Ang CCP ay nagpalaganap ng impormasyon online na nagsasabing upang maipalaganap ang ebanghelyo at magpatotoo sa Diyos, ang mga tao sa Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos ay tinatalikuran ang kanilang mga pamilya at trabaho. Ang ilang tao ay nananatili pa ngang hindi kasal sa buong buhay nila. Sinasabi ng CCP na ang iyong paniniwala ay sumisira ng mga pamilya. Totoo ba ang sinasabi ng CCP?

Enero 21, 2022

Sagot:

Ang CCP ay isang ateistang partidong pampulitika na naniniwala kay Marx at sa Satanismo. Sa buong kasaysayan nito, napopoot ito sa Diyos, inuusig nito ang lahat ng paniniwalang pangrelihiyon, at inaabuso ang hindi mabilang na mga Kristiyano. Natural na hahatulan at aalipustahin nito ang mga naniniwala sa Diyos; itinakda ito ng kalikasan nito, na namumuhi sa katotohanan at lumalaban sa Diyos. Ngunit kayo ay mga taong naniniwala sa Panginoong Jesus—kaya bakit ninyo pinagkakatiwalaan ang mga salita ng Partido Komunista at hindi ang mga salita ng Panginoong Jesus? Naniniwala ba sa Diyos ang gayong mga tao? Para sa mga naniniwala sa Diyos, malinaw ang mga salita ng Panginoong Jesus tungkol sa paraan ng pagharap sa mga makamundong bagay, pamilya, at ang buhay ng laman—kaya bakit nakikinig pa rin kayo sa mga kamalian at masasamang salita ng CCP at hinahatulan at kinokondena ang mga Kristiyano? Ano ba talaga ang problema rito? Maliwanag na sinabi ng Panginoong Jesus, “Katotohanang sinasabi Ko sa inyo, Walang taong nag-iwan ng bahay, o asawang babae, o mga kapatid, o mga magulang o mga anak, dahil sa kaharian ng Diyos, na di tatanggap ng higit na marami sa panahong ito, at sa sanlibutang darating, ng walang hanggang buhay(Lucas 18:29–30). “Kung ang sinumang tao'y pumaparito sa Akin, at hindi napopoot sa kaniyang sariling ama, at ina, at asawang babae, at mga anak, at mga kapatid na lalake, at mga kapatid na babae, oo, at pati sa kaniyang sariling buhay man, ay hindi siya maaaring maging alagad Ko(Lucas 14:26). “Kaya nga sinuman sa inyo na hindi tumanggi sa lahat niyang tinatangkilik, ay di maaaring maging alagad Ko(Lucas 14:33). Kapag tinatalikdan ng mga tao ang kanilang pamilya at ang mga kinasasangkutan nila na makamundo upang sumunod sa Panginoon, ganap itong alinsunod sa kalooban ng Panginoon, at pinupuri ito ng Diyos. Ngunit bakit pinagkakatiwalaan ng relihiyosong mundo ang mga salita ng Partido Komunista, na ang diyablong si Satanas, at hindi ang sa Panginoong Jesus? Bakit hindi nito pinagkakatiwalaan ang mga salita ng Banal na Espiritu? Bakit ito tumatayo sa panig ng malaking pulang dragon sa paghatol at pagkondena sa mga naniniwala sa Diyos? Ipinapakita nito na ang relihiyosong mundo ay hindi kaisa ng Diyos sa isipan, na nakikipagsabwatan ito kay Satanas, at sapat na ito upang maipakita na ito ay walang pananampalataya, ang anak ng malaking pulang dragon!

Maraming siglo na ang nakalilipas, tinalikdan ng mga disipulo at apostol ng Panginoong Jesus ang kanilang pamilya at ang lahat ng kinasasangkutan nila na makamundo upang sumunod sa Panginoon, at ipinahayag at pinatotohanan nila ang ebanghelyo ng Panginoong Jesus sa buong lupain. Sa loob ng dalawang libong taon, hindi mabilang na relihiyosong Kristiyano ang tumalikod sa pamilya, pag-aasawa, trabaho, at mga kinasasangkutan nilang makamundo, sunud-sunod na malalaking grupo nila ang gumawa at nangaral para sa Panginoon, at sa gayong paraan lumaganap ang ebanghelyo ng Panginoong Jesus sa kadulu-duluhan ng mundo. Mula sa gawain at mga salita ng Panginoong Jesus, naunawaan nila ang ilang katotohanan, kinikilala na ang Panginoong Jesus ang Manunubos ng sangkatauhan, at na sa pagtanggap lamang sa Panginoong Jesus, at pagtatapat at pagsisisi sa Panginoon, maaaring mapatawad ang kanilang mga kasalanan at maaari silang makatanggap ng biyaya at mga pagpapala na ipinagkaloob ng Panginoon. Upang matanggap ng tao ang kaligtasan ng Panginoong Jesus, sinunod niya ang mga salita ng Panginoong Jesus, tinatalikuran ang lahat upang mangaral at magpatotoo sa pagliligtas ng Panginoong Jesus—ito ay pinupuri at naaalala ng Diyos, at ito ang pinakamatuwid na proyekto ng sangkatauhan. Bukod pa roon, sa Kristiyanismo at Katolisismo, napakakaraniwan nito. Ang gayong pag-uugali ay pinupuri at hinahangaan ng mga Kristiyano; para sa marami, naging huwaran pa nga ito na dapat tularan. Gayunpaman, pinagmumukhang masama at kinokondena ng CCP ang mga Kristiyano, sinasabing ang kanilang pagtalikod sa pamilya at karera upang maniwala sa Diyos at magpalaganap ng ebanghelyo ay sumira ng mga pamilya. Hindi ba ito pagtanggi at pagkondena sa mga salita ng Panginoong Jesus? Hindi ba ito pagtanggi at pagkondena sa lahat ng tumalikod sa lahat ng bagay upang gumawa at mangaral para sa Panginoon sa huling dalawang libong taon? Hindi ba nito kinokondenang mali ang kanilang dedikasyon at paggugol ng kanilang sarili? Makatwiran ba ang gayong mga pananaw sa Kristiyanismo at Katolisismo? Hindi ba ito lantarang pagtatangka na labanan ang Diyos? Sa mga huling araw, mula nang mag-umpisa ang gawain ng paghatol ng Makapangyarihang Diyos, nabasa na ng mga Kristiyano ng Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos, nakita na nila na ang Makapangyarihang Diyos ang pagbabalik ng Panginoong Jesus, ang pagpapakita ni Cristo ng mga huling araw, at na ipinahahayag ng Makapangyarihang Diyos ang katotohanan at ginagawa Niya ang gawain ng paghatol at paglilinis ng tao upang malutas ang makasalanang kalikasan ng tao, lubos na inililigtas ang tao mula sa kasalanan at dinadala siya sa kaharian ng Diyos. Sa kasalukuyan, nagsimula na ang malalaking sakuna. Sa pamamagitan lamang ng pagtanggap sa paghatol at pagkastigo ng Makapangyarihang Diyos at paglilinis sa kanilang mga tiwaling disposisyon maaaring maprotektahan ng Diyos ang mga tao at matira ang mga ito sa gitna ng malalaking sakunang ito ng mga huling araw, habang ang mga hindi tumanggap ng kaligtasan ng Makapangyarihang Diyos ng mga huling araw ay malulubog sa kapahamakan at mawawasak. Kaya nauunawaan ng mga Kristiyano ng Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos ang agarang kalooban ng Diyos na iligtas ang sangkatauhan; katulad ng mga disipulo at apostol ng Panginoong Jesus na tumalikod sa lahat ng bagay upang sumunod sa Panginoon at ipahayag at patotohanan ang ebanghelyo ng Panginoon, masaya nilang isinasantabi ang mga kasiyahan ng laman, tinatalikdan ang pamilya at trabaho, tinitiis ang hindi nawawalang panganib na maaresto at mapatay ng CCP, at ginagawa ang lahat ng kanilang makakaya upang ipangaral at patotohanan ang ebanghelyo ng kaharian ng Makapangyarihang Diyos. Ang mabubuting gawa na ito ay ang pinakanaaayon sa kalooban ng Diyos, pinupuri ang mga ito ng Diyos, at ang paggawa sa mga ito ay pagsunod sa kalooban ng Diyos! Katulad ng sinabi ng Panginoong Jesus, “Magsiyaon kayo sa buong sanlibutan, at inyong ipangaral ang evangelio sa lahat ng nilalang(Marcos 16:15). Sabi ng Makapangyarihang Diyos, “Bilang mga miyembro ng sangkatauhan at tapat na mga Kristiyano, pananagutan at obligasyon nating lahat na ialay ang ating isipan at katawan para sa katuparan ng tagubilin ng Diyos, dahil ang ating buong pagkatao ay nagmula sa Diyos, at ito ay umiiral salamat sa kataas-taasang kapangyarihan ng Diyos. Kung ang mga isipan at katawan natin ay hindi para sa tagubilin ng Diyos at hindi para sa matuwid na kapakanan ng sangkatauhan, ang ating mga kaluluwa’y makakaramdam ng pagiging hindi karapat-dapat sa mga taong naging martir para sa tagubilin ng Diyos, at mas hindi karapat-dapat sa Diyos, na naglaan sa atin ng lahat ng bagay(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Apendise 2: Ang Diyos ang Namumuno sa Kapalaran ng Buong Sangkatauhan).

Sa kasalukuyan, ang pagtalikod sa lahat ng bagay ng ilang Kristiyano sa Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos upang ipangaral at patotohanan ang ebanghelyo ng Diyos ng mga huling araw ay ayon sa kalooban ng Langit at nakaayon sa puso ng mga tao. Gayunpaman ang ateistang pamahalaan ng CCP ay hindi nagpapahintulot sa mga tao na maniwala sa Diyos at lumakad sa tamang landas. Kinokondena at hinuhusgahan nito ang mabubuting gawa ng mga Kristiyano, at mapusok silang inaaresto at inuusig, na nagdulot sa maraming Kristiyano mula sa Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos na mapilitang iwanan ang kanilang mga tahanan at mahal sa buhay, kumalat sa maraming lugar, hindi na makauwi. Makatarungang sabihin na ang karamihan sa pagtakas mula sa kanilang tahanan ng mga Kristiyano ng Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos ay dahil sa malupit na pang-aapi, pagkulong, at pag-usig sa kanila ng mga kamay ng CCP. Ayon sa hindi kumpletong estadistika, mula 2011 hanggang Hunyo 2020 lamang, hindi bababa sa mahigit apat na raang libong Kristiyano ng Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos ang naaresto. Mayroong katibayan na aabot sa 169 na tao ang namatay bunga ng pang-aabusong pinagdusahan nila. Nagkahiwa-hiwalay ang mga pamilya ng mga Kristiyanong ito—at hindi ba sanhi ang lahat ng ito ng malupit na pag-uusig ng CCP? Ang malupit na pang-aabusong ipinataw ng CCP ay nagdulot ng malaking pinsala sa pagkarami-raming pamilyang Kristiyano, at hindi mabilang na mga Kristiyano ang napilitang takasan ang kanilang tahanan—hindi ba nagawa ng CCP ang gayong kasamaan? Hindi tumitigil ang Partido Komunista na arestuhin at usigin ang mga naniniwala sa Diyos, inaalis sa kanila ang kanilang karapatan sa buhay, at hindi pinalalampas ang mga kapamilya ng mga Kristiyano, sa huli ay ibinubunton nito ang sisi sa mga biktima nito, iginigiit na ang mga Kristiyano ang nang-iwan sa kanilang pamilya dahil sa kanilang paniniwala sa Diyos, na sila ang sumisira sa kanilang pamilya. Hindi ba ito pagbaluktot sa mga totoong pangyayari, at pagbaligtad sa katotohanan? Ang mga ito ba ay hindi walang kahihiyan at garapal na mga pagsisinungaling? Malaking bilang ng mga tao sa mga demokratikong bansa ang naniniwala sa Diyos. Sino sa kanila ang inusig at pinilit ng pamahalaan na takasan ang kanilang mga tahanan dahil sa kanilang paniniwala sa Diyos, na hindi na makikitang muli ang kanilang mga mahal sa buhay? Ang isang satanikong rehimen lamang na tulad ng CCP ang maaaring magpalabas na masama ang mga Kristiyano at humusga sa mga ito na naglalaan at gumugugol ng kanilang sarili para sa Diyos. Ito ay walang iba kundi maling paniniwalaang erehe na nagbabaligtad sa katotohanan at nagpapalabas na ang tama ay mali. Ito ay ganap na patunay na ang CCP ay walang iba kundi isang satanikong rehimen; sa diwa, ang CCP ay isang grupong pag-aari ng diyablong si Satanas na lumalaban at napopoot sa Diyos. Ang CCP ang pangunahing salarin na naghiwa-hiwalay sa mga pamilya ng lahat ng Kristiyanong ito, nagsaboy sa kanila sa hangin, at umiwan sa kanila na walang kakayahang makauwi!

Sumunod: Pinatotohanan n’yo na ang Makapangyarihang Diyos ang Diyos ng mga huling araw na nagpapakita at gumagawa, at sinabi n’yo ring naghahanap ng katotohanan ang paniniwala n’yo sa Kanya, at tinatahak n’yo ang tamang daan ng buhay. Pero sa pagkakaalam ko, marami sa mga naniniwala sa Kanya sa Makapangyarihang Diyos ay katulad ng mga misyonaryo ni Jesus, na sa layunin ng pagpapakalat ng ebanghelyo at pagpapatotoo sa Diyos, ay hindi nag-alinlangang iwan ang pamilya at propesyon, at ibinigay ang katawan at kaluluwa sa Diyos. Sa kanilang lahat marami sa mga kabataan ang hindi nagpapakasal, ginagawa nila ang tungkulin nila sa pagsunod kay Cristo ng mga huling araw. Hindi n’yo yata alam na, dahil iniiwan n’yo ang pamilya n’yo at kumikilos para ikalat ang ebanghelyo at magpatotoo sa Diyos, lalong dumarami ang mga taong naniniwala sa Diyos. Kapag ang lahat ng tao ay napalapit na sa Diyos, sino pang maniniwala sa Partido Komunista, at susunod sa kanila? Malinaw na dahil dito, pinipigilan kayo at inaaresto ng gobyerno. May nakikita ba kayong mali rito? Dahil naniniwala kayo sa Diyos sa ganitong paraan kaya maraming tao ang inaresto at sinintesyahang makulong, at marami ang umalis ng bahay at lumikas. Maraming mag-asawa ang nagdiborsyo, at maraming bata ang walang mga magulang na, magmamahal sa kanila. Maraming matatanda ang walang karamay para mag-alaga sa kanila. Sa paniniwala sa Diyos sa ganitong paraan, dinanas ng mga pamilya ninyo ang matinding paghihirap. Ano ba talagang gusto ninyong makamit? Hindi kaya ito ang tamang daan para sa buhay ng tao na sinasabi n’yo? Ang tradisyunal na kultura ng Tsina ay nagbibigay ng higit na pagpapahalaga sa kabanalan ng pamilya. Ayon sa kasabihan: “Sa lahat ng kabutihan, ang paggalang ng anak sa magulang ang pinakamahalaga.” Sabi ni Confucius: “Habang buhay pa ang mga magulang n’yo, huwag kayong maglalakbay nang malayo.” Ang pagrespeto sa mga magulang ang pundasyon ng pag-uugali ng tao. Sa paniniwala at pagsunod sa Diyos sa paraang ginagawa n’yo, hindi nyo magawang alagaan kahit na ang mga magulang n’yong nagbigay-buhay at nag-aruga sa inyo, pa’no ito naituring na tamang daan para sa buhay ng tao? Madalas kong marinig sa mga tao na, mabubuti ang lahat ng sumasampalataya. Hindi mali yon. Pero naniniwala kayong lahat sa Diyos, sumasamba at nagtatanghal sa Kanya bilang dakila. Ito ang dahilan para magpuyos sa galit ang Partido Komunista, at mapuno ng pagkamuhi. Ginagawa n’yo ang tungkulin n’yo para maikalat ang ebanghelyo, pero ni hindi n’yo maalagaan ang mga sarili n’yong pamilya. Paano ito maituturing na kagandahang asal? Anong masasabi n’yo? Posible kaya na kahit hindi nakikita ay nagkamali kayo ng tinahak na daan sa paniniwala sa Diyos? Sa pagpapakalat ng ebanghelyo at pagpapatotoo sa Diyos sa ganitong paraan, hindi ba’t sinisira n’yo ang pagkakaisa at katatagan ng lipunan? Nakikiusap ako sa inyo na itigil n’yo na ang paggawa ng mali. Bumalik na kayo sa lipunan sa lalong madaling panahon, samahan n’yo na ang pamilya n’yo, magkaro’n ng normal na buhay, at alagaang mabuti ang inyong pamilya. Dapat n’yong gawin ang tungkulin n’yo bilang mga anak at magulang. Ito lang ang pundasyon sa pag-uugali ng tao, at ito lang ang pinakapraktikal.

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

Pinatototohanan mo na si Jesus at ang Makapangyarihang Diyos ang parehong si Cristo, ang una at ang huling Cristo. Hindi ’yan tinatanggap ng ating CCP. Sa The Internationale, malinaw na sinabi “Walang sinumang naging tagapagligtas ng mundo kailanman.” Pilit n’yong pinatototohanan na dumating na si Cristong Tagapagligtas. Paanong hindi kayo tutuligsain ng CCP? Sa palagay namin, ang Jesus na pinananaligan ng mga Kristiyano ay isang karaniwang tao. Ipinako pa nga siya sa krus. Kahit ang Judaismo ay hindi kinilala na Siya si Cristo. Ang Makapangyarihang Diyos na nagkatawang-tao sa mga huling araw na pinatototohanan n’yo ay isa lamang palang karaniwang tao. Malinaw na inilalarawan sa mga dokumento ng CCP na may apelyido at pangalan Siya. Totoo rin ’yan. Bakit n’yo pinatototohanan na ang gayong karaniwang tao ay si Cristo, ang pagpapakita ng Diyos? Mahirap paniwalaan ’yan! Gaano man n’yo patotohanan ang katotohanang naipahayag at kung paano nagawa ng Makapangyarihang Diyos ang gawain ng paghatol sa mga huling araw, hindi kikilalanin ng ating CCP na ang taong ito ay ang Diyos. Palagay ko katulad lang kayo ng mga tao ng Kristiyanismo, Katolisismo, at Eastern Orthodoxy na nananalig kay Jesus, na nananalig na Diyos ang isang tao. Hindi ba kamangmangan ’yan? Ano ba talaga ang Diyos at ang pagpapakita at gawain ng Diyos? Ibig sabihin ba nito ay ang pagpapahayag lang ng katotohanan at paggawa ng gawain ng Diyos ay pagpapakita ng tunay na Diyos? Yan ang hinding-hindi namin tatanggapin. Kung makakagawa ang Diyos ng mga himala at hiwaga, mapupuksa ang CCP at lahat ng kumakalaban sa Kanya, kikilalanin namin na Siya ang tunay na Diyos. Kung magpapakita ang Diyos sa kalangitan, gagawa ng madagundong na kulog na tatakot sa buong sanglibutan, yan ang pagpapakita ng Diyos. Sa gayo’y kikilalanin Siya ng ating CCP. Kung hindi, hinding-hindi tatanggapin ng CCP na may Diyos.

Sagot: Hindi ko lang maunawaan, bakit palaging galit ang CCP sa Diyos? Bakit nito palaging tinatanggihan ang Diyos? Bakit ito galit lalo na...

Ang CCP ay isang rebolusyonaryong partido. Ang pinaniniwalaan nito ay kabastusan at karahasan, ibig sabihin, pag-agaw sa kapangyarihan nang may karahasan! Kung tatanggapin natin ang katwiran ng CCP, “Ang isang kasinungalingan ay nagiging katotohanan kung uulit-ulitin nang sampung libong beses.” Gaano man karaming tao ang nagdududa sa salita nito, tumatanggi at hindi naniniwala rito, walang pakialam ang CCP kahit bahagya, at patuloy pa rin itong nagsisinungaling at nanlilinlang. Basta’t makakamtan nito ang mga agarang epekto at minimithi nito, wala itong pakialam sa magiging kapalit! Kung magrebelde at magprotesta ang mga tao laban dito, gagamit ito ng mga tangke at machine gun para lutasin ang lahat. Kapag kailangan, gagamit ito ng mga bomba atomika at missile para labanan ang mga puwersa ng kalaban. Maaaring gawin ng CCP ang lahat para manatili ito sa paghahari. Nang ipahayag sa publiko ang kaso sa Zhaoyuan sa Shandong, ang CCP ay nagpasimula ng maramihang pagpapadala ng mga sandatahang pulis para supilin at arestuhin ang mga Kristiyano anuman ang mangyari. Sino ang makakapigil dito? Sino ang nangahas na lumaban? Kahit nang makita ng mga dayuhan ang panloloko ng CCP, ano ang magagawa nila? Maraming paraan ang CCP para labanan ang pagtuligsa ng mga demokratikong puwersa ng mga taga-Kanluran. Gumagamit ito ng pera para ayusin ang lahat. May kasabihan nga na, “Sinumang tumanggap ng regalo ay ibinebenta ang kanyang kalayaan.” Paunti nang paunti ang mga bansang tumutuligsa sa CCP ngayon. Takot ang puwersa ng mga kaaway ng CCP na iparinig ang kanilang opinyon. Paano man n’yo ito sabihin, naigigiit pa rin ng CCP ang paghahari nito. Hangga’t may kapangyarihan ang Communist Party, kayong mga nananalig sa Diyos ay hindi makakaasang maging malaya! Ang pagpapakita at gawain ng Diyos sa China ay talagang kamumuhian at ipagbabawal ng CCP. Makamtan man ng CCP ang mithiin nitong magbuo ng ateismo sa China o hindi, hindi ito titigil kailanman sa pag-aresto at pagsupil sa inyo! Matagal na itong malinaw sa akin. Kaya nga tinututulan kong mabuti ang pananalig n’yo sa Makapangyarihang Diyos. Para sa kapakanan n’yo ’yan, hindi n’yo ba nauunawaan?

Sagot: Napakasama ng CCP, pero umuunlad pa rin ito sa mundo at walang nangangahas na hadlangan ito. Ibig kayang sabihin n’yan ay permanente...