Nakikita ko na Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos ay walang ibang ginawa kundi ang ipalaganap ang ebanghelyo at magpatotoo sa gawain ng Diyos sa mga huling araw, habang hinihiling sa mga tao na maging matapat at lumakad sa tamang landas ng buhay ng tao. Ngunit ang CCP ay nagpapalaganap ng impormasyon na nagsasabing ang pangunahing layunin ng simbahan sa pagpapalaganap ng ebanghelyo ay upang pabagsakin ang pamunuan ng CCP. Paano ko malalaman kung ang mga salita ng CCP ay totoo o hindi?

Enero 21, 2022

Nauugnay na mga Salita ng Diyos:

Hindi nakikibahagi ang Diyos sa pulitika ng tao, ngunit kinokontrol Niya ang kapalaran ng bawat bansa at bayan, kinokontrol Niya ang mundong ito at ang buong sansinukob. Ang kapalaran ng sangkatauhan at ang plano ng Diyos ay malapit na magkaugnay, at walang tao, bansa, o bayan ang makakatakas sa kataas-taasang kapangyarihan ng Diyos. Kung nais ng tao na malaman ang kanyang kapalaran, dapat siyang lumapit sa Diyos. Pasasaganain ng Diyos ang mga sumusunod at sumasamba sa Kanya at pahihinain at lilipulin Niya ang mga lumalaban at tumatanggi sa Kanya.

—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Apendise 2: Ang Diyos ang May Kataas-taasang Kapangyarihan sa Kapalaran ng Buong Sangkatauhan

Kung gayon, ano ang layunin ng malawak na pangangaral ng ebanghelyo? (Ang magligtas ng pinakamaraming taong maaaring iligtas.) Ang magligtas ng pinakamaraming taong maaaring iligtas ay isang prinsipyo ng pagliligtas ng Diyos pero hindi ang sagot sa tanong na ito. Mula nang magsimula ang gawaing ito, paulit-ulit Kong tinalakay ang tungkol sa kung paanong, sa panahong ito, dumating ang Diyos para gumawa ng gawain nang sa gayon ay pasinayaan ang isang kapanahunan, para magdala ng bagong kapanahunan at wakasan ang luma—para dalhin ang Kapanahunan ng Kaharian at wakasan ang Kapanahunan ng Biyaya. Ang lahat ng tumanggap sa gawain ng Diyos sa mga huling araw ay nakasaksi sa katunayang ito. Ang Diyos ay gumagawa ng bagong gawain, nagpapahayag ng katotohanan para hatulan ang sangkatauhan, nagdadalisay at nagliligtas sa sangkatauhan. Nagsimula nang lumaganap ang ebanghelyo ng kaharian sa maraming bansa. Nakalabas na ang sangkatauhang ito sa Kapanahunan ng Kautusan at sa Kapanahunan ng Biyaya. Hindi na sila nagbabasa ng Bibliya, hindi na sila namumuhay sa ilalim ng krus, at hindi na sila tumatawag sa pangalan ng Tagapagligtas na si Jesus. Sa halip, nananalangin sila sa ngalan ng Makapangyarihang Diyos at kasabay ring tinatanggap ang mga kasalukuyang salita ng Diyos bilang mga prinsipyo, pamamaraan, at layon ng pananatili sa buhay nila. Hindi ba’t ang ibig sabihin nito ay nakapasok na sa bagong kapanahunan ang mga taong ito? (Oo.) Nakapasok na sila sa bagong kapanahunan. Kaya, ano ang kapanahunan kung kailan mas marami pang tao, na hindi pa tumatanggap sa ebanghelyo sa mga huling araw at sa mga bagong salita ng Diyos, ang nabubuhay pa rin? Nabubuhay pa rin sila sa Kapanahunan ng Biyaya. Ngayon, ano ang inyong responsabilidad? Ito ay ang dalhin sila palabas mula sa Kapanahunan ng Biyaya at papasok sa bagong kapanahunan. Matutupad ba ninyo ang atas ng Diyos sa pamamagitan lamang ng pagdarasal at pagsambit sa Kanyang pangalan? Sapat na ba ang mangaral lang ng ilang salita ng Diyos? Talagang hindi ito sapat. Hinihingi nito sa bawat isa sa inyo na magkaroon ng pasanin na gampanan ang atas na ito ng pangangaral ng ebanghelyo, na malawakang ipamahagi ang mga salita ng Diyos, na ipakalat ang mga salita ng Diyos sa iba’t ibang paraan, at ipakalat at ipalaganap ang ebanghelyo ng kaharian. Ano ang ibig sabihin ng ipalaganap? Ito ay nangangahulugan na iparating ang mga salita ng Diyos sa mga hindi pa nakatanggap sa gawain ng Diyos sa mga huling araw, na ipaalam sa mas maraming tao na gumagawa ang Diyos ng bagong gawain, at pagkatapos ay magpatotoo sa kanila tungkol sa mga salita ng Diyos, gamitin ang inyong mga karanasan para magpatotoo sa gawain ng Diyos, at dalhin din sila sa bagong kapanahunan—sa ganitong paraan, papasok sila sa bagong kapanahunan tulad ninyo. Malinaw ang layunin ng Diyos. Hindi lamang ito para sa inyo na nakarinig sa Kanyang mga salita, na tumanggap sa mga ito, at sumunod sa Diyos, ang makapasok sa bagong kapanahunan, kundi dadalhin din Niya ang buong sangkatauhan sa bagong kapanahunang ito. Ito ang layunin ng Diyos, at ito ay isang katotohanan na dapat maunawaan ng bawat tao na sumusunod sa Diyos ngayon. Hindi inaakay ng Diyos ang isang grupo ng tao, ang isang maliit na paksiyon, o ang isang maliit na pangkat etniko papasok sa bagong kapanahunan; sa halip, nilalayon Niyang dalhin ang buong sangkatauhan sa bagong kapanahunan. Paano maisasakatuparan ang layong ito? (Sa pamamagitan ng malawakang pangangaral ng ebanghelyo.) Tunay nga na dapat itong maisakatuparan sa pamamagitan ng malawakang pangangaral ng ebanghelyo, gamit ang iba’t ibang pamamaraan at kaparaanan upang malawakang ipangaral ang ebanghelyo.

—Ang Salita, Vol. IV. Paglalantad sa mga Anticristo. Unang Aytem: Sinusubukan Nilang Kunin ang Loob ng mga Tao

Ang lahat ng tao ay kailangang maunawaan ang layunin ng Aking gawain sa daigdig, iyon ay, ang nilalayon Kong makamit sa huli at kung anong antas ang dapat Kong makamit sa gawaing ito bago ito maging ganap. Kung, pagkaraang maglakad na kasama Ko hanggang sa araw na ito, ang mga tao ay hindi pa nakakaunawa kung tungkol saan ang Aking gawain, hindi ba walang kabuluhan ang paglalakad nilang kasama Ko? Kung sumusunod ang mga tao sa Akin, dapat alam nila ang Aking mga layunin. Gumagawa na Ako sa lupa sa loob ng libu-libong taon, at hanggang sa araw na ito, ginagawa Ko pa rin ang Aking gawain sa paraang ito. Bagaman maraming proyekto ang nilalaman ng Aking gawain, ang layunin ng gawaing ito ay nananatiling hindi nagbabago; halimbawa, kahit na Ako ay puno ng paghatol at pagkastigo sa tao, ang Aking ginagawa ay alang-alang pa rin sa pagliligtas sa kanya, at alang-alang sa mas mainam na pagpapalaganap ng Aking ebanghelyo at higit na pagpapalawak pa ng Aking gawain sa lahat ng bayan ng Hentil sa sandaling ang tao ay nagawa nang ganap. Kaya ngayon, sa panahon kung kailan maraming tao ang matagal nang lubhang nadismaya, patuloy pa rin Ako sa Aking gawain, ipinagpapatuloy ang gawain na nararapat Kong gawin upang hatulan at kastiguhin ang tao. Sa kabila ng katunayang ang tao ay puno na sa Aking sinasabi, at wala siyang pagnanais na magbigay-pansin sa Aking gawain, isinasakatuparan Ko pa rin ang gawaing nararapat Kong gawin, sapagkat ang layunin ng Aking gawain ay nananatiling hindi nagbabago, at ang Aking orihinal na plano ay hindi masisira. Ang layon ng Aking paghatol ay ang bigyang-kakayahan ang tao na mas mahusay na makapagpasakop sa Akin, at ang layon ng Aking pagkastigo ay ang bigyang-kakayahan ang tao na mas mainam na makapagkamit ng pagbabago. Bagama’t ang lahat ng Aking ginagawa ay alang-alang sa Aking pamamahala, hindi Ako kailanman nakagawa ng anumang gawain na walang pakinabang sa tao, dahil nilalayon Kong gawin ang lahat ng bansa sa labas ng Israel na kasingmapagpasakop ng mga Israelita, gawin silang tunay na mga tao, nang sa gayon ay maaari Akong magkaroon ng posisyon sa mga lupain sa labas ng Israel. Ito ang Aking pamamahala; ito ang Aking gawain sa gitna ng mga bayan ng Hentil. Kahit ngayon, maraming tao ang hindi pa rin nakakaunawa sa Aking pamamahala, sapagkat hindi sila nababahala sa gayong mga bagay, at sa halip ay inaalala nila ang kanilang sariling kinabukasan at hantungan. Kahit ano ang Aking sabihin, nananatiling walang malasakit ang mga tao sa gawaing Aking ginagawa, sa halip ay buong-puso silang nakatuon sa kanilang mga hantungan sa hinaharap. Kung ang mga bagay-bagay ay magpapatuloy sa ganitong paraan, paano mapalalaganap ang Aking gawain? Paano maipapangaral ang Aking ebanghelyo sa buong mundo? Dapat ninyong malaman na kapag ang Aking gawain ay lumaganap, ikakalat Ko kayo, at hahampasin Ko kayo, gaya ng paghampas ni Jehova sa bawat tribo ng Israel. Ang lahat ng ito ay gagawin upang lumaganap ang Aking ebanghelyo sa buong daigdig, para ang Aking gawain ay lumaganap sa mga bayan ng Hentil, nang sa gayon ay magbibigay-daan sa Aking pangalan na madakila sa gitna ng kapwa matatanda at mga bata, at mapuri ang Aking banal na pangalan sa bibig ng mga tao mula sa lahat ng lahi at bansa. Sa huling kapanahunang ito, hayaan ang Aking pangalan na madakila sa gitna ng mga bayan ng Hentil, hayaan ang mga gawa Ko na makita ng mga tao ng mga bayan ng Hentil, hayaan silang tawagin Akong ang Makapangyarihan sa lahat dahil sa Aking mga gawa, at hayaan ang Aking mga salita na matupad sa lalong madaling panahon. Ipaaalam Ko sa lahat ng tao na hindi lamang Ako Diyos ng mga Israelita, kundi ang Diyos din ng mga tao ng lahat ng bayan ng Hentil, kahit na iyong mga bayan na Aking isinumpa. Ipapakita Ko sa lahat ng tao na Ako ang Diyos ng lahat ng nilikha. Ito ang Aking pinakadakilang gawain, ang layunin ng Aking plano ng gawain para sa mga huling araw, at ang tanging gawain na nilalayon Kong isakatuparan sa mga huling araw.

—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Gawain ng Pagpapalaganap ng Ebanghelyo ay ang Gawain Din ng Pagliligtas sa Tao

Sanggunian na mga Sipi ng Sermon at Pagbabahagi:

Sa ating pananampalataya sa Diyos, kumikilos tayo ayon sa mga salita ng Diyos, sa katotohanan, at sa mga hinihingi ng Diyos. Hindi tayo nakikisangkot sa pulitika, ni hindi tayo nakikisali sa anumang mga aktibidad na pampulitika. Ang pinakamababang hinihingi ng Diyos sa mga naniniwala sa Kanya ay, una sa lahat, na hanapin at isagawa natin ang katotohanan, at huwag sumunod sa masasamang kalakaran ng mundo sa labas at huwag gumawa ng masamang gawain ng tiwaling sangkatauhan; ang ating mga kilos ay dapat na may pakinabang sa iba, dapat tayo ang maging ilaw at asin. Bukod pa rito, bilang mga nilikha dapat nating sundin ang kalooban ng Diyos, ginugugol ang ating sarili para sa Diyos at ginagampanan ang ating tungkulin. Yamang biniyayaan tayo ng Diyos ng kaligtasan, pananagutan at obligasyon natin na ipalaganap ang ebanghelyo at magpatotoo sa Diyos, upang ang lahat ng hindi naniniwala sa Diyos, ang hindi pa nakakikilala sa Diyos, at namumuhay pa rin sa ilalim ng sakop ni Satanas ay makalapit sa harap ng Diyos upang siyasatin ang tunay na daan, tanggapin ang katotohanan, makamit ang katotohanan, alisin ang kanilang katiwalian, at maligtas ng Diyos. Ito ang atas ng Diyos, at ito ang tunay na kabuluhan ng gawain ng pagpapalaganap ng ebanghelyo na ginagawa natin. Walang kinalaman sa pulitika ang ating pagpapalaganap ng ebanghelyo at pagpapatotoo sa Diyos—walang sangkot dito na mga layunin o motibong pampulitika, at hindi ito ginagawa para magpabagsak ng isang partikular na pamahalaan o partidong pampulitika. Ganap itong ginagawa para madala ang tiwaling sangkatauhan sa harap ng Diyos, upang matanggap ng mga tao ang gawain ng Diyos sa mga huling araw at sila ay magawang dalisay at maligtas, upang sa huli ay magawa nilang makatakas sa madidilim at masasamang impluwensiya at mamuhay sa liwanag, na inaalagaan, pinoprotektahan, at pinagpapala ng Diyos. Kapag dinadala natin ang mga tao sa harap ng Diyos upang maaari nilang tanggapin ang gawain at kaligtasan ng Diyos, hindi tayo gumagawa ng mga kahilingang pampulitika; hindi hinihingi ng mga salita ng Diyos na ang Kanyang hinirang na mga tao ay tumindig at pabagsakin ang CCP. Ang ipinahahayag lamang ng Diyos ay ang katotohanan, ang lahat ng ito ay mga salitang naglalantad sa tiwaling diwa ng sangkatauhan, ang lahat ng ito ay mga salitang nagliligtas sa mga tao, bumabago sa mga tao, nagpeperpekto sa mga tao at nagtutulot sa mga taong makilala ang Diyos at sundin Siya. Ang lahat ng ginagawa natin ay nakabatay sa mga salita at hinihingi ng Diyos. Hindi kailanman nakibahagi ang ating iglesia sa anumang mga aktibidad na pampulitika, ni wala itong anumang mga pampulitikang kasabihan. Walang ibang sangkot sa pamumuhay ng buhay iglesia maliban sa pagbabahagi sa katotohanan at pagkilala sa sarili, na para sa pagkakamit ng katotohanan, pagsunod sa Diyos, pagsasabuhay sa wangis ng isang totoong tao, at para maligtas ng Diyos. Bukod doon, wala tayo ni katiting na interes sa pulitika. Hindi isang positibong bagay ang pulitika, lalong hindi ito ang katotohanan. Hindi kayang bigyan ng pulitika ang mga tao ng katotohanan, o ng mga pagpapala ng Diyos, lalong hindi kaya ng pulitika na itulot na maligtas ang mga tao; malinaw na nakikita ng lahat na ang pagiging opisyal ay nagdudulot lamang na maging mas masama at mas tiwali ang mga tao. Kaya sa ating pananampalataya sa Diyos hindi tayo kailanman nasangkot sa pulitika, dahil malinaw sa atin na ang pananampalataya lamang sa Diyos ang maaaring makapagpabago sa mga tao para sa mas ikabubuti nito at makapagbigay sa kanila ng dagdag na pagkatao, konsiyensiya, at katuturan. Kung tunay na naniniwala ang mga tao sa Diyos at hinahanap ang katotohanan, walang pagdududa na magagawa nilang alisin ang kanilang katiwalian at isabuhay ang wangis ng isang totoong tao—na siyang mismong pamantayan para sa pagtatamo ng kaligtasan sa pananampalataya ng isang tao sa Diyos.

Ang Diyos ang Lumikha, at ang Diyos lamang ang maaaring magligtas sa tiwaling sangkatauhan. Ipinapalaganap natin ang ebanghelyo at nagpapatotoo sa Diyos upang ang buong sangkatauhan ay makakilala sa Lumikha, at lumapit sa harap ng Lumikha, at sambahin ang nag-iisang tunay na Diyos; ito ang landas ng pagpapala ng tao at, bukod dito, ito ang landas ng kaligtasan ng tao. Ang mundo ngayon ay lalong dumidilim at sumasama, at ang sangkatauhan ay lalong nagiging mas tiwali. Pabagsak ang mundo at nanghihina ang mga moralidad. Kung nais lutasin ng sangkatauhan ang mga isyung ito, dapat maniwala ang mga tao sa Diyos, dapat nilang tanggapin ang mga salita ng Diyos, ang gawain ng Diyos, at ang paghatol at pagkastigo ng Diyos, at makamit ang katotohanan mula sa mga salita ng Diyos. Sa ganitong paraan lamang malulutas mula sa pinakaugat ang mga problema ng kadiliman at kasamaan ng mundo at ang katiwalian ng sangkatauhan. Kaya nga kailangan ang pagpapalaganap ng ebanghelyo para sa katatagan ng lipunan at kaligayahan ng sangkatauhan. May isang paraan lamang upang makamit ng sangkatauhan ang tunay na kaligayahan at para makamit ng lipunan ang pangmatagalang kapayapaan, at iyon ay ang tanggapin ang gawain at pagliligtas ng Diyos. Wala nang ibang landas bukod dito. Hindi mo dapat asahan ang anumang bansa o partidong pampulitika na iligtas ang sangkatauhan, lalong hindi ka dapat umasa sa isang pulitiko, manunulat, o palaisip; ito ay lampas sa mga kakayahan ng tiwaling sangkatauhan. Ang Lumikha lamang, ang nag-iisang tunay na Diyos, ang ganap na may kakayahang iligtas ang sangkatauhan. Kaya ang ating pagpapalaganap ng ebanghelyo at pagpapatotoo sa Diyos ay may sukdulang pakinabang sa sangkatauhan, ito ang kailangan ng sangkatauhan at lipunan, at ito ay ganap na makatarungan. Wala nang mas makabuluhan pa. Nagtitiwala tayo na ang lahat ng nagtataglay ng konsiyensiya, katwiran, at pagiging makatarungan ay susuporta sa ating pagpapalaganap ng ebanghelyo at sasang-ayon sa ating pananaw.

Dahil tinatanggap natin ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos, nauunawaan ang kalooban ng Diyos na iligtas ang sangkatauhan, at nakatitiyak tayo na si Cristo ang katotohanan, ang daan, at ang buhay kaya sinimulan nating ipalaganap ang ebanghelyo at magpatotoo sa gawain ng Diyos sa mga huling araw. Sa pagpapalaganap ng ebanghelyo, ibinabahagi natin sa mga tao ang tunay na landas ng kaligtasan, upang matanggap nila ang tunay na daan at maligtas sila ng Diyos sa mga huling araw. Ito ang ating tungkulin bilang mga mananampalataya ng Diyos, at ito ang ating pinakatunay na pag-ibig. Ang ebanghelyo ng kaharian ng mga huling araw na ipinapangaral natin ay may sukdulang pakinabang sa tao. Samantala, bilang isang naghaharing partido, ang CCP ay hindi lamang walang kakayahang gumawa ng anumang may tunay na halaga o lumutas ng tunay na mga problema para sa mga tao at dalhan sila ng kapayapaan at kaligayahan, kundi pabaya rin sa mga obligasyon nito, habang inuusig, inaaresto, at inaabuso tayo, at lubos na walang konsiyensiya. Hindi ba ito laban sa Langit, isang kumakalaban na kasuklam-suklam na bagay? Bakit pinagpipitaganan ng CCP ang kasamaan at nilalabanan ang pagiging matuwid sa halip na sundin ang kalooban ng Langit at ang puso ng mga tao? Dito, hindi ba ito nawalan ng pagkatao? Sa daan ng pagpapalaganap ng ebanghelyo at pagganap ng kanilang tungkulin, marami sa hinirang na mga tao ng Diyos ang nagsantabi ng kaginhawahan at kasiyahan ng laman. Sa gitna ng matinding hangin at napakalakas na ulan, matinding lamig at nakapapasong init, nagpatuloy sila sa pagpapalaganap ng ebanghelyo ng kaharian ng Diyos; sa kabila ng mga nakasasakit na panlalait, kahit na tinatanggihan, binubugbog at minumura sila ng mga tao, at kahit na inaresto at inusig sila ng CCP, nagpapatuloy sila sa pagpapalaganap ng ebanghelyo at pagganap sa kanilang tungkulin. Ginagawa nila ang lahat ng maaari silang tawagin na gawin, at tanggapin man ito ng mga tao o hindi, itinatrato nila sila nang may pananagutan at may pagmamalasakit. Hindi matatahimik ang ating mga konsiyensiya kung alam natin ang tunay na daan at hindi tayo nangaral o nagpatotoo nito; ni hindi ito magiging makatarungan sa mga tao. Kaya ang ginagawa lamang natin ay magpalaganap ng ebanghelyo at magpatotoo sa Diyos, ipinababatid sa mga tao ang tunay na daan, at ang landas ng kaligtasan sa mga huling araw. Ang ating pagpapalaganap ng ebanghelyo ay ganap na hindi isang pakikisangkot sa pulitika, lalong hindi ito isang panggugulo sa pampublikong kaayusan; sa halip, ito ay paghahanda ng mabubuting gawa, ito ay ganap na upang makalapit sa harap ng Diyos ang sangkatauhan at matanggap ang paglilinis at pagliligtas ng Diyos, makaligtas sa mga sakuna, at makapasok sa magandang destinasyon na hinanda ng Diyos para sa tao—isa itong katotohanan.

—Ang Pagbabahagi mula sa Itaas

Kaugnay na Nilalaman

Pinatototohanan mo na si Jesus at ang Makapangyarihang Diyos ang parehong si Cristo, ang una at ang huling Cristo. Hindi ’yan tinatanggap ng ating CCP. Sa The Internationale, malinaw na sinabi “Walang sinumang naging tagapagligtas ng mundo kailanman.” Pilit n’yong pinatototohanan na dumating na si Cristong Tagapagligtas. Paanong hindi kayo tutuligsain ng CCP? Sa palagay namin, ang Jesus na pinananaligan ng mga Kristiyano ay isang karaniwang tao. Ipinako pa nga siya sa krus. Kahit ang Judaismo ay hindi kinilala na Siya si Cristo. Ang Makapangyarihang Diyos na nagkatawang-tao sa mga huling araw na pinatototohanan n’yo ay isa lamang palang karaniwang tao. Malinaw na inilalarawan sa mga dokumento ng CCP na may apelyido at pangalan Siya. Totoo rin ’yan. Bakit n’yo pinatototohanan na ang gayong karaniwang tao ay si Cristo, ang pagpapakita ng Diyos? Mahirap paniwalaan ’yan! Gaano man n’yo patotohanan ang katotohanang naipahayag at kung paano nagawa ng Makapangyarihang Diyos ang gawain ng paghatol sa mga huling araw, hindi kikilalanin ng ating CCP na ang taong ito ay ang Diyos. Palagay ko katulad lang kayo ng mga tao ng Kristiyanismo, Katolisismo, at Eastern Orthodoxy na nananalig kay Jesus, na nananalig na Diyos ang isang tao. Hindi ba kamangmangan ’yan? Ano ba talaga ang Diyos at ang pagpapakita at gawain ng Diyos? Ibig sabihin ba nito ay ang pagpapahayag lang ng katotohanan at paggawa ng gawain ng Diyos ay pagpapakita ng tunay na Diyos? Yan ang hinding-hindi namin tatanggapin. Kung makakagawa ang Diyos ng mga himala at hiwaga, mapupuksa ang CCP at lahat ng kumakalaban sa Kanya, kikilalanin namin na Siya ang tunay na Diyos. Kung magpapakita ang Diyos sa kalangitan, gagawa ng madagundong na kulog na tatakot sa buong sanglibutan, yan ang pagpapakita ng Diyos. Sa gayo’y kikilalanin Siya ng ating CCP. Kung hindi, hinding-hindi tatanggapin ng CCP na may Diyos.

Sagot: Hindi ko lang maunawaan, bakit palaging galit ang CCP sa Diyos? Bakit nito palaging tinatanggihan ang Diyos? Bakit ito galit lalo na...

Sa paniniwala n’yo sa Kanya, lahat kayo ay may mga sariling ideya at opinyon. Sa tingin ko ang mga ideya nyo at teyorya, ay pawang mga pakiramdam ng pansariling kamalayan, at puro ilusyon lamang ninyo sa mga bagay-bagay. Naniniwala kaming mga Komunista na ang materyalismo at teorya ng ebolusyon ang katotohanan, dahil naayon ang lahat ng yon sa syensya. Malinaw na nagbibigay ang ating bansa ng materyalista at ebolusyonistang edukasyon mula paaralang elementarya hanggang sa unibersidad. Sa tingin n’yo bakit? Yun ay para ipalaganap ang ateista at ebolusyonistang pag-iisip sa lahat ng kabataan sa murang edad, para lumayo sila sa relihiyon at ganun na rin sa pamahiin, at ng sa ganun siyentipiko at maayos nilang maipaliwanag ang lahat ng katanungan. Isang halimbawa ang, tanong tungkol sa pinagmulan ng buhay. Ignorante at makaluma ang mga tao sa nakaraan, at naniwala sa mga kwentong gaya ng paghihiwalay ni Pangu sa langit at lupa, at paglikha ni Nüwa sa mga tao. Ang mga taga-kanluran naman, ay naniwalang ang Diyos ang lumikha sa sangkatauhan. Ang totoo, mitolohiya lang at alamat ang lahat ng ito, at hindi naaayon sa syensya. Mula nang lumitaw ang teorya ng ebolusyon na nagpaliwanag sa pinagmulan ng sangkatauhan, kung paano nagmula ang tao sa mga unggoy, pinabulaanan ng teorya ng ebolusyon ang alamat ng paglikha ng Diyos sa tao. Nalikha ang lahat ng bagay sa natural na pamamaraan. Yun lamang ang katotohanan. Kaya nga Kailangan nating maniwala sa syensya, at sa teorya ng ebolusyon. Kayong lahat ay mga edukado at maraming nalalaman. Kaya bakit kayo naniniwala sa Diyos? Kaya n’yo bang sabihin sa’min ang inyong pananaw?

Sagot: Naniniwala kayong mga Komunista na ang materyalismo at teorya ng ebolusyon ang katotohanan, at kinikilala n’yo sina Marx at Darwin....

Tinawag ng mga pambansang lider ang Kristiyanismo at Katolisismo bilang mga kulto, at ang Banal na Biblia ay tinawag nilang aklat ng kulto. Kinikilala ng lahat ang mga katotohanang ito. Kung bakit naman binansagan ng sentrong gobyerno ang mga Kristiyanong bahay-iglesia, at sa partikular Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos bilang mga kulto, sa pagkaintindi ko at ayon sa pagsisiyasat, ganito ang pakiwari ko dyan: Lahat ng magpatunay na ang Diyos ang lumikha sa lahat, ang magsabing ang Diyos ang Tagapaglikha, na Siya ang lumikha sa sangkatauhan, ang magpatotoong Siya ang naghahari sa lahat ng bagay, ang magsabing ang Diyos ang Panginoon ng sansinukob, at nagkokontrol sa sanlibutan, at sinumang magsasabi sa sangkatauhan na ang Diyos lamang ang tingalain, sa Diyos lamang magpailalim, at Diyos lamang ang sambahin, ang lahat ng ito ay mga kulto. Lahat ng nagpapatunay na ang Diyos ay makatwiran, banal at dakila, at sumasaksi sa pag-ibig at pagliligtas ng Diyos sa sangkatauhan, kumukondena kay Satanas bilang demonyong nagpapasama sa mga tao, at bilang masamang pwersa na naghahari sa mundo, lalo na yung direktang umaatake at bumabatikos sa Partido Komunista, kulto ang lahat ng ito. Lahat ng nagsasabing nagbalik na ang Panginoong Jesus, at sumasaksi para kay Cristong nagkatawang-tao, at nagsasabi ng mga salita at gawain ng ordinaryong tao na parang yun ang pagpapakita at gawain ng Tagapagligtas, at nagpapakalat, at nagpapatunay na ang mga salitang inihayag ni Cristo ang katotohanan, yung tumatawag sa mga, tao para tanggapin ang Diyos, para lumapit sa Kanya, at magpaubaya, at yung hindi sumusunod sa Partido Komunista, kulto ang lahat ng ito. Lahat ng nagpapatunay na ang mga salita ng Diyos ang katotohanan, at pinakamataas sa lahat, at nagsasabing, ang Banal na Bibilia, ang salita ng Diyos at Ang, Salita ay Nagpakita sa Katawang-tao ang katotohanan, at yung kumikilos para kalabanin ang Marxismo-Leninismo at ang ideyolohiya at teorya ng Partido Komunista, kulto ang lahat ng ito. Lahat ng nagtuturo at sumasaksi para kay Cristo ng mga huling araw, lahat ng nangangaral na nagbalik na ang Diyos, na dahilan para tanggapin ng tao ang pagliligtas ng Diyos, at yung tumatawag sa tao para iwan ang lahat at sumunod sa Kanya bilang tanging daan para makapasok sa kaharian ng langit, kulto ang lahat ng ito. Ito ang aking pagkaunawa sa pagbabansag ng sentrong gobyerno sa lahat ng Kristiyanong bahay-iglesia, partikular na Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos, bilang mga kulto. Sa Tsina, ang Partido Komunista ang may kontrol. Ang Partido Komunista ay Marxista-Leninista, at ateistang partido politikal na sumasalungat sa lahat ng teismo. Dinedeklara ng Partido Komunista na mga kulto ang lahat ng relihiyosong grupo na naniniwala sa Diyos. Ipinakikita nito ang ganap na awtoridad ng Partido Komunista. Ang Partido Komunista lang ang dakila, kapuri-puri, at ang tama. Ang kahit na anong kumakalaban o sumasalungat sa Marxismo-Leninismo ay maituturing na mali; Yun ang isang bagay na gustong ipagbawal ng Partido Komunista. Sa bansang Tsina, dapat kilalanin ang Marxismo-Leninismo at ang Partido Komunista bilang dakila. Meron bang hindi tama sa sinasabi kong ito? Kayong mga taga-Iglesia ng Makapangyarihang Diyos, ay lantarang nagkakalat na nagbalik na ang Diyos, ang Diyos ng mga huling araw, ang Makapangyarihang Diyos. Pinatutunayan n’yo rin na naghahayag ng katotohanan ang Makapangyarihang Diyos para dalisayin ang tao, para iligtas ang tao, na dumating na sa lupa ang kaharian ng langit. Nagresulta ito ng pagkakagulo at paghihiwalay ng mga relihiyosong grupo, at pinamumunuan ang maraming tao, para mapalapit sa Makapangyarihang Diyos. Nagdulot ito ng pambihirang sensasyon sa Tsina, at nagdala ng matinding kalituhan at pagkabalisa sa lipunan. Sa ginagawa n’yo, ginugulo n’yo ang publiko hindi ba? Kaya idineklara ng sentrong gobyerno, na may sala Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos sa pagiging isang kulto, at nagsasagawa ng pag-atake at panunupil. Naloko kayong lahat at naligaw ng landas. Umaasa ang gobyerno na wala kayong sasayanging oras, sa pagsisisi, sa paglayo sa Iglesia ng Makapangyarihang Diyos, at pagsali sa Iglesia ng Three-Self. Sa ganitong paraan, hindi na kayo ituturing na mga kriminal ng gobyerno.

Sagot: Malinaw n’yong naipaliwanag ang basehan ng Partido Komunista sa pagbabansag sa mga kulto. Pero nadarama ko na ang pagkalaban ng...

Leave a Reply