110 Mahalin ang Diyos upang Mabuhay sa Liwanag
Ⅰ
Ang mundo ay madilim at sobrang mapanganib,
ang mga salita ng Diyos sa mga huling araw
ay nagpapakita sa tunay na liwanag.
Natatamo ko ang katotohanan sa pagkain
at pag-inom ng salita ng Diyos,
at nakikita ko ang tunay na daan sa mundo.
Nararanasan ko ang mga salita ng Diyos
at nakikita ko ang liwanag,
nakikita ko na ang katotohanan ay totoong-totoo.
Ang mga salita ng Diyos ay buhay ng tao;
ang pagtatamo ng katotohanan ay nagluluwalhati sa Diyos.
Sumusunod ako sa Diyos sa espiritu at sa katotohanan,
ginagampanan kong mabuti ang aking tungkulin
at nagpapatotoo.
Ang mahalin ang Diyos ay lubusang makahulugan,
at mabubuhay ako sa liwanag magpakailanman.
Ⅱ
Ang paghatol at pagkastigo ay napakahalaga,
wala akong magagawa kung
walang pagtatabas at pakikitungo.
Ang mga pagsubok at pagpipino ay inilalantad ang mga tao;
ang pagbabago ay natatamo
sa pagdurusa ng matinding sakit.
Ang pagsasagawa sa katotohanan ay ang ugat;
ang pagmamahal sa Diyos ay ang pinakatotoo.
Ang isang pusong hindi nagmamahal sa Diyos
ay nagkakanulo sa Diyos,
ang tunay na pagmamahal sa Diyos
ay nagiging karapat-dapat sa Kanyang papuri.
Sumusunod ako sa Diyos sa espiritu at sa katotohanan,
ginagampanan kong mabuti ang aking tungkulin
at nagpapatotoo.
Ang mahalin ang Diyos ay lubusang makahulugan,
at mabubuhay ako sa liwanag magpakailanman.
Umasa sa pananampalataya upang maranasan
ang mga pagsubok,
at sumandal sa katotohanan upang tumayong saksi.
Ang mga paghihirap at mga pagsubok
ay nagbubunyag ng tunay na puso;
kung walang katotohanan
ang lahat ay magiging walang kabuluhan.
Sumusunod ako sa Diyos sa espiritu at sa katotohanan,
ginagampanan kong mabuti ang aking tungkulin
at nagpapatotoo.
Ang mahalin ang Diyos ay lubusang makahulugan,
at mabubuhay ako sa liwanag magpakailanman.
Mabubuhay ako sa liwanag magpakailanman.