121 Ang Wangis ng mga Nagmamahal sa Diyos

Ang nagmamahal sa Diyos, masunurin, mabait.

Ang hindi, nilalabanan Siya,

nagsisikap para sa kapalaran nila, walang konsensya.

Ang nagmamahal sa Diyos, matuwid,

mahal ang katotohanan, sa salita N’ya’y namumuhay.

Tapat, maaasahan, dalisay.

‘Di sila tatalikod sa Diyos kailanman.

Yaong mga ‘di nagmamahal sa Diyos, sila’y mga taksil.

Sila’y tuso, mapanlinlang, sarili lang ang iniisip.

Ang nagmamahal sa Diyos, ayaw Siyang saktan,

naglilingkod nang tapat,

nagtitiis ng hirap nang walang reklamo,

‘di tumatanggap ng gantimpala.

Lahat inilantad sa gawain ng Diyos.

Kanyang salita’y maningning na parang salamin.

Masusuri ng lahat sa Kanyang pagbubunyag

ang tunay nilang pagkatao.


Ang nagmamahal sa Diyos, may takot sa Kanya.

Namumuhay sa katotohanang tunay nilang nauunawaan.

Oo, pag tunay nilang nauunawaan.

Yaong hindi, sasaktan Siya.

Galit sila sa katotohanan, sarili ang sinusunod nila.

Nakakagalit sila, hindi ba?

Ang nagmamahal sa Diyos,

patuloy na sinusunod ang Kanyang kalooban.

Lubos silang sumusunod

at may prinsipyo sa pananalita at kilos.

Puso nila’y kaisa Niya, nakikiisa sa Kanyang iniisip, pag-aalala,

palaging iniisip ang Kanyang kalooban,

sumasaksi kahit sa hirap at pagsubok.

Lahat inilantad sa gawain ng Diyos.

Kanyang salita’y maningning na parang salamin.

Masusuri ng lahat sa Kanyang pagbubunyag

tunay nilang pagkatao.


Ang nagmamahal sa Diyos, hangad Siyang makilala

at magbago ng disposisyon.

Masunuring nagpapasakop sa pagsasaayos Niya.

Kanilang pusong mahal ang Diyos, ‘di nagbabago.

Lahat inilantad sa gawain ng Diyos.

Kanyang salita’y maningning na parang salamin.

Masusuri ng lahat sa Kanyang pagbubunyag

ang tunay nilang pagkatao.

Lahat inilantad sa gawain ng Diyos.

Kanyang salita’y maningning na parang salamin.

Masusuri ng lahat sa Kanyang pagbubunyag

ang tunay nilang pagkatao.

Sinundan: 120 Palaging Magiging Kasama Natin ang Pag-ibig ng Diyos

Sumunod: 122 Mahalin ang Diyos Upang Mamuhay sa Liwanag

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito