Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos App

Pakinggan ang tinig ng Diyos at salubungin ang pagbabalik ng Panginoong Jesus!

Hinihikayat namin ang mga naghahanap ng katotohanan na kontakin kami.

Sumunod sa Cordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Laki ng Font

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

0 (Mga) Resulta ng Paghahanap

Walang nakitang mga resulta.

631 Yaong mga Hindi Naghahanap sa Katotohanan ay Hindi Makakasunod Hanggang Wakas

Ang gawain na tinutupad ng Diyos sa mga tao ay una sa lahat upang tulutan silang makamit ang katotohanan; ang paghahangad mo sa buhay ay para sa kapakanan ng pagpeperpekto sa iyo, at lahat ng ito ay upang gawin kang angkop sa paggamit ng Diyos. Ang iyong hinahangad lamang ngayon ay ang pagdinig sa mga misteryo, pakikinig sa mga salita ng Diyos, pagpipista ng iyong mga mata, pagtingin sa isang bagay na bago o pagtingin sa kung ano ang uso, at paghahanap ng sagot sa iyong mga katanungan. Kung ito ang layunin sa iyong puso, walang paraan para sa iyo na maabot ang mga kinakailangan ng Diyos. Yaong mga hindi naghahangad sa katotohanan ay hindi makasusunod hanggang sa katapusan. Sa ngayon, hindi sa ang Diyos ay hindi gumagawa ng anumang bagay—ang mga tao ang hindi nakikipagtulungan, sapagka’t sila ay sawa na sa Kanyang gawain. Ang nais lamang nila ay makinig ng mga salita ng Kanyang pagpapala, at sila ay walang kahandaang makinig sa mga salita ng Kanyang paghatol at pagkastigo. Ano ang dahilan para rito? Ito ay dahil sa ang pagnanais ng mga tao na makamit ang Kanyang mga pagpapala ay hindi pa natupad, at sila ay negatibo at mahina. Hindi sa sinasadya ng Diyos na huwag tulutan ang mga tao na sundin Siya, at hindi sa sinasadya Niyang magpadala ng mga dagok sa sangkatauhan. Ang mga tao ay negatibo at mahina lamang sapagka’t ang kanilang mga layunin ay hindi wasto. Ang Diyos ay ang Diyos na nagbibigay sa tao ng buhay, at hindi Niya madadala ang tao sa kamatayan. Ang pagiging negatibo ng mga tao, kahinaan, at ang pag-urong ay dulot lahat ng kanilang mga sarili.

Hango sa “Kailangan Mong Mapanatili ang Iyong Katapatan sa Diyos” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Sinundan:Ang Paggising sa Katotohanan sa Bingit ng Inyong Kamatayan ay Huling-huli na

Sumunod:Apat na Kasabihan

Baka Gusto Mo Rin