265 Ang mga Bunga ng Pagkawala ng Patnubay ng Diyos sa Sangkatauhan

I

Mula nang magkaroon ang tao

ng agham panlipunan,

isip ng tao’y naging abala

na sa agham at kaalaman.

Agham at kaalaman ay

naging kagamitan na sa pamumuno ng tao’t

wala nang sapat na puwang

para sa taong sambahin ang Diyos,

at wala nang kanais-nais na mga kondisyon

sa pagsamba sa Diyos.

Ang posisyon ng Diyos

ay lumubog nang lalo sa puso ng tao.

‘Pag walang Diyos sa puso niya,

panloob na mundo ng tao’y

madilim, walang pag-asa at hungkag.

Pagkaraa’y maraming panlipunang siyentista,

mananalaysay, at pulitiko’ng

lumitaw nang maghayag ng teorya

ng agham panlipunan,

teorya ng ebolusyon ng tao’t iba pang

sumasalungat sa katotohanang

nilikha ng Diyos ang tao,

upang punuin ang puso’t isip ng tao.


II

At sa ganito, yaong naniniwalang

nilikha ng Diyos lahat ay lalong umuunti’t

yaong naniniwala sa teorya ng ebolusyon

ay lalo pang dumami ang bilang.

Dumarami’ng taong ‘tinuturing

ang mga talaan ng gawain ng Diyos

at salita Niya sa panahon ng Lumang Tipan

bilang mga alamat at kathang isip.

Sa kanilang puso, tao’y nawalang-bahala

sa karangalan at kadakilaan ng Diyos,

sa doktrinang ang Diyos ay umiiral

at namamahala sa lahat ng bagay.

Pananatiling buhay ng tao’t

kapalaran ng mga bansa’y

‘di na mahalaga sa kanila’t

tao’y nasa mundong iniintindi lang

ay pagkain, pag-inom,

at ang paghangad ng kasiyahan. ...

Iilang tao lang ang umaako sa paghanap

kung sa’n gumagawa ang Diyos ngayon,

o kung pa’no Niya pinamumunuan

ang hantungan ng tao.


III

‘Di namamalayang sibilisasyon ng tao’y

‘di kayang tugunan ang nais ng tao

at may maraming tao ngang ramdam na,

sa pamumuhay sa mundong ganito,

sila’y ‘di gaanong masaya

kaysa sa yaong yumao na.

Maging tao ng dating

napakasibilisadong bayan ay nagpapahayag

ng gan’tong hinaing.

Dahil kung wala ang patnubay ng Diyos,

gaano man pakaisipin

ng mga pinuno’t sosyolohista

na preserbahin ang sibilisasyon ng tao,

ito ay walang kabuluhan.

Walang makapupuno

ng kahungkagan sa puso ng tao,

walang makapupuno

ng kahungkagan sa puso ng tao,

dahil walang maaaring maging buhay ng tao’t

walang teoryang panlipunan

ang makapagpapalaya sa tao

sa kawalang nagpapahirap sa kanya.


Hango sa Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Apendise 2: Ang Diyos ang Namumuno sa Kapalaran ng Buong Sangkatauhan

Sinundan: 264 Ang Kahigitan at Kadakilaan ng Makapangyarihan-sa-lahat

Sumunod: 266 Kailangan ng Sangkatauhan ang Probisyon ng Buhay mula sa Diyos

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

147 Awit ng Taos-pusong Pagkapit

ⅠNarito ang Isa, S’ya ay D’yos sa katawang-tao.Wika’t gawa N’ya, lahat katotohanan.Dunong N’ya at pagkamat’wid ay aking mahal.Nakita’t...

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito