Pinatotohanan n’yo na ang Makapangyarihang Diyos ang Diyos ng mga huling araw na nagpapakita at gumagawa, at sinabi n’yo ring naghahanap ng katotohanan ang paniniwala n’yo sa Kanya, at tinatahak n’yo ang tamang daan ng buhay. Pero sa pagkakaalam ko, marami sa mga naniniwala sa Kanya sa Makapangyarihang Diyos ay katulad ng mga misyonaryo ni Jesus, na sa layunin ng pagpapakalat ng ebanghelyo at pagpapatotoo sa Diyos, ay hindi nag-alinlangang iwan ang pamilya at propesyon, at ibinigay ang katawan at kaluluwa sa Diyos. Sa kanilang lahat marami sa mga kabataan ang hindi nagpapakasal, ginagawa nila ang tungkulin nila sa pagsunod kay Cristo ng mga huling araw. Hindi n’yo yata alam na, dahil iniiwan n’yo ang pamilya n’yo at kumikilos para ikalat ang ebanghelyo at magpatotoo sa Diyos, lalong dumarami ang mga taong naniniwala sa Diyos. Kapag ang lahat ng tao ay napalapit na sa Diyos, sino pang maniniwala sa Partido Komunista, at susunod sa kanila? Malinaw na dahil dito, pinipigilan kayo at inaaresto ng gobyerno. May nakikita ba kayong mali rito? Dahil naniniwala kayo sa Diyos sa ganitong paraan kaya maraming tao ang inaresto at sinintesyahang makulong, at marami ang umalis ng bahay at lumikas. Maraming mag-asawa ang nagdiborsyo, at maraming bata ang walang mga magulang na, magmamahal sa kanila. Maraming matatanda ang walang karamay para mag-alaga sa kanila. Sa paniniwala sa Diyos sa ganitong paraan, dinanas ng mga pamilya ninyo ang matinding paghihirap. Ano ba talagang gusto ninyong makamit? Hindi kaya ito ang tamang daan para sa buhay ng tao na sinasabi n’yo? Ang tradisyunal na kultura ng Tsina ay nagbibigay ng higit na pagpapahalaga sa kabanalan ng pamilya. Ayon sa kasabihan: “Sa lahat ng kabutihan, ang paggalang ng anak sa magulang ang pinakamahalaga.” Sabi ni Confucius: “Habang buhay pa ang mga magulang n’yo, huwag kayong maglalakbay nang malayo.” Ang pagrespeto sa mga magulang ang pundasyon ng pag-uugali ng tao. Sa paniniwala at pagsunod sa Diyos sa paraang ginagawa n’yo, hindi nyo magawang alagaan kahit na ang mga magulang n’yong nagbigay-buhay at nag-aruga sa inyo, pa’no ito naituring na tamang daan para sa buhay ng tao? Madalas kong marinig sa mga tao na, mabubuti ang lahat ng sumasampalataya. Hindi mali yon. Pero naniniwala kayong lahat sa Diyos, sumasamba at nagtatanghal sa Kanya bilang dakila. Ito ang dahilan para magpuyos sa galit ang Partido Komunista, at mapuno ng pagkamuhi. Ginagawa n’yo ang tungkulin n’yo para maikalat ang ebanghelyo, pero ni hindi n’yo maalagaan ang mga sarili n’yong pamilya. Paano ito maituturing na kagandahang asal? Anong masasabi n’yo? Posible kaya na kahit hindi nakikita ay nagkamali kayo ng tinahak na daan sa paniniwala sa Diyos? Sa pagpapakalat ng ebanghelyo at pagpapatotoo sa Diyos sa ganitong paraan, hindi ba’t sinisira n’yo ang pagkakaisa at katatagan ng lipunan? Nakikiusap ako sa inyo na itigil n’yo na ang paggawa ng mali. Bumalik na kayo sa lipunan sa lalong madaling panahon, samahan n’yo na ang pamilya n’yo, magkaro’n ng normal na buhay, at alagaang mabuti ang inyong pamilya. Dapat n’yong gawin ang tungkulin n’yo bilang mga anak at magulang. Ito lang ang pundasyon sa pag-uugali ng tao, at ito lang ang pinakapraktikal.

Agosto 31, 2018

Sagot: Paulit-ulit mong sinasabi na maling daan ang tinahak namin sa paglisan sa mga pamilya at propisyon namin para maniwala sa Diyos at ikalat ang ebanghelyo. Mali ang sinasabi mo. Bilang isang ateista, pwede bang ipaliwanag mo kung ano talaga ang tamang daan ng buhay ng tao? Kaya mo bang makita ang pinagmulan ng kadiliman at kasamaan sa buong mundo? Kaya mo bang makita kung bakit nabubuhay sa kasalanan ang tao, at kung bakit sila nalulubog sa kasalanan? Hindi kaya ang kasakiman sa sarap ng makasalanang aliw ang kaligayahan? Ngayon ay dumating ang Diyos na nagkatawang-tao para iligtas ang sangkatauhan mula sa kasalanan, at dinala ang lahat ng tao sa liwanag, at pinamumunuan sila tungo sa maluwalhating kinabukasan. Dakila at magandang balita ito para sa masama at tiwaling sangkatauhan! Lahat tayo ay mga taong ginawang tiwali ni Satanas. Dapat nating tanggapin ang gawain ng Diyos, at ang lahat ng katotohanan na ipinahahayag ng Diyos. Dito lamang natin makakamit ang kadalisayan, matatanggap ang kaligtasan, at makukuha ang maluwalhating kinabukasan. Ito lamang ang tama, nararapat at tumpak na daan ng buhay ng tao. Paano mo nasasabi na mali ang daang tinatahak ng tao? Ayon sa mga pananaw mo, ang mga alagad ng Panginoong Jesus, na umalis sa tahanan nila at kumilos para sumunod at magpatotoo sa Panginoon, pinalalabas mo ba na maling daan ang tinahak nila? Yung mga misyonaryong taga-Kanluran na umiwan sa mga mahal nila at lupang tinubuan para maglakbay at tumawid sa karagatan ng Tsina, ay inialay ang kanilang buhay sa magturo at magpatotoo para sa pagliligtas ng Panginoong Jesus, ilan sa kanila ay binawian ng buhay para doon, sinasabi mo ba na malulupit sila at mga walang-awa? Dinadala nilang lahat ang kagustuhan ng Diyos upang matulungan ang tao para makamit ang pagliligtas ng Niya. Kabutihan at pagkakawang-gawa ang ginawa nila; yun ang pinakamatuwid sa lahat ng kadahilan ng tao, at ganap na sumusunod sa kagustuhan ng Diyos. Sabi ng Panginoong Jesus: “Kung ang sinomang tao’y pumaparito sa akin, at hindi napopoot sa kaniyang sariling ama, at ina, at asawang babae, at mga anak, at mga kapatid na lalake, at mga kapatid na babae, oo, at pati sa kaniyang sariling buhay man, ay hindi siya maaaring maging alagad ko(Lucas 14:26). “At ang hindi nagpapasan ng kanyang krus at sumusunod sa Akin, ay hindi karapat-dapat sa Akin(Mateo 10:38). Sa nagdaang dalawang libong taon, maraming Kristiyano ang iniwan ang mga pamilya at kumilos para sundin ang mga kahilingan ng Diyos, para ikalat ang ebanghelyo Niya at magpatotoo sa Kanya. Yun ang walang pagsisi nilang pagkilos na nagdulot sa pagliligtas ng Panginoong Jesus, para maikalat sa lahat ng sulok ng mundo. Ngayon ay nagbalik ang Panginoong Jesus bilang ang Makapangyarihang Diyos, at nagpapahayag ng katotohanan upang magawa ang paghatol ng mga huling araw, para madalisay at mailigtas ang sangkatauhan. Ang mga Kristiyano ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos, para mas maraming tao ang matulungan nila na marinig ang mga salita ng Diyos, para matanggap ang pagdadalisay at pagliligtas ng Diyos ng mga huling araw, at para makapasok sa maluwalhating destinasyon na inihanda ng Diyos para sa sangkatauhan, ay iniwan ang kanilang mga pamilya at trabaho, at ginawa ang lahat para magturo at magpatotoo, para sa pagpapakita at gawain ng Tagapagligtas na si Cristo ng mga huling araw. Mali ba ang lahat ng mga sinasabi kong ito? Ito ay ganap na alinsunod sa Biblia at nakaayon sa mga kailangan ng Diyos!

Sinasabi n’yo na kaya nasisira ang mga tahanan ng maraming Kristiyano, ay dahil iniiwan ng mga mananampalataya ang pamilya at propesyon para ikalat ang ebanghelyo. Talaga bang yun ang dahilan? Alam ng bawat tao na mula ng mamuno ang CCP inusig na nila ang paniniwala sa relihiyon, tinawag din nilang, kulto ang Kristiyanismo, at tinawag na, aklat ng kulto ang Banal na Biblia. Malawakan nilang pinahirapan ang mga naniniwala sa Diyos, na naging dahilan para makulong ang napakaraming Kristiyano, at hindi mabilang ang Kristiyanong, sinaktan at pinatay. Sino ba talaga ang sumisira sa mga pamilya? Sinong pumipigil sa mga Kristiyano na makabalik sa tahanan nila, sumisira sa mga pamilya at naghihiwalay sa kapamilya nila? Hindi ba’t ang, trahedyang nilikha ng Partido Komunista ang malawakang nagpapahirap sa mga Kristiyano? Nung iniwan ng mga Kristiyanong taga-demokratikong bansa sa Kanluran ang pamilya at trabaho nila para ikalat ang ebanghelyo at magpatotoo sa Diyos, bakit hindi naman nasira ang mga pamilya nila? Ano ba talagang nangyayari ngayon? Bakit dito sa Tsina kung saan naghahari ang Partido Komunista, ay naging mabigat na krimen, ang paniniwala sa Diyos at ang pagkakalat ng ebanghelyo? Anong bansa ang may ganitong klase ng batas? Anong klase ng partidong pamumuno ito? Noon ay meron akong masaya at maayos na pamilya, pero nalaman ng mga Komunistang pulis na, isa akong mananampalataya, at sinundan ako kahit saan para arestuhin ako. Wala akong nagawa kung hindi ang lumisan. Pero sa kabila ng lahat, hindi pa rin tinigilan ng mga pulis ang pamilya ko. Hindi lang nila binantayan ang bahay namin, at nilagyan ng wire-tap ang telepono namin, pinuntahan din nila sa eskwelahan ang anak ko para mapabilis ang pag-aresto sa’kin, sinasabi nila na krimen ang paniniwala ko sa Diyos. Dahil sa lahat ng ito, nag-iba ang pakikitungo ng mga guro at estudyante sa anak ko, sila ang nag-udyok sa anak ko para ’wag nang mag-aral. Nung taong iyon labing-apat na taong gulang pa lang s’ya. Ilang beses kong naiisip ang anak ko, nangulila ako sa mga magulang ko, pero hindi ako nangahas na tawagan sila kahit isang salita! Pumunta ako ng ilang beses sa bayan namin, pero hanggang sa malayo lang ako, hindi ako nangahas umuwi. Ang karapatang makita ang mga magulang at anak ko kahit sandali lang ay tuluyan ng tinanggal sa’kin. Dahil sa utos at hatol na arestuhin ako, nadamay ang trabaho ng asawa ko, at dahil do’n, nakipaghiwalay s’ya sa akin. Lubhang nasaktan at naapektuhan ang pamilya ko. Sino ba talaga ang dapat sisihin sa lahat ng ito? Wala ng nag-aalaga sa anak ko pati na rin sa mga magulang ko. Sabihin n’yo sa’kin ngayon sino ang tunay na kriminal? Ang gobyernong Komunista ng Tsina hindi ba?! Ginagawa ang lahat ng Partido Komunista para maaresto at mapahirapan ang mga mananampalataya, Tinatanggalan silang lahat ng karapatan para mabuhay. Hindi nila titigilan at patatahimikin ang mga kapamilya ng mga Kristiyano. Sukdulan na ang kawalan ng hustisyang ginagawa nila! Tama ang daan nating mga naniniwala sa Diyos. Ano ba talagang dahilan at pinagmamalupitan kaming lahat at inaabuso ng CCP? Hindi kaya ito ang “kadakilaan at kaluwalhatian, at pagkamatuwid” ng Partido Komunista? Malawakang, inaaresto at pinahihirapan ng CCP ang mananampalataya, na nagdulot ng pagkakawatak-watak ng maraming Kristiyanong pamilya. Sa huli gumagawa sila ng mga akusasyon, at sinasabi nilang ang dahilan ng sakuna ay ang lahat ng mga taong naniniwala sa Diyos, sinasabi rin nilang ginugulo ng mga Kristiyano ang lipunan. Di ba’t malinaw na binabaluktot ng CCP ang tunay na nangyari at ginugulo ang katotohanan? Hindi na sila nahiya sa mga ginagawa nila!

mula sa iskrip ng pelikulang Ang Paglalantand ng Komunismo

Sumunod: Sabi n’yo ang Makapangyarihang Diyos ang pagpapakita ng Diyos sa mga huling araw, at ang tunay na daan. Sinasabi n’yo rin na ang Diyos ang lumikha sa mundong ito, at naghahari sa kung anong nangyayari sa daigdig, na ang gawain ng Diyos ang gumabay at nagligtas sa sangkatauhan. Ano ang basehan n’yo para patotohanan ang mga sinasabi n’yo? Kaming mga taga-Partido Komunista ay pawang mga ateista, at hindi kumikilala sa pag-iral ng Diyos o sa paghahari Niya sa lahat. Lalong hindi namin kinikilala ang sinasabi n’yong pagpapakita at gawain ng Diyos na nagkatawang-tao. Ang Jesus na pinaniniwalaan ng Kristiyanismo ay malinaw na isang tao. May mga magulang Siya, at may mga kapatid. Ganunpaman, ang Kristiyanismo ay malinaw na nag-uutos na kilalanin Siyang Cristo, at sambahin bilang Diyos. Talagang hindi ito kapani-paniwala. Kagaya lang ni Jesus ang Makapangyarihang Diyos na pinaniniwalaan N’yo, malinaw na isa lang s’yang ordinaryong tao. Kaya bakit kailangan ninyong ipilit na Siya ang Diyos na nagkatawang-tao? Bakit kailangan n’yong patotohanan na Siya ang Cristong Tagapagligtas ng mga huling araw na naging tao? Talagang kalokohan at kabaliwan ito hindi ba? Hindi totoo na mayroong Diyos sa mundong ito. Lalong hindi totoo na may umiiral na Diyos bilang Diyos na nagkatawang-tao. Buong tapang ninyong sinasabing ang isang ordinaryong tao ay ang Diyos na nagkatawang-tao. Ano ang basehan ng sinasabi n’yong ito? Maipahahayag n’yo ba ang mga saligan, at basehan ng inyong paniniwala?

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

Tinawag ng mga pambansang lider ang Kristiyanismo at Katolisismo bilang mga kulto, at ang Banal na Biblia ay tinawag nilang aklat ng kulto. Kinikilala ng lahat ang mga katotohanang ito. Kung bakit naman binansagan ng sentrong gobyerno ang mga Kristiyanong bahay-iglesia, at sa partikular Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos bilang mga kulto, sa pagkaintindi ko at ayon sa pagsisiyasat, ganito ang pakiwari ko dyan: Lahat ng magpatunay na ang Diyos ang lumikha sa lahat, ang magsabing ang Diyos ang Tagapaglikha, na Siya ang lumikha sa sangkatauhan, ang magpatotoong Siya ang naghahari sa lahat ng bagay, ang magsabing ang Diyos ang Panginoon ng sansinukob, at nagkokontrol sa sanlibutan, at sinumang magsasabi sa sangkatauhan na ang Diyos lamang ang tingalain, sa Diyos lamang magpailalim, at Diyos lamang ang sambahin, ang lahat ng ito ay mga kulto. Lahat ng nagpapatunay na ang Diyos ay makatwiran, banal at dakila, at sumasaksi sa pag-ibig at pagliligtas ng Diyos sa sangkatauhan, kumukondena kay Satanas bilang demonyong nagpapasama sa mga tao, at bilang masamang pwersa na naghahari sa mundo, lalo na yung direktang umaatake at bumabatikos sa Partido Komunista, kulto ang lahat ng ito. Lahat ng nagsasabing nagbalik na ang Panginoong Jesus, at sumasaksi para kay Cristong nagkatawang-tao, at nagsasabi ng mga salita at gawain ng ordinaryong tao na parang yun ang pagpapakita at gawain ng Tagapagligtas, at nagpapakalat, at nagpapatunay na ang mga salitang inihayag ni Cristo ang katotohanan, yung tumatawag sa mga, tao para tanggapin ang Diyos, para lumapit sa Kanya, at magpaubaya, at yung hindi sumusunod sa Partido Komunista, kulto ang lahat ng ito. Lahat ng nagpapatunay na ang mga salita ng Diyos ang katotohanan, at pinakamataas sa lahat, at nagsasabing, ang Banal na Bibilia, ang salita ng Diyos at Ang, Salita ay Nagpakita sa Katawang-tao ang katotohanan, at yung kumikilos para kalabanin ang Marxismo-Leninismo at ang ideyolohiya at teorya ng Partido Komunista, kulto ang lahat ng ito. Lahat ng nagtuturo at sumasaksi para kay Cristo ng mga huling araw, lahat ng nangangaral na nagbalik na ang Diyos, na dahilan para tanggapin ng tao ang pagliligtas ng Diyos, at yung tumatawag sa tao para iwan ang lahat at sumunod sa Kanya bilang tanging daan para makapasok sa kaharian ng langit, kulto ang lahat ng ito. Ito ang aking pagkaunawa sa pagbabansag ng sentrong gobyerno sa lahat ng Kristiyanong bahay-iglesia, partikular na Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos, bilang mga kulto. Sa Tsina, ang Partido Komunista ang may kontrol. Ang Partido Komunista ay Marxista-Leninista, at ateistang partido politikal na sumasalungat sa lahat ng teismo. Dinedeklara ng Partido Komunista na mga kulto ang lahat ng relihiyosong grupo na naniniwala sa Diyos. Ipinakikita nito ang ganap na awtoridad ng Partido Komunista. Ang Partido Komunista lang ang dakila, kapuri-puri, at ang tama. Ang kahit na anong kumakalaban o sumasalungat sa Marxismo-Leninismo ay maituturing na mali; Yun ang isang bagay na gustong ipagbawal ng Partido Komunista. Sa bansang Tsina, dapat kilalanin ang Marxismo-Leninismo at ang Partido Komunista bilang dakila. Meron bang hindi tama sa sinasabi kong ito? Kayong mga taga-Iglesia ng Makapangyarihang Diyos, ay lantarang nagkakalat na nagbalik na ang Diyos, ang Diyos ng mga huling araw, ang Makapangyarihang Diyos. Pinatutunayan n’yo rin na naghahayag ng katotohanan ang Makapangyarihang Diyos para dalisayin ang tao, para iligtas ang tao, na dumating na sa lupa ang kaharian ng langit. Nagresulta ito ng pagkakagulo at paghihiwalay ng mga relihiyosong grupo, at pinamumunuan ang maraming tao, para mapalapit sa Makapangyarihang Diyos. Nagdulot ito ng pambihirang sensasyon sa Tsina, at nagdala ng matinding kalituhan at pagkabalisa sa lipunan. Sa ginagawa n’yo, ginugulo n’yo ang publiko hindi ba? Kaya idineklara ng sentrong gobyerno, na may sala Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos sa pagiging isang kulto, at nagsasagawa ng pag-atake at panunupil. Naloko kayong lahat at naligaw ng landas. Umaasa ang gobyerno na wala kayong sasayanging oras, sa pagsisisi, sa paglayo sa Iglesia ng Makapangyarihang Diyos, at pagsali sa Iglesia ng Three-Self. Sa ganitong paraan, hindi na kayo ituturing na mga kriminal ng gobyerno.

Sagot: Malinaw n’yong naipaliwanag ang basehan ng Partido Komunista sa pagbabansag sa mga kulto. Pero nadarama ko na ang pagkalaban ng...

Sa paniniwala n’yo sa Kanya, lahat kayo ay may mga sariling ideya at opinyon. Sa tingin ko ang mga ideya nyo at teyorya, ay pawang mga pakiramdam ng pansariling kamalayan, at puro ilusyon lamang ninyo sa mga bagay-bagay. Naniniwala kaming mga Komunista na ang materyalismo at teorya ng ebolusyon ang katotohanan, dahil naayon ang lahat ng yon sa syensya. Malinaw na nagbibigay ang ating bansa ng materyalista at ebolusyonistang edukasyon mula paaralang elementarya hanggang sa unibersidad. Sa tingin n’yo bakit? Yun ay para ipalaganap ang ateista at ebolusyonistang pag-iisip sa lahat ng kabataan sa murang edad, para lumayo sila sa relihiyon at ganun na rin sa pamahiin, at ng sa ganun siyentipiko at maayos nilang maipaliwanag ang lahat ng katanungan. Isang halimbawa ang, tanong tungkol sa pinagmulan ng buhay. Ignorante at makaluma ang mga tao sa nakaraan, at naniwala sa mga kwentong gaya ng paghihiwalay ni Pangu sa langit at lupa, at paglikha ni Nüwa sa mga tao. Ang mga taga-kanluran naman, ay naniwalang ang Diyos ang lumikha sa sangkatauhan. Ang totoo, mitolohiya lang at alamat ang lahat ng ito, at hindi naaayon sa syensya. Mula nang lumitaw ang teorya ng ebolusyon na nagpaliwanag sa pinagmulan ng sangkatauhan, kung paano nagmula ang tao sa mga unggoy, pinabulaanan ng teorya ng ebolusyon ang alamat ng paglikha ng Diyos sa tao. Nalikha ang lahat ng bagay sa natural na pamamaraan. Yun lamang ang katotohanan. Kaya nga Kailangan nating maniwala sa syensya, at sa teorya ng ebolusyon. Kayong lahat ay mga edukado at maraming nalalaman. Kaya bakit kayo naniniwala sa Diyos? Kaya n’yo bang sabihin sa’min ang inyong pananaw?

Sagot: Naniniwala kayong mga Komunista na ang materyalismo at teorya ng ebolusyon ang katotohanan, at kinikilala n’yo sina Marx at Darwin....

Lahat kayo ay naniniwala sa Diyos; Ako naman ay kina Marx at Lenin. Dalubhasa ako sa pagsasaliksik ng iba’t ibang paniniwala sa relihiyon. Sa ilang taon ng pagsasaliksik ko, may nadiskubre akong isang problema. Ayon sa relihiyosong paniniwala ay mayroon talagang Diyos. Pero sa dami ng naniniwala sa Diyos, wala pa namang nakakakita sa Kanya. Ang paniniwala nila ay base sa sarili nilang nararamdaman. Kaya nga nakabuo ako ng konklusyon tungkol sa relihiyosong paniniwala: Purong imahinasyon lang ang relihiyosong paniniwala; yun ay isang pamahiin, at walang matibay na basehan sa syensya. Ang modernong lipunan, ay isang lipunan kung saan napakaunlad na ng syensya. Kailangang, nakabase ang lahat sa syensya, para hindi na magkaro’n ng kamalian. Kaming mga miyembro ng Partidong Komunista ay naniniwala sa Marxismo-Leninismo. Hindi kami naniniwalang may Diyos. Ano bang sabi sa The Internationale? “Kailanma’y di nagkaro’n ng Tagapagligtas ang mundo, o ng diyos at emperador na kailangang asahan. Upang magkaro’n ng kaligayahan ang tao, mga sarili lamang natin ang ating asahan!” Malinaw sa The Internationale na “Kailanma’y di nagkaro’n ng Tagapagligtas ang mundo.” Ang sangkatauhan ay naniwala noon sa Diyos at naging mapamahiin dahil ang sangkatauhan nung mga panahong iyon, ay humaharap sa kababalaghan ng natural na mundo na ang araw, buwan, mga bituin; hangin, ulan, kulog at kidlat, ay hindi makapagbibigay ng siyentipikong paliwanag. Samakatuwid, sumibol sa mga utak nila ang takot at pagtataka tungkol sa di-pangkaraniwang kapangyarihan. Kung kaya nabuo ang mga pinakaunang konsepto ng relihiyon. Bukod ditto, nung hindi malutas ng mga tao ang kahirapang dulot ng mga kalamidad at sakit, umasa silang makakuha ng ginhawang pangkaluluwa sa pamamagitan ng mataimtim na pagsunod sa Diyos. Ito ang dahilan kaya nabuhay ang relihiyon. Kitang-kita naman, Hindi ito makatwiran at hindi siyentipiko! Sa panahong ito, moderno na ang tao, at namamayagpag na ang siyensya. Sa mga larangang gaya ng aerospace industry, biotechnology, genetic engineering at medisina, mabilis na naging maunlad ang lahat ng tao. Noon hindi ito naintindihan ng sangkatauhan, at hindi nila kayang lutasin ang mga problema. Pero ngayon kaya ng ipaliwanag ng siyensya ang mga problemang ito, at pwede ng umasa sa siyensya para magbigay ng mga solusyon. Ngayong maunlad na ang agham at teknolohiya, kung naniniwala pa rin ang tao sa Diyos, at naging mapamahiin, hindi ba’t ito ay kabaliwan at kamangmangan? Hindi ba’t napag-iwanan na ang mga tao sa panahong ito? Ang pinakapraktikal na gawin ay ang maniwala tayo sa siyensya.

Sagot: Sabi n’yo ang relihiyosong paniniwala ay dahil sa napag-iwanan na ang tao sa siyentipikong kaalaman, at nabuo mula sa takot at...

Leave a Reply