasa kalooban mo ang lason ni Satanas. Tungkol naman sa kung ano ang lason ni Satanas, lubos itong maipapahayag sa mga salita. Halimbawa, kung tatanungin mo ang ilang masamang tao kung bakit sila gumawa ng kasamaan, sasagot sila: “Dahil ang bawat tao ay para sa kanyang sarili, at bahala na ang iba.” Ipinahahayag ng nag-iisang pariralang ito ang pinakaugat ng problema. Ang lohika ni Satanas ay naging buhay na ng mga tao. Maaari silang gumawa ng mga bagay-bagay para sa ganito at ganoong layunin, ngunit ginagawa lamang nila iyon para sa kanilang sarili. Iniisip ng lahat ng tao na dahil ang bawat tao ay para sa kanyang sarili at bahala na ang iba, dapat mabuhay ang mga tao para sa sarili nilang kapakanan, at gawin ang lahat ng makakaya nila para magkaroon ng magandang posisyon alang-alang sa pagkain at marangyang pananamit. “Bawat tao para sa kanyang sarili at bahala na ang iba”—ito ang buhay at ang pilosopiya ng tao, at kinakatawan din nito ang likas na pagkatao. Ang mga salitang ito ang mismong lason ni Satanas, at kapag isinapuso ito ng mga tao, nagiging kalikasan na nila ito. Ang kalikasan ni Satanas ay inilalantad sa pamamagitan ng mga salitang ito; lubos itong kinakatawan ng mga ito. Ang lasong ito ay nagiging buhay ng mga tao at nagiging pundasyon din nila sa buhay, at ang sangkatauhang ginawang tiwali ay patuloy nang pinangingibabawan ng lasong ito sa loob ng libu-libong taon. Lahat ng ginagawa ni Satanas ay para sa sarili nito. Nais nitong higitan ang Diyos, makalaya sa Kanya, at maging makapangyarihan, at angkinin ang lahat ng nilikha ng Diyos. Samakatuwid, ang likas na katangian ng tao ay likas na katangian ni Satanas. Sa katunayan, marami sa mga kasabihan ng mga tao ay maaaring kumatawan at sumalamin sa kanilang kalikasan. Paano man tangkain ng mga tao na ipagbalatkayo ang kanilang sarili, sa lahat ng ginagawa at sinasabi nila, hindi nila maikukubli kung sino sila. May ilang hindi kailanman nagsasabi ng katotohanan at magaling magkunwari, ngunit kapag matagal-tagal na silang nakasalamuha ng ibang tao, ang kanilang mapanlinlang na kalikasan at lubos na kawalan ng katapatan ay natutuklasan. Sa huli, dumarating ang ibang tao sa sumusunod nakonklusyon: Hindi kailanman nagsasabi nang totoo ang taong ito, at siya ay mapanlinlang. Kinakatawan ng pahayag na ito ang kalikasan ng gayong tao; ito ang pinakamagandang paglalarawan at patunay ng kanilang kalikasang diwa. Ang pilosopiya nila sa pamumuhay ay huwag magsabi ng katotohanan kaninuman, at huwag ding maniwala kaninuman. Nagtataglay ang satanikong kalikasan ng tao ng ganito kadaming pilosopiya. Kung minsan ikaw mismo ay hindi ito namamalayan at hindi ito nauunawaan, subalit bawat sandali ng iyong buhay ay batay rito. Bukod pa riyan, iniisip mo na ang pilosopiyang ito ay lubhang tama at makatwiran, at hindi talaga mali. Sapat na ito para ipakita na naging kalikasan na ng mga tao ang pilosopiya ni Satanas, at lubos na naaayon ang pamumuhay nila dito, at hindi naghihimagsik laban dito ni katiting. Samakatuwid, palagi silang nagpapakita ng kanilang satanikong kalikasan, at sa lahat ng aspeto, palagi silang nabubuhay ayon sa pilosopiya ni Satanas. Ang kalikasan ni Satanas ay buhay ng sangkatauhan.

Hinango mula sa “Paano Lakaran Ang Landas ni Pedro” sa Mga Talaan ng mga Pananalita ni Cristo ng mga Huling Araw

Ano ang pagkaunawa mo sa kalikasan ng tao? Ang talagang ibig sabihin ng maunawaan ang kalikasan mo ay ang paghimay ng kailaliman ng kaluluwa mo; may kinalaman dito kung ano ang nasa buhay mo. Ang lohika at mga pananaw ni Satanas ang ipinamumuhay mo noon pa man; ang ibig sabihin, ang buhay ni Satanas ang ipinamumuhay mo. Mauunawaan mo lamang ang kalikasan mo kung ilalantad mo ang nasa kaibuturan ng iyong kaluluwa. Paano mailalantad ang mga bagay na ito? Hindi mailalantad o mahihimay ang mga ito sa pamamagitan lamang ng isa o dalawang pangyayari; kadalasan, pagkatapos mong matapos ang isang bagay, hindi mo pa rin ito nauunawaan. Maaaring umabot ng tatlo o limang taon bago ka makapagtamo ng kahit katiting na pagkatanto at pagkaunawa. Sa maraming sitwasyon, kailangan mong pagnilayan at makilala ang sarili mo, at makakakita ka lamang ng resulta kapag nagsagawa ka ng malalim na paghuhukay. Habang lumalalim nang lumalalim ang pagkaunawa mo sa katotohanan, unti-unti mong malalaman ang sarili mong kalikasang diwa sa pamamagitan ng pagninilay sa sarili at pagkilala sa sarili. Para malaman mo ang kalikasan mo, kailangan mong magsagawa ng ilang bagay. Una, kailangan mong magkaroon ng malinaw na pagkaunawa kung anong gusto mo. Hindi ito tumutukoy sa gusto mong kainin o isuot; sa halip, tumutukoy ito sa mga uri ng bagay na kinasisiyahan mo, mga bagay na kinaiinggitan mo, mga bagay na sinasamba mo, mga bagay na hinahanap mo, at mga bagay na pinagtutuunan ng puso mo, mga uri ng tao na nasisiyahan kang makaugnayan, mga uri ng bagay na gusto mong gawin, at mga uri ng tao na iniidolo mo sa puso mo. Halimbawa, karamihan sa mga tao ay gusto ang mga taong mataas ang katayuan, mga taong eleganteng magsalita at kumilos, o gusto nila yaong mahuhusay at mapagpuri magsalita o yaong mga mapagkunwari. Ang mga nabanggit ay tungkol sa mga taong gusto nilang makahalubilo. Pagdating naman sa mga bagay na nagpapasaya sa mga tao, kabilang dito ang kahandaang gawin ang ilang bagay na madaling gawin, kasiyahang gawin ang mga bagay na itinuturing ng iba na mabuti at na makapaghihikayat sa mga tao na umawit ng papuri at magbigay ng papuri. Sa kalikasan ng mga tao, may karaniwang katangian ang mga bagay na gusto nila. Ibig sabihin, gusto nila ang mga tao, mga pangyayari at mga bagay na kinaiinggitan ng iba dahil sa mga panlabas na kaanyuan, gusto nila ang mga tao, mga pangyayari at mga bagay na magaganda at mararangya, at gusto nila ang mga tao, mga pangyayari at mga bagay na nagagawa ang ibang sambahin sila dahil sa kanilang mga kaanyuan. Itong mga bagay na kinagigiliwan ng mga tao ay magaganda, maniningning, maririkit, at mariringal. Sinasamba ng lahat ng tao ang mga ito. Makikita na ang mga tao ay hindi nagtataglay ng anumang katotohanan, at wala ring wangis ng mga tunay na tao. Wala ni katiting na kabuluhan sa pagsamba sa mga bagay na ito, subalit gusto pa rin ito ng mga tao. Ang mga bagay na ito na gusto ng mga tao ay tila lalo nang mabuti sa mga hindi naniniwala sa Diyos, at lalo na silang handang hanapin ang mga bagay na ito. … Ang maghangad sa mga bagay na ito ay ang magpagulong-gulong sa putik kasama ang mga makamundong tao. Kinamumuhian ito ng Diyos. Wala itong katotohanan, wala itong pagkatao, at ito ay sataniko. Ganito ang tumuklas ng kalikasan ng isang tao mula sa kanyang mga kagustuhan. Maaaring makita ang mga kagustuhan ng mga tao sa paraan ng kanilang pananamit: Ang ilang tao ay handang magsuot ng nakakaakit ng pansin, makukulay na damit, o mga kakaibang kasuotan. Magsusuot sila ng mga aksesorya na wala pang sinumang nakapagsuot noon, at gusto nila ang mga bagay na makakaakit sa kasalungat na kasarian. Ang pagsusuot nila ng mga damit at aksesoryang ito ay nagpapakita ng kagustuhan nila para sa mga bagay na ito sa kanilang buhay at sa kaibuturan ng kanilang puso. Hindi marangal o disente ang mga bagay na gusto nila. Ang mga ito ay hindi ang mga bagay ng isang tunay na tapat na tao. Mayroong pagiging hindi matuwid sa pagkakagusto nila sa mga ito. Ang kanilang pananaw ay kaparehong-kapareho ng sa mga makamundong tao. Hindi makikita ng isang tao ang pinakamaliit na katotohanan sa kanila. Samakatuwid, ang gusto mo, ang pinagtutuunan mo, ang sinasamba mo, ang kinaiinggitan mo, at ang iniisip mo sa iyong puso araw-araw ay lahat kinakatawan ang iyong kalikasan. Sapat na ito para patunayan na kinagigiliwan ng kalikasan mo ang kasamaan, at sa mga seryosong sitwasyon, masama at wala nang lunas ang kalikasan mo. Dapat mong suriin ang kalikasan mo sa ganitong paraan; ibig sabihin, siyasatin mo ang kinagigiliwan mo at ang tinatalikdan mo sa buhay mo. Maaring mabait ka sa isang tao sa isang panahon, nguni’t hindi nito pinatutunayan na kinagigiliwan mo sila. Ang tunay na kinagigiliwan mo ay kung ano eksakto ang nasa kalikasan mo, kahit pa mabali ang mga buto mo, masisiyahan ka pa rin dito at hindi mo ito matatalikdan kailanman. Ito ay hindi madaling baguhin. Pag-usapan natin ang paghahanap ng mapapangasawa, halimbawa. Kung talagang umibig ang isang babae sa isang tao, kung gayon walang makakapigil sa kanya. Kahit baliin ang kanyang mga binti, gugustuhin pa rin niyang makasama siya; gugustuhin niyang magpakasal sa kanya kahit nangahulugang kailangang mamatay siya. Paano nangyari ito? Ito ay dahil walang makapagpapabago sa nasa kaibuturan ng mga tao. Kahit namatay ang isang tao, parehong mga bagay pa rin ang gugustuhin ng kanyang kaluluwa; likas na sa tao ang mga bagay na ito, at kumakatawan ang mga ito sa pinakadiwa ng isang tao. Ang mga bagay na kinagigiliwan ng mga tao ay naglalaman ng kaunting kasamaan. Halata sa ilan ang pagkagiliw nila sa mga bagay na iyon, samantalang sa iba ay hindi; ang ilan ay napakalaki ng pagkagusto sa mga ito, samantalang ang iba ay hindi; napipigil ng ilang tao ang kanilang sarili, samantalang hindi mapigil ng iba ang kanilang sarili. Malamang na mabaon ang ilang tao sa mga bagay ng kadiliman, na nagpapatunay na wala silang taglay ni katiting na buhay. Kung hindi nagiging abala at napipilitan ang mga tao sa mga bagay na iyon, pinatutunayan niyan na nagbago na nang kaunti ang kanilang mga disposisyon at na mayroon silang kaunting tayog. Nauunawaan ng ilang tao ang ilang katotohanan at nadarama na mayroon silang buhay at na mahal nila ang Diyos. Sa katunayan, napakaaga pa, at ang pagdanas ng pagbabago sa disposisyon ng isang tao ay hindi isang simpleng bagay. Madali bang unawain ang kalikasan ng tao? Kahit naunawaan mo ito nang kaunti, hindi magiging madaling magbago. Ito ay isang bahaging mahirap para sa mga tao. Paano man maaaring magbago ang mga tao, usapin, o bagay-bagay sa iyong paligid at paano man bumaligtad ang mundo, kung ginagabayan ka ng katotohanan mula sa loob, kung nag-ugat na ito sa iyong loob at ginagabayan ng mga salita ng Diyos ang buhay mo, mga kagustuhan mo, mga karanasan mo at pag-iral mo, sa puntong iyon ay tunay ka nang nagbago. Ngayon, ang tinatawag na pagbabagong ito ay bahagyang pagtutulungan lamang ng mga tao at pagkakaroon ng kaunting kasigasigan at pananampalataya, ngunit hindi ito maituturing na pagbabago at hindi nito pinatutunayan na may buhay ang mga tao; mga kagustuhan lamang ito ng mga tao—wala nang iba.

Bukod sa pagtuklas sa mga bagay na kinagigiliwan ng mga tao sa kanilang likas na pagkatao, kailangan ding tuklasin ang iba pang aspetong may kinalaman sa kanilang likas na pagkatao. Halimbawa, ang mga pananaw ng mga tao sa mga bagay-bagay, ang mga pamamaraan at mga mithiin ng mga tao sa buhay, ang mga pinahahalagahan ng mga tao sa buhay at mga pananaw sa buhay, pati na rin ang mga pananaw nila tungkol sa lahat ng bagay na may kaugnayan sa katotohanan. Lahat ng ito ay umiiral sa kaibuturan ng kaluluwa ng mga tao at may direktang kaugnayan ang mga ito sa pagbabago ng disposisyon. Ano, kung gayon, ang pananaw sa buhay ng tiwaling sangkatauhan? Masasabi na ito iyon: “Bawat tao para sa kanyang sarili at bahala na ang iba.” Lahat ng tao ay nabubuhay para sa kanilang sarili; sa mas malinaw na salita, nabubuhay sila para sa laman. Nabubuhay sila para lamang kumain. Paano naiiba ang pag-iral na ito sa pag-iral ng mga hayop? Walang anumang halaga sa pamumuhay nang ganito, at lalong wala itong anumang kabuluhan. Ang pananaw sa buhay ng isang tao ay tungkol sa kung saan ka umaasa para mabuhay sa mundo, para saan ka nabubuhay, at paano ka namumuhay—at ang mga ito ay lahat ng bagay na dapat gawing may pinakadiwa ng likas na pagkatao ng tao. Sa pamamagitan ng pagsusuri sa likas na pagkatao ng mga tao, makikita mo na lahat ng tao ay nilalabanan ang Diyos. Mga diyablo silang lahat at wala talagang mabuting tao. Sa pamamagitan lamang ng pagsusuri sa likas na pagkatao ng mga tao mo malalaman ang diwa at katiwalian ng tao at mauunawaan kung saan talaga nabibilang ang mga tao, ano talaga ang kulang sa mga tao, ano ang dapat nilang isangkap sa kanilang sarili, at paano sila dapat mamuhay na kawangis ng tao. Hindi madaling tunay na suriin ang likas na pagkatao ng isang tao, at hindi ito magagawa nang hindi nararanasan ang mga salita ng Diyos o nagkakaroon ng tunay na mga karanasan.

Hinango mula sa “Ang Dapat Malaman Tungkol sa Pagbabago ng Disposisyon ng Isang Tao” sa Mga Talaan ng mga Pananalita ni Cristo ng mga Huling Araw

Kung uunawain ng mga tao ang kanilang mga sarili, dapat nilang unawain ang tunay nilang mga katayuan. Ang pinakamahalagang aspeto ng pag-unawa sa sariling katayuan ng isa ay ang magkaroon ng pagtangan sa sariling mga kaisipan at mga ideya. Sa bawa’t sakop ng panahon, ang mga kaisipan ng mga tao ay pigil ng isang pangunahing bagay. Kung nagagawa mong maunawaan ang pag-iisip mo, nagagawa mong maunawaan ang mga bagay na nasa likod ng mga ito. Hindi nakokontrol ng mga tao ang mga kaisipan at ideya nila. Gayunman, kailangan mong malaman kung saan nagmumula ang mga kaisipan at ideyang ito, ano ang mga motibo sa likod ng mga ito, paano nabubuo ang mga kaisipan at ideyang ito, ano ang kumokontrol sa kanila, at ano ang kalikasan nila. Kapag nagbago na ang iyong disposisyon, ang iyong mga kaisipan at ideya, ang mga hangarin ng iyong puso, at mga pananaw mo tungkol sa tunguhin—na nabuo mula sa mga bahagi mo na nabago na—ay mag-iiba. Yaong mga kaisipan at ideyang nanggagaling sa mga bahagi mo na hindi pa nagbago, ang mga bagay na hindi mo malinaw na nauunawaan, at ang mga bagay na hindi mo pa napapalitan ng mga karanasan sa katotohanan ay marurumi, madudungis, at pangit. Ang mga tao ngayon, na ilang taon nang nakaranas ng gawain ng Diyos, ay may kaunting pagkaunawa at kamalayan sa mga bagay na ito. Hindi pa nauunawaan ng mga nakaranas na ng gawain ng Diyos sa loob ng maikling panahon ang mga bagay na ito; hindi pa ito malinaw sa kanila. Hindi nila alam kung nasaan ang kanilang kahinaan o kung saang parte sila madaling babagsak. Hindi ninyo alam sa kasalukuyan kung anong klaseng tao kayo, at kahit bahagyang nakikita ng ibang tao kung anong klaseng tao kayo, hindi ninyo iyon nararamdaman. Hindi ninyo malinaw na natutukoy ang mga karaniwang kaisipan o intensyon ninyo, at hindi ninyo malinaw na nauunawaan kung ano ang diwa ng mga bagay na ito. Habang lalo mong nauunawaan ang isang aspeto, lalo kang magbabago sa aspetong iyon; sa gayon, ang mga bagay na ginagawa mo ay magiging alinsunod sa katotohanan, matutugunan mo ang mga hinihingi ng Diyos, at magiging mas malapit ka sa Kanyang kalooban. Sa paghahangad lamang sa ganitong paraan ka magtatamo ng mga resulta.

Hinango mula sa “Ang mga Taong Gumagawa ng Palagiang Paghingi sa Diyos ang Pinaka-hindi-makatwirang mga Tao” sa Mga Talaan ng mga Pananalita ni Cristo ng mga Huling Araw

Ang susi sa pagmumuni-muni-sa-sarili at pagkilala sa iyong sarili ay ito: Kapag mas nararamdaman mong nakagawa ka ng mabuti sa ilang tukoy na larangan o nagawa ang tama, at kapag mas naiisip mong nabibigyang-kasiyahan mo ang kalooban ng Diyos o kaya mong magmalaki sa ilang aspeto, mas karapat-dapat para sa iyo na kilalanin ang iyong sarili sa mga larangang iyon at mas karapat-dapat para sa iyo na saliksikin pang mabuti ang mga iyon para makita kung anong mga karumihan ang naroon sa iyo, at kung anong mga bagay sa iyo ang hindi makakapagbigay-kasiyahan sa kalooban ng Diyos. Gawin nating halimbawa si Pablo. Si Pablo ay lubhang maalam na tao, at dumanas siya ng maraming paghihirap sa kanyang pangangaral. Siya ay minahal nang lubos ng maraming tao. Bilang resulta, pagkatapos niyang makumpleto ang maraming gawain, ipinagpalagay niya na magkakaroon ng nakalaan na korona para sa kanya. Dahil dito, lalo’t lalo niyang natahak ang maling landas, hanggang sa huli ay pinarusahan siya ng Diyos. Kung pinagnilayan at sinuri niya nang husto ang kanyang sarili noong panahong iyon, hindi niya sana naisip iyon. Sa madaling salita, hindi nagtuon si Pablo sa paghahanap ng katotohanan sa mga salita ng Panginoong Jesus; naniwala lamang siya sa mga sarili niyang kuru-kuro at haka-haka. Inakala niya na hangga’t gumagawa siya ng ilang mabubuting bagay at nagpapakita ng magandang asal, pupurihin siya at gagantimpalaan ng Diyos. Sa huli, binulag ng mga sarili niyang kuru-kuro at guni-guni ang kanyang espiritu at tinakpan ng mga ito ang tunay niyang mukha. Gayunpaman, hindi ito alam ng mga tao, at dahil hindi ito nailantad ng Diyos, patuloy nilang itinakda si Pablo bilang isang pamantayang dapat abutin, isang halimbawa sa pamumuhay, at itinuring nila siya na siyang hinahangad nilang maging katulad at bilang pakay ng kanilang pagsisikap, at bilang isang taong dapat tularan. Ang kuwentong ito tungkol kay Pablo ay nagsisilbing babala para sa lahat ng nananalig sa Diyos, na tuwing nadarama natin na may nagawa tayong talagang maganda, o naniniwala tayo na talagang may talento tayo sa isang bagay, o iniisip natin na hindi natin kailangang magbago o mapakitunguhan sa isang bagay, dapat nating sikaping magnilay at kilalanin ang ating sarili sa aspetong iyon; napakahalaga nito. Ito ay dahil talagang hindi mo pa natutuklasan, napapansin, o nasusuri ang mga aspeto ng iyong sarili na pinaniniwalaan mo na maging mabuti, upang tingnan kung talagang mayroon o walang anuman doon na kumakalaban sa Diyos.

Hinango mula sa “Makikilala Mo ang Iyong Sarili sa Pamamagitan Lamang ng Pagkilala sa Iyong mga Maling Pananaw” sa Mga Talaan ng mga Pananalita ni Cristo ng mga Huling Araw

Paano mo masasabi kung ano ang diwa ng isang tao? Hindi mo masasabi kung ano ang kalikasang diwa ng tao kapag wala silang ginagawa o kapag walang-kuwenta ang kanilang ginagawa. Nakikita ang mga ito sa regular na inihahayag nila, sa mga motibo sa likod ng kanilang mga ikinikilos, sa mga layon sa likod ng kanilang ginagawa, sa mga hangaring kinikimkim nila, at sa landas na kanilang tinatahak. Ang mas mahalaga pa, nakikita ang mga bagay na ito sa kanilang reaksyon kapag nakakaranas sila ng isang sitwasyong ipinlano ng Diyos, kapag nakakaranas sila ng isang bagay na personal na ginawa sa kanila ng Diyos, kapag sila ay sinusubok at pinipino, o hinarap at pinungos, o kung hindi nama’y kapag personal silang nililiwanagan at ginagabayan ng Diyos. Saan nauugnay ang lahat ng ito? Nauugnay ito sa mga kilos ng isang tao, sa paraan ng kanilang pamumuhay, at sa mga prinsipyong sinusunod nila sa kanilang pag-uugali. Nauugnay rin ito sa direksyon at mga mithiin ng kanilang mga sinisikap na matamo, at sa mga pamamaraan kung paano nila ito sinisikap na matamo. Sa madaling salita, may kaugnayan ito sa landas na tinatahak ng taong ito, kung paano sila nabubuhay, ano ang ipinamumuhay nila, at ano ang batayan ng kanilang pag-iral.

Hinango mula sa “Paano Makikilala ang Kalikasang Diwa ni Pablo” sa Mga Talaan ng mga Pananalita ni Cristo ng mga Huling Araw

Mapeperpekto ng Diyos ang tao kapwa sa positibo at negatibong mga aspeto. Nakasalalay ito sa kung nagagawa mong makaranas, at kung hinahangad mong maperpekto ng Diyos. Kung tunay mong hinahangad na maperpekto ng Diyos, ang negatibo ay hindi ka magagawang dumanas ng kawalan, kundi maaaring maghatid sa iyo ng mga bagay na mas totoo, at magawa kang mas alam yaong wala sa iyong kalooban, mas nakauunawa sa iyong tunay na kalagayan, at nakikita na walang kahit ano ang tao, at balewala siya; kung hindi ka dumaranas ng mga pagsubok, hindi mo alam, at palagi mong madarama na nakahihigit ka sa iba at mas mahusay ka kaysa sa lahat ng iba pa. Sa lahat ng ito makikita mo na lahat ng dumating noon ay ginawa ng Diyos at protektado ng Diyos. Ang pagpasok sa mga pagsubok ay iniiwan kang walang pagmamahal o pananampalataya, kulang ka sa panalangin at hindi mo nagagawang umawit ng mga himno, at hindi mo namamalayan, sa gitna nito ay nakikilala mo ang iyong sarili. Maraming paraan ang Diyos para maperpekto ang tao. Ginagamit Niya ang lahat ng uri ng sitwasyon para pakitunguhan ang tiwaling disposisyon ng tao, at gumagamit ng iba’t ibang bagay upang ilantad ang tao; sa isang bagay, pinakikitunguhan Niya ang tao, sa isa pa ay inilalantad Niya ang tao, at sa isa pa ay ibinubunyag Niya ang tao, hinuhukay at ibinubunyag ang “mga hiwaga” sa kaibuturan ng puso ng tao, at ipinakikita sa tao ang kanyang kalikasan sa pamamagitan ng paghahayag sa marami sa kanyang mga kalagayan. Pineperpekto ng Diyos ang tao sa pamamagitan ng maraming pamamaraan—sa pamamagitan ng paghahayag, pakikitungo, pagpipino, at pagkastigo sa tao—para malaman ng tao na ang Diyos ay praktikal.

— Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Yaon Lamang mga Nakatuon sa Pagsasagawa ang Mapeperpekto

Sa isang banda, sa panahon ng mga pagsubok ng Diyos nalalaman ng tao ang kanyang mga kakulangan at nakikita na siya ay walang kabuluhan, kasuklam-suklam, at mababa, na siya ay walang anuman, at walang halaga; sa kabilang dako, sa panahon ng Kanyang mga pagsubok gumagawa ang Diyos ng iba’t ibang sitwasyon para sa tao kaya mas nararanasan ng tao ang pagiging kaibig-ibig ng Diyos. Bagama’t ang pagdurusa ay matindi, at kung minsan ay hindi makayanan—hanggang sa antas ng nakapanlulumong pagdadalamhati—sa pagdanas nito, nakikita ng tao kung gaano kaibig-ibig ang gawain ng Diyos sa kanya, at sa pundasyong ito lamang nagkakaroon ang tao ng tunay na pagmamahal sa Diyos. Nakikita ngayon ng tao na kung may biyaya, pag-ibig, at awa lamang ng Diyos, wala siyang kakayahan na tunay na makilala ang sarili niya, at lalong hindi niya kayang malaman ang diwa ng tao. Sa pamamagitan lamang kapwa ng pagpipino at paghatol ng Diyos, at sa proseso ng pagpipino mismo, maaaring malaman ng tao ang kanyang mga kakulangan, at malaman na wala siyang anuman.

— Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Sa Pagdanas Lamang ng Masasakit na Pagsubok Mo Malalaman ang Pagiging Kaibig-ibig ng Diyos

Hindi masamang mabigo at madapa nang maraming beses; gayundin ang malantad. Napangaralan ka man, tinabas, o nalantad, kailangan mong tandaan ito sa lahat ng oras: Hindi komo inilalantad ka ay isinusumpa ka na. Mabuting bagay ang malantad; ito ang pinakamagandang pagkakataon para makilala mo ang iyong sarili. Maaari nitong baguhin ang karanasan mo sa buhay. Kung wala ito, hindi ka magkakaroon ng pagkakataon, ng kundisyon, ni ng konteksto para maunawaan mo ang katotohanan ng iyong katiwalian. Kung malalaman mo ang nasa iyong kalooban, lahat ng aspetong iyon na nakatago sa iyong kaibuturan na mahirap mapansin at matuklasan, mabuti iyan. Ang tunay na makilala ang iyong sarili ang pinakamagandang pagkakataon para mabago mo ang iyong mga pag-uugali at maging isa kang bagong tao; ito ang pinakamagandang oportunidad para magkaroon ka ng bagong buhay. Kapag tunay mong nakilala ang iyong sarili, makikita mo na kapag ang katotohanan ay naging buhay ng isang tao, mahalagang bagay iyon talaga, at mauuhaw ka sa katotohanan at papasok sa realidad. Napakagandang bagay niyan! Kung maaari mong samantalahin ang pagkakataong iyan at taimtim kang magninilay-nilay sa iyong sarili at magtatamo ng tunay na kaalaman tungkol sa iyong sarili tuwing ikaw ay mabibigo o madadapa, sa kabila ng pagiging negatibo at kahinaan, magagawa mong tumayong muli. Kapag nakaraan ka na sa pintuang ito, makakaya mo nang gumawa ng malaking hakbang at pumasok sa katotohanang realidad.

Hinango mula sa “Para Tamuhin ang Katotohanan, Dapat Matuto Ka mula sa mga Tao, mga Pangyayari, at mga Bagay sa Paligid Mo” sa Mga Talaan ng mga Pananalita ni Cristo ng mga Huling Araw

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman