Ang sinabi mo tungkol sa pagpunta sa impiyerno dahil sa pagkalaban sa Diyos, hindi ako naniniwala d’yan. Sino na ang nakakita sa impiyerno? Ano ang hitsura ng impiyerno? Ni hindi ko alam kung mayroon ngang Diyos. Hindi ko kinikilala na mayroong Diyos. Mayroon nga bang Diyos? Sino na ang nakakita sa Diyos? Kung ang Makapangyarihang Diyos ang tunay na Diyos, kapag desperadong tinutuligsa at inaatake ng CCP ang Makapangyarihang Diyos, bakit hindi pa ito pinupuksa ng Diyos? Kung ibubunyag ng Diyos ang Kanyang walang-hanggang kapangyarihan at pupuksain ang Communist Party, Siya nga ang tunay na Diyos. Sa gayong paraan, kailangang kilalanin ng buong sangkatauhan na ang Makapangyarihang Diyos ang tunay na Diyos, kahit ang CCP ay kailangang manikluhod at sumamba sa tunay na Diyos. Sino ang mangangahas na kalabanin ang Diyos? Pero ano ang totoong nangyari? Ang nakita ko ay inaaresto ng mga pulis ng CCP ang mga nananalig sa Diyos sa lahat ng dako. Marami sa mga nananalig sa Diyos ang ibinilanggo, pinahirapan at nilumpo. Marami sa kanila ang pinatay. Gayunman, iniligtas ba sila ng Diyos n’yo? Paano nito mapapaniwala ang isang tao na totoo ang Diyos na pinananaligan n’yo? Hindi ko talaga kayo maunawaan. Tunay ba o huwad ang Diyos na pinananaligan n’yo? Nangangamba ako na ni hindi n’yo ito alam. Kung gayon, hindi ba kahangalan ’yan? Ano ang batayan n’yo sa pagsasabi na ang Diyos na pinananaligan n’yo ang tunay na Diyos? Malinaw ba n’yong maipapaliwanag ’yan?

Agosto 30, 2018

Sagot: May karanasan na kayo. Tungkol sa pag-iral at pangingibabaw ng Diyos, talaga bang wala kayong alam? Mula nang likhain ang mundo, nagawa na ng Diyos ang tatlong yugto ng gawain para sa kaligtasan ng sangkatauhan na ginawang tiwali ni Satanas. Ang gawain sa Kapanahunan ng Kautusan at sa Kapanahunan ng Biyaya ay ginawa sa Israel at Juda. Sa dalawang yugtong iyon ng gawain ng Diyos, marami sa Kanyang mga salita ang ipinahayag sa pamamagitan ng mga propeta at nakasulat sa Banal na Biblia. Lahat ng katotohanang ipinahayag ng Diyos na nagkatawang-tao sa mga huling araw para sa paglilinis at pagliligtas sa sangkatauhan ay nakatala sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao. Sa tatlong yugto ng gawain, dalawang beses naging tao ang Diyos para isagawa ang gawain ng pagliligtas para sa sangkatauhan. Ang una, naging tao ang Diyos bilang ang Panginoong Jesus na ipinako sa krus para makumpleto ang gawain ng pagtubos. Nakaligalig ito sa buong mundo. Ang ebanghelyo ng Panginoong Jesus ay kumalat sa mga dulo ng daigdig, nakarating sa bawat tahanan at naging palasak sa bawat sambahayan. Ang Kristiyanismo ay nagtatag ng mga iglesia sa lahat ng bansa at lugar. Napakaraming taong nananalig sa Kristiyanismo! Sa mga huling araw, naging tao ang Diyos, na ang Makapangyarihang Diyos, at gumawa ng gawain ng paghatol. Nakaligalig din ito sa buong mundo. Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao ay ipinahayag at pinatotohanan ng Makapangyarihang Diyos sa buong sangkatauhan. Lahat ng nagmamahal sa katotohanan at naghahanap sa pagpapakita at gawain ng Diyos ay narinig ang tinig ng Diyos sa pagbabasa ng Biblia at ng Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao. Nang makita ang pagpapakita at gawain ng Diyos, natukoy nila ang pag-iral at pangingibabaw ng Diyos. Dahil hindi n’yo alam kung mayroong Diyos, bakit hindi n’yo hanapin at pag-aralan ang gawian ng Diyos? Sa buhay n’yo, kahit maraming walang pananalig ay mapagtitibay ang ganoong mga salita ng karunungan tulad ng “Pinagpapasyahan ng Langit ang tadhana ng tao” at “Kapag kumikilos ang mga tao, nagmamasid ang Langit,” at “Nagpapanukala ang tao, nagsasaayos ang Diyos.” Sinumang may konsiyensya ay tumatanggap sa parusa. Kahit hindi makita ng tao ang Diyos, naunawaan niya ang mga salitang ito ng karunungan. Lubos niyang napagtibay ang pag-iral at pangingibabaw ng Diyos. Yaong naghahanap lang ng pera at nasa puso ang pera ay hindi naghahangad na pag-aralan ang pagpapakita at gawain ng Diyos. Ang nakikita lang nila ay pera, katanyagan at pakinabang sa kanilang mga mata. Mahalaga sa kanila sa lahat ang katayuan at kapangyarihan. Sinasabi sa Biblia na mga hangal lamang ang magsasabing walang Diyos.

Kahit miyembro kayo ng CCP, isang ateista, hindi ba kayo nananalig sa kalooban ng Langit? Hindi n’yo ba kinikilala na ang tadhana ng isang tao ang nagpapasiya sa kanyang buhay? Hindi n’yo ba kinikilala ang katotohanan na “Kung ano ang ibinato mo, siya ring babalik sa ’yo”? Sapat na ito para patunayan na naghahari ang Diyos sa mundo at sa sangkatauhan. Mula pa noong unang panahon hanggang ngayon, ang mga bansa o lahing kumalaban sa Diyos ay walang-salang mapapahamak. Napakadali sa Diyos na lipulin ang isang bansa o lahi. Gunitain natin na noong gumagawa ang Panginoong Jesus, ang mga pinuno ng Judaismo ay nakipagtulungan sa gobyernong Romano at ipinako sa krus ang Panginoong Jesus. Pitumpung taon pagkaraang mamatay ang Panginoon, pinarusahan ng Diyos ang bansang Israel. Nang mawala na sa mundo ang Israel, maraming Judio ang pinatay. Kinalaban din ng rehimeng Romano ang Diyos at malupit na pinahirapan ang mga Kristiyano sa loob ng tatlong daang taon. Sa huli, pinarusahan ang Imperyong Romano. Winasak ito ng Diyos. Mula sa mga pangyayaring ito sa kasaysayan nakikita natin na yaong mga kumalaban sa Diyos ay ipinahamak ang kanilang sarili. Pinarusahan at nilipol sila ng Diyos. Mula nang maghari, galit na galit nang inaresto at pinagpapatay ng CCP ang mga Kristiyano. Lalo na, ang pagpapakita ni Cristo ng mga huling araw, ang Makapangyarihang Diyos, na gumagawa sa China ay nakaharap ng mas baliw pang pagtuligsa at pagkalaban ng gobyernong CCP. Naglunsad ng nakakatakot at ubos-lakas na panunupil ang CCP laban sa Iglesia ng Makapangyarihang Diyos, na baliw na tinugis si Cristo at malupit na pinahirapan ang mga taong hinirang ng Diyos. Nag-imbento pa ito ng lahat ng klase ng tsismis para siraan ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos sa pagtatangkang udyukan at lokohin ang mga tao na tanggihan at iwaksi ang Diyos, kaya nasira ang pagkakataon ng sangkatauhan na tumanggap ng kaligtasan at kinaladkad ang mga tao sa impiyerno para parusahan. Ang napakaraming paraan ng pagkalaban at masasamang gawa ng CCP ay matagal nang nagpagalit sa disposisyon ng Diyos. Sa pagtatapos ng gawain ng paghatol ng Diyos sa mga huling araw, magpapababa ang Diyos ng iba’t ibang kalamidad para puksain ang lahat ng masasamang puwersa ni Satanas, at puksain ang CCP, isang makademonyong rehimen na pinakamatinding kumakalaban sa Diyos, para ipakita ang matuwid at di-maiiwasang disposisyon ng Diyos. Sinasabi ng Makapangyarihang Diyos: “Saanman nagpapakita ang pagkakatawang-tao ay nalilipol ang kaaway sa lugar na iyon. Unang pupuksain ang Tsina; wawasakin ito ng kamay ng Diyos. Hindi talaga maaawa ang Diyos doon(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Mga Pakahulugan sa mga Hiwaga ng “Mga Salita ng Diyos sa Buong Sansinukob”, Kabanata 10). “Siya na lumalabag sa gawain ng Diyos ay ipadadala sa impiyerno; anumang bayan na sumusuway sa gawain ng Diyos ay wawasakin; anumang bansa na tumututol sa gawain ng Diyos ay mabubura sa daigdig na ito, at titigil sa pag-iral(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Apendise 2: Ang Diyos ang Namumuno sa Kapalaran ng Buong Sangkatauhan). Bawat isa sa mga salita ng Diyos ay matutupad. Kinalaban ng CCP ang Diyos, sinaktan ang napakaraming taong nananalig sa Diyos, at gumawa ng napakaraming kasamaan para maghatid ng malalaking kalamidad sa mga Chinese. Paano ito hindi isusumpa at lilipulin ng Diyos? Tingnan n’yo ang mas madadalas at matitinding kalamidad sa China, ito ang mga parusa sa pagkalaban sa Diyos. May kasabihan ngang: “Ang sukdulan ng kawalang-katarungan ay kapahamakan.” Kapag bumaba ang malaking kapahamakan at napuksa ang CCP, huli na para pagsisihan n’yo ito. Sinasabi ng Makapangyarihang Diyos: “Ang awa Ko ay inihahayag sa mga nagmamahal sa Akin at nagtatatwa ng kanilang mga sarili. Samantala, ang kaparusahang sumasapit sa masasama ay mismong patunay ng matuwid na disposisyon Ko at, higit pa, patotoo sa poot Ko. Kapag sumapit ang sakuna, lahat ng sumasalungat sa Akin ay mananangis habang sila’y binibiktima ng taggutom at salot(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Maghanda ng Sapat na Mabubuting Gawa para sa Iyong Hantungan). “Kung ang sangkatauhan ay nais na magkaroon ng isang magandang kapalaran, kung ang isang bayan ay nais na magkaroon ng isang magandang kapalaran, ang tao ay dapat na yumuko sa Diyos sa pagsamba, magsisi at mangumpisal sa harap ng Diyos, at kung hindi, ang magiging kapalaran at hantungan ng tao ay isang hindi maiiwasang sakuna(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Apendise 2: Ang Diyos ang Namumuno sa Kapalaran ng Buong Sangkatauhan). Napakalinaw ng salita ng Makapangyarihang Diyos. Sa pananalig at pagsamba lang sa Diyos matatanggap ng sangkatauhan ang pagmamalasakit at proteksyon ng Diyos, at makakaligtas sa malaking kapahamakan!

mula sa iskrip ng pelikulang Red Re-education sa Bahay

Sumunod: Ang CCP ay isang rebolusyonaryong partido. Ang pinaniniwalaan nito ay kabastusan at karahasan, ibig sabihin, pag-agaw sa kapangyarihan nang may karahasan! Kung tatanggapin natin ang katwiran ng CCP, “Ang isang kasinungalingan ay nagiging katotohanan kung uulit-ulitin nang sampung libong beses.” Gaano man karaming tao ang nagdududa sa salita nito, tumatanggi at hindi naniniwala rito, walang pakialam ang CCP kahit bahagya, at patuloy pa rin itong nagsisinungaling at nanlilinlang. Basta’t makakamtan nito ang mga agarang epekto at minimithi nito, wala itong pakialam sa magiging kapalit! Kung magrebelde at magprotesta ang mga tao laban dito, gagamit ito ng mga tangke at machine gun para lutasin ang lahat. Kapag kailangan, gagamit ito ng mga bomba atomika at missile para labanan ang mga puwersa ng kalaban. Maaaring gawin ng CCP ang lahat para manatili ito sa paghahari. Nang ipahayag sa publiko ang kaso sa Zhaoyuan sa Shandong, ang CCP ay nagpasimula ng maramihang pagpapadala ng mga sandatahang pulis para supilin at arestuhin ang mga Kristiyano anuman ang mangyari. Sino ang makakapigil dito? Sino ang nangahas na lumaban? Kahit nang makita ng mga dayuhan ang panloloko ng CCP, ano ang magagawa nila? Maraming paraan ang CCP para labanan ang pagtuligsa ng mga demokratikong puwersa ng mga taga-Kanluran. Gumagamit ito ng pera para ayusin ang lahat. May kasabihan nga na, “Sinumang tumanggap ng regalo ay ibinebenta ang kanyang kalayaan.” Paunti nang paunti ang mga bansang tumutuligsa sa CCP ngayon. Takot ang puwersa ng mga kaaway ng CCP na iparinig ang kanilang opinyon. Paano man n’yo ito sabihin, naigigiit pa rin ng CCP ang paghahari nito. Hangga’t may kapangyarihan ang Communist Party, kayong mga nananalig sa Diyos ay hindi makakaasang maging malaya! Ang pagpapakita at gawain ng Diyos sa China ay talagang kamumuhian at ipagbabawal ng CCP. Makamtan man ng CCP ang mithiin nitong magbuo ng ateismo sa China o hindi, hindi ito titigil kailanman sa pag-aresto at pagsupil sa inyo! Matagal na itong malinaw sa akin. Kaya nga tinututulan kong mabuti ang pananalig n’yo sa Makapangyarihang Diyos. Para sa kapakanan n’yo ’yan, hindi n’yo ba nauunawaan?

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

Lahat kayo ay naniniwala sa Diyos; Ako naman ay kina Marx at Lenin. Dalubhasa ako sa pagsasaliksik ng iba’t ibang paniniwala sa relihiyon. Sa ilang taon ng pagsasaliksik ko, may nadiskubre akong isang problema. Ayon sa relihiyosong paniniwala ay mayroon talagang Diyos. Pero sa dami ng naniniwala sa Diyos, wala pa namang nakakakita sa Kanya. Ang paniniwala nila ay base sa sarili nilang nararamdaman. Kaya nga nakabuo ako ng konklusyon tungkol sa relihiyosong paniniwala: Purong imahinasyon lang ang relihiyosong paniniwala; yun ay isang pamahiin, at walang matibay na basehan sa syensya. Ang modernong lipunan, ay isang lipunan kung saan napakaunlad na ng syensya. Kailangang, nakabase ang lahat sa syensya, para hindi na magkaro’n ng kamalian. Kaming mga miyembro ng Partidong Komunista ay naniniwala sa Marxismo-Leninismo. Hindi kami naniniwalang may Diyos. Ano bang sabi sa The Internationale? “Kailanma’y di nagkaro’n ng Tagapagligtas ang mundo, o ng diyos at emperador na kailangang asahan. Upang magkaro’n ng kaligayahan ang tao, mga sarili lamang natin ang ating asahan!” Malinaw sa The Internationale na “Kailanma’y di nagkaro’n ng Tagapagligtas ang mundo.” Ang sangkatauhan ay naniwala noon sa Diyos at naging mapamahiin dahil ang sangkatauhan nung mga panahong iyon, ay humaharap sa kababalaghan ng natural na mundo na ang araw, buwan, mga bituin; hangin, ulan, kulog at kidlat, ay hindi makapagbibigay ng siyentipikong paliwanag. Samakatuwid, sumibol sa mga utak nila ang takot at pagtataka tungkol sa di-pangkaraniwang kapangyarihan. Kung kaya nabuo ang mga pinakaunang konsepto ng relihiyon. Bukod ditto, nung hindi malutas ng mga tao ang kahirapang dulot ng mga kalamidad at sakit, umasa silang makakuha ng ginhawang pangkaluluwa sa pamamagitan ng mataimtim na pagsunod sa Diyos. Ito ang dahilan kaya nabuhay ang relihiyon. Kitang-kita naman, Hindi ito makatwiran at hindi siyentipiko! Sa panahong ito, moderno na ang tao, at namamayagpag na ang siyensya. Sa mga larangang gaya ng aerospace industry, biotechnology, genetic engineering at medisina, mabilis na naging maunlad ang lahat ng tao. Noon hindi ito naintindihan ng sangkatauhan, at hindi nila kayang lutasin ang mga problema. Pero ngayon kaya ng ipaliwanag ng siyensya ang mga problemang ito, at pwede ng umasa sa siyensya para magbigay ng mga solusyon. Ngayong maunlad na ang agham at teknolohiya, kung naniniwala pa rin ang tao sa Diyos, at naging mapamahiin, hindi ba’t ito ay kabaliwan at kamangmangan? Hindi ba’t napag-iwanan na ang mga tao sa panahong ito? Ang pinakapraktikal na gawin ay ang maniwala tayo sa siyensya.

Sagot: Sabi n’yo ang relihiyosong paniniwala ay dahil sa napag-iwanan na ang tao sa siyentipikong kaalaman, at nabuo mula sa takot at...

Pinatototohanan mo na si Jesus at ang Makapangyarihang Diyos ang parehong si Cristo, ang una at ang huling Cristo. Hindi ’yan tinatanggap ng ating CCP. Sa The Internationale, malinaw na sinabi “Walang sinumang naging tagapagligtas ng mundo kailanman.” Pilit n’yong pinatototohanan na dumating na si Cristong Tagapagligtas. Paanong hindi kayo tutuligsain ng CCP? Sa palagay namin, ang Jesus na pinananaligan ng mga Kristiyano ay isang karaniwang tao. Ipinako pa nga siya sa krus. Kahit ang Judaismo ay hindi kinilala na Siya si Cristo. Ang Makapangyarihang Diyos na nagkatawang-tao sa mga huling araw na pinatototohanan n’yo ay isa lamang palang karaniwang tao. Malinaw na inilalarawan sa mga dokumento ng CCP na may apelyido at pangalan Siya. Totoo rin ’yan. Bakit n’yo pinatototohanan na ang gayong karaniwang tao ay si Cristo, ang pagpapakita ng Diyos? Mahirap paniwalaan ’yan! Gaano man n’yo patotohanan ang katotohanang naipahayag at kung paano nagawa ng Makapangyarihang Diyos ang gawain ng paghatol sa mga huling araw, hindi kikilalanin ng ating CCP na ang taong ito ay ang Diyos. Palagay ko katulad lang kayo ng mga tao ng Kristiyanismo, Katolisismo, at Eastern Orthodoxy na nananalig kay Jesus, na nananalig na Diyos ang isang tao. Hindi ba kamangmangan ’yan? Ano ba talaga ang Diyos at ang pagpapakita at gawain ng Diyos? Ibig sabihin ba nito ay ang pagpapahayag lang ng katotohanan at paggawa ng gawain ng Diyos ay pagpapakita ng tunay na Diyos? Yan ang hinding-hindi namin tatanggapin. Kung makakagawa ang Diyos ng mga himala at hiwaga, mapupuksa ang CCP at lahat ng kumakalaban sa Kanya, kikilalanin namin na Siya ang tunay na Diyos. Kung magpapakita ang Diyos sa kalangitan, gagawa ng madagundong na kulog na tatakot sa buong sanglibutan, yan ang pagpapakita ng Diyos. Sa gayo’y kikilalanin Siya ng ating CCP. Kung hindi, hinding-hindi tatanggapin ng CCP na may Diyos.

Sagot: Hindi ko lang maunawaan, bakit palaging galit ang CCP sa Diyos? Bakit nito palaging tinatanggihan ang Diyos? Bakit ito galit lalo na...