597 Gampanan Mo ang Tungkulin Mo at Tatayo Kang Saksi

1 Anuman ang mangyari sa iyo, dapat kang lumapit sa Diyos—ito ay tama. Dapat mong pagnilayan ang iyong sarili habang hindi inaantala ang pagganap sa iyong tungkulin. Huwag kang magnilay lang at hindi gumawa ng iyong tungkulin—mali iyon. Sa maraming pagkakataon, ang mga pagsubok ng Diyos ay mga pasaning ibinibigay Niya sa mga tao. Gaano man kalaki ang pasaning ipinagkaloob sa iyo ng Diyos, iyon ang bigat ng pasanin na dapat mong dalhin, sapagkat nauunawaan ka ng Diyos, at alam Niyang kakayanin mo ito. Ang pasaning ibinigay sa iyo ng Diyos ay hindi lalagpas sa iyong tayog o sa hangganan ng iyong katatagan, kaya’t tiyak na kaya mo itong pasanin.

2 Anumang paraan ng pasanin ang ibigay sa iyo ng Diyos, o anumang klase ng pagsubok, isang bagay ang tandaan mo: Nauunawaan mo man o ang kalooban ng Diyos o hindi, at nabibigyang-kaliwanagan at natatanglawan ka man ng Banal na Espiritu kapag nananalangin ka o hindi, at kung ang pagsubok na ito ay pagdidisiplina sa iyo ng Diyos o pagbibigay sa iyo ng babala o hindi, hindi mahalaga kung hindi mo ito nauunawaan. Hangga’t hindi ka tumitigil sa paggawa sa tungkuling dapat mong gawin at kaya mong tanggapin nang matapat ang iyong tungkulin, malulugod ang Diyos at maninindigan ka sa iyong patotoo.

Hango sa Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Sa Madalas na Pagbabasa Lamang ng mga Salita ng Diyos at Pagninilay Tungkol sa Katotohanan Magkakaroon ng Daan Pasulong

Sinundan: 596 Dapat Mapanindigan ng Tao ang Kanyang Tungkulin

Sumunod: 598 Dapat Mong Tanggapin ang Pagsisiyasat ng Diyos sa Lahat ng Bagay

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

418 Ang Kahulugan ng Dasal

ⅠAng panalangin ay isa sa mga paraankung paano nakikipagtulungan ang tao sa Diyos,upang tumawag sa Kanyang Espiritu at maantig ng...

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito