Ano ang pagsanib ng mga demonyo at ano ang mga pagpapamalas ng pagsanib ng demonyo

Abril 21, 2018

Nauugnay na mga Salita ng Diyos:

Kung, sa kasalukuyan, mayroong isang taong lalabas na kayang magpakita ng mga tanda at mga kababalaghan, magtaboy ng mga demonyo, magpagaling ng mga may sakit, at gumawa ng maraming himala, at kung ang taong ito ay inangking siya si Jesus na dumating, isa itong huwad na ginawa ng mga masasamang espiritung gumagaya kay Jesus. Tandaan ito! Hindi inuulit ng Diyos ang magkaparehong gawain. Nakumpleto na ang yugto ng gawain ni Jesus, at hindi na muling pangangasiwaan ng Diyos ang yugtong iyon ng gawain. Ang gawain ng Diyos ay hindi maipagkakasundo sa mga kuru-kuro ng tao; halimbawa, hinulaan ng Lumang Tipan ang pagdating ng isang Mesiyas, at ang resulta ng propesiyang ito ay ang pagdating ni Jesus. Yamang nangyari na ito, magiging mali na may panibagong Mesiyas na darating. Dumating nang minsan si Jesus, at magiging mali kung darating pang muli si Jesus sa oras na ito. Mayroong isang pangalan para sa bawat kapanahunan, at nagtataglay ang bawat pangalan ng paglalarawan ng kapanahunang ito. Sa mga kuru-kuro ng tao, dapat palaging magpakita ang Diyos ng mga tanda at mga kababalaghan, dapat palaging magpagaling ng mga may sakit at magtaboy ng mga demonyo, at dapat palaging maging katulad ni Jesus. Subalit sa oras na ito, hindi ganoon ang Diyos. Kung, sa mga huling araw, nagpapakita pa rin ang Diyos ng mga tanda at mga kababalaghan, at nagtataboy pa rin ng mga demonyo at nagpapagaling ng mga may sakit—kung gagawin Niya ang eksaktong ginawa ni Jesus—uulitin ng Diyos ang kaparehong gawain, at mawawalan ng kabuluhan o halaga ang gawain ni Jesus. Kaya naman, isinasakatuparan ng Diyos ang isang yugto ng gawain sa bawat kapanahunan. Kapag natapos na ang bawat yugto ng gawain Niya, agad itong ginagaya ng mga masasamang espiritu, at pagkatapos simulang sundan ni Satanas ang mga yapak ng Diyos, lumilipat ang Diyos tungo sa ibang kaparaanan. Kapag natapos na ng Diyos ang isang yugto ng gawain Niya, ginagaya ito ng mga masasamang espiritu. Dapat malinaw kayo tungkol dito.

— Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Pag-alam sa Gawain ng Diyos Ngayon

May ilang sinasaniban ng masasamang espiritu at malakas na sumisigaw ng, “Ako ang Diyos!” Ngunit sa katapusan, sila ay nabubunyag dahil sila ay mali sa kanilang kinakatawan. Kinakatawan nila si Satanas, at hindi sila binibigyang-pansin ng Banal na Espiritu. Gaano man kataas ang pagpapahalaga mo sa iyong sarili o gaano ka man kalakas sumigaw, ikaw ay isang nilalang pa rin at isa na nabibilang kay Satanas. Kailanman ay hindi Ako sumisigaw ng, “Ako ang Diyos, Ako ang sinisintang Anak ng Diyos!” Ngunit ang gawaing ginagawa Ko ay gawain ng Diyos. Kailangan Ko bang sumigaw? Hindi kailangan ang pagpaparangal. Ginagawa ng Diyos Mismo ang Kanyang gawain at hindi kailangan ng tao na bigyan Siya ng isang katayuan o kagalang-galang na titulo: kinakatawan na ng Kanyang gawain ang Kanyang pagkakakilanlan at katayuan. Bago ang Kanyang bautismo, hindi ba’t si Jesus ang Diyos Mismo? Hindi ba’t Siya ang nagkatawang-taong Diyos? Tiyak na hindi maaaring sabihin na naging tanging Anak ng Diyos lamang Siya pagkatapos Niyang napatotohanan? Wala bang tao na may pangalang Jesus sa matagal na panahon bago Siya nagsimula ng Kanyang gawain? Hindi mo kayang maghatid ng mga bagong landas o kumatawan sa Espiritu. Hindi mo kayang ipahayag ang gawain ng Espiritu o ang mga salita na sinasabi Niya. Hindi mo kayang gawin ang gawain ng Diyos Mismo o yaong sa Espiritu. Ang karunungan, pagiging kamangha-mangha, at pagiging di-maarok ng Diyos, at ang buong disposisyon sa pagkastigo ng Diyos sa tao—lahat ng ito ay higit sa iyong kakayahang magpahayag. Kaya walang saysay na angkinin mo na ikaw ang Diyos; magkakaroon ka lamang ng pangalan ngunit hindi ng diwa. Dumating na ang Diyos Mismo, ngunit walang nakakakilala sa Kanya, gayunman patuloy Siya sa Kanyang gawain at ginagawa ang gayon sa pagkatawan sa Espiritu. Tawagin mo man Siyang tao o Diyos, ang Panginoon o Cristo, o tawagin Siyang kapatid na babae, hindi ito mahalaga. Ngunit ang gawaing ginagawa Niya ay yaong sa Espiritu at kumakatawan sa gawain ng Diyos Mismo. Wala Siyang pakialam sa pangalan na itinatawag sa Kanya ng tao. Puwede bang matukoy ng pangalang iyon ang Kanyang gawain? Anuman ang itawag mo sa Kanya, sa pananaw ng Diyos, Siya ang nagkatawang-taong laman ng Espiritu ng Diyos; kinakatawan Niya ang Espiritu at sinasang-ayunan ng Espiritu. Kung hindi mo kayang gumawa ng daan para sa isang bagong kapanahunan, o dalhin ang dati sa katapusan, o maghatid ng isang bagong kapanahunan o gumawa ng bagong gawain, hindi ka maaaring tawaging Diyos!

— Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Hiwaga ng Pagkakatawang-tao 1

Sinasabi ng ilang tao na gumagawa sa kanila ang Banal na Espiritu sa lahat ng oras. Imposible ito. Kung sasabihin nila na palaging sumasakanila aang Banal na Espiritu, makatotohanan iyon. Kung sasabihin nila na ang kanilang pag-iisip at katinuan ay normal sa lahat ng oras, makatotohanan din iyon, at ipakikita na sumasakanila ang Banal na Espiritu. Kung sinasabi nila na palaging gumagawa ang Banal na Espiritu sa kalooban nila, na nililiwanagan sila ng Diyos at inaantig ng Banal na Espiritu sa bawat sandali, at nagtatamo ng bagong kaalaman sa lahat ng oras, talagang hindi ito normal! Lubos itong higit sa karaniwan! Walang kaduda-duda, masasamang espiritu ang gayong mga tao! Kahit kapag pumapasok ang Espiritu ng Diyos sa katawang-tao, may mga pagkakataon na kailangan Niyang kumain at kailangang magpahinga—bukod pa riyan ang mga tao. Yaong mga nasaniban ng masasamang espiritu ay parang walang kahinaan ng katawan. Nagagawa nilang talikdan at isuko ang lahat, wala silang damdamin, kaya nilang tiisin ang pagdurusa at hindi nakadarama ni katiting na pagod, na parang napangibabawan na nila ang katawan. Hindi ba ito lubos na higit sa karaniwan? Ang gawain ng masasamang espiritu ay hindi karaniwan—walang taong makakagawa ng gayong mga bagay! Yaong mga walang paghiwatig ay naiinggit kapag nakikita nila ang gayong mga tao: Sinasabi nila na napakalakas ng kanilang pananalig sa Diyos, may malaking pananampalataya, at hindi nagpapakita ni katiting na tanda ng kahinaan! Sa katunayan, lahat ng ito ay pagpapamalas ng gawain ng isang masamang espiritu. Sapagkat, ang mga normal na tao ay walang pagsalang may mga kahinaan ng tao; ito ang normal na kalagayan ng yaong mga may presensya ng Banal na Espiritu.

— Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Pagsasagawa 4

Kapag walang lumilitaw na mga usapin, may ilang mga taong sadyang normal, na nagsasalita at nakikipag-usap nang sadyang normal, na tila normal, at hindi gumagawa ng anumang masamang bagay. Subalit kapag binabasa ang mga salita ng Diyos sa mga pagtitipon, kapag ibinabahagi na ang katotohanan, bigla silang nagsisimulang umasal nang hindi normal. Hindi makaya ng ilan na makinig, inaantok ang ilan at nagkakasakit naman ang ilan, sinasabing masama ang kanilang pakiramdam at hindi na nila nais pang makinig. Sa gayon, ganap na wala silang kamalayan—ano ba talaga ang nangyayari rito? Sinapian sila ng masamang espiritu. Kapag sinapian sila ng masamang espiritu, bakit patuloy nilang sinasabi ang mga salitang, “Ayokong marinig ito”? Kung minsan, hindi makayang unawain ng mga tao kung ano ang nangyayari rito, subali’t malinaw na malinaw ito sa isang masamang espiritu. Ito ang espiritu na nakapaloob sa mga anticristo. Tinatanong mo sila kung bakit galit na galit sila sa katotohanan, at sinasabi nilang hindi naman, at mariin nilang tinatanggihang kilalanin ito. Ngunit sa kanilang mga puso, alam nilang hindi nila mahal ang katotohanan. Kapag hindi binabasa ang mga salita ng Diyos, tila sila normal tuwing nakikihalubilo sa iba. Hindi mo malalaman kung ano ang nasasaloob nila. Kapag sinusubukan at binabasa nila ang mga salita ng Diyos, lumalabas ang mga salitang “Ayokong marinig ito”; nalantad na ang kanilang kalikasan, at ganito sila. Ginalit ba sila ng mga salita ng Diyos, o inilantad sila, o tinamaan sila kung saan masakit? Wala isa man sa mga nabanggit. Ang nangyari ay kapag nagbabasa ang lahat ng mga salita ng Diyos, sinasabi nila na ayaw nilang marinig ito. Hindi ba’t masasama sila? Ano ang ibig sabihin ng maging masama? Ibig sabihin nito ay galit na galit ka sa isang bagay at sa mga positibong bagay nang walang malinaw na dahilan at hindi man lamang alam kung bakit. Sinasabi nila, “Sa sandaling naririnig ko ang mga salita ng Diyos, ayaw kong marinig ang mga ito; sa sandaling naririnig ko ang mga patotoo sa Diyos, nakararamdam ako ng pag-ayaw, at hindi ko man lang alam kung bakit. Kapag nakikita ko ang sinuman na hinahanap ang katotohanan, o nagmamahal sa katotohanan, gusto ko silang hamunin, ibig ko silang laging pagalitan, gawan sila ng pinsala kapag nakatalikod sila, ibig ko silang patayin.” Sa pagsasabi nito, sila ay masasama.

Hinango mula sa “Sila ay Masasama, Mapanganib, at Mapanlinlang (I)” sa Paglalantad sa mga Anticristo

Nakakita na ba kayo ng gayong pulutong ng mga anticristo na katulad nito? Ano ang pakiramdam mo kapag kasama mo sila? Sa tingin, tila maamo silang lahat—ngunit kapag ibinahagi mo sa kanila ang katotohanan at ang kalooban ng Diyos, ganap na salungat ang ipinapakita nilang saloobin kaysa sa ipinapakita nilang panlabas na kaamuan, ibig sabihin, ayaw na ayaw nila roon at hinding-hindi sila interesado. Kapag ibinabahagi mo sa kanila ang katotohanan, pakiramdam nila ay hindi ka kabilang sa kanila, at kapag ibinabahagi mo ang gawain ng iglesia, tumitindi ang pakiramdam nilang iyon; kapag ibinahagi mo kung naisagawa na ang partikular na mga detalye ng gawain ng iglesia, at kung gaano kahusay na naisagawa ang mga iyon, malamang na makatulog sila at magpakita ng kademonyohan, magkakamot sila ng ulo at maglilinis ng kanilang mga tainga, maghihikab, maluluha, baka nga mabahin pa. Hindi ba ito pagsanib ng masamang espiritu? Bakit lumalabas ang kanilang kademonyohan sa sandaling ibahagi mo ang katotohanan? Wala bang pagmamahal sa kanilang puso ang bawat isa sa kanila? Paano sila nawawalan ng interes kapag nagsisimula ka nang magbahagi tungkol sa katotohanan? Hindi ba sila nalalantad dahil doon? Wala ba silang malaking kasigasigan at dedikasyon sa pagsasagawa ng mga gawaing panlabas? At kung sila ay dedikado, hindi ba sila nagtataglay ng realidad? Kung mayroon silang realidad, dapat ay masaya silang marinig ang mga tao na ibinabahagi ang katotohanan, dapat nilang panabikan ito. Kaya bakit nangyayari ang pagsanib ng masasamang espiritu? Pinatutunayan nito na ganap na huwad ang kanilang kadalasang kaamuan—nailantad na sila ng katotohanan.

Hinango mula sa “Itinuturing Nila ang Sambahayan ng Diyos na Parang Sarili Nilang Personal na Pamamahay” sa Paglalantad sa mga Anticristo

Para ang mga kapatid ay makakilala at matuto ng praktikal na aral, ipinlano ng Diyos na mamuhay sa piling nila ang isang taong nasapian ng demonyo. Sa simula, ang paraan ng pagsasalita at paggawa ng taong ito ng mga bagay-bagay ay normal, gayundin ang kanilang pangangatwiran; hindi man lamang siya mukhang namomroblema. Ngunit pagkaraan ng isang panahon ng pakikipag-ugnayan, natuklasan ng mga kapatid na lahat ng sinabi niya ay tila lihis sa punto—walang patutunguhan. Kalaunan, nangyari ang ilang bagay na “supernatural”: Palagi niyang sinasabi sa mga kapatid na nakita niya ito o iyon, o na inihayag ng Diyos ang ganito o ganoon sa kanya. Isang araw, halimbawa, inihayag sa kanya ng Diyos na kailangan niyang gumawa ng siopao—kinailangan niyang gawin iyon—at kinabukasan pagkatapos niyon, ang nangyari, kinailangan niyang lumabas, kaya dinala niya ang mga siopao at hindi na kinailangang gumawa ng anumang iba pang pagkain. Kinabukasan, inihayag sa kanya ng Diyos sa isang panaginip na kailangan niyang pumunta sa timog; may naghihintay sa kanya anim na milya mula roon. Nagpunta siya para alamin, at naroon ang isang mananampalataya kay Jesus na naligaw ng daan; nagpatotoo siya sa mananampalatayang ito tungkol sa gawain ng Diyos sa mga huling araw, at tinanggap niya iyon. Lagi siyang nagtatamo ng mga paghahayag, lagi siyang nakakarinig ng isang tinig, laging nangyayari ang mga bagay-bagay na supernatural. Bawat araw, pagdating sa kung ano ang kakainin, saan pupunta, ano ang gagawin, kanino makikipag-ugnayan, hindi niya sinunod ang mga batas ng normal na buhay ng tao, ni hindi niya hinanap ang mga salita ng Diyos bilang batayan o prinsipyo, ni hindi siya naghanap ng mga taong makakabahagi. Sa halip, lagi siyang naghintay ng isang tinig, o isang paghahayag, o isang panaginip. Normal ba ang taong ito? (Hindi.) Nakilala siya ng ilang tao at sinabi nila: “Ang lalaking ito ay maaaring hindi lumilibot nang hubo’t hubad at madungis sa lansangan, ngunit nagpapakita ito ng isang masamang espiritu.” Dahan-dahan ngunit sigurado na nakilala siya ng mga kapatid, hanggang sa araw na sumabog ang kanyang isyu at lumibot nga siya sa mga lansangan nang hubo’t hubad at madungis, at nagsasalita ng mga kahibangan. Nagpakita na ang demonyo; sa wakas ay nahayag na ang mga bagay-bagay. Kaya sa panahong ito, nakilala ba siya ng mga kapatid? Nagtamo ba sila ng kabatiran kung ano ang masamang espiritu, kung ano ang gawain ng isang masamang espiritu, at kung ano ang mga pagpapakita ng gawain ng masamang espiritu sa mga tao? (Oo.) Siyempre, nagtamo ng kabatiran at kakayahang makakilala ang ilang tao. Malamang na napaniwala niya ang ilang tao, at nakita lamang nila ang tunay niyang pagkatao nang sumilakbo ang kanyang galit. Ngunit napaniwala man sila o nakilala nila siya, kung hindi naiplano ng Diyos ang sitwasyong ito, magiging malinaw kaya sa mga tao kung ano ang gawain ng isang masamang espiritu? (Hindi.) Kaya ano ba ang kabuluhan at layunin ng Diyos sa pagpaplano sa sitwasyong ito at paggawa ng mga bagay na ito? Iyon ay para tulutan ang mga tao na magkaroon ng praktikal na pagkakilala at matuto ng aral, na matukoy ang ganitong uri ng tao. Kung sinabihan lamang ang mga tao kung ano ang gawain ng isang masamang espiritu, tulad ng pagtuturo ng isang guro sa isang aralin, nang walang anumang aktuwal na paggamit o pagsasagawa, teorya at mga salita lamang ang matatamo ng mga tao. Maaari mo lamang ipaliwanag nang malinaw kung ano ang gawain ng isang masamang espiritu, at kung ano ang partikular na mga pagpapakita nito, kapag personal mo nang nasaksihan ito—nakikita ito sa sarili mong mga mata, naririnig ito sa sarili mong mga tainga. At pagkatapos, kapag nakaharap mong muli ang gayong mga tao, matutukoy mo sila at matatanggihan; maayos mong matutugunan at mapapamahalaan ang gayong mga bagay.

Hinango mula sa “Hindi Sila Naniniwala na Mayroong Diyos, at Itinatanggi Nila ang Diwa ni Cristo (I)” sa Paglalantad sa mga Anticristo

Bawat iglesia ay may mga taong nagsasanhi ng kaguluhan para sa iglesia o nakikialam sa gawain ng Diyos. Lahat sila ay mga Satanas na nakapasok sa bahay ng Diyos nang nakabalatkayo. Ang gayong mga tao ay mahusay umakto: Humaharap sila sa Akin nang may malaking pagpipitagan, nakayuko at kumakayod, umaasal na parang mga asong galisin, at inilalaan ang kanilang “lahat-lahat” para makamtan ang sarili nilang mga layunin—ngunit sa harap ng mga kapatid, ipinapakita nila ang kanilang pangit na panig. Kapag nakakakita sila ng mga taong nagsasagawa ng katotohanan, pinipintasan nila ang mga ito at itinutulak sa isang tabi; kapag nakakakita sila ng mga taong mas nakakatakot kaysa sa kanila, pinupuri at binobola nila ang mga ito. Nagwawala sila sa loob ng iglesia. Masasabi na ang gayong “lokal na mga maton,” ang gayong “mga sipsip,” ay umiiral sa karamihan ng mga iglesia. Sama-sama silang kumikilos nang malademonyo, nagpapahatid ng mga kindat at lihim na senyas sa isa’t isa, at walang isa man sa kanila ang nagsasagawa ng katotohanan. Sino man ang may pinakamakamandag na lason ay siyang “punong demonyo,” at sino man ang may pinakamataas na karangalan ay namumuno sa kanila, at iwinawagayway ang kanilang bandila. Naghuhuramentado ang mga taong ito sa loob ng iglesia, nagkakalat ng kanilang pagkanegatibo, bumubulalas ng kamatayan, ginagawa ang gusto nila, sinasabi ang gusto nila, at walang sinumang nangangahas na pigilan sila. Puno sila ng disposisyon ni Satanas. Katatapos pa lamang nilang manggulo ay pumapasok na ang simoy ng kamatayan sa iglesia. Yaong mga nasa iglesia na nagsasagawa ng katotohanan ay pinalalayas, na hindi ginagawa ang lahat, samantalang yaong mga nanggugulo sa iglesia at nagkakalat ng kamatayan ay nagwawala sa loob—bukod pa riyan, karamihan sa mga tao ay sumusunod sa kanila. Ang gayong mga iglesia ay pinamumunuan ni Satanas, walang duda; ang diyablo ang kanilang hari.

— Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Isang Babala sa mga Hindi Nagsasagawa ng Katotohanan

Marami sa iglesia ang hindi makaintindi. Kapag may nangyaring isang bagay na mapanlinlang, bigla silang pumapanig kay Satanas; nasasaktan pa sila kapag tinawag silang mga utusan ni Satanas. Bagama’t maaaring sabihin ng mga tao na hindi sila makaintindi, lagi silang nasa panig na walang katotohanan, hindi sila pumapanig sa katotohanan kailanman sa kritikal na panahon, hindi sila tumatayo at nakikipagtalo kailanman para sa katotohanan. Hindi ba talaga sila makaintindi? Bakit bigla silang pumapanig kay Satanas? Bakit hindi sila nagsasabi kailanman ng isang salitang makatarungan o makatwiran para suportahan ang katotohanan? Talaga bang nangyari ang sitwasyong ito dahil sa panandalian nilang kalituhan? Kapag mas bahagyang makaintindi ang mga tao, mas hindi nila nagagawang pumanig sa katotohanan. Ano ang ipinapakita nito? Hindi ba nito ipinapakita na gustung-gusto ng mga taong hindi makaintindi ang kasamaan? Hindi ba nito ipinapakita na sila ay matatapat na supling ni Satanas? Bakit ba palagi nilang nagagawang pumanig kay Satanas at magsalitang kagaya nito? Bawat salita at gawa nila, na nakapahayag sa kanilang mukha, ay sapat na lahat upang patunayan na hindi sila mga taong nagmamahal sa katotohanan; sa halip, sila ay mga taong namumuhi sa katotohanan. Sapat nang kaya nilang pumanig kay Satanas upang patunayan na talagang mahal ni Satanas ang walang-kuwentang mga diyablong ito na ginugugol ang kanilang buhay sa pakikipaglaban para sa kapakanan ni Satanas. Hindi ba napakalinaw ng lahat ng katotohanang ito? Kung talagang isa kang taong nagmamahal sa katotohanan, bakit wala kang malasakit sa mga nagsasagawa ng katotohanan, at bakit ka sumusunod kaagad sa mga hindi nagsasagawa ng katotohanan kapag tiningnan ka nila nang bahagya? Anong klaseng problema ito? Wala Akong pakialam kung nakakaintindi ka o hindi. Wala Akong pakialam kung malaki ang naisakripisyo mo. Wala Akong pakialam kung malakas ang mga puwersa mo, at wala Akong pakialam kung isa kang lokal na maton o isang lider na tagadala ng bandila. Kung malakas ang mga puwersa mo, dahil lamang iyon sa tulong ng lakas ni Satanas. Kung mataas ang pagkakilala sa iyo, dahil lamang iyon sa napakarami sa paligid mo ang hindi nagsasagawa ng katotohanan. Kung hindi ka pa natitiwalag, dahil iyon sa hindi pa panahon para sa gawain ng pagtitiwalag; sa halip, ito ang panahon para sa gawain ng pag-aalis. Hindi kailangang magmadaling itiwalag ka ngayon. Naghihintay lamang Ako sa pagdating ng araw na iyon na maparusahan kita kapag naalis ka na. Sinumang hindi nagsasagawa ng katotohanan ay maaalis!

— Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Isang Babala sa mga Hindi Nagsasagawa ng Katotohanan

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman