176 Mga Araw sa Ilalim ng Pagmamanman

1 Dahil sa pananampalataya sa Diyos, tiniis ko ang pagdakip at pagbilanggo ng CCP, at pinakawalan pagkatapos ng aking sentensiya. Kahit na nakatakas na ako sa bilangguan ng mga demonyo, patuloy pa rin akong sinusubaybayan nang mabuti ng CCP. Bawat araw, ang mga kamerang pansubaybay na nasa harapan ng aking tahanan ay sinusundan ang aking mga galaw. Maging ang mga kapitbahay ko ay sinuhulan at sinamantala ng CCP. Paulit-ulit, dumarating ang mga pulis sa aking pintuan upang tanungin kung nananampalataya pa rin ako sa Diyos. Sa pagkasindak sa CCP, dumagdag pa sa panggigipit sa akin ang aking pamilya. Kaawa-awa ako. Nawalan ako ng pansariling kalayaan, pati na rin ng buhay ng iglesia. Sinusundan ako ng sakit at kawalan ng pag-asa bawat araw, at ang puso ko ay puno ng paghihirap.

2 Madalas kong naaalala ang masasayang panahon ng pagtitipon kasama ang mga kapatid. Nagbahagian kami sa mga salita ng Diyos, nag-usap tungkol sa aming mga karanasan, at tinulungan at sinuportahan ang bawat isa. Pagkatapos sumailalim sa paghatol ng Diyos, unti-unti naming naunawaan ang katotohanan. Sa paglasap ng pag-ibig ng Diyos, nagkaisa kami sa aming tungkulin. Ngayon, ang pananatili sa tahanan ay tila nasa bilangguan pa rin ako; ang puso ko’y puno ng pagkagalit. Bakit ako tinanggalan ng CCP ng aking pansariling kalayaan, ilegal na ikinukulong ako sa tahanan? Bakit ako nito pinigilan sa pagpapalaganap ng ebanghelyo at sa pagtayong patotoo para sa Diyos? Ito’y tiyak na kasamaan! Nasaan ang aming kalayaan sa relihiyon? Nasaan ang mga legal na karapatan ng mga mamamayan?

3 Sa panahong ako’y minamanmanan ng CCP, sinamahan ako ng mga salita ng Diyos at hindi ako nalulumbay. Ang pagbubulay-bulay sa mga salita ng Diyos at pag-unawa sa katotohanan ang nagbibigay sa akin ng pananampalataya at kalakasan. Nakikita kong nililinlang ng CCP ang mundo upang magkamit ng katanyagan, at na sila ay mga demonyong lumalaban sa Diyos. Gumamit sila ng lahat ng paraan upang dakpin at usigin ang mga Kristiyano. Tinatangka nilang gamitin ang pagkulong sa tahanan upang iwan ko ang Diyos o talikuran pa Siya. Napakasama ng kanilang motibasyon! Napakarunong ng Diyos sa Kanyang paggamit sa serbisyo ni Satanas upang gawing perpekto ang aking tunay na pananampalataya. Sa gitna ng sakit at pagpipino, natikman ko ang pag-ibig ng Diyos, at ang pag-ibig ko sa Kanya ay lalo pang tumitibay. Ang makibahagi sa pasakit ni Cristo ay isang napakalaking karangalan! Inalis ni Satanas ang aking kalayaan, ngunit hindi makukulong ang aking isipan. Gaano man karaming paghihirap ang aking pinagdurusahan, gagawin ko ang lahat ng aking makakaya upang hangarin ang katotohanan. Susundin ko si Cristo at magiging tapat hanggang sa pinakawakas, hindi kailanman lilingon, hindi kailanman lilingon!

Sinundan: 175 Pagtitipon sa mga Talahiban

Sumunod: 177 Pagtataya ng Aking Buhay Upang Magpatotoo para sa Diyos

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

610 Tularan ang Panginoong Jesus

ⅠTinapos ni Jesus ang misyon ng Diyos,ang pagtubos sa lahat ng taosa paglalagak sa Diyos ng alalahanin N’ya,nang walang pansariling layunin...

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito