Bakit Pumaparito ang Diyos na Nagkatawang-tao sa mga Huling Araw, Hindi sa Anyong Espiritu?

Nobyembre 2, 2021

Bakit Pumaparito ang Diyos na Nagkatawang-tao sa mga Huling Araw, Hindi sa Anyong Espiritu?

Dahil ang Makapangyarihang Diyos, ang Tagapagligtas, ay nagpahayag ng mga katotohanan para sa Kanyang gawain ng paghatol sa mga huling araw, maraming tao ang naghanap at nagsiyasat sa tunay na landas, at pagkatapos ay sinalubong ang pagbabalik ng Tagapagligtas. Nakita na nila kung gaano talaga kamaawtoridad at kamakapangyarihan ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos, na ang mga ito’y talagang ang katotohanan at kinumpirmang ito’y ang tinig ng Banal na Espiritu, na walang ordinaryong tao ang makabibigkas ng mga salitang ito. Nang marinig ang tinig ng Diyos, tinanggap nila ang Makapangyarihang Diyos, itinaas sila sa harap ng trono ng Diyos, at dumalo sa piging ng kasal ng Cordero. Kinakain, iniinom, at nilalasap ng hinirang na mga tao ng Diyos ang Kanyang mga salita araw-araw, na mas lalong nagpapasaya sa kanilang mga puso. ‘Di lang nila tinatamasa ang presensiya ng Diyos, kundi nakakamit nila ang kaliwanagan ng Kanyang mga salita, natututo ng napakaraming katotohanan at nakakaunawa ng napakaraming bagay. Natututuhan din nila ang napakaraming misteryo ng Biblia, na isang malaking kasiyahan. Sila’y nag-uumapaw sa pananampalataya at lumalim ang kanilang pagmamahal para sa Diyos. Marami sa hinirang na mga tao ng Diyos ay walang takot sa harap ng pang-aapi, mga pag-aresto, at pang-uusig ng Partido Komunista ng Tsina. Iniiwan nila ang kanilang mga pamilya at makamundong ugnayan, obligadong ibahagi ang ebanghelyo bilang patotoo sa Diyos. Pinagdurusahan nila ang mga brutal na pag-aresto at pang-uusig ng CCP, pero matapang na nagpapatuloy, ‘di natatakot na sundan ang Diyos at magpatotoo sa Kanya. ‘Di pa sila natatalo, at tiyak na hindi pa sila nalilipol. Matunog silang nagpatotoo para sa Diyos. Ang ebanghelyo ng kaharian ng Makapangyarihang Diyos ay laganap na ngayon sa bawat bansa sa mundo, at ang Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos ay naitatag sa karamihan ng mga ito. Parami nang parami ang mga taong nakarinig sa tinig ng Diyos at bumabaling sa Makapangyarihang Diyos. Ang bilang ng mga nagsisiyasat online sa gawain ng Makapangyarihang Diyos ay dumadami. Ganap na isinasakatuparan nito ang propesiya ng Panginoong Jesus: “Sapagkat gaya ng kidlat na kumikidlat sa silanganan, at nakikita hanggang sa kanluran; gayon din naman ang pagparito ng Anak ng tao(Mateo 24:27). Tulad ng sinasabi ng mga salita ng Makapangyarihang Diyos: “Sa buong sansinukob ginagawa Ko ang Aking gawain, at sa Silangan, walang humpay ang mga dagundong ng kulog, niyayanig ang lahat ng bansa at denominasyon. Ang Aking tinig ang umakay sa lahat ng tao sa kasalukuyan. Idinudulot Ko na malupig ng Aking tinig ang lahat ng tao, upang madala sila sa daloy na ito, at magpasakop sa Aking harapan, sapagkat matagal Ko nang binawi ang Aking kaluwalhatian mula sa buong mundo at muli itong inilabas sa Silangan. Sino ang hindi nasasabik na makita ang Aking kaluwalhatian? Sino ang hindi sabik na naghihintay sa Aking pagbabalik? Sino ang hindi nauuhaw sa Aking muling pagpapakita? Sino ang hindi nananabik sa Aking kariktan? Sino ang hindi lalapit sa liwanag? Sino ang hindi hahanga sa kasaganaan ng Canaan? Sino ang hindi nananabik sa pagbabalik ng Manunubos? Sino ang hindi sumasamba sa Kanya na dakila ang kapangyarihan? Ang Aking tinig ay lalaganap sa buong mundo; haharapin Ko ang mga taong Aking hinirang at sasambit Ako ng iba pang mga salita sa kanila. Gaya ng malalakas na kulog na yumayanig sa mga bundok at ilog, sinasambit Ko ang Aking mga salita sa buong sansinukob at sa sangkatauhan. Kaya naman ang mga salita sa Aking bibig ay naging yaman na ng tao, at itinatangi ng lahat ng tao ang Aking mga salita. Kumikidlat mula sa Silangan patungo sa Kanluran. Ang Aking mga salita ay ayaw isuko ng tao at kasabay nito ay hindi rin niya ito maarok, kundi mas nagagalak dito. Natutuwa at nagagalak ang lahat ng tao, ipinagdiriwang ang Aking pagparito, na tila ba kasisilang lamang ng isang sanggol. Sa pamamagitan ng Aking tinig, dadalhin Ko ang lahat ng tao sa Aking harapan. Mula roon, pormal Akong papasok sa lahi ng mga tao para lumapit sila upang sambahin Ako. Taglay ang kaluwalhatiang nababanaag sa Akin at ang mga salita sa Aking bibig, pahaharapin Ko ang lahat ng tao sa Akin at makikita nila na kumikidlat mula sa Silangan at na bumaba na rin Ako sa ‘Bundok ng mga Olibo’ sa Silangan. Makikita nila na matagal na Akong nasa lupa, hindi na bilang Anak ng mga Hudyo kundi bilang Kidlat ng Silanganan. Sapagkat matagal na Akong nabuhay na muli, at lumisan mula sa sangkatauhan, at pagkatapos ay muli Akong nagpakita nang may kaluwalhatian sa mga tao. Ako Siya na sinamba napakahabang panahon na ang nakalipas bago ngayon, at Ako rin ang sanggol na tinalikuran ng mga Israelita napakahabang panahon na ang nakalipas bago ngayon. Bukod dito, Ako ang napakamaluwalhating Makapangyarihang Diyos ng kasalukuyang panahon! Palapitin ang lahat sa Aking luklukan at ipakita ang Aking maluwalhating mukha, iparinig ang Aking tinig, at patingnan ang Aking mga gawa. Ito ang kabuuan ng Aking kalooban; ito ang wakas at kasukdulan ng Aking plano, gayon din ang layunin ng Aking pamamahala: ang pasambahin sa Akin ang bawat bansa, ang kilalanin Ako ng bawat wika, ang isandig sa Akin ng bawat tao ang kanyang pananampalataya, at magpailalim sa Akin ang bawat tao!” (Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Dumadagundong ang Pitong Kulog—Nagpopropesiya na ang Ebanghelyo ng Kaharian ay Lalaganap sa Buong Sansinukob).

Ang pagbigkas ng Makapangyarihang Diyos, tulad ng isang malakas na liwanag, ay kumalat na mula Silangan hanggang Kanluran. Ipinapangaral ng hinirang na mga tao ng Diyos mula sa bawat bansa ang ebanghelyo, nagpapatotoo sa Kanya, at masayang pinupuri ang Diyos sa pagtalo na Niya kay Satanas at pagkamit ng lahat ng kaluwalhatian. Ang Tagapagligtas na Makapangyarihang Diyos ay nagpakita at nagsimulang gumawa bago ang mga sakuna, at gumawa Siya ng isang grupo ng mga mananagumpay. Ang Kanyang ebanghelyo ng kaharian ay kumalat na sa bawat bansa, at naaayon na sumunod ang mga sakuna. Makikita natin na ang gawain ng paghatol na nagsisimula sa sambahayan ng Diyos ay isa nang malaking tagumpay, at pagkatapos noon, ginagamit ng Diyos ang lahat ng uri ng mga sakuna para hatulan at kastiguhin ang mundong ito. Tumutulong ang mga sakunang ito para palawakin ang ebanghelyo ng kaharian, para iligtas ang mas maraming tao mula sa kasalanan at mula sa mga puwersa ni Satanas. Isa pang aspeto nito ay ginagamit ng Diyos ang mga sakuna para kastiguhin at tapusin ang madilim at masamang kapanahunang ito, para lipulin ang lahat ng masasamang puwersa na kinakalaban ang Diyos. Ito ang magiging bunga ng gawain ng paghatol ng Diyos sa mga huling araw. Ang Makapangyarihang Diyos, ang Tagapagligtas, ay nagpahayag ng napakaraming katotohanan, gumawa ng malaking gawain, at ginulat Niya ang mundo. Pero marami sa mundo ng relihiyon ang naililigaw pa rin ng malaking pulang dragon, ang CCP, at nakatali pa rin ng mga puwersang anticristo sa loob ng relihiyon. Kumakapit sila sa ideyang dapat pumarito ang Panginoon sakay ng isang ulap sa anyong espiritu, na imposibleng bumalik Siya sa katawang-tao bilang Anak ng tao. Kaya sigurado silang anumang hindi pumaparito sakay ng isang ulap ay hindi totoo, na anumang patotoo na Siya ay ang Anak ng tao ay hindi totoo, na ito’y pananampalataya lamang sa tao. Hindi lang sila nabibigong hanapin at siyasatin ang mga salita ng Banal na Espiritu sa mga iglesia, o hanapin at pakinggan ang tinig ng Diyos, kundi ay sinusundan nila ang mga relihiyosong anticristo, patuloy na hinahatulan, kinokondena, at nilalapastangan ang pagpapakita at gawain ng Makapangyarihang Diyos. Kaya hindi pa nila sinasalubong ang Panginoon, sa halip ay nahulog sa mga sakuna, tumataghoy at pinagngangalit ang kanilang mga ngipin, at walang nakakaalam kung sila’y mabubuhay o mamamatay. Maraming nagtatanong. Nagpakita ang Panginoong Jesus sa anyong espiritu sa loob ng apatnapung araw matapos ang Kanyang muling pagkabuhay, kaya dapat Siyang bumalik sa anyong espiritu. Bakit hindi magpapakita ang Makapangyarihang Diyos bilang isang Espiritu, sa halip ay bilang nagkatawang-tao na Anak ng tao? Napakaraming nagtatanong nito, at maraming hindi tatanggap sa Makapangyarihang Diyos dahil Siya ay nasa katawang-tao, hindi sa espiritu. Napakasayang! Napapalagpas nila ang kanilang tanging pagkakataon sa kaligtasan, na kanilang walang hanggang pagsisisihan. Sunod, magkukwento ako ng kaunting pagbabahagi para tugunan ang katanungan kung bakit nagpapakita ang Diyos sa katawang-tao at hindi sa espiritu sa mga huling araw.

Una, tungkol sa kung paano nagpapakita at gumagawa ang Panginoon sa mga huling araw, makukumpirma nating ang Panginoong Jesus ay bumalik sa mundo sa katawang-tao bilang Anak ng tao sa mga huling araw para isagawa ang Kanyang gawain. Base ito sa maraming propesiya mula sa sariling bibig ng Panginoong Jesus, hindi isang bagay na itinakda ng isang tao. Kung talaga mang bumalik ang Panginoon sa anyong espiritu o sa katawang-tao bilang Anak ng tao ay pauna nang naitakda ng Diyos noon pa, at walang pagpipilian ng tao rito. Bilang mga tao, ang magagawa lang natin ay magpasakop, huwag limitahan ang mga bagay base sa mga sarili nating kuru-kuro at imahinasyon. Sa katunayan, kahit ang paunang itinakdang paraan ng pagpapakita ng Diyos ay hindi akma sa mga kuru-kuro ng tao, ito’y ang pinakamabuti, at pinakamakahulugan at kapaki-pakinabang para sa ating kaligtasan. Hindi ito maaaring maging mali. Hindi natin ito maaaring harapin base sa kung anong inaakala natin. Dapat tayong maging matatalinong dalaga, hindi ‘yong mga hangal. Iyon ang tanging paraan para salubungin ang pagpapakita ng Panginoon. Maaaring ipilit ng mga tao ang pagsunod sa sarili nilang mga paglilimita, tumatangging tanggapin ang anuman maliban sa pagparito ng Panginoon sakay ng isang ulap, tinatanggihan ang Anak ng tao na nagkatawang-tao. Ano ang mga kahihinatnan ng pag-uugaling ito? Tiyak na mahuhulog sila sa mga sakuna at mapaparusahan, hinihikayat ang sarili nilang kapahamakan. Kung tayo’y matatalinong dalaga, dapat tayong gumawa ayon sa hinihingi ng Panginoon, hinahanap at pinapakinggan ang tinig ng Diyos para salubungin ang Panginoon, masayang tinatanggap at nagpapasakop sa Kanya anuman ang Kanyang anyo, hindi sinusubukang mamili para sa ating mga sarili. Kung hindi, magiging mga hangal na dalaga tayo, nahuhulog sa sakuna, tumataghoy at pinagngangalit ang ating mga ngipin. Kung gayon, ano ba talaga ang nangyari sa mga huling araw? Bumalik ba ang Diyos sa anyong espiritu, o bilang Anak ng tao? Una, pag-usapan natin kung mas madaling makisalamuha sa Espiritu ng Diyos, o sa Anak ng tao. Mas madali ba sa Kanya na kausapin tayo sa pamamagitan ng Espiritu o sa pamamagitan ng katawang-tao? Maraming tao ang sasagot na mas madali para sa Anak ng tao, sa parehong punto. Tama ‘yan. Kaya nagkatawang-tao ang Diyos nang Siya ay nagpakita at gumawa sa Kapanahunan ng Biyaya. Ang Panginoong Jesus ay ang Anak ng tao. Namuhay Siya kasama ang sangkatauhan—kumakain, umiinom, at namumuhay kasama natin. Maraming sumunod sa Panginoon, nagbabahagi, nakikipag-usap, at nakikisalamuha sa Kanya. Lubos itong malaya at madali, walang anumang paghihigpit o limitasyon. Nakita nilang lahat ang pagiging kaibig-ibig ng Panginoong Jesus. Diniligan, tinustusan, at sinuportahan ng Panginoon, natutuhan ng mga tao ang napakaraming katotohanan. Matapos magpahayag ng Panginoon ng maraming katotohanan, Siya’y ipinako sa krus, naging handog para sa kasalanan ng sangkatauhan. Ang sinuman ay maaaring mapatawad ang kasalanan sa pamamagitan lamang ng pagtanggap sa Panginoong Jesus bilang kanilang Tagapagligtas, nangungumpisal at nagsisisi sa Kanya. Tapos ay matatamasa nila ang kapayapaan at kasiyahan ng kapatawaran ng kanilang mga kasalanan, at ang biyayang ipinagkaloob ng Diyos. Matapos ipako sa krus ang Panginoon, nabuhay muli, at pagkatapos ay umakyat Siya sa langit, parami nang parami ang nagsimulang magbahagi ng Kanyang ebanghelyo, nagpapatotoo sa Panginoong Jesus bilang ang Tagapagligtas, ang pagpapakita ng Diyos. Ang ebanghelyo ng Panginoong Jesus noong unang panahon ay nakarating na sa bawat bansa sa buong mundo. Pinatutunayan nito na ang pagkakatawang-tao ng Diyos bilang Anak ng tao para tubusin at iligtas ang sangkatauhan ay ang pinakamabisa. Hindi nakikita o nahahawakan ng mga tao ang Espiritu ng Diyos—hindi sila maaaring makisalamuha sa Kanya sa ganoong paraan. Hindi natin makakausap ang Espiritu ng Diyos. Kapag nagsasalita ang Espiritu ng Diyos, ang lahat ay nanginginig sa takot. Paano tayo makikipag-usap sa ganoong paraan? Isa pa, imposibleng maipako sa krus ang Espiritu ng Diyos. Paano maipapako sa krus ang isang bagay na ‘di nakikita o nahahawakan ng tao, ‘di ba? Ipinapakita nito sa atin na pinakamabuti para sa Diyos na gumawa bilang Anak ng tao. Niluwalhati ang Diyos nang matapos ng Panginoong Jesus ang Kanyang gawain ng pagtubos sa sangkatauhan. Malinaw ito para sa lahat. Makakatiyak tayo mula sa mga katotohanan ng gawain ng Panginoong Jesus, na sa gawain ng Diyos para iligtas ang sangkatauhan, gawain man ito ng pagtubos o ang gawain ng paghatol sa mga huling araw, ang pagkakatawang-tao bilang Anak ng tao ay ang pinakaangkop. Nagbubunga iyon ng pinakamagandang resulta. Isa pa, ang pagkakatawang-tao ng Diyos bilang Anak ng tao sa mga huling araw ay ganap na isinasakatuparan ang mga propesiya ng Panginoong Jesus: “ang pagparito ng Anak ng tao,” “ang Anak ng tao ay darating,” at “ang Anak ng tao sa Kanyang kaarawan.” Nakikita ng mga bihasa sa Biblia na ang mga salita ng Panginoon ay naisakatuparan na. Kaya bakit napakaraming tao ang kumakapit sa mga kuru-kurong nakapalibot sa pagpapakita at paggawa ng Anak ng tao? Bakit napakaraming tao ang nagpupumilit pa rin na ang Panginoon ay bababa sakay ng isang ulap sa anyong espiritu? Talagang ito’y kahangalan at kamang-mangan. Ang Diyos ay nagpapakita at gumagawa bilang Anak ng tao, mapagpakumbaba at nakatago, hindi lang dahil ito ang pinakamabisa, kundi para makita rin natin ang disposisyon ng Diyos, at kung gaano kakaibig-ibig ang Kanyang pagpapakumbaba at pagiging tago. Direktang nakakasalamuha ng Diyos ang sangkatauhan bilang Anak ng tao, harap-harapan sa atin, kumakain, umiinom, at namumuhay kasama natin, nagpapahayag ng mga katotohanan para diligan, ipastol, at iligtas tayo. Ito ang dakilang pagmamahal ng Diyos! Bakit hindi ito nakikita ng mga tao? Gaya na lang ng sinasabi ng Makapangyarihang Diyos: “Ang pagliligtas ng Diyos sa tao ay hindi direktang ginagawa gamit ang pamamaraan ng Espiritu at pagkakakilanlan ng Espiritu, sapagkat ang Kanyang Espiritu ay hindi maaaring mahawakan o makita ng tao, at hindi Siya maaaring malapitan ng tao. Kung sinubukan Niyang direktang iligtas ang tao sa paraan ng Espiritu, hindi magagawa ng tao na tanggapin ang Kanyang pagliligtas. Kung hindi isinuot ng Diyos ang panlabas na anyo ng isang nilalang na tao, hindi magkakaroon ang tao ng paraan para tanggapin ang kaligtasang ito. Sapagkat walang paraan ang tao upang makalapit sa Kanya, katulad ng walang nakalapit sa ulap ni Jehova. Personal Niyang magagawa ang salita sa lahat ng sumusunod sa Kanya sa pamamagitan lamang ng pagiging isang nilikhang tao, ibig sabihin, sa pamamagitan ng paglalagay ng Kanyang salita sa Kanyang magiging katawang-tao. Sa ganitong paraan lamang maaaring personal na makita at marinig ng tao ang Kanyang salita, at higit pa rito, taglayin ang Kanyang salita, at nang sa gayon ay lubusang mailigtas. Kung ang Diyos ay hindi naging katawang-tao, walang nagtataglay ng laman at dugo ang makakatanggap ng ganoon kadakilang kaligtasan, at wala rin kahit isang tao ang maliligtas. Kung ang Espiritu ng Diyos ay gumawa nang direkta sa gitna ng sangkatauhan, ang buong sangkatauhan ay babagsak o di kaya ay ganap na mabibihag ni Satanas dahil hindi kaya ng tao na makalapit sa Diyos. … Sa pamamagitan lamang ng pagkakatawang-tao maaaring mamuhay ang Diyos na kasama ng tao, maranasan ang paghihirap ng mundo, at mamuhay sa isang normal na katawang may laman. Sa ganitong paraan lamang Niya maaaring matustusan ang mga tao ng praktikal na paraan na kailangan nila bilang mga nilalang. Ang tao ay nakakatanggap ng lubos na kaligtasan mula sa Diyos sa pamamagitan ng pagkakatawang-tao ng Diyos, at hindi direkta mula sa langit bilang kasagutan sa kanyang mga panalangin. Sapagkat ang tao ay may laman at dugo, walang paraan ang tao na makita ang Espiritu ng Diyos, at lalong hindi nito malalapitan ang Kanyang Espiritu. Ang makakaugnayan lamang ng tao ay ang katawan ng Diyos na nagkatawang-tao, at sa pamamagitan lamang nito nauunawaan ng tao ang lahat ng pamamaraan at lahat ng katotohanan at matatanggap ang ganap na kaligtasan” (Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Hiwaga ng Pagkakatawang-tao 4). “Ang pinakamahalagang gawain sa tiwaling tao ay yaong nagbibigay ng tumpak na mga salita, malinaw na mga mithiin na dapat pagsumikapang matamo, at na maaaring makita at mahawakan. Tanging makatotohanang gawain at napapanahong patnubay ang angkop sa panlasa ng tao, at tanging tunay na gawain ang makapagliligtas sa tao mula sa kanyang tiwali at napakasamang disposisyon. Maaari lamang itong makamit ng Diyos na nagkatawang-tao; tanging ang Diyos na nagkatawang-tao ang makapagliligtas sa tao mula sa kanyang dating tiwali at napakasamang disposisyon” (Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Mas Kinakailangan ng Tiwaling Sangkatauhan ang Pagliligtas ng Diyos na Nagkatawang-tao).

Napakalinaw ng mga salita ng Makapangyarihang Diyos. Tanging sa pagkakatawang-tao para sa Kanyang gawain ng paghatol sa mga huling araw ganap na malilinis at maililigtas ng Diyos ang sangkatauhan, at aakayin tayo sa isang magandang destinasyon. Personal nating nasaksihan ang Makapangyarihang Diyos kasama natin, namumuhay kaagapay natin, palaging handang magbahagi ng katotohanan at lutasin ang mga praktikal na problema. Inoobserbahan niya ang katiwalian ng sangkatauhan, isinusulat ang Kanyang mga salita at binibigyan tayo ng mga katotohanan. Tunay nating tinatamasa ang mga salita ng Diyos at ang ating mga espiritu ay napalaya. Kapag ibinabahagi ng Diyos ang katotohanan sa atin, maaari tayong magtanong sa Kanya, at matiyaga Siyang sasagot. Namumuhay ang Makapangyarihang Diyos kasama ang sangkatauhan, nakikipag-usap at nagbabahagi sa atin. Ang ating bawat salita, ang ating bawat kilos, at maging ang ating bawat iniisip, ay napakalinaw sa Diyos, sa harap mismo ng Kanyang mga mata. Maaari Siyang magpahayag ng mga katotohanan anumang oras o lugar, inilalantad ang ating mga satanikong disposisyon at ang ating mga kuru-kuro’t imahinasyon tungkol sa Kanya, itinatama ang ating mga kamalian sa ating pananampalataya at mga maling pananaw sa paghahanap. Ganito tayo personal na dinidiligan at pinapastol ng Diyos sa katawang-tao, harap-harapan tayong tinuturuan at sinusuportahan. Ito’y isang kahanga-hanga’t makabagbag-damdaming karanasan para sa atin. Talagang kaibig-ibig ang Diyos at madaling lapitan. Nakikita natin ang ‘di mabilang na kaibig-ibig na aspeto ng Diyos at minamahal Siya mula sa kaibuturan ng ating mga puso. Si Cristo ay nagpapahayag ng napakaraming katotohanan at gumagawa ng gayong kalaking gawain, pero napakamapagpakumbaba niya at nakatago, hindi kailanman nagpapasikat o inilaladlad ang Kanyang sarili bilang Diyos. Napakakaswal Niya at mabait sa Kanyang pakikisalamuha sa atin, hindi kailanman pinupwersa ang sinumang makinig sa Kanya. Wala ni katiting na kayabangan o pagmamataas si Cristo. Ang mga salita ni Cristo ay mapagkakatiwalaan, walang kasinungalingan, pagpapanggap, at mga panlalansi. Tinatrato Niya tayo na parang mga kapamilya, taos-pusong nakikipag-usap at nakikipagkwentuhan sa atin. Sobrang nakakataba ito ng puso para sa atin. Nakikita natin na walang katiwalian sa pagkatao ni Cristo. Tinataglay Niya ang normal na pagkatao—isang mabait at banal na pagkatao. Kayang ipahayag ni Cristo ang katotohanan saanman, anumang oras, para pagyamanin, suportahan, at gabayan tayo. Mas nakatitiyak pa nga tayong hindi lang normal na pagkatao ang tinataglay ni Cristo, kundi isang banal na diwa. Tunay na Siya ang pagpapakita ng Diyos, ang praktikal na Diyos sa katawang-tao. Sa pagsunod kay Cristo hanggang ngayon, alam nating si Cristo ang katotohanan, ang daan, at ang buhay. Maliban kay Cristo, walang sikat o mga dakilang tao ang makapagpapahayag ng katotohanan at makapagliligtas sa sangkatauhan. Sa anyong katawang-tao ng Diyos, nakikita natin kung ano ang mayroon at kung ano ang Diyos. Nakikita natin ang banal na diwa ni Cristo, at nakikita natin na ang disposisyon ng Diyos ay banal at matuwid. Nakikita rin natin kung gaano kamapagkumbaba at katago ang Diyos, at Siya ay lubos na mabait at kaibig-ibig. Inilalapit tayo nito sa Diyos, nagpapasakop sa Kanya at minamahal Siya. Ang gawain ng Diyos sa katawang tao para iligtas ang sangkatauhan ay labis na makahulugan. Hindi lang nito pinaglalapit ang Diyos at tao, kundi hinahayaan tayong magkamit ng praktikal na kaalaman at pagkaunawa sa Diyos. Sa pamamagitan ng praktikal na gawain ng Diyos natin unti-unting nauunawaan ang katotohanan at nakakapasok sa realidad, tinatanggalan ang ating mga sarili ng maraming tiwaling disposisyon tulad ng kayabangan at pagiging mapanlinlang. Isinasabuhay natin ang isang tunay na wangis ng tao at nakakamit ang biyaya ng kaligtasan ng Diyos. Sa pamamagitan ng gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw, labis nating nararamdaman kung gaano kapraktikal at katotoo ang gawain ng Diyos sa katawang-tao! Kung hindi nagkatawang-tao ang Diyos, hindi natin kailanman makakamit ang gayong katiyak na pagdidilig at pagtustos mula sa Diyos, lalo na ang maunawaan at makamit ang katotohanan, itakwil ang kasalanan, at ganap na mailigtas ng Diyos. Makakamit lamang ito sa pagsasagawa ng Diyos ng Kanyang gawain ng paghatol sa katawang-tao.

Kaya ngayon, malinaw na dapat na nakikita ng lahat na ang Diyos ay nagkatawang-tao sa mga huling araw, nagpapahayag ng katotohanan at ginagawa ang Kanyang gawain ng paghatol alang-alang lang sa paglilinis at pagliligtas sa sangkatauhan. Kung magpapakita at gagawa ang Diyos sa espiritu, tayong mga tiwaling tao, ay hindi magkakaroon ng pagkakataong maunawaan at makamit ang katotohanan, at hindi natin kailanman maitatakwil ang ating katiwalian at maililigtas ng Diyos. Wala talaga itong duda. Gayunpaman, marami sa mundo ng relihiyon ang nakakita na nagpahayag ng napakaraming katotohanan ang Makapangyarihang Diyos, at kinikilala na ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos ay may awtoridad at kapangyarihan, pero dahil Siya ay Anak ng tao na may pangkaraniwan at normal na hitsura, hinuhusgahan at kinokondena nila ang Makapangyarihang Diyos, sinasabing Siya’y isang tao, hindi Diyos. Hibang pa nga nilang nilalabanan, kinokondena, at nilalapastangan ang pagpapakita at gawain ng Makapangyarihang Diyos. Hindi natin maiwasang isipin ang 2000 taon na ang nakalilipas, noong pumarito ang Panginoong Jesus para gumawa. Dahil may normal na hitsura ang Panginoong Jesus, tinrato Siya ng mga Fariseo na parang isa lang Siyang pangkaraniwang tao, mapanghusgang sinasabing, “Hindi ba’t ito ang Nazareno?” “Hindi ba’t ito ang anak ng karpintero?” Gaano man karaming katotohanan ang ipahayag Niya, anong malalaking himala ang Kanyang ginawa, hindi naghanap at ayaw Siyang tanggapin ng mga Fariseo. Sa halip, hinusgahan at kinondena nila ang Panginoong Jesus, sinasabing nagpapalayas Siya ng mga demonyo sa tulong ng prinsipe ng mga demonyo, at sa huli’y ipinako Siya sa krus, ginagawa ang pinakakarumaldumal na kasalanan. Sila’y isinumpa at pinarusahan ng Diyos. Ang Diyos ay dalawang beses na ngayong nagpakita at gumawa sa katawang-tao bilang Anak ng tao. Kaya bakit hindi Siya nakikilala ng mga tao, sa halip ay nilalabanan, kinokondena, at tinatanggihan nila si Cristo? Saan sila nagkakamali? Ito’y dahil panlabas lamang ang tinitingnan nila, na si Cristo ay mukhang isang pangkaraniwang tao. Hindi sila nagsisiyasat, at hindi nila nakikilala ang lahat ng katotohanang ipinapahayag ni Cristo. Hindi nila nakikita ang banal na diwa ni Cristo, sa halip ay nilalabanan at kinokondena lamang si Cristo dahil sa kanilang mga kuru-kuro. Kaya sila’y pinarusahan at isinumpa dahil dito. Sabi sa Biblia, “Ang sumasampalataya sa Anak ay may buhay na walang hanggan: nguni’t ang hindi nananalig sa Anak ay hindi makakakita ng buhay, kundi ang poot ng Diyos ay sumasa kaniya(Juan 3:36). Sinumang kumokondena at lumalaban sa Anak ng tao na nagpapahayag ng katotohanan ay gumagawa ng kasalanan ng paglalapastangan sa Banal na Espiritu, at hindi mapapatawad sa mundong ito o sa susunod. Kailangang matuto ang matatalinong dalaga na hanapin ang katotohanan at pakinggan ang tinig ng Diyos. Ang pagbabalik ng Panginoon sa mga huling araw ay bilang Anak ng tao, nakikipag-usap at gumagawa. Ang mga tumatanggap sa Kanya ay ‘yong nagmamahal sa katotohanan. ‘Yong lahat ng tumatanggi, lumalaban, at kumokondena sa Anak ng tao ay kinamumuhian ang katotohanan. Ibinubunyag ng Diyos ang lahat kung ano talaga sila sa pamamagitan ng pagpapakita at paggawa ng Anak ng tao. Ito ang karunungan ng Diyos, at ibinubunyag nito ang Kanyang pagiging makapangyarihan sa lahat.

Para ibuod, tingnan natin ang ilang sipi ng mga salita ng Diyos.

Sabi ng Makapangyarihang Diyos, “Sa pagkakataong ito, pumaparito ang Diyos upang gumawa ng gawain hindi sa espirituwal na katawan, kundi sa isang napakakaraniwang katawan. Bukod dito, hindi lamang ito ang katawan ng ikalawang pagkakatawang-tao ng Diyos, ito rin ang katawan kung saan bumabalik ang Diyos sa katawang-tao. Isa itong napakapangkaraniwang katawang-tao. Wala kang makikitang anumang nagpapabukod-tangi sa Kanya sa iba, ngunit maaari kang magkamit mula sa Kanya ng mga katotohanang hindi pa narinig dati. Itong hamak na katawang-taong ito ang kumakatawan sa lahat ng mga salita ng katotohanan mula sa Diyos, nangangasiwa sa gawain ng Diyos sa mga huling araw, at nagpapahayag ng kabuuan ng disposisyon ng Diyos upang maintindihan ng tao. Hindi mo ba lubhang ninanais na makita ang Diyos na nasa langit? Hindi mo ba lubhang ninanais na maunawaan ang Diyos na nasa langit? Hindi mo ba lubhang ninanais na makita ang hantungan ng sangkatauhan? Sasabihin Niya sa iyo ang lahat ng mga lihim na ito—mga lihim na wala pang taong nakapagsabi sa iyo, at sasabihin din Niya sa iyo ang mga katotohanang hindi mo nauunawaan. Siya ang pintuan mo patungo sa kaharian, at gabay mo patungo sa bagong kapanahunan. Nagtataglay ng maraming hiwagang di-maarok ang gayong karaniwang katawang-tao. Maaaring hindi maintindihan para sa iyo ang Kanyang mga gawa, ngunit ang buong layunin ng gawaing ginagawa Niya ay sapat na upang hayaan kang makitang hindi Siya isang simpleng katawang-tao na gaya ng inaakala ng mga tao. Sapagkat kinakatawan Niya ang kalooban ng Diyos at ang pangangalagang ipinakita ng Diyos para sa sangkatauhan sa mga huling araw. Bagaman hindi mo naririnig ang mga salita Niya na tila yumayanig sa kalangitan at lupa, bagaman hindi mo nakikita ang mga mata Niya na tulad ng lumalagablab na apoy, at bagaman hindi mo natatanggap ang disiplina ng Kanyang pamalong bakal, gayunman, maririnig mo mula sa Kanyang mga salita na mapagpoot ang Diyos, at mababatid na nagpapakita ang Diyos ng habag para sa sangkatauhan; makikita mo ang matuwid na disposisyon ng Diyos at ang karunungan Niya, at bukod dito, matatanto ang malasakit ng Diyos sa buong sangkatauhan. Ang gawain ng Diyos sa mga huling araw ay ang pahintulutan ang tao na makita ang Diyos na nasa langit na namumuhay kasama ng mga tao sa lupa, at bigyang-kakayahan ang tao na kilalanin, sundin, igalang, at mahalin ang Diyos. Ito ang dahilan kung bakit bumalik Siya sa katawang-tao sa pangalawang pagkakataon. Kahit na ang nakikita ng tao ngayon ay isang Diyos na katulad ng tao, isang Diyos na mayroong ilong at dalawang mata, at isang hindi kapansin-pansing Diyos, sa huli, ipakikita sa inyo ng Diyos na kung hindi umiral ang taong ito, sasailalim ang langit at lupa sa napakatinding pagbabago; kung hindi umiral ang taong ito, magdidilim ang kalangitan, masasadlak sa kaguluhan ang lupa, at mamumuhay ang buong sangkatauhan sa gitna ng taggutom at mga salot. Ipakikita Niya sa inyo na kung hindi pumarito ang Diyos na nagkatawang-tao upang iligtas kayo sa mga huling araw, matagal na sanang winasak ng Diyos ang buong sangkatauhan sa impiyerno; kung hindi umiral ang katawang-taong ito, magiging mga pangunahing makasalanan kayo magpakailanman, at magiging mga bangkay kayo habang panahon. Dapat ninyong malaman na kung hindi umiral ang katawang-taong ito, haharap ang buong sangkatauhan sa hindi maiiwasang kapahamakan at makikitang imposibleng makatakas sa mas matinding kaparusahang ipapataw ng Diyos sa sangkatauhan sa mga huling araw. Kung hindi isinilang ang karaniwang katawang-taong ito, lahat sana kayo’y nasa kalagayan kung saan nagsusumamo kayo para sa buhay nang walang kakayahang mamuhay at manalangin para sa kamatayan nang hindi namamatay; kung hindi umiral ang katawang-taong ito, hindi ninyo makakamit ang katotohanan at makakapunta sa harap ng trono ng Diyos ngayon, kundi sa halip, parurusahan kayo ng Diyos dahil sa mabibigat ninyong kasalanan. Alam ba ninyong kung hindi dahil sa pagbabalik sa katawang-tao ng Diyos, walang magkakaroon ng pagkakataon sa kaligtasan; at kung hindi dahil sa pagparito ng katawang-taong ito, matagal na sanang tinapos ng Diyos ang lumang kapanahunan? Dahil dito, magagawa pa rin ba ninyong tanggihan ang ikalawang pagkakatawang-tao ng Diyos? Yamang napakaraming pakinabang ang matatamo ninyo sa karaniwang taong ito, bakit hindi ninyo Siya malugod na tatanggapin?” (Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Alam Mo Ba? Gumawa ang Diyos ng Dakilang Bagay sa Gitna ng mga Tao).

Ginagawa sa pamamagitan ng karaniwang taong ito ang lahat ng gawain ng Diyos sa mga huling araw. Ipagkakaloob Niya ang lahat ng bagay sa iyo, at higit pa rito, magagawa Niyang pagpasyahan ang lahat ng bagay na may kaugnayan sa iyo. Maaari bang ang ganitong tao ay tulad ng pinaniniwalaan ninyong Siya: isang taong napakapayak na hindi karapat-dapat banggitin? Hindi ba sapat ang katotohanan Niya upang lubos kayong makumbinsi? Hindi ba sapat ang pagsaksi sa Kanyang mga gawa upang lubos kayong makumbinsi? O hindi ba karapat-dapat para sa inyo na tahakin ang landas na Kanyang dinadala? Kapag nasabi at nagawa na ang lahat, ano ang nagdudulot sa inyo na kasuklaman Siya at itaboy Siya at iwasan Siya? Ang taong ito ang nagpapahayag ng katotohanan, ang taong ito ang nagbibigay ng katotohanan, at ang taong ito ang nagbibigay sa inyo ng landas na susundan. Maaari kayang hindi pa rin ninyo nakikita ang mga bakas ng gawain ng Diyos sa loob ng mga katotohanang ito? Kung wala ang gawain ni Jesus, hindi makabababa ang sangkatauhan mula sa krus, ngunit kung wala ang pagkakatawang-tao ng kasalukuyan, hindi kailanman makakamit ng mga bumababa mula sa krus ang pagsang-ayon ng Diyos o makapapasok sa bagong kapanahunan. Kung wala ang pagparito ng karaniwang taong ito, hindi kayo kailanman magkakaroon ng pagkakataong makita ang tunay na mukha ng Diyos, ni magiging kuwalipikado, dahil lahat kayo ay mga bagay na matagal nang dapat winasak. Dahil sa pagparito ng ikalawang pagkakatawang-tao ng Diyos, napatawad kayo ng Diyos at pinakitaan kayo ng awa. Anupaman, ito pa rin ang mga salitang dapat Kong iwan sa inyo sa huli: Ang karaniwang taong ito, na Diyos na nagkatawang-tao, ay napakahalaga sa inyo. Ito ang dakilang bagay na ginawa na ng Diyos sa gitna ng mga tao” (Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Alam Mo Ba? Gumawa ang Diyos ng Dakilang Bagay sa Gitna ng mga Tao).

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

Ano Talaga ang Marapture?

Dalawang libong taon na ang nakalilipas, matapos ipako sa krus ang Panginoong Jesus at makumpleto ang Kanyang gawain ng pagtubos, nangako...