324 Ang Kasuklam-suklam na mga Layunin sa Likod ng Paniniwala ng Tao sa Diyos

I

Mga gawa ng Diyos ay higit pa sa bilang

ng mga butil ng buhangin sa tabing-dagat,

at karunungan Niya’y

lampas pa sa mga anak ni Solomon,

ngunit iniisip ng taong Siya’y

isang hamak na manggagamot lamang,

isang ‘di-kilalang guro ng tao.


Kaya maraming naniniwala sa Diyos

para lang mapagaling Niya sila,

o maitaboy Niya’ng masasamang espiritu

mula sa katawan nila’t

upang makatanggap ng kapayapaa’t

galak mula sa Kanya’t

makahingi ng mas malaking materyal

na yaman mula sa Kanya.

Kaya maraming naniniwala sa Diyos

upang mamuhay lang nang payapa,

upang sila’y maging ligtas

at matiwasay sa mundong darating.


Kaya, sabi ng Diyos,

tao’y may pananalig sa Kanya

dahil nagbibigay Siya ng sobrang biyaya’t

sabi ng Diyos, tao’y may pananalig sa Kanya

dahil sobrang daming magiging pakinabang.


II

Kaya maraming naniniwala lang sa Diyos

upang maiwasan ang pagdurusa sa impyerno’t

tanggapin ang biyaya ng langit.

Kaya maraming naniniwala sa Kanya

para lang sa pansamantalang ginhawa,

ngunit ‘di hangad ang magkamit ng anuman

sa mundong darating.


Kaya, sabi ng Diyos,

tao’y may pananalig sa Kanya

dahil nagbibigay Siya ng sobrang biyaya’t

sabi ng Diyos, tao’y may pananalig sa Kanya

dahil sobrang daming magiging pakinabang.


III

Nung ibinaba ng Diyos ang Kanyang galit sa tao,

binawi lahat ang galak

at kapayapaang taglay niya,

tao’y naging mapagduda.

Nung binigay ng Diyos sa tao’ng

pagdurusa ng impyerno,

binawi ang mga biyaya ng langit,

kahihiyan ng tao’y naging galit.


Kaya, sabi ng Diyos,

tao’y may pananalig sa Kanya

dahil nagbibigay Siya ng sobrang biyaya’t

sabi ng Diyos, tao’y may pananalig sa Kanya

dahil sobrang daming magiging pakinabang.


IV

Nung hingin ng taong pagalingin siya ng Diyos,

namuhi ang Diyos at ‘di ito pinakinggan,

kaya tao’y iniwan Siya upang hanapin ang

panggagaway at pangkukulam.

Nung kinuha ng Diyos ang lahat,

lahat ng hiningi ng tao sa Kanya,

naglaho’ng mga ito nang walang bakas.


Kaya, sabi ng Diyos,

tao’y may pananalig sa Kanya

dahil nagbibigay Siya ng sobrang biyaya’t

sabi ng Diyos, tao’y may pananalig sa Kanya

dahil sobrang daming magiging pakinabang.


Hango sa Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ano ang Alam Mo sa Pananampalataya?

Sinundan: 323 Hindi Tinatrato ng mga Tao ang Diyos Bilang Diyos

Sumunod: 325 Ang Pananampalataya ng Tao sa Diyos ay Napakasama

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

418 Ang Kahulugan ng Dasal

ⅠAng panalangin ay isa sa mga paraankung paano nakikipagtulungan ang tao sa Diyos,upang tumawag sa Kanyang Espiritu at maantig ng...

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito