689 Ang Pagdanas ng Pagtatabas at Pakikitungo ay Pinakamakahulugan

1 Nagiging balintiyak ang ibang tao matapos tabasan at iwasto; ganap silang nawawalan ng lakas para gampanan ang kanilang mga tungkulin, at naglalaho rin ang kanilang katapatan. Bakit ganoon? Isang dahilan nito ang kawalan nila ng kamalayan sa diwa ng kanilang mga kilos, at humahantong ito sa kawalan nila ng kakayahang magpasakop sa pagtatabas at pagwawasto. Ang isa pang dahilan ay hindi nila nauunawaan kung ano ang kabuluhan ng pagiging natabas at naiwasto. Naniniwala ang lahat ng tao na nangangahulugan ang pagiging natabas at naiwasto na natukoy na ang kanilang kalalabasan. Dahil dito, mali nilang pinaniniwalaan na kung medyo tapat sila sa Diyos, hindi sila dapat iwasto at tabasan; kung iwinasto sila, kung gayon ay hindi ito pagpapahiwatig ng pag-ibig at pagiging matuwid ng Diyos. Ang ganoong maling pagkaunawa ay nagsasanhi na mangahas ang mga tao na hindi maging “tapat” sa Diyos. Sa katunayan, kapag tapos na ang lahat, iyon ay dahil masyado silang mapanlinlang; ayaw nilang dumanas ng hirap. Gusto lang nilang magtamo ng mga pagpapala sa madaling paraan.

2 Walang kamalayan ang mga tao sa katuwiran ng Diyos. Hindi naman dahil wala pa Siyang nagawang anumang matuwid o wala Siyang ginagawang anumang matuwid; sadyang hindi lang kailanman naniniwala ang mga tao na ang ginagawa ng Diyos ay matuwid. Sa mga mata ng tao, kung hindi umaayon ang gawain ng Diyos sa mga kagustuhan ng tao, o hindi iyon umaayon sa inaasahan nila, malamang ay hindi Siya matuwid. Subalit, kailanman ay hindi nalalaman ng mga tao na ang kanilang mga kilos ay hindi umaayon sa katotohanan, ni natatanto nila kailanman na nilalabanan ng mga kilos nila ang Diyos. Kung kailanman ay hindi pinakitunguhan o tinabas ng Diyos ang mga tao dahil sa kanilang mga paglabag, o kinagalitan sila sa kanilang mga pagkakamali, bagkus ay kalmado at mahinahon Siya sa kanila, hindi pinasasama ang loob nila o ibinubunyag ang mga dungis nila, at kung hinayaan Niya silang kumain at magpakasaya kasama Niya, hindi kailanman magrereklamo ang mga tao tungkol sa Diyos o hahatulan Siyang di-matuwid; sa halip, paimbabaw nilang sasabihin na tunay Siyang matuwid.

3 Alam ba ng mga gayong tao ang Diyos? Kaya ba ng mga iniisip nila na maging ganap na sang-ayon sa iniisip Niya? Paano mapipigil ng gayong mga tao ang pag-aalala ng Diyos? Walang kaalam-alam ang mga tao na kapag hinahatulan, tinatabas, at pinapakitunguhan ng Diyos ang sangkatauhan, sinusubukan Niyang dalisayin at baguhin ang mga disposisyon nila sa buhay upang magawa nilang magtagumpay sa pagpapasakop sa Diyos at pagmamahal sa Diyos; sadyang hindi naniniwala ang mga tao na matuwid ang Diyos. Sa sandaling bahagya Niya silang pinagalitan o pinakitunguhan, nagiging negatibo at mahina sila, at nagsisimulang magreklamo tungkol sa Kanya. Ayaw nilang maniwala na tinitignan ng Diyos kung paano ipinapahayag ng mga tao ang kanilang mga sarili matapos silang mabago; wala lang silang interes na magbago. Kapag nagpatuloy kayo sa ganitong kalagayan, malilinlang kayo ng inyong mga kuru-kuro, at hindi kayo madadalisay o mapeperpekto.

Hango sa Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Ikatlong Bahagi

Sinundan: 688 Kahit Anupaman ang Ginagawa ng Diyos, Lahat ng Ito ay Upang Iligtas ang Sangkatuhan

Sumunod: 690 Dapat Mong Hangarin ang Kalooban ng Diyos Kapag Nagkaroon Ka ng Karamdaman

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito